Print

Ilang Kaisipan sa Kasaysayan ng Trinidad

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

si Plato

Naniwala si Plato (c. 428-348 BC) na ang mga alamat tungkol sa mga Griyegong diyos ay mali, mga imoral na kwento na gawa ng mga tao (marahil ay tama siya!). Naniwala siya sa isang espiritwal na mundo ng kasakdalan (isang mundo ng mga ideya o anyo). Sa katunayan, naniwala siya na anumang nakikita natin sa mundong ito ay mga hindi sakdal na kopya ng anumang nasa sakdal, espiritwal na mundo. Ang maling pagtuturo ng imortal na kaluluwa ay pangunahing nagmula kay Plato. Siya ang nagtatag ng Helenistikong “paaralan ng pilosopiya” na may napakaraming mag-aaral sa mga nakalipas na siglo — “Griyegong pilosopiya.” Kami sa Kanluran ay hilig na mag-isip tulad ng mga Griyego — at hindi tulad ng mga Hebreo.

Maging ang mga Hudyo ay naimpluwensyahan ng Griyegong pilosopiya. Isa sa mga ito ay ang tanyag na si Philo (c. 20 BC-50 AD), ang Hudyo na pinaniwalaan ng ilan na nag-impluwensya ng Kredong Nicene, bagama’t siya’y pumanaw na, makalipas ang 300 taon. Pinaniwalaan na ang “Liwanag mula sa Liwanag, tunay mula sa tunay na Diyos” sa Kredong Nicene ay nagmula sa mga sulat ni Philo. Tiningnan ko iyon at ako’y nasiyahan na ito marahil ay totoo.

Ayon sa tanyag na mananalaysay ng simbahan na si Jaroslav Pelikan, na nagbasa at nagkomento sa lahat ng 38 tomo ng mga sulat ng mga ama ng simbahan, ang mga Neo-Platonists ng ikatlong siglo ay sinundan ang mga hakbang ng mga Griyegong pilosopo. Sila’y nagpatuloy sa mga lumang ideya at nagpaunlad ng mga bagong ideya. Isa sa mga ideyang ito ay sa metapisikong mundo o mundo ng mga ideya, na mayroong tatlong elemento — ang Nag-Iisa, ang Diwa, at ang Kaluluwa — at ang tatlong ito ay ontolohikong isa, isa sa kakanyahan. Pamilyar sa tunog? Ito ay ang ideya ni Plotinus (c. 204-270 AD). Naniwala siya na ang pisikal ay kasamaan at ang espiritwal ay kabutihan, iyon ay Nostikong kaisipan. Si Augustine ng Hippo ay lumilitaw na naimpluwensya ng kaparehong uri ng kaisipang ito, at ginawa ang kasarian na halos isang kasalanan — maging sa loob ng pag-aasawa.

Naging kilala na ilan sa mga maagang Kristyanong ama, gaya nila Justin Martyr, Tertullian, Clement ng Alexandria at Theodosius, ay naimpluwensya ng Griyegong pilosopiya. Nabasa ko ang kanilang mga isinulat at wala sa kanila ang Trinitaryan. Ito ay isang maling ideya na ipinalaganap ng mga Trinitaryan na kumukuha ng sipi nang wala sa konteksto at umaasa na walang sinuman (gaya ko) na tumungo’t basahin ang mga orihinal na sulat para sa kanila! Si Justin Martyr ay isang Arian (naniniwala na ang Anak ay nilikha) na inilagay ang pagsisimula ng Logos (ang Salita) sa simula ng paglikha (hindi Trinitaryan!). Naniwala si Tertullian na ang Anak ay sumailalim sa Ama, na syempre ay tinanggihan ng Simbahan sa huli bilang erehe. Si Theophilus ng Antioch ay sinasabi ang Diyos, ang Kanyang Salita at Kanyang Karunungan (ngunit hindi ang Trinidad!). Sa katunayan, sinasabi ni Jaroslav Pelikan na marami sa mga maagang manunulat ng simbahan ay tila mas “modyista” (Pag-Iisa) sa halip na Trinitaryan sa kanilang kaisipan.

Ang mga maagang ama ng simbahan ay mas nawiwili sa “teorya ng Logos” kaysa Trinidad, iyon ay kung paano iniugnay si Yahuwah sa salita. Halos lahat sa kanila ay naniwala na ang Anak ay sumailalim sa Ama, na hindi itinuturo ng Trinidad. Kabaligtaran sa Bibliya, ang Trinidad ay hindi itinuturo ang pagpapasakop. Noong sinipi ni Arius ang mga ama ng simbahan at ang Bibliya kay Emperador Constantine, binago ni Constantine ang kanyang posisyon at ipinatapon si Athanasius. Siya mismo ay naging isang Arian at binautismuhan sa kanyang kamatayan ng isang obispong Arian, si Eusebius ng Nicomedia.

si Origen ng Alexandria

“Origen Teaching the Saints,” ni Eileen McGuckin

Dumating si Origen (c. 184-253). Siya ay lubusang naimpluwensya ng lahat ng Griyegong pilosopiyang ito. Naniwala siya sa pag-iral ng mga kaluluwa bago isilang — iyon ay tayong lahat ay mga imortal na kaluluwa sa langit bago pa tayo naging mga sanggol sa sinapupunan, at naniwala siya sa pangkalahatang kaligtasan — lahat ay maliligtas. Hindi na nakakagulat na siya’y pinatalsik! Sa paaralan ni Origen sa Alexandria, lahat ng mga Griyegong pilosopikong ideya na ito ay hinikayat na basahin. Kawili-wili na may isang taong tinawag na Rufinus na inamin na binago niya ang sulat ni Origen upang tulungang ipawalang-bisa ang pagtiwalag kay Origen matapos ang kanyang kamatayan. Maaari nating patunayan na ito ang kaso dahil ang mga manuskritong bahagi ng mga sulat ni Origen ay hindi tugma sa aklat ni Rufinus. Ang mga isinulat ni Origen ay sinunog, ngunit napanatili ang ilang bahagi. Si Origen ay unang gumamit ng mga salitang “walang katapusang Anak” — bagama’t ginamit niya rin ang salitang “nilikha” bilang sanggunian sa Anak. Siya ay nasa buong lugar.

Dahil sa persekusyon, ang mga simbahan ay hindi nagawang makipag-ugnayan nang napakadali sa isa’t isa hanggang sa wakas ng ikatlong siglo. May mga iilang konsehong ginanap sa ikatlong siglo, dahil maraming ideya ang lumulutang sa paligid:

Modalismo/Monarkanismo/Sabelyanismo, Unitaryanismo, Arianismo, Adoptionism, Docetism, atbp.

Noong si Constantine ay parang binago ang paniniwala (c. 312), natagpuan niya ang Simbahan ay nasa kaguluhan, at ang “dakilang” panahon ng mga Konseho ng Simbahan ay nagsimula. Sa panahong iyon, sinabi ni Arius na ang Anak ay nilikha, at iyon ay isang suliranin kay Athanasius (na isang Trinitaryan) at ang mga kalahating Arian sa Silangan na naniwala na ang Anak ay ipinanganak mula sa Ama, bagama’t hindi isang walang hanggang “Diyos Anak” na katauhan. Pinayuhan ng mga kalahating Arians si Arius at naisip na sila’y nanalo laban sa kanya, ngunit duda ako na iyon ang nangyari.

Upang subukang pagkaisahin ang Simbahan at tulungan ang kanyang imperyo, tinawag ni Constantine ang Konseho ng Nicea noong 325 AD. Ito ang magpapasya ng kalikasan ni Yahushua ang Anak. Napagkasunduan na ang Anak ay “homoousios” (kaparehong diwa kay Yahuwah) at hindi “homoiousios” (ng kaparehong diwa sa Diyos). Ang pasya ay ang Arianismo ay hindi pangkaraniwan. Tanging tatlong Arian lamang ang bumoto laban sa konseho, at sila’y ipinatapon. Walang pasya ang ginawa sa Espiritu Santo, at marami pang ideya ang nananatili sa sino o ano ang Espiritu Santo hanggang 381 AD.

Anong hindi nabanggit ng mga Trinitaryan ay ang pagtatalo ay nagpatuloy matapos ang Nicea. Dumating si Arius sa pandinig ng Emperador Constantine, at siya at kanyang mga anak ay naging mga Arians. Pagkatapos ay noong 357 AD, isa pa at mas malaking konseho sa Nicea ay isinagawa ang ipinahayag na Arianismong orthodox (Ikatlong Konseho ng Sirmium).

mga Amang Cappadocian

“Mga Amang Cappadocian” — Basil ang Dakila, Gregory ng Nyssa, at Gregory ng Nazianzus

Ito’y lumikha ng mas maraming pagkakahati, at ang mga tao gaya ng “mga amang Cappadocian” — sina Basil ang Dakila, Gregory ng Nyssa, at Gregory ng Nazianzus — ay tumayo upang ipagtanggol ang Trinidad. Sina Basil at Gregory ng Nyssa ay magkapatid na pinalaki sa isang Kristyanong pamilya. Ang kanilang ama (si Basil ang Matanda) ay naimpluwensya ng Griyegong pilosopiya. Nagsulat si Basil ang Dakila ng isang dokumento sa Espiritu Santo na ikatlong kapareho, kapwa walang hanggang katauhang Diyos ng Trinidad, na lubos na naimpluwensyahan ang Konseho ng Constantinople noong 381 AD. Kaya ang Espiritu Santo ay opisyal na ikatlong walang hanggan, kaparehong katauhan ng Diyos ng Trinidad.

Lahat ng mga amang Cappadocian ay mga mambabasa ng Griyegong pilosopiya. Sinubukan nilang gawing posible kung paano ang tatlong naiibang katauhan, bawat isa’y Diyos, na may hiwalay na kaisipan at hiwalay na kalooban, ay maaaring isang Diyos at hindi tatlong Diyos. Hindi sila nakarating doon. Sinubukan nilang gumawa sa lahat ng mga isyung ito gamit ang pag-iisip ng mga Griyegong pilosopo katulad ni Plotinus — ang tatlong tuntunin: ang Nag-Iisa, ang Diwa at ang Kaluluwa, at ang tatlong ito ay ontolohikong isa. Inamin nila na hindi lohikal na gawin ang tatlo na isa.

Liberale da Verona: “Jesus Before the Gates of Jerusalem

“Jesus Before the Gates of Jerusalem,” manuskritong pananglaw ni Liberale da Verona, 1470–74; sa Piccolomini Library, Siena, Italy. SCALA/Art Resource, New York

Sa loob ng maraming siglo, ang mga teologo ay sinubukang maunawaan kung paano ang tatlong Katauhan — bawat isa’y Diyos — ay maaaring isang Diyos. Sila’y nakipagbuno sa mga katanungan gaya ng:

Papasok sa lahat ng ito ay si Augustine ng Hippo (354-430). Lumalabas na siya rin ay naimpluwensyahan ng kaisipang Neo-Platonist ng ikatlong siglo. Sa kanyang mga sulat at sa naunang pag-uusig ni Emperador Theodosius, na ginawang sapilitan ang Trinidad matapos ang Konseho ng Constantinople noong 381 AD, ang mga Trinitaryan ay nagwagi sa araw na iyon.

Para sa akin, ako’y naniniwala na ang tunay na ekklesia ay isang maliit na kawan na patuloy na lumilitaw bilang mga talababa sa kasaysayan. Hindi man nila taglay ang lahat, subalit sila’y nananatiling matapat nang may kakaunting lakas na mayroon sila. Hindi ko sinasabi na walang sinuman sa bayan ni Yahuwah ang nasa mga malalaking simbahan, ngunit ang Kanyang mensahe para sa kanila ay “Lumabas kayo sa kanya, bayan Ko.”


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Greg Michaelson, Australia.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC