Print

Muling Pagtuklas Ng Diyos Ni Yahushua

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

muling-pagtuklas-ng-diyos-ni-yahushua

Maraming tao ang nagsasabi na si Yahushua ay Diyos. Ngunit ano ang sinasabi ni Yahushua?

Ngunit ano kung si Yahushua mismo ay hindi kailanman itinuro ang mga bagay na ito? Ano kung ang Bibliya ay nagtuturo ng isang bagay na ganap na naiiba?

Karamihan sa mga Kristyano ay naturuan na si Yahushua ay parehong “ganap na Diyos at ganap na tao” at siya ay si Yahuwah ang Makapangyarihan na nakadamit sa laman ng tao. At saka, sinabi rin na bukod kay Yahushua, dalawa pang ibang indibidwal ay ganap na Diyos: ang Ama at isa pang katauhan na tinawag na Banal na Espiritu. Lahat ng tatlong katauhan na ito, inangkin, ay magkapantay-pantay; walang nakahihigit sa iba. Subalit, habang ang lahat ng tatlo ay banal, sila’y hindi tatlong diyos. Sa halip, sinabi na sila’y mahiwagang nagbabahagi ng kaparehong iisang esensya: isang hindi maipaliwanag na “tatlo-sa-isa” na katauhan.

Ang mga teologo, sa parehong sinauna at makabago, ay inangkin na ang mahiwagang “Doktrina ng Trinidad” na ito ay ang kaibuturan ng Kristyanong pananampalataya. Habang ang mga simbahan ngayon ay hindi nagkakasundo sa maraming detalye ng doktrinang ito, at karamihan ay inaamin na hinaba-haba ay imposible na maunawaan, ito’y madalas inangkin na kinakailangan para sa kaligtasan.

Ngunit ano kung si Yahushua mismo ay hindi kailanman itinuro ang mga bagay na ito? Ano kung ang Bibliya ay nagtuturo ng isang bagay na ganap na naiiba?

Posible ba na ang tunay na mensahe ng Bagong Tipan ay radikal na mali ang pagpapaliwanag, at iyong mga maling pagpapaliwanag ay ipinasa sa susunod na salinlahi? Ano kung ang mga angkin tungkol kay Yahushua ay lubhang hindi nauunawaan, at ang tradisyon ng Simbahan ay lubhang naimpluwensya ng mga sinauna, paganong pilosopo, na ang orihinal na pananalig ni Yahushua at kanyang mga alagad ay umalis tungo sa kawalan ng pagkilala ng maraming mananampalataya ngayon? Ano kung ang “Doktrina ng Trinidad” ay hindi Biblikal gayunman?

Gusto mo bang malaman?

Ang mga hindi mabilang na Kristyanong iskolar ay matagal na kinilala na ang doktrina ng Trinidad ay wala sa Bibliya. Nakakagulat, karamihan sa mga iskolar na ito ay mga Trinitaryan! Habang ang isang dakot ng mga sipi ay ginamit upang “patunayan” ang Trinidad mula sa mga Kasulatan, ang mga teologo ay inamin na wala sa mga halimbawang ito ang nagtuturo ng doktrina kung mga pahiwatig, mungkahi, o hinuha na pinagsama-sama upang itaguyod ang isang sanaysay. Syempre, ang mga tao ay maaaring gawin ang Bibliya na sabihin ang kahit ano lamang kung susubukan nila nang maigi. Ngunit naniniwala tayo na ang Bibliya ay nagpapatotoo sa isang bilang ng mga mahahalagang punto, nang tiyakan, sa kung sino ang isang tunay na Diyos. Gayunman, hindi mo ba iisipin ang ganoong batayang patotoo ay kailangan sa pakikipag-ugnayan sa Bibliya? Paano ang ganoong bagay na iyon ay ipinahiwatig o iminungkahi lamang sapagkat sinasabi ng tradisyon?

Kabaligtaran sa tradisyon, ang Bibliya ay itinuturo na si Yahuwah ay isa lamang, ang Ama. Ang iisang indibidwal na ito ay ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua.

Kabaligtaran sa tradisyon, ang Bibliya ay itinuturo na si Yahuwah ay isa lamang, ang Ama. Ang iisang indibidwal na ito ay ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua. Si Yahushua ay, dahil dito, hindi ang isang tunay na Diyos, kundi ang bugtong na taong anak.

Ngayon, ang pananaw na ito ay madalas tinawag na Unitaryanismo, o ang paniniwala na si Yahuwah ay isang katauhan, o isang “tiyak na sarili.” Iba’t ibang Kristyanong pangkat sa buong kasaysayan ng Simbahan ay pinanindigan ang biblikal na posisyon na ito. Ang paniniwala na ang Ama lamang ay si Yahuwah ay kumakatawan rin sa klasikong monoteismo na ang sinanay ng mga Hudyo sa loob ng libu-libong taon. Sina Moises, David, Elias ay naniwala na si Yahuwah ay iisa lamang. Ang Bibliya ay ipinapakita sa atin na ito rin ang relihiyon ng unang siglong Hudyo, si Yahushua ng Nazaret.

“Ama… makilala ka nila na tanging tunay na Diyos.” – Juan 17:1a, 3

Sa panalangin, tinatawag ni Yahushua ang Ama na “tanging tunay na Diyos” (Juan 17:3). Sa katunayan, sinasabi ni Yahushua na siya mismo ay may isang Diyos nang maraming beses (Pahayag 3:2, 12, Marcos 15:34). Maging matapos bumangon mula sa mga patay, sinasabi niya kay Maria na si Yahuwah ay “aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos” (Juan 20:17). Itinuro niya sa babae sa balon na “ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama,” at iyong mga gumagawa nito ay “sumasamba sa espiritu at katotohanan” (Juan 4:23, 24). Hindi kapani-paniwala, sumasang-ayon si Yahushua sa isang Hudyo sa isang pampublikong debate na ang “ating Diyos” ay “iisang Yahuwah” lamang. (Marcos 12:28-29). Para kay Yahushua, ang isa na iyon ay ang Ama lamang. “Ang aking Ama,” ipinapaliwanag niya sa mga Hudyo, “Siya na sinasabi ninyo na inyong Diyos” (Juan 8:54).

Kaya dahil dito, ano ang gagawin natin sa lahat ng ito? Bakit sinasabi ng tradisyon ng Simbahan na si Yahuwah ay ‘tatlong naiibang katauhan sa isang esensya’ ngunit si Yahushua ay hindi kailanman sinasabi? Nakikita natin na maging ang mga orihinal na alagad ni Yahushua ay sumang-ayon sa kanilang panginoon kung sino si Yahuwah: “Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama” (1 Corinto 8:6). Kahit na matapos si Yahushua ay umakyat sa langit, ang mga Apostol ay nagpatuloy sa pagbibigay ng papuri sa “Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua” (1 Pedro 1:3, Efeso 1:3, Roma 15:6, Colosas 1:3). Bakit ang karamihan sa mga Kristyano ngayon ay hindi na nagsasalita sa paraang ito? Bakit napakaraming pangkat ang nagsasabi na ang Ama, si Yahushua, at isa pang mahiwagang katauhan na tinawag na Banal na Espiritu ay tunay na Diyos lahat, noong sinabi lamang ni Yahushua na “tanging tunay na Diyos” ay ang Ama? (Juan 17:3).

Lingid sa kaalaman ng ilan, milyun-milyong Kristyano sa buong kasaysayan ay tinanggihan ang Doktrina ng Trinidad bilang hindi maka-Kasulatan.

Lingid sa kaalaman ng ilan, milyun-milyong Kristyano sa buong kasaysayan ay tinanggihan ang Doktrina ng Trinidad bilang hindi maka-Kasulatan. Ngayon, marami at marami pang taimtim na mga mananampalataya ay matapang na hinaharap ang maraming problema na lumilitaw kapag ang isa ay ikinukumpara ang doktrina sa Bibliya at sa kasaysayan ng Simbahan. Anumang ensiklopedya ay ipababatid iyon sa iyo, makasaysayang sinasabi, ang pormal na doktrina ng “Isang Diyos sa tatlong katauhan” ay hindi dumating sa eksena hanggang ikaapat na siglo AD. Iyon ay tatlong daang taon matapos si Yahushua.

Habang ang ilan ay inaangkin na ang Trinidad ay ang pananalig ni Yahushua at kanyang mga alagad, nagpapatotoo ang kasaysayan na ang doktrina ay ang produkto ng maraming siglo ng mabagal, matapos ang biblikal na pag-unlad. Habang nasa Bibliya, ang mga Apostol ay nagsasalita tungkol kay Yahuwah, Yahushua, at ang Banal na Espiritu; sila’y hindi nagsasalit tungkol sa kanila katulad ng mga huling Katolikong teologo. Tiyakan na hindi nila sinasabi na ang tatlo ay isang Trinidad, isang tatluhang katauhan na Diyos, mas mababa na kailangan mong sumampalataya sa ideya upang maligtas. Maraming tao sa Bagong Tipan ay naniwala kay Yahushua bilang Kristo ay binautismuhan, at naligtas nang hindi tinuruan na ang Diyos ay isang Trinidad. Libu-libo ang naligtas sa pananalig na “si Yahushua na taga-Nazaret ay pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya” (Mga Gawa 2:22).

Nakakagulat, hindi rin natin natatagpuan sa sinuman sa Maagang Iglesya ang nagtatalo tungkol sa mga kontrobersyal na tuntunin ng doktrina, bagama’t sila’y nagtalo tungkol sa napakaraming ibang hindi gaanong mahahalagang sentrong bagay. Sa huli, ang mga Trinitaryan, gayunman, ay nakipagtalo sa mga Hudyo at hindi mga Trinitaryang Kristyano tungkol sa doktrina nang paulit-ulit. Hindi ba kakaiba na ang orihinal na Hudyong Kristyano ng Bagong Tipan ay hindi tinatalakay ang anong inakalang naging kaibuturan ng kanilang pananalig? Maaari lamang ba dahil hindi nila kailanman narinig ang Doktrina ng Trinidad?

“[Ako’y] isang taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko kay Yahuwah.” – Juan 8:40

Paulit-ulit na inilalarawan ni Yahushua ang kanyang sarili bilang Anak ni Yahuwah, Kanyang isinugong lingkod, at ang isa na pinagkalooban ni Yahuwah ng lahat ng awtoridad upang magsalita at gumawa sa Kanyang pangalan.

Kung maglalaan lamang tayo ng maingat na pansin sa Bibliya, at kung tayo’y ilustrado tungkol sa mga kamalian na ginawa ng mga magagandang-loob na teologo, nagsisimula na nating makita ang patotoo: Habang si Yahushua ay madalas inaangkin na “ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy,” (Mateo 16:16-17) hindi niya kailanman inaangkin na siya kahit papaano ay isang Diyos mismo. Habang ang kanyang mga kaaway ay madalas hindi siya nauunawaan o sinusubukan na ilagay ang mga salita sa kanyang bibig upang akusahan siya, hindi niya kailanman malinaw na sinasabi na siya ay Diyos. Kapag ang kanyang mga katunggali ay inaakusahan siya nito, itinatama niya ang mga ito: “dahil sinabi kong, ‘Ako ang Anak ng Diyos’” (Juan 10:36). Sa halip na pag-aangkin na siya si Yahuwah, nakikita natin na si Yahushua ay isang mabuti, mamamayang Hudyo na sumusunod sa kautusan upang sambahin ang isang Diyos nang kanyang buong puso, ang Ama, ang Diyos ng kanyang mga ninuno. Paulit-ulit na inilalarawan ni Yahushua ang kanyang sarili bilang Anak ni Yahuwah, Kanyang isinugong lingkod, at ang isa na pinagkalooban ni Yahuwah ng lahat ng awtoridad upang magsalita at gumawa sa Kanyang pangalan. Inilalarawan pa nga niya ang kanyang sarili bilang “isang tao” na nagtuturo lamang “ng katotohanang narinig ko kay Yahuwah” (Juan 8:40). Sa pamamagitan ng tulong ni Yahuwah, ang tao na si Yahushua ay namuhay ng isang walang kasalanang buhay at naging sakdal na alay para sa ating mga pagkakasala, ang tanging landas tungo sa Ama. Dahil sa kanyang pagtalima, muling binuhay ni Yahuwah si Yahushua mula sa mga patay at ginawa siyang Panginoon ng lahat ng bagay, higit na dakila sa mga anghel. Ang tanging bagat na mas dakila kay Kristo ay si Yahuwah mismo (1 Corinto 15:27-28). Ang mga simpleng patotoo na ito, habang nasa Bibliya, ay matagal nang pinabayaan at ikinubli ng karamihan sa mga tanyag na ideya ng pangunahing Kristyanismo.

Ang kasaysayan, gaya ng Bibliya, ay medyo malinaw sa maraming bagay. Iyong maagang Kristyanismo ay mabigat na naimpluwensya ng mga pagtuturo ng mga paganong pilosopo katulad ni Plato ay hindi maitatanggi. Ang talaan ay nagpapatunay na maraming sinaunang Katolikong teologo na nagpaunlad ng Trinidad ay kumuha mula sa Griyegong pinagkukunan ng kanilang mga pagbabalangkas, nagdudulot sa mga Kristyano na mantsahan ang linya sa pagitan ni Yahuwah, ang Ama, at ang Panginoong Mesias, si Yahushua. Sa huli, ang mga ideyang ito ay nagresulta sa opisyal na tatlo-sa-isa na Yahuwah. Nagpapaliwanag tayo na ito ay ang kaparehong paghahalo ng pilosopiya at Kristyanismo na malakas na binalaan ni Pablo tungkol sa atin bago siya namatay (Colosas 2:8, Mga Gawa 20:29-31, 1 Timoteo 4:1, 2 Timoteo 4:3-4).

Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga Kristyano ngayon ay nasa isang natatanging posisyon. Mayroon na tayong daanan sa mga mas mabubuting manuskrito, kasangkapan sa pag-aaral ng Bibliya, at isang kayamanan ng karunungan na maaaring makatulong sa makabagong alagad ni Kristo Yahushua na makilala ang mga kamalian ng tradisyon at sa huli’y panumbalikin ang pananalig sa Bagong Tipan. Sa pamamagitan ng tulong ni Yahuwah, maaari kang umanib sa libu-libong Kristyano na ang kanilang mga buhay ay kasalukuyang binagong-loob sa pamamagitan ng muling pagtuklas ng pananalig na ito ni Kristo Yahushua.

Panahon na para kumilos nang matapang. Anong nakataya ay walang bagay na mas bababa sa patotoo tungkol kay Yahuwah. Ano ang mawawala sa iyo sa lubusang pagsisiyasat ng bagay?

Panahon na para kumilos nang matapang. Anong nakataya ay walang bagay na mas bababa sa patotoo tungkol kay Yahuwah. Ano ang mawawala sa iyo sa lubusang pagsisiyasat ng bagay? Ang Bibliya ay maaaring manindigan sa pagsisiyasat. Ang ating doktrina rin, ay dapat na ganito. Salungat sa tradisyon, ang Bibliya ay hindi sinasabi sa atin na dapat kang maniwala sa doktrina ng Trinidad upang maligtas. Ito’y hindi ipinapaliwanag ang anumang bagay tungkol sa doktrina ano pa man. Ngunit sinasabi sa atin na si Panginoong Kristo Yahushua ay inaasahan sa atin na “sasamba kay Yahuwah sa espiritu at katotohanan” upang sambahin si Yahuwah kung sino Siya. Ang isang Lutheran na teologo ay minsang sinabi:

“Ang Diyos ay ang Diyos ng katotohanan! Ang pag-ibig sa katotohanan, ang pagpapasakop sa kapangyarihan ng katotohanan, ang pagsuko ng mga tradisyonal na pananaw na hindi naninindigan sa pagsubok ng katotohanan, ay isang sagradong tungkulin, isang elemento ng takot sa Diyos.” – Franz Julius Delitzch (1813-1890)

Nananalangin kami na ang Ama, ang Diyos ni Yahushua, ay pagpapalain ka sapagkat hinahangad mo Siya nang iyong buong puso, kaisipan, kaluluwa, at lakas.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: http://theGodofJesus.com/articles/rediscovering-the-god-of-jesus

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC