Print

Kamatayan ni Yahushua: Pagbuwag sa Kautusan?

Si Satanas ay tinatawag na “ama ng kasinungalingan.” Si Yahushua mismo ay ipinahayag na ang diyablo na “mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. . . . siya'y isang sinungaling, at ama nito.” (Juan 8:44, ADB) Ang panlilinlang, sa mismong likas na pinagmulan nito, ay mahina. Hindi ito magkakaroon katotohanang hinaluan ng kasinungalinganng lakas na taglay ng Katotohanan. Ang kasinungalingan na tumatayong mag-isa ay palaging mabibigong mandaya. Nalalaman ni Satanas ito, kaya pinilipit niya ang mga pandaraya sa patotoo. Kung gaano kalapit sa totoo ang maaari niyang gawan ng pandaraya, mas mapanlinlang ito.

Nalalaman ni Satanas na ang Kautusan ay isang sipi ng banal na katangian ni Yahuwah. Dahil dito, ito ay hindi nagbabago gaya ng Tagabigay ng Kautusan mismo. Nais ni Satanas na ang mga tao ay sirain ang banal na Kautusan ni Yahuwah. Upang magawa ito, dapat niyang linlangin sila sa pag-iisip na ang kautusan ni Yahuwah ay nabago o hindi na kailangang panatilihin. Walang maniniwala sa katawa-tawang kasinungalingang ito kung ito’y hindi hinaluan ng totoo. Kaya sinisipi ni Satanas ang Kasulatan para “patunayan” ang kanyang kasinungalingan. Ang Efeso 2:15 ay isang teksto na madalas kinukuha sa labas ng konteksto bilang patunay na ang banal na Kautusan ay hindi na umiiral. Sa katunayan, ito ay hindi isang kumpletong pangungusap. Ito lamang ay dalawang pariralang kinuha sa labas ng konteksto at binaluktot upang itaguyod ang pandaraya ni Satanas.

. . . Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan . . . . (Tingnan ang Efeso 2:15.)

Ito ay lubos na hindi nakatutugon na ipalagay na ang Ama ng lahat ng makatarungan at makatuwirang Kautusan ay bubuwagin ang sarili Niyang Banal na Kautusan! Walang pantaong pamahalaan ang makakatakbo nang walang mga batas. Gayon din sa banal na pamahalaan. Maaaring si Pablo ang huli na angkinin na ang kautusan ay “natapos na” sa krus sapagkat sinabi niya mismo na:

malyete at iskala“Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.” (Roma 7:12, ADB)

Hindi dumating si Yahushua para buwagin ang kautusan! Sinabi Niya:

“Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.” (Mateo 5:17-19, ADB)

Sakdal na pinanatili ni Yahushua ang banal na Kautusan. Sa pagpapanatili ng banal na Kautusan sa bawat partikular, naghanda si Yahushua ng isang halimbawa na dapat sundin ng lahat.

“Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Yahushua man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:” (1 Pedro 2:21-22)

Palaging itinuturo ng Kasulatan na ang banal na kautusan ay walang hanggan. Ito ay palaging pananatilihin, sa Langit man o sa lupa, sa buong walang katapusang pag-ikot ng walang hanggan. Anumang teksto ng Bibliya na ginamit para “patunayan” ang kautusan ay “napako sa krus” ay binabaluktot ang Kasulatan para itaguyod ang kasinungalingan ni Satanas na ang banal na Kautusan ay hindi na kailangang panatilihin. Ang tamang pagkakaunawa ng Efeso 2:15 ay nagiging malinaw kapag ang buong sipi ay binasa sa konteksto.

Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway . . .

Nguni't si Yahuwah, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Yahushua (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo’y ibinangong kalakip Niya, at pinaupong kasama Niya sa sangkalangitan, kay Kristo Yahushua . . .

Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Hentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay: Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Yahushua, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Yahuwah sa sanglibutan. Datapuwa't ngayon kay Kristo Yahushua kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Yahushua. . . .

Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan; At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan kay Yahuwah sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit. At siya'y naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit. (Tingnan ang Efeso 2:2, 4-6, 11-17.)

Nagsulat si Pablo sa mga Hentil, pinaalala sa kanila na, bago sila maging Mananampalataya, sila’y naglakad “noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito” (berso 2). Ang lakad ng sanlibutang ito ay isa ng mga tradisyong gawa ng tao na humahantong sa pagtatangi at pagiging eksklusibo. Ang mga Israelita ay ilan sa mga pinaka-itinatanging tao sa buong mundo. Plano ni Yahuwah sa Israel na maging “ilaw ng sanglibutan.” (Mateo 5:14, ADB) Sa halip, ang mga Israelita ay naging isang lubos na saradong lipunan, naniniwala sa kanilang pansariling kataasan, iniiwasan ang mga tagalabas. Tinutukoy ni Pablo ang mga pinipiling dibisyon sa pagitan ng iba’t ibang mga tao noong ipinahayag niya: “Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin.” (Efeso 2:2) Ang pagsasagawa ni Satanas ay palaging itinataguyod ang galit, hinala, pagtatangi at dibisyon sa mga tao. Iyon ang “lakad ng sanlibutang ito.” Dumating si Yahushua para dalhin ang pagkakaisa sa banal na Pag-ibig. Siya ay kasundo at tinatanggap sa mga tahanan ng mga mahihirap, gayong Siya ay nasa palasyo ng mga mayayaman. Si Yahuwah ay “hindi nagtatangi ng mga tao: Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa Kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugod-lugod sa Kaniya.” (Mga Gawa 10:34, 35) Ito ay isang konsepto na napakahirap maging sa mga Apostol sa una na maunawaan. Kumuha ito ng isang panaginip mula sa Langit bago si Pedro ay tumuloy sa tahanan ng Hentil, at sa huli, siya ay sumuko sa presyon mula sa ibang Israelita na may kinikilingan.

“Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay nakisalo siya [Pedro] sa mga Hentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Hentil, palibhasa'y natatakot sa mga sa pagtutuli.” (Galacia 2:12, ADB)

pader ng paghihiwalay na sinira ni YahushuaNakikita kung ano ang nangyayari, agad tinigil ni Pablo ang ganoong naghahating kilos. Ang salitang “palatuntunan” kung tinukoy ni Pablo noong sinabi niya ang “kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan” (Efeso 2:15) ay nagmula sa salitang “dogma” (#1378). Ito ang kaparehong “mga tradisyon ng mga matatanda” kung saan tinukoy ni Yahushua noong patulis Niyang tinanong, “Bakit naman ninyo nilalabag ang utos ni Yah dahil sa inyong mga tradisyon?” (Tingnan ang Mateo 15:3.) Ang “kautusan” na tinutukoy ni Pablo sa Efeso 2:15 ay hindi ang banal na Kautusan na inamin ni Pablo na banal, matuwid at mabuti. Tinutukoy ni Pablo ang mga tradisyong gawa ng tao, ang mga mabibigat na pagbabawal na ipinataw ng mga pangrelihiyong lider na nagtuturo sa mga tao na dapat silang magtrabaho sa kanilang landas sa Langit sa pagsunod sa kanilang mga ginawang patakaran. Ang mga ipinataw na pantaong batas at pagbabawal na ito ay higit sa lahat na responsable para sa mga damdamin ng pagtatangi, hinala, galit, at paghihiwalay sa pagitan ng mga Israelita at Hentil. Ang ganitong mga patakarang gawa ng tao ay responsable para sa “pang-gitnang pader ng pagbubukod” sa pagitan ng mga Israelita at Hentil. Ang punto ni Pablo sa Efeso 2 ay si Yahushua ay dumating para tubusin ang lahat ng mga tao saanman. Wala nang isang pader ng pagbubukod sa pagitan ng Israelita at Hentil, lalaki at babae, ligtas at hindi pa ligtas.

“Datapuwa't ngayon kay Kristo Yahushua kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Kristo. Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;” (Tingnan ang Efeso 2:13-15.)

Si Yahushua ay ang sakdal na sagisag ng banal na Kautusan. Dahil dito, sinira Niya ang mga kautusan ng pantaong tradisyon at pagtatangi na ipinataw ng mga mangmang na tao. Ang sukdulang katuparan ng Kautusan ay Pag-Ibig.

“Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.” (Galacia 5:14, ADB)

“Sapagkat ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kapwa, kaya ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.” (Roma 13:10, FSV)

Kay Yahushua, ang lahat ay nagkakaisa sa Pag-ibig. Ang Efeso 2 ay nagsasaya sa bagong natagpuang pagkakaisa at kapatirang pag-ibig na hatid ni Yahushua at ang Kanyang pagpapanatili ng walang katapusan, banal, matuwid at mabuting banal na Kautusan.

Kay YAH walang Silangan o Kanluran,
Sa Kanya walang Timog o Hilaga;
Ngunit isang dakilang pagsasama ng pag-ibig
Sa lahat ng dako ng malawak na daigdig.

Sa Kanya tiyak ang mga tunay na puso saanman
Nahanap nila ang kanilang pakikinabang;
Ang Kanyang paglilingkod ay ang gintong kurdon,
Malapit na nagbibigkis sa sangkatauhan.

Maghawak-kamay, pagkatapos, mga kasapi ng pananalig,
Ano pa man ang iyong lahing pinagmulan!
Siya na naglilingkod sa aking Ama gaya ng Kanyang anak
Ay tiyak na kaangkan ko.

Kay YAH ngayon magsasalubong ang Silangan at Kanluran,
Sa Kanya magsasama ang Hilaga at Timog;
Lahat ng maka-Kristong kaluluwa ay kaisa Niya
Sa lahat ng dako ng malawak na daigdig.

 


Ang Sampung Utos = Ang Sipi ng Hindi Nagbabagong Katangian ni Yahuwah:

 

“Huwag ninyong isiping ako'y [Yahushua] naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta:
ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.”
(Mateo 5:17, ADB)

“Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay,
at makapasok sa bayan [Bagong Jerusalem] sa pamamagitan ng mga pintuan.”
(Pahayag 22:14, ADB)