Ang Huling Pag-asa ng Sandaigdig May Bagong Kautusang Pang-daigdig na Magsisimula Na: Handa ka na ba para dito?
Ang Huling Pag-asa ng Sandaigdig May Bagong Kautusang Pang-daigdig na Magsisimula Na: Handa ka na ba para dito?
- Ang USA at ang kapapahan ay nagnanais nito
- Ang paglabas nito ay bibihag sa sandaigdig
- Hinulaan 2000 taon nang nakalipas
- Papaano maka-iwas na mabiktima nito
![]() |
Sinimulan ni Pope John Paul II ang bagong taon na may panawagan para sa... pag-gawa ng bagong kautusang pang-daigdig.” Ene. 2, 2004, The Christian Post |
![]() |
“Ito’y malaking ideya: isang bagong kautusang pang-daigdig… tanging ang Estados Unidos lamang ang may kapwa katayuang moral at kakayahan na itaguyod ito.” Dating Presidenteng George Bush, State of Union address, Ene. 29, 1991 |
Ang daigdig natin ay (bilang mga taon sa halip na mga dekada), haharap sa isang krisis pang-daigdig na siyang maghuhudyat ng katapusan nito. Sapagkat ang mga tao sa sanlibutan ay kailangang maging handa, hatid namin ang mensaheng ito sa maraming bansa, na kapalit ng malaking gastos at sakripisyo.
Sa mga mangangahas na patuloy na basahin, ang Huling Pag-asa ng Sandaigdig ay maaaring magtunog kalokohan, kundi'y walang-ingat, sapagkat ika'y karaniwang umaasa para sa katahimikan at katiwasayan ng sanlibutan, at tiyak na hindi ang krisis pang-daigdig na tumataklob sa mundo at tumatapos dito.
Sinubok namin na makita ang iyong mga sagot at mga katanungan at sisimulan ang lakbay na ito papunta sa hinaharap sa pamamagitan ng pag-sagot ng ilan sa mga katanungan mo habang ibinabahagi namin sa iyo ang dahilan kung bakit hinaharap ng mundong ito ang kanyang huling pag-asa!
Ang Biblia bilang Gabay
1. Sino ang mga taong nasa likod ng lathalang ito?
Kami ay kabilang sa isang maliit na pangkat na kalat sa buong mundo na kumikilala sa Biblia bilang tanging patakaran. Matapos ang paggugol ng maraming oras sa pag-aaral nito, lalo na sa mga kapitulong tumutukoy sa ating hinaharap, natanto namin na kailangang ibahagi namin sa iyo ang aming natutunan. Ang kaalamang ito ay napaka-halaga na handa kaming tiisin ang hirap at sakripisyo, kahit na ang buhay mismo, upang maibahagi sa iyo ito. May malalakas na puwersang pumipigil sa kaalamang ito.
2. Bakit seryoso kayong naniniwala sa Biblia?
Nung simula, hindi namin sineseryoso ang Biblia hanggang madiskubre namin kung gaano ito ka-tumpak na tumpak. Labis sa pagka-wasto na kahit ang mga panghuhula na ginawa libong taon na ang nakalipas ay nagaganap sa mismong araw na hinulaan, hanggang sa kahuli-hulihang titik. Ito ang nag-tulak sa amin na magpasiya na mayroong Diyos na nakaka-alam ng lahat na siyang nasa likod ng Biblia, na hindi nasasaklaw ng panahon at siyang nakaka-alam ng simula sa katapusan.
Napag-alaman din namin na ang Lumikha sa atin ay labis ang pagmamahal sa atin na naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Ngunit, sapagkat tayo ay nahawaan ng sakit na kasalanan at kasalukuyang hindi akmang manirahan kasama ang Diyos sa langit, ang Diyos ay naghanda ng lunas mula sa sakit na kasalanan.
Hindi sana namin sineryoso ang Biblia kung hindi nagpamalas ang Diyos ng ganap na paghahawak at kaalaman sa hinaharap. Ang kadalubhasaang ito ay ipinakita ng napaka-linaw sa dalawang aklat: Daniel sa Lumang Tipan at Apocalipsis sa Bagong Tipan.
Mga Naganap na Hula sa Biblia.
3. Magbigay ng halimbawa ng mga naganap na hula sa Biblia.
Sa aklat na Daniel, kapitulo 2, ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip sa hari ng Babilonya na magmula sa kaniyang panahon hanggang sa katapusan ng panahon, ang mundo ay magiging saksi sa apat na imperyong-pangdaigdig lamang. Pinatutunayan ng kasaysayan na kung ano ang inutos ng Diyos ay ang siyang naganap. Ang apat na imperyo ay, Babylon(605 BC-538 BC), Medo-Persia (538 BC-331 BC), Gresya (331 BC-168 BC), at Roma (168 BC-476 AD). Ipinakita rin Niya na ang Roma ay mahahati sa sampung teritoryo at sa panahon ng mga teritoryong ito darating ang katapusan. Pinatunayan ng kasaysayan ang pagka-wasto ng salita ng Diyos. Pagkat nung 476 AD, ang Roma ay nahati sa sampung bansa kung saan ang kasalukuyang Europa ay lumitaw.
Bilang karagdagan, Ipinakita rin ng Diyos ang mga tanging katangian ng bawat imperyo, katulad ng paraan ng kanilang pag-angat sa kalakasan at pagka-sira, at ang mga nangungunang mga tauhan ng bawat pamahalaan. Tingnan ang Daniel 7 at 8. Sapat na mga detalye ang binigay na ang isang tapat na mag-aaral ng kasaysayan at ng Biblia ay walang magawa kungdi mag-pasiya na mayroon Diyos na nasa langit na naghahari sa buong daigdig natin.
Ang layunin ng mga hula ay upang magbigay ng babala sa atin ukol sa mga krisis sa hinaharap. Halimbawa, binalaan ng Diyos si Noe sa darating na pagbabaha, si Abraham at s Lot sa pagsira sa mga siyudad ng Sodom at Gomora at sinabi Niya kay Moises ang mga salot ng Ehipto. Kinailangan nilang lahat na sundin ang babala nang may pananalig. Ang mga kaganapang ito ay nai-tala upang malaman natin na kung ano ang hinula ng Diyos ay naganap ng wastong-wasto gaya ng Kaniyang sinabi. Bagkus, hindi natin kayang ipasa-walang-bagay ang alin man sa Kaniyang mga magaganap pang mga hula sapagkat ito”y nagsisilbing babala na, kung ating susundin, ay siyang magliligtas sa atin mula sa krisis.
Dahil doon, nagsisilbi ang mga hula sa Biblia sa dalawang bagay - na itatak sa mga isipan natin na mayroong Diyos na siyang may-hawak sa lahat ng mga kaganapan at, bigyan tayo ng babala mula sa isang kalagayang di-kanais-nais.
Isang Labis na Kakila-kilabot at Taimtim na Babala
5. Mayroon ba sa Biblia ng isang babalang-hula na hindi pa nagaganap?
Sa katunayan, ang pinaka-taimtim na babalang-hula ay hindi pa nagaganap. Ngayon, wala nang mas mahalaga pang dapat maintindihan natin liban sa hula na ito sapagkat may mga pangyayaring nagaganap ng napaka-bilis na siyang nagbabadya sa nalalapit na pagka-ganap nito.
6. Ibahagi mo sa akin ang pinaka-taimtim na babalang-hula na siyang magaganap na.
“At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Diyos, na nahahanda ng walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man: at sila’y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisimba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kanyang pangalan. Narito ang pagtitiyaga ng mga banal: ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Diyos, at ng pananampalataya kay Jesus” Apocalipsis 14: 9-12.
Ang kakila-kilabot na babalang ito at naglalarawan sa dalawang pangkat ng mga tao. Ang unang pangkat ay binalaan laban sa pagsasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, na siyang nagdadala sa kanila sa pagtanggap ng tatak ng hayop; samantalang ang pangalawang pangkat ay nakikitang sumusunod sa mga utos ng Diyos. Bukod pa roon, ang paglalarawan sa pangalawang pagdating ni Kristo ay tuwirang sumunod sa babalang ito. Dahil doon, alam natin na ito ang huling babala na ibibigay bago ang pangalawang pagdating ni Kristo.
7. Paano ako makaka-iwas sa pagsamba sa hayop at sa kaniyang larawan at sa pagtanggap ng kaniyang tatak?
Magandang katanungan. Upang masagot ito kailangan nating kilalanin ang hayop, ang larawan ng hayop, at ang tatak ng hayop. Makatwiran lamang na asahang hindi tayo babalaan ng Diyos sa mga mapanganib na mga nilalang nang hindi tayo tutulungan na kilalanin ang mga ito nang kapasiya-pasiya. Hindi tayo ilalagay ng mapagmahal nating Diyos sa panghuhula, kung ang ating panghabang-panahong kalalagyan ay naka-taya. Hindi kagulat-gulat na, makikita natin ang paglalarawan sa hayop at sa kanyang larawan sa nakaraang kapitulo kung saan maraming mga susi ang ibinigay upang masiwalat ang kanilang pagkaka-kilanlan.
Pagkilala sa Hayop
8. Papaanong nilalarawan ng Biblia ang hayop?
“At siya’y tumayo sa buhanginan ng dagat, at nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sampung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sampung diadema, at sa kanyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan. 2 At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng paa ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kanya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kanyang luklukan, at dakilang kapamahalaan. 3 At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa’y nanggilalas sa hayop. 4 At sila’y nangasisamba sa dragon, sapagkat ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsisabi, sino ang kagaya ng hayop? At sinong makababaka sa kanya? 5 At binigyan siya ng bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan; at binigyan siya ng kapusungan; at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu’t dalawang buwan. 6 At binuka niya ang kanyang bibig sa mga kapusungan laban sa Diyos, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kanyang tabernakulo, gayon din naman sa mga nananahan sa langit. 7 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawat angkan at bayan at wika at bansa. 8 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kinikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhay ng itatag ang sanlibutan…16 At ang lahat, maliliit at malalaki, mayayaman at mga dukha, ang mga laya at mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay o sa noo: 17 At nang huwag makabili o makapagbili kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop, o bilang ng kanyang pangalan. 18 Dito’y may karunungan . Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t siyang bilang ng isang tao; at ang kaniyang bilang ay Anim na raan anim na pu’t anim. Apocalipsis 13: 1-8, 16-18.
9. Ang sipi sa itaas ay puno ng mga simbolo. Papaano ko mauunawaan ito?
Kailangan natin na hayaan ang Biblia na ipaliwanag ang sarili nitong mga simbolo. Dapat nating asahan na ang Diyos, para sa ating kapakanan, ay inilahad sa Biblia ang ibig sabihin ng mga simbolo na ito. Samakatuwid, kailangan natin ng kaunting tiyaga sa pag-aaral upang makita ang mga paliwanag nito sa Biblia. Sa ganitong paraan, naiiwasan natin ang lahat na haka-haka at hinala ng tao.
Sa katunayan, ipinagbabawal ng Biblia ang haka-haka at hinala ng tao sapagkat “alin mang hula…ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.” II Pedro 1:20. Ang Biblia ang siyang nagpapaliwanag ng sarili nitong mga simbolo. Halimbawa, ang aklat ng Apocalipsis ay naglalaman ng 404 na bersikulo. Sa 404 na mga bersikulong ito, 278 nito ay matatagpuan na halos tugmang salita sa salita sa ibang mga aklat sa Biblia, kung saan ang ibig sabihin ay pinalawak.
Sa gayon, hinihimok ka naming gawin ang tulad sa mga Bible Bereans (Tingnan ang Mga Gawa 17:10, 11) at subukin sa banal na kasulatan ang bawat tinuturo. Pagkat, sinoman ang mapanalanging mag-aaral ng Biblia, na naghahangad ng katotohanan, na kanyang masunod, ay mauunawaan ang Banal na Kasulatan. “Kung ang sinomang tao ang nagiibig na gumawa ng kaniyang kalooban, makikilala niya… kung ito’y sa Diyos, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.” Juan 7:17.
10. Aling mga simbolo ang kailangan natin upang masiwalat ang pagkakakilanlan ng hayop at ng kaniyang tatak?
Maraming mga simbolo para sa hayop. gayon pa man, magkakasiya tayo sa mga mahahalaga upang makilala ang hayop. Ang mga simbolong ito ay ang “hayop”, “dragon”, “apat na pu’t dalawang buwan”, at “kapusungan”.
Hayop Sa hula sa Biblia, ang hayop ay simbolo ng hari o kaharian. “Ang mga dakilang hayop na ito na apat, ay apat na hari… ang ika-apat na hayop ay magiging ika-apat na kaharian…” Daniel 7:17, 23 . Sa hayop na ito, pinag-aaralan natin ang isang natatanging kaharian sapagkat hindi lamang ito isang puwersang politikal kundi isa ring puwersang relihiyon, sapagkat ang mga tao ay “nangagsisamba sa hayop” Apocalipsis 13:4.
Dragon : Sang-ayon sa Biblia, ang dragon ay isa pang pangalan ni Satanas, ang ama ng kasinungalingan at panlilinlang, “ang malaking dragon... tinatawag na Diablo, at Satanas, ang dumadaya sa buong sanlibutan.” Ito’y mangangahulugan na nang ibigay ni Satanas “kaniyang kapangyarihan, at ang kanyang luklukan, at dakilang kapamahalaan” sa hayop, makaka-asa tayo na kikilos ang hayop na halintulad sa mapanglinlang na mga kaparaanan ni Satanas. Sa ganito, napakalaking panlilinlang ang matatagpuan sa mga kinasasangkutan ng hayop. Apocalipsis 12:9; 13:2
Dagat Sa mga hula ng Biblia, ang dagat ay simbolo ng katakut-takot na dami ng iba’t-ibang mga tao. “…Angtubig …ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika” Apocalipsis. 17:15. Kaya, itong katangi-tanging kaharian o puwersa ay lumitaw mula sa dagat, kinakatawan na ito'y nagmula sa lugar sa mundo na kinabihasnan ng iba-ibang mga lahi ng tao.
Apat na pu’t dalawang buwan : Ang panahon na ito ay katumbas ng tatlo at kalahating taon (42 hinati sa 12 buwan). At ang Biblia ay nalathala sang-ayon sa kalendaryong Hudyo kung saan ang bawat taon ay 360 na araw (30 araw sa bawat buwan). Kaya’t ang tatlo’t kalahating taon at ang apat na pu’t dalawang buwan ay kapwa katumbas ng 1260 na araw. Ang dahilan kung bakit binabago natin ang mga buwan sa kanilang katumbas na dami ng araw, sapagkat nang magbigay ang Diyos ng mga hula ng panahon, madalas niyang i-kuwenta ang isang araw bilang isang taon “…sa makatuwid baga’y apat na pung araw, sa bawa’t araw ay isang taon, tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon…” “bawa’t araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo” Mga Bilang 14:34;Ezekiel 4:6.
Sa gayon, ang hulang apat na pu’t dalawang buwan ay tumutukoy sa 1260 taon kung saan ang hayop ay pinagkalooban ng “bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan” at siya’y “makipagbaka sa mga banal at mapagtagumpayan sila: at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa’t angkan at bayan, at wika, at bansa” Apocalipsis 13:5,7. Nangangahulugan na sa loob ng panahon na ito ang hayop ay magpupusung, pagmamalupitan ang mga Kristiyano, at magkakaroon ng malaking kapamahalaan.
Kapusungan : Sa Biblia, ang kapusungan ay pinapaliwanag sa dalawang paraan. Ang una ay kung ang sinoman ay angkinin na siya ang Diyos o kinatawan Niya. “…Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka’t ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Diyos” Juan 10:33. Kaya’t ang hayop, ang kapangyarihan at kahariang relihiyo-politikal, ay lalapastanganin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkukunwari bilang Diyos sa lupa. Ang pangalawang paraan ng pagkamit ng kapusungan ay ang pagkakaloob ng mga kapatawaran (pag-angkin sa kapangyarihan na magpatawad ng mga kasalanan ng iba). “Bakit namumusong ng ganito ang taong ito? Sino ang makakapagpatawad ng mga kasalanan? Hindi ba ang Diyos lamang?” Marcos 2:7
Ang hayop, ang relihiyo-politikal na kapangyarihan at kaharian na ito, ay lumapastangan sa Diyos hindi lamang sa pag-angkin ng Kanyang luklukan sa lupa, kundi pati sa pag-angkin ng seremonya ng pagpapatawad. Hindi kataka-taka na ang hayop ay may “ngalan ng kapusungan” ang sumasambit ng “kapusungan laban sa Diyos, upang mapusung ang Kaniyang pangalan”; ito ay sapagkat ang hayop ay umaangkin sa mga kapangyarihan na siyang tanging karapatan ng Diyos. Apocalipsis 13:1,6.
Siyam Na Tandang Lulutas
Matapos hayaan ang Biblia na ibunyag ang ibig sabihin ng sarili nitong mga simbolo maari na nating bigyang diin ang siyam na pangunahing pagkakakilanlan sa hayop upang mapagpasiyahan kung aling kapangyarihan sa kasaysayan ang kumakatawan sa mga katangian nito. Hindi lamang ito ang mga mapagkikilanlan: marami pang mga nasa Biblia. Umaasa kami na ang talang ito ng mga pagkakakilanlan ang magtuturo sa iyo na maghanap sa Biblia ng iba pa.
1. Pinagsasama ng hayop ang kapangyarihang relihiyon at politikal ng magkasabay, “at sila’y nangagsisamba sa hayop...” Apocalipsis 13:4.
2. Ang hayop ay umangat sa kapangyarihan sa isang lugar sa mundo na may napakaraming tao, “at nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat” Apocalipsis 13:1.
3. Natanggap ng hayop ang kaniyang kapangyarihan at kapamahalaan mula kay Satanas, kaya't ating aasahan na ang kaniyang kasaysayan ay maglalaman ng maraming panlilinlang, “binigay sa kaniya [hayop] ang kanyang kapangyarihan at ang kanyang luklukan, at dakilang kapamahalaan”Apocalipsis 13:2.
4. Naghari ang hayop ng walang-awa angkin ang ganap na kapangyarihan (pangingibabaw) sa loob ng 1260 na taon. Ang panahong ito ay may tiyak na panimula at magtatapos sa “nakamamatay na sugat”. “Binigyan siya ng kapamahalaan upang magpatuloy sa loob ng apat na pu’t dalawang buwan.” “At nakita ko na ang isa sa mga ulo ay nasugatan na maaring ikamatay.” “Binigyan ito ng kapamahalaan sa bawat lipi at wika at bansa” Apocalipsis 13:5, 3, 7.
5. Pinagmalupitan ng hayop ang mga Kristiyano sa loob ng 1260 na taon. “At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila” Apocalipsis 13:7.
6. Ang hayop ay gagaling mula sa kanyang ‘sugat na nakamamatay’ at ang daigdig ay nanggilalas sa hayop, “at ang kaniyang sugat na nakamamatay ay gumaling: at ang buong lupa’y nanggilalas sa hayop” Apocalipsis 13:3
7. Ang hayop ay may mahiwagang 666 na pagkakakilanlan ng kanyang luklukan at pangalan, “bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t siyang bilang ng isang tao; at ang kanyang bilang ay Anim na raan at animnapu’t anim”Apocalipsis 13:18
8. Ang hayop ay mamumusung sa pamamagitan ng pag-angkin sa pagiging Diyos at pagkakaloob ng kapatawaran (pagpatawad sa mga kasalanan ng iba).
9. Ang hayop ay gumagawa ng iba pang mapusung na mga pag-aangkin, gumagawa ng mga gawain na siyang tanging ang Diyos lamang ang may-karapatang gawin. “At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan” Apocalipsis 13:5.
Aming mambabasa , aling kapangyarihan sa kasaysayan ang gumaganap sa lahat ng mga pagkakakilanlang mga tanda? Sa tapat sa kaniyang puso, iisa lamang ang kasagutan: Ang Simbahang Romano Katoliko. Ang simbahang Romano Katoliko ay ang hayop na dahil sa Kaniyang pagmamahal, binabalaan tayo ng Diyos dito. Hindi layunin ng lathalang ito na batikusin ang mga Romano Katoliko, kundi ibunyag ang katotohanan tungkol sa sistemang Katoliko. Walang kinakailangan masaktan, bagkus ay hinihimok na hanapin ang mga katotohanan at pagpapatotoo.
11. Paki-suporta ang pagpasiyang ito ng mga katibayan at katotohanan sa kasaysayan.
Ating tingnan ang bawat pagkakakilanlan nang makita kung paanong tinuturo ng kasaysayan ang Simbahang Romano Katoliko.
1. Pinagsasama ng Simbahang Romano Katoliko ang mga kapangyarihang relihiyon at politikal.
Nakita ni San Juan ang ugnayang ito sa pamamagitan ng isang pangitain na ukol sa ika-apat at huling kaharian ng daigdig at nilarawan ito bilang, “ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula”Apocalipsis 17:3.
Sa Biblia, ang babae ay simbolo ng isang simbahan, “Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng PANGINOON.” “Sapagka't ako'y… sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Kristo na tulad sa dalagang malinis.” Jeremias 3:20; II Mga Taga Corinto 11:2.
Bilang karagdagan, pinagkasunduan na, na ang hayop ay isang bansa. Kahit sa panahong ito, ang mga bansa ay kinikilala bilang mga hayop. Ang USA ay kinikilala ilang agila, ang Ruso ay hinalintulad sa oso, at ang Tsina ay tangan ang larawan ng dragon.
Maraming taon nang nakalipas, ipinakita ng Diyos kaay Daniel ang lahat na mga imperyo ng mundo hanggang sa katapusan ng panahon. Sa isang pangitain, nakita ni Daniel ang huling hayop bilang “na kaiba sa lahat ng yaon” Daniel 7:19. Ngunit sa papaanong paraan ito naging kaiba? Sang-ayon sa Apocalipsis 17:3, gaya ng nakita sa itaas, ang hayop na ito (bansa) ay may babae (simbahan) na namumuno dito.
Ngayon, mayroon bang simbahan at estado na kapwa nagtutulungan bilang isang kinikilalang kapangyarihang pandaigdig? Ang tanging nakakamit nito sa mundo ay ang Simbahang Romano Katoliko.
Ang papa ng Romano Katoliko ay ang kataas-taasang pinunong pang-relihiyon ng mahigit sa isang bilyong mananampalataya sa buong mundo.
“Ang Papang Romano, bilang kapalit ni Pedro, ay ang pang-habang panahon at nakikitang ugat at haligi ng ugnayan ng mga obispo at ng buong kalupunan ng mga mananampalataya.” Vatican Council II (1962-65)
“Ang bawat pari ay kailangang sumunod sa Papa, kahit na kasamaan ang kaniyang ipag-utos; sapagkat walang sinoman ang maaaring humusga sa Papa.” Pope Innocent III (1198-1216)
Kasabay nito, ang papa ay hari sa mapag-sariling bansang Vatican City. Ang Vatican ay natatanging malayang bansa, kahit na ito’y napapaloob sa Italya. Gawa nito, ang kapapahan ay natatanging kapangyarihan na pinagsasama ang kapangyarihang pang-relihiyon at sibil.
2. Ang Simbahang Romano Katoliko ay umangat sa kapangyarihan sa isang bahagi ng mundo na pinaninirahan ng napakaraming tao.
Ito’y pinakamagandang paglalarawan sa Simbahang Romano Katoliko nang ito’y lumitaw sa gitna ng iba’t-ibang mga kapangyarihan at mga bansa ng Europa.
3. Ang kasaysayan ng Simbahang Romano Katoliko ay puno ng panlilinlang:
Amg mga nakaka-alam na mga katoliko ay handang pinatotohanan ang mga panghuhuwad bilang bahagi ng pamumuhay ng mga papa. Si Hans Kung, isang paring Katoliko at teologo na naging tagapayo sa Second Vatican Council (1962-1965), ay nagsabi na noon pa mang ika-limang siglo, ang mga papa “ ay tuwirang nagpalaganap ng kanilang kapangyarihan gamit ang mga maliliwanag na panghuhuwad.” Ang Simbahang Katoliko: Isang Maikling Kasaysayan_ (isinalin-wika ni John Bowden), p.61
Isa sa pinakamagandang halimbawa ay ang dokumentong Donasyon ni Constantine, may petsa Marso 30, 315 AD, kung saan pinalsipika ito ng Simbahang Katoliko Romano upang mapalawak ang kaniyang kapangyarihan at kapamahalaan. Sa pamamagitan ng huwad na dokumentong ito, nahimok ni Papa Stephen III noong ika-walong siglo si Pepin, hari ng mga Pranko, na ang mga teritoryo ng mga Lombardo ay ibinigay ni Constantine sa Simbahang Katoliko Romano. Ito ang nag-tulak kay Pepin na labanan ang mga Lombardo at kamkamin ang mga bayan para sa papa. noong 1440, ang dokumentong ito ay pinatunayan pinalsipika ng isang katuwa ng papa na may ngalang Lorenzo Valla, ngunit ilang papa na ang nakalipas, walang umamin sa pamamalsipika. Hanggang sa araw araw na ito, may inskripsyon sa pabinyagan ni Sn. Juan Lateran sa Roma na nagpapatuloy sa pamamalsipika na ito.
“ VATICAN CITY (AP) – Hinudyat ni Pope John Paul II ang Bagong Taon nitong Huwebes na may panibagong panawagan para sa … ang paglikha ng isang bagong kautusang pang-daigdig mula sa pag-galang sa dignidad ng tao at pagka-pantay-pantay ng mga bansa.” Huwebes, Enero 1, 2004 Pinaskel: 9:21 AM EST (1421 GMT)
“Ang napakalaking nangingibabaw na katangian ng buong sistema ng Anti-Kristo – ang Bagong Kautusang Pang-daigdig -- ay harapang panlilinlang. Sa katunayan, ang mga may-akda ng Bagong Kautusang Pang-daigdig ay ipinagmamalaki pa ang kainlang mga binalak na panlilinlang, sapagkat kanilang pinaniniwalaan ng walang-takot na ang karamihan ng tao sa mundo ay labis ang katangahan at katamaran upang malaman kung alin ang makabubuti sa kanila. Tanging ang mga may-akda ng Bagong Kautusang Pang-daigdig ang nakaka-alam sa ikabubuti ng mundo, at kanilang napag-pasiyahan na tanging sa pamamagitan ng harapang panlilinlang sa mahihirap lamang nila makakamit ang kanilang mga layunin.” Bill Cooper, “ Behold A Pale Horse” p.49
4. Ang Simbahang katoliko Romano ay ng-hari ng napaka-lupit sa loob ng 1260 taon tangan ang pinakamataas na pananaklaw sa lahat ng mga bansa. Ang bahagi ng panahon na ito ay may malinaw na pinagmulan, at may “nakamamatay na sugat” sa may katapusan nito:
Natanggap ng Simbahang Katoliko Romano ang nakamamatay nitong sugat noong 1798 nang [Pope Pius VI] ay kinuhang bihag sa Pransya sa pamumuno ni Napoleon.
“Noong 1798 pinasok ni Heneral Berthier ang Roma, inalis ang pamahalaang papal, at nag-tatag ng isa na walang-kaugnayan sa simbahan.” Encyclopedia Britannica, 1941 edition
Matapos na matiyak ang katapusan ng hula bilang 1798, balikan ang 1260 taon, mararating natin ang 538 AD. para masapatan ng kapapahan ang tanda ng pagkakakilanlan nito, may isang mahalagang pangyayari ang maaaring naganap noong 538 AD upang simulan ang 1260 taong panahon.
Binubunyag ng mga katibayan sa kasaysayan na noong 533 AD ang emperor ng Roma na si Justinian ay kumilala sa kataas-taasang kapangyarihang pansimbahan ng papa bilang ‘ulo’ ng lahat ng mga simbahan sa kapwa kanluran at silangan ng imperyo ng Roma. Subalit, noong 538 AD lamang naging ganap na malaya ang kapapahan mula sa huli nitong kalaban, ang mga Ostrogo (na noong naghahari sa Italya) bago lumitaw ang papa bilang pangunahing pinuno sa Kanluran. Kaya’t, noong 538 AD ang entablado ay nahanda para sa unti-unti ngunit matibay na pag-angat ng kapapahan.
“Inangat ni Vigilius ang luklukan ng kapapahan (538A.D.) sa ilalim ng pag-iingat ni Belisarius.” History of the Christian Church, Vol. 3, p. 327
Habang lumalawak ang kapangyarihan ng kapapahan, pinasusunod niya hindi lamang ang kaniyang mga mananampalataya, kundi pati na rin ang mga pinuno at mga hari ng Europa. Sa layuning iyon, naglabas ng ilang mga papal bull ang mga papa upang palakasin ang kanilang kapamahalaan sa mga hari ng Europa:
“gawain ng kapapahan ang mapasa-ilalim nila ang mga hari at mga emperor.” J.H. Ignaz Dollinger, The Pope and the Council, ( London), p. 35
Katakutan ngayon, ang aming galit at paghihiganti; sapagkat hinirang kami [mga papa] ni Hesu Kristo mula sa kaniyang sariling bibig, bilang pinakataas-taasang mga hukom sa lahat ng mga tao; at mga hari mismo ay napapasa-ilalim sa aming kapamahalaan.” Pope Nicholas I (858-867 AD)
Sa papal bull ni Pope Gregory XI, may petsa 1372 AD, at may titulong In CoenaDomini, hinayag ng papa ang pagsasaklaw ng kapapahan sa buong mundo ng mga Kristiyano, may kinalaman sa relihiyon o wala, at itinakwil ang lahat na hindi susunod sa mga papa at magbayad ng mga buwis sa mga papa. Ang papal bull na ito ay pinagtibay ng mga sumunod na mga papa at, noong 1568 AD, sinumpaan ni Pope Pius V na ito’y mananatiling batas sa habang-panahon.
Ang isang paghahalimbawa ng nabanggit na batasay ang pakitungo ni Pope Gregory VII noon 1077 AD kay King Henry IV, Emperor ng Alemanya. Nang ipasawalang-bahala ng hari ang kapamahalaan ng papa, Itinakwil siya ng papa at siya’t inalis sa trono. Nagpasiya si Henry na makipag-ayos sa papa at tinawid niya ang Alps sa kalagitnaan ng tag-lamig upang magpakakumbaba. Nang makarating siya sa palasyo ng papa, pinag-hintay si Henry sa labas bago makita ang papa, naka-yapak, at walang balot sa ulo, at naka-suot ng kaawa-awang damit. Inabot ng tatlong araw ng pag-aayuno at pag-sisisi bago siya pinatawad ng papa.
Sa kasalukuyan, pinanghahawakan pa rin ng kapapahan ang pagka-mataas na ito sa mga pinuno ng mundo:
“Ang First See [kapapahan ng Roma] ay hindi mahuhusgahan ninoman. Natatanging karapatan ng Papa Romano ang paghuhusga… silang humahawak sa pinakamataas na luklukang sibil sa estado... Walang apila o pagbabago sa alin mang pasiya o utos ng Papa Romano.” The Code of Canon Law (Paulist Press, 1985), pp. 951, 271
5. Inapi ng Simbahang Romano Katoliko ang mga Kristiyano sa loob ng 1260 taong panahon:
Sa loob ng panahong ito sa kasaysayan (kilala rin bilang gitnang panahon), ang Simbahang Romano Katoliko ay may malakas na hawak sa Europa, At bawat mamamayan ay kinakailangang maging Romano Katoliko. Ano mang pagkukulang sa ganap na pagsunod sa papa ay may kaparusahang pahirap o kamatayan. Ito ang naging daan sa Simbahang Romano Katoliko para maging isa sa mga mapagmalupit na mga relihiyon na nakilala ng daigdig, ayon saVicars of Christ: the Dark Side of the papacy, ni Peter de Rosa, p. 180
“Dahil sa pagsunod sa paniniwalang kontra sa Simbahan ng Roma, naka-tala sa kasaysayan ang pagka-martir ng higit isang daang milyon katao.” Brief Bible Studies , p. 16
Dapat natin i-hanay ang Inkisisyon … bilang isa sa pinakamadilim na bahid sa kasaysayan ng sangkatauhan.” Will Durant, The Story of Civilization, vol. 4 , p. 78
“Na ang Simbahan ng Roma ay nagbuwis ng buhay mas maraming inosente kaysa alin pa mang inkisisyon na naganap sa sangkatauhan ay hindi tututulan ng sinomang Protestante na may ganap na kaalaman ng kasaysayan. Imposibleng makabuo ng ganap na paglalarawan sa dami ng kaniyang mga naging biktima, at tiyak na hindi magagawang isipin ang paghihirap na kanilang dinanas.” W. E. H. Leeky , History of the Rise and Influence of the Spirit of Rationalism in Europe, Vol. 2:32, 1910 edition
Sa Catholic Encyclopedia, Vol. 12 pahina 266, makikita ng mambabasa ang isang mahabang lathala na naglalarawan sa kapamahalaan ng Simbahang Romano Katoliko sa pagpaparusa sa ‘mga erehe', na ang tanging kasalanan ay ang pagiging mga Kristiyanong naniniwala sa Biblia.
6. Ang Simbahang Romano Katoliko ay ganap na gagaling sa “nakamamatay na sugat” nito at ang buong mundo ay magigilalas dito:
Nang mamatay sa pagkakabilanggo si Pope Pius VI noong 1799, inasahan ng mundo ang katapuan ng Simbahang Romano Katoliko. Subalit, sinabi ng Diyos na may 2000 taon nang nakaraan na ang hayop ay gagaling mula sa kaniyang sugat na nakamamatay. Narito ang ulat ng New York Times sa pag-galing ng hayop, ang kapapahan:
“NAKAMAMATAY NA SUGAT GUMALING: Roma, Hunyo 7. –Magmula nitong alas-11 ng umaga mayroon nang bagong malayang Estado sa mundo. Nang panahong iyon, si Premier Mussolini... nakipagpalitan kay Cardinal Gasparri, Kalihim ng Estado ng Kapapahan, kumakatawan kay Pope Pius XI, ng mga ratipikasyon ng mga kasunduang nilagdaan sa palasyo Lateran nung Peb. 11. Sa pamamagitan nito ang malayang Estado ng Vatican City ay naging ganap.” New York Times, Hunyo 7, 1929
Inulat ng San Francisco Chronicle ang ‘paggaling’ ng kapapahan ng ganito:
“Mussolini at Gaspari (Cardinal) Lumagda sa Makasaysayang Kasunduan…Hinilom ang Sugat ng Maraming Taon.” The San Francisco Chronicle, Hulyo 7, 1929
Ang daigdig ba ngayon ay ‘nanggigilalas’ sa kapapahan, ayon sa hula ng Biblia?
“Ang pinaka-mainam na paraan upang magbigay pugay kay Pope John Paul II, isa sa mga tunay na magagaling na tao, ay seryosohin ang kanyang mga turo; pakinggan ang kaniyang mga salita at isakatuparan ang kaniyang mga turo dito sa Amerika. Ito ay hamon na kailangan nating tanggapin.” Presidente George W. Bush, Marso 21, 2001
“Si Pope John Paul II ay isa sa pinakamalaking pinunong moral at ispirituwal ng siglong ito.” Billy Graham sa Saturday Evening Post, Ene - Peb. 1980
“Lubos kong hinahangaan sai Pope John XXIII. Wari ko’y naghatid siya ng bagong panahon sa mundo”. Billy Graham , Chicago Tribune, Hunyo 8, 1963
“Nag-misa sa labas si Pope John Paul II sa wikang Kastila para sa mahigit sa milyon katao sa Mexico City” The New York Times, Ene. 25, 1999
“Miyerkules ng gabi habang naglalakad ang Santo Papa kasama si Bise-Presidente Al Gore sa tarmac ...upang sumakay sa “Shepherd I” at bumalik sa Roma, umiyak ang mga tao, nagkaway ng mga panyo at nagsi-sigaw “John Paul II, mahal ka namin!” ...Iyon ay maikli ngunit makabagbag-damdamin at napakalakas na pagbisita ng Papa sa St. Louis.” Ene 28,1999 (EWTNews)
“Walang duda na si Paul VI, kasama si John XXIII at John Paul II, ay maalala bilang ang tatlong dakilang Papa ng Kapayapaan, tagapag-simula ng napaka-laking pagbabago ng Simbahang Katoliko sa Bagong Panahon.” Robert Muller, dating U.N. Assistant Secretary General
7. Ang Simbahang Romano Katoliko ay may mahiwagang numero 666:
Ang opisyal na titulo ng papa ay “Vicarius Filii Dei”, na sinalin ay, “Kinatawan ng Anak ng Diyos”. Upang patotohanan, ang pahayagang Katoliko Our Sunday Visitor ng Abril 18, 1915 ay nilathala: “Ang naka-ukit na titik sa Mitre ng papa ay ang sumusunod: “ Vicarius Filii Dei” ”. Gayong sa Latin ang ilang titik ay may katumbas na mga numero, kailangan lamang natin i-suma ito at marating ang 666.
8. Ang Simbahang Romano Katoliko ay namumusong sa pamamagitan ng pag-angkin sa pagiging Diyos at pagbibigay ng mga kapatawaran:
“Pinanghahawakan namin sa mundong ito ang luklukan ng Kataas-taasang Diyos .” Pope Leo XIII, in an Encyclical letter, dated June 20, 1894
“Ang Papa ay hindi lamang kinatawan ni Hesu Kristo, kundi siya si Hesu Kristo, nakakubli sa laman.” The Catholic National, July 1895
“Ngunit ang pinaka-mataas na guro sa Simbahan ay ang Papa Romano… [na siyang] nag-uutos… ganap na pagsunod at pagsunod ng kaloob …halintulad sa Diyos mismo.” Pope Leo XIII, the Great Encyclical Letters, p. 193
“Lumilitaw na si Pope John Paul II ay namamahala sa pang-daigdigang Simbahan mula sa kaniyang luklukan sa krus ni Kristo.” hango sa isang lathalang may pamagat na, “Auckland Bishop Says Pope Presides From the Cross” AUCKLAND, New Zealand, SET. 20, 2004, Zenit.org
“Gayon nga, hindi kalabisan na sabihin na dahil sa kadakilaan ng kanilang mga tanggapan ang mga pari ay napakaraming diyos.” Pope Innocent III
Gumawa ng malawak na ‘pamilihan’ ang Simbahang Romano Katoliko para sa natatanging uri ng pamilihin, kung saan wala siyang katunggali at ang pangangailangan ay hindi nawawala. Hinayag niya na siya ang may karapatang magbenta ng biyaya ng Diyos, Ang Kaniyang kapatawaran para sa mga makakasalanan. Magpasangayon, ang mapusung na kapangyarihang ito, ay patuloy na pinanghahawakan ang kapangyarihang magbigay ng kapatawaran.
“Ang kapamahalaang pang-batas ay magtataglay ng kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan.” The Catholic Encyclopaedia Vol.12, -lathalain “Pope”, p. 265
“At ang Diyos mismo ay sapilitang susunod sa paghuhusga ng kaniyang pari at kung magpatawad o hindi, sang-ayon sa kanilang pagtanggi na magpatawad, lamang kung ang mananampalataya ay kayang tuparin ito.” Dignity and Duties of the Priest, p. 27, New York: Benziger Brothers, Printers to the Holy Apostolic See, 1888
9 Ang Simbahang Romano Katoliko ay gumawa ng iba pang mga kapusungan sa pagganap sa mga gawaing tanging pagmamay-ari ng Diyos:
Narito ang ilan sa mga mapupusong na pag-aangkin at pagtuturo ng Simbahang Romano Katoliko:
“Ang pari ay may kapangyarihan ng mga kasagutan, o ang kapangyarihan na magligtas ng mga makasalanan mula sa impiyerno, ng paggawa sa kanilang karapat-dapat sa paraiso, at ng pagbago sa kanila bilang mga alipin ni Satanas at gawing mga anak ng Diyos. At ang Diyos mismo ay sapilitang susunod sa paghuhusga ng kaniyang pari... Ang pinakamakapangyarihang Panginoon ng Sansinukob ay sumusunod lamang sa alagad sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa langit ang mga pagpapasya sa lupa ng huli.” Liguori, “Duties and Dignities of the Priest”, pp. 27, 28
“Kaya’t ang pari ay maaari, sa isang tabi, tawaging tagapaglikha ng kaniyang Tagapaglikha, gayong sa pamamagitan ng pagsambit ng mga salita ng pagpapabanal, siya’y lumilikha, na parang, Jesus sa sacramento, sa pagbibigay sa kanya ng pagiging sagrado, at ginagawa siyang biktima na i-aalay sa Ama... Ang kapangyarihan ng pari, ay kapangyarihan ng sagradong nilalang; sapagkat ang pagpapatotoo ng tinapay ay kapwa kailangan ng kapangyarihan katulad ng pag-gawa ng sandaigdig.” Saint Bernadine ng Sienna
“Ang mga pari ay ang tagapagligtas ng daigdig.” Saint Jerome
Para sa kaniyang mapupusung na gawain, ginawa ng Simbahang Romano Katoliko ang pinakamapusung na gawain sa lahat. Binago niya ang mismong batas ng Diyos – ang Sampung Kautusan. Nangahas siyang alisin ang ikalawang kautusan ng buo, sapagkat sinusumpa nito ang kaniyang mga gawain at mga ritual. Ang pinakamasama, binago niya ang araw ng pagsamba sa Ika-apat na Kautusan mula sa Sabado ginawang Linggo. Ginawa ito kahit na binigay ng Diyos kay Adan ang kaniyang panghabang-panahon na kautusan at pinatotohanan sa atin “ Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi” Psalms 89:34 .
Ang Sampung Kautusan ay ang natatanging bahagi ng Biblia na sinambit ng tinig ng Diyos sa piling ng isang pagtitipan. At nang makatiyak na walang makakalimutan si Moises, sinulat ng Diyos gamit ang kaniyang daliri at inabot ito kay Moises. “Ang mga salitang ito [Ang Sampung Kautusan] ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo…at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato…” Deuteronomio 5:22
Binigyan diin ni Kristo ang kawalang-pagbabago ng Sampung Kautusan nang Kaniyang sabihin, “Nguni't lubhang magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa, kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan” Lukas 16:17. Ang araw na nagniningning sa kalangitan, ang lupa na iyong kinaroroonan, ay mga saksi na ang Kaniyang batas ay walang-kabaguhan at walang-katapusan. Kahit na sila’y pumanaw, ang banal na kautusan ay mananatili. Higit pang pinatotohanan ni Kristo “Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: Ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin . Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.” Mateo 5:17 , 18.
Hindi ikinahihiya ng Simbahang Romano Katoliko na kaniyang binago ang araw ng pagsamba. Sa katunayan, pinagmamalaki pa nito ang gawaing ito, at tinatawag itong kaniyang ‘tanda’ ng kapamahalaan at pagka-ibabaw sa ibang mga simbahan at mga relihiyon.
“Ang Araw ng Pangilin, ang pinakatanyag na araw ng kautusan, ay binago bilang Araw ng Panginoon. Ito at ang iba pa ay hindi nagbago dahil sa utos ni Kristo, (sapagkat siya mismo ay nagsabi, ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin) ngunit dahil sa kapamahalaan ng simbahan, ito’y nabago” Arsobispo ng Rheggio, Sermon nang 1-18-1562, Mansi XXIII, p. 526
“Ang Linggo ay institusyong Katoliko, at ang angkin nitong pagka-sagrado ay maipagtatanggol sa kapamahalaang Katoliko… Sa banal na kasulatan, mula simula hanggang katapusan, ni isang salita ay wala kaming nakita na ngbibigay ng patotoo sa paglipat ng araw ng pagsamba mula sa kahuli patungong unang araw ng linggo.” Catholic Press, Sidney, 8-25-1900
“Wala saan man sa Biblia na sinabing dapat ilipat ang araw ng pagsamba mula Sabado at gawing Linggo. Ang katunayan ay ang Simbahan ay naroon na ilang siglo pa bago naibigay ang Biblia sa mundo. Nilikha ng Simbahan ang Biblia; hindi nilikha ng Biblia ang Simbahan.” Things Catholics Are Asked About, ni Martin J. Scott, 1927 ed, p. 136
“Ating pinagdidiwang ang Linggo sa halip na Sabado, sapagkat nilipat ng Simbahang Katoliko ang pagka-sagrado nito mula Sabado at ginawang Linggo sa pulong ng Laodicea noong taong 364 AD.” The Converts Catechism of Catholic Doctrine, galing kay P. Geiermann, the work of Pope Pius X, noong 1-25-1910
Ayon sa Simbahang Romano Katoliko ang ‘Linggo’ ay kanilang natatanging bantog na tatak ng kapamahalaan.
“Ang Linggo ay ang aming tatak ng kapamahalaan. Ang simbahan ay naka-aangat sa Biblia, at ang paglilipat nito ng Araw ng Pangilin ay katibayan ng katotohanang iyon.” The Catholic Record,London, Ontario, Setyembre 1, 1923
“Ang pagsunod ng mga Protestante sa Linggo ay ang paggalang na kanilang binibigay, sa kabila ng kanilang sarili, sa kapamahalaan ng Simabahn (Katoliko).” Plain Talk About the Protestantism of Today,niMonsignor Segur, p. 213
“Ngunit hindi namamalayan ng pag-iisip ng Protestante na sa... pagkilala sa Linggo. . . kanilang tinatanggap ang kapamahalaan ng tagapagsalita para sa simbahan, ang papa.” Our Sunday Visitor, Catholic weekly, Feb. 5, 1950
“Siyempre inaangkin ng Simbahang Katoliko na ang pagbabago ay kaniyang gawain… tanda ng kaniyang kapangyarihan sa mga simbahan at kapamahalaan sa mga bagay na may-kinalaman sa relihiyon.” Tanggapan ni Cardinal Gibbons, sa pamamagitan ni Chancellor C. F. Thomas, Nob. 11, 1895
Dahil sa nakakabaon na bigat ng katibayan, makapagpa-pasiya tayo ng may katiyakan na ang hayop ng Apocalipsis 13 at 14 ay ang Simbahang Romano Katoliko, at na ang kaniyang tatak (ang tatak ng hayop) ay pagkilala sa Linggo.
Bakit napakahalaga ng tanda? Naka-lagda ka na ba ng isang dokumento upang magpatibay o magpatotoo sa katunayan nito? Nakapagbigay ka na ba ng ‘tatak ng pagtanggap’ sa kahit anong bagay? Ito’y sapilitan sa kahit anong pamahalaan. Sa pamamagitan lamang ng pag-lagda, nagkaka-bisa ang isang dokumento. Ang mga pahayag ng pamahalaan ay laging may taglay na opisyal na tatak o selyo. Ano-ano ang mga katangian ng mga tanda o selyo ng pamahalaan? Ang opisyal na selyo o lagda ay dapat naglalaman ng tatlong katangian:
- Ang pangalan ng opisyal
- Ang titulo ng opisyal
- Ang nasasaklawan ng kaniyang kapamahalaan
Halimbawa, kung ang presidente ng Estados Unidos ay lalagda para maging batas ang isang panukala, kailangan niyang lagdaan ito, George Washington (pangalan), President (titulo) ng Estados Unidos ng Amerika (nasasaklawan). Ang bawat dokumento ay kailangang lagdaan ng ganitong paraan upang maging opisyal at legal.
Sa pagtingin sa Dakilang Tagapaglikha, ating makikita na Siya ay may Kahariang Langit. At ang dokumentong naglalaman ng mga utos ng Kaniyang Kaharian ay Ang Sampung Kautusan. Sa pagtingin sa gitna nito matatagpuan mo ang selyo ng buhay na Diyos! “Sapagka't sa anim na araw ay Ginawa ng PANGINOON ang langit at lupa, ang dagat…” Exodo 20:11.
Pansinin ang tatlong natatanging mga katangian:
- Pangalan: ANG PANGINOON (“ Ako ang Panginoon: iyan ang aking pangalan” Isaias 42:8)
- Titulo: TAGAPAGLIKHA ( “nilikha ng PANGINOON”)
- Nasasaklawan: LANGIT AT LUPA ( “Langit at Lupa”)
Napakalinaw na ang selyo ng Tagapaglikha ay matatagpuan sa kautusang Araw ng Paglingin ng kaniyang batas. Ito ay pagkilala sa Kaniyang kapamahalaan bilang ating Tagapaglikha. Kung ating sundin ang Araw na Pangilin, ating pinapakita na kinikilala nating Siya bilang ating Tagapaglikha.
Tayo ay may pagkakataon na magsamba sa Diyos bilang Tagapaglikha. Kung ating susundin ang banal na araw na pinili ng Diyos, ating ipinapaalam sa buong mundo na ang Tagapaglikha ng sansinukob ay ang ating Diyos! Ang demonyo, si “Lucifer” ay tinutuligsa ang Araw na Pangilin, sapagkat nais niyang masamba “ katulad ng Kataas-taasan” Isaias 14:14. Ang Maylikha ay hinahanap ang iyong pagsamba sa Kaniyang banal na Araw na Pangilin, at si Satanas, nagnanais na maging katulad ng Tagapaglikha, ay nais kang pagsambahin sa kaniyang Linggo. Alin ang pipiliin mo?
“At inyong ipangilin ang aking mga sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios” Ezekiel 20:20
Pagkilala sa Larawan ng Hayop
12. Ano na ngayon ang larawan ng hayop, na siyang binabalaan tayong sambahin ng Diyos?
Upang makilala ang larawan ng hayop, kailangan muna nating kilalanin ang hayop na may dalawang sungay na siyang tumutulong sa pag-buo ng larawan ng hayop:
“At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon. 12 At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat… 14 …na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay. 15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop. 16 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo: 17 At nang huwag makabili o makapagbili kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop, o bilang ng kanyang pangalan.” Apocalipsis 13:11-12, 14-17.
Ang hayop na ito na may dalawang sungay at taglay ang sumusunod na mga tandang pagkakakilanlan:
1. Ang hayop na ito ay lumitaw sa panahon na kung kailan natanggap ng kapapahan ang sugat nitong nakamamatay noong 1798, “ang ibang hayop na umaahon” Apocalipsis 13:11.
2. Ang hayop na ito ay lumitaw mula sa lupa. Kaiba sa naunang hayop na lumitaw sa dagat. Kung ang ‘dagat’ ay kumakatawan sa maraming tao at bayan, ang ‘lupa’ ay kumakatawan sa rehiyong iilan lamang ang naninirahan. kaya’t ang bayan na ito ay aangat sa kasaganahan sa rehiyon ng iilang naninirahan.
3. Ang hayop na ito ay may dalawang mala-tupang sungay. Ayon sa Biblia, ang sungay ay kumakatawan sa kapangyarihan. “Siya'y may mga sinag… at doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.” Habacuc 3:4. Samakatuwid ang bayan na ito ay may dalawang natatanging kapangyarihan, kaiba sa bawat isa. At, ang tupa ay isang simbolo ni Kristo; kaya’t, makakapasiya tayo na ang bayan na ito ay binuo sa dalisay at magandang mga prinsipyong Kristiyano.
4. Subalit, ang hayop na ito’y nagsasalita na parang dragon; ang bayan ay ‘nagsasalita’ sa pamamagitan ng mga kapamahalaang lehislatura at pangbatasan. Ang mga mala-tupang sungay at boses ng dragon ay nagpapakita ng nakakagulat na pagkakaiba ng mapayapang katayuan at mga gawain ng bayan na ito.
Sa aming mambabasa, muli aming tinatanong, aling bansa ang gumaganap sa mga tanda ng pagkakakilanlang ito? Mayroong isang kasagutan lamang: Ang Estados Unidos ng Amerika.
1. Nagkaroon ng USA noong 1798: Tanging iisa lamang ang bansa na umaangat sa panahon ng kawalan ng kapangyarihan ng kapapahan noong 1798. Ang hulang ito ay tuwirang tumuturo sa Estados Unidos. ang USA ay nabuo sa ilalim ng Konstitusyon bilang isang republikang pederal noong 1787.
2. Umangat ang USA mula sa lupaing iilan lamang ang naninirahan: Ang USA ay lumaki hindi sa Lumang Mundo na masikip na sa dami ng naninirahan dito, kundi sa Bagong Mundo, kung saan iilan lamang ang naninirahan.
3. Ang USA ay may dalawang hiwalay na kapangyarihan na binuo mula sa mga prinsipyong Kristiyano: Ang USA ay may katangi-tanging uri ng pamahalaan, kung saan ang simbahan at ang estado ay tumatamasa ng mga kalayaan na kaloob ng Konstitusyon. Dahil sa sistemang ito, ang USA ay isang Republika (isang kahariang walang hari) at Protestante (simbahang walang papa), kung saan ang kapwa kapangyarihan ay ganap na hiwalay. At ang kaniyang mga katangiang mala-tupa aygumagawa sa USA na takbuhan ng mga inaapi at naghihirap ng maraming bansa.
“Ang Maylikha ay hinahanap ang iyong pagsamba sa Kaniyang banal na Araw na Pangilin, at si Satanas, nagnanais na maging katulad ng Tagapaglikha, ay nais kang pagsambahin sa kaniyang Linggo. Alin ang pipiliin mo?
4. Ang USA ay parang dragon kung magsalita: Ang pangunahing batas ng USA na sinulat sa kaniyang konstitusyon ay tumitiyak sa kalayaan ng budhi ng bawat isa. Wala nang mas kaibig-ibig o ka-importante. Subalit, ang USA ay nagsimula na at hindi tatagal ay sisimulan nang itakwil ang bawat prinsipyo ng kaniyang Konstitusyon. At ang nagpapatibay sa pagkilos na ito ay ang katotohanan na ang pangunahing pakay ay ang pagpapatupad ng pagkilala sa Linggo.
Ang pagkilos na ito ay tuwirang pagbabaligtad sa mga prinsipyo ng pamahalaang ito, sa henyo ng kaniyang mga malayang institusyon, sa Deklarasyon ng Kalayaan, at sa Konstitusyon. Kaloob ng Konstitusyon na “Ang Kongreso ay hindi gagawa ng batas ng paggalang sa isang institusyon ng relihiyon, o magbawal sa malayang paggawa nito.” At na “Walang pagsusubok sa relihiyon ang maaaring hingin bilang kuwalipikasyon sa ano mang pagtitiwala ng publiko sa ilalim ng Estados Unidos.”
Ang pagbabago-bago ng kilos na ito ay hindi na naiba pa sa simbolo na kung saan ito’y nakalarawan. Ito ang hayop na may mala-tupang mga sungay – sa paggawa ay dalisay at di-nakakapinsala – na nagsasalitang parang dragon. Kahit sa panonood lamang sa mga pangyayari sa balita at ang di–kalayuang kasaysayan ang magpapatotoo sa paglalarawanng ito ng Biblia.
“At mahigpit kong tinataguyod ang pangunahing hango sa paniniwala na ating minumungkahi, sapagkat hindi ako naniniwalang lumalabag ito sa paghihiwalay ng estado at simbahan, at ako’y naniniwala na gagawin nitong mas maganda ang Amerika.” George W. Bush, gumagawa ng pagbabatay sa Establishment Clause, kinuha mula kay Conrad Goeringer, AANEWS #889 (Peb. 28, 2001) mula sa American Atheists. Ang pahayag ay bumabatikos sa Bill of Rights ng Konstitusyon natin kung saan ipinagbabawal sa ating pamahalaan ang “paggalang sa pagtatatag ng relihiyon.”
“Ang ating inuuna ay ang ating pananampalataya.”
George W. Bush, Greensboro, North Carolina, Oktubre. 10, 2000, hango kay Jacob Weinberg, “The Complete Bushisms”
“ Ang simpleng mensahe na pina-aabot ng bagong pamahalaan ay na ang Amerika ni George Bush ay isang bansang Kristiyano at na ang mga di-Kristiyano ay tinatanggap papasok sa tolda kung tanggap ng mga ito ang kanilang katayuan bilang pinauubayang minorya sa halip na mamamayang kapantay.” Alan M. Dershowitz, sa “Bush Starts Off by Defying the Constitution,” Los Angeles Times, Enero 24, 2001
Hula na malapit nang Matupad
13. Maliwanag na ang hayop na may dalawang sungay ay ang USA. Ngunit ano ang relasyon sa pagitan ng USA at ng larawan ng hayop?
Sa kabila nang ang USA ay tinatag sa mga prinsipyo na salungat sa kapapahan, ngayon nakikita natin kung papaano ang USA at ang Vatican ay nagtatrabaho ng mas malapit sa isa’t isa upang mapalakas pa ang kanilang impluwensiya. Sinasabi sa atin ng Biblia na sa di-malayong hinaharap, ang USA ay magpapasa ng batas na magpipilit sa mga mamamayan nito, pagkatapos nito ang mundo naman, na sambahin ang unang hayop, ang kapapahan. “ At kaniyang [ USA] isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop [kapapahan] sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa [una ang USA, pagkatapos ay ang mundo] at ang nangananahan dito sa unang hayop [paggalang sa Linggo ng kapapahan] , na gumaling [1929] ang sugat [1798] … 14 …na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop [gagayahin ang kapapahan nang gamitin nito ang kapangyarihang sibil upang mapatupad ang mga turong maka-relihiyon] na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.” Apocalipsis 13:12,14.
Hindi magtatagal ang USA ay bibitawan ang kaniyang kalayaan sa relihiyon upang ipatupad ang paggalang sa Linggo (ang tatak ng hayop). Mangangahulugan ito na ang Mga Simbahang Protestante ang hahawak sa pamahalaan upang makamit ang mga layunin nila. Kapag nangyari ito, ang USA ay makakagawa ng larawan sa Simbahang Romano Katoliko, pinag-isa ang simbahan sa estado. Ang USA ay magsasalita “na parang dragon” at gagamitin “ang lahat ng kapangyarihan ng unang hayop”Apocalipsis 13:11, 12; siya’y magtataglay ng parehong kawalang-paubaya at panunuligsa na unang ipinamalas ng unang hayop, ang kapapahan.
Sa gayon, sapagkat mapapawi ang kalayaan sa relihiyon, ang panunuligsa sa mga tumututol na minorya ay magiging ganap, at magkakaroon ng pag-ulit sa kawalang-paubaya sa relihiyon katulad ng sa Gitnang Panahon. “At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop [mga batas para sa Linggo ay nai-pasa] …upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop [sa mga gumagalang sa Sabado at hindi Linggo]. At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo: At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, [ang mga kumikilala sa tunay na Araw ng Pangilin ay pagbabawalang bumili at magbenta] sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan...” Apocalipsis 13:15-17
Ang ilanay tatanggap ng tatak “sa kanilang noo” sapagkat pinili nilang “paniwalaan ang isang kasinungalingan”II Mga Taga Tesalonica 2:11. Ang iba, kahit naniniwalang ang Linggo ay hindi totoong Araw ng Pangilin, ay susunod upang maligtas ang kanilang kabuhayan kaya't matatanggap ang tatak “sa kanilang kanang kamay” na siyang simbolo ng pagtrabaho.
14. Para ito’y maging totoo, kailangang may katibayan na ang kapapahan ay nagsisikap na matatag ang pag-puri sa Linggo sa USA, at na ang Mga Protestante ng USA (makasaysayan kalaban ng Roma), ay nagbago na ng kanilang pananaw, at nagpapahiwatig ng pagtatanggap sa pagpapalawig ng mga batas para sa Linggo. Mayroon bang katibayang ganito?
Ngayon, karamihan ng mga Protestante ay paayon sa kapapahan, at ito ang nagpapatapang sa kapapahan na tahasang hingin ang pagpapasabatas ng pagsunod sa Linggo.
“Makakabuti kung lahat ng Amerikano ay magpetisyon sa Presidente at sa Kongreso na gawing batas-pederal - baguhin ang Konstitusyon kung kailangan - upang maibalik ang (huwad) na Araw ng pangilin bilang pambansang Araw ng Pahinga.” CATHOLIC TWIN CIRCLE , August 25, 1985, Article “Sacking Sunday”
“Sa usaping ito, ang aking sinundan, si Pope LeoXIII… nagsabing ang pahinga ng Linggo ay karapatan ng manggagawa na dapat tiyakin ng estado.” Pope John Paul II-DIES DOMINI, Mayo 31, 1998
“Dahil doon… ang mga Kristiano ay inaasahang sisikapin na matiyak na ang batas sibil ay gagalangin ang kanilang tungkulin na panatiliing banal ang Linggo. Sa ano mang kaso, sila ay mapipilitan ng kanilang budhi na i-ayos ang kanila pahinga sa Linggo sa paraan na kung saan sila ay makakalahok sa santisimo, tumitigil sa paggawa kung saan ito’y di-ayon sa pagbabanal ng Araw ng Panginoon...” Pope John Paul II, DIES DOMINI, Mayo 31, 1998
“… ang mga Kristiyano [kahit saan] ay dapat humingi ng pagkilala sa Linggo at sa mga banal na araw ng simbahan bilang mga araw ng pahinga .” Catechism of the Catholic Church, popular and definitive edition, 2000, par 2188
Karamihan ng mga pinunong Protestante sa USA ay handa nang kalimutan ang alitan sa mga Katoliko:
‘Ang mga pinuno ng mga Protestanteng Amerikano at mga simbahang Orthodox ng Silangan na kung sino ay nakipanayam kay Pope John Paul II noong Biyernes ay pinuri ang kanilang unang malawakang usapan ng mga kinatawan bilang isang tanda sa tinatahak na pagkakaisa ng karamihan... sabi ni Rev. Donald Jones, isang United Methodist at chairman ng departamento ng pagaaral ng relihiyon sa University of South Carolina na ito ay, ‘pinakamahalagang tipanang ecumenical ng siglo.’ Tinawag ni Rev. Paul A. Crow Jr., ng Indianapolis, isang opisyong ecumenical ng Christian Church (Church of Christ), ‘bagong araw para sa ecumenismo’ nagbubukas ng hinaharap na kung saan “pinagbubuklod tayo ng Diyos.” The Montgomery Advertiser , Setyembre 12, 1987
Billy Graham : “Natuklasan ko na ang aking paniniwala ay kapareho ng sa Orthodox na Romano Katoliko.” McCall’s, Enero 1978. tinawag niya rin si PopeJohn Paul II na : “Ang pinakamalaking pinuno ng relihiyon ng makabagong mundo.” The Saturday Evening Post, Enero-Pebrero 1980
Paul Crouch : “Aking nililipol ang salitang Protestante kahit sa akiing bokabularyo… Wala akong pinoprotesta… panahon [na] upang ang mga Katoliko at di-Katoliko ay magtipon bilang isa sa Espiritu at isa sa Panginoon.” programang “Praise the Lord”, Trinity Broadcasting Network, Okt 17, 1989
Robert Schuller : “Panahon na upang ang mga Protestante ay magtungo sa pastol [ang papa] at sabihin, “Ano ang kailangan kong gawin upang maka-uwi?” Los Angeles Herald Examiner, Setyembre 19, 1987, Religion page
David Wells : “Kung ang Katolisismo ay magiging mas Katoliko pa sa hinaharap, na siyang inaasahan ko sa pamumuno ng kasalukuyang papa, magiging mas matalim ang mga pagkakaibang pananaw, ngunit ang ating pakiki-isa sa mga Katoliko laban sa kulturang sekular ay magiging mas malalim. Ako mismo ay handa na para sa pagbabago.” Eternity Magazine, Setyembre. 1987
J. L. Packer : “ Ang mga turong charismatic ng Protestante at Katoliko ay sa lahat ng pakay at layunin, magkatulad. Hindi ba ito mahalaga para sa kinabukasan ng Kristiyano?” J. I. Packer, Christianity Today, Hunyo 22, 1992
Neal C. Wilson : “ Bagama’t totoo na may panahon sa buhay ng Simbahang Seventh-day Adventist nang ang pangkat ay may natatanging pananaw na kontra sa Romano Katoliko... ang pakitungong iyon... ay nalagay na ngayon sa pangkasaysayang basura kung ang Simbahang Seventh-day Adventist ang may kinalaman.” Neal C. Wilson , dating presidente ng Seventh-day Adventist General Conference, 1974
Papaano Ko Maiiwasan Ang Tatak Ng Hayop?
15. Papaano ko ngayon maiiwasan ang tatak ng hayop?
Ito ang pinakamahalagang katanungan. Ang Diyos, sa kanyang walang katapusang pagibig, ay nagbabala sa atin na huwag sasamba sa hayop at nang hindi matanggap ang tanda niya. Silang mga tumatanggap ng tanda ng hayop “Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo [walang patawad] sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre… silang mga nagsisisamba sa hayop[pagsunod sa kapapahan sa pamamagitan ng pagsamba ng Linggo] at sa kaniyang larawan [USA pinapatupad ang pagsamba ng Linggo] , at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.” Apocalipsis 14:10,11.
Ito ay mga taimtim na salita ng Diyos. Ang kaniyang galit ay kapantay ng pagkakasala. Sa paggalang sa Linggo, na pinamulang ni Satanas sa pamamagitan ng kapapahan, ikaw ay naghahandang matanggap ang tatak ng hayop. Nais ni Satanas na makalinlang ng pinakamaraming makakaya niya sa paggalang sa huwad na araw na ito. Upang gawing perpekto ang kaniyang panlilinlang, pinili niya ang Linggo, ang araw ng muling pagkabuhay ni Kristo, alam niyang maniniwala ang mga tao na ang paggalang sa Linggo ay mas mainam kaysa Sabado, gayong pinahahalagahan nito si Kristo. Ngunit ang tanging paraan na hindi matanggap ang tatak ng hayop, ay ang pagtangging gumalang sa araw na hindi pinili ng Diyos. Ang tanging araw na inorden ng Diyos ay ang banal na Sabado Araw ng Pangilin at sa paggalang dito matatanggap mo ang “tatak ng Diyos na buhay”Apocalipsis 7:2.
Kung nais mong ipagbunyi ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, maliwanag na sinasaad sa Biblia na gawin ito sa pamamagitan ng bautismo (ganap na pagkalublob). Tingnan ang Mga Taga Roma 6:3-5 Sa pamamagitan ng pagpasok sa tubig (pagkakalibing) kinikilala mo ang Kaniyang pagkamatay. Sa paglabas mula sa tubig (pag-ahon) kinikilala mo ang Kaniyang muling pagkabuhay.
16. Papaano na ang bilyon-bilyong Kristiyano na sa nakaraan ay kumilala sa Linggo sa halip na Sabado – sila ba’y tumanggap sa tatak ng hayop nang di-nalalaman? At papaano naman ang mga Kristiyano ngayon na lubusang naniniwala na ang Linggo ay ang Araw ng Pangilin ng Biblia?
Karamihan ng mga Kristiyano ng nakaraang mga henerasyon ay gumalang sa Linggo, iniisip na kanilang pinapanatili ang Araw ng Pangilin ng Biblia; at ngayon may mga totoong Kristiyano sa bawat simbahan, kabilang na ang Simbahang Romano Katoliko, na nainiwalang ang Linggo ay ang Araw ng Panginoon. Wala sa kanila ang may pananagutan sa kanilang kamalian sapagkat ang liwanag ay hindi pa naparating sa kanila. Pagkat ang Diyos ay “kumikindat” sa panahon ng ating kamangmangan. Tingnan ang Mga Gawa 17:30. Tayo ay hinuhusgahan lamang ng liwanag na tayo’y nagkaroon ng pagkakataon na matanggap. Ngunit, kung ang pang-daigdigang batas sa ng Linggo ay pinatupad, ang usapin ay magiging malinaw para sa lahat, at sino mang lumabag sa utos ng Diyos, upang sundin ang alituntuning na walang kapamahalaang tataas pa kaysa Roma ay tatanggap ng tatak ng hayop.
Hindi tatagal, ang bawat tao ay haharap sa pagsubok nang nakataya ang kawalang -hangganan, na sundin ang kautusan ng Diyos o ng kapapahan. Saan ka papanig?
Walang Puwang para sa Hindi-Pagkampi
17. Bakit pa ako makiki-alam, bakit hindi ko na lang hayaan sa mga relihiyoso ito para malutas?
Ang taimtim na babala ng Diyos sa Apocalipsis 14 ay hindi nagbibigay ng puwang para sa kawalang-bahala. Sabi ni Jesus, “Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin”Lukas 11:23. Binibilang ng Diyos ang tao bilang ganap na para sa katotohanan o labag dito. Ang babalang ito ay di-kumikilala ng pagkatao, katayuan, kalagayan, o relihiyon. Ito’y hayag sa lahat ng tao.
Hindi kinakailangan na ating sadyang piliin ang kaharian ng kadiliman upang mapasa-ilalim sa kapamahalaan nito. Atin lamang kailangang magpabaya na kumampi sa kaharian ng liwanag. Walang bagay na may-kinalaman sa pangsa-walang hangganan ng kaluluwa ay dapat harapin ng kawalang-bahala. Kinapopootan ng Diyos ang nagpapasawalang-bahala sa mga bagay tungkol sa relihiyon.
Ano Ang Dapat Kong Gawin?
Gayong ang pagka-walang-bahala ay di-katanggap-tanggap sa Diyos, at alam kong para hindi ko matanggap ang tanda ng hayop, kailangan kong galangin ang Sabado kahit na ang Linggo ay pinapatupad ng batas na may kaparusahang kamatayan:
18. Sa matalinong paraan, ano ang dapat kong unang hakbang matapos kong tanggapin ang lahat ng nasa itaas?
Nananabik ang Diyos na magkaroon ng seryosong relasyon sa iyo. Sa katunayan, nais ka Niya na maging anakna babae o lalake. Isipin mo na lang kung anong pribilehiyo ang maging anak na babae o anak na lalake ng Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon. Ang tunay na pagkakataong ito ay ipinagkaloob sa iyo, nananabik Siyang ibigay sa iyo ang pinakamataas na parangal na ito. Ngunit ang salita niya para sa iyo ay, “Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? 15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? 16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. 17 Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin, 18 At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat. 7:1 Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.” II Mga Taga Corinto 6:14-18; 7:1.
Ang mahalagang sipi mula sa Biblia ay nagtataglay ng sumusunod na mga prinsipyo:
1. Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang paghalo ng katotohanan sa kamalian (kahit na 99.% itong totoo). Si Satanas lamang ang naghahalo ng katotohanan sa kamalian upang mapa-labis niya ang kaniyang panlilinlang. kaya’t, ano mang sistema ng relihiyon na naghahalo ng mga kamalian (kagaya ng Linggo bilang Araw ng Panginoon) na kasama ang katotohanan ay hindi nagmula a Diyos. Sapagkat “anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?” “Ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman” II Mga Taga Corinto 6:14;1 Juan 1:5 ang katotohanan ay 100% katotohanan o hindi ito katotohanan. Walang puwang para sa mga turo o tradisyon ng tao.
“ang pagbubukod ay ang unang matalinong hakbang na iyong magagawa upang maging anak ng Diyos”
2. Ang tungkulin ng taong naghahangad na maging kaisa ng Diyos ay ang hindi pagsani sa ano mang relihiyon o sistema na binuo sa mga saligan ni Satanas: ang paghahalo ng katotohana sa kamalian. Ang pagbubukod na ito ay ang unang matalinong hakbang na iyong magagawa upang maging anak ng Diyos at nang magdiwang sa Kanya bilang iyong nagmamahal na Ama.
kapag tayo ay bumukod, maaari tayong maging mga anak na lalake at anak na babae ng Diyos. Sapagkat tayo’y nagpamalas ng pagkakaunawa na mayroon lamang dalawang sistema ng relihiyon sa mundo: Ang sa Diyos at ang kay Satanas, at sa gayon tayo’y kusang-loob na piniling putulin ang ano mang pagkakatali natin sa sistema ng relihiyon na tinatag ni Satanas.
3. Alam mo na kapag iniwan mo ang sistema ni Satanas ng relihiyon, mawawalan ka ng mga kaibigan, kamag-anak, impluwensiya, hanap-buhay, atbp... Pinasisiguruhan ka ng Diyos: “AKO ang Makapangyarihan sa Lahat.” Nangangahulugan ito na ika’y kaniyang gagantihan sa lahat ng nawala sa iyo. Pinapangako ni Jesus sa iyo: “Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio, Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay. ” Marcos 10:29,30.
4. Matapos nating maka-alis sa sistema ng relihiyon ni Satanas ang Panginoon ay maaari tayong gabayan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang linisin tayo mula sa kasalanan, nang ang pag-uusap ay maging ganap sa pagitan ng Diyos at ng tao. Subalit, nais ng Diyos na tayo’y sumunod at maglingkod sa Kaniya, hindi sapilitan, kundi kusang-loob. pagibig sa Diyos dahil sa pasasalamat sa Kaniyang ginawa upang gawing ganap ang panunumbalik na ito ay ang pinaka-haligi ng relihiyon. Ang pag-ayon sa Kaniyang kaluguran sa pag-asang tatanggap ng gantimpala o dahil sa takot sa kaparusahan ay walang maidudulot.
Panunumbalik sa Diyos
19. Ano ang “panunumbalik sa Diyos” at bakit kailangan ito?
Nang nilikha ng Diyos si Adan at si Eba, silay walang-kamalian sa katauhan at kagustuhan, at nanirahan ng sumusunod sa batas ng Diyos. Upang maging natural sa kanila ang sundin Siya, tinatak ng Diyos sa kanilang mga puso Ang Sampung Kautusan. Kaniya ring nilahad na ang pagsuway sa Kaniyang batas ay may kaparusahang kamatayan. “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” Mga Taga Roma 6:23. Ang lahat ng pamahalaan ay nangangailangan ng mga malinaw na batas at malinaw na kaparusahan sa mga paglabag sa mga batas na ito. Isipin mo na lang ang kalagayan ng mundo kung ang mga kaparusahan ay ipawalang-sala. Ligtas ba tayong manirahan sa lugar na kung saan ang mga lumalabag sa batas ay hindi haharap sa kaparusahan?
Samantalang nilahad ng Diyos ang Kaniyang batas kay Adan at Eba, at ginawang natural para sa kanila na sumunod sa pamamagitan ng pagtatak nito sa kanilang puso. Hindi Niya inalis ang kanilang kalayaan na pumili. Maaaring ginawa ng Diyos ang tao na walang kakayahang sumuway sa Kaniyang utos; ngunit kung ganoon, ang tao ay hindi magiging malayang alagad na moral, kundi isang awtomatiko. Kapag walang kalayaan sa pagpili, ang kaniyang pagsunod ay hindi magiging kusang-loob, kundi sapilitan.
Kalungkot-lungkot nga lamang, pinili ni Adan at Eba na suwayin ang Diyos, kaya't naglikha ng harang ang kasalanan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Sila'y napasa-ilalim sa kaparusahang kamatayan dahil sa paglabag sa batas ng Diyos. Kinailangan nilang mamatay. Bilang karagdagan, ang kanilang dalisay na pagnanais na sundin ang Diyos ay nabahiran matapos nilang suwayin ang Kaniyang batas. Nagkamit ng lumalaban at mas malakas na pagnanais na sumuway ang kanilang puso.
Naharap sa pagsuway nina adan at Eba, ano ang gagawin ng mahal nating Diyos? Hayaan silang kapuwa mamatay para sa kanilang mga paglabag sa Kaniyang batas? Ang mga nagmamahal bang mga magulang ay tinatakwil na lamang ang kanilang anak matapos itong sumuway sa kanila? O mas masama pa, Kanya bang tatanggalin ang kaparusahan sa kanilang paglabag upang pagbigyan sila? Ang isang pamahalaan ba, maka-lupa o maka-langit man, ay kayang manatili at umunlad na walang malinaw na mga kaparusahan? Makakatiyak tayong hindi.
Sa maikling salita, kung si Adan at Eba ay magbabayad para sa kanilang pagsuway ng sarili nila, hahantong iyon sa katapusan ng lipi ng tao. O kung lilikha ng panibagong Adan at Eba ang Diyos, walang seguridad na hindi nila, katulad ng kanilang sinundan, na piliing sumuway, at ang buong pangyayari ay muling magaganap. Naging malinaw na isang panglabas na solusyon (labas ng kinasasakupan ng mga makakasalanan) ang kailangang gawin. Ang napakahusay na planong ito ay naihanda na ng Diyos bago pa man nagkaroon ng pangangailangan para dito.
ang sabi ng Biblia na ito ay “Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal” Mga Taga Colosas 1:26. Napapaloob sa plano ng Diyos ang solusyon upang maibalik sa paggiging kaisa ng Diyos ang tao, nang hindi pinasasawalang-bagay ang Kaniyang batas, o kapamahalaan dahil gaano man kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan, kaniya namang minamahal ang makasalanan.
nangahulugan ito na ibang inosente ang dapat magbayad ng parusang kamatayan, kaya’t ang kaniyang kamatayan ay para sa mga makasalanan. Sa pamamagitan ng kaiyang pagkamatay, ang makasalanan ay mapapanumbalik sa Diyos, na wari’y hindi siya nagkasala, kaya’t ang hustisya at pag-ibig ng Diyos sa lipi ng tao ay hindi magkakasalungat. Kung hindi mabayaran ang kaparusahan, walang magiging panunumbalik sa pagitan ng tao at Diyos. At mahalaga ang panunumbalik upang maging kaisa ng Diyos at nang manirahan ng pang habang-panahon kasama Niya sa langit.
Bilang karagdagan, Ang panlabas na taong ito na siyang mamamatay sa halip na ang mga makasalanan ay kailangang ipakita sa mundo kung paano mamuhay sa mundo na hindi nagkakasala, upang magkaroon ng pangmatagalang panunumbalik sa Diyos. Ano ang silbi ng panunumbalik kung mahuhulog lamang pabalik sa kasalanan, at kailanganin na naman ang panunumbalik? Malinaw, nasa plano ng Diyos ang pagbigay ng kapangyarihan ang tao na magwagi laban sa kasalanan! Upang, kahit na dahil sa pagsaway sa batas ng Diyos, nawala ni Adan ang paraiso, sa pagsunod sa batas ng Ama at sa pamamagitan ng pananampalataya sa mapagpatawad na dugo ng taga-labas na taong ito, maaaring muling makamit ang paraiso.
20. Nais kong manumbalik sa Diyos; Nais kong manaig sa kasalanan ng aking buhay. Ano Ang Dapat Kong Unang Gawin?
Kailangan mong tandaan ang dalawang mahalagang bagay. Una, ang mapagmalaking puso ay nagsisikap na makamit ang kaligtasan; ngunit kapuwa ang iyong luklukan sa langit at katayuan para sa panunumbalik ay makikita sa kabanalan ng taong taga-labas na ito. Pangalawa, walang magagawa ang Diyos patungo sa panunumbalik mo hangga’t, naniniwala sa iyong sariling kahinaan, at hubad sa lahat ng iyong pagka-sarili, ay isuko mo ang iyong sarili sa pangangalaga ng Diyos.
Subalit, ang tanong mo ay nangangahulugan na ikaw ay nasasakdal na ng sarili mong pagkakasala. Hindi ka maligaya sa sarili mo. Ang unang hakbang na dapat gawin ng laaht ng manunumbalik sa Diyos ay pagsisisi. “Mangagsisi… at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan” Mga Gawa 3:19. Madalas tayong malungkot sapagkat ang kasamaan natin ay nagdadala ng di-kaaya-ayang mga kinahahantungan sa atin; ngunit hindi ito pagsisisi. Ang tunay na pagsisisi ay higit pa sa kalungkutan para sa kasalanan. Ito ay disididong pagtalikod sa kasamaan. Walang tunay na pagsisisi ang hindi gumagawa ng pagbabago. Gayon pa man, kaya bang magsisi ng tao para sa sarili niya? Hindi lang gaya ng pagpatawad o paghugas sa sarili niya. Ang pagsisisi ay hindi iba na biyaya ng Diyos sa kapatawaran at ito’y hindi marranasan liban kung ipagkaloob sa kaluluwa.
Kung ang puso ay maging ganap na mapagsisi sa pagsuko sa impluwensiya ng Banal na Espiritu, ang makasanan ay magsisimulang maintindihan ang pagka-sagrado ng banal na utos ng Diyos. magkakaroon ng pagnanais na mamuhay ng dalisay at banal na buhay at nang magkaroon ng di-mapatid na kapayapaan kapiling ang Diyos. At habang tayo ay nagsisikap na lumapit sa Diyos, “siya'y lalapit”, at ang ating pagkatao ay ipapakita ang sa Kaniya habang tayo’y “araw-araw na mamatay” sa ating makasalanang buhay. Santiago 4:8;1 Mga Taga Corinto 15:31.
Pagwagi Laban Sa Kasalanan Sa Pamamagitan Ni Kristo
21. Pakiliwanang ng husto ang pagkakakilanlan ng taong-labas na ito; totoo bang sa pamamagitan niya’y magkamit ng pananaig sa kasalanan habang nabubuhay sa mundong ito?
Isang tao lamang ang matagumpay na makakagawa ng layuning ito. Ang taong iyon ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos. Bakit ang Anak ng Diyos ang natatanging may-karapatan sa layuning ito? Sapagkat ang Anak ay ang Tagapaglikha ng lahat, “ Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita … lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya ” At taglay ng Anak ang lahat ng katangian at kakayahan ng Diyos sapagkat Siya'y “sinag ng kaniyang kaluwalhatian.” May buhay si Kristo sa Kaniyang sarili, na higit pa sa katugma sa lahat ng tao na ipapanganak pa at mangangailangan ng kaniyang mapag-alang-alang na kamatayan. Kaya’t, ang kaniyang sakripisyo ay gaganap sa hustisya ng Diyos para sa lahat ng makakasalanan na tatanggap sa Kaniyang mapang-alang-alang na kamatayan, habang ipinamamalas ang Kaniyang awa at pag-ibig. Sa anak, “Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.” At sa pagiging katumbas ng Diyos, ang Anak ay tunay na tanging makapagpapamalas sa tao ang magagandang katangian ng Diyos at ipanumbalik ang tao sa Diyos. Mga Taga Colosas 1:15, 16 ; Sa Mga Hebrero 1:3; Mga Awit 85:10.
Ngunit para ito ay mangyari, at para magaing ganap ang hustisya ng Diyos, kinailangan ng Anak na akuhin ang para sa sarili Niya ang ating nalaglag na pagkatao, taglay ang pag-kiling sa kasalanan. “Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham.” Tanging sa ganitong hakbang para ang maging napakagandang huwaran ang Anak para sa atin. “iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na siya'y hindi nagkasala.” Mga Hebrero 2:16 ; 1 Pedro 2:21, 22.
Mula sa isang tabi sa pamamagitan ng Kaniyang kabanalan Siya’y pumantay sa Diyos at, sa isang tabi, sa Kaniyang pagkatao pumantay Siya sa tao. Kaya’t, walang iba kundi ang Anak ang makapagkakaloob nitong mahalagang biyaya ng panunumbalik. “Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya [ang Anak] nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito”… “…na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin” “Sapagka't… noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak.” Inilagay ni Kristo ang Kaniyang sarili sa ating makataong mundo kasama na ang lahat na kahinaan nito, ngunit nanirahan Siya ng buhay na walang-sala. Sa pamamagitan nitong matagumpay na pamumuhay laban sa kasalanan na si Kristo ay sabik na bigyan tayo ng kapangyarihang mabuhay. Mga Hebrero 2:14 ; II Mga Taga Corinto 5:19; Mga Taga Roma 5:10.
Ang nais ng Diyos para sa Kaniyang mga anak ay matayog pa sa pinakamatayog na kayang abutin ng isip ng tao. “Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal” “…Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay” “Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama…” “Sundin ninyo… ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon.” Ang lahat ng Kaniyang mga pag-uutos ay mga kinauunlad. Walang hinihingi ang Diyos nang hindi nagbibigay ng kaparaanan para sa pagpapaganap nito. Mateo 5:48; 1 Pedro 1:15;Mga Taga Filipos 2:15; Mga Hebrero 12:14.
“Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.” - Mateo 5:48
Hindi kailangang hindi-magtagumpay sa pagkamit ng kawalang-sala ng katangiang Kristiyano. Sa pamamagitan ng sakripisyo ni Kristo, nakahanda na para sa bawat mananampalataya na tumanggap ng labis-labis ang lahat ng kinakailangan upang makamit ang layuning ito. Pinananawagan ng Diyos na ating makamit ang katayuan ng pagka-walang-sala at nilagay ang katangian ni Kristo bilang ating huwaran. Sa Kaniyang pagkatao, pinaghusay ng buhay na hindi-nagbabagong pagtanggi sa kasamaan, pinamalas ni Kristo na ka-akibat ang pagka-banal, ang tao ay maaaring makamit ang pagkawalang-sala ng katauhan. Ito ang pangako ng Diyos sa atin na kahit tayo, ay maaaring magkamit ng tagumpay.
Nagpapasalamat kami sa Diyos na “na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo”I Mga taga Corinto 15:57
22. Papaanong nagawa ni Kristo na mabuhay ng walang-kasalanan sa malupit na mundong ito?
Walang ibang buhay ang mas puno ng hirap at pananagutan na halintulad sa kay Kristo; ngunit gaano kadalas na Siya'y matagpuan na nagdadasal! Gaano kadalas ang Kaniyang pangungusap sa Diyos? Muli’t muli sa kasaysayan ng Kaniyang maka-mundong buhay ay matatagpuan ang mga talang katulad nito: “At nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, at napasa isang dakong ilang, at doo'y nanalangin” “Datapuwa't siya'y lumigpit sa mga ilang, at nananalangin” “At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios” Marcos 1:35; Lucas 5:16; 6:12.
Ang walang-patid na pangungusap sa Kaniyang Ama ay napaka-halaga kay Kristo . Kaya’t, ito'y dapat nasa ating ngayon. Bilang isa sa atin, kahati ng ating mga pangangailangan at kahinaan, Siya ay ganap na umaasa sa Diyos, at sa lihim na lulan ng panalangin Kaniyang hinanap ang banal na lakas, nang Siya’y umusad nang handa sa alituntunin at pagsubok. Sa mundong makasalanan nilampasan ni Kristo ang mga paghihirap at pahirap sa kaluluwa. sa pangungusap sa Diyos, naaalis Niya ang mga kalungkutan na nagpapahirap sa Kaniya. Dito nakikita niya ang kaginhawaan at kaligayahan. Bilang isang tao, nagsumamo siya sa kaharian ng Diyos hanggang ang Kaniyang pagkatao ay pinalakas ng pagagos na nagmula sa langit na siyang nagugnay sa Kaniyang pagkatao at pagkabanal. Sa pamamagitan ng patuloy na panalangin Kaniyang natanggap ang lakas upang manirahan ng walang kasalanan. Ang kaniyang naranasan ay maaaring maging iyo.
Bago ang lahat ay ang napakagandang pagkakataong maging tulad ni Kristo, masunurin sa lahat ng prinsipyo ng batas ng Diyos. Ngunit sa sarili lamang natin, hindi natin kaya. Ang kabanalan niya ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pagsasanay sa sarili natin na palagiang isuko ang sarili sa mapagpigil na impluwensiya ng Banal na Espiritu. Ang mapagpaunlad na kapangyarihan ni Kristo ang tutulong sa atin na madaig ang bawat kamalian. Tayo ay dapat na palagiang manalangin kay Kristo, gawa ng Siya ay nangusap sa Kaniyang Ama ng walang-tigil, upang matulungan tayong manaig sa ating taglay na mga kahinaan. Ang paglilinis ng kasalanan sa atin ay isang walang-tigil na proseso. Araw-araw, tayo ay dapat makpagtulungan sa Diyos upang isulong ang ating mga gawain para sa paglago ng tamang paguugali. Masayang ipagkakaloob ni Kristo sa atin ang lakas at biyaya na kinakailangan sa ating pakiki-baka sa kasamaan na ating hinaharap.
Pananampalataya kay Kristo Kaparis ang Sariling Pagsisikap
23. Sinasabi mo ba na hindi mapapalitan ng pananampalataya kay Kristo ang aking sariling pagsisikap na patuloy na pakiki-baka laban sa kasalanan? Hindi ba maaaring maniwala ako kay Kristo at sa Kaniyang ginawa para sa akin at sapat na iyon upang maligtas?
Ang lahat na tumanggap kay Kristo bilang sariling Tagapagligtas ay mapalad na tumanggap ng kaniyang mga katangian. Ngunit, ang mga naghihintay na makamalas ng biglaang pagbabago sa kanilang katauhan nang walang pursigidong pagsisikap na madaig ang kasalanan ay mabibigo. kailangan nating maging laging-listo kundi’y muling mananaig ang ating dating katauhan, kung saan ang kalaban ay gagawa ng bitag na kung saan tayo'y muling maging bihag. Tayo’y dapat magsikap sa “sariling pagkaligtas na may takot at panginginig. Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.” Mga taga Filipos 2:12, 13.
Hindi tayo binigyan ni Kristo ng katiyakan na magiging madali ang pagkamit ng kawalang-sala ng pagkatao. Ang kagalang-galang, at ganap na pagkatao ay hindi namamana. Hindi ito dumadating sa atin ng di-sinasadya. ang kagalang-galang na katangian ay nakakamit sa pamamagitan ng mga biyaya at kapangyarihan ni Kristo. Biyaya ng Diyos ang mga talento, mga kapangyarihan ng pag-iisip; tayo ang bumubuo ng katauhan. Ito’y nabubuo ng mahirap, matibay na pakiki-baka sa sarili. Muli’t muling pakiki-baka ang dapat i-sulong laban sa mga minanang ugali.
Kailangan nating punahing ang ating mga sarili, at huwag hayaan ang kahit isang pagkakamali na manatili. Ito'y masakit at nakapanghinang gawain kung minsan sapagkat, habang nakikita nating ang mga kapangitan ng ating pagkatao, patuloy tayong tumitingin sa kanila, kung saan dapat kay Kristo tayo titingin. Ngunit ang bawat isang papasok sa mala-perlas na tarangkahan ng siyudad ng Diyos ay papasok doon bilang mananakop, at ang pinakamalaking pananakop na kaniyang nagawa ay ang pagsakop sa sarili.
Huwag sabihin nino man, hindi ko kayang ayusin ang mga sira ng aking pagkatao. Kung ang sinoman ay magpasiya ng ganito, tiyak an mabibigo siyang makamit ang buhay na walang-hanggan. Ang pagka-imposible ay nasa sariling kalooban. Ang tunay na hirap ay nagmumula sa pagkadungis ng isang pusong di-ligtas, at ang kawalang-kusang-loob na magpaubaya sa Diyos.
Ang pagsunod sa Panginoon ay pinaka-mahalaga habang lumalakad kasama Niya. ang dalawang pangunahing katangian ng isang mananampalataya ay ang pagsunod sa Kaniyang batas, at pananampalataya kay Kristo. Tingnan ang Apocalipsis 14:12. Kaya’t ang “paniniwala” lamang kay kristo ay hindi sapat. Kung naging ganoon, si Satanas mismo ay magkakamit ng Langit, sapagkat nakasulat, “ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig” Santiago 2:19
Halimbawa, ano ang nagdulot ng pagkakatakwil kay Adan at Eba mula sa Eden? Hindi sila nahirapang maniwala kay Jesus sapagkat siya’y naglakad kasama nila sa lamig ng araw. Tingnan ang Genesis 3:8 . Ang pagsuway ang nagpahirap sa kanila ng husto. Kaya’t ligtas ba tayo sa mga paggawa? “Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo’ Kay Tito 3:5. Hindi natin sinusunod ang batas upang maligtas. Ang pagsunod sa mga kautusan ay ang bunga sabi ni Kristo na ipamamalas ng Kaniyang mga mananampalataya.
Pinapatunayan ng batas na nagangailangan tayo ng Tagapagligtas. Sa pagtingin sa batas bilang “salamin” para sa Kristiyano makikita natin ang ating mga kamalian ng mas malinaw. Tingnan ang Santiago 1:23-25. Ipinakikita sa atin na hindi natin makakamit ang pagkawalang-sala nang wala si Kristo. Ang batas ay hindi nakapagliligtas. Maituturo lamang nito ang pangangailangan natin para sa isang Tagapagligtas. Upang mailarawan, kung ikaw ay mahulog sa putik, pagharap mo sa salamin, makikita mo ang iyong dumi. Malilinis ka ba ng salmin? Hindi. Maituturo lamang nito ang iyong pangangailangan na malinis.
24 . Totoo bang posible na kung manalig ako sa kapangyarihan ni Kristo, kasama ng walang humpay na pakiki-baka sa sarili kong mga kamalian, ang katauhan ko ay magiging walang-sala?
Ang mga anghel ng langit ay tutulong sa sino man na nagnanais ng pagka-walang-wala ng katauhan. Sa lahat ng sumasabak sa gawaing ito sinabi ng Diyos, Ako’y nasa kanang kamay niyo upang tulungan kayo “sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin [Jesus] ay wala kayong magagawa”Juan 15:5 Tandaan ito. Tayo’y maging tapat gaya ng karayom sa poste at nang walang tukso na makakdungi sa atin. Huwag sana natin Siyang biguin na nagmamahal sa atin ng ibinigay Niya ang saring buhay upang mabayaran ang mga kasalanan natin.
Kung ikaw ay nagkamit ng mga pagkakamali, tiyak na magwawagi ka kung makita mo ang mga kamaliang ito at kilalanin ang mga ito bilang mga babala. Kaya’t, nabago mo ang pagkatalo sa pagwawagi, binibigo ang kalaban at pinaparangalan ang iyong Tagapagligtas. At matapos nito, habang nakikipagtulungan ang iyong kaloob sa kaloob ng Diyos, ito’y nagiging makapangyarihan.
Tagapag-ayos ng Pagkasira
25. nauunawaan ko na ang kahalagahan ng pagunawa kung sino ang hayop, ang kaniyang tatak, at ang kaniyang larawan, dahil imposible ang kawalang-sala kung ako ay nalinlang sa pagsuway sa batas ng Diyos. Ano ang maaari kong gawin ngayon?
Ngayon nalaman na natin na ang Linggo ay ang tatak ng kapapahan (ang hayop), at na pahihirapan ni Satanas ang mga tao sa paggalang sa banal na ika-pitong araw ng pahinga ng Diyos sa paggamit sa USA para maipasa ang pandaigdigang batas ng Linggo. Dapat nating simulan ang paggalang sa Sabbath (pagsasanay sa sarili natin habang madali pa) at ipamahagi ang katotohanang ito sa iba upang maka-wagi ng pinakamaraming kaluluwa na ating makakaya.
Ang utos ay naibigay, “Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang...” Hindi ang mundong pagano, kundi ang mga tao na siyang hinirang ng Panginoon bilang “aking bayan,” ang siyang kailangang pagsabihan sa kanilang mga pagsusuway. Kanya pang sinabi, “Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios” Isaias 58:1,2.
Narito ang isang uri na palagay sa sarili ay banal, at animo’y malaki ang pagnanais sa paglilingkod sa Diyos; ngunit ang di-matinag na galit ng Diyos ay nagsasaway sa kanila sa pagyurak sa mga banal na alituntunin.
Tinuro ng propetang si Isaias kung aling batas ang napabayaan: “… at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng nasira…Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon” Isaias 58:12-14
Hindi magtatagal, sa pamamagitan ng pandaigdigang batas ng Linggo, gagawin ni Satanas na krimen ang pagsunod sa Diyos
Ito’y ukol din sa iyo. Ang pagkasirang nagawa sa batas ng Diyos nang ang Sabbath ay binago ng Simbahang Romano Katoliko. Napapanahon na upang ang banal na institusyong ito ay maibalik. Ang pagka-sira ay kailangang ayusin. nagpasiya tayo na maging isa sa mga mag-aayos ng pagkasira. Nais mo bang maging tagapag-ayos ng pagkasira?
Nais mo bang simulan na panatiliing banal ang Sabado, sa pag-tigil sa iyong gawain, hindi paghanap sa iyong sariling kaluguran, at hindi pagsambit ng iyong sariling mga salita sa loob ng mga banal na oras ng araw ng Sabbath ng Panginoon?
Saan Magsasamba
26. Oo, Ika-gagalak ko ang maging tagapag-ayos ng pagkasira sa batas ng Diyos. Ngunit, wala akong nalalaman na simbahan na tunay na gumagalang sa Sabbath, sumusunod sa Biblia lamang, at naglalantad sa kapapahan. Kaya’t saan ako sasamba?
Makakasigurado ka na hindi lang ikaw ang nahaharap sa mahirap na kalagayang ito. Ang mga may-ugnayan sa proyektong ito ay naharap na mismong kalagayan na ito. Kinailangan naming iwanan ang aming mga simbahan mula nang matutunan namin kung gaano nila hindi kamahal ang katotohanan. kahit na ang mga simbahan na umaangking gumagalang sa Sabbath ngunit ang kanilang paglingkod ay hanggang salita lamang. Kanilang pinanatiling banal ang Sabbath kung ito’y posible at madalin gawin lamang. Kung magkakaroon ng pagkakataong mahirap gawin ang paggalang sa Sabbath ang mga simbahang ito ay papatawarin ang mga miyembro sa pagganap sa kanilang tungkulin na panatiliing banal ang Sabbath. Ngunit sinabi sa atin ng salita ng Diyos, “Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao” Mga Gawa 5:29.
Hindi magtatagal, sa pamamagitan ng pandaigdigang batas ng Linggo, gagawin ni Satanas na krimen ang pagsunod sa Diyos Kailangang maging handa tayo na mapabilang na kriminal sa pananatili sa Sabbath Niya na banal, sa halip na maging masunurin sa batas ng tao ngunit may-sala sa pagsuway sa Diyos. Hindi magtatagal, ang lahat ay mahaharap sa ganitong mahirap na kalagayan: sino ang aking susundin, ang tao o ang Diyos? Pinili naming sundin ang Diyos ano pa man ang mga pahirap o kaparusahan na kami’y mapapasailalim sapagkat hianhangad namin ang kahariang langit.
Samantala, matapos iwan ang lahat ng simbahan at relihiyong kontra sa katotohanan ng Diyos, nagsimula kaming magsamba sa aming mga tahanan nagsisikap na mapanalunan ang mga kapamilya, kaibigan at mga kapit-bahay sa katotohanan hanggang sa maka-buo kami ng maliit na pangkat ng mananampalataya. Kaya’t aming maaangkin ang pangako ng Diyos “Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.” Mateo 18:20.
Aming pinatotohanan na nang kami ay humiwalay mula sa mga simbahan at huwad na relihiyon sa pagsunod sa utos ng Diyos (tingnan ang katanungan 18) aming natamasa ang kalayaan at pagkamalaya. “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo” Juan 8:32. maging inyo sana ang aming kaligayahan, gawa ng iyong pagpasiyang humiwalay upang maging anak na lalake o anak na babae ng Diyos. “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito” Apocalipsis 21:7.
-----------------------
Pinapanalangin namin na iyong piliin ang maging tagapag-ayos ng pagkasira sa batas ng Diyos, at sasabak sa pagliligtas ng mas marami pa sa nagkukusang-loob mula sa panlilinlang na bumabalot sa mundo na nahaharap sa kaniyang huling pag-asa bago ang nalalapit na pangalawang pagdating ng ating Panginoon at Tagapagligtas JesuCristo. AMEN.
Ang lahat ng mga bersikulo sa Biblia ay hango sa King James Version.