Ang Tungkuling Sibil ng Mananampalataya: Ang Tunay na Kahulugan ng Roma 13
Ang Roma 13 ay malawakang ginamit upang linlangin ang mga Kristyano sa pagsunod sa mga hindi makatarungang batas at pagbibigay ng suporta sa malupit na mga pamahalaan. Ang ganitong mga interpretasyon, gayunman, sa katunayan ay salungat sa Kasulatan. Hindi inutos ni Yahuwah sa sinuman na sundin ang batas ng tao na labag sa banal na kautusan. |
Si
William Shakespeare ay hindi maitatangging pinakadakilang manunulat sa wikang
Ingles sa lahat ng panahon. Nag-ambag siya ng mas maraming parirala at
kasabihan sa wika kaysa sa sinumang indibidwal noon pa man. Sa loob ng apat na
raang taon mula noong kamatayan niya, ang kanyang mga isinulat ay labis na
naimpluwensya ang karaniwang wika na kahit ang mga tao na sinisipi siya ay
hindi man lang natatanto kung ano ang mga iyon.
Isa sa mga parirala ni Shakespeare na malawakang pinapakahuluganan ay: “Ang diyablo ay maaaring sipiin ang Kasulatan para sa kanyang layunin.” Ang diyablo na tumukoy ng Kasulatan ay isa sa pinakamatagumpay na paraan ng kanyang panlilinlang. Isang kasinungalingan ay malakas lamang kapag ang dami ng katotohanan ay pinulupot rito. Ang pagsasama ng kasinungalingan sa Kasulatan ay isang labis na epektibong paraan para linlangin ang katapatan ng puso.
Nang
tinukso ng diyablo ang Tagapagligtas sa Kaparangan, sinipi niya ang Mga
Awit 91:11-12. Hindi nalinlang si Yahushua, gayunman, sapagkat sa pagsipi
ng Kasulatan, may naiwang
tipahang parirala si Lucifer, kaya nabaluktot ang kahulugan ng teksto. Ito ay kung paano ang diyablo ay sipiin
ang Kasulatan! Ito ay maaaring maliin ang sipi o maliin ang pagpapaliwanag sa
ibinigay mula rito.
Napakahalaga sa mga mananampalataya na maging handa sa sukdol na aparatong ito sapagkat ito’y malawakang ginamit ng mga pamahalaan at organisadong relihiyon upang makakuha ng suporta at pagsang-ayon sa hindi biblikal na mga pagsasanay.
Nagbabala ang Kasulatan ng isang pandaigdigang entidad sa katapusan ng panahon na magsasagawa ng despotikong kapangyarihan sa lahat. Ang mga mananampalataya ay matagal na nanatiling tagapagtanggol laban sa mga panghihimasok ng kasamaan. Dahil dito, ang diyablo ay hinahangad ang paraan na dayain ang mga ito na manatiling balintiyak sa harap ng kamalian. Sa kaparehong panahon, babaluktutin at pangangatwiranan ang kanilang hindi pagkilos bilang pagsunod kay Yah. Nakita niya ang tamang-tamang solusyon sa maling pagkaunawa at maling pagsasalin ng Roma 13:1-7:
Ang
bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang
kapangyarihan na hindi mula kay Yah; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang
ni Yah.
Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ni Yah sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:
Sapagka't siya'y ministro ni Yah sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ni Yah, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.
Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.
Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod kay Yah, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.
Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
Walang
pagdududa, ang Monarka ng Sanlibutan ay ang Hari ng mga hari at Panginoon ng
mga panginoon. “Siya'y nag-aalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari”(Daniel 2:21) Sapagkat “Si Yahuwah ay Siyang hukom: kanyang ibinababa ang isa,
at itinataas ang isa.” (Awit 75:7) Kaya, ang lahat ng makalupang awtoridad ay
nasa kapangyarihan sa pahintulot ni Yahuwah. Gayunman, hindi ibig sabihin nito na sila’y mga alagad ng Kataas-taasan at
dapat na igalang nang ganun. Karamihan sa mga makalupang kapangyarihan ay
gumagawa upang isulong ang kaharian ni Satanas, hindi ni Yahuwah. Dahil dito,
ito lamang ay kapag ang kanilang mga
batas at alituntunin ay nasa pagkakatugma sa banal na kautusan, ito ay
tungkulin ng mananampalataya na pasakop sa kanila.
Maling Pagkaunawa
Isang maling pagkaunawa na gamitin ang Roma 13 upang sapilitang sumunod sa mga hindi makatarungang batas. Puno ang Kasulatan ng mga halimbawa kung saan ang mga tao ni Yah ay ipinagsapalaran ang kanilang mga buhay habang nilalabanan ang mga batas ng tao upang manatiling tapat sa banal na kautusan.
Nung ang hambog na hari ay nagpatayo ng isang gintong imahen sa kapatagan ng Dura at inutusan ang lahat na yumuko at sumamba rito, ang tatlong nararapat ay ipinagsapalaran ang kanilang mga buhay upang manatiling matapat kay Yahuwah. Matapang nilang ipinahayag na: “Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: kami'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.” (Tingnan ang Daniel 3.)
![]() |
Si Daniel sa Yungib ng mga Leon, Briton Rivière (1890) |
Ilang dekada ang lumipas, hinarap rin ni Daniel ang kaparehong kalagayan. Nung ang isang batas ay ipinasa na nag-uutos sa pagsamba, naglilibot sa kanyang trabaho si Daniel nang hindi binabago ang kanyang kasanayan sa anumang paraan. Ang kabayaran para sa kanyang mga ginawa ay mataas: “Kanilang dinala si Daniel, at inihagis siya sa yungib ng mga leon.” (Daniel 6:16) Ang pamahalaan ay inabuso ang kapangyarihan nito na gumawa ng kautusan na walang sinuman ang maaaring manalangin sa sinumang diyos maliban sa hari para sa isang buwan. Nalalaman ito ni Daniel. Kaya, bagama’t siya ay nasa mataas na posisyon sa pamahalaan, nanatili siya matapat sa banal na kautusan sa halip na sumunod sa batas ng tao.
Ang pagsuway ni Daniel laban sa batas ng tao ay nakilala sa pagsang-ayon ni Yahuwah. Nung pinabuksan ng hari ang yungib ng mga leon at tinanong kung buhay pa si Daniel, ang tugon ni Daniel ay malinaw na itinatag ang alituntunin na ang pagsunod sa banal na kautusan ay laging mangunguna sa pagsunod sa batas ng tao. “Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. Ang Elah1 ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan. (Daniel 6:21, 22)
Ang Elah ko. Itinatag ni Daniel na ang kanyang Elah ay higit na mataas sa diyos ng hari at, bilang Elah ng mga elah, ang pagsunod sa Kanyang mga kautusan ay laging mangunguna sa bawat batas ng tao. Ito ay alituntunin ng pagkamakatarungan na ang batas ni Yahuwah ay hindi dapat masira para masunod lang ang mga batas ng tao.
Ang kwento nina Pedro at Juan sa harap ng Sanhedrin ay isa pang napakahusay na halimbawa na nagtatag na ang batas ni Yahuwah ay laging mangunguna sa lahat ng mga makalupang kautusan. Sa katunayan, kapag ang mga utos ng mga tao ay sumalungat sa batas ni Yahuwah, ang sinuman ay dapat labanan ito at sundin ang Kataas-taasan. Matapos pagalingin ni Pedro ang isang pilay, ang mga pari’y inaresto siya at si Juan.
Datapuwa't nang sila'y mangautusan na nilang magsilabas sa pulong, ay nangagsangusapan, Na nangagsasabi, Anong gagawin natin sa mga taong ito? sapagka't tunay na ginawa sa pamamagitan nila ang himalang hayag sa lahat ng nangananahan sa Jerusalem; at hindi natin maikakaila. Gayon ma'y upang huwag nang lalong kumalat sa bayan, atin silang balaan, na buhat ngayo'y huwag na silang mangagsalita pa sa sinomang tao sa pangalang ito.
At sila'y tinawag nila, at binalaan sila, na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Yahushua. (Mga Gawa 4:15-18)
![]() |
Malinaw ang Kasulatan: anuman ang kapangyarihan ng makalupang awtoridad, ang pinakaunang tungkulin ng mananampalataya ay kay Yahuwah. Hindi natin dapat sundin ang anumang makalupang batas na tumatanggi sa batas ni Yahuwah. “Dapat muna kaming magsitalima kay Yahuwah bago sa mga tao.” (Mga Gawa 5:29) |
Ang sagot ng mga lingkod na pumukaw ay nagtatatag ng alituntunin na ang lahat ay sumunod sa banal na kautusan kapag naharap sa mga batas ng tao na sumasalungat rito: “Datapuwa't si Pedro at si Juan ay nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila, Kung katuwiran sa paningin ng Eloah na makinig muna sa inyo kaysa kay Yahuwah, inyong hatulan: Sapagka't hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig.” (Mga Gawa 4:19, 20)
Ang kwentong ito ay kawili-wili sa isa pang dahilan: ito ay ang kapangyarihang pangrelihiyon ng bansa ang nangangailangan ng pagsunod sa kanilang mga kautusan at patakaran. Malinaw ang Kasulatan: anuman ang kapangyarihan ng makalupang awtoridad, ang pinakaunang tungkulin ng mananampalataya ay kay Yahuwah. Ang mga makalupang batas lamang na susundin ay iyong mga hindi sumasalungat sa banal na kautusan. Sa lahat ng panahon, milyun-milyon ang ibinigay ang kanilang mga buhay sa paglaban sa hindi makatarungang awtoridad at manatiling tapat kay Yahuwah.
Maling Pagsasalin
Ang Revised Magandang Balita Bible (RTPV05) ay isang pagsasalin ng Bibliya na madalas gamitin ng mga binabaluktot ang Kasulatan upang iterno ang kanilang makasariling mga layunin. Ito ay madaling makita bakit kung kailan ang Roma 13 ay pinag-aralan.
Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula kay Yahuwah, at si Yahuwah ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ni Yahuwah; at sila'y paparusahan. . . . (Roma 13:1-2)
Ang isinalin ng Ang Dating Biblia bilang “mataas na kapangyarihan” ay isinalin ng RTPV05 bilang “pinuno ng pamahalaan.” Kaya ang salitang isinalin ay exousia (#1849). Habang ito’y naglalaman ng kahulugan ng kapangyarihan at awtoridad, ito rin ay naglalaman ng mga kahulugan ng pribilehiyo, pahintulot, pagwawagi at kalayaan. Ang sangkatauhan ay namumuhunan sa kapangyarihan ng Manlilikha – ang kapangyarihang pumili para sa sarili kung ano ang gagawin. Kapag ang salitang “kalayaan” ay inilagay sa sipi, isang kakaibang kahulugan ang darating:
“Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kalayaan: sapagka't walang kalayaan na hindi mula kay Yahuwah; at ang mga kalayaang yao'y hinirang ni Yahuwah. Kaya nga't ang sumasalangsang [sumasalungat] sa kalayaan, ay sa utos ni Yahuwah sumasalangsang [sumasalungat]: at ang mga nagsisalangsang [nagtatag sa sarili na sumalungat] ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kalayaan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya.” (Roma 13:1-3)
Lubos na mahalaga para sa mga mananampalataya ng huling henerasyon na mayroong tamang pagkakaunawa ng Roma 13 sapagkat ang maling paggamit ng siping ito ay nagamit na upang ipatupad ang pagsunod sa mga malupit na makalupang kapangyarihan. Sa nalalapit na hinaharap, ang kaparehong sipi ay gagamitin upang pagtibayin ang huwad na Sabbath. Ang mga nakompromisong pastor ay hihimukin ang mga kasapi nila na magpasakop sa batas na ito na sumisira sa batas ni Yahuwah. Ang maling pagkakaunawa ng Roma 13 ay hahatong sa naturingang bayan ni Yahuwah na tumalima sa mga batas na gawa lang ng tao. Dahil dito, matatanggap nila ang kagimbal-gimbal na tanda ng halimaw.
Hindi tama na gamitin ang Roma 13 para itaguyod ang mga pang-pamahalaang batas na sumasalungat sa banal na kautusan. Walang binigyan na kapangyarihan si Yahuwah sa sinumang tao, awtoridad sa langit man o sa lupa, upang tanggihan ang Kanyang kautusan.
![]() |
Friedrich Gustav Emil Martin Niemöller, 1892-1984 |
Naunawaan ni Martin Niemöller ang napakahalagang alituntunin ng pagkamakatarungan na ito. Siya ay isang matapat na Kristyanong pastor na nabuhay sa mala-ateistang pamamalakad ng Nazi Alemanya. Sa panahong iyon, maraming mga simbahang Kristyano ang tumalima sa hinihingi ng Nazi at kanilang ibinatay ang kasunduang ito sa Roma 13. Si Niemöller ay isang teologong Lutheran, naunawaan ang panganib ng paglalagay ng awtoridad ng tao sa lugar ng banal na awtoridad. Maalab niyang tinutulan ang Nasipikasyon ng lahat ng mga Protestanteng simbahan at isang matalas na kritiko ng mga patakaran ng Nazi. Ang matapang na tao ni Yahuwah na ito ay inaresto at ipinakulong sa iba’t-ibang kampo ng mga binihag sa digmaan mula 1937 hanggang 1945.
Kinamamayaan, ipinahayag niya ang kanyang mapait na panghihinayang sa hindi pagsasalita at pagtulong sa mga biktima ng pamamalakad ng Nazi, sinasabi na:
Una, tumungo sila sa mga Sosyalista, at hindi ako nagsalita—
Sapagkat hindi naman ako Sosyalista.
Tapos, tumungo sila sa mga Unyonista, at hindi ako nagsalita—
Dahil hindi ako ito.
Tapos naman, tumungo sila sa mga Hudyo, at hindi rin nagsalita—
Dahil hindi naman ako Hudyo.
At nang tumungo sila sa akin—at wala man lang natira para magsalita sa akin.
Hindi itinuturo ng Kasulatan ang bulag na pagsunod sa mga makalupang kapangyarihan. Sa kaibahan, itinuturo nito na ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at kabanalan ay mayroong tungkulin at pananagutang labanan ang mali. Ito ay mismong kabaliktaran ng maling pagpapaliwanag ng Roma 13.
Isa pa si Edmund Burke na mabuting nakauunawa nito. Siya ay isang manunulat, estadista, teorikong pampulitikal at pilosopo. Isang sipi na madalas naiuugnay sa kanya ay malinaw na ipinahayag na: “Ang tanging bagay na kailangan para sa tagumpay ng kasamaan ay sa mga mabubuting tao na walang gagawin.”
Ito ay isang taimtim na tungkulin na manatili sa katotohanan. Isang sagradong obligasyon na labanan ang kasamaan sa lahat ng anyo nito. Ang mga pamahalaan, kapangyarihan, at mga awtoridad ay humahawak ng kanilang mga posisyon sa pahintulot ng Makapangyarihan. Ang kanilang awtoridad ay isinugong awtoridad. Bilang ganun, sila ay may pananagutan sa Manlilikha. Hanggang ipinalagay nila na bumuo ng mga kinakailangan at gumawa ng mga batas na sumalansang sa banal na kautusan, sa ganung sandali, nilabag nila ang kapangyarihang ibinigay sa kanila ng banal na Tagabigay ng Utos.
Ibinuod ng Mga Mangangaral 12:13 ang tungkulin ng tao: “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot kay Yahuwah, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.” Ang pangunahing responsibilidad ng kaluluwa ay sa Manlilikha. Ito ay lagi isang mananatiling pananagutan. Ang mga makalupang awtoridad na namamahala ay susundin lamang kung ang mga ito’y nasa pagkakahanay sa banal na kautusan. Ito ay buong katungkulan ng tao.
1 H426, 'el-aw' (Chaldee); katumbas ng H433: Eloah