Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sinasabi sa atin ni Kristo na ang Dakilang Pagtitiis ay magsisimula sa pagtatatag ng kasuklam-suklam na kalapastangan sa banal na lugar. At sinasabi rin ito ni Daniel, at sila’y magsasalita nito habang nagaganap ang kaparehong panahon . . . sa paghahari ng Antikristo.
Sa panahon ng Dakilang Pagtitiis na ito, ang mga bagay ay magiging mas masama kaya maraming tao ay maiisip na panahon para kay Kristo na dumating, lalo na ang mga tao ng Simbahan na nagturo na Siya ay darating bago ang Dakilang Pagtitiis. Sila’y maghihintay at inaasahan na makikita Siyang darating anumang araw!
NGUNIT NAGBABALA SI KRISTO NA HUWAG SIYANG ASAHAN NA MAS MALAPIT NA KAYSA SA NAHULAAN, subalit maraming tao ang susubukang manlinlang sa bayan, mga huwad na Kristo at mga huwad na propeta na manlilinlang sa iyo sa pag-iisip na sila ang mga Kristo o ang Kristo ay dumarating saanman na malapit, Siya ay narito o nandyan lang. At sa huli’y sasabihin Niya, “Huwag kayong maniwala sa sinuman sa kanila, sapagkat kapag Ako’y dumating, malalaman mo ito!” Ang kalangitan ay magliliwanag gaya ng permanenteng kidlat mula sa dulo hanggang sa isa pang dulo, at magkakaroon ng mga tanda sa Kalangitan na hindi mo maitatanggi ang katunayan na si Kristo ay darating na!
HINDI LAMANG IYON, ANG PINAKADAKILANG TANDA NA SI KRISTO AY DARATING at DUMATING NA AY IKAW AY MAGSISIMULA NA LULUTANG, IKAW AY MAGSISIMULA NANG UMANGAT! Hindi inaasahan, ang iyong mga paa ay hindi na matatapakan ang lupa, ikaw ay lulutang nang pataas. At Siya’y titipunin kayo sa Kanyang Katawan, at tayo’y makakasama Siya sa himpapawid! Ito ay sinabi nang ilang beses sa Salita ni Yahuwah. Ito ay sinabi sa unang kabanata ng Mga Gawa, at sa ikaapat na kabanata ng Unang Tesalonica.
KAYA KAILAN SIYA DARATING? Si Scofield at ang Kapatiran at kasalukuyang karamihan sa mga Fundamentalist Evangelical Church ay sinunod ang Scofield Bible, na maling itinuturo na si Kristo ay darating bago ang Dakilang Pagtitiis at kukunin sila sa Daigdig bago ang lahat ng kaguluhan ay magsisimula, bago lumitaw ang Antikristo. Ngunit hindi ganon! Sa pagbabasa sa isang kabanata lamang nito ay makikita mo na hindi ganon ang mangyayari.
SAPAGKAT SINASABI NIYA NA ANG DAKILANG PAGTITIIS AY MAGSISIMULA “KAPAG NAKITA MO ANG KASUKLAM-SUKLAM NA KALAPASTANGAN, sinabi ni Daniel ang propeta, na nakatayo sa pinakabanal na lugar.” Kapag nakita mo na ito’y nakatayo na ay malalaman mo na ang Dakilang Pagtitiis ay nagsimula na. At wala Siyang sinabi na isang salita na palalabasin ka Niya rito agad! Sinabi Niya na nagbibigay Siya ng babala sa lahat na tumungo sa kabundukan! Tumakbo ka na, tumungo ka sa iyong kanlungan o pinagtataguang lugar, ang iyong mga nalalabing ari-arian! Lumabas ka sa mga siyudad at malayo sa mga matataong lugar kung saan magkakaroon ng napakaraming kaguluhan.
LUMABAS KA KUNG SAAN MAY MAKUKUHA KA PANG PAGKAING NAKATAGO at IBA PANG NAKATAGO! Lumayo sa mga opisyal ng batas ng Makalupang Kaharian ng Antikristo na susubukan kang patayin kapag hindi ka sumamba sa Halimaw at Kanyang Larawan, ang Antikristo at ang kanyang anito. At hindi ka makakabili o makakabenta, bumili sa mga pamilihan o magbenta ng anuman upang makakuha ng salapi para bumili.
IINGATAN NIYA ANG KANYANG SARILI, HUWAG MAG-ALALA, NGUNIT INAASAHAN KA NIYA NA GUMAWA NG ISANG BAGAY para ingatan ang iyong sarili. Hindi si Yahuwah ang maghihilamos para sa iyo. Hindi Siya ang maghuhubad at magbibihis para sa iyo. Hindi ka na bata ngayon. Inaasahan ni Yahuwah na mayroon ka rin na gagawin para sa iyong sarili.
SAPAGKAT SI KRISTO AY HINDI KA ILILIGTAS PALABAS NG DAKILANG PAGTITIIS. Subalit ipagtatanggol ka Niya, iingatan ka, dahil kailangan Niya ang isang saksi, at marami pang saksi dyan na magsasabi sa buong mundo kung anong nangyayari.
SIYA AY TIYAK NA DARATING BAGO ANG ISANG LIBONG TAON! Tayo’y tiyak na mga pre-Millennialists! Tayo ay hindi mga post-Millennialists. Hindi tayo naniniwala na ang Panahon ng Simbahan ngayon ay ang Isang Libong Taon! Hindi natin naiisip na ang panahong ito mula sa unang pagdating ni Kristo hanggang sa isa pang pagdating ay ang Isang Libong Taon. Sapagkat kung binasa mo ang paglalarawan sa maraming ibang lugar at partikular kay Isaias, tiyak mong makikita na kung ito ang Isang Libong Taon, ikaw at ako ay hindi nais ito!
DAHIL SA PANAHON NG ISANG LIBONG TAON, SI KRISTO AY MAGHAHARI at MAMUMUNO SA PAGKATAO GAMIT TAYO BILANG KANYANG MGA INSTRUMENTO! Mayroong pandaigdigang kapayapaan at pandaigdigang sagana at wala nang digmaan! Kaya kung ito nga ang Isang Libong Taon, ang mga propeta ay tiyak na mali!
ISA SA MGA PINAKAMARUMING PIRASO NG MARUMING PROPAGANDA NG DIYABLO ay ang panlilinlang sa mga Kristyano na mag-isip na sila’y sasagipin ni Kristo palabas ng mundong ito bago ang Dakilang Pagtitiis! Sila’y ganap na hindi handa para rito, magugulantang, at ito’y magpapayanig sa ilan sa kanilang pananampalataya! Maraming Kristyano na inaasahan na kukunin ng Panginoon at ang Kanyang pagdating bago ang Dakilang Pagtitiis ay makukuha ang pagkagulantang sa kanilang mga buhay, dahil hindi Niya gagawin iyon! Siya mismo ay sinabi ito! Sinabi Niya ito mismo sa Mateo 24:29, tiyak at maliwanag pa sa araw:
“AT KASUNOD AGAD NG KAPIGHATIAN SA MGA ARAW NA IYON ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig. Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang palatandaan ng Anak ng Tao, at magluluksa ang lahat ng mga lipi sa lupa. Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap sa himpapawid, taglay ang kapangyarihan at maringal na kaluwalhatian.” … “At isusugo niya ang kanyang mga anghel na may malakas na hudyat ng trumpeta. Titipunin nila ang kanyang mga pinili mula sa apat na ihip ng hangin, mula sa isang dulo ng kalangitan hanggang sa kabila.”
IYON AY KUNG KAILAN DARATING SI KRISTO: MATAPOS ANG DAKILANG PAGTITIIS! Malinaw pa sa araw na sinabi sa ika-29 na berso. Agad pagkatapos ng Dakilang Pagtitiis ng mga araw na iyon. Sinasabi na matapos ang Dakilang Pagtitiis ay lilitaw ang tanda ng Anak ng Tao sa Kalangitan. Matapos ang Dakilang Pagtitiis, ang lahat ng mga tribo ng Kalupaan ay tatangis. Matapos ang Dakilang Pagtitiis, makikita nila ang Anak ng Tao mula sa mga kaulapan ng Langit nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Matapos ang Dakilang Pagtitiis, ipapadala Niya ang Kanyang mga anghel na may dakilang tunog ng trumpeta at sila’y magtitipon-tipon kasama ang Kanyang mga hinirang. Iyon ay kung kailan darating si Kristo para sa Kanyang mga hinirang, upang kunin ang Kanyang mga Santo, upang tipunin sila nang sama-sama!
IYON AY KUNG KAILAN SI KRISTO DARATING PARA SA IYO at PARA SA AKIN, MATAPOS ANG DAKILANG PAGTITIIS! Sa katunayan, sa mismong katapusan ng Dakilang Pagtitiis, magpasalamat kay Yahuwah! Hindi bago nito. Hindi ang araw bago nito! Nakuha Niya ang mga araw na ibinilang sa Kasulatan sa ilang lugar na napag-aralan na natin. Ang eksaktong bilang mula sa pagtatatag ng anito ni Antikristo sa banal na lugar ay 1260 araw, iyon ang sinasabi ng Salita ni Yahuwah!
KAILAN SI KRISTO DARATING?—MATAPOS ANG DAKILANG PAGTITIIS! Kailan ang Kanyang tanda ay lilitaw sa Kalangitan?—Matapos ang Dakilang Pagtitiis! At kailan ang lahat ng mga tribo sa Daigdig ay makikita Siya at tatangis? Alam mo, sinasabi nila na magkakaroon ng isang lihim na Rapture, walang sinuman ang makakakita sa Kanya maliban sa mga naligtas, walang sinuman ang nakakaalam na Siya’y darating. Pagkatapos, ang ilan sa atin ay bigla na lamang mawawala at hindi nila nalalaman kung anong mangyayari sa atin! Iyon ang itinuturo ng mga nagtataguyod ng Lihim na Rapture!
ANG SIMBAHAN AY HINDI NAISIP ANG GANOONG BAGAY HANGGANG MGA 200 TAON ANG NAKALIPAS NOONG ANG HUWAD NA DOKTRINANG ITO AY UNANG LUMITAW SA INGLATERA. Ang Simbahan ay hindi naisip ang ganoong bagay. Ngunit sa isang iglap ito’y tunog na mabuti, “Hindi na kami dadanas pa ng matinding kahirapan!” “Huwag mag-alala, darating si Kristo at kukunin ka bago ang Dakilang Pagtitiis.” Bueno, dahil dyan ay natural na naging isang tanyag na doktrina, naghihintay na marinig ng lahat! Anong hinihintay ng Simbahan na marinig para guminhawa, naiisip nila, na subukin, linisin at gawing maputi sa panahon ng Dakilang Pagtitiis.
SILA’Y MALAPIT NANG PUMASOK tungo sa MARUMING KAHARIAN GAYA NILA!—Sila’y nakasusulasok na dumi, nagkakasalang mga Kristyano! Palasuway, rebelde, makasarili, walang malasakit, hindi tinatalikod ang lahat para sa Panginoon upang paglingkuran Siya, hindi nagiging saksi, hindi nagpapanalo ng mga kaluluwa, hindi nagpapasa ng mga polyeto, sila’y ayaw na gawin ang mga bagay na mabuti. Sila’y nabubuhay lamang para sa sarili nila!
BUENO, ITO’Y TOTOO, ANG MGA GANOONG TAO AY HINDI PA TALAGA HANDA NA TUMUNGO at tiyak na hindi maninindigan nang mabuti sa panahon ng Dakilang Pagtitiis, kaya nais nila si Kristo na dumating at sagipin sila palabas nito bago pa mangyari. Ito’y naging isang lubos na tanyag na doktrina, ang Rapture bago ang Dakilang Pagtitiis, at ito’y kumalat gaya ng sunog sa buong mundo.
NAGSIMULA SILANG PASUKIN ANG LAHAT NG INSTITUSYON NG BIBLIYA at MGA KOLEHIYO NG BIBLIYA SA ESTADOS UNIDOS, ITINUTURO ANG DOKTRINANG ITO. Nagawa ni Scofield ang madalubhasang gawa ng panlilinlang at inilabas ang kanyang Scofield Bible, at nayari nga! Iniligaw nito ang halos lahat ng Kristyano sa Estados Unidos sa pag-iisip na darating si Kristo bago pa ang Dakilang Pagtitiis at kukunin silang lahat.
SAPAGKAT NAKITA MO KUNG ANO ANG NABASA NATIN DITO, SINABI NI KRISTO NA MATAPOS ANG DAKILANG PAGTITIIS SAKA SIYA DARATING! Matapos ang Dakilang Pagtitiis, makikita mo Siya sa Kalangitan! Matapos ang Dakilang Pagtitiis, Siya’y titipunin ang Kanyang mga hinirang. Matapos ang Dakilang Pagtitiis! Hindi isang minuto bago nito, hindi isang minuto bago ang katapusan nito.
Ito ay pinakaiksi mula sa isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni David Brandt Berg (https://deeptruths.com/letters/matthew24.html).
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC