Print

Ibinigay Ba Ni Yahuwah Ang Sarili O Ang Kanyang Anak Lamang?

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ibinigay Ba Ni Yahuwah Ang Sarili O Ang Kanyang Anak Lamang?

Kung si Yahushua ay HINDI si Yahuwah at ang mga Kristyano ay tumuloy sa pagsasabi na siya nga, pagkatapos ay isang bagay na napakalalim ang nawala sa teolohiya. Para sabihin na si Yahuwah ang namatay sa krus ay para makaligtaan ang naghihirap na pag-ibig ng Ama para sa Kanyang pinahirapang Anak na nagdurusa sa krus. Magiging madali para kay Yahuwah na ialok ang Kanyang sarili kaysa sa Kanyang Anak, si Yahushua.

Naniniwala ako sa kwento nina Abraham at Isaac ay nasa Bibliya para sa isang dahilan. Nais ni Yahuwah na subukin si Abraham upang makita kung ang kanyang pananalig ay malakas para tumalima sa Kanya, kahit na ito’y pagsuko sa kanyang anak, si Isaac, bilang isang sakripisyo sa Bundok Moria sa Jerusalem. Ang kwento ay ipinapakita ang dalamhati ng isang nakatuon na ama kung sino ang pipiliin sa pagitan ng kanyang anak at si Yahuwah. Ito’y isang napakahirap na pasya. Si Abraham ay hindi nakiusap na ialay ang sarili niya! Ang kanyang pasya ay magiging mas problemado kaysa sa pagpapakasakit sa sarili! Hindi nilayon ni Yahuwah na hayaan si Abraham na tumungo rito. Ito ay isang pagsubok ng pag-ibig at ganon din sa pananalig. Sa huling sandali, nagkaloob si Yahuwah ng isang tupa bilang pamalit na alay sa anak ni Abraham. Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “SA BUNDOK NI YAHUWAH ITO AY IPAGKAKALOOB.”

Kaya’t tinawag ni Abraham ang lugar na iyon Yahuwah-yireh. Kaya’t sinasabi hanggang sa araw na ito: “Sa bundok ni Yahuwah ito ay ipagkakaloob” (Genesis 22:14).

Anong hindi kinailangan ni Yahuwah kay Abraham, ay tutuparin Niya sa kaparehong kinalalagyan sa isang huling panahon sa kasaysayan, upang ipakita ang Kanyang pag-ibig para sa sanlibutan sa pamamagitan ng pag-aalay sa Kanyang minamahal na Anak, si Yahushua, upang mamatay sa krus para sa kaligtasan ng isang makasalanang sanlibutan: “Dito nahayag ang pag-ibig ni Yahuwah sa atin, sapagkat sinugo ni Yahuwah ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya” (1 Juan 4:9). Sa halip na ang sarili mismo ni Yahuwah ang susuko sa kamatayan, ang makalangit na Ama ay isinuko ang Kanyang Anak upang mamatay sa krus. Higit na kinailangan ni Yahuwah ang Kanyang sarili sa kinailangan Niya kay Abraham.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: http://thegodofjesus.com/blog/did-god-give-himself-or-his-only-son

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC