Print

Biblikal na Realismo Na Nauugnay Sa Israel

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Biblikal na Realismo Na Nauugnay Sa Israel

Sa tinatawag na “kahalili na teolohiya,” na lubos na laganap, literal, etniko, ang pambansang Israel ay hindi na itinuturing bilang bayan ng tipan ni Yahuwah, ngunit sa halip ang Simbahan ay ang ganap at permanenteng pamalit sa Israel. Ang Lumang Tipan ay nangangako ng pagpapanumbalik para sa Israel ay “muling ipinaliwanag” ng teolohiyang ito kaya ginagawa ang Simbahan na tumatanggap ng lahat ng pagpapala, habang ang pambansang Israel ay naiwan na tatanggap lamang ng mga sumpa ni Yahuwah. Ayon sa kasaysayan, ang Simbahang Katoliko ay inampon ang teolohiyang ito at ginawa itong tanyag. Ang repormistang Protestante na si John Calvin ay ipinagpatuloy ito sa kanyang mga tagasunod, at ito’y tinanggap ngayon ng maraming tinatawag na “ebangheliko” pati rin ang (kagulat-gulat!) Saksi ni Jehovah (salungat sa mga pananaw ng kanilang sariling tagapagtatag, si C.T. Russell).

Ang kahalili na teolohiya na ito ay malinaw na pinawalang-bisa ng Roma 11 (at isang tumpok ng propesiya ng Lumang Tipan), kung saan ang “Israel” ay nangangahulugang literal na Israel at kung saan sinabi sa atin ni Pablo na si Yahuwah ay may mga plano pa rin sa kanila bilang isang bansa (berso 22-32) dahil sila’y “mga minamahal alang-alang sa kanilang mga ninuno” (berso 28). Ang medyebal na Simbahan ay inampon ang isang pamamaraan ng “pagpapaliwanag” ng mga propesiya ng Bibliya nang alegoriko. Ang alegorismong ito ay lubos na nagpapatuloy sa mga nagtuturong simbahan ngayon. Ang alegorya ay nangangahulugan na “pagsasabi ng isang bagay na naiiba.” Ito ay isang espiritwal na lason, dahil pinawawalang-bisa nito ang teksto ng Kasulatan sa ngalan ng “interpretasyon.” Ang huwad na “pag-alegorya” ay isang sopistikadong paraan ng pagtataboy ng patotoo kung saan ang isa ay walang pakialam para paniwalaan!

Mahabang panahon ang lumipas, ang mga tao ng Abrahamikong pananampalataya ay natanto na ang pamamaraang ito ay hindi totoo sa Kasulatan at mapaminsala sa paniniwala sa Ebanghelyo ng Kaharian. Ang Ebanghelyo ng Kaharian ay isinama ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kasalukuyang tumigas, nabulag na Israel (hindi ang Simbahan) na mga “kaaway ng Ebanghelyo” (Roma 11:28). Ngunit sama-sama, sa hinaharap, sila’y tutungo sa Mesias. Samantalang ang mga indibidwal na mga Hudyo ay maaari syempreng sumama sa mga tagasunod ni Yahushua Mesias at maging mga kasapi ng espiritwal na “tuli” (Filipos 3:3; Galacia 6:16, ang Israel ng espiritu, hindi “ang Israel ng laman,” 1 Corinto 10:18).

Iginigiit sa isang biblikal na hinaharap para sa pambansang Israel ay hindi nangangahulugan na tayo bilang mga Kristyano ay dapat na maging pulitikal na aktibo upang magdulot ng anumang adyenda na naiisip nating itinataguyod ng Bibliya. Naniniwala tayo na ang Simbahan ay hindi tinawag sa ganoong aktibidad ngunit inihiwalay mula sa mga pamahalaan ng panahong ito.

Ang ilan ay sinasabi ang “Diyos ng mga Hudyo at Diyos ng mga Muslim” sa ganoong paraan para magpahiwatig na ito ay ang kaparehong Diyos. Tayo’y tutol sa ganitong pagkakakilanlan. Ang Diyos ng mga Hudyo, si Yahuwah, ay ang tunay na Diyos ng sanlibutan. Siya ang Diyos at Ama ng Panginoong Yahushua. Siya ay hindi Allah, ang “Diyos” ng Islam. Ang Koran at ang Bibliya ay mga dokumento na napakalaki ang pagkakaiba. Ang biblikal na Yahuwah ay tinatawag ang sarili na Diyos ng Israel. Ang mga maling pagpapaliwang ng Bibliya ay may kakayahan rin ng pangunguna sa mga tao na ilayo mula kay Yahuwah na nagpukaw sa mahalagang Aklat na ito.

Bagama’t naniniwala tayo sa pagpapanumbalik ng pambansang Israel, hindi nito ibig sabihin na nakikita natin ang kasalukuyang pamahalaan ng Israel bilang Kaharian ni Yahuwah. Hindi tayo naniniwala na ang Zionismo ay ang katuparan ng mga biblikal na larawan ng Israel na muling tinipon sa tunay na pananampalataya. Hindi tayo naniniwala na ang mga taga-Israel ay hindi gumagawa ng maselang pagkakamali, gaya nating lahat. Ang Israel ay hindi pa napagbagong-loob sa Kristyanong Ebanghelyo ng kaligtasan, hindi rin sa etika ng Bagong Tipan. Tinawag sila ni Pablo na “kaaway ng Ebanghelyo” (Roma 11:28). Sila ay isang makamundong pamahalaan gaya ng lahat ng ibang kasalukuyang pamahalaan. Sila’y hinatid pabalik sa kanilang makasaysayang tinubuang-lupa sa kawalan ng paniniwala, gaya ng ating mga ninuno sa naisip na Abrahamikong pananampalataya.

“Oh Jacob, ang lahat ng iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel” (Mikas 2:12)

Ngunit sila’y kailangan doon, sa lupain, sa kanilang kawalan ng pananalig para kay Yahuwah na harapin sila sa lupaing iyon, gaya ng nahulaan ng Kanyang mga propeta. Maraming propesiya tungkol sa mga kaganapan ang hindi pa natutupad sa Israel. Sa hinaharap, matapos ang Dakilang Pagsubok, isang sama-samang pambansang pagsisisi at pagbabalik sa Mesias ang aasahan. “Sa ganitong paraan maliligtas ang buong Israel” (Roma 11:26). Ang komento ni Mikas ay naaangkop nang mabuti: “Oh Jacob, ang lahat ng iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel” (Mikas 2:12). Ang Israel sa kabuuan ay tuluyan nang napagbagong-loob. Hindi ibig sabihin nito ay ang bawat Hudyo, dahil lamang siya ay isang Hudyo. Ang lahat ay dapat pumili na magsisi at tanggapin si Yahushua at ang kanyang Ebanghelyo ng Kaharian (Mga Gawa 8:12).

Ang Bibliya ay naglalaman ng walang doktrina ng hindi maiiwasan, hindi mapipigilang kaligtasan, ganon din ang dalawahang katalagahan. Ang bawat isang tao ay dapat gumawa ng pasya, at sabik na nais ni Yahuwah na iligtas ang lahat (1 Timoteo 2:4-5). Ang katunayan na hindi lahat ay maliligtas ay patunay ng positibong kapasidad natin na pumili, iyon ay, para sanayin ang mapagpalang ipinagkaloob sa atin na “kalayaan ng kalooban” na sumampalataya at sundin ang patotoo ng Ebanghelyo, upang maligtas (Hebreo 5:9; Juan 3:36; 12:44-50).


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Bill Wachtel.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC