Print

Anak Ng Diyos: Patunay Ng Pagkadiyos Ni Yahushua?

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ipinapakita ng Kasulatan na si Yahushua na isang tao ng maraming titulo. Halimbawa, isa sa pinakamadalas na titulo na may kaugnayan kay Yahushua ay ang Anak ng Diyos. Ngunit ano ang ibig sabihin ng pagtatalaga na ito? Maaari ba itong gamitin na kasing kahulugan sa titulong Diyos Anak na gaya ng kadalasan sa kaso ng mga Simbahan ngayon? Mismo, sa ilalim ng pagtuturo ng mga Trinitaryan na pastor, guro, at lider, tayo’y nasanay sa pagtrato sa dalawang titulo na ito nang magkapantay. Ang tradisyon na ito ay lubos na malaganap kaya tuwing tayo’y nagbabasa ng mga salitang Anak ng Diyos sa ating mga Bibliya, hindi nating namamalayan na pinapalitan ito ng Diyos Anak. Pagkatapos ay naiisip natin na ang kaugnayang ito ay “patunay” ng pagkadiyos ni Yahushua.

Ang Anak Ng Diyos

Bagama’t ang pagsasanib ng mga terminong Anak ng Diyos at Diyos Anak ay ginamit upang patunayan ang pagkadiyos ni Yahushua, mahalaga na maunawaan na ito ay hindi palagi ang pinagkaugalian na pananaw.

Ang Hastings’ Dictionary of the New Testament ay nagsasalita tungkol rito sa pagbubuo ng Anak ng Diyos-Diyos Anak noong sinasabi nito,

“…ang titulong ‘Anak ng Diyos’ ay ngayo’y angkop sa Ikalawang Katauhan ng Trinidad; at ang karaniwang mambabasa ng Bibliya ay ipinapalagay ito ang ibig sabihin saanman niya natatagpuan ang parirala. Siya lamang, gayunman, ay nagbabasa nang may kakaunting pansin upang mahiwatigan na ito ay isang pagpapalagay na marapat na hindi ginawa nang walang pagsisiyasat dahil sa Banal na Kasulatan ay maraming ‘mga anak ng Diyos.’”1

Bagama’t ang pagsasanib ng mga terminong Anak ng Diyos at Diyos Anak ay ginamit upang patunayan ang pagkadiyos ni Yahushua, mahalaga na maunawaan na ito ay hindi palagi ang pinagkaugalian na pananaw.

Ang Kasulatan Ay Nagsasalita Ng Maraming Anak Ng Diyos

Sapagkat naitala sa ibabaw, nagsasalita ang Kasulatan ng maraming anak ng Diyos. Mga anghel, na mga nilikha na nagdadala ng kalooban ni Yahuwah, ay sinabi na “mga anak ng Diyos.” Ang unang paggamit ay matatagpuan sa aklat ng Genesis. Habang mayroong ilang talakayan tungkol sa kung sino ang mga anak ng Diyos na ito, napagkasunduan na sila’y mga anghelikong nilikha ni Yahuwah.

Genesis 6:1-2 1 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, 2 Na nakita ng mga anak ng Diyos, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng kani-kaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.

Nakikita rin natin ang “mga anak ng Diyos” na ginamit sa aklat ni Job para sa mga anghel na itinanghal ang kanilang sarili sa harap ni Yahuwah. Dagdag pa, maging ang mga pagano ay tinukoy ang mga anghelikong nilalang bilang mga anak ng Diyos, nakita sa tugon ni Haring Nabucodonosor na nakakita ng isang “kawangis ng isang anak ng mga diyos” sa naglalagablab na hurno kasama sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego. Ang hari dahil dito’y pinuri ang Diyos ng mga matatapat na binatang ito dahil Siya ay “nagsugo ng Kaniyang anghel, at nagligtas” ng Kanyang mga lingkod.

Nagsisimula pa lamang tayo sa pagsisiyasat ng Kasulatan, subalit napakalinaw na mula sa iilang halimbawa na mga ito na ang titulong anak (o mga anak) ng Diyos ay hindi nakalaan para sa pagkadiyos.

Ang Mga Hari Ay Tinatawag Na Mga Anak Ng Diyos

Bilang karagdagan sa mga anghel, ang mga tao ay tinukoy rin sa Kasulatan bilang mga anak ng Diyos buhat nang sila’y itinalaga ni Yahuwah na mamuno sa Kanyang ngalan. Sa Genesis 1:26, ipinagkaloob ni Yahuwah kay Adan ang kapangyarihan sa lupa. Hindi lamang siya ang unang “hari,” siya rin ay binigyan ng pagtatalaga na anak ng Diyos.

Lucas 3:38 ‘Si Cainan ay anak ni Enos, na anak ni Set, na anak ni Adan. Si Adan ay anak ng Diyos.’

Bilang karagdagan sa mga anghel, ang mga tao ay tinukoy rin sa Kasulatan bilang mga anak ng Diyos buhat nang sila’y itinalaga ni Yahuwah na mamuno sa Kanyang ngalan.

Dagdag pa, nakikita rin natin ang mga hari ng Israel ay binigyan ng pangalan na ito. Sinabi ni Yahuwah kay propeta Nathan na ipadala ang mensahe kay Haring David tungkol sa mga panghinaharap na hari na mamumuno bilang mga anak ni Yahuwah.

1 Paralipomeno 17:11-14 “11 At mangyayari, pagka ang iyong mga araw ay nalubos na ikaw ay marapat yumaon na makasama ng iyong mga magulang, na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo, na magiging sa iyong mga anak; at aking itatatag ang kaniyang kaharian. 12 Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay, at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man. 13 Ako’y magiging kaniyang ama, at siya’y magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo: 14 Kundi siya’y aking ilalagay sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailan man: at ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.

Ang propesiya ni Nathan ay mayroong dalawahang aplikasyon. Ang anak ni David, na matatagpuan natin na si Solomon, ay tatawaging anak ni Yahuwah at ipagkakaloob sa kanya ang luklukan ng kanyang ama na si David. Isang panghinaharap na hari, isa ring inapo ni David, ay magiging anak ni Yahuwah, at siya rin, ay pagkakalooban ng isang kaharian, ito naman ay isang walang hanggan.

Noong si Solomon ay naging hari, tinawag siya na pinahiran ni Yahuwah, na sa Hebreo ay Mashiach, at sa Tagalog ay isinalin bilang mesias. Dahil dito, si Solomon ay tinawag na parehong anak ni Yahuwah at pinahirang hari o mesias. Ayon sa mga iskolar, ito ay isang halatang kabalalay kay Yahushua, ang panghinaharap na hari at Anak ni Yahuwah.

Kaya, si Solomon, ang uliraning hari sa ginintuang panahon ng Israel, ay sa parehong Paralipomeno ay tinawag na ‘Mesias’ ay binigyan ng pangako na siya ay magiging anak ni Yahuwah. Buhat nang si Yahuwah ay itinatatag ang kanyang kaharian magpakailanman, ang pangako ay makatuwirang iaangkop sa anumang matapat na maharlikang inapo. Parang isang maiksing hakbang mula sa pag-uugnay na ito ng pagiging anak at mesias kay Solomon tungo sa pagtatalaga ng panghinaharap na Mesias bilang Anak ni Yahuwah.2

Ang temang ito ay maaaring matagpuan rin sa mga ebanghelyo. Ang anghel na si Gabriel ay sinabi kay Maria na siya ay may papel na gagampanan sa katuparan ng propesiya na ginawa kay Haring David, mga ilang siglo ang nakalipas:

Lucas 1:31-35 “31 Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Yahushua. 32 Siya ay magiging dakila at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang ninuno. 33 Siya ay maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas. 34 Sinabi ni Maria sa anghel: ‘Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki?’ 35 Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: ‘Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos.’”

Ayon sa Kasulatang ito, tatawagin si Yahushua bilang Anak ng Diyos, hindi dahil siya ang Diyos Anak, kundi dahil sa kanyang mahimalang kabatiran sa sinapupunan ng isang birhen, at dahil siya ang katuparan ng propesiya na ginawa kay Haring David. Tulad kay Solomon na anak ni Yahuwah at mesias (hari), gayundin si Yahushua ay tatawaging Anak bilang panghinaharap na Mesias.2

Bilang karagdagan sa makapangyarihang patotoo ng Lucas 1:31-35, ang ibang sipi ay ipinapakita ang kahulugan ng “Anak ng Diyos.” Halimbawa, nakikipag-usap nang malinaw si Natanael sa kung ano ang ibig sabihin ng “Anak ng Diyos” sa unang siglong Hudyo:

Ayon sa Lucas 1:31-35, tatawagin si Yahushua bilang Anak ng Diyos, hindi dahil siya ang Diyos Anak, kundi dahil sa kanyang mahimalang kabatiran sa sinapupunan ng isang birhen, at dahil siya ang katuparan ng propesiya na ginawa kay Haring David.

Juan 1:47-51 47 Nakita ni Yahushua si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang patungkol kay Natanael: Narito, ang isang totoong taga-Israel, sa kaniya ay walang pandaraya. 48 Sinabi sa kaniya ni Natanael: Papaano mo ako nakilala? Sumagot si Yahushua at sinabi sa kaniya: Bago ka pa tawagin ni Felipe ay nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos. 49 Sumagot si Natanael at sinabi sa kaniya: “Guro, ikaw ang Anak ng Diyos. Ikaw ang Hari ng Israel.

Nagbibigay sa atin si Natanael ng isang halimbawa ng ano ang tinatawag ng Encyclopaedia Britannica na isang “kasingkahulugan na parelelismo,” na isang literaryong kasangkapan na “isinasangkot ang pag-uulit sa ikalawang bahagi ng ano nang ipinahayag sa una habang nag-iiba lamang ng mga salita.”3 Ating gamitin ito sa pagkakaunawa ni Natanael kung sino si Yahushua:

Ikaw ang Anak ng Diyos [unang bahagi]. Ikaw ang Hari ng Israel [unang bahagi na inulit gamit ang mga naiibang salita].

Sa ibang salita, ang Anak ng Diyos ay kasingkahulugan sa Hari ng Israel. Ito’y ganap na walang koneksyon sa ipinalagay na pagkadiyos ni Yahushua sa siping ito.

Ang Kasulatan ay nagbibigay sa atin ng isa pang halimbawa. Ang pinakapunong saserdote na namamahala sa paglilitis kay Yahushua ay nagtanong kay Yahushua kung sino siya. Sa pagpapalitan na ito, mababasa natin na ang pinakapunong saserdote ay mayroong kaparehong pagkakaunawa ng “Anak ng Diyos” katulad kay Natanael:

Mateo 26:62-66 62 Tumayo ang pinakapunong-saserdote at sinabi sa kaniya:Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinaparatang ng mga saksing ito laban sa iyo? 63 Ngunit si Yahushua ay nanahimik. Sinabi ng pinakapunong-saserdote sa kaniya: “Inuutusan kita sa pamamagitan ng buhay na Diyos. Sabihin mo sa amin kung ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos?”

Ang Kristo o Christos sa Griyego ay nangangahulugang pinahiran. Ito ang Griyegong katumbas sa Hebreo na mashiach o mesias. Dahil dito, ang Kristo, Mesias at hari ng Israel ay magkakahulugan na termino na maaari, ayon sa Kasulatan, na gamitin nang salitan sa titulong Anak ng Diyos kapag ginamit kay Yahushua.

Muli, ang mabuting balita ni Lucas ay nagbibigay sa atin ng isa pang halimbawa ng ano ang ibig sabihin ng “Anak ng Diyos.”

Lucas 4:40-41 40 Nang papalubog na ang araw, dinala nila kay Jesus ang mga taong may iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. 41 Lumabas din ang mga demonyo sa marami sa kanila. Ang mga demonyo ay sumisigaw at nagsasabi: “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos!” Sila ay sinaway niya at hindi pinagsalita dahil alam nila na siya ang Kristo.

Sa halip na pagsigaw na si Yahushua ay ang Diyos Anak o Yahuwah sa pananamit na laman, ang mga demonyo ay ipinahayag na siya ang Anak ng Diyos, isang kasingkahulugan para sa Kristo.

Sumasang-ayon tayo na ang mga demonyo ay nalalaman kung sino si Yahushua. Ngunit sa halip na sumisigaw na si Yahushua ay ang Diyos Anak o Yahuwah sa pananamit na laman, ang mga demonyo ay ipinahayag na siya ang Anak ng Diyos, isang kasingkahulugan para sa Kristo. Sa katunayan, noong si Yahushua ay nakatagpo ng mga demonyo sa isang walang kaugnayang kaganapan sa ilang naunang berso, naabot nito ang kaparehong konklusyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan:

Lucas 4:34-35 [nagsasalita ang demonyo] “Aba! Ano ang kaugnayan natin sa isa’t isa, Yahushua na taga-Nazaret? Pumunta ka ba upang kami ay wasakin? Kilala kita kung sino ka. Ikaw ang Banal ng Diyos!

Ang demonyo ay hindi sinabi, “Kilala kita na Ikaw ang Banal na Diyos,” kundi “Kilala kita kung sino ka. Ikaw ang Banal ng Diyos.” Malinaw, sa parehong pagkakataon, ang mga demonyo ay nalalaman na si Yahushua ay ang Mesias na isinugo ni Yahuwah at hindi ang kanyang ipinalagay na pagkadiyos.

Nakikita natin ang isa pang makapangyarihang halimbawa sa mabuting balita ni Mateo:

Mateo 16:13-20 13 Nang makarating si Yahushua sa mga lupain ng Cesarea Filipo, tinanong niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya: “Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ba ako na Anak ng Tao?” 14 Sinabi nila: “Ang sabi ng iba: Si Juan na tagapagbautismo. Ang sabi ng ilan: Si Elias. At ang iba ay nagsabing ikaw si Jeremias, o isa sa mga propeta.” 15 Sinabi niya sa kanila: “Ngunit ayon sa inyo sino ako?” 16 Sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buhay.” 17 Sinabi ni Yahushua sa kaniya: “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas sapagkat hindi ito ipinahayag sa iyo ng laman at dugo kundi ng aking Ama na nasa langit...20 Pagkatapos, ipinagbilin niya [Yahushua] sa kaniyang mga alagad na huwag nilang sabihin kaninuman na siya ay si Yahushua, ang Mesias.

Sa direktang tugon sa katanungan tungkol sa pagkakakilanlan ni Yahushua, muli, ang Anak ng Diyos ay natagpuan na kasingkahulugan sa Kristo (iyon ay ang Mesias) na ganap na walang banggit ng kabanalan o pagkadiyos; isang rebelasyon na direktang nagmula kay Yahuwah.

Wala kay Natanael, sa pinakapunong saserdote, sa mga demonyo o kay Pedro–na nasa ilalim ng banal na pagkapukaw–ay ipinaliwanag ang Anak ng Diyos na mangahulugan sa anuman maliban sa Kristo, iyon ay ang Mesias, ang ipinangakong hari. At ayon sa Biblikal na iskolar at tanyag na may-akda, si N.T. Wright, ito ang tumpak na anong pinaniwalaan ng maagang Iglesya:

Ang “Mesias” o “Kristo,” ay hindi nangangahulugan na ‘ang/isang banal.’ Ang paggamit ng mga salita bilang takigrapya para sa banal na pangalan o katauhan ni Yahushua ay lubos na nakaliligaw. Medyo madali na mangatuwiran na si Yahushua (katulad ng maraming unang siglong Hudyo) ay naniwala na siya ang Mesias. Mas mahirap, at isang lubhang kakaibang bagay, na magtaltalan na naiisip niya na siya sa ilang diwa ay tinukoy sa Diyos ng Israel. Sa kontekstong ito, ang pariralang ‘Anak ng Diyos’ ay sistematikong nakaliligaw dahil sa Hudaismo bago at hindi Kristyano, ang pangunahing sanggunian nito ay alinman sa Israel o ang Mesias, at napapanatili nito ang mga kahulugan sa maagang Kristyanismo…4

Ang Biblikal na talaan ay hindi kailanman nagsasabi sa atin na ang Anak ng Diyos ay ang katumbas ng Diyos Anak. Sa katunayan, ang terminong Diyos Anak ay hindi kailanman lumilitaw sa Kasulatan. Hindi kailanman.

Ang propesor ng teolohiya at may-akda na si Douglas McCready ay sumang-ayon:

Habang ang ilan ay ginamit ang titulong Anak ng Diyos upang mangahulugan sa pagkadiyos ni Yahushua, hindi ang Hudaismo at hindi maging ang paganismo ng panahon ni Yahushua ay naunawaan ang titulo sa paraang ito, hindi rin ang maagang simbahan.5

Ang Biblikal na talaan ay hindi kailanman nagsasabi sa atin na ang Anak ng Diyos ay ang katumbas ng Diyos Anak. Sa katunayan, ang terminong Diyos Anak ay hindi kailanman lumilitaw sa Kasulatan. Hindi kailanman.

Nakalulungkot, maging ang mga sekular na pinagkukunan ay minsan na mas mabuting sumasalamin sa mga Biblikal na patotoo kaysa sa mga tradisyon ng Simbahan. Ang Wikipedia sa tala nito na pinamagatan na, “Anak ng Diyos” ay ipinapahayag na ang titulo ay “Hindi dapat malito sa Diyos Anak.”6 Dagdag pa, sinisipi nito ang posisyon ng Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary kapag sinasabi nito na “Sapagkat ito’y ginamit kay [Yahushua], ang termino ay isang sanggunian sa kanyang papel bilang Mesias, ang Hari na pinili ng Diyos.”7

Ang Mga Kristyano Ay Tinawag Na Mga Anak Ng Diyos

Ang panghuling aplikasyon na ginawa tungkol sa kahulugan ng Anak ng Diyos ay para sa mga sumusunod kay Yahushua. Maraming beses sa Bagong Tipan ang mga Kristyano ay tinukoy bilang mga anak ni Yahuwah.8

Juan 1:12 Datapuwa’t ang lahat ng tumanggap sa kaniya [Yahushua] ay binigyan niya ng kapamahalaan maging mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan.

Galacia 3:26 Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Yahushua kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos.

Katulad nina Adan at Solomon na mga anak ni Yahuwah na namuno bilang mga hari, gayundin tayo, bilang mga anak ni Yahuwah sa pamamagitan ng pananampalataya kay Yahushua, ay namumuno kasama ni Kristo.

Katulad nina Adan at Solomon na mga anak ni Yahuwah na namuno bilang mga hari, gayundin tayo, bilang mga anak ni Yahuwah sa pamamagitan ng pananampalataya kay Yahushua, ay namumuno kasama ni Kristo.

Daniel 7:27 ‘Ang kaharian at ang karangalan ng mga kaharian sa buong daigdig ay ibibigay sa mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Sila ay maghahari magpakailanman. Maglilingkod at susunod sa kanila ang lahat ng kaharian.’

Pahayag 3:21-22 21 Ang magtatagumpay ay pauupuin ko sa tabi ng aking trono, tulad ko na nagtagumpay at naupo sa tabi ng trono ng aking Ama. 22 “Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesya.”

Pahayag 20:6 Mapalad at banal ang mga kabilang sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan. Magiging mga pari sila ng Diyos at ni Kristo, at maghaharing kasama niya sa loob ng 1,000 taon.

Nilikha Ba Na Magkakapantay Ang Lahat Ng Mga Anak Ng Diyos?

Bagama’t napakaraming mga anak ng Diyos, si Yahushua ay ang iginagalang nang higit sa kanila sapagkat siya ang “bugtong na anak ng Diyos.”9 Siya ay inilarawan nang lubos dahil siya lamang ang mahimalang nabatid sa sinapupunan ng isang birhen sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. At siya lamang ang tao na itinalaga ni Yahuwah na ipinangakong Mesias na, itinaas ni Yahuwah sa Kanyang kanang kamay dahil sa pagtalima hanggang kamatayan, ay binigyan ng kapangyarihan upang mamuno bilang hari sa lahat ng lupa. Mismo, ang bawat isa ay luluhod at ipapahayag siya na Panginoon sa kaluwalhatian ng Ama. Anong kabiguan na nagawa ni Adan, ang unang anak ni Yahuwah at pinuno ng lupa, si Yahushua, ang Huling Adan at pinakadakilang Anak ni Yahuwah, ay napagtagumpayan. . . .

Wala sa Kasulatan o sa unang siglong Iglesya ay itinuring ang titulong Anak ng Diyos bilang patunay ng ipinalagay na pagkadiyos ni Yahushua. Ito ay hindi kailanman nakita bilang isang kahulugan sa hindi Biblikal na parirala, Diyos Anak. Tunay nga, ito ay isang anakronismo mula sa ikaapat na siglo A.D. na kasamaang-palad ay mabigat na nag-impluwensya sa ating pagkakaunawa ng kung sino si Yahushua. Kaya dahil dito, kailangan na pahintulutan natin ang Biblikal na talaan sa nararapat nitong kinalalagyan bilang tagahatol ng katotohanan. Ngayon ang panahon na muling ibalik ang Biblikal na kahulugan ng titulong Anak ng Diyos, kaya maaari nitong tumpakang sumalamin sa patotoo ng Kasulatan, at mas malinaw na pumunto kay Yahushua, ang Kristo at ang hari sa panahong darating.


1 “Son of God,” Hastings’ Dictionary of the New Testament, nakuha noong 4-15-19, StudyLight.org, https://www.studylight.org/dictionaries/hdn/s/son-of-God.html

2 Ermine Huntress, “‘Son of God’ in Jewish Writings Prior to the Christian Era.” Journal of Biblical Literature, vol. 54, no. 2, 1935, pp. 120-121., www.jstor.org/stable/3259680.

3 “Ketuvim,” Encyclopaedia Britannica, accessed 04-17-19, https://www.britannica.com/topic/biblical-literature/The-Ketuvim#ref1096330

4 N.T. Wright, “Jesus’ Self-Understanding” NTWrightPage – nakuhang blog post noong 4-15-19 http://ntwrightpage.com/2016/04/05/Jesus-self-understanding/

5 Douglas McCready, He Came Down From Heaven, (Downers Grove, IL: InterVarsity Press, 2005), p. 56

6 “Son of God,” Wikipedia, nakuha noong 4-16-19, https://en.wikipedia.org/wiki/Son_of_God

7 Merriam-Webster’s, Collegiate Dictionary, 10th ed. (Springfield, MA: Merriam-Webster, 2001), accessed 04-16-19, https://en.wikipedia.org/wiki/Son_of_God

8 Tingnan rin: Mateo 5:9, 13:38; Lucas 20:34-36; Roma 8:14-15, 19

9 Juan 1:14; 18, 3:16, 18; at 1 Juan 4:9


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan:

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC