Print

Teolohiya ng Nalalabi | Isang Naiibang Pananaw sa Iglesya at Israel

Ayon sa kasaysayan, mayroong dalawang pangunahing teorya tungkol sa relasyon ng Iglesya sa Israel. Sa kahalili na teolohiya, ang Iglesya ay pinapalitan ang Israel dahil ang Israel ay wala nang pangtubos sa hinaharap. Sa pagbubukod na teolohiya (isang aspeto ng dispensasyonalimo), habang si Yahuwah1 ay mayroong hinaharap para sa Israel, mayroon isang pagkakaiba sa pagitan ng Israel at Iglesya na pinanatili sa lahat ng panahon, nang walang pagsasanib ng dalawa.

Posible ba na ang parehong tanyag na mga posisyong ito ay mali? Mayroon bang tagapamagitan ng katotohanan? Basahin natin...

babaeng nagtatanong

Pagkakaiba ng Tama at Hindi Tama

Sa pagtatalakay ng Iglesya at Israel, ang unang bagay na matatanto ay ang Bibliya ay bihira na gumawa ng magkaagapay na pagkakaiba sa pagitan ng bansang Israel at ng Iglesya (posible na taliwas ang Mateo 23:39 at Roma 11:26). Biblikal, ang Israel ay isang bansa, hindi isang espiritwal na entidad. Bilang isang bansa ng mga tao (gaya ng anumang ibang bansa ng mga tao), ito’y naglalaman ng mga naligtas at mga naligaw. Kapag ang Bibliya ay nagsasalita ng Israel bilang isang espiritwal na entidad (ang mga naligtas ng Israel), tinutukoy nito ang nalalabing Israel (na pwersahan nating tinatanong, “Mayroon bang pagkakaiba sa pagitan ng nalalabing Israel at ng Iglesya?”—isang katanungan na sasalitain natin sa sandali).

Huwag kayong maging sanhi ng gulo para sa mga Hudyo, o sa mga Griyego, o sa iglesya ni Yahuwah, katulad ng pagsisikap kong bigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa lahat ng bagay, at hindi ko hinahangad ang sarili kong kapakanan, kundi ang kapakanan ng marami, upang sila'y maligtas. (1 Corinto 10:32-33; dinagdag ang italiko)

Ang siping ito ay madalas na gamitin para pangatuwiranan ang isang magkaagapay na pagkakaiba sa pagitan ng Israel at Iglesya, ngunit iyon ay hindi ang sinasabi o ginagawa ng sipi. Ang agarang konteksto ay nagpapakita na ang mga “Hudyo” ay tinutukoy ang mga naligaw na Hudyo, mga “Griyego” para sa mga naligaw na Griyego, at ang “iglesya ni Yahuwah” para sa mga naligtas (Hudyo man o Griyego). Dahil dito, ang sipi ay naaayon sa nalalabi ng Bibliya na ginagawa nito ang isang magkaagapay na pagkakaiba sa pagitan ng (1) Hudyo at Hentil, at pagitan ng (2) naligtas at naligaw. May pagkakatugma rin sa nalalabi ng Kasulatan, ito ay hindi gumagawa ng isang magkaagapay na pagkakaiba sa pagitan ng bansang Israel at ng Iglesya—na magiging isang maling kategorya.

Bakit ang mga tao ay nais na palitan ang bansang Israel ng Iglesya o ang bukod na Israel at ang Iglesya? Ang problema ay tatluhan. Una, ang mga tao ay kadalasang idinudugtong ang “Iglesya” sa mga Hentil, kahit na ang parehong mga Hudyo at mga Hentil ang bumubuo sa Iglesya (Efeso 3:6). Ang ikalawang problema ay ang mga tao ay madalas din idugtong ang “Israel” sa mga Hudyo. Iyon rin ay salungat sa Kasulatan. Ang mga mananampalatayang Hentil ay nagiging sambahayan ng Israel (Efeso 2:12, 19). Ang ikatlong problema ay ang mga tao ay kadalasang hindi naaabala na gumawa ng nararapat na pagkakaiba sa pagitan ng bansang Israel at nalalabing Israel, kahit na ang Bibliya ay malinaw na ginawa ang pagkakaiba (Roma 9:6-8, 11:1-7).

Ang kalagayan ay hindi gaya ng itim at puti tulad ng ginawa ng mga tao. May mga kulay abong lugar ang kailangang siyasatin at maunawaan. Ang “Iglesya” ay hindi nangangahulugang mga Hentil lamang. Ang “Israel” ay hindi palaging nangangahulugang mga Hudyo lamang. At mayroong isang mahalagang teolohikong pagkakaiba sa pagitan ng bansang Israel at nalalabing Israel.

puno ng olibo na may mga pulang amapola

Ano ang Iglesya?

Ang Iglesya ay ang pagtitipon ng mga tao, Hudyo man o Hentil, na tinawagan na lumabas ng mundo upang bumuo ng espiritwal na Katawan ni Kristo (Efeso 5:23; Colosas 1:18; 1 Corinto 12:13). Iyong nasa Iglesya ay magkakasama sa Espiritu at sa pamamagitan ng Mesias. Sila ay sinabing “nakipag-isa kay Kristo” (Roma 8:1; 2 Corinto 5:17; Efeso 1:13).

Hindi ba't ginawa niya ito upang ipakilala ang yaman ng kanyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na noong una pa ay inihanda na niya para sa kaluwalhatian? Hindi ba kabilang tayo sa kanyang mga tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi mula rin sa mga Hentil? (Roma 9:23-24; dinagdag ang italiko)

Ang Iglesya ay mga Hudyo na pisikal na tinawagang lumabas mula sa mga bansa, sila rin ay espiritwal na tinawagang lumabas mula sa hindi sumasampalatayang Israel, at ang mga Hentil na espiritwal na tinawagang lumabas mula sa mga bansa upang sambahin ang Elohim ng Israel.

Sila ay parehong espiritwal na tinawagang lumabas na mga tao ang bumuo ng isang bayan na tinawagang lumabas na nalalaman bilang Iglesya. Sila na mga tinawagang lumabas ay naligtas sa pananalig sa huwaran ng kanilang espiritwal na ama, si Abraham (Roma 4:11). Kaya, habang ang ilan lamang sa Iglesya ay pisikal na mga Hudyo, lahat sa Iglesya ay espiritwal na Hudyo. Sila ay tinulian sa puso (Roma 2:29), ang buong lahi ni Abraham (Roma 4:16) at ang sambahayan ng Israel (Efeso 2:12, 19).

Ano ang Israel?

Ang Israel ay maaaring mangahulugan sa maraming bagay. Una, ito’y madalas ipakilala ang bansang Israel—ang bayan na ang sambahayan ay pisikal na mga supling ni Jacob o Israel. Ikalawa, ito ay maaaring mga pisikal na inapo ni Jacob na hindi tumugon sa panawagan ni Yahuwah (Roma 9:31, 11:7). Ikatlo, ito ay maaaring mga Hudyo (ang nalalabi) na nagtiwala sa mga pangako ni Yahuwah.

Hindi nangangahulugang nawalan ng saysay ang salita ni Yahuwah. Sapagkat hindi naman lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel. At hindi rin lahat ng nagmula kay Abraham ay mga anak ni Abraham. (Roma 9:6-7; dinagdag ang italiko)

Ang pagiging isang pisikal na inapo ni Abraham, habang ito ay nagdadala ng isang kalamangan (Roma 3:1-2), ay hindi nangangahulugan na ang isa ay awtomatikong espiritwal na inapo ni Abraham (Roma 2:28-29; Juan 8:39; Mateo 3:9). “Hindi lahat ng nagmula sa Israel ay Israel.” Ang isang tao ay maaaring bahagi ng bansang Israel, subalit maaari namang hindi bahagi ng nalalabing Israel. Mayroong isang Israel sa loob ng Israel, isang sangay ng pisikal at espiritwal na bayan ng mga Hudyo (nalalabing Israel) sa mga pangkat ng pisikal na bayan ng Hudyo (bansang Israel).

Kapag ang mga Hentil ay nagiging mga espiritwal na inapo ni Abraham sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Yahushua2, sila’y nagiging bahagi rin ng sangay na ito, bahagi ng nalalabing Israel. Ang mga sumasampalatayang Hentil na inilalagay sa nalalabing Israel ay malinaw na nakikita sa paglalarawan ni Pablo sa puno ng olibo.

Kung ang masa ng tinapay na inialay bilang unang bunga ay banal, banal din ang buong masa na pinagkunan niyon. Kung banal ang ugat, gayundin ang mga sanga. Kung pinutol ang ilang sanga ng punong olibo, at ikaw na sangang ligaw ay idinugtong sa puno upang makabahagi sa katas na nagmumula sa ugat ng punong ito, huwag kang magmalaki sa mga sangang pinutol. Alalahanin mong hindi ikaw ang bumubuhay sa mga ugat, kundi ang ugat ang bumubuhay sa iyo.

Maaaring sabihin mo, “Pinutol ang mga sanga upang ako'y maidugtong.” Tama iyan. Ngunit pinutol sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya, at ikaw naman ay idinugtong dahil sa iyong pananampalataya. Kaya't huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka. Sapagkat kung ang mga likas na sanga ay hindi pinanghinayangan ni Yahuwah, ikaw man ay hindi niya panghihinayangan. Kaya't masdan ninyo ang kabutihan at kabagsikan ni Yahuwah: kabagsikan sa mga humiwalay, ngunit kabutihan sa iyo, kung mananatili ka sa kanyang kabutihan. Kung hindi, puputulin ka rin.  At kung sila'y hindi magpupumilit sa di-pagsampalataya, muli silang idudugtong, sapagkat kaya ni Yahuwah na sila'y muling idugtong.

Kung ikaw na sangang galing sa ligaw na olibo ay naidugtong sa inaalagaang olibo kahit salungat sa likas na paraan, lalo pang maaaring idugtong ang mga likas na sanga sa sarili nitong puno. (Roma 11:16-24; dinagdag ang italiko)


Ang Puno ng Olibo

puno ng olibo

Upang maunawaan ang kumplikadong sipi na ito, makatutulong na suriin ang mga termino nito.

(1) Banal na Unang Bunga/Ugat. Habang itinuturing ng ilan na si Abraham ang banal na unang bunga o ugat na nagdudulot sa buong pangkat at mga sanga na banal, mas malamang na si Yahushua ang humahawak sa posisyong ito. Sa teolohiya ni Pablo at sa lahat ng salita ni Yahuwah, ang Mesias ay tanging tao na maaaring magpabanal sa iba (Isaias 53:2-6; Roma 5:18-19, 10:4; 1 Corinto 1:30; 2 Corinto 5:21; Efeso 5:26; Filipos 3:9; partikular ang Hebreo 2:11, 11:39-40).

Dagdag pang ebidensya ang matatagpuan sa Roma 9:3-4. “Dahil sa aking mga kababayan at kalahi. Nanaisin ko pang ako'y sumpain at mahiwalay kay Kristo alang-alang sa kanila. Sila'y mga Israelita, sila'y kinupkop bilang mga anak.” Inahalintulad ni Pablo ang paghihiwalay mula kay Kristo na “puputulin” mula sa Kanya, ang wika ay naaayon sa talinghaga ng puno ng olibo at si Kristo bilang ugat nito.

(2) Sangang Galing sa Ligaw na Olibo. Ito ay sanggunian sa isang indibidwal na Hentil. Isang sanga na bata, malambot na talbos, hindi pa lumalagong usbong.

(3) Likas na Sanga. Ito ay sanggunian sa mga mananampalatayang Hudyo. Ang isang mananampalatayang Hudyo ay isang likas na sanga, habang ang mananampalatayang Hentil ay isang sangang galing sa ligaw na olibo.

(4) Puno ng Olibo. Ang mga hindi sumasampalatayang Hudyo ay hindi bahagi ng puno ng olibo. Ang mga ito’y naputol. Dahil dito, ang bansang Israel ay hindi dapat sa paningin bilang puno ng olibo. Ngunit ang puno ng olibo ay dapat na kumatawan sa ilang aspeto ng Israel, dahil, para sa mga mananampalatayang Hudyo, ito ang kanilang sariling puno ng olibo.

Ang puno ng olibo ay kumakatawan sa nalalabing Israel. Ang ideyang ito ay lubos na itinataguyod ng konteksto ng sipi. Antimano, nabanggit ni Pablo ang tunay na Israel (9:6), ang nalalabi ng Israel (9:27, 11:5), ang mga hinirang ng Israel (11:7).

Nalalabing Israel = Ang Iglesya

Ang puno ng olibo ay kumakatawan sa nalalabing Israel, ngunit ito rin ba ay kumakatawan sa Iglesya? Ang puno ng olibo ay isang pangkat ng mga Hudyo at mga Hentil na ginawang banal ng Mesias. Mayroong ding isang tumpak na paglalarawan ng Iglesya (Efeso 3:6). Sa talinghaga ng puno ng olibo, si Pablo ay nagsulat para sa mga mananampalatayang Hentil (Roma 11:13), mga kasapi ng Iglesya. Gayunman, ang konteksto ng talinghaga ng puno ng olibo ay hindi ang Iglesya sa pakahulugan nito. Sa sulat ni Pablo sa mga taga-Roma, ang unang paggamit ni Pablo ng iglesya (ekklesia) ay nagmula sa Kabanata 16 (mga berso 1, 5, 23), kung saan tinutukoy ang mga lokal na pagtitipon, hindi ang buong katawan ng mga mananampalataya. Ang konteksto ng talinghaga ng puno ng olibo ay ang nalalabing Israel (Roma 11: 5, 7)—“ang mga likas na sanga sa sarili nitong puno.” (11:24).

Kung nilimitahan ni Pablo ang kanyang paglalarawan ng puno ng olibo sa bayan ng Hudyo lamang, ang nalalabing Israel ay maaaring isang bagay na hiwalay mula sa Iglesya, o isang bagay na inilagay sa Iglesya. Sapagkat ang mga mananampalatayang Hentil ay isinama sa puno ng olibo, gayunman, malinaw na ang nalalabing Israel ay hindi limitado sa mga pisikal na Hudyo lamang, ngunit sa halip, naglalaman ng parehong tinubos na mga tao na mga kasapi ng Iglesya.

Ang talinghaga ng puno ng olibo ni Pablo ay pareho sa kanyang talinghaga ng katawan ng tao (Roma 12:4-5; 1 Conrinto 12:12). Ang katunayan na ginamit niya ang dalawang talinghaga nang napakalapit sa isa’t isa (Roma 11 at 12) ay nagpapakita na siya ay nagsasalita sa parehong pangkat ng mga tao. Sa talinghaga ng katawan ng tao, ang Mesias ay ang ulo na nagbibigay ng direksyon sa nalalabi ng katawan. Pareho din sa talinghaga ng puno ng olibo, ang puno ay nakakakuha ng kabuhayan at batis mula sa Mesias. Sa parehong talinghaga, ang pagiging kasapi ay parehong Hudyo at Hentil. Para sa isa: mga bahagi ng katawan ng Hudyo at Hentil; para sa iba: mga sanga ng Hudyo at Hentil.

Ang ikatlong talinghaga ay ang espiritwal na templo na parehong nabanggit nila Pablo at Pedro (Efeso 2:19-22; 1 Pedro 2:4-6). Narito, ang Mesias ay ang punong pundasyon at ang mga tinubos na bayan (Hudyo at Hentil) ay mga nabubuhay na bato na bumuo ng isang espiritwal na edipisyo. Lahat ng tatlong talinghaga—puno ng olibo, katawan ng tao, espiritwal na templo—ay nagsasabi ng isa at ang kaparehong pangkat ng mga tinubos na Hudyo at Hentil. Ang pangkat na ito ay maaaring tukuyin bilang Iglesya, ang Pagtitipon, ang Kongregasyon, ang Katawan ng Mesias, ang Katawan ni Kristo, ang sambahayan ni Yahuwah—na ang mga mananampalatayang Hentil ay hindi na mga dayuhan (1 Timoteo 3:15; Efeso 2:19), o ang nalalabing Israel—na ang mga mananampalatayang Hentil ay isinama na (Roma 11:17).

Ang Iglesya: Bago at Hindi Bago

pinuputol ang maliit na sanga ng puno ng oliboAng Iglesya ay bago. Sa mga Kasulatan ng Bagong Tipan, ang kauna-unahang banggit sa Iglesya ay matatagpuan sa Mateo 16:18, kung saan sinabi ni Yahushua ang pagtatayo ng Kanyang Iglesya. Kaya, ang Iglesya ay isang bagong pagsasagawa, tiniyak dahil ito ang kongregasyon ng Mesias na itatayo Niya sa batayan ng Kanyang nagbabayad-sising kamatayan at muling pagkabuhay. Gaya ni Moises na naghatid sa iglesya (ang mga Israelita) na pisikal na pinalabas ng Egipto, ang Mesias ay dadalhin ang Kanyang iglesya na espiritwal na palalabasin sa mundo, upang bumuo ng isang espiritwal na pagtitipon kabilang ang parehong Hudyo at Hentil.

Ang Iglesya ay bago rin tungkol sa pangako ng nananahang Espiritu ng Bagong Tipan (Ezekiel 36:24-26; Jeremias 31:31-33). Ang mahiwagang aspeto ng Iglesya ay ang mga hindi Hudyo ay makakatanggap rin ng Espiritu at ilalagay sa loob ng kaparehong katawan (kasama ang mga mananampalatayang Hudyo) sa pamamagitan ng Espiritu (Mga Gawa 10:45, 15:8; Efeso 2:19-3:6). Ito ay isang hiwaga dahil ang Bagong Tipan at ang pagdating ng Espiritu ay ipinangako lamang para sa sambahayan ng Israel at sambahayan ng Juda (Jeremias 31:31,) hindi para sa mga Hentil. Kaya, ito ay nakatago sa Lumang Tipan, matipid, gaya sa tipan na ibinigay kay Abraham, na ang binhi (ang Mesias) ay magiging isang pagpapala sa lahat ng bansa.

Ngunit ang Iglesya ay hindi bago. Ang Iglesya ay hindi bago dahil ito lamang ay isang nalalabing Israel. Ang ilan sa mga tao ay inaangkin na ang puno ng olibo ni Pablo ay ang Iglesya, habang ang iba ay inaangkin na ito ay ang Israel. Subalit kapag nakikita ito bilang nalalabing Israel ay nalutas na ang problema. Ang puno ng olibo ay ang nalalabing Israel at ito ang Iglesya, dahil ang Iglesya ay ang nalalabing Israel. Ang dagdag na suporta para rito ay nagmumula sa talumpati ni Pedro sa Mga Gawa 3. Habang nagsasalita sa mga hindi sumasampalatayang Hudyo, ipinahayag niya na si Yahushua ay isang katuparan ng Mosaikong propesiya:

Sinabi nga ni Moises, “Si Yahuwah ninyong Elohim ay pipili mula sa inyong mga kababayan ng isang propetang gaya ko. Sundin ninyo ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Ang sinumang hindi makikinig sa propetang iyon ay ititiwalag sa bayan ni Yahuwah at pupuksain.” (Mga Gawa 3:22-23; dinagdag ang italiko)

Kapag ang isang Hudyo ay naniwala kay Yahushua at isinilang sa Espiritu, siya ay magiging isang kasapi ng Iglesya, ang Katawan ni Kristo. Gayunman, kapag ang isang Hudyo ay hindi naniwala kay Yahushua, siya ay “ititiwalag” (puputulin – ang kaparehong wika na ginamit sa paglalarawan ni Pablo sa puno ng olibo) mula sa bayan ng Hudyo. Ipinapakita nito na hindi lamang si Pablo, kundi pati si Pedro rin, ay nakita ang Iglesya na katumbas ng nalalabing Israel.

Ang katunayan na ang Iglesya ay ang nalalabing Israel ay pinatunayan sa pangalan ng walang hanggang tahanan ng mga mananampalataya (ang Bagong Jerusalem), sa mga tarangkahan ng tahanang iyon (ang mga pangalan ng labing-dalawang tribo ng Israel), sa mga haligi ng tahanang iyon (ang labing-dalawang apostol ni Yahushua), at sa Taong nakaupo sa trono ng tahanang iyon (Yahushua, ang Hari ng Israel, Siya mismo na isang Israelita).

Dahil ang Iglesya ay ang nalalabing Israel, si Pablo—tiyak na isang kasapi ng Iglesya—ay maaaring sabihin na siya ay isang mananampalataya kay Yahushua, siya ay bahagi ng nalalabing Israel (Roma 11:1-5). Dahil ang Iglesya ay ang nalalabing Israel, maaaring sabihin ni Pablo na ang mga mananampalatayang Hentil kay Yahushua ay isinama tungo sa nalalabing Israel (Roma 11:17). Dahil ang Iglesya ay ang nalalabing Israel, kapwa sila Pablo at Pedro ay parehong maaaring sabihin na ang mga Hudyo na hindi tinanggap si Yahushua ay ititiwalag mula sa Israel (Roma 11:17; Mga Gawa 3:23). Dahil ang Iglesya ay ang nalalabing Israel, maaaring sabihin ni Pablo na ang mga mananampalatayang Hentil ay “kabilang sa sambayanang Israel” at hindi na “mga dayuhan sa mga tipan ng pangako” (Efeso 2:12). Dahil ang Iglesya ay ang nalalabing Israel, maaaring sabihin ni Pablo na ang mga mananampalatayang Hentil: “hindi na kayo mga dayuhan at mga banyaga, kundi kayo’y kabilang sa sambayanan ng mga banal at mga kaanib sa sambahayan ni Yahuwah” (Efeso 2:19).

Ang mga patotoong ito ay mawawalan ng saysay kung ang Iglesya ay isang ganap na bagong proyekto, ganap na hiwalay mula sa o pagpapalit ng nalalabing Israel.

Pagwawakas

Sa loob ng mahabang panahon, mayroong isang hindi tamang pagkakaiba sa pagitan ng Israel at ng Iglesya. Ang pagkakamaling ito ay naganap para sa dalawang dahilan: (1) Mapapansin agad ng mga tao na tama ang pagkakaiba ng Bibliya sa pagitan ng Hudyo at Hentil, ngunit pagkatapos ay mali sa kaisipan na ang Israel ay katumbas ng Hudyo at ang Iglesya ay katumbas ng Hentil. Ang parehong Israel at Iglesya ay naglalaman ng parehong Hudyo at Hentil, at ang pagkakaiba sa pagitan ng Hudyo at Hentil ay hindi katumbas sa isang pagkakaiba sa pagitan ng Israel at ng Iglesya.

(2) Kapag sinasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng Iglesya at ng Israel, ang mga tao ay bigo na gumawa ng nararapat na pagkakaiba sa pagitan ng bansang Israel at nalalabing Israel. Ang nalalabing Israel ay isang espiritwal na katawan, at ang bansang Israel ay hindi ganito.

Ang mga mananampalatayang Hentil ay isinama sa nalalabing Israel, na ang banal na ugat ay ang Mesias. Ang mga mananampalatayang Hentil ay kinuha ang lugar ng mga Hudyo na hindi sumampalataya, ngunit ang mga Hentil sa kabuuan ay hindi pinalitan ang mga Hudyo sa kabuuan. Tanging bahagi lamang ng Israel ang nagmatigas (Roma 11:25). At si Yahuwah ay nagawang ibalik ang mga Hudyo tungo sa nalalabing Israel o ang Iglesya na pinaniwalaan nila (Roma 11:23).

Ang tamang pagkakaunawa ng Israel at ng Iglesya ay hindi ang alinman sa kahalili na teolohiya o pagbubukod na teolohiya. Ang Iglesya ay hindi pinalitan ang bansang Israel. Ang bansang Israel ay hindi kailanman ang isang espiritwal na katawan ng mga tao, kundi isa lamang bansa ng mga naligtas at naligaw, gaya ng lahat ng ibang bansa. Hindi rin pinalitan ng Iglesya ang nalalabing Israel. Itinuring ni Pablo ang kanyang sarili bilang bahagi ng nalalabing Israel (Roma 11:1-5), bahagi ni Kristo (Roma 9:3), at bahagi ng Iglesya (Efeso 5:29-30). Ipinapakita nito na ang Iglesya, ang Katawan ni Kristo at ang nalalabing Israel ay magkasingkahulugan.

Dahil dito, ang Iglesya ay hindi hiwalay mula sa nalalabing Israel. Ang Iglesya ay ang nalalabing Israel. Sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo, ang mga mananampalatayang Hentil ay kasali na mula sa pagiging sambahayan ng Israel at hindi na mga dayuhan sa mga tipan ng pangako (Efeso 2:12). Sila’y isinama na tungo sa Iglesya, isang puno ng olibo na likas sa mga Hudyo ngunit hindi likas sa mga Hentil. Para sa kadahilanang ito na si Pablo ay hinikayat ang kanyang pagbabasa para sa mga Hentil na hindi maging mapagmataas ukol sa kanilang pagiging kasapi sa loob ng Iglesya (Roma 11:20).

magkayakap na matandang magpares


“Remnant Theology | A different Perspective on the Church and Israel”

ni John Gay. http://www.leaderu.com/theology/remnanttheo.html

1 Ang “Diyos” ay pinalitan sa buong artikulo ng pangalang Yahuwah

2 Ang pangalang “Hesus” ay pinalitan sa buong artikulo ng pangalang Yahushua.