Ang Aklat ng Pahayag ay isa sa pinakapinag-uusapan at pinakapinagtatalunang aklat ng mga mag-aaral ng Bibliya at mga sekular na iskolar. Sa mga pahina nito ay naitala ang pinaka-kagimbal-gimbal na mga babala at matingkad na mga propesiyang mailalarawan.
“. . . Pinagpala ang sumusunod sa mga salita ng propesiya na nasa aklat na ito!” (Pahayag 22:7, MBB)
Isa
sa pinakamapang-akit, subalit hindi naunawaan, mga simbulo sa apokaliptong mga
isinulat sa Pahayag ay ang halimaw mula sa dagat ng kabanata labing-tatlo,
madalas na tinatawag lamang na “halimaw.”
Sa loob ng maraming siglo, ang mga tao’y walang tigil na nagbakasakali sa pagkakakilanlan ng “halimaw.” Ang Bibliya, gayunman, ay may sariling tagapagsalin. Sa paghahambing ng Kasulatan sa Kasulatan at hayaan ang Bibliya na isalin ito mismo, ang pagkakakilanlan ng “halimaw” ay naging malinaw nang walang alinlangan.
Tandaan: Ang “halimaw sa” propesiya ng Bibliya ay kumakatawan sa “isang kaharian.” (Daniel 7:23)
Ang Halimaw mula sa Dagat (Pahayag 13) ay matatag na nakatali sa dalawa pang simbulong ginamit sa Kasulatan, lahat ay kumakatawan sa kaparehong kapangyarihan at kaparehong kaharian.
- Ang Babaing Nangangalunya na nakaupo sa Pitong-Ulong Halimaw (Pahayag 17)
- Ang Sungay (Daniel 7)
Kapag inihambing ang Kasulatan sa Kasulatan, ang pagkakakilanlan ng kapangyarihang Antikristo ay siguradong naging ebidensya...
15 Kinilalang Katangian ng kapangyarihang “halimaw”:
(1) . . . ay parehong isangSimbahan at isang Siyudad.
“Angbabaing [nangangalunyang] nakita mo ay ang tanyag na lungsod na may kapangyarihan sa mga hari sa lupa.” (Pahayag 17:18, MBB)
Tandaan:
Ang “babae” sa propesiya = isang simbahan (Jeremias
6:2)
Ang “nangangalunyang” babae, dahil dito = isang taksil/mapanghimagsik na simbahan.
(2) . . . ay nakaupo sa Pitong Burol.
“Kailangan dito ang pang-unawa at karunungan: ang pitong ulo ay ang pitong burol na kinauupuan ng [nangangalunyang] babae.” (Pahayag 17:9, MBB)
(3) . . . nakasuot
ng telang pula at granate, may mga ginto, mahahalagang bato at perlas.
“Ang damit ng babae (simbahan) ay kulay ube (granate) at pula. Ang kanyang mga alahas ay ginto, mahahalagang bato at perlas. . .” (Pahayag 17:4, MBB)
(4) . . . ay kapangyarihang naghahari sa LAHAT ng nakatira sa mundo
. . . Binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa.” (Pahayag 13:7, MBB)
(5) . . . ay lumitaw kung saan maraming tao na may iba’t ibang kultura
“Sinabi rin sa akin ng anghel, ‘Ang nakita mong mga tubig na kinauupuan ng babae ay mga lahi, mga bansa, at mga wika.’ ” (Pahayag 17:15, MBB)
(6) ... ay ganap na pumuksa sa tatlong ibang kaharian habang lumitaw sa kapangyarihan.
“Pinagmasdan kong mabuti ang mga sungay [mga kaharian] at nakita kong may tumutubo pang isa [kaharian]. Ang tatlong sungay ay nabunot upang magkaroon ng puwang ang sungay na tumutubo.” (Daniel 7:8, MBB)
Tandaan: Ang “sungay” sa propesiya = isang hari/kaharian (Daniel 8:21-22)
(7) . . . ay dinirigma ang mga Hinirang
“At nakita ko ang [nangangalunyang] babae na lasing sa dugo ng mga hinirang ng Diyos at sa dugo ng mga martir na pinatay dahil kay [Yahushua].” (Pahayag 17:6, MBB)
(8) . . . ay mayroon Isang Tao na kumikilos at nagsasalita sa lahat.
. . . Ang sungay na ito ay may mga mata na tulad sa tao at may bibig na nagsasalita ng sobrang kayabangan.” (Daniel 7:8, MBB)
(9) Ang hari ng kahariang ito itinataas ang sarili na kasingtaas ni Yahuwah.
“Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. . . ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang [Eloah (Diyos)] at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng [Eloah] at magpapakilalang siya ang [Eloah].” (2 Tesalonica 2:3, 4, MBB)
(10) Ang hari ng kahariang ito ay taglay ang bilang na “666”.
“Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666).” (Pahayag 13:18, MBB)
(11) . . . ay nagsasalita ng sobrang kayabangan at panglalait.
“Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang halimaw, [at] lumapastangan . . .” (Pahayag 13:5, MBB)
(12) . . . tinangkang baguhin ang Kautusan at Takdang Kapanahunan ni Yahuwah.
“Tatangkain niyang baguhin ang kautusan at mga takdang kapanahunan.” (Daniel 7:25, MBB)
(13) . . . naghari sa loob ng 1,260 taon.
". . . at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan." (Pahayag 13:5, MBB)
Tandaan: Isang propetikong araw = Isang literal na taon (Ezekiel 4:6)
- Taong Lunar = 354 na
araw;
Taong Solar = 365 araw
Taong Luni-Solar, Pangkaraniwan = 360 araw
- 42 buwan = 3 ½ taon = 1,260 araw
- 1,260 propetikong araw = 1,260 taon
(14) . . . tinanggalan ng kapangyarihan ng mga sibilyan at “binihag”.
“Ang sinumang itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa tabak ay sa tabak nga mamamatay.” (Pahayag 13:10, MBB)
Tandaan: Ang “tabak” rito ay indikasyon ng kapangyarihang sibil. (Roma 13:1, 4.)
(15) . . . nagkaroon ng nakamamatay na sugat, ngunit gumaling.
“Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw.” (Pahayag 13:3, MBB)
Ito lamang ang bukod tanging kapangyarihan sa kasaysayan na sumakto sa bawat detalye ng mga propetikong paglalarawan . . .
Ang Simbahang Katoliko! Muling Balikan.
Ang Simbahang Katoliko . . .
(1) . . . ay parehong isang Simbahan at isang Siyudad. (Pahayag
17:18)
Ang Simbahang Katoliko at Romanong Siyudad ng Vatican ay magkahulugan. Ang Kasunduan sa Lateran (Mussolini, Pope Pius XI, 1929) ay binigyan ang siyudad ng Vatican bilang “malayang bansa” at kinikilala ang paghahari ng santo papa sa loob ng siyudad.
“Ang mga napagsang-ayunan ay isinama ang pulitikal na kasunduan, na lumikha sa estado ng siyudad ng Vatican at sinigurado sa Banal na Kapapahan ang ganap at malayang kapangyarihan.” (Encarta Reference Library, 2004)
(2) . . . ay nakaupo sa Pitong Burol. (Pahayag 17:9)
Roma: “Ang Siyudad ng Pitong Burol”
- Ang Palatine
- Ang Capitoline
- Ang Aventine
- Ang Caelian
- Ang Esquiline
- Ang Viminal
- Ang Quirinal
“Ang makasaysayang lugar ng Roma na nasa tanyag na pitong burol . . . ay tinirahan na noon pang Panahon ng Tanso.” (Encyclopedia Britannica, 1990, Vol.10, p.162)
(3) . . . nakasuot
ng telang pula at granate, may mga ginto, mahahalagang
bato at perlas. (Pahayag 17:4)
“Ang kulay para sa mga obispo at ibang kaparian ay granate, sa mga kardinal ay pula... Ang pektoral na krus ay dapat yari sa ginto at... pinalamutian ng mga mahahalagang bato...” (Our Sunday Visitor's Catholic Encyclopedia, 1991, p. 175, 178, 466)

Tandaan: Mayroong apat na kulay, na ibinigay ni Yahuwah, na dapat nasa kasuotan ng Kataas-taasang Pari: ginto, asul, granate, at pula. (Exodo 28:1-6)
Ano ang kaugnayan ng nawawalang kulay ng Simbahang Katoliko? Asul
“Sinabi ni [Yahuwah] kay Moises, ‘Sabihin mo sa mga Israelita na habang panahon silang maglalagay ng palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Susuksukan nila ito ngASUL na tali. Gagawin ninyo ito upang maalala ninyo at sundin ang mga kautusan ni [Yahuwah] tuwing makikita ninyo ang mga palawit na iyon. Sa ganoon, masusunod ang salita ni [Yahuwah] at hindi ang inyong sariling nasa at kagustuhan. Sundin ninyong lagi ang aking mga utos at kayo'y lubos na magiging nakalaan sa akin.’ ” (Mga Bilang 15:37-40, MBB)
(4) . . . ay kapangyarihang naghahari sa LAHAT ng nakatira sa mundo. (Pahayag 13:7)
“Kami
ang nagtakda sa Banal at Apostolikong Simbahan at ang Santo Papa bilang kataas-taasansa buong mundo . . .” (Laetentur Coeli, Konseho ng Florence,
1439)
“Walang ibang mataas na kapangyarihan . . . ” (Pastor Aeternus, 1870)
“Si Papa Gregory (naghari 1073-85) ay “ipinakilala ang sarili bilang tagapagmana sa walang hanggang komisyon . . . sa lahat ng kaluluwa.” (Encyclopedia Britannica, 1990, Vol.26, p.927)
(5) . . . ay lumitaw
kung saan maraming tao na may iba’t ibang kultura. (Pahayag 17:15)
Ang estado ng Simbahang Katoliko ay lumitaw sa kapangyarihan mula sa sampung orihinal na tribo (sinaunang kaharian) ng Europa:
- Anglo-Saxons (Inglatera)
- Alemanni (Alemanya)
- Visigoths (Espanya)
- Franks (Pransya)
- Lombards (Italya)
- Burgundians (Switzerland)
- Suevi (Portugal)
- Heruli
- Ostrogoths
- Vandals
(6) . . . ay ganap na pumuksa sa tatlong ibang kaharian habang lumitaw sa kapangyarihan. (Daniel 7:8)
![]() |
Gintong tremissis ng Emperador Zeno (474-491) |
May talaan ang kasaysayan na ang Kapapahan ng Roma ay lumipol sa pinuksa ang tatlo sa sampung orihinal na kaharian sa Europa:
- Ang Mga Vandals (454 A.D.)
- Ang Mga Heruli (493 A.D.)
- Ang Mga Ostrogoths (538 A.D.)
“Ang Katolikong emperador na si Zeno (474-491) ay nakipagkasundo sa mga Ostrogoths noong 487 na nagresulta sa paglipol sa kaharian ng Arian Heruls noong 493. At ang Katolikong emperador na si Justinian (527-565) ay nag-utos na ubusin ang lahi ng mga Arian Vandals noong 534 at di nagtagal, pinabagsak na rin ang Arian Ostrogoths noong 538. Ang mga ito ay tatlong sungay na tinutukoy ni Daniel; Heruls, Vandals at Ostrogoths—‘nabunot ng mga ugat.’” (C. Mervyn Maxwell, God Cares, Vol. 1, p. 129)
Ngayon, walang anumang angkan ang kumikilala na ninuno nila ang alinman sa tatlong kahariang ito. Literal na inubos ang kanilang lahi (“nabunot ng mga UGAT”)!
(7) . . . ay dinirigma ang mga Hinirang. (Pahayag 17:6)
“Ang Simbahan ng Roma ang responsable sa
pagpatay ng pinakamaraming inosenteng tao kaysa sa anumang institusyon na
itinatag ng sangkatauhan, walang Protestanteng makapagsabi ukol dito na may
kumpletong kaalaman ng kasaysayan . . . Imposibleng mabuo ang kaganapan ng
kanyang mga biktima . . . at hindi basta-basta maipapaliwanag ng anumang
imahinasyon ang naranasan nilang paghihirap.” (W.E.H. Lecky, History of the Rise and Influence of the
Spirit of Rationalism in Europe, Vol. 2; 32)
(8) . . . ay mayroon Isang Tao na kumikilos at nagsasalita sa lahat.(Daniel 7:8)
“Ang santo papa ‘lamang ang nag-iisang tagapagsalita sa buong Simbahan ng Roma.’ ” (Encyclopedia Britannica, 1990, Vol.26, p.951)
(9) Ang hari ng kahariang ito itinataas ang sarili na kasingtaas ni Yahuwah. (2 Tesalonica 2:3-4)
“Kami
ang humahawak sa mundong ito ng posisyon ng Makapangyarihang Diyos.” (Pope Leo XIII, Encyclical Letter, Petsa - Hunyo 20, 1894)
(10) Ang
hari ng kahariang ito ay taglay ang bilang na “666”. (Pahayag 13:18)
Ang tatluhang korona ng Santo Papa ay nagtataglay ng titulong Vicarius Filii Dei, salitang Latin na ibig sabihin ay "Bikar [Pamalit] sa Anak ng Diyos." Ang bilang na katumbas ng mapanglait na titulong ito ay 666.
- Vicarius = V(5), I(1), C(100), A(0), R(0), I(1), U(5), S(0) = 112
- Filii = F(0), I(1), L(50), I(1), I(1) = 53
- Dei = D(500), E(0), I(1) = 501
- Vicarius Filii Dei = 666

(11) . . . nagsasalita ng sobrang kayabangan at panglalait. (Pahayag 13:5)
Ipinahayag ng Kasulatan ang kahulugan ng kalapastangan bilang:
(1) Angkinin na maging YAH sa buong daigdig (Juan 10:33)
“Ang santo papa ay hindi lamang kinatawan ni Jesu-Kristo, kundi siya si Jesu-Kristo, nagtatago sa ilalim ng tabing ng laman.” (The Catholic National, Hulyo 1895)
(2)
Angkinin ang kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan (Marcos 2:7)
“Ang hukuman ito ay isasama ang kapangyarihang pagpatawad ng mga kasalanan.” (The Catholic Encyclopedia, Vol. 12, Artikulo “Papa”, p.265)
(3) Inuusig ang mga hinirang ng Kataas-taasan sa Ngalan ng Kataas-taasan (1 Timoteo 1:13)
“Aming tinatakda ang Ingkisisyon . . . bilang pinakamadilim na panahon ng pagdanak ng dugo sa sangkatauhan.” (Will Durant, The Story of Civilization, Vol. 4, p. 78)
Ilang eksperto sa kasaysayan ang nagtantya na mahigit 100 milyong tao ang pinatay ng Simbahan ng Roma.
(12) . . . tinangkang baguhin ang Kautusan at Takdang Kapanahunan ni Yahuwah. (Daniel 7:25)
“Ang papa ay may dakilang kapangyarihang baguhin, ipaliwanag o isalin kahit pa mga banal na batas.” (Lucius Ferraris, Prompta Bibliotheca, Article “Papa”, II Vol.6, p.29)
“Ang araw ng Linggo ay institusyon lamang ng Katoliko at ang pagtangkilik dito ay maaari lamang ipagtanggol sa ilalim ng prinsipyo ng Katoliko. . . Mula simula hanggang dulo ng Kasulatan, walang anumang nakasulat na nag-uutos na ilipat ang lingguhang pagsamba mula sa ikapitong araw ng linggo patungo sa unang araw.” (Catholic Press, Sydney, Australia, Agosto 1900.)
“Syempre, ang Simbahang Katoliko ay pinalitan ang araw ng pagsamba mula Sabbath hanggang Araw ng Linggo. . . At ito ay TANDA ng kanyang kapangyarihang pangrelihiyon.” (Sulat mula kay H.F. Thomas, kanselor ni Kardinal Gibbons)
(Tandaan: Hindi lamang ito simpleng pagpalit ng araw ng pagsamba; kundi pagpalit din ng kalendaryo. Ang Roma, noong ikaapat na siglo, ay pinagtibay ang makabagong paganong kalendaryo at ipinagbawal ang kalendaryong luni-solar ng Bibliya.)
Ang Kapapahan ay tinanggal din ang Ikalawang Utos, na nagbabawal sa pagsamba sa larawan. Para maging Sampung Utos, hinati nila ang ikasampung utos sa dalawa.
(13) . . . naghari sa loob ng 1,260 taon. (Pahayag 13:5)
538 AD – Ang Simbahan ng Roma, gumawa sa ilalim ng pamahalaang sibil, pinabagsak ang mga Ostrogoths, na nag-iwan sa Papa ng kapangyarihang pangrelihiyon nang walang dahas. Ang Simbahan ay maaari nang ipakita ang kanyang ganap na pamumuno.
1798 AD - “Noong 1798, dumating sa Roma si Heneral Berthier [ng Pransya], binuwag ang pamahalaan ng papa, at nagtatag ng pamahalaang sekular.” (Encyclopedia Britannica, edisyong 1941)
Ang Kapapahan ay naghari sa loob ng eksaktong 1,260 taon! (mula 538 hanggang 1798)
(14) . . . tinanggalan ng kapangyarihan ng mga sibilyan at “binihag”. (Pahayag 13:10)
“Ang pinakasukdulang kahihiyang nangyari sa Simbahan ay nung si Papa Pius VI ay pinaalis sa Roma ng mga sundalong Pranses noong 1798 at nang mga sumunod na taon siya’y binihag at dinala sa Pransya, kung saan na siya namatay.” (Encyclopedia Britannica, 1990, Vol.26, p.938)
(15) . . . nagkaroon ng nakamamatay na sugat, ngunit gumaling. (Pahayag 13:3)
Ang Kapapahan ay nagkaroon ng sugat. . .
1798 – binuwag ni Heneral Berthier ang pamahalaan ng papa.
Ang Sugat ay nagsimulang gumaling. . . at ang Kapapahan ay bumalik sa kapangyarihan.
1929 - “Ang Roma . . . ay binigyan ng pamumunong ekstra-teritoryal noong 1929 sa ilalim ng Kasunduan sa Lateran at Concordat.” (Encyclopedia Britannica, Edisyon 1990)
“Makinig kayo! Darating na ako! Pinagpala ang sumusunod sa mga salita ng propesiya na nasa aklat na ito!” (Pahayag 22:7, MBB)
Hindi na ito bagong pagpapaliwanag, minamahal. Ito ay makasaysayang Protestanteng pagtingin sa Simbahang Katoliko. Tayo ay nabubuhay sa mas pribilehiyong panahon, may kakayahang makita ang mga ebidensya nang mas maliwanag kaysa sa ating matapat na mga ninuno. Ibinigay ni Yahuwah sa atin ang mga mahahalagang propesiyang ito para malaman at maunawaan natin. Nalalapit na, ang sugat ng halimaw ay tuluyang gumaling at muli niyang lilipulin ang mga tapat at totoo kay Yahuwah ngayon. Nawa'y walang malinlang ng halimaw, ang reyna ng kahalayan, ang Simbahang Katoliko.
Nauugnay na mga Artikulo: