Ang Nakaligtaang Katunayan
![]() |
Iba’t-ibang teorya ang ibinigay, nagpapahiwatig ng iba’t-ibang posibilidad sa pagkakakilanlan ng Antikristo. Wala nang kailangang malinlang pa, gayunman. Ang Bibliya ay sagana sa liwanag tungkol sa pagkakakilanlan ng antikristo. |
Ang libu-libong sekta na bumuo sa Protestantismo ay nagbigay ng pinakamaraming pahiwatig. Mga ideya mula sa napakalawak (ang Antikristo ay isang alituntunin ng kasamaan, isang Muslim, o isang demonyo) hanggang sa tiyakan (ang Antikristo ay isang diyablo na nagkatawang tao o ang kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump). Iba pang pahiwatig ng Antikristo ay ang santo papa o isang tao mula sa nakaraan, gaya ng mga emperador ng Roma na kilala sa pag-uusig ng mga Kristyano (Nero, Diocletian, Julian, Caligula, atbp.)
Ang mga Katoliko, na pinakamalaking Kristyanong sekta, ay inangkin na ang Antikristo ay isang tunay na tao. Ipinahayag nila:
Ang Antikristo ay isang indibidwal, isang tanda ng kaaway ni Kristo. Ibinukod nito ang paninindigan ng mga nagpaliwanag ng Antikristo bilang buong koleksyon ng mga sumasalungat kay Hesu-Kristo, o ang Kapapahan. . . . Ang indibidwal na Antikristo ay hindi isang demonyo, gaya ng paniniwala ng ilang sinaunang manunulat; hindi rin siya ang diyablong nagkatawang-tao. Siya ay totoong tao, marahil may katas ng pagka-Hudyo. . . .1
Sa katunayan, mayroong ilang patotoo sa mga pahiwatig na ito. Ang salitang “antikristo” ay nagmula sa salitang Griyego, ἀντίχριστος (#500: antichristos).
Ang Antichristos ay maaaring mangahulugang “laban kay Kristo”2 o “pamalit kay Kristo.” o marahil ay pagsasama ng dalawa[ng salitang-ugat], “sinuman, na gumanap sa pagbabalatkayo bilang Kristo, sumasalungat kay Kristo at inaagaw ang Kanyang kinalalagyan. . . . Ang antichristos ay ayaw kilalanin si Hesu-Kristo na dumating bilang tao. (2 Juan 1:7); ang pseudochristos (5580) ay nanindigan sa sarili na maging Kristo.3
Ang problema sa mga ipinahiwatig na pagpapaliwanag na ito ay napakakitid sa saklaw. Ang isang maingat na pag-aaral ng propesiya ay ipinapakita kung sino o ano ang Antikristo, at ito ay napakalaki.
Naniniwala
ang World’s Last Chance na ang akumuladong ebidensya na ipinakita sa Kasulatan
ay inilabas na ang Romanong
Simbahang Katoliko mismo ay ang nahulaang Biblikal na sistemang antikristo. Ang mga galamay nito ay umabot sa bawat bansa
sa mundo. Ang sistema ng edukasyon ay nag-impluwensya sa mga kaisipan at
humugis ng mga batas sa loob ng ilang siglo. Ang sistema ng pakumpisalan nito
ay bumuo ng pinakamalaking katipunan ng impormasyon sa balat ng lupa. Ang
antikristo mismo ay kumakatawan kay Pope Francis, na aming pinaniniwalaan na
naging ikawalo
at huling papa na tinukoy sa Pahayag
17.
Ang ideya na ang papa ay ang Antikristo ay unang lumitaw noong ika-11 siglo, bagama’t ito ay hindi nakakuha ng katanyagan hanggang itinuro ng mga repormistang Protestante noong ika-16 na siglo. Isinulat ni Martin Luther na ang kapapahan ay “walang iba kundi ang kaharian ng Babilonya at ng mismong Antikristo. Sapagkat siya na suwail at anak ng kapahamakan, sapagkat siya sa kanyang pagtuturo at sa kanyang kautusan, tumataas ang pagkakasala at kapahamakan sa loob ng simbahan; habang siya pa ay nakaupo sa simbahan at animo’y siya pa ang Diyos? Lahat ng mga kondisyong ito sa ngayon sa loob ng maraming panahon ay binigyang katuparan ng despotismong kapapahan.”4
Ang sistema ng Antikristo ay pinangungunahan
ng Inang Simbahang Katoliko at, pangalawa, lahat ng kanyang mga “anak”
– ang mga Simbahang Protestante na nagbibigay-parangal sa papa sa pagkapit sa
mga araw ng pagsamba na kalkulado ng kalendaryo
ng papa. Ito ay mula sa parehong Ina at kanyang mga anak na ang salita ni
Yahuwah ay nagbigay ng napakahalagang kautusan: “Lumabas kayo
mula sa kanya, bayan Ko!”
Ang Katolisismo ay umangkop sa kahulugan ng “antikristo” na ang mga doktrina nito (na nagdulot ng pag-alipin sa buong lahi at pagpatay sa milyun-milyon pa) ay “laban kay Kristo.” Ang mga doktrinang ito ay lubos na kabaligtaran sa mga pagtuturo ng Mapagpakumbaba na isinugo “upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi.” (Lucas 4:18)
Si Pope Francis din ay ang nahulaang Antikristo dahil siya ay literal na “pamalit kay Kristo.” Itinuro ng mga Katoliko na ang papa ay banal, ang “bikaryo ni Kristo” o “Kristo sa lupa.” Ang Bikaryo ay anyong Tagalog ng salitang Latin na, vicarius, o “pamalit kay.” Ang Catholic Encyclopedia ay nagpahayag:
Ang Bikaryo ni Kristo (Latin, Vicarius Christi), ay isang titulo ng papa na nangahulugan sa kanyang kataas-taasan at pangkalahatang kaunahan, sa parehong parangal at hurisdiksyon, sa Simbahan ni Kristo. . . . Ang titulong Bikaryo ni Kristo ay [pinaka] makahulugan ng kanyang dakilang pamumuno sa Simbahan sa lupa, kung saan taglay niya sa kabanalan ng komisyon ni Kristo at sa bikaryong kapangyarihang nanggaling sa Kanya. . . . Ang titulong Bikaryo ng Diyos na ginamit para sa papa ni Nicholas III . . . ay ginamit rin bilang katumbas para sa Bikaryo ni Kristo.5
Ang Makapangyarihan ay hindi kailanman pahihintulutan ang sinuman na palitan Siya, o ang Kanyang Anak, sa lupa. Sinumang gumagawa nito, ay kalapastanganan laban sa Kaharian ng Langit.
Ang Repormasyong Protestante ay tumanyag ng Makalangit na liwanag sa maraming patotoo na matagal nang ibinaon sa ilalim ng akumuladong basura ng pagkakamali at tradisyon. Ang kapangyarihang ng katotohanan ay nagpamulat sa mga madilim na kaisipan at naghimok sa maraming tao na lumabas sa mga pagkakamali at kahangalan ng Katolisismo. Ang Kontra-Repormasyon ay isang tangka ng kapapahan na pahintuin ang pagsulong ng Protestantismo sa pagbibigay ng mga alternatibong pagpapaliwanag upang makitungo sa mga akusasyon ng mga Repormista. Bilang karagdagan, sila’y nagbigay ng pamalit na mga interpretasyon ng propesiya upang palihisin ang mga masasakit na pahayag ng mga Repormista na ang papa mismo ay ang Antikristo.
![]() |
Iclick rito para mabasa ang makademonyong Panunumpa ng Heswita! |
Ang Kalipunan ni Hesus, o ang Order ng Heswita, ay itinatag noong 1540 para sa hayagang layunin ng pagpapalaganap ng Romano Katolikong bersyon ng Kristyanismo sa buong mundo. Ang kumbersyon ng mga Muslim ay ang unang layunin. Itinatag ni Ignacio Loyola, isang dating sundalo, at si Francis Xavier, ang mga Heswita ay tinukoy bilang “Mga Sundalo ng Diyos.” Bagama’t hindi lantarang binuo para sabayan ang Protestantismo,6 ang bagong order na ito ay agad inilipat ang atensyon para labanan ang mga pagtuturo ng Protestante at muling ilipat ang mga tagasunod nito.
Ang Order ng Heswita ay agad nakakuha ng kapangyarihan at sa likod-ng-senaryo na impluwensya, ngunit wala kahit isa sa kanilang bilang ang naging papa . . . hanggang Marso 13, 2013, nung si Jorge Mario Begoglio ng Argentina ay nanumpa bilang Kanyang Kabanalan Francis, Obispo ng Roma, Bikaryo ni Hesu-Kristo, ang ika-266 na papa. Si Francis, ang ikawalo at huling papa na nahulaan sa Pahayag 17, ay natatangi sa bilang ng paraan. Siya ang pinakaunang papa mula sa Amerika (Timog Amerika), ang unang papa mula sa “Timog Hating-Daigdig,” ang unang papang Heswita, at ang unang hindi-Europeong papa sa loob ng 1,272 taon!
Ang ugnayan sa pagitan ni Francis bilang unang papang Heswita habang bilang ikawalong papa ng propesiya ay hindi maaaring makaligtaan. Mabilis na nakita ng NBC News World ang kahalagahan ng pagsulong ni Begoglio sa trono ng kapapahan, siniyasat na: “Si Pope Francis ay natatangi hindi lamang sa pagiging unang Latino Amerikanong papa. Siya rin ang unang papang Heswita, posibleng hudyat ng bagong pagpapahalaga sa tradisyonal na Katolikong teolohiya ng simbahan.”7
![]() |
“At saka ipinapangako at ipapahayag ko na ako ay, kapag nagkaroon ng pagkakataon, gumawa at magpasiklab ng mabagsik na digmaan, palihim man o hindi, laban sa lahat ng mga erehe, mga Protestante at mga Liberal, sapagkat nakadirekta sa akin gawin, upang lipulin at puksain sila mula sa ibabaw ng lupa; at hindi kaaawaan sa anumang edad, kasarian o kondisyon; at ako’y magbibitin, maggigiba, magpapakulo, magtatalop, mananakal at maglilibing nang buhay sa mga ubod ng samang erehe, tatastasin ang kanilang mga tiyan at sinapupunan ng kanilang mga kababaihan at dudurugin ng ulo ng mga sanggol nila sa pader, upang puksain magpakailanman ang kanilang kapoot-poot na lahi.” (Kinuha mula sa Panunumpa ng Heswita) |
Si Michael J. Sheeran, isang paring Heswita at Pangulo ng Association ng Jesuit Colleges and Universities, sinipi sa artikulo ng NBC gayong nagbigay ng komento sa tahimik, simpleng pamumuhay ni Francis bilang isang kardinal sa Argentina.
Ngunit sa pagiging payak ay nagtatago ang isang maaserong pagpupunyagi upang isulong ang mga alituntuning Heswita, lalo sa kahalagahan ng mga tradisyonal na Katolikong pagtuturo at proteksyon sa mga mahihirap at naaapi, sinabi ni Sheeran.
Ang determinasyon iyon ay lumitaw sa panahon ng paglilingkod ni Bergoglio bilang nangungunang Heswitang lider ng Argentina simula noong 1973, sinabi ni Sheeran, itinala, “Siya ay isang matibay na tao na tinitiyak ang kanyang mga tauhan na makukuha ang punto.”
“Sa tingin ko’y makakahanap ka ng isang tao na konserbatibo sa teolohiya subalit napakalakas sa mga bagay ng panlipunang katarungan.” sinabi ni Sheeran.8
Ang mga ito’y tunay na hindi pangkaraniwang salita. Ang mga Heswita ay pinakamagaling sa pagpapalaganap ng alternatibong pagpapaliwanag para sa Antikristo na naglihis sa atensyon mula sa papa at Katolisismo. Ang isang teolohiko-konserbatibong papa ay mas maaaring manguna sa paraan sa pagbabalik ng mga nakaraang pag-uusig ng kapapahan “sa pagtanggol sa pananampalataya” kaysa sa sinuman na mas katamtaman sa kanyang mga pananaw.
Ang
kapapahan ay nakatanggap ng nakamamatay
na sugat noong 1798 mula sa isang Hyugunong Pranses, Heneral Louis
Alexandre Berthier, dinakip ang papa at ikinulong. Gayunman, “ang proseso ng
pagbibigay sa kapapahan ng nakamamatay na sugat ay nagsimula noong 1793 sa
pagpapakilala ng isang kalendaryo na ang pangunahing layunin ay wasakin ang
anumang koneksyon sa Kristyanismo.”9 Ang pangunahing patunay ng
kapangyarihan ng kapapahan ay ang katunayan na pinalitan niya ang araw ng
pagsamba mula sa Biblikal na Sabbath tungo sa araw ng Linggo. Isang kalendaryo
na nag-alis sa araw ng Linggo mula sa kalendaryo, gaya ng ginawang kalendaryo
ng Republikang Pranses, ay isang dagok na direktang nakatutok sa kapangyarihan
at karapatan ng kapapahan.
Sa pagdating ng ika-20 siglo, naging mali pang-pulitikal na tatakan ang papa, bilang pinuno ng sistema ng antikristo, o maging Ang Antikristo. Kaya, maraming Protestante ang tumungo sa mga alternatibong pagpapalagay kung sino (o ano) ang Antikristo kapag siya ay lumitaw.
Ito ay paglalaro sa kamay ng diyablo. Ang mga doktrina at mga paniniwala na ipinagpaliban sa hinaharap na ano ang kasalukuyan sa mundo ngayon ay dinaya ang masa. Naghangad sila para rito o para maging tagapagbalita ng pagbabalik ng Tagapagligtas. At ang lahat ng sandali, ang mapagpalang pangyayari na iyon, matagal na hinihintay, ay patuloy na papalapit. Ang Kristyanismo ay naghahangad sa hinaharap ng paglitaw ng Antikristo, subalit nandito na siya.
Ipinahayag ni Pablo: “Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Eloah hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Eloah at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang Eloah [Diyos] at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Eloah at magpapakilalang siya ang Eloah.” (2 Tesalonica 2:3, 4)
Ang mundo’y nalinlang sa pag-asa ng nalalapit na paglitaw ng Antikristo, habang ang tunay na Antikristo ay pinapatibay ang kanyang himpilan at kapangyarihan at naghahanda na tuparin ang kanyang papel na itinakda ni Satanas! Ito ay hudyat ng muling pagbuhay ng mga nakaraang pag-uusig sapagkat ang lahat ay sapilitang patatakan ng tanda ng halimaw sa kirot ng kamatayan.
![]() |
Ang mundo’y nalinlang sa pag-asa ng nalalapit na paglitaw ng Antikristo, habang ang tunay na Antikristo ay pinapatibay ang kanyang himpilan at kapangyarihan at naghahanda na tuparin ang kanyang papel na itinakda ni Satanas! |
Ipinakita kay Juan ang Mamamahayag ang isang halimaw, sakay ang isang babaing nangangalunya. Ang mga nakilalang tanda ng propetikong larawan na ito ay tumutok sa kapapahan. Sa pagpapaliwanag ng mga simbulo kay Juan, ipinahayag ng anghel: “Kailangan dito ang pang-unawa at karunungan: ang pitong ulo ay ang pitong burol na kinauupuan ng babae. Ang mga ito rin ay pitong hari: bumagsak na ang lima sa kanila, naghahari pa ang isa, at ang huli ay hindi pa dumarating. Pagdating niya, sandali lamang siyang maghahari. At ang halimaw na buhay noong una ngunit ngayo'y wala na ay isa sa pitong hari at siyang magiging ikawalo. Siya ay patungo sa kapahamakan.” (Pahayag 17:9-11)
Itinataas ng WLC ang tinig nito sa babala sa loob ng ilang taon para dalhin ang atensyon sa napakahalagang siping ito. Ang Kasunduang Lateran ng 1929 ay isang mahalagang pagsulong sa paggaling ng “nakamamatay na sugat” ng kapapahan.
Sa pagpapatibay ng Kasunduang Lateran, kinikilala ng kapapahan ang estado ng Italya, kasama ang Roma bilang kapitolyo nito. Ang Italya bilang kapalit ay kinikilala ang kapangyarihang kapapahan sa siyudad ng Vatican, isang maliit na teritoryo ng 44 ektarya (109 akre), at siniguro ang ganap na kalayaan para sa papa.10
Sapagkat binalangkas sa ibang mga artikulo. Matatag na naniniwala ang WLC na ang walong hari na tinutukoy ang walong huling papa na maghahari sa daigdig bago ang muling pagdating ng Tagapagligtas.
1. Unang Hari: Pius XI (1922-1939) |
5. Ikalimang Hari: John Paul I (1978) |
Ang kapapahan ngayon ay mas tanyag na kaysa sa dati. Dahil dyan, ito ay mas makapangyarihan kaysa sa dati. Ang mga Protestante, na mga unang naghayag nang palapatian sa papa bilang Antikristo, ay nagiging galit o suklam kapag ang paksa ay ipinahayag. Kaya, ang bise rehente ni Satanas ay patagong nag-iipon ng kapangyarihan at impluwensya habang ang mga tao ay ginugulo ng mga alternatibo, maling pagpapaliwanag, naghahangad para sa isang katuparan sa hinaharap ng ano nang natupad sa harap ng mismong mga mata nila.
Matatag na naniniwala ang WLC na sa nalalapit na hinaharap, si Pope Francis ay gagamitin ang Estados Unidos na ipatupad ang huwad na Sabbath sa buong mundo. Magpapasiklab siya ng digmaan laban sa mga tunay na tagasunod ni Yah na nagpapahalaga ng tunay na Sabbath ni Yah at ang tunay na kalendaryo.
Nagbabala ang Kasulatan: “Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.” (Kawikaan 27:12)
Lahat ng umiibig kay Yahuwah, unawaing mabuti ang mga salita ng Kasulatan: “Ngunit kalagim-lagim ang daranasin ninyo, lupa at dagat, sapagkat ang matinding poot ng diyablo ay babagsak sa inyo! Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kanya.” (Pahayag 12:12)
Lumabas! Lumabas ng Babilonya at lahat ng kanyang mga anak. Lumayas sa tradisyon at pagkakamali. Yakapin ang katotohanan sapagkat ito’y makikita kay Yahuwah.
1http://www.catholic.org/encyclopedia/view.php?id=863
2 Ang “Kristo” ay nagmula sa salitang “Christos” na Griyegong katumbas ng Hebreong “Messiah” (Mesias).
3The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, #500, p. 965.
4 Martin Luther, First Principles, pp. 196-197.
5http://www.catholic.com/encyclopedia/vicar-of-christ
6http://www.newadvent.org/cathen/14081a.htm
7http://worldnews.nbcnews.com/_news/2013/03/13/17300861-pope-francis-breaks-another-barrier-as-first-jesuit-pontiff?lite, binigyang-diin.
8Ibid.
9http://4angelspublications.com/articles/French_Calendar_Reform.pdf
10http://www.britannica.com/EBchecked/topic/331566/Lateran-Treaty