Print

Ang Salita’y Naging Tao? Bakit Ang Juan 1:14 Ay HINDI Sinasabi Na Naging Tao Si Yahuwah

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

ang-salitay-naging-tao-bakit-ang-juan-114-ay-hindi-sinasabi-na-naging-tao-si-yahuwah

Para sa maraming Trinitaryan o sa mga naniniwala sa “pagkadiyos ni Kristo,” ang kakaunting salita mula sa Juan 1:1 na pinagsama sa iilang salita mula sa Juan 1:14 ay bumubuo sa, at ibig kong sabihin ang numero unong ebidensya na si Yahushua ay si Yahuwah at dahil doon sa anuman si Yahuwah ay isang Trinidad. Sinasabi ng Juan 1:1, “Ang Salita ay Diyos,” at pagkatapos ay lalaktaw sa Juan 1:14, “at naging tao ang Salita.” Ito nga. Si Yahushua ay si Yahuwah, literal.

Gayunman, ang artikulong ito ay magiging tampulan ang mga suliranin ng pagpapaliwanag na “pagkadiyos ni Kristo” sa Juan 1:14.

Jerusalem, mayroon tayong Problema:

Mga Suliranin sa Trinitaryan at Interpretasyon ng Pagkadiyos ni Kristo sa Juan 1:14

Ang interpretasyon ng “pagkadiyos ni Kristo” sa Juan 1:14 ay maaaring tingnan na matuwid sa una. Patuloy, isang munting malapit na pagsisiyasat ay nagpapakita na ang pagpapaliwanag ay isa lamang manipis na pagkukunwari at walang diwa sa likod ng kalupkupan. Ang interpretasyon na “ang Diyos ay naging tao” ay isang nakalilitong bahay-alalawa ng mga hindi pagkakapareho, kontradiksyon, at panlilinlang.

Ang unang obserbasyon tungkol sa pagpapaliwanag ng Juan 1:1 at Juan 1:14 na sinasabi na “ang Diyos ay naging tao”:

Walang Trinidad

Ang salitang “Diyos” Theos ay nagaganap ng mga 1,320 beses sa Bagong Tipan, na hindi kailanman nangangahulugan na Trinidad.

Walang Trinidad na inilarawan sa Juan 1:14 (o Juan 1:1). Kung ikaw ay isang Trinitaryan, at ang parehong Juan 1:1 at Juan 1:14 ay ang iyong pangunahing patunay para sa iyong pagkakaunawa ng kung sino si Yahuwah, mas mabuting tumingin pa dahil walang Trinidad na Diyos saanman na malapit sa Juan 1:1 o Juan 1:14, o saanman sa Mabuting Balita ni Juan. Ang salitang “Diyos” Theos ay nagaganap ng mga 1,320 beses sa Bagong Tipan, na hindi kailanman nangangahulugan na Trinidad.

Kaya ang “Diyos” sa Mabuting Balita ni Juan ay hindi ang Trinidad. Ang Ebanghelyong ito ay inaangkin na ipinakita ni Yahushua si Yahuwah. Ipinakita ni Yahushua ang Ama, hindi ang isang Trinidad. Ang may-akda ng Mabuting Balita ni Juan ay hindi isang Trinitaryan. Sapagkat ang may-akda ng Mabuting Balita ay hindi naniniwala na ang Diyos ay isang Trinidad, siya’y ibubukod mula sa mga karamihan ng “Kristyanong” simbahan ngayon at tatawaging isang erehe.

10 Salita sa 18,000, “Ang Sampung Salita”

Ang pagkakaunawa ng “pagkadiyos ni Kristo” ng kung sino si Kristo ay lubos na nababasa sa ¼ ng isang berso. Ang teksto sa Griyego ng Juan 1:14 ay mayroong 23 salita, at ang parirala kung saan ang teolohiya ng pagkadiyos ni Kristo na nalikha ang pinakamahalaga, makabuluhang pagkakaunawa ng kalikasan ni Yahushua ay binubuo ng limang salita.

Mabuti, dapat tayong magdagdag ng 1/3 ng isang berso mula sa Juan 1:1, dagdag na apat o limang salita. Kaya ayon sa mga mananampalataya ng pagkadiyos ni Kristo, ang pinakamahalagang patotoo kung saan nakasalalay ang kapalaran mo at akin ay mga limang salita mula sa Juan 1:1 at dagdag na limang salita mula sa Juan 1:14. Mula sa Juan 1:1, “at ang Salita ay Diyos…”, pagkatapos ay lumaktaw sa Juan 1:14, “kaya naging tao ang Salita.” Iyon lamang. Kalimutan kung ano ang sinabi nila Moises at Yahushua na pinakamahalagang utos, na si Yahuwah ay isang Yahuwah (Deuteronomio 6:4, Marcos 12:29). Kalimutan na si Yahuwah sa buong Kautusan, Propeta, Kasulatan, at Bagong Tipan ay isang Yahuwah. Ang 10 salitang Griyego na ito, lima mula sa Juan 1:1 at lima pa sa Juan 1:14, ay ipinahayag na ang Diyos ay higit pa sa isang tao.

Ang ganitong uri ng interpretasyonal na kapamaraanan ay yari sa mga kulto at panlilinlang. Ang Mabuting Balita ni Juan ay mayroong mahigit 18,000 salita sa karaniwang Ingles na pagsasalin. Mayroong mahigit 184,000 salita sa Bagong Tipan. Sa paghugot at pagtuon sa iilang salita at pinababayaan ang konteksto ng mga salita, ang isa ay maaaring gumawa ng isang dakilang aklat gaya ng Bibliya na nagsasabi lamang tungkol sa anumang ninanais nito na sabihin.

Ang pagpapaliwanag ng mga maiiksing parirala sa Juan 1:1 at Juan 1:14 bilang paglalarawan ng isang ikalawang Diyos, isang “Diyos ang Salita” o “Diyos ang Anak” o isang “Diyos Anak” na “naging tao” ay isang ganap na kontradiksyon sa lahat ng bagay na pumarito sa Bibliya at sa lahat ng bagay na sumunod.

Ang pagpapaliwanag ng mga maiiksing parirala sa Juan 1:1 at Juan 1:14 bilang paglalarawan ng isang ikalawang Diyos, isang “Diyos ang Salita” o “Diyos ang Anak” o isang “Diyos Anak” na “naging tao” ay isang ganap na kontradiksyon sa lahat ng bagay na pumarito sa Bibliya at sa lahat ng bagay na sumunod. Walang “Diyos Anak” sa Bibliya. Walang “Diyos ang Salita” sa Bibliya. Walang ikalawang katauhan ng Diyos saanman sa mga Aklat ni Moises o sinuman sa mga propeta ng Israel.

Tingnan ang mga deklarasyon ng mga apostol ni Yahushua sa Aklat ng Mga Gawa. Ang mga apostol ay hindi itinuro ang tungkol sa isang maraming katauhang Diyos kapag itinuro nila ang tungkol kay Yahushua. Itinuro nila na ang Mesias, ang tao na si Yahushua ng Nazaret, ay inilagay sa kamatayan ng bayan ngunit muling binuhay mula sa mga patay ni Yahuwah (Mga Gawa 2:22-36, 3:15, 4:10, 5:30, 10:40, 13:30). Ang mga tagapakinig ay naligtas. Hindi nila narinig o pinaniwalaan ang isang ikalawang katauhan ng Diyos, Trinidad pa kaya. Ang wika at ang ideya ng isang “taong Diyos” ay banyaga sa Banal na Kasulatan. Sa halip, ang isang “taong Diyos” ay isang bagay ng paganong mitolohiya.

Ang Pagkakatawang-Tao, ANG Pinakadakilang Kwento na HINDI KAILANMAN Sinabi

Walang katiyakan na ang Juan 1:14 ay nilayon na maging isang paglalarawan ng pagkakatawang-tao ng isang umiral bago isilang na diyos na nagiging tao buhat nang ang Ebanghelyo ni Juan ay walang paglalarawan ng kabatiran o kapanganakan ni Yahushua. Wala. Walang iisang salita tungkol sa mga kalagayan ng kabatiran o kapanganakan ni Yahushua. Huli sa kabanatang ito, ang alagad na si Felipe ay ipinakilala si Yahushua kay Nathanael bilang isa na “tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta, si Yahushua na taga-Nazaret, ang anak ni Jose.”

Pag-isipan iyon. Para sa modernong mananampalataya ng pagkadiyos ni Kristo, ang Mabuting Balita ni Juan ay ang nangungunang aklat ng Bagong Tipan na parang nagsasabi sa atin na si Yahuwah ay nagbagong-anyo, o naging, tao. Subalit sa Ebanghelyo na ito, walang paglalarawan ng inakalang mahalagang kaganapan na ito. Ang buong teorya ay nakasalalay sa limang salita ng Juan 1:14, “kaya naging tao ang Salita.”

Ang Pagkakatawang-Tao ay ang pinaka kapansin-pansin na kwento na hindi kailanman sinabi, kahit papaano hindi sa Bibliya.

nasaktan-na-dalaga

Ang Mabalaghang Nawawalang Diwa, o Ang Mabalaghang Nawawalang Kalikasan.

Tatlong Katauhan sa Isang Diwa ngunit Isang Katauhan sa Dalawang Kalikasan.

Inilalarawan ng Trinitaryan kung sino ang kanyang Diyos ay sa pagsasabi na ang Trinidad ay tatlong katauhan sa isang diwa. Ito ay kung paano ang tatlo ay maaaring isa—tatlong katauhan sa isang kalikasan.

Ngunit ang mismong paglalarawan ng kanilang Diyos, ibinigay ng mga Trinitaryan, nagpapatotoo laban sa kanilang pangunahing paniniwala na si Yahuwah ay naging tao. Sa pagbibigay ng kanyang paglalarawan ng Trinidad, Nakakalimutan ng Trinitaryan na ang kanyang mahalagang doktrina ay kinuha mula sa Juan 1:1 at Juan 1:14 na nagsasabing “naging tao ang Diyos ang Salita.”

“Si Yahuwah ay tatlo ang katauhan sa isang diwa,” inaangkin ng Trinitaryan. Nakuha ko. Ahh, sandali lang. Hindi ba sinabi mo sa akin na si Yahushua ay Diyos na naging tao? Hindi ang iyong buong relihiyon ay batay sa “Naging tao ang Diyos” ng Diyos na kumukuha ng kalikasan ng tao?

Kaya gaya ng isang salamangkero na dalubhasa sa kamay ng panlilinlang, ang Trinitaryanismo – sa mismong sariling kahulugan nito kung sino ang Diyos – ay nag-aalis ng “sangkatauhan” o “pagiging tao” ni Yahushua Mesias.

Kaya gaya ng isang salamangkero na dalubhasa sa kamay ng panlilinlang, ang Trinitaryanismo – sa mismong sariling kahulugan nito kung sino ang Diyos – ay nag-aalis ng “sangkatauhan” o “pagiging tao” ni Yahushua Mesias.

Para sa mundo ng Trinitaryan, magpasya ka. Mayroon ka na 1,600 taon. Ang iyong Diyos ba ay may isang diwa o dalawa? Isang minuto, ang iyong Diyos ay may isang diwa. Ang susunod na minuto, siya (sila?) ay may dalawang diwa.

Kung ikaw ay isang Trinitaryan o mananampalataya ng “pagkadiyos ni Kristo”, pwede ba kitang tanungin, kung ang Diyos Anak ay kinuha ang pagiging tao, gaano karaming kalikasan mayroon ang Trinidad? Hindi ko tinatanong kung gaano karaming kalikasan ang “Yahuwah Anak”, kundi gaano karaming kalikasan ang tatluhang katauhan ng Diyos? Bakit ang batayang pagpapaliwanag sa loob ng 1,600 taon ay ang Trinitaryang Diyos ay tatlong katauhan sa isang diwa?

Kung naiisip mo na ang Juan 1:14 ay nangangahulugan na si Yahuwah ay naging tao, pagkatapos ang iyong Trinitaryan na Diyos ay may dalawang kalikasan. Ang iyong mga teologo ay nagkamali, sumasalungat sa kanilang sarili sa loob ng maraming daang taon. O, ang lahat ng teolohikal na pabalbal ng “pagkadiyos ni Kristo” ba ay isa lamang ulap ng usok upang alisin ang pagiging tao mula kay Yahushua ang Mesias?

Isang Trans-diwa na Yahuwah

Ipinapahiwatig ko na ang mga Kristyano na mapagpaimbabaw kapag hinahatulan nila ang isang transgender o lesbian, o mga bakla na inaangkin na isang naiibang kasarian sa likas nila.

Ang transgender ay tutungo sa isang operasyon at iginigiit: “Babae na ako ngayon,” bagama’t siya ay isang lalaki.

Bilang isang Trinitaryan, iginiit ko na “naging tao ang Diyos.” Ibig sabihin na ang isang kasapi ng tatlong katauhan na Yahuwah ay trans-likas. Ngunit bagama’t ang “Diyos ang Salita” ay trans-likas, iginiit ko na siya ay patuloy na ganap na Diyos at ganap na tao! Ang angkin natin ng “pagkadiyos ni Kristo” na “si Yahushua ay dalawa ang kalikasan” ay mas lumayo pa sa angkin ng transgender. Ito’y katulad ng angkin ng isang transgender na naggigiit: “Ako’y ganap na lalaki at ganap na babae.”

Lahat ng ito’y kasuklam-suklam sa Diyos na si Yahuwah at ang Kanyang Yahushua Mesias mula sa Nazaret.

kibit balikat

Kristyanong Trinitaryan, hindi ka ba nagpapaimbabaw sa pagkondena sa isang transgender na naggigiit na siya ay babae at dapat na tukuyin sa isang pambabaeng panghalip sa kaparehong pagkakataon, inaangkin mo na isa sa iyong kasapi ng tatlong katauhang Diyos ay trans-diwa at iginigiit ang paggamit ng isahang panghalip para sa iyong tatlong katauhang Diyos?

Ang Kasaysayan ay Laban sa Iyo

Sapagkat sapat na mga kasulatan ng maagang Hentil na “ama ng simbahan” ang napanatili, isang mananalaysay ay maaaring matuklasan at mabakas kung paano at kailan ang ideya ng isang walang hanggang ikalawang katauhan ng isang diyos ay naging bahagi ng tinanggap na Kristyanismo.

Noong ikalawang siglo, 100 taon matapos si Yahushua, walang isang Diyos sa tatlong katauhan sa kaisipan ng mga “ama ng simbahan.”

Noong ikalawang siglo, 100 taon matapos si Yahushua, walang isang Diyos sa tatlong katauhan sa kaisipan ng mga “ama ng simbahan.” Sa halip, ang mga ama ng simbahan ng ikalawang siglo ay nagsimulang kumupkop ng Griyegong pilosopikong pananaw ng Logos (ang Salita), isinaalang-alang ang ikalawang mababang Diyos, inaangkin ito na ang umiral bago isilang na Kristo.

Gayunman, ang Logos na iyon ay itinuring ng mga maagang Hentil na ama ng simbahan na isang mababang Diyos na may utang sa kanyang pinagmulan sa isang tunay na Diyos. Para sa mga ama ng simbahan ng ikalawang siglo, ang Logos ay hindi kapantay o kapwa walang hanggan sa Isang Kataas-taasang Yahuwah.

Maging ang tanyag na Kredo ng Nicene ng 325 AD ay hindi Trinitaryan. Pansinin ang unang pahayag sa Kredo: “Naniniwala kami sa isang Diyos, ang Makapangyarihang Ama, Manlilikha ng lahat ng bagay na nakikita at hindi nakikita.” Ang mga Kristyano noong 325 AD ay patuloy na iginiit na sila’y may iisang Diyos sa pagbibigay-diin ng kataasan ng isang Diyos, ang Ama. Hindi ito hanggang huli noong ikaapat na siglo, mga 350 taon matapos si Yahushua ang Mesias ay namuhay sa Israel, ang mga Hentil na “Kristyano” sa modernong Turkiye ay ipinahayag na sila’y may iisang Diyos dahil ang kanilang Diyos ay binuo ng tatlong katauhan sa isang diwa.

Kung naiisip mo na ang mga Kristyano ay palaging Trinitaryan o ang mga Kristyano ay itinuring si Yahushua na palaging kapantay at kapwa walang hanggan sa Ama, hindi ikaw matapat sa kasaysayan. Karamihan sa mga Kristyano, lalo na ang mga Protestante, hindi gaano ang nalalaman o walang pakialam tungkol sa kasaysayan ng simbahan. Sila’y sinabihan lamang na “palaging naniniwala ang mga Kristyano na si Yahushua ay Diyos at ang Diyos ay isang Trinidad.”

Hindi Pinapansin ang Nalalabi ng Mabuting Balita ni Juan

Ang pagpapaliwanag ng Juan 1:1 at 1:14 bilang si Yahuwah ay naging tao ay hindi pinapansin ang nalalabi ng nilalaman ng Mabuting Balita ni Juan.

Ang Mesias na Kumakatawan kay Yahuwah, hindi ang Literal na Yahuwah

Ang Yahushua ng Nazaret ng Mabuting Balita ni Juan ay hindi literal na Yahuwah kundi kumakatawan, ipinapakita, at binigyan ng kapangyarihan ni Yahuwah. Isinugo ni Yahuwah si Yahushua bilang kinatawan ni Yahuwah, sapagkat sinabi ni Yahushua, “At ang nakakikita sa akin ay nakakakita sa kanya na nagsugo sa akin” (Juan 12:45).

Sa Ebanghelyong ito, ang may-akda ay nakikilala si Yahushua mula kay Yahuwah, at si Yahushua mismo ay ipinaliwanag ang sarili mula kay Yahuwah nang patuloy (halimbawa; 3:16, 8:40, 15:1, 16:30, 14:1, “Sumampalataya kay Yahuwah, sumampalataya rin sa akin”). Natatangi si Yahushua mula sa isang katauhan ng Pagkadiyos at lahat ng Yahuwah. Halimbawa, inilalarawan ni Yahushua ang sarili bilang “isang taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko kay Yahuwah” (Juan 8:40).

“Ama...ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.” (Juan 17:1-3)

Si Yahushua sa Ebanghelyong ito, paulit-ulit, sinasabi ang mga bagay gaya nito, “Hindi ako gumagawa nang ayon sa aking sariling kapangyarihan. Humahatol ako ayon sa naririnig ko” (5:30). “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa Kanya na nagsugo sa akin” (7:16). “Ama...ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.” (Juan 17:1-3)

Isang walang hanggang Yahuwah, kahit na Siya ay “nagiging tao,” ay hindi kailanman sasabihin ang mga ganoong bagay.

Tiyak, ang mga tagapagtaguyod ng pagkadiyos ni Kristo ay ipinupuno ang ilang maiiksing pahayag sa Ebanghelyo ni Juan upang angkinin ang “pagkadiyos ni Kristo,” katulad ng “Ako at ang Ama ay iisa” (10:30) o “Panginoon ko at Diyos ko!” (20:28). Ngunit ito’y hindi kumukuha ng lubos na kaisipan upang makita ang mga suliranin sa mga maiiksing “tekstong patunay” na pagpapaliwanag, at may mga iba pa, mas mabuting paraan upang maunawaan ang mga pahayag na ito. Ang “tekstong patunay” na ito, kinukuha ang ilang maiiksing pahayag nang wala sa konteksto, hindi pinapansin ang karamihan ng Ebanghelyo. Hindi natin dapat kalimutan ang ibang 18,000 salita sa Mabuting Balita ni Juan upang palakasin ang ating Griyego-Byzantino na paganong ideya na ang Hudyong Mesias ay isang ikalawang anyo ni Yahuwah na naging tao.

Hindi Pinapansin ang Konteksto ng Paunang Salita: Konteksto, Konteksto, Konteksto

Ang pagkakaunawa sa Juan 1:14 bilang isang sanggunian sa isang pagkakatawang-tao ng kabatiran at kapanganakan ni Yahuwah ay kronolohikal na wala sa posisyon matapos ibuod ang magkasamang paglilingkod nina Yahushua at Juan Bautista.

Ang propeta na si Juan Bautista bilang isang matanda na nasaksihan na si Yahushua ay ang tunay na liwanag (1:6-8). Ito’y hindi gumagawa ng makasaysayan o literaryong kontekstwal na saysay para pag-isipan na matapos ipakilala at ibuod ang relasyon at mga paglilingkod ni Yahushua at Juan Bautista sa mga berso 1-13, biglaan, ang may-akda ay bumabalik sa iilang salita tungkol sa pagkakatawang-tao ng isang katauhan ng isang Diyos na may tatlong katauhan.

Lahat ng mga interpretasyon ng pagkakatawang-tao ng Juan 1:14 ay hindi pinapansin na ang tao na si Yahushua, na tinutukoy ng Ebanghelyo, ay ipinakita sa isang paraan ng pagpapakilala at pagbuod sa mga berso 1-13.

Ang pagpapaliwanag sa Juan 1:14 bilang “Yahushua ay si Yahuwah” ay pinababayaan at sumasalungat sa mga iilang susunod na berso sa paunang salita ni Juan, hindi bababa sa mga pahayag na apat na berso lamang ang dumaan na “Kailanma’y walang nakakita kay Yahuwah” (1:18). Nakita si Yahushua ng libu-libong tao, ngunit walang sinuman ang nakakita kay Yahuwah.

Hindi Pinapansin at Sumasalungat sa mga Salita ni Yahushua

Ngunit ano ang sinasabi ni Yahushua? Inaangkin niya ba na maging Yahuwah? Inaangkin niya ba na “Diyos Anak”? Sinasabi niya ba, “Kapag nakikita ninyo ako, nakikita ninyo ang Diyos Anak?” Ayon kay Yahushua, ang Mesias, aling Diyos ang nauunawaan natin kapag nakikita natin si Yahushua? O, mas nararapat, “sino” ang nakikita natin kapag nakikita natin si Yahushua?

Ang interpretasyon ng pagkadiyos ni Kristo sa Juan 1:14 ay sumasalungat sa anong maaaring ituring na sentrong tema ng Ebanghelyo at ang mga salita ni Yahushua na naitala sa mismong Ebanghelyo na ito.

Hindi “Diyos Anak.” Sinabi ni Yahushua na kapag nakikita ninyo siya, nakikita ninyo ang Ama. Ang interpretasyon ng pagkadiyos ni Kristo sa Juan 1:14 ay sumasalungat sa anong maaaring ituring na sentrong tema ng Ebanghelyo at ang mga salita ni Yahushua na naitala sa mismong Ebanghelyo na ito. Ipinapakita ni Yahushua ang Ama.

Sinabi ni Yahushua: “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama… Hindi ba kayo naniniwalang ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi galing sa akin; ang Amang nananahan sa akin ang gumagawa ng kanyang mga gawain” (Juan 14:9-10). Walang “Yahuwah ang Anak” kay Yahushua. Ang Diyos na ipinakita kay Yahushua ay ang Ama.

Sumasalungat sa Layon na Pahayag ng May-Akda

Ang pagpapaliwanag ng Juan 1:1 at 1:14 bilang si Yahuwah ay nagiging tao ay pinababayaan ang layon na pahayag ng may-akda ng Mabuting Balita na ito. Sinabi sa atin ng may-akda na naitala niya ang mga tanda na ginawa ni Yahushua kaya tayo’y sasampalataya na si Yahushua ay ang “Mesias, ang Anak ni Yahuwah” (Juan 20:31). Anak ni Yahuwah ay ang titulo para sa Mesianikong hari na mula kay David. Ang may-akda ay hindi sinasabi sa atin na naitala niya ang mga tanda kaya maniniwala tayo na si Yahushua ay si Yahuwah, o “Diyos Anak.” Hindi dapat natin ipaliwanag ang Juan 1:14 bilang sumasalungat sa ipinahayag na layunin ng may-akda. Naiisip ba natin na mas mabuti ang nalalaman natin kaysa sa may-akda noong isinulat niya ang aklat?

hindi-natatanto

Ito’y Lumalala – Yahushua ay Hindi Isang Tao

Ngunit ang pinakamalala sa lahat ng dahilan na mali ang interpretasyon ng pagkadiyos ni Kristo sa Juan 1:14 ay dahil ang pagpapaliwanag ay tinatanggihan na si Yahushua, ang Mesias mula sa Nazaret, ay isang tao.

Nalalaman ko na karamihan sa mga Kristyano ay hindi natatanto ito. Kung ikaw ay isang Trinitaryan o mananampalataya ng pagkadiyos ng Mesias, marahil naiisip mo, “Hindi, hindi ko tinatanggihan na si Yahushua ay isang tao.” Ngunit ginagawa mo. Kailangan mo. Kung hindi, mayroon kang dalawang katauhan na naglalakad kay Yahushua. At ang simbahan ay nagpasya na matagal ang nakalipas para sa iyo na si Yahushua ay hindi dalawa ang katauhan kundi isa, ang walang hanggang banal na katauhan na “Diyos Anak.” Sapagkat ipinahayag ng Konseho ng Chalcedon sa Constantinople na ipinahayag noong 451 AD – mga apat na raang taon matapos lumakad sa lupa si Yahushua Mesias – ang tao at Diyos na mga kalikasan ni Yahushua ay umiral “sa isang Katauhan at isang Pagkatao, hindi hiwalay o hinati sa dalawang katauhan.”

Medyo simple. Ipalagay na mayroon lamang isang katauhan kay Yahushua, at ang mga teologo ng simbahan at dogma sa mga siglong nakalipas ay sinabi na ang isang katauhan ay ang “walang hanggang katauhan ng Diyos.” Sa kasong iyon, si Yahushua ay hindi isang tao.

Ang interpretasyon ng pagkadiyos ni Kristo sa Juan 1:14 ay iginigiit na si Yahushua ay “ganap na tao, ngunit hindi siya isang tao.” O kaya “si Yahushua ay ganap na tao, ngunit hindi siya tao.” Ang isang bagay na “ganap na tao” kung ito’y kalikasan ng tao lamang at hindi isang tao? Ang ganoon bang pagpapalagay ay tunog gaya ng mabuting biblikal na pagtuturo o paganong Griyegong pilosopiya, o isang kwentong engkanto?

Para Tapusin

Ano kung ang limang salita sa Juan 1:14 ay nangangahulugan na naiiba sa isang Hudyo, Hebraikong konteksto kumpara sa kung paano ang mga ito naunawaan sa loob ng nakalipas na ilang daang taon ng mga Hentil sa isang lubos na naiibang kultural at pilosopikong paraan ng kaisipan?

Kung paano natin ipapaliwanag ang isang berso gaya ng Juan 1:14 ay nakabatay nang lubos sa anu-anong pagpapalagay ang dadalhin natin sa teksto. Kung, katulad ng Kanluraning kaisipan ng mga Griyego-Byzantinong pilosopiya, naiisip natin na mayroong “hindi-tao na kalikasan ng tao” na maaaring isapersonal ng isa na hindi tao, maaari nating ipaliwanag ang Juan 1:14 sa paraan ng tradisyonal na Kristyanismo.

Ang pinakamahusay na paraan upang ipaliwanag ang aklat ni Juan ay nasa karanasan at kultura ng unang siglong Hudaismo.

Ngunit dapat nating matanto na ang pinakamahusay na paraan upang ipaliwanag ang aklat ni Juan ay nasa karanasan at kultura ng unang siglong Hudaismo. Ang Hudyong may-akda ng unang siglo ay ginamit ang wika at mga metapora na naunawaan ng mga Hudyo ng unang siglo nguit maaaring maunawaan nang mali at muling ipapaliwanag ng mga hindi Hudyo tungo sa gawa-gawang lupain ng Griyego-Romano-Byzantinong mundo. Si Juan ay hindi nagsusulat tungkol sa isang gawa-gawang Taong Diyos kundi tungkol kay Yahushua Mesias ng Nazaret, isang tao na inilagay sa kamatayan at muling nabuhay mula sa mga patay ng kanyang Diyos, ang Diyos ng Israel.

Isaalang-alang ang lahat ng mga suliranin at mga kontradiksyon na itinala natin sa pagpapaliwanag ng Juan 1:14 bilang isang pahayag na “naging tao ang Diyos,” may iba pa bang paraan upang maunawaan kung ano ang sinasabi ng Juan 1:14? Maaari ba na ang may-akda ay sinasabi sa atin na ang Salita, ang sukdulang paraan ng pakikipag-usap ni Yahuwah, ay ang tao, si Yahushua ng Nazaret?

“At ang pangalan na tinawag siya ay ang Salita ni Yahuwah.” Hmmm. Parang pamilyar.

Ang kabayaran para sa pagpapaliwanag ng Juan 1:1 at Juan 1:14 bilang “naging tao ang Diyos” ay inaalis ang pagiging tao, ni Yahushua ng Nazaret. Sigurado ka bang nais mong bayaran ang gastos?

At paalalahanan muli ako, gaano karaming kalikasan mayroon ang Trinitaryang Diyos?

anong-problema-babae


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Bill Schlegel.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC