Print

Kamatayan At Imortalidad

Kamatayan At Imortalidad

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ang simbahan ay palaging itinuro sa akin na ang mga Kristyano ay tumutungo sa langit sa kamatayan at ang mga hindi Kristyano ay tumutungo sa impyerno. Wala akong dahilan na batikusin ito hanggang ang pinakahuling artikulo mula sa isang blog na sinusundan ko ay dumating sa aking mailbox. Sinuri ko ang unang kakaunting linya. Ang daliri ko ay umaaligid sa pindutang tanggalin nang mas madalas, lalo na kapag nababalisa sa erehya. Narinig ko na ang mga uri na ito. Ang mga ito’y hindi maaaring makitungo sa anong sinabi ng Bibliya tungkol sa walang hanggang pagdurusa at nais na gawing malambot si Yahuwah sa kasalanan. Gayunman, ang salita sa email ay nahuli ang aking atensyon: “mga repormista.” Ilan sa mga repormista ay hindi naniniwala sa tradisyonal na pananaw ng buhay matapos ang kamatayan, at mayroon akong ilang respeto sa mga repormista, ang aking daliri ay hindi bumagsak sa pindutan. Binabasa ko pa ang artikulo at naunawaan na ang dalawang naiiba ngunit magkaugnay na pananaw ay iminungkahi. Una, ganap tayong patay hanggang sa muling pagkabuhay. Ikalawa, ang impyerno ay hindi walang hanggang pagdurusa. Ako’y may bukas na kaisipan sa unang pananaw ngunit hindi gaano sa ikalawa. Gayunman, ang banggit ng mga repormista ay nag-intriga sa akin.

naglalagablab-na-apoy-ng-impyerno

Ito ay sa ilang pag-aalinlangan na nagsimula akong siyasatin ang paksang ito. Naramdaman kong mali na batikusin ang pagtuturo ng simbahan; sa totoo lang, ito’y lubos na erehe. Natandaan ko ang tanyag na teologong Anglikan na si John Stott na ipinahayag patungo sa pagwawakas ng kanyang buhay na siya ay hindi na naniniwala sa walang hanggang pagdurusa. Ito’y nagdulot ng kaguluhan sa ilang kabilugan ng simbahan sa panahong iyon. Tinalakay ko ito kasama ang aking kaibigan sa lalong madaling panahon pagkatapos. Kami’y parehong nagtaka kung paano ang isang matalinong teologo ay maaaring pahintulutan ang kanyang sarili na malinlang matapos ang ganoong natatanging karera. Syempre, pareho naming nalalaman ang mas mabuti o naiisip lang naman. Subalit ang patotoo ay hindi ako kailanman tumingin tungo sa isyu mula sa isang Biblikal na pananaw at umaasa lamang sa pagtuturo mula sa pulpito.

Gayong binabasa ko ang tungkol sa paksang ito sa Bibliya, malinaw na babalik tayo sa alabok ng lupa sa kamatayan. Ito ay isang hindi nagbabagong mensahe sa buong Lumang Tipan, at ang kaisipang Hebreo ay hindi kailanman nagbubulay-bulay ng anumang bagay na naiiba. Ang larawang ito ng kamatayan ay nagpatuloy sa Bagong Tipan. Ang kamatayan ay inilarawan nang ilang beses bilang natutulog kay Kristo hanggang sa muling pagkabuhay, kapag ang mga mananampalataya ay binigyan ng imortalidad, na hindi nabibilang sa atin sa kalikasan. Tanging ang Griyegong impluwensya ay matagumpay na pinatungan ng ikalawang pagpapaliwanag ng mga ideya ng imortalidad at walang hanggang pagdurusa tungo sa isang minorya ng mga sipi mula sa Bagong Tipan. Plano kong pakitunguhan ang ilan sa mga ito nang nakabubuo sa artikulong ito.

Natutulog Kay Kristo

Ang paksa ng anong nagaganap sa kamatayan ay kakaiba sa simbahan. Ang mga paglilingkod sa paglilibing ay itinatampok ang suliraning ito nang partikular na mabuti kapag, sa isang tangka na bigyan ng kaluwagan ang mga kamag-anak, ang mga tagapaglingkod ay madalas na sinasabi ang tungkol sa namatay na “sumakabilang-buhay” o nasa “isang mas mabuting lugar.” Habang ito ay maaaring magdala ng ilang kaaliwan, ito’y sa huli na nakaliligaw dahil ang Bibliya ay hindi kailanman na sinasalita ang tungkol sa kamatayan sa paraang ito.

Malinaw ang Lumang Tipan na kapag tayo’y namatay, babalik tayo sa alabok ng lupa (Genesis 3:19). Ganap tayong mamamatay. Wala nang mas simple pa. Ang salitang Hebreo para sa kaluluwa (nephesh) ay nangangahulugan na ganap na pagkatao, hindi ilang bahagi na pinaghiwalay sa kamatayan. Gayunman, dahil sa impluwensya ni Plato at ibang Griyegong pilosopo, itinuro sa atin na ang ating mga kaluluwa ay imortal at iyon sa paanuman ay naaanod sa lahat ng walang hanggan, ito man ay sa langit o sa impyerno.

kabayong-troyano

Ang huwad na doktrinang ito ay isang kabayong Troyano na pumasok sa maagang simbahan upang dalhin ang Kristyanismo sa pagkakahanay sa bawat ibang relihiyon. Ito’y nagpatuloy upang magbunga ng nabubulok na bunga buhat noon. Kung wala ang huwad na doktrinang ito sa kinalalagyan nito, ang Simbahang Katoliko ay hindi magagawang iligaw ang publiko sa ganoong dakilang antas sa ma-idolatryang pagsamba nito kay Maria, ang mga panalangin nito sa mga santo, at ang banta ng purgatoryo o maging ang impyerno. Ganon din ang samahan ng bagong panahon ay hindi magtatagumpay sa pag-akit sa marami sa mga pangako nito ng muling pagkakatawang-tao at paghahanap ng imortal na “diyos sa loob.” Ang Budismo, Hinduismo, at Islam ay gumagawa ng mga kaparehong pangako. Tiyakan, ang huwad na angkin na ang ating mga kaluluwa ay patuloy na nabubuhay matapos ang kamatayan ay nasa puso ng bawat huwad na relihiyon. Sa kasamaang-palad, ang simbahang Kristyano ay niyakap ang kaparehong angkin mula sa ikaapat na siglo AD at nagpapatuloy dahil sa pagpapakilala ng hindi Biblikal na mga kredo ng simbahan at pamimilit ng mga awtoridad. Ang paksang ito ay dapat na ikaiba ang Kristyanismo mula sa bawat ibang relihiyon, ngunit hindi ganito.

Ang kamatayan ay panghuli. Kung si Yahuwah ay hindi muling binuhay si Yahushua mula sa libingan, siya ay nananatiling patay ngayon, ganap na patay, hindi umiiral. Gayundin, kapag tayo’y namatay, tayo’y titigil rin sa pag-iral. Hindi natin maaaring hadlangan ang proseso ng kamatayan sa paanuman sa pagtungo sa langit. Tanging si Yahuwah ang maaaring magdala sa atin pabalik sa buhay. Kaya kapag namatay, tayo’y ganap na nakabatay sa muling pagkabuhay. Ang Bibliya ay inilalarawan ang kamatayan bilang “natutulog kay Kristo” sa mga berso gaya ng 1 Corinto 15:18: “Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Kristo ay pawang nangapahamak.” Para sa Kristyano, ang pagkatulog ay isang marahil na paglalarawan ng kamatayan dahil sa kabila ng pagiging patay sa bawat diwa ng salita, maaari tayong magkaroon ng ganap na tiwala na tayo’y muling ibabalik sa buhay sa muling pagkabuhay, gaya ng tayo’y may katiyakan ng paggising mula sa likas na pagkakatulog. Ang mga batayang termino ay ginamit upang bigyang-kahulugan ang pananaw na ito bilang “pagkatulog ng mga patay,” “natutulog na kaluluwa,” o “kondisyonal na imortalidad.” Sa kalikasan, tayo’y mga mortal. Tayo’y magiging imortal lamang dahil iginagawad ni Yahuwah ang buhay na walang hanggan bilang isang kaloob para sa Kanyang kagalakan.

Sa panahon ng Repormasyon, gaya nila Luther at iba pa na unang sumandal sa pananaw na ito ng pagkatulog ng mga patay. Gayunman, si Calvin ay malakas na sumasalungat at sa halip ay itinuro ang doktrina ng intermedya, na naging mas pangkalahatang tinanggap at nananatiling laganap sa mga tradisyonal na simbahan ng kasalukuyan. Ito ang ideya na bagama’t ang katawan ay namamatay, ang kaluluwa ay tumutungo sa langit sa isang estado ng walang katawan. Ito’y maayos na tinatanggap ang panukala ng patay sa alabok ng lupa ngunit sabay na buhay sa langit. Hindi ito makatuwiran sa anumang diwa, pero ating isaalang-alang ang ilang Biblikal na sipi na ginamit sa pagtanggol nito.

Ang Mga Kaluluwa Sa Ilalim Ng Altar

Ang mga kaluluwa sa ilalim ng altar, nakita ni Juan sa Pahayag 6:9, ay madalas sinipi bilang suporta ng doktrina ng intermedya, ang implikasyon na mayroong isang eksena bago ang muling pagkabuhay kung saan ang mga kaluluwa ay umiiral na sa langit. Ngunit ito lamang ay isang larawan ni Yahuwah na nagpapahayag na Siya ay hindi nakakalimutan ang mga naging martir para sa pangalan Niya, kapareho sa larawan sa Genesis 4:10, kung saan ang dugo ni Abel “dumadaing” ng katarungan. Isa pa, sa Hebreo 12:24, ang dugo ni Yahushua ay “nagsasalita” nang mas mabuti kaysa sa dugo ni Abel. Halata na, alinman sa mga larawang ito na ang dugo ay dumadaing o nagsasalita, ganon din sa eksena mula sa Pahayag, hindi dapat natin ipagpalagay na ang mga ito ay “mga imortal na kaluluwa.” At saka, ang mga kaluluwa na wala ang katawan ay marahil hindi nakikita ni Juan.

Dagdag pa sa Pahayag 6:11, sinabi kay Juan na ang mga kaluluwang ito (iyon ay mga tao) ay marapat na natutulog nang medyo matagal pa. Nalalaman natin na ang kamatayan ay madalas tinukoy bilang pagkatulog, kaya sinabi kay Juan rito na ang mga martir na ito ay mananatiling patay sa ngayon, sa kabila ng malinaw na layunin ni Yahuwah na maghiganti sa mga pumatay sa kanila. Nakikita ni Juan ang isang kaparehong larawan ng mga martir sa Pahayag 20:4, ngunit sa panahong ito, kapag ang isang libong taon ay magsisimula na, nakikita ni Juan ang mga kaluluwa (mga tao) na dumating sa buhay. Ito ay mahalaga. Ang isang kaluluwa ay hindi maaaring bumalik sa buhay kung ito ay buhay na.

Nawawala Mula Sa Katawan

Isa pang tanyag na sipi ang ginamit bilang ebidensya para sa estado ng intermedya ay matatagpuan sa 2 Corinto 5. Ang berso 8 ay madalas sinipi nang mali bilang “ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon,” ngunit ito ay isang maling pagbabasa. Sa halip, ang berso ay sinasabi na si Pablo “ay pipiliin na mawala mula sa katawan at mapasa tahanan na kasama ang Panginoon,” na nagpapakilala ng isang lubos na naiibang diwa. Hinihiling ni Pablo na mawala mula sa katawan. Hinihiling din ni Pablo na mapasa tahanan kasama ang Panginoon. Hindi niya tinatanggihan ang isang panahon ng kamatayan sa pagitan. Ang malinaw na maka-Kasulatan na saksi ay ang patay na natutulog at walang nalalaman hanggang muling pagkabuhay. Ang mga berso gaya ng 1 Corinto 15:53 ay nagpapatotoo rito. Mababasa natin na “itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan,” nagpapaalala sa atin na tanging sa panahon lamang kapag natanggap natin ang mga espiritwal na katawan ay magmamana tayo ng buhay na walang hanggan.

nawawala-mula-sa-katawan

Sa siping ito mula sa 2 Corinto 5, malinaw na inilalarawan ni Pablo ang tatlong estado. Ang unang estado ay ang ating makalupang tolda (o makalupang katawan), sa berso 1. Ang ikalawang estado ay ang ating hubad na estado (o kamatayan), sa berso 3 at 4a. Ang ikatlo ay ang ating bihis na estado (o estado ng muling pagkabuhay), sa berso 4b. Si Pablo ay hindi nagpapahiwatig na matatanggap natin ang isang makalangit na katawan nang direkta matapos ang kamatayan. Kabaligtaran, siya’y nagpapahiwatig ng katunayan ng kamatayan, o pagiging hubad, sa berso 4a bilang isang bagay na wala sa atin ang nagnanais ngunit hindi maiiwasan para sa karamihan. Ang kanyang punto ay sa pagkamatay sa sanlibutang ito, maaari siyang hubad (patay) at, dahil dito, isang hakbang na mas malapit sa tiyak na muling pagkabuhay na ipinangako ni Yahuwah.

Nalalaman natin mula sa Mga Mangangaral 9:5, 10 na ang patay ay walang bagay na nalalaman. Dahil dito, bagama’t hindi natin hinihiling na maging patay, ito ay kahit papaano nagbibigay ng kaaliwan na manahan sa katiyakan na tayo’y walang malalaman tungkol rito hanggang sa ating susunod na pagkamalay ng kaisipan sa muling pagkabuhay.

Ang Magnanakaw Sa Krus

Ating isaalang-alang ang magnanakaw (o kriminal) sa krus sa Lucas 23:32-43 sa mga kaagapay na talaan sa ibang mabuting balita. Ang magnanakaw ay nakiusap kay Yahushua na alalahanin siya kapag bumalik si Yahushua sa kanyang Kaharian. Ang tradisyonal na pagbabasa ay tinitiyak ni Yahushua sa kanya na sila’y parehong magsasama sa paraiso sa kaparehong araw na iyon.

nagsisising-magnanakaw-sa-krusDapat tayong tumigil muna at magpaaninag sa kalikasan at tiyempo ng Kaharian ni Yahushua. Hindi naunawaan ni Yahushua ang paraiso bilang isang lugar ng mga patay kundi isang sanggunian sa bagong sanlibutan, ang kanyang panghinaharap na Kaharian, na itatatag sa lupa sa katapusan ng panahong ito at si Yahushua ang hari. Sa mga mabuting balita, itinuro ni Yahushua ang tungkol sa panghinaharap na Kaharian sa lupa. Patuloy niyang ipinahayag ang parirala sa Marcos 1:15: “Malapit na ang Kaharian ni Yahuwah: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa Ebanghelyo.” Ang Ebanghelyo (mabuting balita) ni Yahushua ay ang pagdating ng bagong Kaharian. Ang bagong Kaharian na ito ay wala pa sa ngayon ngunit darating sa tamang panahon. Ang Lumang Tipan ay paulit-ulit na tinutukoy ang panghinaharap, makalupang Kaharian na ito bilang isang lugar kung saan ang lahat ng mga bagay ay pinagbagong-loob, kapansin-pansing inilarawan sa mga aklat nila Isaias, Ezekiel, Daniel, Awit, at saanman pa. Ang Pahayag 11:15 ay nagsasalita kung kailan ang Kaharian na ito ay tuluyang igagawad kay Panginoong Yahushua at mga hinirang: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Kristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man” (tingnan rin ang Daniel 7:27).

Samantala, ang mundo ay patuloy na nasa mga kamay ni Satanas. Ang kritikal na punto rito ay si Yahushua ay hindi dumating sa kanyang Kaharian sa araw na namatay siya sa krus. Una, ganap siyang namatay hanggang sa siya’y ibinalik sa buhay, tatlong araw ang nakalipas sa kanyang muling pagkabuhay. Ikalawa, ang pamana ni Yahushua ng makalupang Kaharian ay isang panghinaharap na kaganapan. Dahil dito, ang tradisyonal na pagpapaliwanag ng siping ito ay gumagawa ng walang saysay. Nalalaman ni Yahushua na mapupunta siya sa estado ng kamatayan sa araw na iyon, kaya maaari niya hindi pangakuan ang magnanakaw na sila’y magkakasama sa paraiso sa kaparehong araw na iyon. Isang bagay ang mali. Ang salarin ay ang pagkakalagay ng isang kuwit na hindi umiiral sa orihinal na Griyego. Ang berso ay maaari sa isipan na parehong basahin bilang “Sasabihin ko sa iyo ngayon [isang karaniwang wika ng panahon], makakasama mo ako sa paraiso,” na, ibinigay sa anumang nalalaman natin tungkol sa kawakasan ng kamatayan at tiyempo ng panghinaharap na Kaharian ni Yahushua, na walang duda na nilayong kahulugan sa likod ng madalas mali ang pagkakaunawa na berso na ito. Tingnan rin ang Mga Gawa 20:26: “Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo…”

Enoc

Maaaring ipahiwatig ng Genesis 5:24 na si Enoc ay kinuha sa langit nang hindi namamatay noong ipinapahayag nito, “sapagkat kinuha siya ni Yahuwah.” Ang berso ay huling isinangguni sa Hebreo 11:5, na nagsasalita na si Enoc na hinatid kaya hindi niya makikita ang kamatayan. Posible na si Enoc ay kinuha sa isang ligtas na lokasyon na malayo sa panganib, ngunit ang wika ay hindi malinaw. Gayunman, nalalaman natin na namatay si Enoc sa karaniwang kamatayan dahil ang Hebreo 11:13 ay nagpapaalala sa atin na ang lahat ng taong nakalista, kabilang si Enoc, ay “namatay nang sumasampalataya.” Namatay si Enoc gaya ng lahat.

Elias

eliseo-at-elias

Marami ang naniniwala na si Elias ay kinuha patungo sa langit sa 2 Mga Hari 2:11. Ang salitang Hebreo para sa langit rito (shamayim) ay maaari lamang isinalin bilang “himpapawid,” nagpapahiwatig na si Elias ay maaaring inilipat lamang sa isang naiibang lokasyon sa himpapawid gaya ni Felipe sa Mga Gawa 8:39. Kasunod ng pag-akyat ni Elias, nagsasalita si Eliseo kay Haring Josaphat sa Mga Hari 3:13, kaya nalalaman natin na si Haring Josaphat ay buhay matapos ang pag-akyat ni Eliseo sa himpapawid. Subalit ipinapahayag ng 2 Paralipomeno 21:12 na ang anak ni Josaphat na si Joram ay natanggap ang isang sulat mula kay propeta Elias. Ito ay pangwakas na ebidensya na si Elias ay nabuhay nang lagpas sa kanyang pag-akyat. Hindi siya kinuha sa langit gaya ng karaniwang pinaniwalaan. Ito ay kinumpirma sa Juan 3:13: “At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit.”

ang-manggagaway-ng-endorAng Manggagaway Ng Endor

Ang kwento ng manggagaway ng Endor sa 1 Samuel 28 ay naglalarawan ng tangka ni Saul na makipag-usap sa patay sa pamamagitan ng isang tagapamagitan (berso 7). Kakaunting Kristyano ngayon ang naniniwala na ang isang tagapamagitan ay maaaring tumawag ng patay, kaya hindi dapat nating ipalagay na ang tagapamagitan ni Saul ay may kakayahan ng anumang naiiba. Ito ay isang kaso ng demonikong pagbabalatkayo. Nagkonsulta si Saul sa isang demonyo sa pamamagitan ng tagapamagitan, na nagkumpirma nito sa pagsasabi na nakita niya ang isang banal (espiritwal) na nilalang na lumabas sa lupa sa berso 13. Ang patay ay patay at walang nalalaman. Nalinlang si Saul, gaya ng marami na parehong nalinlang ng mga tagapamagitan ngayon.

Ang Pagbabagong-Anyo

Sa Mateo 17, mababasa natin ang pagbabagong-anyo ni Yahushua, isang eksena ni Yahushua sa kanyang muling binuhay, espiritwal na katawan na nagsasalita kasama sina Moises at Elias. Ito ay isang pangitain (Griyegong drama, Mateo 17:9) ng isang panghinaharap na kaganapan dahil si Yahushua ay hindi natatanggap ang kanyang espiritwal na katawan hanggang matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Sina Moises at Elias ay nananatiling patay hanggang matanggap nila ang kanilang mga espiritwal na katawan sa pagbabalik ni Yahushua. Si Yahushua ang panganay mula sa mga patay (Colosas 1:18). Walang sinuman ang muling nabuhay sa imortalidad bago siya, at walang sinuman buhat noon. Ang layunin ni Yahuwah sa pangitain na ito ay para hikayatin at palakasin si Yahushua sa pagbibigay sa kanya ng isang sulyap ng kanyang panghinaharap na pamana habang papalapit ang pinakamabangis na antas ng kanyang makalupang tungkulin. Sina Moises at Elias, kapwa kumakatawan sa kautusan at mga propeta, ay dumaan sa ilan sa mga paghihirap na mararanasan din ni Yahushua. Ipinaalala kay Yahushua kung ano ang nabasa niya tungkol sa dalawang dakilang tao na ito sa Banal na Kasulatan. Ang pagbabagong-anyo ay isang pangitain ng panghinaharap na Kaharian ni Yahushua, isang propesiya ng kanyang itinaas na estado na nilinaw sa 2 Pedro 1:18-19: “At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok. At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula.”

Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng iba’t ibang sanggunian sa patay na bumabalik sa alabok ng lupa matapos ang kamatayan. Sa 1 Mga Hari 2:10, mababasa natin na si David ay tumungo sa pagkakatulog kasama ang kanyang mga ninuno. Sinasalita ng Awit 13:3 ang tungkol sa pagtulog sa tulog ng kamatayan, at ang Job 14:12 ay ipinapahayag na ang isang patay na tao ay hindi babangon mula sa pagkakatulog ng kamatayan bago ang muling pagkabuhay. Marami pang ibang ganoong sipi. Ang konsepto ng pagtungo sa langit sa kamatayan ay ganap na banyaga sa mga Hebreo, na matatag na naniwala na sila’y itinadhana na babalik sa alabok ng lupa gaya ng sinabi ni Yahuwah sa Genesis 3:19. Sa Daniel 12:2, mababasa natin na sa isang araw ang patay ay muling bubuhayin tungo sa buhay na walang hanggan: “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.”

Ang temang ito ng pagkatulog ng mga patay hanggang sa muling pagkabuhay ay nagpatuloy sa buong Bagong Tipan gaya sa mga berso na mababasa natin sa 1 Tesalonica 4:16: “Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ni Yahuwah: at ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na maguli.” At ang Pahayag 20:4: “At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Yahushua, at dahil sa salita ni Yahuwah, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Kristo sa loob ng isang libong taon.”

Sinuman ang patay ay patay, o sila’y hindi patay. Sila’y hindi maaaring parehong patay at buhay sa langit. Ang patotoo ay malinaw at matapat kapag tayo’y tumalikod mula sa tradisyon at pahintulutan ang Kasulatan na magsalita para sa sarili nito. Nais ni Yahuwah na malaman natin kung anong mangyayari kapag tayo’y namatay. Ito’y hindi dapat mabalot sa hiwaga. Ang tanging pag-asa natin ay nasa muling pagkabuhay, na magaganap kapag si Yahushua ay bumabalik. Inaangkin na sa anuman na tayo’y buhay sa langit bago ang muling pagkabuhay ay pinapawalang-halaga ang napakadakilang kahalagahan ng muling pagkabuhay bilang ating tanging dakilang pag-asa. Kung tayo’y mamamatay sa kamatayan, pagkatapos ang muling pagkabuhay ay ang tanging pag-asa natin, na nagpapaliwanag sa patuloy na diin at pag-asa nito sa buong Bagong Tipan. Maging kay Yahushua, walang mabilis na daanan sa buhay matapos ang kamatayan. Ang tanging pag-asa ni Yahushua ng buhay matapos ang kamatayan ay ang muling pagkabuhay, at iyon ay para rin sa ating lahat.

pag-asa-kay-Yahushua


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Nigel Page-Jones, Inglatera.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC