Print

Kung si Yahushua ay Umiral Bago Isilang, Siya ay Hindi Isang Tao, Juan 17:5

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Kung si Yahushua ay Umiral Bago Isilang, Siya ay Hindi Isang Tao, Juan 17:5

Maraming Trinitaryan ang naniniwala na ang panalangin ni Yahushua sa Ebanghelyo ni Juan 17:5 ay nagpapakita na siya’y umiral bago isilang:

“Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon sa iyong harapan ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.” (MBB)

Gaya ng anumang ibang walang katiyakan na biblikal na sipi, dapat nating isaalang-alang ang konteksto ng pahayag ni Yahushua sa panalangin na ito kay Yahuwah (ang Ama). Gaya ng naunang dalawang pangungusap, naitala sa Juan 17:3, nanalangin si Yahushua kay Yahuwah: “Ama (17:1) . . . ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Eloah at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.” Sa Juan 17:5, dalawang pangungusap matapos sinabi ni Yahushua na ang Ama ang tanging tunay na Eloah (Diyos), magiging kakaiba para kay Yahushua na ipahiwatig na siya rin, mismong si Yahushua, ay Eloah rin.

Ama = Yahuwah

Ang panalangin ni Yahushua sa Juan 17 ay direkta sa “Ama.” Sa Bagong Tipan, ang Ama ni Yahushua ay kasing-kahulugan ni “Yahuwah.” Kapag sinasabi ni Yahushua, “Ama,” ibig niyang sabihin ay “Eloah.” Sa pagdadala ng mga pagpapalagay sa teksto, ang mga Trinitaryan ay tumanaw sa panalangin na ito at nakikita ang “Diyos Anak” na sumasamo sa Diyos Ama upang ibalik ang kaluwalhatian na siya, bilang “Diyos Anak,” ay umiral na bago isilang. Ngunit ang pagpapaliwanag na ito ay mali ang pagkakaunawa sa pagiging Ama ni Yahuwah sa Bibliya. Sa Kasulatan, ang pagiging Ama ni Yahuwah ay isang talinghaga na naglalarawan ng relasyon ng Eloah sa sangkatauhan (Exodo 4:22, Isaias 63:16, Hosea 11:1, Mateo 5:45, 6:9, Juan 20:17). Ayon sa Bibliya, ang pagiging Ama ni Yahuwah ay hindi inilalarawan ang isang metapisikong relasyon ng isang katauhan ng “Ulo ng Diyos” tungo sa isa pa.

Dagdag pa, ang Bibliya ay hindi inilalarawan ang kaluwalhatiang itinadhana para sa Mesias sa kanang kamay ng Makapangyarihang Eloah bilang isang bagay na minsang taglay ng Mesias, na isinuko niya at ibinalik sa kanya. Sa halip, ang pagtataas at kaluwalhatian ng Mesias ay nahulaan sa Lumang Tipan at pagkatapos ay tinupad ni Yahushua. Sinabi ni Yahushua: “Mga hangal! Kay bagal naman ng inyong pang-unawa at hindi pinaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta! Hindi ba’t ang Kristo ay kailangang magdusa ng lahat ng ito bago siya pumasok sa kanyang kaluwalhatian?” (Lucas 24:25-26).

mapanimdim na maitim na babae

Sinasabi ang mga bagay na hindi pa umiiral, na parang ang mga ito’y umiiral

Ang trinitaryang pagpapaliwanag ng Juan 17:5 ay bigo na maunawaan na ang parehong Yahuwah, at Yahuwah, sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, ay nagsasalita ng paunang natukoy (o paunang kaalamang) na mga bagay (at mga tao) na parang ang mga ito’y umiiral na. Tandaan na ang mga salita ni Yahushua sa kaparehong Juan 17 na panalangin na ito sa lilipas na labing-limang berso:

“Nakikiusap ako hindi lamang para sa mga taong ito, kundi para rin sa mga sumasampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita, . . . Ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, upang sila ay maging isa, kung paanong tayo ay iisa” (Juan 17:20-22).

  1. Narito ay sinabi ni Yahushua na ibinigay na sa kanya ang kaluwalhatian na nilayon para sa kanya. Ngunit ang kanyang kaluwalhatian ay hindi pa literal na ibinigay sapagkat hindi pa namatay si Yahushua, binangon at tinaas sa kanang kamay ng Makapangyarihang Yahuwah (Lucas 24:25-26). Sinabi ni Yahushua na ibinigay na ang kaluwalhatian dahil nalaman niya na ipinangako ni Yahuwah ang kaluwalhatian. Ang paggagawad ng kaluwalhatian ay “mabuting natupad na,” kaya si Yahushua ay maaaring makapagsalita ukol rito na parang taglay na niya ito.
  2. At maaaring makapagsalita ng kaluwalhatian si Yahushua na ibinigay niya sa mga tao na hindi pa sumasampalataya sa kanya, Para sa ilan sa mga tao na iyon, ibinigay na niya Yahushua ang kaluwalhatian na hindi pa umiiral noong sinalita ni Yahushua ang mga salitang ito. Gaya ni Yahuwah na ibinigay na ang kaluwalhatian sa Mesias bago pa siya isilang, narito ay sinasalita ni Yahushua ang kaluwalhatian sa mga tao bago pa literal na umiiral.
  3. Ang tinatawag na “pagkadiyos ni Kristo” na mananampalataya ay iginigiit ang kaluwalhatiang taglay ni Yahushua at isinuko ang kanyang kaluwalhatian bilang si Yahuwah. Ngunit sinasabi ni Yahushua ang kaparehong kaluwalhatian na ipinagkaloob (na) ng Ama sa kanya, ipinagkaloob (na) ni Yahushua sa ilang tao na hindi pa isinisilang. Hindi ba patunay na ang kaluwalhatian na ibinigay ni Yahuwah kay Yahushua ay hindi ang kaluwalhatian ni Yahuwah?

Patuloy na binabasa ang mga sumusunod na berso, sa Juan 17:24, inulit ni Yahushua kung ano ang ipinanalangin niya sa 17:5: “Ama, hinahangad kong ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko kung saan ako naroroon, upang mapagmasdan nila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, sapagkat minahal mo na ako bago pa man maitatag ang sanlibutan.”

Tandaan na sinabi ni Yahushua ang kaparehong bagay ngunit sa isang bahagyang naiibang paraan. Hindi lamang si Yahushua ay “taglay” ang kaluwalhatian kasama ang Ama (17:5) kundi IBINIGAY ang kaluwalhatian (17:24) bago pa maitatag ang sanlibutan.

Muli, ang panalangin ni Yahushua ay sumasagupa sa pagpapaliwanag ng pagkadiyos ni Kristo sa hindi bababa sa dalawang mahalagang paraan:

  1. Ipagpapalagay ba natin na ang unang katauhan ng Ulo ng Diyos ay nagbigay ng kaluwalhatian at inibig lamang ang ikalawang katauhan ng Ulo ng Diyos bago maitatag ang sanlibutan? Bakit hindi sa walang hanggang nakaraan?
  2. Ipinagkaloob ng Ama sa anak ang kaluwalhatian bago pa maitatag ang sanlibutan. Ibig sabihin nito na may isang panahon, bago pa maitatag ang sanlibutan, kung saan ang ikalawang katauhan ng Ulo ng Diyos ay walang kaluwalhatian at binigyan nito. Bakit ang unang katauhan ng Ulo ng Diyos ay magbibigay ng kaluwalhatian sa ikalawang katauhan ng Ulo ng Diyos bago pa maitatag ang sanlibutan?

Ang mga tagapaliwanag ng pagkadiyos ni Kristo ay lumilikha ng mga kontradiksyon at mga suliranin gaya ng mga ito dahil anong pinaniniwalaan nila ay hindi ang patotoo.

Isang batayang tuntunin ng pagpapaliwanag ng Kasulatan ay para kunin ang mga salita sa kanilang makasaysayan at gramatikong konteksto. Sa kasong ito, kailangan lamang nating makinig sa labing-lima pang pangungusap sa panalangin ni Yahushua upang makuha ang isang mas mabuting pagkakaunawa ng anong ibig sabihin ni Yahushua sa 17:5. Sa Juan 17:20-24, muling ginamit ni Yahushua ang wika ng “pagbibigay ng kaluwalhatian” at “pagkakaroon ng kaluwalhatian” bago ang literal na pag-iral.

Ang kaluwalhatian na plano ni Yahuwah para kay Kristo Yahushua ay sinalita sa panahunang nagdaan, gaya ng sinalita ni Yahushua sa panahunang nagdaan ng kaluwalhatian na ibig niyang ipagkaloob sa mga mananampalataya sa hinaharap. Ang mga bagay na itinalaga ay sinalita na bilang umiiral na dahil ang mga ito’y “mabuting natupad na” sa mga mata ni Yahuwah.

“Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa” (Jeremias 1:5).

Isa pang paraan upang sabihin ito ay nasa Bibliya, ang isang tao ay maaaring “magkaroon” ng isang bagay bago pa nila literal na makamit ito o maging bago pa umiiral ang mga ito. Sinabi ni Yahushua ang mga mapagpakumbabang-loob at mga inaapi sa ngalan ng katuwiran dahil sa kanila ang kaharian ng langit (Mateo 5:3, 10). Bagama’t ang mga taong ito ay wala pang kaharian ng langit (sila’y aba at inaapi), mayroon sila nito.

Sinabi ni Pablo na ang mga mananampalataya sa Isang Tunay na Eloah at Kanyang Kristo Yahushua ay mayroong kaligtasan at isang banal na panawagan bago pa sila umiral. “Siya [Yahuwah] ang nagligtas at tumawag sa atin tungo sa banal na pamumuhay. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na ibinigay niya sa atin kay Kristo Yahushua bago pa nagsimula ang panahon. Nahayag na ito ngayon...” (2 Timoteo 1:9-10). Para kay Pablo, ang pagiging “lubos na nagtiwala na kayang tuparin ni Yahuwah ang Kanyang ipinangako” ay ang nagliligtas na pananalig (Roma 4:21).

Gaya ni Jeremias na kilalang-kilala at itinalaga na maging isang propeta bago pa nabuo sa sinapupunan ng ina, kilalang-kilala si Yahushua at itinalaga na maging Mesias:

“Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa” (Jeremias 1:5).

Isa pang halimbawa ay Isaias 53

Karamihan sa mga Kristyano ay sasang-ayon na ang Isaias 53 ay Mesianiko; iyon ay, habang ito’y kaagapay sa karanasan ng bansang Israel, ang Isaias 53 ay sinasalaysay sa atin ang tungkol sa pagdating ng Mesias (Juan 12:37-38, 1 Pedro 2:24-25). Isinulat ang Isaias 53, ilang daang taon bago isilang si Yahushua. Subalit ang Isaias 53 ay nasa panahunang nagdaan. “Sapagka’t siya’y tumubo sa harap niya . . . Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao . . . kaniyang dinala ang ating mga karamdaman . . . dinala ang ating mga kapanglawan . . . siya’y nasugatan . . . ipinasan sa kaniya ni Yahuwah ang kasamaan nating lahat. . .” nang walang tigil, lahat ay nasa panahunang nagdaan. Inilatag ba ni Yahuwah kay Yahushua, ang kasamaan nating lahat, bago ang taong 700 BC? Syempre hindi, ngunit ito’y sinalita, 700 taon bago ito natupad na parang ito ay naganap na.

Ilan ay tinatawag ang wikang ito na “propetikong perpektong panahunan” dahil ang mga salita ng propeta ay nakikitungo sa isang bagay na hindi pa dumarating, ngunit ang mga salita ay sinalit na parang ang mga ito’y naganap na, umiral na. Kung si Yahuwah ay itinalaga ito, ito ay mabuting natupad na. Sa kaparehong paraan, maaaring sabihin ni Yahushua na si Yahuwah ay “ibinigay na” sa kanya ang kaluwalhatian bago pa natanggap ito.

Isa pang halimbawa, Abram

Habang si Abram ay walang inapo, sinabi ni Yahuwah sa kanya: “Sa iyong binhi IBINIGAY ko ang lupaing ito” (Genesis 15:18). Bago pa sila (o siya) umiral, ang binhi ni Abram ay ibinigay sa lupain.

Noong matanda na si Abram at walang anak ng pangako, sinabi ni Yahuwah sa kanya, “GINAWA KITANG (panahunang nagdaan) ama ng maraming bansa.” Talaga? Si Abram, matanda at walang anak, ay isa nang ama ng maraming bansa? Ito ay dahil sinasalita ni Yahuwah ang mga bagay na hindi pa umiiral na parang umiiral na ang mga ito (tingnan ang Roma 4:17).

Marami pang problema sa mga Trinitaryang pagpapaliwanag

Ang mga Trinitaryan ay lumilikha ng mga dakilang teolohikal na problema sa pagsasabi na inaalala ni Yahushua ang kanyang literal na pag-iral bago isilang at kaluwalhatian sa Juan 17:5. Maging malinaw tayo: Walang ginagawang angkin si Yahushua sa pagkadiyos sa Juan 17:5, sa pagiging isang bahagi ng tatlong katauhang Ulo ng Diyos pa. Hindi rin sinabi ni Yahushua na mayroon siyang kaluwalhatian kay Yahuwah mula sa walang hanggang nakaraan, tanging sa mula nang maitatag ang sanlibutan sa halip, na isang kakaibang paraan upang ilarawan ang isang ibinahaging kaluwalhatian ng dalawang walang hanggang umiiral na mga katauhan ng Ulo ng Diyos.

Sa doktrinang trinitaryan, ang “Diyos Anak” ay hindi isinuko ang kanyang banal na kalikasan noong kinuha niya ang kalikasan ng tao sa pagkakatawang-tao, iyon ay, noong siya’y naging “ganap na Diyos at ganap na tao.” Ang pantaong kalikasan ni Yahushua ay hindi taglay ang banal na kaluwalhatian “bago pa umiral ang sanlibutan,” kaya ito dapat ang banal na kalikasan ng “Diyos Anak,” sinasalita sa Juan 17:5.

Subalit maaari ba ang “Diyos Anak” na isang ganap na Diyos nang wala ang Kanyang kaluwalhatian?

Ang trinitaryang pagpapaliwanag ng Juan 17:5 ay humahantong sa pagkagapos sa sapot ng kontradiksyon.

mapanimdim na maitim na lalaking napapakamot sa ulo

Ipagpalagay na ang mga Trinitaryan ay nais sabihin na ang Juan 17:5 ay nagpapakita na si Yahushua ay umiral bago isilang. Sa kasong iyon, dapat silang maging tagasunod ng ikaapat na siglo AD na si Arius na naniwala na ang Logos (Salita), isang mababang Diyos o anghel na umiral bago isilang, kinuha ang kalikasan ng tao. Sinuman na may kaluwalhatian “kasama” si Yahuwah, mismo na nagkaloob ng kaluwalhatian, pagkatapos ay walang kaluwalhatian “kasama” si Yahuwah, ngunit nakukuha muli ito “kasama” si Yahuwah, ay hindi si Yahuwah. Gaya ng sinuman na “patungo kay Yahuwah” ay hindi si Yahuwah.

Isang mas mabuting pagkakaunawa sa Juan 17:5

Sa halip na muling pagtitipon ng isang tinatawag na walang hanggang banal na katauhan, ang Juan 17:5 ay isang pagpapahayag (sa bisperas ng ilalagay sa kamatayan sa pagpako sa krus) ng tao na si Kristo Yahushua ng Nazaret sa pangako ni Yahuwah. Ang tinatawag na “pagkadiyos ni Kristo” na pagpapaliwanag ay mapanira, mismo, sinusubukan na tanggalin ang tao na si Kristo Yahushua at ang tiwala na inilagay niya kay Yahuwah, ang kanyang Eloah.

Sapagkat ibinigay ni Yahuwah sa lupain ang binhi ni Abraham, bago pa umiral ang mga ito, at dahil ginawa ni Yahuwah si Abram na ama ng maraming bansa, bago pa siya magkaroon ng isang anak ng pangako, nagbigay si Yahuwah ng kaluwalhatian sa Mesias na si Yahushua bago pa siya umiral. Sinasalita ni Yahuwah ang mga bagay na hindi pa umiiral na parang umiiral na. Ang tao na si Kristo Yahushua ay ganap na sumampalataya sa pangako na tinukoy para sa kanya sa loob ng matagal nang panahon.

Isang Babala

Kung si Yahushua ay umiral bago isilang bilang si Yahuwah, siya ay hindi isang tao. Siya ay isang naiibang uri ng nilalang, ngunit hindi isang tao. Ang doktrinang trinitaryan, sa huli, ay humahantong sa isang pagtanggi sa tao na si Kristo Yahushua.

Kung si Yahushua ay umiral bago isilang bilang si Yahuwah, siya ay hindi isang tao. Siya ay isang naiibang uri ng nilalang, ngunit hindi isang tao. Ang doktrinang trinitaryan, sa huli, ay humahantong sa isang pagtanggi sa tao na si Kristo Yahushua.

Umiiral na ba si Adan bago isilang bukod pa sa plano at layunin ni Yahuwah? Ang iba pang tao ay umiiral na bago isilang bukod pa sa plano at layunin ni Yahuwah? (Malinaw, ang mga Mormon ay naniniwala na ang mga tao ay umiral na bago isilang, gayunman ito’y isang hindi biblikal). Kung si Yahushua ay literal na umiral na bago isilang, hindi siya isang tao; siya ay isang bagay pa. Siya ay hindi kagaya mo o ako sa anong tunay na bumubuo sa atin bilang tao. Ang dalawahang kalikasan ni Yahushua ng mga katolikong kredo ay isang Clark Kent Superman, isang piksyong agham, isang kwentong-bibit, isang talimuwang. Kung si Yahushua ay si Yahuwah na kinuha ang laman, siya ay hindi isang tao, at wala tayong isang pag-aalay sa kasalanang ating nagawa (Roma 5:15; 1 Timoteo 2:5; 2 Corinto 5:21).

Ang Kasulatan ay hindi kailanman dumating nang malapit sa pagsasalita ng isang bagay gaya ng “iyan ang taong Yahushua,” ngunit “iyan ang banal na Yahushua.” Ang dalawahang kalikasan ni Yahushua ay isang pilosopikong pagpapalagay, isang talimuwang. Ang kamatayan ng tao (hindi dalawahang kalikasan) na si Yahushua sa krus, ang muling pagkabuhay ng tao na si Yahushua mula sa mga patay, at pagtataas ng tao na si Yahushua tungo sa kanang kamay ng Makapangyarihang Yahuwah sa Langit ay hindi isang pantasya.

si Yahushua ay hindi umiral bago isilang


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Bill Schlegel.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC