Print

Ang Kaharian ni Yahuwah Ay Gaya ng Isang Semaporo: Isang Personal na Kwento

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

ang kaharian ni Yahuwah ay gaya ng isang semaporo

Ang Luntiang Ilaw — Ito ay ang Anak ni Yahuwah: tinatawag na Panginoong Kristo Yahushua o Yahushua Mesias

Ang Pulang Ilaw — Ito ay si Yahuwah: ang Ama, ang Makapangyarihan at ang Kataas-taasang Yahuwah.

Ang Dilaw na Ilaw — Ito ay si Satanas: ang tinatawag na Diyablo.

Ang Pulang Ilaw

pulang ilaw

Ito si Yahuwah. Ang makapangyarihang pinuno ng sanlibutan. Ang Isa na lumikha ng langit at lupa noong sinalita Niya ang mga ito tungo sa isang itinalagang tirahan para sa ating unang magulang. Ang Isa lamang (Isaias 44:24) na lumikha ng langit at lupa at sa huli’y tayo batay sa Kanyang imahe. (Ang bersong ito ay dapat ilagay sa kapangahingahan ang maraming ispekulasyon tungkol sa kung sino ang Manlilikha ng orihinal na paglikha.)

Siya ang ating Ama na namumuno sa kalangitan. At gaya ng sinasabi ng Banal na Kasulatan: “Sa gayo’y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian.” Ang pangalan ng Isang Tunay na Diyos ay ipinakita kay Moises bilang Yahuwah, at sa Bagong Tipan, Siya ay madalas tinatawag bilang “Ama.” Iyon ay dahil sa pagdating sa panahon ng Bagong Tipan ang natatanging Anak ni Yahuwah, si Yahushua, ay nilikha sa isang byolohikong himala kay Maria (Ang Lucas 1:35 ay ang mahalagang tinukoy na berso).

Ang isang tunay na Yahuwah ay sinasabi sa sangkatauhan ngayon kung ano ang Kanyang pagsusumamo sa buong kasaysayan ng sangkatauhan:

Ang iyong mga kasalanan ay umabot na sa kalangitan; sila’y halos nasa tarangkahan ko na. Hindi ko na naiisip kung makakaya ko pa ang marami…Pakiusap! Nagmamakaawa ako, mga anak ko, huwag ninyong kakalimutan ang panahon ni Noe at ang arko. Naisip nila na maaari rin silang magkasala magpakailanman. Dumating na sa punto kung saan hindi na ako naniniwala sa iyo. Napakahirap para sa akin na maunawaan kapag sinabi mo na ikaw ay nagsisisi. Bakit?

Dahil ikaw ay kusang-loob na nagpapatuloy sa kasalanan, at ikaw ay walang ginagawang tunay na pagsisikap batay sa pagtuturo at kamatayan ng aking Anak, na tumigil. Wala kang pagnanais na sumalungat sa Diyablo. Pakiusap, mga anak ko, huwag ninyong kakalimutan ang panahon ni Noe. Hindi ako masaya sa pagpapabaha ng buong mundo at lipulin silang lahat. Walong tao lamang ang naligtas.

At muli, pagmasdan! Ipinapaalala ko rin sa inyo ang panahon ng dalawang siyudad ng Sodoma at Gomorra. Sapagkat nasusulat, “Magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan. Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka’t gugunawin ni Yahuwah ang bayan. Nang magkagayo'y nagpaulan si Yahuwah sa Sodoma at Gomorra ng asupre at apoy mula sa langit.”1

Tingnan ninyo! Lahat ng tao maliban kay Lot at sa kanyang dalawang babaeng anak ay tuluyang nalipol. Maniwala kayo, mga anak ko, wala akong kasiyahan sa pagwasak ko sa kanila — ngunit sila’y tumangging magsisi at sundin ang aking tinig (Genesis 19:15-26).

Pagmasdan! Ito ang akong huling babala sa inyo.

Tumigil! O ako’y wala nang pasya kundi lipulin kayo sa hindi paggawa ng aking kalooban. Susunugin ko kayo ng apoy at asupre at lalamunin kayo at ang buong lupain na masama, gaya sa Sodoma. Sapagkat nasusulat, “Ngunit ang mga natatakot at ang mga hindi sumasampalataya, ang mga kinamumuhian ng Diyos, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga manggagaway, mga sumasamba sa diyos-diyosan at lahat ng mga sinungaling, ang bahagi nila ay sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre. Ito ang ikalawang kamatayan” (Pahayag 21:8).

Ngunit huwag malungkot, mga anak ko. Hindi pa huli ang lahat — mayroong pag-asa. Ito’y maaaring matagpuan sa buhay at Ebanghelyo na itinuturo ng mismong Anak ko, si Yahushua. Kung bumalik ka at tunay na nagsisi at sa anong sinasabi ng aking Anak at anong ginawa niya para sa iyo (at kikilalanin kita kapag ginawa mo ito), ipapadala ko sa iyo ang aking libreng kaloob. Ito ang aking banal na espiritu, ang kapangyarihan na kailangan mo para talunin si Satanas, ang Diyablo. Matatanggap mo ang aking makapangyarihang kaloob na ito sa pamamagitan ng aking Anak, si Yahushua! Ibibigay niya ito sa mga malayang pinili na sundin siya. Siya ang Isa na itinalaga ko para sa inyo. Siya ang tanging Dakilang Saserdote na nakatayo sa harapan ko sa ngalan ng lahat ng Israel. Siya ay kasalukuyang tao na Mesias, ang isang tagapamagitan sa pagitan ninyo at Yahuwah. Makinig kayo sa kanya. Gawin ninyo kung ano ang sinasabi niya. Tanging sa pamamagitan lang niya makukuha ninyo ang mula sa akin. Siya ang Luntiang Ilaw, ang landas na tatahakin! Pakinggan kung ano ang sasabihin niya, makinig at sumunod sa kanya.

Ang Luntiang Ilaw

luntiang ilaw

Ako ang Mesias o ang Kristo, ang mga magulang ko’y tinawag akong Yahushua. Ako ang natatanging bugtong na anak ni Yahuwah (=hinatid sa pag-iral). Mahigit 2000 taon ang nakalipas, lumakad ako sa lupa. Sa loob ng unang 30 taon ng aking buhay (maliban na ako’y hindi nagkasala), nabuhay ako ng isang buhay gaya ng sa iyo. Sumunod ako sa mga magulang ko. Kailangan kong linisin ang aking kwarto. Tinulungan ko ang aking ama sa kanyang trabaho at ako’y natuto na maging isang karpintero gaya niya. Tumutungo ako sa sinagoga, nagbabasa’t nag-aaral ng Banal na Kasulatan — gaya mo. At sa itinalagang panahon, noong ako’y handa na para sa pampublikong paglilingkod, si Yahuwah na ating Ama sa langit ay pinahiran ako ng kanyang banal na espiritu! Ako ang pinahirang Anak ni Yahuwah mula sa sandali ng aking pinagmulan (Mateo 1:1, 20). Anong sandali para sa sanlibutan, anong dakilang kapangyarihan na ibinigay sa akin ng Ama. Ako’y ganap nang dinamitan at tinatakan ng baluti. Mayroon na akong banal na espiritu ng Ama. Ako’y handa na para sa laban. Ako’y lumaki sa kagandahang-loob at karunungan mula sa aking pagkabata. Si Yahuwah ang aking Ama sa himala at si Jose ang aking ligal na ama. Ang espiritu ay ginabayan ako sa disyerto kung saan nakilala ko ang taong tinatawag nilang Satanas o ang Diyablo. Matapos ang 40 araw ng walang pagkain o tubig, sinubukan ako ni Satanas na tuksuhin tungo sa kasalanan sa pananamantala ng aking kapangyarihang ipinagkaloob ni Yahuwah nang tatlong beses. Gayunman, hindi siya nagtagumpay. Hindi niya maaaring magapi ang banal na espiritu ni Yahuwah na nasa akin at ang aking kalooban na sumunod. Sa sumunod na tatlong taon, ako at ang aking mga apostol ay itinuro ang mga paraan ng aking Ama at iyong Ama, ng aking Yahuwah at iyong Yahuwah! Ipinahayag namin ang nagliligtas na Ebanghelyo tungkol sa Paghahari o Kaharian ni Yahuwah.

At pagkatapos, nakumbinsi ni Satanas ang mga masasamang tao na walang banal na espiritu ng aking Ama para patayin ako, ipako ako sa isang puno. Ngunit ang aking kamatayan ay hindi nawalan ng saysay; ito ay para sa iyo — kaya maaari kang magkaroon ng pagkakataon sa walang hanggang buhay, ibig sabihin ay pagiging imortal sa Kaharian ni Yahuwah sa lupa sa hinaharap.

Ito ay magaganap sa panahon na malapit nang dumating. Malayang dinanak ang aking dugo, ang akin mismong kaluluwa, kaya ang iyong mga kasalanan ay maaaring patawarin, Ako ang tunay na kordero ng Paskua na ipinagkaloob ni Yahuwah. Ako ang ipinalit para sa hindi sakdal na sina Adan at Eba, dahil ako’y sakdal.

Ngunit pagmasdan! Ako’y hindi pinabayaan sa Hades (ang libingan kung saan ang lahat ng mga patay, mabuti at masama, ay tutungo sa kamatayan), hindi rin nakitaan ng kasamaan ang aking laman. Ito’y nasusulat, “Dahil si Kristo [o ang Mesias] man ay minsang nagdusa dahil sa kasalanan. Ang matuwid para sa mga hindi matuwid upang madala niya tayo kay Yahuwah” (1 Pedro 3:18).

At muli, “Ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, ang Diyos ng mga ninuno natin ay lumuwalhati kay Yahushua na kaniyang lingkod…pinatay ninyo ang pinagmulan ng buhay, na siyang ibinangon ni Yahuwah mula sa mga patay. Kami ay nagpapatotoo patungkol sa pangyayaring ito” (Mga Gawa 3:13-15).

Sasabihin ko na sa iyo ngayon, na kapag nakiusap ka sa ating Ama, na nasa langit, para patawarin ka sa iyong mga pagkakasala, batay sa aking pangalan at aking mga gawa, at kung isinulong mo ang pagsisikap at naisin ito, gagawin Niya. Malalaman mo kung kailan ka Niya makikilala kapag natanggap mo na ang Kanyang banal na espiritu. Malalaman Niya kapag tumugon ka sa unang utos ng Kanyang Anak na magsisi at maniwala sa Ebanghelyo ng Kaharian.

Tunay na sinasabi ko sa iyo, kapag natanggap mo ang libreng kaloob mula kay Yahuwah na ating Ama, na pinagtibay kong ibuhos sa iyo, malalaman mo ito! Pagkatapos ay sasabihin mo: “O anong kapangyarihan ang mayroon si Yahuwah! Tinanggal Niya ang lahat ng aking pagkakasala at luha. Sa isang iglap, si Yahuwah sa pamamagitan ni Yahushua ay dinurog ang espiritu ni Satanas na nasa aking puso, pinalitan ito ng Kanyang espiritu. Ako’y tinatakan na ng baluti na iyon. Nagsimula na rin akong matutunan ang Patotoo. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay, makakaya ko nang magapi ang Dragon ng unang panahon, ang orihinal na ahas, na si Satanas at ang Diyablo, at ako’y magwawagi, ngunit ako dapat ay nasa pananggol sapagkat nais muli akong kunin ni Satanas. Gaya ng nasusulat, ‘Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ni Yahuwah’ (Juan 3:5). Ako’y isinilang noong ang binhi ng mensahe ng Kaharian ay matagumpay na itinanim sa aking puso sa paniniwala rito (Lucas 8:11-12).”

Pakiusap na pakinggan ang aking babala at huwag papaloko sa binaluktot na lohiko na lumaganap sa ilang simbahan, na maaari kang magdagdag ng kasalanan sa kasalanan at palaging patatawarin, kahit maghintay sa iyong huling segundo na magsisi. Huwag sasabihin, “Mayroong akong kapangyarihan at kayamanan, sino ang maaaring mangibabaw laban sa akin? Nagkasala nga ako subalit ano ang sinapit ko?” At ang kapatawaran sa iyo ay hindi dapat sumobra sa kumpiyansa (kung ika’y patuloy sa kasalanan). Huwag sasabihin, “Dakila ang Kanyang awa, marami sa mga kasalanan ko ay papatawarin Niya.” Sapagkat ako, si Yahushua, ay nagsasabi sa iyo, naisulat na, “Maging tagatupad kayo ng salita at huwag maging taga­pakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili” (Santiago 1:22). At muli: “Ngunit kung sa atin ito nagsimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga taong sumusuway sa Ebanghelyo ni Yahuwah? At kung ang kaligtasan ay mahirap para sa matuwid, ano kaya ang magiging kalagayan ng hindi kumikilala sa Diyos at ng makasalanan?” (1 Pedro 4:17-19).

Tingnan ninyo! Tunay na sinasabi ko sa inyo: Hindi mo maaaring pagsamahin ang kadiliman sa liwanag. Hindi ka maaaring manatili sa espiritu ni Yahuwah at espiritu ni Satanas sa kaparehong panahon, dahil sinasabi ko sa iyo na imposible at tanging binaluktot na lohiko ang maaaring maniwala nito. Ang espiritu ni Satanas ay kasalanan at kamalian at ang kasalanan ay walang hanggang kadiliman, at kung ikaw ay nananatili sa iyong pagkakasala nang kusang-loob, hindi mo maaaring makita ang liwanag na kumikinang na kaluwalhatian na mula kay Yahuwah na ating Ama, ang isang PANGINOONG Yahuwah.

Sapagkat nasusulat, “Ito nga ang pangaral na narinig namin sa kaniya [Yahushua] at ipinahahayag namin sa inyo: Si Yahuwah ay liwanag at sa kaniya ay walang anumang kadiliman. Kung sinasabi nating tayo ay may pakikipag-isa sa kaniya ngunit lumalakad naman sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi natin ginagawa ang katotohanan. Ngunit kung lumalakad tayo sa liwanag, tulad niyang nasa liwanag, may pakikipag-isa tayo sa isa’t isa. Ang dugo ni Kristo Yahushua na kaniyang anak ang naglilinis sa lahat ng kasalanan” (1 Juan 1:5-8).

Ang Dilaw na Ilaw

dilaw na ilaw

Ako si Satanas — Ako ang Diyablo, kung hindi mo pa ako nakikilala. Ako ang isa na nagpapabagal sa iyo sa landas upang makilala at ibigin si Yahuwah! Ako ang espiritu na lumilibot at kumukontrol sa balat ng bumagsak na daigdig na ito. Ika’y isinilang kasama ko sa iyong kapaligiran. Ako ang diyos ng masamang panahon na ito. Ako ang orihinal na makasalanan. Ako ang ama ng kasinungalingan. Ako ang kadiliman na nasa iyong puso. Gayunman, siguro’y dapat na tayong maghiwalay ng landas. Dahil hanggang sa gusto mo na ako’y napopoot sabihin ito, kailangan mong maging isang mas dakilang mangmang upang patuloy na ibigin ako at hindi susundin ang abiso ng Landas at ang Katotohanan at ang Walang Hanggang Buhay na matatagpuan sa tanging Anak ni Yahuwah, si Yahushua, ang Pinili. Ano ang kanyang payo? Magsisi, bumalik-loob at magkaroon ng pananalig sa Ebanghelyo ng paparating na Kaharian ni Yahuwah, ang kaharian na bababa mula sa langit, bababa sa lupa kasama ang nagbabalik na si Yahushua.

Sa puntong ito, maaari lamang akong umasa na hindi ka magsisi o makiusap kay Yahuwah para sa kanyang banal na espiritu. Kapag ginawa’t tinanggap mo, patay na ako sa katubigan. Hindi mo na ako sasambahin pa, sa pamamagitan ng mga panlilinlang, binaluktot na kasulatan, pandaraya, pakikiapid, pagkalango, pangangalunya, kasakiman, pagnanakaw, at lahat ng ibang makalaman na pagnanais na ibig kong painumin sa iyong puso. Sasambahin mo na si Yahuwah at pupurihin ang Kanyang Anak bilang Mesias. Hindi ako makakatagal kapag ang mga tao ay iniibig si Yahuwah at may pananalig at sinusunod ang mga kautusan ng Kanyang Anak, si Yahushua. Sa lahat ng panahon, naiisip nila ang Ama. Sila’y nakabatay sa kanyang Anak na si Yahushua para sa pagkapukaw sa buhay.

Nalalaman ko na mayroon na lamang akong limitadong panahon para sa puminsala sa mga tao. Iniibig kita kapag sinusuway mo si Yahuwah, ang Ama, at si Yahushua, ang Anak, ang Panginoon at ang Mesias. Nais kong mawala ka sa walang hanggan. Ngunit kapag nakiusap ka kay Yahuwah ang Ama para sa kanyang banal na espiritu, kapag tinanggap mo ang dugo ng kanyang Anak na si Yahushua bilang paraan ng iyong kaligtasan, at kapag naunawaan at sinunod mo ang kanyang Ebanghelyo ng Kaharian, tiyak na ang pagkawasak ko. Kung hindi na kita matisod sa huli, ika’y nasa iyong landas na tungo sa Kaharian ni Yahuwah, tungo sa Bagong Jerusalem, ang isa na itatatag ni Yahushua dito sa mismong lupa na tinatayuan mo ngayon. Nasusulat, “Humingi kayo at ito ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at makakasumpong kayo. Kumatok kayo at ito ay bubuksan sa inyo” (Yahushua sa Mateo 7:7).

At muli, “Kayo na masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak. Kung ginagawa ninyo ito, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na kaniyang ibibigay ang Banal na Espiritu sa kanila na humihingi sa kaniya?” (Yahushua sa Lucas 11:13).

At muli, “Ipasakop nga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahuwah. Labanan ninyo ang diyablo at siya ay lalayo sa inyo. Magsilapit kayo kay Yahuwah at Siya ay lalapit sa inyo. Kayong mga makasalanan, linisin ninyo ang inyong mga kamay. Kayong mga taong nagdadalawang-isip, dalisayin ninyo ang inyong mga puso. Magdalamhati kayo, maghinagpis kayo at tumangis kayo. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pagdada­lamhati. Palitan ninyo ang inyong katuwaan ng kalungkutan. Magpakumbaba kayo sa harapan ng PANGINOON at kayo ay itataas Niya” (Santiago 4:7-10).

At panghuli, “Magsisi, kayong mga tao, ang Kaharian ni Yahuwah ay malapit nang dumating. Ganito iniibig ni Yahuwah ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang lahat ng may pananalig sa kanya ay hindi mawawasak kundi magkakaroon ng walang hanggang buhay. Matiisin si Yahuwah sa iyo dahil hindi Niya nais ang sinuman na mapahamak kundi ninanais ang lahat na gawin ang pagsisisi. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Buhay ay matatagpuan sa iyong pananalig kay Yahushua Mesias at tatanggapin nang may pagkasabik at pag-asa ang pagbabalik ni Yahushua sa lupa upang lipulin ang lahat ng masama at itatag ang pamumuno ni Yahuwah sa buong sanlibutan, sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan sapagkat ang maluwang na tarangkahan at malapad na daan ay patungo sa kapahamakan. Marami ang patungo roon. Subalit ang makipot na tarangkahan at makitid na daan ay patungo sa buhay. Kakaunti ang mga nakakasumpong nito!”

Nawa’y ang Diyos ng Israel, ang Diyos ni Abraham, nawa’y ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua ay tawagan ka para sa Kanya. Kayong bayan! Matakot sa Kanya at bigyan ninyo Siya ng iyong pagsamba, at parangalan ang Kanyang Anak gaya ng pagpaparangal sa Ama, sapagkat ang oras ng pagdating ni Yahushua Mesias ay malapit na.

tinitingnan ang relo


1 Itala ang kahilerang salitain sa 1 Mga Hari 8:1 kung saan “pinisan ni Solomon ang mga matanda ng Israel...sa Haring Solomon.” Walang dalawang Yahuwah at wala ring dalawang Solomon.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isnulat ni Adam Stout.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC