Print

Anti-Bibliya Na Pahayag Ni Ellen White Sa Isang Libong Taon

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta! Lumalapit sila sa inyo nang nakadamit-tupa, ngunit sa loob ay mga mababangis na asong-gubat.” Mateo 7:15, FSV

Anti-Bibliya Na Pahayag Ni Ellen White Sa Isang Libong Taon

Ganap na pinabayaan ni Ellen White ang patotoo ng Bibliya tungkol sa Isang Libong Taon (Milenyo). Hindi na siya maaaring mas malito pa. Ang Isang Libong Taon na isinulat niya ay walang biblikal na suporta. Sa halip, ito ay ang produkto ng kanyang imahinasyon at mga hinihiling. Ito ay mas nakahanay sa mga Platonikong pagtuturo ng mga maagang Ama ng Simbahan kaysa sa anumang bagay.

“Sa pagdating ni Kristo, ang masama ay binura mula sa balat ng buong lupa, nilamon ng espiritu ng Kanyang bibig at nawasak sa liwanag ng Kanyang kaluwalhatian. Hinatid ni Kristo ang Kanyang bayan sa Siyudad ng Diyos, at ang lupa ay wala nang laman ng nananahanan.” (Great Controversy, p.657).

“At kung ang sangkalan ay dinala sa isang lupain na hindi tinitirahan, ganon din si Satanas na ipapatapon sa wasak na lupa, isang hindi tinitirahan at mapanglaw na ilang.” (Great Controversy, p.657).

Narito ang tahanan ni Satanas kasama ang kanyang mga masasamang anghel sa loob ng isang libong taon. Narito’y dito siya nakakulong, upang gumala-gala sa nasirang balat ng lupa at makikita ang mga epekto ng kanyang paghihimagsik laban sa kautusan ng Diyos. Sa loob ng isang libong taon ay maaari siyang malugod sa bunga ng sumpa na idinulot niya. Limitado na mag-isa sa daigdig, wala siyang pribilehiyo na saklawin ang ibang mundo, upang tuksuhin at abalahin ang mga hindi bumagsak. Sa panahong ito, matinding pagdurusa ang nararanasan ni Satanas. . . . Siya ay pinakaitan ng kanyang kapangyarihan, at iniwan na sumalamin sa bahagi na isinagawa niya buhat nang bumagsak siya, at humaharap nang may panginginig at sindak sa kagimbal-gimbal na hinaharap, kung kailan siya dapat magdusa dahil sa lahat ng kasamaan na ginawa niya at paparusahan dahil sa lahat ng kasalanan na idinulot niya na gawin.—Early Writings, p. 290.

Matapos ang mga hinirang ay binago tungo sa imortalidad at nakasama si Hesus, . . . si Hesus at ang mga hinirang ay nakaupo sa paghuhukom. Ang mga aklat ay binuksan—ang aklat ng buhay at ang aklat ng kamatayan. Ang aklat ng buhay ay naglalaman ng mga mabubuting gawa ng mga hinirang; at ang aklat ng kamatayan ay naglalaman ng mga masasamang gawa ng masama. Ang mga aklat na ito ay ikinumpara sa aklat ng tuntunin, ang Bibliya, at ayon sa mga taong iyon ay hinatulan. Ang mga hinirang, sa pag-iisa kay Hesus, ay ipinasa ang kanilang hatol sa mga patay na masasama. “Pagmasdan mo,” sinabi ng anghel, “ang mga hinirang, sa pag-iisa ni Hesus, nakaupo sa paghuhukom, at iginawad sa mga masasama ayon sa mga gawa nila sa katawan, at dapat nilang matanggap ang kahatulan na isinambulat laban sa kanilang mga pangalan.” Ito, nakita ko, ay ang gawa ng mga hinirang kasama si Hesus sa loob ng isang libong taon sa Banal na Siyudad bago ito bumaba sa daigdig.—Early Writings, pp. 52, 53.

Pagkatapos, sa pagwawakas ng isang libong taon, si Hesus, kasama ang mga anghel at lahat ng mga hinirang, ay lumabas sa Banal na Siyudad, at habang Siya ay bumababa sa lupa kasama nila, ang mga masasamang patay ay muling binuhay, at pagkatapos ang mga mismong tao na “tumusok sa Kanya,” ay muling binuhay, ay makikita Siya sa malayo sa lahat ng Kanyang kaluwalhatian, ang mga anghel at mga hinirang kasama Siya, at mananaghoy dahil sa Kanya. . . . Ito ay sa pagwawakas ng isang libong taon na si Hesus ay nakatayo sa Bundok ng Olibo, at ang bahagi ng bundok ay nalagot at nagiging isang malawak na kapatagan. Iyong mga lumayo sa panahong iyon ay ang mga masasama, na muling binuhay. Pagkatapos ang Banal na Siyudad ay bumaba at inilagay sa kapatagan. Pagkatapos ay pinuspos ni Satanas ang mga masasama sa kanyang espiritu. Hinibok niya sa kanila na ang hukbo sa siyudad ay maliit, at ang kanyang hukbo ay dakila, at kaya maaari nilang mapagtagumpayan ang laban sa mga hinirang at sakupin ang siyudad. . . .

Pagkatapos ang mga masasama ay nakita nila na sila’y natalo; at ang apoy ay ibinuga mula sa Diyos sa kanila at nilamon sila. Ito ang pagsasagawa ng paghuhukom. Ang masama ay natanggap ayon sa mga hinirang, sa pag-iisa kay Hesus, iginawad sa kanila sa panahon ng isang libong taon. Ang kaparehong apoy mula sa Diyos na lumamon sa masama ay luminis sa buong daigdig.—Early Writings, pp. 53, 54.

Ang Bibliya, kabaligtaran sa mga pagtuturo ni Ellen White sa ibabaw, ay kinukumpirma ang sumusunod:

Maaari mo bang maisip na si Yahuwah Ama ay magkokomisyon ng isang tagapagbalita/propeta sa mga huling araw na ito na magpapahayag ng isang mensahe tungkol sa Milenyo na salungat sa anong ibinigay ng mga propeta ni Yahuwah at Apostol Juan?

Kaya dahil dito, ang pagtuturo ni Ellen White sa Isang Libong Taon sa langit ay inilalagay siya na salungat sa mga dosena ng matatapat na sanggunian sa Bibliya na ipinupunto ang isang makalupang Milenyo.

Maaari mo bang maisip na si Yahuwah Ama ay magkokomisyon ng isang tagapagbalita/propeta sa mga huling araw na ito na magpapahayag ng isang mensahe tungkol sa Milenyo na salungat sa anong ibinigay ng mga propeta ni Yahuwah at Apostol Juan?

Maaari mo bang maisip na si Yahuwah Ama ay magkokomisyon ng isang tagapagbalita/propeta sa mga huling araw na ito na magpapawalang-bisa ng lahat ng mga Kasulatan na nangako na si Yahushua, kasama ang mga mananampalataya, ay maghahari sa mga bansa sa panahon ng Isang Libong Taon nang may bakal na gabilya?

Maaari mo bang maisip na si Yahuwah Ama ay magkokomisyon ng isang tagapagbalita/propeta sa mga huling araw na ito na pababayaan ang mga propesiya ni Daniel, na paunang nagsabi sa atin na ang walang hanggang kaharian ni Yahuwah ay nasa lupa at hindi sa langit?

Maaari mo bang maisip na si Yahuwah Ama ay magkokomisyon ng isang tagapagbalita/propeta sa mga huling araw na ito na ipapawalang-bisa ang makalupang Milenyo, sa panahon kung kailan si Yahuwah Ama ay tutuparin ang lahat ng mga pangako ng Bagong Tipan na ipinagkaloob Niya sa Kanyang hinirang na bayan, ang mga Israelita?

Ipalagay na maaari mo pa ring maisip na si Yahuwah Ama ay patuloy na pinanatili si Ellen White bilang Kanyang tagapagbalita/propeta sa mga huling araw na ito sa kabila ng pagsalungat sa Kanyang mga plano at pinawawalang-bisa ang Kanyang mga pangako. Sa kasong iyon, ikaw marahil ay handa nang maniwala sa amin kung inaangkin namin na mayroon tayong kakaunting tulay na ibebenta sa katangi-tanging halaga.