Sina Napoleon, Atatürk, at Pope Francis Ay Nagpapahiwatig ng Nalalapit na Pagwawakas ng Panahong Ito
Bagong liwanag sa aklat ni Daniel ang nagsiwalat ng kagulat-gulat na patotoo: ang pagtatapos ng probasyon ay nalalapit na! Napilitan ang WLC na itaas ang alarmang ito: Maging handa! Humanda! Humanda! |
![]() |
Isa sa maraming batong ukol sa tsunami na nakakalat sa baybayin ng Hapon. |
Ang araw ay bumukang-liwayway tulad ng ibang maagang pagsibol ng umaga. Ang mga bata, sa mga sariwang paaralang uniporme, madaling tumungo sa mga klase habang ang mga nasa gulang ay pumasok sa mga trabaho ng araw na iyon. Ginawa ang mga plano para sa katapusan ng linggo. Patuloy ang pamumuhay nang pabilis sa komportable nitong kaayusan, lahat ay walang kamalayan na sa loob ng mga oras, isang serye ng mga alon ang lumitaw mula sa kailaliman, sumaklaw sa lupain. Halos 16,000 ang namatay, mahigit 2,500 mga indibidwal ang nawawala, at maraming tao pa ang nahatulang mamatay mula sa kanser at iba pa mga sakit na naiuugnay sa pagkalantad sa radyasyon mula sa pagkatunaw ng nuklear sa planta ng Fukushima Daiichi. Araw ng Biyernes, Marso 11, 2011, ang pinakamalubhang lindol na tumama sa Hapon mula pa noong 869 AD, lumuray sa pangunahing isla ng Honshu.
Nakatayo 300 talampakan (91 metro) sa ibabaw ng pinakamataas na naabot ng tubig sa kalunus-lunos na araw na iyon nakaupo ang isang matandang posteng bato. Nakaukit sa batong iyon ay isang babala: “Huwag magtayo ng bahay sa ilalim ng bahaging ito!”
Nakakalat sa baybayin ng Hapon ang mga ganoong pananda, karamihan ay higit pa ang tanda sa 600 taon. “Ang mga inskripsyon ay nagsumamo sa henerasyon sa hinaharap na huwag magtayo nang napakalapit sa tubig. ‘Kahit na ilang taon pa ang lumipas,’ basahin, ‘huwag kakalimutan ang babalang ito.’”1
“Ang mga batong iyon ukol sa tsunami ay mga babala sa lahat ng henerasyon, nagsasabi sa mga inapo upang maiwasan ang kaparehong paghihirap ng kanilang mga ninuno,” Itoko Kitahara, isang espesyalista sa mga natural na sakuna sa Unibersidad ng Ritsumeikan sa Kyoto, ipinahayag sa New York Times...
“Nalalaman nila ang mga katakutan ng mga tsunami, kaya sila nagtayo ng mga bato upang bigyan tayo ng babala,” sabi ni Tamishige Kimura, 64, lider ng Aneyoshi.2
Nakalulungkot, sa mga nakalipas na henerasyon, kumukupas ang mga alaala. Isang sinaunang dambana ang inilagay 5 kilometro panloob sa lupa na tinatawag na Namiwake, ibig sabihin ay “Gilid ng Alon,” naging walang iba kundi isang labi mula sa mga araw na matagal nang lumipas. “Sa paglipas ng panahon, tiyak nakalimutan ng mga tao, hanggang sa isa pang tsunami ang dumating na pumatay sa 10,000 pang mga tao,” inamin ni Fumio Yamashita, manunulat at eksperto sa tsunami.3
Ito ay tiyak na kalagayan na naganap kasama ang mga babala na pinanatili sa aklat ni Daniel. Nais ni Yahuwah na ang lahat ng nasa balat ng lupa ay magkaroon ng pagkakataong makagawa ng matalino, nalalamang pasya. Ipinahayag ng Amos 3:7 na: “Tunay na ang El Yahuwah ay walang gagawin, kundi Kaniyang ihahayag ang Kaniyang lihim sa Kaniyang mga lingkod na mga propeta.” (Amos 3:7, ADB)
Ang Ama sa Kalangitan ay nais na may kamalayan ang lahat. Sa Kanyang walang hanggang pag-ibig at karunungan, nagbigay Siya ng malinaw na mga propetikong palatandaan na ang lahat ay maunawaan saan man tayo sa daloy ng kasaysayan. Gayunman, ang mga propesiya ay hindi naunawaan nang ganap at mali ang pagpapaliwanag. Ang karamihan ay hindi handa gaya sa mga Hapon noong umaga ng Marso 11, 2011, noong tumama ang lindol sa Fukushima.
Ang mga palatandaang ito ay nagpapakita na ang nalalapit na pagwawakas ng panahong ito ay mas malapit na kaysa sa naunang natanto.
Ang Hinaharap ay Nakasulat sa Nakaraan
Ang mga mag-aaral ng propesiya ay laging nalalaman na ang mga aklat ng Daniel at Pahayag ay kaloob ng Langit para sa huling henerasyon, ipinapakita ang hinaharap mula sa mga maalikabok na lupain ng malayong nakalipas. Ngayon, gayunman, isang bagong liwanag ang inilabas na ang mga propesiyang nakapaloob sa Daniel 11 ay hindi mga pangyayari sa hinaharap ngunit, sa halip, ay mga pangyayaring naganap na! Malayo nang lumipas ang gabi. Paparating na ang bukang-liwayway, subalit natutulog pa ang karamihan sa ganap na hindi alumana sa katunayan na ang mundo at pagwawakas ng panahong ito, para sa ilan, ay maaaring magtapos sa susunod na ilang buwan.
Nalito ang maraming mag-aaral ng Bibliya sa Daniel 11. Ito ay puno ng mga sanggunian sa isang mahiwagang “Hari ng Hilagaan” at ang kapwa nakakalitong “Hari ng Timugan” na tila nakikita sa napakahabang digmaan, bawat isa’y nagtutulak. Bagama’t karamihan sa mga kabanata ay naunawaan sa naganap sa nakaraan, ang mga berso 40 hanggang 45 sa partikular ay tipikal na nakita bilang mga pangyayaring matutupad pa sa hinaharap. Hinimok ni Satanas ang pagpapaliwanag ito sa pag-asang madakip ang buong mundo nang walang bantay.
Ang patotoo ay, ang mga berso 40 hanggang 45 ay naganap na at hindi lamang dalawang hari ang nabanggit sa Daniel 11, kundi tatlo:
- Ang Hari ng Hilagaan
- Ang Hari ng Timugan
- Ang “sutil” na Hari
Ang pagkakaunawa sa mga simbulong ito ay bumubuo ng isang nakakaalarmang panawagan sa bawat taong nabubuhay sa balat ng lupa. Bago tumungo na kilalanin ang mga ito, karapat-dapat na kunin ang sandali na basahin ang mga naaangkop na mga berso:
36 At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya’y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa’t dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya’y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka’t ang ipinasiya ay gagawin.
37 Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka’t siya’y magmamalaki sa lahat.
38 Kundi bilang kahalili ay pararangalan niya ang dios ng mga katibayan; at isang dios na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang ay kaniyang pararangalan ng ginto, at pilak, at ng mga mahalagang bato at ng mga maligayang bagay.
39 At siya’y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios; sinomang kumilala sa kaniya, mananagana sa kaluwalhatian; at pagpupunuin niya sila sa marami, at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga.
40 At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.
41 Siya’y papasok din naman sa maluwalhating lupain, at maraming lupain ay mababagsak; nguni’t ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay: ang Edom, at ang Moab, at ang puno ng mga anak ni Ammon.
42 Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas.
43 Nguni’t siya’y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang.
44 Nguni’t mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya; at siya’y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami.
45 At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok; gayon ma’y darating siya sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya.
Kumbinsido ang World’s Last Chance na ang pagkakakilanlan ng tatlong kapangyarihang ito ay dakila ang kahalagahan sa mga nabubuhay sa balat ng lupa sa panahong ito. Ang kaalaman kung sinu-sino sila ay ipinapakita kung saan na tayo sa daloy ng kasaysayan.
- Ang Hari ng Hilagaan ay ang Imperyong Ottoman.
- Ang Hari ng Timugan ay ang Egipto.
- Ang Sutil na Hari ay si Napoleon/Pransya.
Higit pa sa anumang kapanahon na kapangyarihan, ang ateistang Pransya ay hindi pansinin ang pagnanais ng kababaihan: “Ang Rebolusyong Pranses na marahil ang pinakasentrong simbulo ng makabagong panlipunan at pangkulturang paradaym na tumangay ng simbahan at aristokrasya sa ngalan ng karapatan ng mga tao na mamuno sa kanilang sarili sa halip na magpasakop sa kalooban ng mga hari at mga obispo. Ang makabagong estadong Pranses ay isinulong ang ideya ng mga mamamayan kasama ang karapatan sa pagpapasya sa sarili ano pa man ang pinagmulan o katangian. Pinatalsik ang relihiyon mula sa mapanakop na posisyon nito, binawian ng mga kasangkapan na ipatupad ang layunin nito sa bawat isa, at inilipat tungo sa lugar ng personal na paniniwala... “Ang liberal na demokratikong rebolusyong ito ay pinasimulan rin ang pagpapawalang-bisa ng sekswal na pagka-orthodox, pahintulutan ang mas dakilang kalayaang indibidwal, at katasin ang estado mula sa tuntunin ng homosekswalidad. “Sa pagdating ng Napoleonikong legal na kodigo, naglaho ang sodomya mula sa batas kriminal, at habang si Napoleon ay mabilis na tumungo sa buong Europa para paalisin ang mga tagapagtaguyod ng lumang order, iniwan niya ang mga bagong tagapagtayo ng bansa sa kanyang bakas na nagtatag ng mga sistemang legal nang wala ang kategorya ng sodomya. Ang makabagong mundo ... binasag ang koneksyon sa Panahon Medieval sa pagitan ng homosekswalidad at kriminalidad noong unang parte ng ikalabing-siyam na siglo.” (http://law.jrank.org/pages/1336/Homosexuality-Crime-Modernity.html) |
Ang katapusan ng sanlibutan, ang pagwawakas ng panahon na nalalaman natin, ay hindi lamang isang punto sa panahon. Ito rin ay isang proseso. Sa prosesong ito, isang bilang ng mga bagay ang magaganap. Ang Hari ng Hilagaan, ang Hari ng Timugan, at ang Sutil na Hari ay mga kapangyarihan, itinaas ni Yahuwah, upang gawin ang isang itinalagang gawa, sa itinalagang panahon.
Ang Sutil na Hari
Wala nang duda ano pa man na ang Sutil na Hari na itinataas at hinihigitan ang kanyang sarili sa alinmang diyos, na kinikilala ang diyos ng mga katibayan at “Wawaling bahala niya ang mga diyos ng kaniyang mga magulang,” ang hari ay hindi itinuturing “ang nasa man sa mga babae,” ay walang iba kundi si Napoleon Bonaparte at ang bansang Pransya. Isang maingat, berso sa bersong paglalahad ng mga tinutukoy na palatandaan na nagdugtong sa Sutil na Hari kay Napoleon at Pransya ay lagpas na sa saklaw ng artikulong ito. Gayunman, sapat na ito para sabihin na si Napoleon ay itinaas ni Yahuwah na gawin ang mahalagang papel sa nagwawakas na kaganapan.
Noong Pebrero 10, 1798, si Heneral Louis-Alexandre Berthier, gumaganap sa utos ni Napoleon, ay nagmartsa tungo sa Roma. Si Pope Pius VI ay naging kaaway sa lumalaking ateistikong Pranses. Noong tumanggi siya na sumuko sa mga awtoridad na Pranses, dinakip siya ni Heneral Berthier bilang bilanggo noong Pebrero 20 at mabilis siyang pinalabas ng siyudad sa ilalim ng balot na kadiliman. Ang matandang papa ay inilipat mula sa iba’t ibang lugar hanggang sa siya ay namatay sa pagkakatapon noong sumunod na taon.
Kunin ang papa bilang bilanggo ay isang di kapani-paniwalang mapangahas na gawa, isa sa mga hindi pa narinig at ganap na wala pang nakakagawa hanggang sa panahong ito. Ang mga hari ay nanginig sa poot ng mga papa. Ito ay isang mahabang pagkabagsak mula pa sa mga araw na sina Pope Gregory VII ay pinanatili ang Emperador ng Banal na Romano, si Henry IV, lumuluhod sa niyebe sa loob ng tatlong araw bago siya bigyan ng kapatawaran. Tinawag ni Henry IV ang papa na “huwad na monghe” at isang mang-aagaw—isang aksyon, kung saan, ang papa ay gumanti sa pagsabi na ang mga nasasaklaw ni Henry IV ay hindi na siya dapat sundin pa.4 Higit pa sa pagbato ng mga salita ang nagawa ni Napoleon. Kanyang ipinadinakip ang papa bilang bilanggo.
Ang mapangahas na gawa ni Napoleon ay tanda ng pagtatapos ng 1260 taon ng paghahari ng kapapahan. Nahulaan na ni Daniel ang mahabang panahong ito noong ang malupit na kapangyarihan ng kapapahan ay manatili sa ugoy, na nagsasabi: “At siya’y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila’y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon. (Daniel 7:25, ADB)
Nahulaan din ni Juan ang Tagapahayag ang pagtatapos ng mahabang panahong ito, ipinahayag:
At siya’y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan. At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa’y nanggilalas sa hayop. (Pahayag 13:1, 3, ADB)
Ang mga pahayag ni Yahuwah ay matatag gaya ng Kanyang trono. Ang Kanyang mga layunin ay hindi maaaring pabilisin o maantala. Sa tamang panahon, pinalaya ng Langit ang Pransya mula sa pang-aapi ng kapapahan at itinaas si Napoleon Bonaparte na maging itinalagang kinatawan ng pagbabago. Ang papa na dinakip bilang bilanggo ay ang pagkakaroon ng sugat na halos ikamatay ng kapapahan. Ito’y naghudyat sa pagtatapos ng 1260 taon ng paghahari ng kapapahan at simula ng, bilang isang proseso, ang panahon ng kawakasan.
Makikipagkaalit sa Pransya ang Hari sa Timugan
Kung mayroon anumang pagdududa sa pagkakakilanlan ng Sutil na Hari bilang si Napoleon o Pransya, ang pagpapaliwanag na ito ay kinumpirma ng Digmaang Pransya-Egipto. Ito’y nagsisilbing karagdagan na tinukoy ang Hari ng Timugan bilang Egipto, sapagkat ang mga hakbang ng Egipto laban sa Pransya ay sakdal na tumutupad sa propesiya ni Daniel:
40 At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.
41 Siya’y papasok din naman sa maluwalhating lupain, at maraming lupain ay mababagsak; nguni’t ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay: ang Edom, at ang Moab, at ang puno ng mga anak ni Ammon.
42 Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas.
43 Nguni’t siya’y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang.
44 Nguni’t mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya; at siya’y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami.
45 At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok; gayon ma’y darating siya sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya.
Muli, isang teksto-sa-tekstong pagsusuri ng siping ito ay lagpas na sa saklaw ng artikulong ito. Gayunman, ang Egipto ay talagang “makikipagkaalit” sa Pransya at ang mismong taon na iyon ay tiniyak sa propesiya bilang “panahon ng kawakasan”!
Ang Egipto, sa ilalim ng pamumuno ni Mamluks, ay tuluyang na winasak ang kalakalang Pranses sa Egipto. Ito ay upang iwasto ang kalagayang ito, at marahil sa balak na gawing kolonya ng Pransya ang Egipto, kaya nilusob ni Napoleon ang Egipto noong 1798 – ang taon na simula ng “panahon ng kawakasan”!
Ang pagkawasak ng pakikipagkalakalan ng Egipto sa Pransya ay hindi isang malaking pagkakasala. Ang Egipto ay “makikipagkaalit” lamang sa Pransya. Ang tugon ng Pransya, gayunman, ay nagpasabog ng mahahabang tanikala ng mga reaksyon kabilang ang ilan na lubos na mga hindi sinasadyang kahihinatnan.
Ipo-ipo ang Aanihin
At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo. (Daniel 11:40, ADB)
Ipinalagay ni Napoleon na ang Imperyong Ottoman ay magpapasalamat sa pinakamahusay, neutral sa pinakamalubha, sapagkat ang pagpapatalsik ng mga Pranses sa mga Mamluks na sila rin ay naunang lumaban sa pamumuno ng Ottoman.
Ang Pransya ay tradisyonal na kaalyado ng Imperyong Ottoman, at kahit papaano na sa sandaling ito ay walang intensyon na sirain ito. Ang plano ng mga Pranses ay umasa nang mabigat sa mga Ottoman na manatili na kahit papaano na neutral, nagbibilang sa kanilang pagkagalit sa mga Mamluks ... sumobra ang bigat ng kanilang poot sa paglusob ng Pranses sa ano pa rin ang opisyal na probinsya ng Ottoman.5
![]() |
Ang armada ni Napoleon ay ganap na nawasak ng mga Briton sa Labanan sa Nilo. Dalawang sasakyang pandagat na Pranses lamang nang nakatakas, iniwan ang hukbo ni Napoleon na naipit sa Egipto at pinutol mula sa lahat ng mga suplay. Ang labanan ay binayaran ang mga Briton ng 200 buhay habang ang mga Pranses ay 1,700 buhay, dagdag pa ang 3,000 nahuli. Ang larawan ay mula kay George Arnald. |
Itong marahil na walang muwang na pagpapalagay sa parte ng mga Pranses ay napatunayang mali noong Agosto 1, 1798, isang Briton na admiral, Horatio Nelson, ay winasak ang armada ng Pranses.
Anumang tunay na pagkakataon na ang Imperyong Ottoman na tatanggapin ang pananakop ng Pranses ay nagwakas matapos wasakin ni Nelson ang armada ng Pranses sa Labanan sa Nilo (Agosto 1). Ang diplomasyang Briton sa Istanbul ay may kakayahang nang mamatnubay sa Imperyo tungo sa tahasang oposisyon, at noong Setyembre 9, 1798 ang Imperyong Ottoman ay nagdeklara ng digmaan sa Pransya ... Haharapin na ni Napoleon ang tunay na panganib ng pagsalakay sa lupa at sa dagat. Dalawang hukbong Ottoman ang sangkot sa pagsalakay. Ang hukbo ng Damascus ay susulong tungo sa Sirya at Palestino at aatakihin ang Egipto sa pagdaan sa Sinai. Isang pang hukbo, na binuo sa Rhodes, kasama ng Royal Navy, lalapag malapit sa Nilo. Ang mga Pranses ay mapapaligiran at mahihigitan sa bilang.6
Ito ay isang ganap na katuparan ng Daniel 11:40-45 dahil ang Imperyong Ottoman o Hari ng Hilagaan, sa tangka nitong paalisin ang mga Pranses, nagawa nga na pumasok sa “maluwalhating lupain”. Maraming bansa ang pinabagsak at ang Egipto ay humantong sa pagbabayad ng buwis sa Imperyong Ottoman, alinsunod sa tiyak na salita ng propesiya na ipinahayag: “At ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas. Nguni’t siya’y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto.” (Daniel 11:42-43, ADB)
Ang Rusya at Persiya, mula sa hilaga at silangan ng Imperyong Ottoman, ay nagsimulang idagdag ang mga bahagi ng Imperyong Ottoman na hangganan ng kanilang teritoryo. Nagpasiklab ito ng poot sa Imperyong Ottoman, na gumanti sa mas matinding pagkapoot, na nagresulta sa pagpatay ng lahi ng mga Kristyanong Armenya sa ilalim ng paghihinala na sila’y tumulong sa Rusya. Ayon sa International Association of Genocide Scholars, “Mahigit sa isang milyong7 Armenya ang pinaslang sa pamamagitan ng direktang pagpatay, paggutom, pagpapahirap, at sapilitang martsa ng kamatayan.”8 Ayon sa tiyak na salita ni Yahuwah, ang Imperyong Ottoman bilang Hari ng Hilagaan, nagawa ngang tunay na “lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami.” (Daniel 11:44, ADB)
Wala Tutulong Sa Kanya
At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok; gayon ma’y darating siya sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya. (Daniel 11:45, ADB)
Sandali bago ang Hari ng Hilagaan o Imperyong Ottoman ay dumating sa kanyang katapusan, tunay niyang nagawa na “kaniyang itatayo ang mga tolda” sa Palestino sa paglipat ng bahagi ng kanyang luklukan ng pamahalaan rito.
Ang lakas ng mga gobernador ay hindi lamang batay sa kanilang personal na mga kasanayan, kundi rin sa awtoridad na ibinigay sa kanila ng sentrong pamahalaan sa Istanbul... Sa huling bahagi ng ikalabing-siyam na siglo, sa panahon ng paghahari ni Abdülhamid II, ang mga gobernador ay hinirang mula sa mga kalihim ng palasyo ng Sultan, kabilang si Ekrem Bey, Gobernador ng Jerusalem mula 1906 hanggang 1908. Huli sa simula ng ikadalawampung siglo, ang mga gobernador ay hinirang ng mga Batang Turko na kabilang sa mga Turkong opisyal.9
![]() |
Mustafa Kemal Atatürk, Ama ng mga Turko, 1881-1938 |
Kakaunting taon lamang ang lumipas, ang Hari ng Hilagaan ay dumating sa kanyang katapusan, at walang tumulong sa kanya. Gaya ni Napoleon na tabak ni Yahuwah na nagbigay ng sugat na halos ikamatay ng kapapahan, ganon din si Mustafa Kemal na itinaas ni Yahuwah na bigyan ang Islam ng sugat na halos ikamatay din nito.
Si Kemal ay isang bayani sa Digmaang Turko para sa Kalayaan, pinaalis ang mga Briton, Pranses, at Griyego mula sa Turkey. Ginamit ni Kemal ang kanyang popularidad upang itatag ang Republika ng Turkey. “Ang likas na pagpili [para sa kauna-unahang pangulo] kay Mustafa Kemal, ang bayani ng Digmaan para sa Kalayaan, na ngayo’y kinuha ang titulong ‘Atatürk’, ibig sabihin ay ‘Ama ng mga Turko’.”10
Napakatalinong istratehista at dalubhasang estadista si Kemal. Nais niyang gawing makabago ang Turkey at nakita niya ang pinakamabuting paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng paghihiwalay mula sa relihiyong Islam na naging mahalagang bahagi ng Imperyong Ottoman.
Si Atatürk [Kemal] at ang kanyang mga kasamahan ay nagsimulang hayagang tanungin ang kahalagahan ng relihiyon at pigilin ang pananaw sa relihiyon na hindi magkasundo sa makabagong agham at sekularismo ay hindi maiiwasan para sa pagiging makabago. Kaya ang pamumuno ni Ataturk ay nagsimula sa hakbang sa hakbang upang isakatuparan ang ideolohiyang Kemalista sa isang radikal na repormasyon ng Turkong kalipunan sa layunin ng modernisasyon ng Turkey mula sa mga nalalabing na nakaraang Ottoman nito.11
Isa sa mga unang bagay na ginawa ni Kemal ay buwagin ang sultanatong Ottoman at palitan ang caliphate sa pagiging roda lamang. Ang caliphate ay nanatili simula pa noong kamatayan ni Propeta Mohammed at iginalang bilang isang relihiyosong awtoridad ng mga Muslim sa maraming bansa. Sa loob ng isang taon at kalahati sa pagtanggal ng sultanato, tinanggal din ni Kemal at ng Grand National Assembly ang caliphate.
Ang mga hindi kapani-paniwalang repormang sinimulan ni Kemal ay lubos na malayo ang narating at ganap na walang uliran. Walang mga Muslim, sa isang bansang Muslim, kailanman ang nakinabang sa mga repormang iyon.
- Ang konstitusyon ng Republika ng Turkey ay binago kaya ang Islam ay hindi na ang estadong relihiyon.
- Ang Shariah na batas ay pinalitan ng mga Europeong legal na kodigo.
- Ang tradisyonal na suot ng mga pangrelihiyong lider ay ipinagbawal.
- Ang mga turbante at sumbrerong Muslim ay ipinagbawal sa mga kalalakihan, habang ang mga pangkanlurang sumbrero ay hinimok na gamitin.
- Ang pambalot sa ulo ng mga kababaihan ay kinutya at ipinagbawal sa lahat ng mga pampublikong gusali.
- Ang kalendaryong solar na Gregorian ay pinalitan ang kalendaryong lunar ng mga Islam.
- Ang Arabikong sulat ay pinalitan ng mga letrang Latin. Pinanatili nito ang mga mas batang henerasyon na hindi kayang basahin ang maraming talaan, at kaya dahil dito, naging mangmang sa kanilang tunay na kasaysayan. Ginawa rin itong imposible na basahin ang Koran sa orihinal na wika.
- Ipinasara ang mga paaralang pangrelihiyon.
- Ang pamahalaan ay kinumpiska ang mahigit 70,000 mga moske at ipinagbawal ang pagtatayo ng bago. Ang mga kinumpiskang moske ay ginawang mga museo o kaya’y ginamit para sa mga layuning pang-sekular.
- Ang Ministry of National Education ay ang mangangasiwa sa lahat ng pagtuturong pangrelihiyon.
- Ang mga monasteryong Sufi (sekta ng Islam), bahay-pagpupulong at mga lohiya ay kinumpiska. Ang kanilang mga ritwal at mga pagpupulong ay ipinagbawal.
- Ang pamahalaan ay itinalaga ang mga mufti at mga imam at pinanatili ang pangangasiwa sa kanila.
- Ang salitang Arabiko para sa Diyos, “Allah,” ay pinalitan ng katumbas sa Turko: “Tanri.”
- Ang pagtawag sa panalangin ng Muslim ay ipinagbawal sa salitang Arabiko. Dahil dito, gagawin ito sa salitang Turko.
- Ang katapusan ng sanlinggo ay hindi na isasama ang Biyernes, ang tradisyonal na Islamikong araw para sa mga panalangin. Sa halip, ang katapusan ng sanlinggo ay susundan ang halimbawa sa Europa ng pagkakaroon ng Sabado at Linggo para sa mga araw na walang trabaho.
Ang rebelyon laban sa adyendang sekular ay nasugpo nang maagap at nang malupit, ang rebelyong Seyh Sait lamang ay nagdulot ng pagkamatay ng halos 30,000 buhay.
Lahat ng mga repormang ito ay ginawa nang sama-sama upang epektibong burahin ang Islam mula sa araw-araw na pamumuhay ng mga Turko. Sa kabila ng mga mabuting pagsisikap ng mga relihiyosong Turko ... upang panatilihin ang kanilang pamana, wika, at relihiyon, ang pamimilit ng pamahalaan na pagtibayin ang mga ideyang sekular ay sobra-sobra. Sa loob ng mahigit 80 taon, ang pamahalaang Turko ay nanatiling marahas na sekular. Ang mga tangka na ibalik ang kahalagahan ng Islam sa pamahalaan ay natugunan ng paglaban sa mga militar, na tinaguriang mga protektor ng sekularismo ni Atatürk.12
Tulad ng kapapahan bago ito, ang Imperyong Ottoman (at Islam sa pangkalahatan) ay nakatanggap ng sugat na halos ikamatay nito sa panahong nahulaan sa propesiya ni Daniel. Ang Hari ng Hilagaan ay tumungo sa kanyang katapusan at walang man lang tumulong sa kanya.
Ang Panahon ng Kabagabagan
Walang pahinga ng kabanata noong isinulat ni Daniel ang kanyang mga propesiya. Ang Daniel 12:1 ay agad sumunod sa Daniel 11:45 sa mga orihinal na manuskrito. Ito’y sukdulan ang kahalagahan: “At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.” (Daniel 12:1, binigyang-diin.)
![]() |
Kauna-unahan sa kasaysayan, ang papa ay naging hari sa paglagda ng Kasunduan sa Lateran. |
Sa anong panahon?
Nang dumating ang katapusan ng Hari ng Hilagaan. Sa panahong yaon, ang panahon ng kabagabagan ay nagsimula na!
Labing-siyam na raan, dalawampu’t dalawa ay isang lubos na mahalagang taon sa daloy ng propetikong kasaysayan. Sa taong ito rin ang Imperyong Ottoman, at ang lahat ng impluwensya nito sa Islam, ay nagwakas na. Ang Hari ng Hilagaan ay dumating sa kanyang katapusan nang walang tumulong sa kanya. Sa mismong taon na ito, umakyat si Pope Pius XI sa trono ng kapapahan. Halos sa araw na iyon, pitong taon (o isang Sabbatikong pag-ikot) ang lumipas, nilagdaan nina Benito Mussolini at Pope Pius XI ang Kasunduan sa Lateran, na kung saan “kinikilala ang paghahari ng papa sa siyudad ng Vatican...at tinitiyak ang ganap na kalayaan para sa papa... [Ang kasunduan] ay ibinigay sa siyudad ng Roma na espesyal na katangian bilang ‘sentro ng mundo ng Katoliko at lugar ng peregrinasyon.’”13 Kauna-unahan sa kasaysayan, ang papa mismo ay naging isang "hari." Hawak niya ang malayang politikong dominasyon sa siyudad ng Vatican at maaaring magpadala at tumanggap ng mga kinatawan mula sa iba't-ibang pamahalaan ng mundo.
Kaya sa mismong panahon ang Hari ng Hilagaan ay dumating sa kanyang katapusan, ang panahon ng kabagabagan ay nagsimula na noong ang “sugat na halos ikamatay” (ibinigay sa kapapahan ng Pransya) ay gumaling na. Ito’y sukdulan ang kahalagahan dahil ito ay nagpahiwatig na ang bilang ng walong hari na sinalita sa Pahayag 17:10-11, ay nagsimula na. Walang duda na simula nang bumagsak ang Imperyong Ottoman noong 1922, sumabay sa simula ng bilang ng walong hari, kumakatawan sa sakdal na katuparan ng Daniel 11:45.
Ang panahon ng kawakasan ay nagsimula sa taong 1798 noong ang kapapahan ay nakatanggap ng sugat na halos ikamatay nito. Ang panahon ng kabagabagan simula sa taong 1922, noong ang una sa walong hari ay lumitaw sa trono ng kapapahan, panimula sa sugat na gumaling na.
Ang tampulan na ibinigay sa “pitong huling mga salot,” nabanggit sa Pahayag 16, ay humantong sa pangkalahatang pagpapalagay na ang panahon kung saan ang mga salot ay babagsak ay Ang [Opisyal] na Panahon ng Kabagabagan. At iyon ang magiging pinaka-kala-kilabot na panahon. Gayunman, sa panahong iyon, matapos magwakas ang panahon, ang bayan ni Yahuwah ay pananatilihin at walang sa mga matuwid ang mamamatay.
![]() |
Isa sa mga beterano ng Unang Digmaang Pandaigdig, gipit sa tulong, ay tumungo sa iskultor upang likhain ng pangmukhang prostisis para sa nawalang mata, ilong, maging ang panga. |
Ang panahon ng kabagabagan na nabanggit sa Daniel 12:1 ay mas malawak. Habang isinama sa panahong ito ang pitong huling salot, sinasaklaw rin nito ang panahon simula pa noong 1922.
Mas maraming tao ang nawalan ng buhay sa panahon ng ikadalawampung siglo kaysa sa anumang ibang panahon sa kasaysayan. “Ang kabuuang bilang ng militar at sibilyan na namatay o nasugatan noong Unang Digmaang Pandaigdig, ay mga nasa 40 milyon. Mayroong 20 milyong namatay at 21 milyong nasugatan.”14 Dalawampu’t-isang milyong sugatan ay mas malayong pagkawasak sa panahong iyon noong ang medikong agham ay hindi pa maunlad, kaysa sa mga ganoong sugatan sa kasalukuyan.
At ito ay tagapagpauna lamang sa panahon ng kabagabagan! Kung ikukumpara sa mga pagkawasak sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay walang iba kundi isang kapiraso lamang ng bilang ng buhay na nawala o nasira. “Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pumatay ng mas maraming tao, sumira nang mas maraming ari-arian, nagpahirap sa mas maraming buhay, at marahil mayroong mas dakilang kahihinatnan kaysa sa anumang digmaan sa kasaysayan.”15
Ang mga pagtatantya para sa kabuuang bilang ng mga namatay o nasugatan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, karamihan sa mga nagmungkahi na humigit-kumulang 60 milyong tao ang namatay sa digmaang ito, kabilang ang 20 milyong sundalo at 40 milyong sibilyan. Maraming mga sibilyan ang namatay dahil sa sakit, pagkagutom, pagpaslang, pambobomba at sinadyang pagpuksa ng lahi. Ang Unyon Soviet ay nawalan ng mga nasa 27 milyong tao sa digmaan, halos kalahati ng lahat ng bilang ng mga namatay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa sa bawat apat na mamamayang Soviet ay namatay o nasugatan sa digmaang iyon.16
Ang pagkawasak na ginawa sa sangkatauhan sa panahon ng ikadalawampung siglo ay hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng daigdig.
Hindi pa nangyayari sa kasaysayan na nagkaroon tayo ng dalawang mapaminsalang digmaan sa loob ng 100 taon, at ang dalawang digmaang ito ay naganap lamang 30 taon ng bawat isa. Buhat nang ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kahit na bago pa nangyari ito ay mayroon nang digmaan at susundan ng isa pa. Sa pagitan ng dalawang digmaang pandaigdig, mayroon tayong Digmaang Sibil sa Rusya, pumatay sa 9 na milyong katao, at bago pa yan ang Rebolusyong Mehikano noong 1911 na pumatay sa 2 milyon. Noong 1950 ang Digmaang Koreano ay pumatay sa 3 milyon, 500 libong katao. Tapos, mayroon tayong Digmaang Byetnam na may 6 na milyon, 20 libong katao na namatay. Ang Ikalawang Digmaang Sudan mula 1983 hanggang 2005 ay pumatay sa 2 milyong katao. Ang Digmaang Iran-Iraq ng 1980 hanggang 1988 ay kumitil sa buhay ng 2 milyong katao. Ang Ikalawang Digmaang Konggo ng taong 1998 hanggang 2003 naman ay 5 milyon, 400 libo. Ang Digmaan laban sa Terorismo mismo ay umangkin ng mahigit 4 na milyong katao. Kapag pinagsama-sama mo ang lahat ng bilang, ang kabuuan ay 146 milyon, 920 libo. Ginagawa nito ang huling 100 taon na pinaka nakamamatay na siglo sa kasaysayan, mula lamang sa mga digmaan at napakarami pang sagupaan sa panahong ito ang hindi pa nababanggit!
Upang ilagay ang mga bilang na ito sa perspektibo, isaalang-alang na ang ikalabing-siyam na siglo ay nakita ang 82 milyong tao na namatay mula sa digmaan, 60 milyon rito ay mula sa Rebelyong Taiping sa Tsina noong 1860’s. Isaalang-alang din ang Krusada na umabot ng 200 taon patayan na umabot sa 9 na milyon ang bilang at ang paglusob ng mga Mongol na tumagal ng 300 taon at pumatay sa 60 milyong katao.17
Ngunit ang mga estatistikong ito ay nagpapakita lamang ng bahagi ng kwento: kamatayan dahil sa digmaan. Ang nakasisindak na paggutom ni Stalin sa Ukraina na tinawag na Holodomor, ay isang gawa ng tao na sakuna18, kumitil sa mahigit 17 milyong katao sa mga taong 1932-1933 lamang.
Ang Dakilang Taggutom sa Tsina, naganap mula 1958 hanggang 1961, ay isa sa mga pinakamalaking trahedya sa naitalang kasaysayan, pumatay sa pagitan ng 14 at 40 milyong katao. Ang tipikal na tantya ay karaniwang inilalagay sa humigit-kumulang 30 milyong tao. Upang ikumpara ang bilang na ito sa ibang pangunahing talaan ng mga namatay, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pumatay sa 80 milyong tao sa kabuuan. Subalit habang ang mga taong ito ay nagugutom, ang mga impormasyon tungkol sa taggutom ay lubos na sinugpo at ang anumang nakuha tungkol sa mga inaning bilang ay namanipula.19
![]() |
Ang taggutom ng 1932-1933 sa Ukraina, tinatawag na Holodomor (Ukrainian: Голодомо́р, “patayin sa gutom” or “gutumin hanggang mamatay”), ay binalak na pagsugpo sa lahi ng “bread basket” ng Europa. Wala namang aktwal na kakulangan sa butil. Sa halip, ang butil ay nakakandado sa mga kamalig at sinadyang itago mula sa mga tao. |
At ito ay dalawa lamang sa maraming taggutom na unang nasaksihan sa mundo simula noong 1922. Daan-daang milyon ang namatay dahil sa mga sakit buhat nang magsimula ang panahon ng kabagabagan at, sa kabila ng pag-unlad ang mediko, ang mga sakit ay naging mas mapanganib at mahirap gamutin. Ang itinuring na “mga likas na sakuna” ay kumitil sa buhay ng daan-daang milyon pa. Ang paghihirap na naranasan ay tumakot sa isipan. Ang bagong karaniwan ay bumabasag sa talaan ng kasukdulan: sa tindi ng init, tagtuyot, taglamig, lakas ng mga bagyo, at pag-ulan. Ang listahan ay patuloy pa at magpapatuloy pa. Mayroon lamang mga 78 likas na sakunang naiulat noong 1978 sa halip na noong 2004 na umabot na sa 348. At sa paglipas ng mga taon, ang bilang ay tumataas pa gayon din ang bilang ng mga namamatay mula sa mga kaganapang ito.
Tunay nga, ang mga taon simula noong 1922 ay ang “panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon:” Ang labis na paghihirap sa panahon ng ika-20 at maagang ika-21 mga siglo ay nahulaan sa mga propesiya ni Daniel. Ang mga trahedyang ito ay patuloy na tataas sa hinaharap sapagkat ang sanlibutan ay paparating na sa pagwawakas ng panahong ito, susundan naman ng pagbuhos ng pitong huling salot.
Sa panahong ito ng kabagabagan tatayo ang dakilang anghel na si Miguel.
Tatayo si Miguel
At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel … magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon… (Daniel 12:1, ADB)
Ang gawa ni Miguel na tatayo ay isang pinakataimtim na pangyayari. Ito ay hudyat na ang panahon ay malapit nang magwakas para sa lahat ng sangkatauhan.
Ang Ikawalong Papa
![]() |
Ang tumatandang edad ni Pope Francis, ang ikawalo at huling hari, ay isang apurahan, maingay na patotoo kung paano magaganap ang mga pangyayari nalalapit na. |
Si Pope Francis ay ang ikawalo at huling papa na nahulaan sa Pahayag 17. Matanda na siya. Nabuhay na siya nang mas mahaba kaysa sa karaniwang tao. Ito ay sa kanyang paghahari na tatayo si Miguel. Ibig sabihin nito’y na sa kanyang kaunting nalalabing mga taon, ang mga huling pangyayaring nahulaan sa Kasulatan ay magaganap. Ang paglilingkod ni Yahushua sa Pinakabanal na Lugar ay magwawakas, ang pitong huling mga salot ay ibubuhos sa mga bumagsak na, at ang Tagapagligtas ay babalik sa tagumpay at kaluwalhatian upang itakda ang walang hanggang kaharian ni Yahuwah upang maghari sa daigdig.
Ang propesiya ay karaniwang mauunawaan lamang nang ganap sa panahon ng katuparan nito. Ang katunayan na ang buong mundo ay nasa panahon na ng kabagabagan mula pa noong 1922, ang patotoo na ngayon ang ikawalo at huling hari ay nakaupo sa “trono ni Pedro,” nagpapahayag na ang panahon para kay Miguel na tatayo ay ngayon na! Sa loob lamang ng ilang buwan, ang probasyon sa mga hinirang ay magwawakas na at matatanggap nila ang selyo ni Yahuwah. Ito na ang oras para bawat tapat na mananampalataya na hanapin ang kanyang puso, gumawa ng ganap na pasakop kay Yahushua, at “itabi namang walang liwag ang bawa’t pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.” (Hebreo 12:1, ADB)
Ngayon na ang taimtim na oras kung saan tayo namumuhay. May mga ilan pang pangyayaring nalalabi para matupad bago makita si Yahushua sa mga ulan ng kaluwalhatian. Mayroon pang ilang buwan ng mga sakuna at mga huling pangyayaring na hudyat ng katapusan. Ang oras para sa kasakdalan ng katangian ay halos tapos na. Walang sinuman ang makakaantala o makapagpapaliban ng kahandaan kundi sa pinakamatinding kapanganiban ng kanilang kaluluwa. Bawat pagkakasala at pagkukulang ay dapat mapagtagumpayan sa pananalig sa Kanya na nagtagumpay na sa lahat.
Lahat ng bagay ay nasa kinalalagyan na ngayon. Ang natitira ay ang pagbagsak ng Pitong Trumpeta na nahulaan sa Pahayag 8-9. Sisimulan ito ng kagimbal-gimbal na paglindol. Sunud-sunod na babagsak ang trumpeta sa napakabilis na pagkakasunod. Kapag nagsimula na, wala nang pahinga hanggang sa huli.
Ang Ikalimang Trumpeta, na sobrang nakakikilabot na pinangalanan ng Kasulatan bilang Unang Lagim, ay mag-aangat kay Pope Francis na maging lider ng Order ng Bagong Mundo, na nahulaan sa Pahayag 17:12-14. Ang makademonyong panlilinlang ng paglusob ng mga nilalang mula sa ibang planeta sa panahong iyon ay nakakatakot at tangi lamang ang mga nananatili sa Salita ni Yahuwah ang nakatindig, hindi natitinag, para sa katotohanan. Habang itinataas si Pope Francis bilang pinakalider ng mundo, siya’y magpapasiklab ng pinakamatinding digmaan laban kay Yahuwah at sa Kanyang mga tagasunod. Ang huwad na Sabbath ay ipapatupad at ang tunay na Sabbath ay ipagbabawal sa lahat ng mga bansa sa mundo.
Ang entablado ay itinakda na. Lahat ng mga manlalaro ay nasa kinalalagyan na. Ang tanging bagay na darating sa pagitan ng nakararami at ang huling pagsubok ay ang pagtunog ng mga trumpeta.
Ang palatandaang babala ng propesiya ay idineklara na ang panahon ay magwawakas na. Lahat ng nagmamahal kay Yahuwah ay magpapasakop nang ganap sa Kanya upang malinis sa bawat karumihan. Lahat ay gagawa ng mga pagmamalasakit at pagsisikap upang makamit ang nawala sa Kanya. Parating na ang katapusan! Nasa landas na si Yahushua!
Maging handa! Humanda! Humanda!
Nauugnay na Nilalaman:
- Daniel 11: Ang Sutil na Hari ay ang Pransya!
- Daniel 11: Ang “Hari ng Timugan” ay ang Egipto!
- Daniel 11: Ang “Hari ng Hilagaan” ay ang Imperyong Ottoman!
1 http://factsanddetails.com/japan/cat26/sub160/item2227.html
3 http://factsanddetails.com/japan/cat26/sub160/item2227.html
4 http://sourcebooks.fordham.edu/source/henry4-to-g7a.asp
5 http://www.historyofwar.org/articles/wars_french_egypt.html
6 Ibid.
7 Ilan ay tinatanya na kasing-taas ng 1.5 milyong Kristyanong Armenyan ang pinatay ng mga Turko.
9 Roberto Mazza, Jerusalem from the Ottomans to the British, p. 21.
10 http://lostislamichistory.com/how-ataturk-made-turkey-secular/
11 https://1muslimnation.wordpress.com/2006/11/12/islam-to-secularism-how-kemal-ataturk-reformed-ottoman-turkey/, binigyang-diin.
12 http://lostislamichistory.com/how-ataturk-made-turkey-secular/
13 https://www.britannica.com/event/Lateran-Treaty
15 World Book Encyclopedia, ed. 1991, Vol. 21, p. 470.
16 http://worldwar2-database.blogspot.com/2010/10/world-war-ii-casualties.html
17 http://www.inlightofprophecyfulfilled.org/studies/pdf/articles/KON/KON_Part5.pdf, binigyang-diin.
18 http://holodomorct.org/Holodomor-FamineGenocideinUkraine1932-193312-12.pdf
19 https://sites.google.com/site/starvingtheworld/hunger-facts-of-the-past