Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, ang pangkat ay itinataguyod lamang ang nararamdaman namin na nasa pagkakatugma sa Bibliya. Sa karamihan sa mga kaso, ang mga may-akda ng mga pag-aaral na ito ay nasa dakilang hindi pagkakasundo sa WLC sa mga mahahalagang batayang pagtuturo (gaya ng ikapitong araw ng Sabbath at ng Pagkadiyos). Gayunman, ito ay hindi dapat iiwas sa amin mula sa pagpapala ng kanilang mga isinulat, kung saan ay itinuring namin na nasa ganap na pagkakatugma sa Kasulatan. Kaya ang pagtataguyod sa bahagi ng kanilang mga isinulat ay nasa walang paraan na isang pagtataguyod sa lahat ng kanilang pinaninindigan. |
Ang maagang simbahang Kristyano ay mabigat na naimpluwensyahan ni Plato, at ang mga epekto ng mga pagtuturo ni Plato ay maaari pa ring makita sa loob ng Kristyanismo ngayon. Ito ay partikular na totoo pagdating sa paksa ng Langit. Maraming Kristyano ngayon ay malalaman nang may pagkamangha na hawak nila ang isang Platonikong pananaw ng langit na hindi Biblikal. Ang maikling artikulong ito ay ipapaliwanag kung sino si Plato, ang kanyang mga pilosopikong pananaw, at kung paano ang mga pananaw na iyon ay humugis sa tanyag na opinyon tungkol sa langit ngayon.
Mayroong lubos na kamalian sa tanyag na pananaw ng langit ngayon sa loob at labas ng simbahan. Si N.T. Wright, Obispo ng Durham, ay nananawagan na ang nananaig na pananaw ay isang “pagbaluktot at malubhang pagliit ng Kristyanong pag-asa.”1 Nakalulungkot, tama si Wright. Dalawa sa tatlo ng mga Amerikano na inangkin na naniniwala sa muling pagkabuhay, noong nagbotohan, ay sinabi na hindi sila naniniwala na mayroon silang mga pisikal na katawan matapos ang muling pagkabuhay, kundi mga espiritung wala na sa katawan.2 Dagdag ni Wright, “Madalas kong marinig sa mga tao, ‘Makakapunta ako sa langit, at hindi ko na kailangan ang hangal na katawang ito, salamat sa Diyos.’”3
Para sa maraming Kristyano ngayon, ang langit ay nakikita bilang isang marilag, uliran, lugar na hindi sa daigdig na ito kung saan ang mga ganap na espiritung walang katawan ay nananahan. Ito’y higit sa lahat isang hindi pamilyar, wala sa daigdig na kapaligiran kung saan ang lahat ng bagay ay nananatiling pareho. Ito’y nakikita bilang isang dalisay, espiritwal na lugar na walang panahon at kalawakan, kung saan walang gagawin kundi lumutang sa paligid at mabuting pagmamasdan si Yahuwah.
Habang ang ideya ng pagiging malaya mula sa ating mga katawan ay maaaring mapanukso sa iilan, ang Bibliya ay nagpapakita ng isang malawak na naiibang konsepto ng langit. Ayon sa Bibliya, ang langit sa katunayan ay isang pagpapanumbalik ng ating pisikal na sansinukob, kabilang ang bago, muling binuhay na daigdig. Sa halip ng panananahan sa isang mahirap unawain, lugar na hindi sa daigdig, itong bagong nilikhang daigdig ay magiging pamilyar sa atin, subalit mas maganda. Ito ay magiging lugar kung saan ang kultura at kalipunan ay magpapatuloy sa pagiging produktibo. Tayo ay mabubuhay sa muling binuhay na mga pisikal na katawan na nananahan sa loob ng panahon at kalawakan. Sa halip na walang ginagawa sa paligid, tayo ay aktibong naglilingkod at sumasamba kay Yahuwah sa pagtulong sa iba gaya ng nais nating gawin ngayon. Ito ay magiging isang kawili-wiling lugar kung saan maglalaan tayo ng walang hanggang pagdunong at pagtuklas sa kahanga-hangang bagong nilikha ni Yahuwah.
Ang konsepto ng isang muling binuhay na sansinukob ay ang bumabalantok na tema ng buong Bibliya. Sinumpa ni Yahuwah ang lupa sa Pagbagsak, kung kailan ang daigdig at ang buong sansinukob ay nagbago. Sa panahong iyon “ang nilikha ay ipinasakop sa paggawa ng mga bagay na walang kabuluhan.” (Roma 8:20) Ang sansinukob na unang ipinahayag ni Yahuwah na napakabuti (Genesis 1:31) ay sumailalim sa pagbagsak dulot ng resulta ng pagsuway ng tao, at mula sa panahong iyon ay dadanas ng proseso ng pagkawasak. Ang Biblikal na pag-asa, gayunman, sa pagsugo sa Mesias (Genesis 3:15) ay ang Mesias ay wawakasan ang mga gawa ng diyablo (1 Juan 3:8), na kabilang hindi lamang ang pagtubos sa sangkatauhan mula sa kabayaran ng kasalanan, kundi rin sa pagpapanumbalik ng pisikal na nilikha ni Yahuwah tungo sa ganap na estado bago ang Pagbagsak. Sa panahong iyon, “ang nilikha din naman ay mapalaya mula sa pagkaalipin ng kabulukan patungo sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ni Yahuwah.” (Roma 8:21) Ang Bibliya ay nagsisimula sa Pagbagsak sa Genesis at nagwawakas sa Pagpapanumbalik sa Pahayag kung saan ang Langit, ang Bagong Jerusalem, ay pagkakaisahin sa Daigdig at “Siya ay mananahang kasama nila. Sila ay magiging mga tao niya” at ang paglikha ay muling ibabalik. (Pahayag 21:2-3)
Paano itong batayang pagtuturo ng Bibliya ay madaling naunawaan nang mali ay nagpapasindak sa kaisipan? Paano nagkaroon ng dakilang hindi pagkakaunawa ng anong napakahalagang paksa sa loob ng Kristyanong mundo? Ito ay may kinalaman kay Plato.
Ang Griyegong pilosopong si Plato (427 BC) ay itinuring na isa sa mga pinakadakilang pilosopo ng lahat ng panahon. Siya ay isinilang, apat na siglo bago si Kristo subalit ang kanyang pagtuturo ay may napakalaking impluwensya sa maagang Kristyanong doktrina at patuloy na humuhugis sa kaisipang Kristyano hanggang sa panahong ito.
Iginiit ni Plato na anumang nakikita natin sa ating paligid sa ating pisikal na mundo—mga puno, mga upuan, mga kabayo, mga halaman at mga tao—lahat ng bagay na ating nakikita, nahahawakan at naaamoy sa katunayan ay hindi totoo. Tanging ang ideya sa likod ng isang bagay ay totoo. Halimbawa, ang lahat ay mayroong isang ideya ng isang kabayo. Kapag kinumpara natin ang isang kabayo sa isa pa, maaari nating makita na mayroong mga pagkakaiba, ngunit nalalaman nating lahat na ang mga ito’y kabayo dahil may isang ideya ng isang kabayo. At ang ideyang ito ay ang ganap na kabayo. Ang ganap na kabayo ay umiiral lamang bilang isang ideya o “anyo”. Dahil tanging mga ideya ng mga bagay lamang ang ganap, ipinahayag ni Plato na ang mundo ng mga ideya ay lubos na nakakataas sa pisikal na mundo na ito kung saan tayo’y nabubuhay.
Dahil dito, nais ni Plato na palayain ang mga tao mula sa kanilang pagkakabilanggo sa mundong ito. Sa kanyang Talinghaga ng Kweba, ipinaliwanag niya kung paano ang isang tao ay maaaring maging malaya mula sa pagkakabilanggo sa mga anino ng mundong ito sa pagkakaroon ng kamalayan ng mas mataas na katunayan ng mga anyo. Ang kanyang talinghaga ay isinalaysay na ang lahat ng sangkatauhan ay itinanikala sa kadiliman, naniniwala na katunayan ang mga bagay na nakikita natin sa ating paligid. Ngunit mayroong mas mataas na katunayan na umiiral sa labas, at kung tayo ay magiging malaya at maranasan ito, mauunawaan natin na ito ay mas mabuti, sapagkat ito ang totoong katunayan ng anumang bagay na walang iba kundi isang anino.
Hindi kagulat-gulat, ang langit ni Plato ay isang bagay kung saan ang tao ay malaya mula sa hindi ganap na pisikal, materyal na mundo. Naniwala si Plato na ang tao ay pangunahing gawa sa kaluluwa, at ang kaluluwa ng tao ay nakakulong sa isang katawan, gaya ng nakakulong sa isang bilangguan. Ito ang batayan para sa parirala ni Plato na “soma sema” na nangangahulugan na ang katawan ay isang kulungan o puntod para sa kaluluwa. Para kay Plato, ang kaligtasan ay nagaganap kapag ang kaluluwa ay naging malaya mula sa katawang-hawla na ito. Ang kaluluwa, pagkatapos, ay malaya nang mamuhay sa mundo ng mga dalisay na anyo. At doon, ito’y “maaaring pagmasdan ang ganap na Kabutihan, ang Dalisay na Anyo.”4 Ano ang kailangang gawin ng pananaw ng langit ni Plato sa Kristyanismo?
Marahil ito’y isang sindak sa iilan na ang mga maagang ama ng simbahan ay mabigat na naimpluwensyahan ng Griyegong pilosopiya. Ang ilan sa katunayan ay naniwala na si Yahuwah ay ibinigay ang Griyegong pilosopiya sa lupain ng mga Hentil upang ihanda ito para sa pagdating ng Mesias sa kaparehong paraan na ginamit ni Yahuwah si Moises para ihanda ang bayan ng mga Hudyo. Si Plato, sa paraang ito, ay nakita na may isang uri ng papel ng paghahanda para sa Ebanghelyo. Sila’y naniwala na ang mga dakilang pilosopo ay naging mga tagatanggap ng “pangkalahatang liwanag ng isang banal na rebelasyon sa pamamagitan ng ‘Logos,’ at sa pamamagitan ng katuwiran ng tao, ‘nagbibigay-liwanag sa bawat tao na dumating sa mundong ito.’”5 Dahil dito, marami sa mga ideya ni Plato ay niyakap ng mga maagang maimpluwensyang lider na ito. Narito ang isang maikling pagsisiyasat.
Si Clement ng Alexandria (150 AD) ay naniwala na ang Griyegong pilosopiya ay ang babaeng lingkod ng teolohiya. Ang kanyang mga isinulat ay puno ng mga Platonikong pagtuturo. Marahil ang kanyang paghanga kay Plato ay maaaring makita sa kanyang pahayag:
...bago ang pagdating ng Panginoon, ang pilosopiya ay kinakailangan ng mga Griyego para sa pagkamatuwid. At ngayon ito’y nagiging kaaya-aya sa kabanalan; ang isang uri ng pagsasanay ng paghahanda sa mga nakuha sa pananampalataya... ang pilosopiya ay ibinigay sa mga Griyego nang direkta at pangunahin, hanggang ang Panginoon ay marapat tawagin ang mga Griyego. Para dito ay isang guro ng paaralan upang magdala ng “Helenikong kaisipan,” bilang kautusan, ang mga Hebreo, “kay Kristo.” Ang pilosopiya, dahil dito, ay isang paghahanda, nagtatakda ng landas para sa kanya na naging ganap kay Kristo.6
Ang maagang tagapagtanggol na si Justin Martyr (100 AD) ay naniwala na si Plato ay “nagsalita nang mabuti sa pagbabahagi niya ng pambinhing salita.”7 Habang kinikilala na mayroong malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pagtuturo, mas maraming nakitang pagkakahawig si Justin sa pagitan ng Platonikong pilosopiya at Kristyanismo. Ang paghangang ito kay Plato ay ibinahagi ng ibang tagapagtanggol na manunulat, partikular si Athenagoras. Sila’y mayroong isang paggalang sa Platonikong pagtuturo, at madalas gumawa ng sanggunian rito, minsa’y sinisipi ang buong mensahe mula kay Plato habang gumagawa ng isang pagtatanggol sa pananampalatayang Kristyano.8
Si Eusebius ng Caesarea (263 AD) ay masigasig na hinangad na pagtugmain si Plato sa Kristyanismo. Sinabi niya na si Plato “ang tanging Griyego na nakamit ang lukbot ng Kristyanong patotoo.”9 At si Obispo Theodoret (393 AD) ay lubos na kilala ang literaturang Griyego at ang mga pilosopo kabilang si Xenophanes, Heraclitus, Zeno, Parmenides, Empedocles, Euripides, Herodotus, Xenophon, Aristotle, at siya ay madalas magbanggit ng sipi mula kay Plato.10
Malinaw, ang maagang simbahan ay mabigat na bumagsak sa Griyego, lalo na sa Platonikong kaisipan. Ngunit malamang ang teologo na pinakaresponsable para sa paghuhugis ng Platonikong pananaw ng langit ng simbahan ay si Augustine.
Ang tanyag na teologong si Augustine (354 AD) ay napakabigat na naimpluwensyahan ni Plato. Ang De Civitate Dei ni Augustine ay tinawag na “ang pinakahinog na bunga ng panloob na pag-iisang-dibdib ng Kristyano at Platonikong karunungan.”11 Tumungo nang napakalayo si Augustine nang sinabi sa kanyang Confessions na nagpapasalamat siya kay Yahuwah na siya ay naging pamilyar muna kay Plato, dahil kung hindi, malamang siya ay hindi kailanman matatanggap ang Ebanghelyo.12 Sa ganitong napakataas na pagtanaw kay Plato, hindi na kagulat-gulat, pagkatapos, ang pananaw ng langit ni Augustine ay lubos na nakaapekto sa kanya. Sinabi ni Benedict Viviano tungkol kay Augustine,
“Kailangan lang nating tandaan na si Augustine ay malakas na naimpluwensyahan ng neo-Platonikong pilosopiya at nabasa rin sina Plotinus at Porphyry... Ang pilosopiyang ito ay mataas sa espiritwal at pang-ibang mundo, nakasentro sa nag-iisa at ang walang hanggan, itinuturing ang materyal at ang makasaysayang pangkat na mga mabababang yugto sa pag-akyat ng kaluluwa sa pag-iisa sa nag-iisa.”13
Si Augustine “ay naakit sa espiritwal na interpretasyon ng kaharian.” Para kay Augustine, “ang kaharian ng Diyos ay binubuo sa walang hanggang buhay kasama ang Diyos sa Langit.”14 Nagdagdag si Michael Vlach na “ito ay ang espiritwal na pananaw ng kaharian ni Augustine na nag-ambag sa kanyang paniniwala na ang simbahan ay ang katuparan ng isang libong taong paghahari ni Kristo.”15 Ang kanyang espiritwal na pananaw ay naging tinanggap na Katolikong pananaw, na nananatiling naghaharing pananaw sa loob ng Simbahang Katoliko ngayon, at isang tanyag na pananaw rin sa loob ng karamihan sa mga Protestanteng simbahan, at pangunahing sekular na kaisipang pang-Kanluran. Kaya ang pinagmulan ng hindi Biblikal na pananaw ng langit ng Kristyanismo ay maaaring matagpuan sa pag-ampon ng simbahan ng mga mahahalagang konsepto mula kay Plato.
Ito’y maaaring dumating bilang isang sindak sa maraming Kristyano ngayon na ang kanilang pananaw ng langit ay hindi nagmula sa Bibliya, kundi nagmula sa Griyegong pilosopo na si Plato. Ito’y binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aaral ng pilosopiya para sa manggagawang Kristyano. Kung wala ang pagkakaunawa sa mga dakila, maimpluwensyang palaisip sa buong kasaysayan, maaaring napakahirap na makilala ang patotoo mula sa kamalian. Mismo, ito’y maaaring makita kapag tungkol sa paksa ng langit sa loob ng simbahan ngayon. Ang mga Pastor ay gagawa nang mabuti para pag-aralan ang pilosopiya upang mas makilala ang mga malalaking lamat ng kaisipan na nag-impluwensya sa simbahan sa buong kasaysayan nito, at kaya mas handa na makipag-usap sa isang tumpak, Biblikal na pananaw sa daigdig.
Alcorn, Randy. Heaven. Tyndale House Publishers, Inc., 2004.
Alexandria, Clement of. “The Stromata, or Miscellanies”. In The Ante-Nicene Fathers, Volume II: Fathers of the Second Century: Hermas, Tatian, Athenagoras, Theophilus, and Clement of Alexandria (Entire). Buffalo, NY: Christian Literature Company, 1885.
Augustine, S., Bishop of Hippo, & Pusey, E. B. The Confessions of St. Augustine. Oak Harbor, WA: Logos Research Systems, Inc., 1996.
Biema, David Van. Christians Wrong About Heaven, Says Bishop. Pebrero 7, 2008. http://www.time.com/time/world/article/0,8599,1710844,00.html.
Geisler, Norman. A History of Western Philosophy, Vol. I: Ancient and Medieval. Bastion Books, 2012.
Jackson, B. Prolegomena: The Life and Writings of the Blessed Theodoretus, Bishop of Cyrus. In P. Schaff & H. Wace (Eds.), A Select Library of the Nicene and Post-Nicene Fathers of the Christian Church, Second Series, Volume III: Theodoret, Jerome, Gennadius, Rufinus. New York: Christian Literature Company., 1892.
Martyr, Justin. The Second Apology of Justin. In A. Roberts, J. Donaldson & A. C. Coxe (Eds.), The Ante-Nicene Fathers, Volume I: The Apostolic Fathers with Justin Martyr and Irenaeus (A. Roberts, J. Donaldson & A. C. Coxe, Ed.). Buffalo, NY: Christian Literature Company, 1885.
Schaff, Philip. The New Schaff-Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge, Vol. IX. 1914.
Viviano, Benedict T. The Kingdom of God in History. Eugene, OR: Wipf and Stock, 1988.
Vlach, Michael J. Platonism’s Influence On Christian Eschatology. n.d. http://theologicalstudies.org/files/resources/Platonism_and_Eschatology_article_(PDF).pdf (nakamit noong Pebrero 22, 2013).
1 (Biema 2008)
2 (Alcorn 2004, 110)
3 (Biema 2008)
4 (Geisler 2012, 69)
5 (Schaff 1914, 89)
6 (Alexandria 1885, 305)
7 (Martyr 1885, 193)
8 Ibid. p.18.
9 Ibid. p.21.
10 (Jackson 1892, 19)
11 Ibid. p.21.
12 (Augustine 1996, 7.20)
13 (Viviano 1988, 52)
14 Ibid., 52-53.
15 (Vlach n.d.)
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo na isinulat ni Shawn Nelson (https://geekychristian.com).
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC