Print

Pablo: Huwad na Propeta? O Tunay na Apostol?

Obra Maestra ni Rembrandt kay Apostol Pablo

    “Apostol Pablo” ni Rembrandt mula sa National Gallery of Art

Nalaman ni Yahushua na kapag Siya ay bumalik sa Langit, hahangarin ni Satanas na wasakin ang baguhang Kristyanong Ekklesia. Sa panlilibak, sa dahas, sa panlilinlang, talagang sinubukan ni Satanas na wasakin ang anumang itinatag ni Yahushua.

Para salubungin ang kagipitan, si Yahuwah ay “nagbigay sa iba ng kaloob na maging apostol, sa iba'y maging propeta, sa iba'y ebanghelista, at sa iba'y pastor at guro. Ito'y upang ihanda ang mga banal para sa gawain ng paglilingkod, tungo sa ikatatatag ng katawan ni . . . Yahushua. (Tingnan ang Efeso 4:11, 12.)

Ang layunin ng dakilang kaloob na ito ay “marating natin lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang lubos na pagkakilala sa Anak . . . [ni Yah], tungo sa pagiging ganap na tao. . . Sa gayon ay hindi tayo mananatiling mga bata, na tinatangay ng mga alon at dinadala ng kung anu-anong hangin ng aral, sa pamamagitan ng daya at katusuhan ng mga tao sa kanilang mapanlinlang na paraan.” (Efeso 4:13, 14)

Isang hangin ng aral na lumalago sa lakas sa mga huling araw na ito ay ang paniniwala na si Pablo ay isang huwad na apostol, hinatid ng diyablo para wasakin ang bagong pananampalatayang Kristyano. Ang babala ni Pablo sa Mga Gawa ay iniangkop sa kanya, bilang isang impostor at ganap na tumalikod:

“Alam kong pag-alis ko'y papasok sa gitna ninyo ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na pupuksain ang kawan.” (Mga Gawa 20:29, FSV)

Iba’t ibang mga parirala, minsan nasa isang ganap na teksto, mula sa mga isinulat ni Pablo ay kinuha sa labas ng konteksto at ginamit upang itaguyod ang paninindigan na siya ay isang huwad na apostol, hinatid ng diyablo para puksain ang “kawan” ng mga mananampalataya.

Ang mga pariralang ito, kinuha lalo na mula sa Una at Ikalawang Corinto ay inakusahan si Pablo ng:

  1. Pagmamapuri;
  2. Pagnanakaw;
  3. Pagmamataas;
  4. Pangunguwalta;
  5. Pagmumura;
  6. HINDI nagsasalita sa ngalan ni Yahuwah;
  7. Gumagamit ng pandaraya at kasinungalingan;
  8. Nagpapasa ng panghuhusga sa iba;
  9. Pagwawalang-bahala kay Pedro, Santiago at Juan;
  10. Pagkonsulta kay Satanas;
  11. Humahawak ng mabunying opinyon ng sarili;
  12. Tinuturukan ang mga sariling ideya sa Kasulatan;
  13. Nagtuturo ng “ibang” ebanghelyo;
  14. Nagbibigay ng depektong payo sa pag-aasawa;
  15. Sinasabi sa mga asawang lalaki na mamuhay nang mag-isa muli;
  16. Nagdidikta ng mga “tamang” ayos ng buhok sa mga kalalakihan;
  17. Hinuhusgahan ang gutom, umuungol na mga sikmura

Ang mga nakakalat na mga tekstong ito at mga pumapanig na parirala ay kinuha sa labas ng konteksto at ginamit bilang “patunay” na si Pablo mismo ay isa sa mga mababangis na asong-gubat na binalaan niya. Ang pagkuha ng mga berso sa labas ng konteksto ay dapat palaging magpalitaw ng mga bandila ng babala sa bawat isipan.

Ang ganitong mga angkin ay hindi isinaalang-alang ang konteksto ng mga nakapaligid na berso; hindi nila isinaalang-alang ang kapaligiran kung saan itinaas ni Pablo, hindi rin ang kultura kung saan isinulat niya.

Ang istilo ng pagsusulat ni Pablo ay naaayon sa pampanitikang istilo ng unang siglo A.D. Ginamit niya ang isang “punto-at-kontra-puntong” istilo ng pangangatuwiran na karaniwang ginamit ng mga Israelitang iskolar ng kanyang panahon.

Ang pagtapon sa mga isinulat ni Pablo ay tipikal na hindi natatapos sa pagputol sa kanyang mga sulat mula sa Bibliya, 14 ng 27 mga aklat ng Bagong Tipan. Ang hindi pagbabago ay nangangailangan na kung si Pablo ay isang huwad na apostol na ang mga aklat ay dapat tanggalin mula sa Bibliya, pagkatapos ang dalawang aklat ng kanyang kapwa tagapaglingkod, si Lucas, ay dapat ring tanggalin dahil si Lucas ay malinaw na itinataguyod si Pablo bilang isang apostol na inatasan para sa paglilingkod sa Mabuting Balita kay Yahushua.

Ngunit hindi pa tumitigil dyan. Kung si Pablo ay isang manlilinlang na ang mga isinulat ay dapat itapon, pagkatapos ay ang awtoridad ng ibang mga apostol ay dapat batikusin dahil ang mga nangungunang apostol, sina Pedro, Santiago at Juan, ay tinanggap ang pagka-apostol ni Pablo:

“At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas [Pedro] at ni Juan, sila na mga inaaring haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Hentil, at sila'y sa pagtutuli.” (Galacia 2:9)

Ang Santiago na sumulong ng “kanang kamay ng pakikisama” kay Pablo, ay hindi si Santiago, ang kapatid ni Juan, sapagkat siya ay pinatay sa puntong iyon. Ang Santiago na ito ay mataas na respetadong kinakapatid ni Yahushua at ang may-akda ng aklat ni Santiago ng Bagong Tipan.

Kung isang huwad na guro si Pablo, pagkatapos, ang tiwala ng mga sumulong sa kanya ng kanang kamay ng pakikisama, ay dapat ring batikusin. Ang resulta ay walo pang aklat ng natitirang 11 aklat ng Bagong Tipan ay dapat ring isantabi. Ang mga ito ay:

Ang natitirang mga aklat na lamang sa Bagong Tipan ay Mateo, Marcos at Judas. Wala sa mga ito ang mahirap dapitan.

Ang mga mabuting balita nina Mateo at Marcos ay itinataguyod sina Pedro at Juan bilang mga itinalagang tao ni Yahuwah. Subalit kung si Pedro at Juan ay hindi karapat-dapat sa pagtanggap kay Pablo bilang isa sa kanila, pagkatapos, ang paghatol kay Mateo at Marcos ay kaduda-duda para sa pagtanggap kay Pedro at Juan. Ang tanging aklat na natitira sa Bagong Tipan ay ang nag-iisang kabanatang aklat ni Judas.

listahan ng mga aklat na dapat iawas kapag tinanggihan ng sinuman ang pagpukaw ni Pablo 

Ang tunay na panganib sa pagsasantabi ng mga isinulat ni Pablo, gayunman, ay makikita sa pag-uudyok ng mga ganitong paratang laban sa pinakamalikhain sa mga manunulat ng Bagong Tipan.

Ang buong Hebreong pamamalakad ay ipinakita ang plano ng kaligtasan sa uri at simbulo. Ito ay bakit, noong si Yahushua ay nais na ipaliwanag ang Kanyang misyon ang gabi matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, “ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa Kanya, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga sinulat ng mga propeta.” (Lucas 24:27)

Itinaas at pinag-aral si Pablo bilang isang Pariseo. Siya ay isang kasapi ng Sanhedrin. Ang tradisyong Israelita ay hiniling na anumang prospektibong kasapi ng Sanhedrin na mayroong Torah, ang limang aklat ni Moises, ganap na isasaulo sa edad 12.

Ang edukasyon ni Pablo bilang isang Pariseo ay ginawa siyang kinikilala nang mabuti ang Kautusan gayon din ang bahagi na mga tradisyon ng mga tao lamang. Ginawa siya nito na lubos na may kakayahan na guro ng mabuting balita, pinaghihiwalay nang mabuti ang Katotohanan at Tradisyon.

Ang pagtuligsa ni Pablo sa ritwal ng pagtutuli ay humantong sa ilan na talikuran ang kanyang mga isinulat bilang maninira ng Kautusan. Wala nang hihigit pa sa mula sa katotohanan. Itinaas ni Pablo ang banal na kautusan bilang “banal, at ang bawat utos ay banal, matuwid at mabuti.” (Roma 7:12)

Ang pagtutuli ay isa sa mga batas. Hindi nangatuwiran si Pablo laban sa pagtutuli bilang isang batas. Nilinaw niya lang na ito ay hindi kahit papaano na kikita ng kaligtasan ng sinuman.

Ang buong tulak ng paglilingkod ni Pablo ay ang pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Malinaw na pagkakaunawa na ang kaligtasan ay sa kagandahang-loob lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga isinulat ni Pablo ay dapat maunawaan sa konteksto ng kanyang pagpupunyagi laban sa erehya ng kaligtasan sa mga paggawa.

Lahat ng mga huwad na relihiyon ay batay sa kaligtasan sa paggawa, sa isang anyo o iba pa. Maging ang relihiyong Israelita ay naging masama sa isang sistema ng kaligtasan sa ilalim ng mga tradisyon ng mga matatanda na paulit-ulit na tinuligsa ni Yahushua.

Pagkamatuwid sa Pananampalataya (Galacia 5:5)Ang mga mananampalatayang Hentil, lumabas mula sa Paganismo, ay madaling pinabalik sa kaligtasan sa paggawa na itinuro ng mga “Judaizers.” Ang mga Judaizers ay inangkin na si Yahushua ay ang Mesias, ngunit ang kanilang impluwensya ay para bumalik sa mga tradisyon ng mga tao bilang paraan sa kaligtasan.

Tinanggihan nila ang kaligtasan bilang libreng kaloob na tinanggap kapag ang sinuman ay piniling maniwala sa Tagapagligtas.

Ang matunog na panawagan ni Pablo sa mga mananampalatayang Hentil ay umaalingawngaw sa mga naghahangad ng katotohanan ngayon:

“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob [ni Yahuwah] kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob [ni Yahuwah] at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.” (Efeso 2:8, 9, MBB)

Ang pagkupkop sa mga tradisyon ng mga Hudyo ay hindi nagdadala sa sinuman sa kaligtasan. Ang pagsusuot ng mga palawit at pambalot sa ulo ay hindi ipinayo ni Yahuwah sa sinuman. Ang paggamit ng mga salitang Hebreo na wala namang maaaring makaunawa ay hindi itinuturing ang sinuman na mas mabuting tagapanatili ng Kautusan.

Ang kaligtasan sa mga gawa ay lubos na nakatutukso sa bumagsak na kalikasan ng tao. Ang pagkupkop sa mga tradisyon ng mga Hudyo, pagsusuot o mga salita na madaling gawin ng sinuman na mas nakaaangat sa mga hindi nagkupkop sa kaparehong mga tradisyon.

Iyon man ay istilo ng pamumuhay na pinili na makikita sa Kasulatan o tradisyon ng mga Hudyo lamang, ang punto ay ang kaligtasan sa mga gawa ay maaaring pakainin ang pagkamaako ngunit hindi makakamit ang kaligtasan sa sinuman.

Ang mga tagapanatili ng mga kautusan ay magiging maingat sa dyeta at pananamit. Subalit kung gagamitin ito bilang batayan sa kung saan hahatulan ang mga merito ng sinuman, ay sinisira ang mismong diwa ng Kautusan na Pag-ibig.

Ang mga Pariseo ay mahigpit na pinapanatili ang mga dapat at hindi dapat gawin ng Kautusan, ngunit tinatanggihan ang pag-ibig, kabutihan, katarungan, at awa. Sinabi ni Yahushua sa kanila:

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.” (Mateo 23:23)

Ang kaligtasan sa mga gawa ay hindi kailanman ililigtas ang sinuman.

“Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan [ni Yahuwah]; sapagka't, ‘Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.’” (Galacia 3:11)

Nalalaman ni Satanas na walang maliligtas sa mga gawa. Pinangunahan niya ang mga tao na maunawaan nang mali ang mga isinulat ni Pablo at tanggihan ang mga pinakamalinaw na pagtuturo sa Kasulatan ng mahalagang doktrina: pagkamatuwid sa pananampalataya.

Narito ang tunay na lihim sa likod ng pagtanggi kay Pablo. Ang malinaw na pagkakaunawa ng Kautusan laban sa Tradisyon ay humantong sa kanya na tanggihan ang kautusan bilang paraan ng pagkamit ng kaligtasan ng sinuman.

Itinuro ni Pablo na ang Kautusan ay dapat na panatilihin. Gayunman, naunawaan niya na ito ay maaari lamang panatilihin sa pananampalataya kay Yahuwah.

Ang tanging pag-asa ng sinuman ay tigilan ang pagsubok na gawin ang landas ng sinuman sa Langit. Tanggapin na ang lahat ng “mga gawa ng kautusan” na isinagawa mo ay hindi ka maaaring iligtas.

“At ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi.” (Isaias 64:6)

Ang pagiging matuwid sa pananampalataya ay nangangahulugan na si Yahushua ay namumuhay sa Kanyang buhay sa iyo. Ang iyong kalooban ay dadalhin sa ganap na pagkakatugma sa Kanya. Pagkatapos lamang nito, ang banal na Kautusan ay ganap na pananatilihin.

Si Pablo, isang apostol na banal na itinalaga ng Langit upang ihatid ang mabuting balita sa mga Hentil, ay mayroong mensahe para sa lahat ngayon na maliligtas:

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Yahushua; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Yahushua ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ni Yah, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang Kaniyang sarili dahil sa akin.” (Tingnan ang Galacia 2:20)

Huwag papaugoy sa iba’t ibang mga ihip ng doktrina. Maging matatag at gawing batayan ang Kasulatan.

Tanggapin ang pagkamatuwid ni Yahushua sa pananampalataya. Ikaw rin, ay maaaring maranasan ang mga kasiyahan ng kaligtasan sa pananampalataya sa mga merito ng Tagapagligtas.

Pagkamatuwid sa Pananampalataya (Galacia 5:5)