Pandaigdigang Paglindol | Hudyat ng Pitong Trumpeta
Naniniwala ang World’s Last Chance na ang mundo ay malapit nang masaksihan ang Pitong Trumpeta ng Pahayag. Ang mga Trumpeta ay isa-isang tatama sa mabilis na pagkakasunod.
Magtatagal ng 150 araw ang Ikalimang Trumpeta, at ang mundo’y ikokondisyon na maniwala na ito ay tatapusin ng Ikawalong Hari (Pope Francis I), na lumitaw mula sa banging napakalalim. (“Mula sa banging napakalalim” – Ibig sabihin nito ay kokontrolin siya ni Satanas sa antas na hindi nakita sa mga naunang pitong “hari”.)
Ang pamumuno ng ikapitong hari, Benedict XVI, ay nagwakas na matapos ang sandaling panahon, na nahulaan sa propesiya. Natupad nga ang Kanyang salita. Natupad sa propesiya na ang pamumuno ng ikapitong hari ay sandali lamang at may kinalaman sa pamumuno ng naunang anim na hari.
Ang ikawalong hari na magiging huling papa, sapagkat ang pamumuno niya ay magwawakas sa Muling Pagdating ni Yahushua. Inaanyayahan ka namin na panoorin ang mga video ng Pitong Trumpeta ng Pahayag.
Sa
paglipas ng mga araw, nalalapit na tayo sa pagtunog at pagtama ng mga
Trumpeta. Ang apostol na si Juan, sa ilalim ng Banal na inspirasyon,
ay naitala para sa atin ang mga pangyayari bago ang panahon ng
pagtama ng mga Trumpeta.
“Pagkatapos, ang anghel ay kumuha ng mga baga mula sa dambana, inilagay sa sunugan ng insenso at inihagis sa lupa, at biglang kumulog, nagkaingay, kumidlat at lumindol.”(Pahayag 8:5)
Kapag hinagis ng anghel ang insenso sa lupa, isang malawak, pandaigdigang paglindol ang magaganap na may kasamang kulog at kidlat. Ang pangyayaring ito ay hudyat para sa mga nabubuhay sa mundo na ang Pitong Trumpeta ay mag-uumpisa nang bumagsak.
May mga kalamidad bilang mga signos ang nangyayari sa mundo na indikasyon na ang Muling Pagdating ni Yahushua ay malapit na. Nakakalungkot man, karamihan sa mga tao ay kakaiba, o di kaya’y hindi pinaniniwalaan ito. Si Yahuwah, sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, ay gumawa ng paraan para anyayahan ang bawat nabubuhay na tanggapin ang libreng alok ng buhay na walang hanggan.
Gagamitin Niya ang mga Trumpeta para magpadala ng mga ganoong kalamidad, ang layunin ay ang bawat tao ay sumunod at tanggapin ang imbitasyon ng buhay na walang hanggan. Ito ay kung papaano ang “mabuting balita ng kaharian ay ipangangaral sa buong sanlibutan.” (Mateo 24:14); kukunin nito ang atensyon ng sangkatauhan sa pamamagitan ng mga Trumpeta ng Pahayag. Wala nang anumang magagawa pa rito.
Habang kinukuha ni Yahuwah ang atensyon ng lahat ng tao sa mundo sa pamamagitan ng mga pangyayaring ito, ang kaisipan ng bawat isa ay mabubuksan para pakinggan sa pagkakataong iyon ang mabuting balita. Ang pandaigdigang lindol na ito, na susundan ng pagtunog ng mga Trumpeta, ay malapit nang bumagsak sa mundong ito. Ito ay hudyat para sa sangkatauhan na ang Langit ay kinukuha ang atensyon ng bawat nabubuhay.
“Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo; ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo’y unang sumampalataya kay Yahuwah. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kalaswaan at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Yahushua ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag ninyong sundin ang mga hilig ng laman.” (Roma 13:11-14)