Tradisyonal na Relihiyon: Komprehensibong Pag-aaral ng Kasaysayan ng Simbahang Katoliko
Ang istruktura at pagbuo ng tradisyonal na relihiyon, sa pamamagitan ng isang komprehensibong pag-aaral ng kasaysayan ng Simbahang Katoliko... |
Panimula...
Upang ganap na maunawaan ang konsepto at pundasyon ng relihiyon at paniniwalang pangrelihiyon bilang kabuuan, dapat muna nating maunawaan ang isang patotoong ito... ang konsepto ng tradisyonal at nakaayos na relihiyon ay gawa ng tao sa lubos na kaibuturan nito. Lahat ng mga paniniwalang pangrelihiyon at kasanayan ay binuo sa tradisyonal, kaugalian, ritwalistikong pananalig, mga paniniwala na binalangkas maraming siglo ang nakalipas ng mga maagang ama ng simbahan, na nalalaman natin ngayon sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pag-aaral, ay ang Romanong Emperador na si Constantine at ang mga pari at mga kardinal mula sa mismong maagang Simbahang Katoliko. Ito lamang, ay ang batayang pagkakaunawa na dapat nating ilatag pa sa dagdag na pagkakaunawa. Ang pundasyon kung saan itinayo ang patotoo patungo sa isang pamahiin at gawa ng makaseremonyal at mapagpanggap na paniniwala.
Noong sa pamamagitan ng kanyang mga pangitain, ang Emperador Constantine ay nilipat ang paniniwala sa Kristyanong Diyos at sa kalaunan ay pinagtibay ang pampublikong kasanayan ng Kristyanismo, ito ang mismong punto sa kasaysayan na ang Romano Katolikong (Pangkalahatang) Simbahan ay nagsimulang binuo ang mga kasanayan nito. Nauna sa panahong ito ang simbahan ay hinadlangan sa ilalim ng patuloy na pag-uusig, kaya katiting na paglaki, kung anuman, ay naganap hanggang matapos ipasa ang kautusang ito. Sa buong mga maagang siglo ng Simbahang Katoliko, sa pamamagitan ng mga dumaraming sandatahan ng mga pari, kardinal, obispo at Papa, nagsimulang magsaayos ng mga konseho kung saan tinukoy ang balangkas ng mga kasalukuyang paniniwalang pangrelihiyon. Gayunman, karamihan sa mga tao, Kristyano man o hindi, ituring ang sarili na mga Katoliko, ay hindi ganap na nauunawaan ang mga pundasyon ng istrukturang ito. Hindi ito hanggang simulan natin na itayo ang pundasyonal na pagkakaunawa na makikita na natin ang buong larawang gawa ng tao kung ano talaga ito.
Ang artikulong ito ay isang dokumentado at lubusang sinaliksik na pagsisiyasat tungo sa patotoo sa likod ng kasinungalingan at maling pagkakaunawa na binalangkas sa ating sistema ng paniniwala sa mga maagang siglo kasunod ng pag-unlad ng relihiyon. Unang unawain ito... Ang ating Tagapagligtas ay hindi dumating sa ating mundo para magtatag ng anumang relihiyon o sistema ng relihiyon. Ang kanyang layunin ay para dalhin ang sangkatauhan sa isang mas malinaw at mas tumpak na pagkakaunawa ng pag-ibig ng kanyang Ama para sa sangkatauhan, at layunin ni Yahuwah Ama para sa pag-unlad sa hinaharap ng isang relasyon sa pagitan ng sangkatauhan at kanyang Kataas-taasang Manlilikha.
Sa kasamaang-palad, wala nang sapat na tamang panahon, o sapat na lugar, para sa lahat ng mga detalye ng paglalakbay sa loob ng paglalahad na ito. Gayunman, lahat ng mga pangunahing punto ay dagliang tatalakayin. Ikaw ay imbitado, at dagdag na hinikayat, para dagdag na siyasatin sa pamamagitan ng iyong sariling pananaliksik. Ang impormasyong nakapaloob dito ay dapat na gamitin bilang isang gabay sa iyong karagdagang pagkakaunawa. Ang aming panalangin ay iyong mga nakatali sa isang sistema ng pangrelihiyong dogma, lalo na ang mga Katoliko, ay makikita ang mga patotoo, sa kahit papaano sa mga pahayag na ginawa sa artikulong ito. Iyong mga indibidwal ay sapat na maunawaan ang anumang sinabi na magiging mas taimtim sa kanilang paghahanap para isiwalat ang mga karagdagang patotoo. Nawa’y si Yahuwah Ama, sa ngalan at kalakasan ng kanyang anak, si Yahushua Mesias, ay pangunahan at gabayan ka tungo sa patotoong ito.
Ang mga maagang taon...
Ang ating paglalakbay sa patotoo ay nagsisimula sa mga taong 306 hanggang 337 AD. Noong ang Romanong Emperador na si Constantine ay nagsimulang ayusin ang Imperyong Romano at gawing legal ang bukas at pampublikong kasanayan ng Kristyanismo bilang tunay at katanggap-tanggap na relihiyon sa loob ng imperyo. Bago ang kautusang ito ng pagtanggap, ang Kristyanismo ay naisip na walang iba kundi isang kulto, at marahas na hinatulan ng batas sa buong imperyo, nalaman noong bilang Apostolikong Simbahan. Gayunman, ang mga paganong kasanayan ay yumabong at pinasigla. Bukod dito, bagama’t si Constantine ay ginawang legal ang kasanayan ng Kristyanismo, si Constantine mismo ay isang mananamba ng araw at pinagsama niya ang mga paganong paniniwala at ritwalistikong kasanayan sa mga patotoo ng dalisay na Kristyanong pagkakaunawa. Sa pagkuha ng mga hakbang na ito, isinagawa ni Constantine ang isa sa pinakamalaki, at pinakamahalaga, na pagkilos sa kanyang pulitikal na karera sa pagkakaisa ng lahat ng Roma, at ang buong imperyo, at sa paggawa nito ay makakakuha siya ng pabor mula sa kanyang mga Romanong tauhan. Habang si Constantine ay nakatuon sa pagpapatibay ng imperyo sa pamamagitan ng kanyang pagsasama ng mga kulto at mga paniniwala, na tinatakan bilang “Kristyano”, ang Romanong simbahan, kilala bilang Romanong Pangkalahatang Simbahan na lumitaw sa dakila at patuloy na lumalakas.
Ang Bautismo ni Constantine ni Raphael.
Tandaan... lahat ng mga sumusunod na kasanayan at araw, ginugol ng Simbahang Katoliko, ay gawa lamang ng tao. Ang mga ito’y nilikha ng isang konseho ng mga relihiyosong tao para sa iisang layunin ng pagdagdag ng tradisyon at mga kaugaliang paniniwala tungo sa pangrelihiyong paglilingkod. Hindi si Yahushua, sa Kasulatan, kanyang mga apostol o lingkod, wala sa mga ito ang nagsabi ng anuman sa mga modernong gawa ng tao na ito. Ang mga bagong itinatag na doktrina na ito ay ipinatupad para sa iisang layunin na gawing imortal ang mga mortal na tao at espiritwal na nakatataas sa mata ng publiko, maging sa kasalukuyan ang mga nakatataas na mga estadista, mga pangulo at mga hari ay yumuyuko sa Papa na parang siya ay isang imortal na diyos sapagkat inaangkin niya na siya ang “Bikaryo ni Kristo.”
Sa buong maagang kasaysayan nito, ang Simbahang Katoliko ay tinipon ang iba’t ibang konseho. Ang mga konseho kung saan ang mga pari at mga kardinal mula sa iba’t ibang lokasyon sa buong mundo ay magsasama-sama para pagtalunan ang mga bagong pagtuturo na itatatag tungo sa liturhiya ng paglilingkod. Ang mga konseho gaya ng Nicaea, Una at Ikalawa (325 at 787 na magkasunod), Una hanggang Ikaapat na Constantinople (381, 553, 680 at 869), Efeso (431), Una hanggang Ikaapat na Lateran (1123, 1179, 1193 at 1215), Una at Ikalawang Lyon (1245 at 1274), Vienna (1311), atbp., iba’t ibang paniniwala ang itinatag at itinalaga sa paglilingkod ng simbahan bilang mga batayang kasanayan kung saan ang simbahan ay tumatakbo. Ang mga paniniwala gaya ng mga pag-unlad ng Kredo ng Nicaea, pagtatatag ng banal na kalikasan ni Kristo, pagtatatag ng petsa para sa Pasko ng Pagkabuhay, tinukoy ang kabanalan ng Banal na Espiritu, pagtatatag ng doktrina ng trinidad, deklarasyon ni Maria bilang Ina ng Diyos, pagtatatag ng pantao at banal na kalikasan ni Kristo, pagtatatag ng panalangin para sa mga santo, ang paggamit ng mga anito sa mga simbahan (estatwaryo at mga imahe), pagtatatag ng transubtantiation (ang tinapay at alak ay aktwal na katawan at dugo ni Kristo), pagtatatag ng literal na paniniwala sa Impyerno at Purgatoryo, pagtatatag ng mga gawa ng penitensya (salungat sa pagsisisi), ang paggamit ng Rosaryo, pagbinyag sa sanggol, pagbinyag sa patay, pagtatatag ng mga indulhensiya (salaping binabayaran sa simbahan para sa paglaya ng mga patay mula sa Purgatoryo), ang paggamit ng Latin sa Misa, pagtatatag ng Komunyon, ang paggamit ng mga kampanilya at insenso sa paglilingkod sa simbahan, ang mga kabihisan at mga ornamentong suot ng kaparian, ang katesismo, unang komunyon at isang hindi mabilang na ibang doktrina na isinagawa at binalangkas ng kaparian ng Simbahang Katoliko, tiyak na ginamit para sa pagpapasakop at espiritwal na pananakot sa mga karaniwang tao. Bagama’t ang mga anak na babaeng simbahan (iyong mga umunlad na nagpatuloy sa repormasyon), ay hindi sinanay ang karamihan sa mga ritwal na isinagawa ng Inang Simbahan, ang kanilang pangunahing istruktura at doktrinal na balangkas ay direktang huwaran sa Inang Simbahan. Hindi isang simpleng pagkakataon na ang aklat ng Pahayag ay tinutukoy ang “INA” ng lahat ng patutot.
Ang Episcopal, Presbyterian, Methodist, Lutheran, Baptist, Church of God, Assembly of God, Church of Christ, Pentecostal Church, Holiness Church, Seventh Day Adventist Church, Mormon Church, Jehovah's Witness Church at bawat ibang pagtitipon, na binalangkas ng relihiyon ng tao, ay sinusundan ang balangkas ng inang simbahan. Ito lamang ay isang masakit lunukin na katunayan, ngunit malakas at malungkot na katunayan ano pa man.
Angkan ng mga Papa...
Ang mga Katoliko ay maalab na naniniwala na si Apostol Pedro ay ang unang Papa ng simbahan. Gayunman, walang makasaysayang talaan o ebidensya ang naipakita kung si Pedro mismo ay dumating sa Roma ano pa man. Si Pedro ay higit na isang tagapagsalita, habang si Santiago ay palaging nakita bilang nangungunang apostol. Ito ay isa pa sa maraming katha ng Simbahang Katoliko sa pagsasama ng mga tila palinsaring palaisipan. Isang kalipunan ng mga ritwal na parang ginagawa ang Simbahang Katoliko na lumilitaw na isang banal na institusyon. Ang mga petsa ng maling ideyang ito ay malabo sa mahusay, halos mga 32 hanggang sa saanman sa 65 AD. Ang unang aktwal na lider, o “Santo Papa”, ng Romanong simbahan ay si Emperador Constantine, na namuno sa Imperyong Romano mula 306 hanggang 337 AD.
Ang titulong “Papa”, ay syempre, salitang Latin para sa “papa” o ama. Malinaw na ipinahayag ni Yahushua sa Mateo 23:9 na walang sinuman ang tatawaging papa ng mga tao. Ang paggamit nito, syempre na ayon sa Kasulatan, ay kalapastanganan. Gayunman, ang mga Katoliko ay hindi nakikita ang anumang kamalian o pinsala rito, sapagkat ang Papa (obispo ng Roma) ay naisip na ang Bikaryo o ang tumatayong katawan mismo ni Kristo sa lupa, sa katawan ng isang taong mortal. Ang titulong “Papa” gayunman ay isang titulong ibinigay sa punong obispo ng Roma. Tandaan rin na ang herarkiya ng Simbahang katoliko (Papa, mga pari, mga obispo, mga kardinal, mga monghe, mga klerigo, atbp.) ay isang pang istrukturang gawa ng tao sa loob ng simbahan na hindi sinabi sa Kasulatan. Ang paggamit ng titulong papa ay hindi ibinigay hanggang sa pamumuno ni Constantine. Ang mahabang angkan ng mga “punong Obispo” ay nagsimula kay St. Linus, na hinalal noong 67 at nanungkulan hanggang 76, na sinundan ni St. Anacletus noong 76 hanggang 88, na sinundan ni St. Clement noong 88 hanggang 97. Ang mahabang linya ng nangunguna, o punong Obispo ay umabot mula 67 AD hanggang matapos ang pamumuno ni Constantine, noong ang mga nangungunang Obispo ay ibinigay ang titulong “Papa” at patuloy hanggang sa kasalukuyang araw kay Francis, na hinalal ng Kolehiyo ng mga Kardinal noong Marso 13, 2013 (3/3/3)x2=666.
Karamihan sa mga maagang Papa ay nanungkulan lamang sa opisina sa loob ng ilang buwan hanggang sa kakaunting araw lamang dahil sila’y tahimik na pinapatay ng kapwa kardinal na naghahangad ng posisyon ng Santo Papa mismo. Ito ay tiyak na brutal at mapanirang laro para manlinlang sa pangrelihiyon at pampulitikal na posisyon bilang ulo ng isang lumalaking monarkiya. Ang monarkiyang ito ay tuluyang lumitaw, sa sarili nitong lupain at mga batas, noong Pebrero 11, 1929, sila Benito Mussolini at Pope Pius XI ay nilagdaan ang isang kasunduan sa Palasyo ng Lateran na nagbayad sa Simbahang Katoliko mula sa kawalan ng estado ng kapapahan. Ang kasunduang ito ay iginawad sa simbahang Romano ang isang 108.7 ektaryang lupain sa kalagitnaan ng siyudad ng Roma na magiging isang malayang estado ng Vatican. Sa lahat ng katunayan, ang Papa ay ang pangulo, lider at nag-iisang diktador, sa kanyang sariling malayang estado sa loob ng estado ng Italya.
Pinansyal na Seguridad...
Itinatag noong 1942, ang Vatican ay isinagawa ang isa sa pinakamalaking pulitikal at pinansyal na pagkilos sa mahabang kasaysayan nito, Sa pagkamit sa mga bagong lupain, ibinigay ng mga Kasunduan sa Lateran, at ang patuloy na pagpapalawak ng simbahan, ang kapapahan ay natagpuan ang sarili nito sa dakilang pangangailangan ng pagbubuo nito ng sariling bangko upang kontrolin ang napakalaking kita nito, hindi lamang para sa kitang nililikha ng mga donasyon sa simbahan, kundi sa mga pakikitungo nito sa iba’t ibang pamahalaang banyaga na nagnanais na itago ang mga iligal na pondo. Ang pinakakilala ay ang Italian Mafia at ang mga Aleman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga makasaysayang ebidensya ay ipinunto na ang bangko ng Vatican ay hawak ang bilyun-bilyong pondong may kinalaman sa Mafia at mga dambong mula sa mga pagsisikap ni Hitler na maghari sa Europa. Nakipagtulungan si Pope Pius XII sa Nazi Alemanya at naglagdaan ang isang kasunduan kay Hitler na nagbigay sa partido Nazi ng kakayahang ilagay ang kanilang mga dambong salapi sa bangko ng Vatican. Sapagkat ang bangko ng Vatican ay isang lubos na malihim na operasyon, ang mga pondo at mga dambong na ito ay itatago at ang malayang mundo ay hindi malalaman ang saklaw ng mga pananalapi na taglay ni Hitler at kanyang pamumuno sa kanilang pamamahagi o anu-anong mga pagsisikap ng digmaan na sangkot si Hitler. Sa isang kawili-wiling talaan, ang kasaysayan ay ipinapakita rin na idinadambana ni Hitler ang istruktura at organisasyon ng Simbahang Katoliko nang lubos kaya ginaya niya ang rehimeng Nazi matapos nito.
Mga 30 taon ang nakalipas, (1989), ang Simbahang Katoliko ay tinipon ang maraming sampung bilyong dolyar sa kayamanan mula sa mga kawanggawa nito kasama ang mga kayamanan na naipon mula sa mga deposito ng salapi at mga likhang sining mula sa Mafia at Alemanya ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit noong 1929, sa paglagda sa Kasunduan sa Lateran, ang Simbahang Katoliko ay walang wala pa mula sa pagkawala sa kapangyarihan at kayamanan sa estado ng kapapahan sa buong mundo. Upang bigyan ng petsa ang Simbahan Katoliko, patuloy na napakayaman, ay nagkakahalaga ng wala pa sa kalahati ng ano ang unang halaga mga 30 taon ang nakalipas. Dahil sa bagong iskandalo sa kasarian at milyun-milyon ang ibinayad sa mga litigasyon para sa pangmomolestya at panggagahasa ng mga inosenteng bata, higit na isang pagkabagsak na sabihin ang Simbahang Katoliko ay mayroong napakalaking pinansyal na dagok.
Poskard ng Kasunduan sa Lateran
Sa loob ng mga dekada, at malamang ay mas matagal, ang mga Papa at ibang herarkiya ng simbahan ay ikukubli at tatanggihan ang anumang kamalian sa pagitan ng mga pari at mga kabataang lalaki at babae sa altar na hinabilin sa simbahan para sa kanilang espiritwal na pangangalaga. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagama’t ang Papa sa panahon (ni Pius XII) ay may kamalayan ng pagkawasak at pagpatay sa mga Hudyo ng mga Nazi, wala siyang sinabi o ginawa para maiwasan ang lahat ng kagimbal-gimbal na kasamaang ito. Para sa iisang layunin na ang rehimeng Nazi ay binigyan ang Simbahang Katoliko ng hindi maisalaysay na kayamanan sa ginto at mga likhang sining, ninakaw mula sa mga bansang sinakop, ang simbahan ay nanatiling walang kinikilingan sa pagtangging kunin ang panig sa anumang kalagayan laban sa partidong Nazi.
Nahulaang Pagkawasak...
Noong Pebrero 11, 2013, inanunsyo ni Pope Benedict ang kanyang pagbibitiw mula sa Kapapahan. Sa loob ng ilang oras, tinamaan ng kidlat ang taluktok ng St. Peter’s Basilica. Ang pagtama ng kidlat na ito ay maaaring hindi humawak ng anumang epekto sa ilan, ngunit sa iba na may kamalayan sa propesiya sa Kasulatan, isang pagtama ng kidlat ang naugnay sa pagbulusok ni Satanas mula sa kalangitan. Sinabi ni Yahushua sa Lucas 10:18, “At sinabi niya sa kanila, ‘Nakita ko si Satanas na bumulusok mula sa langit tulad ng kidlat.’” Para sa marami na itinuturing ang pananaw na ito, isa pa itong pahiwatig ng Satanikong aktibidad na direktang bumagsak sa Vatican.
Isang patuloy na pag-aaral ng mga video ng WLC ukol sa Papa, at ang mismong Simbahang Katoliko, ay papalawakin ang iyong pagkakaunawa kung paano ang mga kasulatan ay sinalaysay ang herarkiya ng Simbahang Katoliko at humahantong na kamatayan nito. Bagama’t ang Simbahang Katoliko ay tila sinusundan ang mga pangunahing kasama sa pananampalataya, ang pagdagdag ng mga tradisyon at mga ritwalistikong kaugalian ay mas pinawalang-sala ang katapatan nito sa arena ng matapat na paglilingkod kay Yahuwah Ama at Kanyang anak na si Yahushua na ating Mesias. Ang mga batayan ng pamimilit sa pananampalataya at katapatan sa ating Makalangit na Ama ay, minsan at para sa lahat ng panahon, hindi mapigilang inukit sa tela ng panahon sa pamamagitan ng paglilingkod ni Yahushua at ang mga buhay na pinalakas ng mga apostol at mga lingkod ng maagang pananampalataya. Ang mga batayang ito ay hindi nilayon na idagdag, subalit ang pagtayo ng Simbahang Katoliko ay nagawa ito. Sa pagdagdag sa direksyon ng Mesias, ang tunay na maalab na Kristyano na sinasakop ang bangkuan sa Simbahang Katoliko, o anumang simbahan para sa bagay na iyon, ay hindi maiiwasang umindayog mula sa kanyang tunay na katapatan ng pananampalataya kay Yahuwah Ama, at ang mga tuntunin ni Yahushua Mesias, patungo sa pagsunod sa tao at isang sistema ng mga pagtuturong gawa ng tao. Iyon ay ginagawa ang kilos ng pagsamba na walang wala ng anumang tunay na pananampalataya.
Ang punto ng artikulong ito ay hindi parusahan o siraan ang aming mga Katolikong kapatid. Ang mga Katoliko ay, kung hindi higit, mas matapat kaysa sa karamihan sa mga Protestanteng nagsisimba. Ang aming layunin ay muling ituro at ipabatid sa mga taong ito na bilanggo ng isang sistema ng ritwalismong imprastrakturang pangrelihiyon sa loob ng kanilang simbahan. Isang malungkot at matrahedyang katunayan na ang Simbahang Katoliko ay nagpaliyab ng isang daan sa maling direksyon ng espiritwalidad, sa pagtatatag ng maling impormasyon na ipinalaganap ng mga tinatawag na “banal na tao ng Diyos.” Sa pagkakaunawa ng pananaw na ito kaya kinuha natin ang pagsisikap na muling turuan ang mga kapatid natin sa patotoo ng sistema ng Katolisismo na gawa lamang ng tao. Unawain ang isang bagay na ito, ang mga pari at ibang herarkiya ng simbahan ay hindi sinasadyang pinapangunahan ang mga tao na maligaw sa mga pagtatatag ng mga tradisyong ito, ngunit ginawa nila, pinakatiyak na ginamit ng makademonyong pwersa na disidido sa panlilinlang at sukdulang pagkawasak ng milyun-milyong anak ni Yahuwah Ama.
Ito ay lubos na hindi marapat, ngunit maliwanag, na maraming parokyang Katoliko ay hindi kailanman makikita ang patotoo sa mga katunayan at pahayag na ito. Ang Simbahang Katoliko, sa pamamagitan ng dedikadong gawa ng mga Dominikano at mga Heswita ay pinalawak ang mga pagsisikap sa walang katapusan sa buong mundo sa paghuhugis ng lipunan na unti-unting naging sunud-sunuran sa Simbahang Katoliko. Ang pagtatrabaho at sa pamamagitan ng mga pamahalaan at mga institusyon ng edukasyon, ang mga Heswita ay taglay ang kamay na bakal ng pagsunod sa loob ng maagang pagbuo ng simbahan sa modernong panahon. Lubos na tanyag rito na banggitin ang kanilang mga pinakamasasamang pagsisikap. Ang pagpatay sa mga pangulo at ibang lider ng estado, ang pag-unlad at pagpapanatili ng mga digmaan at ang katulad na isinagawa sa utos ng Vatican na may layunin ng pagpapanatili ng sinaunang tradisyonal na pamana ng simbahan at ang kahalagahan nito sa pananalapi. Ang operasyon ng Simbahang Katoliko, at ang posisyon ng kapapahan sa pangkalahatan, ay parehong pangrelihiyon, na isang sistema ng mga ritwalistikong paniniwala na gawa ng tao, gayon din bilang pampulitikal.
Sa kasalukuyan ang Kristyanismo ay nahaharap sa sukdulang hindi pangkaraniwang panahon sa kasaysayan. Hindi pa nagaganap sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko na mula noong Marso 13, 2013, si Francis ay nahalal na ika-266 na Papa. Milyun-milyon ang nanonood sa mga pag-unlad sa loob ng Vatican at ang mga aksyon na kinuha ni Pope Francis na nauugnay sa mga kasulatan ng Pahayag, nauugnay sa mga kapangyarihang halimaw at ang paglitaw ng anti-Kristo. Ipinunto ng Kasulatan ang ilang lubos na kagimbal-gimbal na mga katunayan gaya sa mga kapangyarihan ng huwad na propeta, ang anti-Kirsto, ang paglitaw ng dalawang bansang halimaw, ang dalawang saksi at ang panghuling angkan ng mismong kapapahan. Mayroong umiiral na isang direktang ugnayan sa pagitan ng sistemang gawa ng tao na nahulaan ni Yahushua sa katapusan ng panahon at ang pagbuo ng Simbahang Katoliko.
Ang mga hula ni St. Malachy...
Ang Santong si Malachy
Isinilang sa Hilangang Ireland noong 1094 at itinalagang Katolikong pari sa edad na 25 taon noong 1119, si Malachy ay isang tanyag na mag-aaral ng mga kasulatan. Siya ay isang araw mula sa pagbabalik mula sa paglalakbay sa Roma noong siya ay inangkin na nakatanggap ng isang pangitain ng lahat ng mga Papa ng Simbahang Katoliko pababa sa pagbabalik ni Kristo. Ang kanyang mga pangitain ay ikinubli sa mga arkibo ng Vatican hanggang inilathala noong 1590. Sinabi ni Malachy ang tungkol sa panghuling pag-uusig ng Banal na Romanong Simbahan at isang Petrus Romanus (Pedro ang Romano) ay maghahari sa panahon ng pag-uusig na ito. Si Pedro ang Romano, naitala niya, ay papakainin ang kanyang kawan sa gitna ng maraming pagdurusa, pagkatapos nito ang siyudad ng pitong burol (Vatican) ay mawawasak. Maraming teorya ang lumitaw sa loob ng kabilugan ng teolohiya kung sino, nang eksakto, si Pedro ang Romano na ito. Ngunit sa saklaw ng hulang ito ay kapansin-pansin na tandaan na sa maaga, o maging sa huli, na bahagi ng ika-10 siglo na siyudad na Vatican, ang pitong burol na siyudad, ay hindi umiral.
Ang mga hula ni St. Francis ng Asisi...
Si Pope Francis (Jorge Mario Bergoglio) ay kinuha ang kanyang kapapahang pangalan mula kay St. Francis ng Asisi. Isa sa pinakamatalas na mga hula ni St. Francis ay sumusunod noong sinabi niya,
“Mayroong darating na isang hindi wastong nahalal na Papa. Siya ay magdudulot ng dakilang pagkalito. Siya ang magdudulot sa mga Katoliko na pagdudahan ang kanilang pananampalataya. Tatanggapin niya ang lahat ng relihiyon sa isang magkatumbas na batayan. Mayroong malawakang pagpanaog sa loob at labas ng Simbahang Katoliko. Lilinlangin niya ang mga hinirang.”
Tila si Pope Francis ay sinira ang pamamahala ng Vatican ukol sa paghalal sa isang Papa. Ayon sa tuntunin ng Vatican at Kolehiyo ng mga Kardinal, ang bagong halal na Papa ay hindi pinahintulutan na gumawa ng anumang paunang palagay na pakikitungo sa mga kasapi ng klero bago manungkulan. Tila si Pope Frnacis ay ipinabatid sa iba ng mga pagbabago na gagawin niya sa loob ng simbahan bago ang kanyang paghalal, na nagtuturing sa kanya na isang “hindi wastong nahalal na Papa.”
Si Pope Francis ay hindi nagsusuot ng nakaugaliang pananamit ng kapapahan. Sinabi na si Pope Francis ay isang anti-Papa at hindi isang tunay na Papa ano pa man. Ang mga pinakasariwang balita ay sumasalamin sa katunayan na si Pope Francis ay sinusubukan na pagkaisahin ang mga simbahang Protestante sa Katolisismo. Ang kanyang pagsisikap sa “isang relihiyon ng mundo” ay nag-iwan sa maraming Katoliko at hindi Katoliko na nabagot at maraming Katoliko ang tumiwalag mula sa Simbahang Katoliko. Ito’y nagbibigay ng punto sa katunayan na siya marahil ay isang huwad na propeta, na gaya ni Juan Bautista na naghanda ng landas para kay Kristo, si Francis ay naghahanda ng landas para sa anti-Kristo.
Si Arsobispo Fulton Sheen (1895-1979) ay ang Arsobispo ng Rochester at ang tagapagsalita ng isang lubos na tanyag na programa sa telebisyon na ginawaran ng Emmy Award, “Life is Worth Living,” sa pagitan ng 1951 at 1957. Sinabi niya:
“Ang huwad na propeta ay magkakaroon ng isang relihiyon na walang krus, isang relihiyon na walang sanlibutan na darating, isang relihiyon na wawasak sa mga relihiyon. Magkakaroon ng isang kontra-simbahan, simbahan ni Kristo ang isa, at ang huwad na propeta ay itatayo ang iba. Ang huwad na simbahan ay ekumeniko (pangkalahatan), pandaigdigan at makamundo... Ang mahiwagang katawan sa lupa ngayon ay magkakaroon ng Hudas Iscariot nito at siya ang magiging huwad na propeta. Ibebenta niya ang mahiwagang katawan sa Antikristo.”
Arsobispo Fulton Sheen
Ito ay marahil eksaktong umaalingawngaw sa anong sinusubukan ni Pope Francis na makamit sa loob ng Simbahang Katoliko ngayon. Gayunman, ang mga kilos ng huling Papa na ito ay lubos na siniyasat nang mabuti. Tayo ay tiyak na nasa KRITIKAL na sugpungan sa kasaysayan. Kapag hindi mo pinansin ang panawagan ni Yahuwah na umalis at tanggalin ang iyong sarili mula sa panlilinlang na ito, nakalulungkot at sa huli ay pagdudusahan mo ang mga huling pagsubok na sukdulang haharapin na kaparusahan ng “ina ng lahat ng mga patutot.”
Pagwawakas...
Sa lahat ng tumataas na ebidensya na nagtuturo ng mga katunayan na ang Simbahang Katoliko at ang Vatican sa pangkalahatan ay, sa lubos na pinakamaliit, kahina-hinalang idinugtong sa mga propetikong katuparan ng Antikristo, Sataniko at makademonyong gawain sa Pahayag. Nananalangin kami na paunlarin ang pagtanaw sa mga ito at basahin ang mga kasulatan. Nakikiusap kami na huwag umasa sa anumang pagpapaliwanag ng tao, kundi magbasa, sa madasaling paggabay ng Banal na Espiritu ni Yahuwah, kung anong itinuturo ng mga kasulatan tungkol sa huwad na sistema ng relihiyon na ito... HUWAG papalinlang.
Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko... Pahayag 18:4
Gaya ng sinasabi, “Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong sila’y naghimagsik.” Hebreo 3:15