Ang argumento na anumang bahagi ng banal na kautusan ay nagwakas na sa krus ay lumitaw noong 1800s habang ang kaalaman ng ikapitong araw ng Sabbath ay ibinalik. Habang ang patotoo ay lumalaganap na si Yahuwah ay dapat sambahin sa ikapitong araw ng sanlinggo, hindi ang una, ang mga ministro ay itinuro sa kauna-unahang pagkakataon na ang banal na kautusan ay “nagwakas na” sa krus.
Bago sa panahong iyon, walang mapangahas na nagtuturo ng ganoong makasalungat na mensahe. Ang banal na kautusan ay hindi maaaring “magwakas” o baguhin dahil ito ay sakdal o ganap. Ito ay dahil ang banal na kautusan ay hindi maaaring mabago o baguhin kaya si Yahuwah ay ibinigay ang Kanyang bugtong na anak upang mamatay para sa mga makasalanan dahil: “Sa katunayan, itinatakda ng Kautusan . . . kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.” (Hebreo 9:22, FSV)
Ang kaparehong erehya na ito ay dinala rin sa mga tuntunin ng kautusan. Nalinlang ni Satanas ang karamihan ng Kristyanismo sa paniniwala na hindi lamang ang Sabbath ay “ipinako sa krus” kundi ang mga taunang araw ng pagsamba rin, tinatawag na mga kapistahan.
Ang ganitong paniniwala ay batay sa maling pagkakaunawa ng banal na kautusan. Si Yahushua, bilang ating Tagapagligtas, ay ganap na iningatan ang banal na kautusan. Bilang Kanyang mga tagasunod, tayo'y pinayuhan na sundin ang Kanyang halimbawa. Ang apostol na si Pablo ay iningatan ang mga kapistahan at itinuro sa mga binago niyang Hentil na gawin rin ito, habang maaaring makita sa kanyang mga sanggunian sa pagpapanatili ng mga kapistahan sa Mga Gawa 18:21 at 20:6.
“Sapagkat si Kristo ay nagdusa para sa inyo, at nag-iwan siya ng halimbawa upang inyong sundan.” (1 Pedro 2:21, FSV)
Ang mga apostol at mga sinaunang Kristyano ay iningatan ang lahat ng mga kapistahan sa loob ng ilang daang taon matapos ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Yahushua.
Marami ang nagpalagay na matagal para sa mga apostol na isuko kung ano ang itinuring ngayon ng mga “hindi kinakailangang maka-Hudyong tradisyon.” Gayunman, ang pagpapalagay na ito ay mali. Ang mga apostol at ang mga sinaunang Kristyano ay hindi na muling nag-alay ng anumang hayop, dahil si Yahushua, ang Kordero ni Yah na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ay naialay nang minsan para sa mga kasalanan ng sanlibutan.
Ang mga apostol at ang mga sinaunang Kristyano ay iningatan ang mga kapistahan nang hindi nag-aalay ng dugo dahil naunawaan nila na ang banal na kautusan ay dapat na panatilihin magpakailanman:
“Ikaw ay malapit, Oh [Yahuwah]; at lahat mong utos ay katotohanan. Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man. Ang kabuuan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.” (Awit 119:151-152, 160, ADB)
Ayon kay Venerable Bede, isinulat noong maagang ikawalong siglo, siniyasat ni Juan ang Minamahal ang “ikalabing-apat na araw ng unang buwan” o ang Paskua at itinuro sa mga unang mananampalatayang Kristyano na gawin rin ito.
Ang mga kapistahang ito ay pinanatili ng lahat ng mga matatapat hanggang, sa ilalim ng impluwensya ng Simbahan ng Roma, ang paganismo ay pumasok at nagsimulang pasamain ang minsang dalisay na pananampalataya. Sa ilalim ng pagbabalatkayo ng “pagbabago ng mga pagano,” si Victor, ang Obispo ng Roma, nakompromiso ng paganismo, inampon ang mga paganong pagdiriwang gaya ng Kapaskuhan at Pasko ng Pagkabuhay habang isinasantabi ang mga kapistahan ni Yahuwah.
Si Polycrates, isang sinaunang Kristyanong martir, natuto mula kay Polycarp, isa sa mga tagasunod ni Juan, ay pinanatili ang mga kapistahan. Noong hinangad ni Victor na ipatupad ang pagtalima sa Pasko ng pagkabuhay, sinulatan siya ni Polycrates kung saan inilista niya ang mga natatanging Kristyanong ama na pinanatili ang Paskua, hindi Pasko ng Pagkabuhay:
Dahil dito, iniingatan namin ang araw nang hindi inililihis, hindi dinadagdagan o binabawasan, sapagkat sa Asya [Minor] ang mga dakilang tanglaw ay natutulog, at sila’y lilitaw sa araw ng pagdating ng Panginoon, siya’y darating nang may kaluwalhatian mula sa langit at hahanapin ang mga hinirang. Gaya nila Felipe [ang mga apostol]. . . Nandyan rin si Juan na humiga sa dibdib ng Panginoon. . . . Kasama rin si Polycarp sa Smirna, parehong obispo at martir, at Thraseas, obispo at martir rin, mula sa Eumenaea. . . . [Kasama rin sila] Sagaris,. . . .Papirius,. . . .at Melito. . . . lahat sila’y pinanatili ang ikalabing-apat na araw ng Paskua ayon sa ebanghelyo, hindi kailanman lumihis, ngunit sumusunod ayon sa tuntunin ng pananampalataya. (Polycrates, Letter to Victor, Bishop of Rome, sinipi mula sa Eusebius’ Ecclesiastical History)
Ang pag-ampon sa mga paganong pagdiriwang ay ikinalungkot ni Tertulluan, noong 230 AD, itinangis na ang mga Biblikal na kapistahan ay isinantabi pabor sa mga paganong pagdiriwang:
“Sa amin na mga dayuhan sa mga Sabbath, at mga bagong buwan, at mga pagdiriwang, minsang katanggap-tanggap sa Diyos, ang Saturnalia, ang mga kapistahan ng Enero, ang Brumalia, at Matronalia, ay kasalukuyang pinalaganap; ang mga kaloob ay dinala at ibinalik, ang mga kaloob ng araw ng bagong taon ay gawa sa ingay, at ang mga laro at mga piging ay ipinagdiriwang nang may hiyawan; oh, gaano katapat ang mga pagano sa kanilang relihiyon, na may espesyal na pag-iingat na mag-ampon ng walang kabanalan mula sa mga Kristyano.” (Tertullian, De Idolatria, c. 14, Vol. I, p. 682.)
Ang labanan sa pagitan ng Simbahan ng Roma at ang mga tumangging tanggapin ang paganismo, sa halip ay piniling sumamba sa mga kapistahan ni Yahuwah, ay mas lalong uminit. Si Eusebius, isang Romanong mananalaysay at Obispo ng Caesarea, ay nagsulat sa salungatan:
“Sa panahong iyon, walang maliit na tunggalian ang lumitaw dahil ang lahat ng mga parokya ng Asya ay naisip na ito’y tama, sapagkat sa mas sinaunang tradisyon, para tumalima sa kapistahan ng Paskua ng Tagapagligtas sa ikalabing-apat na araw ng buwan, kung saan ang mga Hudyo ay inutos na mag-alay ng tupa.” (Eusebius, Church History, Ch. XXIII.)
Ang mga apostolikong Kristyano, gaya nila Polycarp at Polycrates na direktang tinuruan ng mga apostol, ay patuloy na tumalima sa mga kapistahan, tumangging tanggapin ang mga huwad na paganong pagdiriwang.
Ang dakilang katanungan ng sagupaan sa pagitan ng mga simbahan ng Asya Minor at ang nalalabi ng Kristyanismo ay alinman sa paskual na komunyon ay dapat ipagdiwang sa ikalabing-apat ng Nisan [sa kalendaryong Biblikal], o sa araw ng Linggo ng pagkabuhay, nang walang pagtatangi sa kronolohiyang Hudyo [pagpapanatili ng oras]. Ang mga Kristyano ng Asya Minor, umaapela sa halimbawa ng mga apostol, sila Juan at Felipe, at sa walang pagbabagong kasanayan ng Simbahan, ipinagdiriwang palagi ang Kristyanong paskua sa ikalabing-apat ng Nisan, ano pa mang araw ng [paganong Julian na] sanlinggo ito. . . . Ang Romanong simbahan, sa kabilang dako, sinundan ng lahat ng nalalabi ng Kristyanismo, ipinagdiriwang ang kamatayan ni Kristo sa araw ng Biyernes palagi, at kanyang muling pagkabuhay sa araw ng Linggo kasunod ng unang ganap na buwan matapos ang equinox ng tagsibol. (Christian Classics Ethereal Library, talababa #1687 kay Eusebius, Church History, Ch. XXIII.)
Ito ay, sa katunayan, isang labanan kung kailan sasamba at anong kalendaryo ang gagamitin upang kalkulahin ang mga araw na iyon ng pagsamba. Si Satanas, sapagkat nahulaan ni Daniel, ay naghahangad na baguhin ang mga kapanahunan at kautusan.
“Ang kontrobersyang ito ay tumagal ng halos dalawang siglo, hanggang namagitan si Constantine sa ngalan ng mga Romanong obispo at ipinagbawal ang ibang grupo.” (R. L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p. 188.)
Sa loob ng mahigit isang libong taon, ang ekklesia ng Scotland ay patuloy na sumasamba sa ikapitong araw ng Sabbath at tumatalima sa Paskua ng sinaunang kalendaryo ng Bibliya.
Sa ilalim ng impluwensya ng isang Katolikong reyna, ang Scotland ay tuluyang isinantabi ang dalisay na pananampalataya na pinanatili mula pa noong apostolikong panahon, ngunit sa huli ay isa sa mga unang yumakap sa pagbabalik ng patotoo sa panahon ng Repormasyong Protestante.
Ang pagsamba sa huwad na araw ng pagsamba ay nagbibigay ng kahihiyan sa Manlilikha. Ang pagkapit sa mga paganong pagdiriwang at pagtanggi sa pagtalima sa mga kapistahan ni Yahuwah, ay sumisira sa banal na kautusan.
Ibinigay ni Yahuwah ang Kanyang kautusan para sa kabutihan ng Kanyang bayan. Lahat ng sumisira sa Kanyang kautusan ngayon, ay sinusundan lamang ang yapak ng sinaunang Israel habang sila’y paulit-ulit na tumalikod.
“At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako [si Yahuwah] na nagpapaging banal sa kanila.
“Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin . . . sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga Sabbath ay kanilang nilapastangang mainam.
“At sinabi ko sa kanilang mga anak . . ., ‘Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga palatuntunan ng inyong mga magulang, o ingatan man ang kanilang mga kahatulan, o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan: Ako [si Yahuwah] ninyong [Elohim]: magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan, at inyong isagawa; At inyong ipangilin ang aking mga Sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako [si Yahuwah] ninyong [Elohim].’” (Ezekiel 20:11-13, 18-20, ADB)
Ang tanda sa pagitan ni Yahuwah at Kanyang bayan ay hindi lamang ang ikapitong araw ng Sabbath. Kabilang sa tanda ay ang pagpapanatili ng lahat ng mga kapistahan, na bahagi ng tuntunin ng kautusan. Ang mga kapistahang ito ay binalangkas sa Levitico 23 at ang mismong unang kapistahang nakalista ay ang ikapitong araw ng Sabbath.
Ito ay sa pagsamba sa Manlilikha sa LAHAT ng Kanyang mga banal na pagtitipon ang tanda sa pagitan ni Yahuwah at Kanyang mga anak.
Sa mga huling araw na ito, nananawagan si Yahuwah sa lahat na bumalik sa tunay na pagsamba, sa lahat ng Kanyang mga banal na araw: mga sanlingguhang Sabbath, mga buwanang Bagong Buwan at mga taunang kapistahan. Iyong mga bumalik kay Yahuwah, iniingatan ang Kanyang kautusan, ay bibigyan ng isang napakagandang pangako – ang pangako ng isang bagong puso.
“Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.” (Ezekiel 36:26, 27, ADB)
Ang mga pangako ay para sa lahat ng mag-iingat ng mga kautusan, kahatulan at tuntunin ni Yahuwah. Para sa mga tao na “magsisilakad . . . ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.” (Ezekiel 37:24)
Nangako si Yahuwah: “Bukod dito'y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man. Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Elohim, at sila'y magiging aking bayan.” (Ezekiel 37:26, 27)
Sa panahong ito na ang patotoo ay muling ibinalik, pinapayo ni Yahuwah sa Kanyang bayan: “Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.” (Malakias 4:4, ADB)
Iwanan ang lahat ng mga huwad na araw ng pagsamba at mga paganong pagdiriwang. Parangalan ang iyong Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa lahat ng Kanyang mga banal na araw, kalkulado ng Kanyang itinalagang sistema ng pagpapanatili ng oras, ang kalendaryong luni-solar ng paglikha.
Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ni Yahuwah. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. Ituro mo sa akin, Oh Yahuwah, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man. (Tingnan ang Awit 119.)
Nauugnay na mga Artikulo: