Print

Ang Kawalang-Halaga ng Bilang na Tatlo

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ang Kawalang-Halaga ng Bilang na Tatlo

Ang Kristyanong paniniwala ay ipinahayag na si Yahuwah ay isang Diyos na ipinamalas sa tatlong banal na katauhan. Ito’y dagdag na nagpapahayag na ang hiwagang ito ay nagbabala sa tatlong “tao” na lumitaw kay Abraham, halimbawa, at naipakita na ang Kasulatan ay paulit-ulit na nagpapahayag na mayroon lamang isang Diyos, ang paniniwala ay ipinapahayag na ang salitang “isa” o “echad” sa Hebreo ay maaaring maunawaan bilang langkapang isa, isang pagkakaisa ng ilang tao o bagay.

Ngunit paano napagpasyahan kung kailan ang isa ay nangangahulugang isa at kailan naman ito nangangahulugang higit sa isa? Paano malalaman ng isang mag-aaral ng Bibliya ang “echad” ay (parang) ginamit sa isang “maramihang pagkakaisa” na paraan at kung kailan tunay nitong ibig sabihin ang iisang bagay lang? At paano tayo makatitiyak na ang maramihang pagkakaisa na ito ay katumbas ng tatlo, hindi anim o walo? Sinasabi ng Judas 1:4b: “Sapagka’t may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Eloah, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong Kristo Yahushua.” Ibig sabihin lamang ba nito ay isa lang o higit pa sa isa sa halimbawang iyon? Kung ito’y higit pa sa isa, ang ating Panginoong Kristo Yahushua ay dapat mayroong maramihang personalidad. Hindi ko nalalaman sa sinuman sa paniniwala na magsasabi na ang Judas 1:4 ay ipinapakita ang isang tatluhang Yahushua. Subalit kapag sinasabi ni Yahuwah na Siya lamang ang Isa, inaangkin na Siya ay higit pa sa isa.

Gayunman, tumungo tayo sa layunin ng artikulong ito para siyasatin kung ang pagpapangkat ng tatlo sa Kasulatan o likas na ipinupunto ang isang tatluhang Diyos. Totoo ba na ang pagbabanggit ng tatlong bagay na magkakasama ay nagpapatunay ng isang trinidad? Ang pagpapangkat ba ng tatlong bagay o tao nang magkakasama ay lumilikha ng isang “tatlo sa isa” na pagkakaisa?

Matagal na namin naitala ang paggigiit sa paniniwala na ang Mateo 28:19 ay itinataguyod ang teorya ng Trinidad dahil si Yahushua ay malayon na ipinayo sa mga alagad upang bautismuhan “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (ADB). Ang Mateo 3:16-17 (inulit sa Lucas 3:22) ay ginamit sa isang kaparehong paraan. Dahil ang lahat ng tatlong “entidad” — binautismuhan si Yahushua, ang Espiritu ni Yahuwah sa anyo ng isang kalapati, at ang tinig ng kanyang Ama mula sa Langit — ay nabanggit bilang kasalukuyan sa isang tagpuan, ang Trinidad ay ipinahayag na kumakatawan at nagpapatotoo. Matapos ang dalawang sipi na iyon, ang mga guro ng paniniwala ay tumanaw nang mahaba at mahirap para sa mga dagdag na patunay ng tatlo-sa-isa. Isang kahabaan ay ang 1 Pedro 1:2. Ang bersong ito ay ginamit upang itaguyod ang paniniwala sa Trinidad dahil lamang ang lahat ng tatlo ay isinama sa isang mahabang pangungusap: “Ayon sa paunang kaalaman ni Yahuwah Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Kristo Yahushua: Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo’y sumagana.” Wala rito ang marapat na nagpapahiwatig na ang tatlong “katauhan” ang bumubuo sa isang “Diyos” dahil lamang sila’y magkakasamang lumitaw.

Isaalang-alang natin ang ibang halimbawa ng tatlong katauhan na pinangkat sa Kasulatan. Noong si Moises ay napagod sa pagtaas ng kanyang kamay sa kalangitan sa panahon ng laban sa pagitan ng mga Israelita at mga Amalecita, sina Aaron at Hur ay nanindigan sa magkabilang panig niya, bawat isa’y inaalalayan ang kamay ni Moises. Ibig sabihin ba nito na sina Moises, Aaron at Hur ay tatlong tao sa isang diwa? (Exodo 17:11-12).

Noong sina Elias at Moises ay lumitaw kasama si Yahushua sa bundok (Mateo 17:3), nagpapahiwatig ba ito na ang tatlo sa kanila ay tatlong katauhan sa isang diwa? Walang sinuman sa kanyang matuwid na kaisipan ang dapat maniwala sa ganoong walang saysay. Subalit, ito ang itinuro sa atin na paniwalaan kung kailan si Yahuwah Ama, si Yahushua na Kanyang Anak, at ang banal na espiritu ay nabanggit saanman na magkakalapit sa isa’t isa sa Bibliya.

Ngayon, tingnan natin sa mga Kasulatan kung alin ang nagbabanggit ng tatlong bagay nang magkakasama. Ang parehong Tito 1:2 at 2 Juan 1:3 ay nagbabanggit ng tatlong bagay nang magkakasama — “Sumaiyo ang biyaya, habag at kapayapaan.” Ang tatlong ito’y magkakatulad sa diwa, isang sangkap? Sila ba’y tatlong katauhan — Biyaya, Habag at Kapayapaan — na “sumasaatin” nang literal at nasasalat? Ang tatlong katangian na ito sa isang katangian, ang bawat katangian ay hindi kalituhan sa isa pang katangian, ngunit lahat ay kaparehong katangian? Ang ngitngit, at tama naman, na tugon ay ang ganoong pahayag ay katawa-tawa, subalit ang kaparehong pangangatuwiran ay inangkop sa 1 Pedro 1:2 — na ang pagbabanggit ng tatlong bagay nang magkakasama ay nagtatatag sa kanila ng isang pagkakaisa.

Ito ay isang lantarang may kiling na pagpili ng Kasulatan upang itaguyod ang isang paniniwalang hindi maitaguyod. Ito’y magiging kasing-dali na hanapin ang apat o pitong bagay na binalangkas nang magkakasama upang patunayan na si Yahuwah ay isang apatan o isang pituhan. Ang Daniel 8:22 ay nagbabanggit ng apat na sungay na kumakatawan sa apat na kaharian. Ang Kawikaan 6:16-19 ay naglista ng pitong bagay na kasuklam-suklam kay Yahuwah. Ito’y kakutya-kutya, gayunman, upang sabihin na ang mga siping ito ay nagpapahiwatig na si Yahuwah ay apat o pito ang katauhan sa isang Diyos. Ito rin ay walang kabuluhan na angkinin na ang pagpapangkat ng tatlong katauhan o tatlong bagay nang magkakasama sa Kasulatan na bumubuo sa isang “maramihang pagkakaisa.”

Ang paglingon mula sa Kasulatan tungo sa kalikasan, kung totoo, gaya ng inaangkin ng paniniwala, na ang “madalas” na kaganapan ng pagpapangkat ng tatlo (mga polyeto, mga yugto ng bagay, atbp.) sa kalikasan ay nagpapakita at nagpapatunay ng Trinidad? Kamakailan akong nakakita ng isang YouTube video na pinamagatang “Mga Trinidad ng Kalikasan” na palihim na nilalayon na patunayan ang Trinidad sa pamamagitan ng pagpunto ng lahat ng mga “tatluhan” sa nilikhang sanlibutan. Ang musika, ang mga larawan, at ang pananalita ay matalinong nilikha upang manghikayat ng walang pag-aalinlangang manonood na ang Manlilikha ay iniwan ang Kanyang tatluhang bakas ng paa sa lahat ng Kanyang nilikha. Ang panlilinlang ay madaling isiwalat, gayunman, sa napakaliit na pagsasaliksik.

TRINIDAD ng sambutil na pisika: quarks, leptons, bosons.

KABIGUAN: Isang mabilis na saliksik sa Internet ay ipinapakita ang isang listahan ng pitong panimulang sambutil.

TRINIDAD ng liwanag: tatlong pangunahing kulay na pinagsama upang bumuo ng puting liwanag.

KABIGUAN: Ang tatlong pangunahing kulay ay pinagsama upang bumuo ng itim. Ang puting liwanag ay binubuo ng lahat ng pitong kulay ng bahaghari. (Uh- oh, ayan na naman ang bilang na pito.)

TRINIDAD ng mga yugto ng bagay: gas, likido, solido.

KABIGUAN: Ano naman ang plasma, mga kritikal na likido at ilang malubhang gas?

TRINIDAD ng balanse ng ekolohiya: mga mineral, mga halaman, mga hayop.

KABIGUAN: Nakalimutan mo ang mga tao?

TRINIDAD ng sangkatauhan: tatlong pangalawang putulong ng mga tao ay ang Negroid, Mongoloid, at Caucasian.

KABIGUAN: Una sa lahat, ang mga ito’y arbitraryong gawa ng tao na paghahati na hindi batay sa Kasulatan. Nilikha ni Yahuwah ang isang lahi, ang lahi ng sangkatauhan. Lahat ng mga genetikong pagsasaayos ay isinama sa DNA ng unang dalawang tao na nilikha ni Yahuwah. Ikalawa, ang Museo ng Horniman sa London ay naglalaman ng isang tanghal tungkol sa Homo Sapiens Sapiens kabilang ang apat na pagkakahati: ang tatlong nabanggit sa ibabaw at kasama ang Austroloids.

TRINIDAD ng pamilya ng tao: ama, ina, bata.

KABIGUAN: Paano naman yung may higit sa isang bata? Ano kung, gaya sa maraming kultura, ang ama ay maraming asawa? Ano kung ang isang nag-iisang babae ay nag-ampon? Ano naman ang mga lolo’t lola, mga tito’t tita, mga pinsan? Mas marami pang posibilidad kaysa sa ama-ina-anak na tatluhan.

TRINIDAD ng sanlibutan #2: kalawakan, bagay, panahon.

KABIGUAN: Binalangkas ng agham ang apat kabilang ang enerhiya.

TRINIDAD ng sanlibutan #3: haba, taas, lapad

KABIGUAN: Isinama ng mga dalub-agham ang panahon bilang ikaapat na dimensyon.

(Nakikita ang maraming apatan. Hmmm…)

TRINIDAD ng panahon: nakaraan, kasalukuyan, hinaharap.

KABIGUAN: Wala itong patunay tungkol sa kung sino si Yahuwah.

Mayroong 60 segundo sa isang minuto, 60 minuto sa isang oras, 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, 52 sanlinggo sa isang taon, 365 at isang sangkapat na araw sa isang taon, 24 na sona ng oras. Walang tatluhan sa anuman sa mga ito. Sa kasamaang-palad, ang walang muwang, walang hinala, mapagtiwalang manonood ng ganoong video o tagapakinig ng isang panayam ay tinamaan ng mga kahanga-hangang rebelasyon na ito ng mga tatluhan sa kalikasan.

Dagdag ko, sa pagwawakas, na maraming ibang bilang ang maaaring matagpuan nang sagana sa kalikasan na maaari sa bilang na tatlo. Ang tatlong dahon na semrok ay laganap na ipinupunto sa Trinidad, gayunman, libu-libong ibang halaman ang mayroong lima, pito o marami pang talulot. Ang paggamit ng semrok ay gaya ng tekstong pagpapatunay.

Ang mga lima ay sagana rin sa kalikasan. Ang mga tao ay mayroong limang daliri sa bawat kamay at paa. Ang mga bituin ay tipikal na iginuguhit sa limang punto at ang isdang-bituin ay mayroong limang kamay. Mayroon tayong limang pandama at mayroong limang yugto ng mitosis (pagkakahati ng selula).

Sa paglipat ng tsart ng bilang, mayroong pitong kulay sa bahaghari, pitong araw ng paglikha ni Yahuwah, at pitong nota sa eskala ng musika. Sa Bibliya, ang mga panaginip ng Paraon, ipinaliwanag ni Jose, ay puno ng mga pito; pitong pari na may pitong trumpeta ang nagmartsa sa Jerico nang pitong beses; at ang karunungan ay mayroong pitong haligi. Ang aklat ng Pahayag ay puspos ng mga pito, kabilang ang pitong kandelero, pitong espiritu, at pitong iglesya. Ang kandelerong Menorah na pang-ritwal, patuloy na ginagamit sa Hudaismo, ay mayroong pitong sanga. Ang bilang na pito sa Bibliya ay sinabi na bilang ng kalubus-lubusan at kasakdalan. Kung may bilang na maaaring gamitin upang kumatawan kay Yahuwah, ito dapat ang bilang na pito, hindi tatlo.

Dahil dito, ang bilang na tatlo ay hindi maaaring angkinin ng anumang higit na kahalagahan sa kalikasan kaysa sa anumang ibang bilang, at hindi nagpapatotoo ng anumang bagay tungkol kay Yahuwah na isang Trinidad. Bilang kahalili, si Yahuwah ay hindi apat, lima o maging pito. Bumalik tayo sa napakalinaw na wika ng Kasulatan: si Yahuwah ay isa. Ang isa ay nangangahulugang isa.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Alane Rozelle.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC