Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Nais kong magsalita sa mga nakakaunawa ng Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah sapagkat ito’y tuluy-tuloy na naitala sa Bibliya. Ito ang tema ng Luma at Bagong Tipan at batayang sinasabi ito: Ang isang Katauhan na si Yahuwah, ang Ama, ay papanumbalikin ang Kanyang Kaharian sa pinabagong lupa, kung saan ang mga tao na tatanggapin ang Kahariang ito ay mabubuhay sa buhay at magiging bayan na pinaka-ninanais nila. Ang Kahariang iyon ay ibabalik sa katapusan ng kasalukuyang panahon na ito ng isang Yahushua ng Nazaret, na Anak ni Yahuwah sa pamamagitan ng mahimalang paglilihi ng banal na espiritu (Lucas 1:35), at dahil dito’y nahulaang taong Mesias na kasalukuyang naluluwalhatian sa kanang kamay ni Yahuwah (Awit 110:1; 1 Timoteo 2:5).
Ang kaharian ni Yahuwah ay itatatag sa katapusan ng kasalukuyang panahon na ito ng isang Yahushua ng Nazaret, na Anak ni Yahuwah sa pamamagitan ng mahimalang paglilihi ng banal na espiritu (Lucas 1:35), at dahil dito’y nahulaang taong Mesias na kasalukuyang naluluwalhatian sa kanang kamay ni Yahuwah (Awit 110:1; 1 Timoteo 2:5).
|
Sa panahon na siya’y babalik, itatatag niya ang Kahariang iyon na magiging punong tanggapan sa Jerusalem at maghahari sa loob ng isang libong taon kasama ang mga hinirang hanggang ang lahat ay naihatid sa ilalim ng kanyang mapagmahal na pamumuno. Sa panahong iyon, ililipat niya ang lahat ng bagay sa kanyang Ama na nagbigay sa kanya ng kapangyarihan at awtoridad upang isagawa ang planong ito, at isang bagong langit at bagong lupa ang itatatag pagkatapos (1 Corinto 15:28).
Kaya muli, nasa iyo na nakakaunawa ng kalikasan ng Ebanghelyo ng Kaharian na ito na nais kong sabihin ngayon. Layon kong magpaliwanag para sa marami kung bakit ang pangunahin, tradisyonal na Kristyanismo, karamihan ay hindi tinatanggap ang lubhang hindi nagbabagong biblikal na pagtuturo na ang nahulaang Mesias ay isang tao, si Yahushua, at sa halip ay itinuturo na siya ay isang umiral na “Diyos” sa isang Trinidad ng tatluhang katauhan ng Diyos. Nais kong maunawaan kung bakit ang pagtuturo na si Yahuwah na isang Katauhan lamang, ang Ama, ay sukdulan na mahalagang bahagi ng Ebanghelyo ng Kaharian. Hindi lamang binabalisa ng doktrina ng Trinidad ang buong biblikal na iskema ng mensahe ng Kaharian, ginagawa din nito si Yahushua na talagang hindi tao.
Isang katunayan na kakaunti sa lupa ang tinanggap si Yahushua bilang isang lehitimong tao na may isang pangunahing sentro ng tao at personalidad. Ang simbahan ng Bagong Tipan ay kinilala ito, ngunit nalalaman natin, sa loob ng 100 taon ng Griyegong pilosopiya at ispekulasyon ng tao ay sinimulang iligaw at palitan ang biblikal na monoteismo at ilipat si Yahushua sa ikalawang “taong-Diyos.” Bakit ito nangyari? Hindi ko ibig sabihin kung paano nangyari sa kasaysayan. Ang impormasyong iyon ay dokumentado nang mabuti. Anong ibig kong sabihin ay, ano ang sukdulan, pinagbabatayang espiritwal na dahilan ng pag-alis na ito mula sa patotoo? Kahanga-hanga, ang kasagutan ay matatagpuan sa simula ng kasalukuyang kaayusan ng mundo noong ang pundasyon nito ay unang inilatag.
Sa panahong ito, isang panlilinlang ang pinanatili ni Satanas, ang pangunahing kaaway ni Yahuwah at ng mga nilikha batay sa Kanyang larawan. Ang kalikasan ng kasinungalingang ito ay itinago sa mga tao mula pa nang magsimula ang kanilang pag-iral sa daigdig na ito, gayunman ay nagbibigay ng pundasyon sa lahat ng sibilisasyon na ito na itinayo. Ang pandarayang ito sa katunayan ay nagtakda ng entablado para sa kawalan ng paniniwala sa isang taong tagapagligtas. Naiisip ko na panahon na para mas ganap na isiwalat ang kasinungalingang iyon at ipakita kung paano ito lubos na dyametrikong sumalungat sa buong mensahe ng Kaharian na ipinakita sa atin ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga propeta, mismong si Yahushua, at mga apostol.
Ang mundo’y ganap na hindi maaaring tiisin ang isang doktrina na nagsasabing si Yahushua ay isang ganap na taong Mesias, nagmula sa kanyang ina, gaya ng itinuturo ng Bibliya. Pumupunta ito laban sa mismong saligan na nagtataguyod ng mga itinatag na sistema ng panahong ito.
|
Ang huwad na pundasyon ng kasalukuyang mundong ito ay ganito lang kasimple: ang pagiging tao ay hindi sapat. Hindi taglay ng isang tao kung ano ang kinakailangan para maging isang anak ni Yahuwah. Inuulit ko: Nilinlang ni Satanas ang mga naninirahan sa daigdig na maniwala na ang pagiging tao ay hindi sapat. Ang buong istruktura na tinatawag nating sibilisasyon mula sa bukang-liwayway ng kasaysayan ng tao ay itinayo sa maling saligan na ito. Ang mundo’y ganap na hindi maaaring tiisin ang isang doktrina na nagsasabing si Yahushua ay isang ganap na taong Mesias, nagmula sa kanyang ina, gaya ng itinuturo ng Bibliya. Pumupunta ito laban sa mismong saligan na nagtataguyod ng mga itinatag na sistema ng panahong ito. Walang lugar para sa isang taong Mesias dahil ito’y magdudulot sa atin na tumingin sa potensyal ng tao, at iyon ang pinakahuling bagay na nais ni Satanas makita sa atin. Siya ang pangunahing kaaway ni Yahuwah at ng mga nilikha sa larawan ni Yahuwah, at hinahangad ang walang iba kundi ang ganap na pagkawasak ng sangkatauhan at pabulaanan si Yahuwah sa mga nasa espiritwal na kaharian. Ang mismong sistema ng mundo na batay sa saligan na ang mga tao’y hindi sapat ay ang kaparehong sistema na sumusulong sa iba’t ibang iskemang pangrelihiyon na nilikha para panatilihin ang mga tao sa kadiliman tungkol sa kung bakit sila nilikha at ang kanilang sukdulang potensyal sa pagiging mga maluwalhating tao na magmamana ng sanlibutan at gawa ng paghuhukom maging sa anghelikong kaharian. Upang matiyak ito at si Satanas na “diyos ng sanlibutang ito” (2 Corinto 4:4), ang kaayusan ng mundong ito ay dapat tanggihan o pabayaan si Yahushua nang ganap, o gawin siyang walang hanggang umiiral na katauhan ng Diyos na may “kalikasan ng tao lamang,” ngunit hindi isang personal, 100% tao. Upang sumang-ayon sa biblikal na patotoo kung sino nga talaga si Yahushua, ay nangangahulugan na simula ng katapusan at sa huli’y ganap na pagkawasak ng sibilisasyon na nalalaman natin. Hindi talaga pahihintulutan ni Satanas o ang mga kapangyarihan sa sanlibutan na maganap ito. Ito’y pagpapatiwakal. Kaya ang kasinungalingan na ang mga tao ay hindi taglay ang kinakailangan at hindi sapat, nagpapatuloy at magpapatuloy hanggang si Yahushua ay bumalik sa ganap na kaluwalhatian na ibinigay ni Yahuwah sa kanya upang itatag ang bagong kaayusan ng mundo kung saan ang mga tao ay bibigyan ng halaga at kabutihan ni Yahuwah.
Kaya bumalik tayo sa bukang-liwayway ng kasaysayan ng tao at tumanaw kung paano ang lahat ay inilatag. Bumalik tayo sa insidente sa Hardin ng Eden kung saan matatagpuan natin ang nakatala sa mga unang kabanata ng Genesis. Ipupunto ko ang mga mahuhusay na bahagi nang maikli dahil naiisip ko na ang lahat ay pamilyar na sa kwentong ito.
Sa huling berso ng kabanata 1, nahanap natin na si Yahuwah ay nakumpleto ang paglikha kay Adan at Eba at binigkas sa kanila, kasama ang iba pang nilikha, “napakabuti.” Habang pagmamalasakit ni Yahuwah, ang dalawang nilikhang tao na ito ay tiyak na sapat at taglay ang kinakailangan para magmana ng Kaharian na inihanda Niya para sa kanila dahil ipinagkatiwala sa kanila ang daigdig at may kumpiyansang hinimok sila para supilin ito. At kahit na sina Adan at Eba ay walang problema sa kanilang hindi ganap at hindi sakdal na kabataan, dahil ipinahayag sa 2:25, “sila’y kapwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila’y hindi nagkakahiyaan.” Sila’y hindi sakdal gaya ng kanilang Ama, ngunit iyon ay hindi isang problema para sa kanila. Hindi rin ito problema sa kanilang Ama. Ang Kanyang mga anak ay bata pa, hindi ganap, at dahil dito’y nasa isang paraan ng paglaki ng pagiging katulad ng Ama, ngunit tiyak na hindi inasahan na maging ganap sa moralidad at etikal. Walang sinuman ang likas na mabuti at walang pangangailangan na matutunan ang tama sa mali, kundi si Yahuwah lamang, sapagkat sinabi ni Yahushua sa Lucas 18:19.
Sa puntong ito, ang kalagayan ng tiwala at kapaligiran, makikita natin sa Hardin ng Eden ay magbabago lahat. Sinabi ni Yahuwah sa Kanyang mga anak na maaari nilang kainin ang anumang puno na may bunga sa hardin maliban sa isang puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan. Pumasok ang manlilinlang, si Satanas. Sa 3:4-5, tuso siyang nagmungkahi kay Eba na ang pagsuway ay hindi hahantong sa kamatayan. Kung kakainin niya ang bunga sa puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan, magiging katulad siya ni Yahuwah na may ganap na kaalaman ng tama at mali, at malalaman kung paano maiiwasan ang kamatayan sa pamamagitan ng kaalamang iyon. Maaari siyang maging mas mabuti kaysa tao, at siya dapat ay hahangarin ang kursong iyon. Ang batayang mensahe rito ay si Yahuwah ay tatanggapin, pahahalagahan, at iibigin ka nang lubos kung ikaw ay naging anuman maliban sa ano ka, isang baguhang tao. Ngayon, totoo na sina Adan at Eba ay mga baguhang tao, ngunit hindi totoo na may mali rito. Lahat ng mga bata ay dapat lumaki, at dapat mangyari ito sa isang matagumpay at malusog na paraan kung ang relasyon sa Ama ay batay sa isang tiwala na sila’y kaibig-ibig sa kanyang paningin. Para sa sinumang bata, nasa opinyon ng kanilang mga magulang tungkol sa kanila ang mga mahahalagang bagay at nilalatag ang saligan para sa isang gumaganang buhay o isang hindi gumagana. At narito si Satanas ay nagpapahiwatig na ang kanilang Ama ay hindi nalulugod sa kanila na parang sila ay anumang iba sa lumalaking tao.
At ano ang resulta ng lahat ng ito? Inaasahan natin: “At nadilat kapwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila’y mga hubad” (3:7). Sa pamamagitan nito, nangangahulugan na sila’y nahihiya na kung sino sila bilang nilikha, nahihiya sa kanilang kahubaran, nahihiya sa kanilang hindi pagkaganap, nahihiya sa pagiging tao na may kakaunting kakayahan na gamitin nang tama ang kanilang bagong nakamit na impormasyon tungkol sa tama at mali. Lahat ng maaari nilang makita, habang tinatangka nilang pangatuwiranan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, ay ang kanilang kasalanan at kawalan ng kakayahan dahil dito na mabuhay sa mga batayan ni Yahuwah. Hindi nila inasahan na agad magiging sakdal gaya ni Yahuwah, ngunit may isa na nagsabi sa kanila na kailangan nilang gawin. Nang sumang-ayon sila sa kasinungalingang iyon, bumagsak sila agad tungo sa pagsumpa sa sarili. At ano ang sinabi ni Yahuwah tungkol dito? “Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad?” Sa ibang salita, sinong nagsabi sa iyo na ang pagiging hubad ay isang nakakahiyang bagay?
Bilang isang resulta ng kanilang kahihiyan, sila’y itinago mula sa iba at mula kay Yahuwah (3:7-8). At nalalaman mo na tayo’y tumatakbo’t nagkukubli magmula noon. Maraming tao ang nahihiya sa kung ano sila. At ang mga walang katiyakang magulang, pinapababa ang pamantayan ng kalipunan, at ang pagkondena sa relihiyon ay nagawa na ang kanilang parte rin, upang panatilihin tayo mula sa pagiging tao na natatanto ang kanilang kapalarang itinakda ni Yahuwah.
Subalit salamat kay Yahuwah, hindi Siya sumuko sa pagiging matatag sa Kanyang patotoo, na ang tao ay lubos na tugatog ng Kanyang nilikhang proyekto. Hinimok Niya tayo na makamit ang ating potensyal sa pamamagitan ng sentrong tema ng Bibliya, iyon ay, ang mabuting balita ng paparating na Kaharian ni Yahuwah. Bilang bahagi ng mensaheng iyon, una Niyang sinabi sa atin nang paulit-ulit na mayroon lamang isang Diyos, at Siya iyon, hindi tayo. Hindi na natin dadalhin ang pasanin na iyon. Mabuti Siya sa atin na tayo’y mga tao — hindi Siya umaasa ng anumang bagay na marami o kakaunti. Ikalawa, plano Niya na lumikha ng ikalawang Adan na bilang isang ganap na tao gaya ng unang Adan, ngunit sa panahong ito ay hindi siya babagsak mula sa mga kapitaganan ng kaaway at magtatagumpay bilang unang maluwalhati, imortal na tao. Ang Mesias na ito ay ang panganay na anak ng maraming kapatid at maghahatid ng isang bagong panahon ng paggaling at kapayapaan para sa lahat ng sangkatauhan. Sa huli, ang sangkatauhan ay makakayang mabuhay sa buhay na itinakda para sa kanila, at magiging bayan na itinakda para sa kanila. Ang potensyal ng tao ay matatanto mismo sa daigdig na ito na nilikha ni Yahuwah para ibigay ang lahat ng mga hamon at pagkakataon para maganap iyon.
Habang tayo’y nakikinig sa buong mensahe ng Kaharian mula sa parehong Luma at Bagong Tipan, naririnig natin ang mensahe sa loob ng mensahe. Tayo, ang mga taong anak ng ating Ama na si Yahuwah, ay hindi ang itim ng Kanyang mata dahil sa pagtalima sa Mosaikong kautusan. Ang pagkamatuwid ay hindi nagmumula sa mga gawa ng kautusan. Hindi natin nakukuha ang ating kahalagahan o pag-ibig sa paraang ito. Sa halip, tayo’y pinatuwid ng ating aktibong paniniwala sa mga pangako na darating sa pamamagitan ng mensahe ng Ebanghelyo na itinuro ni Yahushua, ang natatanging ahente ng ating mapagmahal na Ama. Ang Ebanghelyo ng Kahariang ito ay ang mensahe na pinaniwalaan ni Abraham, at sinasabi ng Bibliya, ang paniniwalang iyon ay sinalaysay siya na matuwid. Ang pagkamatuwid sa pananalig sa pangako ng mensahe ng Kaharian ni Yahuwah ay nagpapalugod kay Yahuwah, at nagbibigay ng saligan para sa lahat ng tamang kaisipan at pamumuhay para sa atin bilang tao. Tayo’y iniibig at katanggap-tanggap kay Yahuwah bilang mga tao, hindi dahil sa anumang bagay na maaari nating malaman at gawin, kundi dahil sinasabi Niya na tayo nga. Kung sabagay, Siya ang ating Ama. Bilang kapalit, magbibigay-daan tayo sa “pagtalima ng pananalig” na itinuro ng Anak ni Yahuwah, si Yahushua.
Ang biblikal na bersyon ng mensahe ng paparating na kaharian ay ang nag-iisa na makakapagbigay ng landas palabas ng ating hindi malusog na kaisipan at pamumuhay. Dapat nating gawin kung ano ang maaari nating gawin para ipahayag ang mensaheng ito sa buong sanlibutan. Ang mga tao ay mararanasan na ang paglunas ng kaligtasan na ibinibigay nito ngayon. Ang patotoo ni Yahuwah ay hindi maaaring sabihin nang walang saksi sa panahong ito. Sa mensahe ng kaharian ay kabilang ang mahalagang bahagi na si Yahuwah ay isang Katauhan at si Yahushua ay ang taong Mesias ay ang batayang impormasyon na dapat isulong ng lahat sa pag-unlad ng potensyal. Kung wala ito, ang mga sumasalungat na konsepto ng pagkamatuwid sa mga gawa at ang pagkamatuwid sa pananalig ay hindi mauunawaan nang tama, at tayo’y mananatiling nakagapos sa ating mga kasalanan, maging sa mga “sistemang” pangrelihiyon.
Ang sistemang pangrelihiyon ng mundo sa pangkalahatan ay hindi maaaring tanggapin ang isang taong Mesias dahil ang buong panahong ito ay batay sa huwad na saligan na ang tao ay hindi sapat sa mga mata ni Yahuwah. Ito ang dahilan kung bakit ang tradisyonal na Kristyanismo ay dapat ituro ang doktrina ng Trinidad. Kung hindi man, mangangahulugan na isang ganap na kapahamakan ng kasalukuyang istruktura ng kasamaan, at natatakot ako na ang sistemang ito ay hindi pahihintulutan ang sarili nitong pagkawasak. Ang ibang doktrina gaya ng pagiging imortal ng kaluluwa ay nagsisilbi para itukod ang kasinungalingan na ang pagiging tao ay hindi sapat. Ang batayan sa doktrina ng imortal na kaluluwa ay ang ideya na nilikha ni Yahuwah, ang sangkatauhan, materyal na katawan kasama ang hininga ng buhay nito mula kay Yahuwah, ay mismong masama at dapat na itapon sa kamatayan.
Ipagpatuloy nating gawin ang gawa ni Yahuwah, upang ipahayag ang mabuting balitang ito sa buong sanlibutan hanggang sa katapusan (Mateo 24:14). Ang mensahe sa loob ng mensahe ay simple ngunit masidhi: ang pagiging tunay na tao ay sapat para kay Yahuwah. Ang isang lehitimong tao ay nabigyan na ng buhay na walang hanggan na magiging atin rin kapag tayo’y magmamana ng Kaharian na inihanda ni Yahuwah para sa atin.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Robin Todd.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC