Print

Pagtanggi Sa Banal Na Liwanag Ng Simbahang SDA: Isang Umuulit Na Palatandaan Na Tumatak Sa Tadhana Nito. [Parte 1 Ng 3]

Ang kasaysayan ng simbahan ay nagpapakita ng isang umuulit, lantarang pagtanggi ng banal na liwanag sa panahon ng maagang pag-unlad nito, na nagdulot sa pagtigil nito sa pagtanggap ng bagong liwanag.

Pagtanggi Sa Banal Na Liwanag Ng Simbahang SDA: Isang Umuulit Na Palatandaan Na Tumatak Sa Tadhana Nito. [Parte 1 Ng 3]

Ang paniwala na ang pagtanggi sa banal na liwanag ng Seventh-day Adventist Church ay naging isang paulit-ulit na palatandaan na “nagselyo sa tadhana nito” ay isang mahalagang punto ng teolohikal at makasaysayang paglalarawan. Ang konseptong ito ay nagpapahiwatig na ang Seventh-day Adventist Church, sa iba’t ibang sugpungan sa kasaysayang ito ay alinman sa bigo na ganap na makilala o tanggapin ang tiyak na mga banal na rebelasyon o mga patotoo na ipinakita rito, na maaaring may isang pangmatagalang epekto sa paglago, doktrinal na kalinawan, at mas malawak na impluwensya nito sa buong mundo.

Upang lakbayin ang makasaysayang realidad na ito, mahalaga na bungkalin ang dalawang susing kaganapan kung kailan ang simbahan ay masamang tinanggihan ang liwanag ni Yahuwah sa layunin ng pagtanggap ng Kristyanismo at pangunahing ‘agham.’ Ang dalawang pagtanggi na ito ay nauukol sa liwanag ng patag na Daigdig at Lunar Sabbath. Ang artikulong ito ay ipapahayag ang pagtanggi sa liwanag ng patag na Daigdig na naganap noong huling ika-19 na siglo.

Hindi natin maaaring bigkasin ang pagtanggi na ito nang hindi binibigyang-diin ang taong ahente na ginamit ni Yahuwah Ama upang isiwalat ang katotohanan ng patag na daigidg para sa simbahan at sa pamumuno nito.

Inhinyero Na Si Alexander Gleason.

Isang kasapi ng Seventh-day Adventist Church, si Alexander Gleason (1827–1909) ay isang mekaniko, agrimensor, at sibil na inhinyero mula sa Buffalo, New York. Hangad niyang ipagkasundo ang kanyang pananampalataya sa kanyang paniniwala sa isang patag na Daigdig. Sa kanyang 1890 na aklat, ‘Is the Bible from Heaven? Is the Earth a Globe?’, nakipagtalo siya na ang mga biblikal na sipi ay itinaguyod ang isang modelo ng patag na Daigdig at ipinakita ang mga eksperimento na nagpapakita ng pagiging patag ng Daigdig. Halimbawa, nagbigay siya ng mga pagsisiyasat sa Lawa ng Erie na sumasalungat sa inasahang pagkakurbada ng isang simbilog na Daigdig.

Gumawa si Alexander Gleason ng maraming kapansin-pansin na mga kontribusyon sa kilusang patag na Daigdig sa Amerika, lalo na noong huling ika-19 na siglo. Ang kanyang mga ideya at mga kasulatan ay makabuluhang itinaguyod ang teorya ng patag na Daigdig sa panahong iyon. Ilan sa kanyang mga mahahalagang kontribusyon ay:

Ang “Mapang Gleason”: Isa sa mga pinakamahahalagang kontribusyon ni Gleason sa kilusang patag na Daigdig ay ang paglikha ng isang mapa ng mundo na naglarawan na ang Daigdig ay patag. Ang mapang ito, karaniwang tinawag na “Mapang Gleason,” ay batay sa kanyang paniniwala na ang Daigdig ay isang patag, hugis-disko na bagay. Iminungkahi niya na ang Hilagang Polo ay ang sentro nito, pinaligiran ng mga kontinente at mga karagatan, habang ang Antarktika ay bumubuo ng isang malaking pader ng yelo sa palibot ng Daigdig. Ang mapang ito ay naging isa sa mga pinakamatatag na simbulo ng kilusang patag na Daigdig.

–Ang Aklat: Is the Bible from Heaven? Is the Earth a Globe? (1890): Naglathala si Gleason ng gawa na ito, nagtatalo na ang Daigdig ay patag at ang Bibliya ay itinaguyod ang kanyang mga pananaw. Ipinakita niya ang kanyang kaso para sa isang patag na Daigdig mula sa parehong pangrelihiyon at siyentipikong pananaw. Ang mga argumento ni Gleason ay isinama ang kanyang paniniwala na ang pagkakurbada ng Daigdig ay dapat na masisiyasat at ang modelo ng patag na Daigdig ay humanay nang mas naaayon sa Kasulatan.

–Mga Pampublikong Sermon At Adbokasiya: Si Alexander Gleason ay hindi lamang isang manunulat kundi isa ring pampublikong tagapagsalita. Nagbigay siya ng mga sermon na pinabulaanan ang modelo ng simbilog na Daigdig. Ang kanyang aktibong pakikipag-ugnayan sa pagsasalita sa publiko ay nakatulong na ipalaganap ang ideya ng patag na Daigdig sa isang mas malawak na madla.

–Paghahamon Sa Pangunahing Agham: Ginawang tudlaan ni Gleason ang pinagkasunduan ng siyentipikong komunidad tungkol sa hugis ng Daigdig. Naniwala siya na ang ebidensya na nagtataguyod ng globong teorya ay may depekto. Nagsagawa siya ng mga eksperimento upang hamunin ang paninindigan na ang Daigdig ay isang globo. Halimbawa, ipinunto niya ang kakayahan na makita ang mga dakilang distansya sa katawan ng katubigan bilang ebidensya na ang Daigdig ay patag, nagtatalo na ang isang kurbadang panlabas ay palalabuin ang mga bagay nang lagpas sa isang tiyak na punto.

–Integrasyon Ng Mga Pangrelihiyong Paniniwala: Bilang isang kasapi ng Seventh-day Adventist Church, pinagsama ni Gleason ang kanyang mga pangrelihiyong paniniwala sa kanyang mga pananaw ng patag na Daigdig. Nakipagtalo siya na ang modelo ng patag na Daigdig ay humanay nang mas malapit sa mga tiyak na Biblikal na sipi. Ang kanyang pangrelihiyon na balangkas ay nagbigay ng kanyang mga ideya ng patag na Daigdig na may isang natatanging apela sa mga pangrelihiyong komunidad sa panahong iyon.

–Impluwensya Sa Huling Kilusang Patag Na Daigdig: Ang ambag ni Gleason ay nagtatag ng pundasyon para sa mga panghinaharap na naniniwala sa patag na Daigdig. Ang kanyang mga isinulat at ang Mapang Gleason ay patuloy na nag-impluwensya sa kilusang patag na Daigdig, lalo na sa mga tinanggihan ang mga pangunahing siyentipikong pananaw. Sa ika-20 at ika-21 mga siglo, ang kanyang mga gawa ay muling natuklasan at inampon ng mga naniniwala sa patag na Daigdig sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Paano si Ellen White at ang pamumuno ay tumugon sa aklat at gawa ni Gleason?

Si Ellen G. White at ang mas malawak na Simbahan ay sumalungat sa kampanya ng patag na Daigdig ni Gleason, pangunahing dahil ang kanyang mga pananaw ay sumasalungat sa diin ng simbahan sa siyentipikong ebidensya. Habang ang biblikal na ebidensya ay itinaguyod at pinagbabatayan ang kampanya ni Gleason, si Ellen G. White, isang kapwa-tagapagtatag at propeta ng Seventh-day Adventist Church, ay itinuring ang pagtuturo ng patag na Daigdig na haka-haka. Nagbabala siya sa simbahan laban sa pakikitungo sa mga ideya ng patag na daigdig kung hindi ay baka maligaw ito mula sa mga pundasyonal na doktrina. Nag-alala siya na ang pakikitungo sa mga pagtatalo tungkol sa hugis ng Daigdig ay maaabala mula sa pangunahing misyon ng simbahan na pagtuturo ng ebanghelyo at paghahanda sa mga tao para sa pagbabalik ni Kristo.

Sa kanyang mga isinulat, nagpahiwatig si White na ang sigalot sa patag na Daigdig ay impertinente sa pangunahing gawain ng simbahan. Siya ay sinipi sa pagsasabi: “Tungkol sa mga ganoong paksa gaya ng teorya ng patag na mundo, sinasabi ng Diyos sa bawat kaluluwa, ‘Ano sa iyo iyon? Sundan mo Ako.’”

Dagdag pa, gaya ng lahat ng pangunahing Kristyanong denominasyon, ang Seventh-day Adventist Church ay kinilala ang ‘siyentipikong ebidensya’ para sa simbilog na hugis ng Daigdig. Dahil dito, ang adbokasiya ng patag na Daigdig ni Gleason ay salungat sa pagnanais ng simbahan na humanay sa pangunahing agham at Kristyanismo. Ang Simbahang SDA ay layon na mapanatili ang estado nito bilang isang pangunahing Kristyanong denominasyon sa pag-iiwas ng isang pagtuturo na, bagama’t biblikal, ay itinuring bilang maka-kulto ng Kristyanismo. Ang pamumuno ng Seventh-day Adventist Church ay inuuna ang pagtanggap sa iba sa halip na pagyakap sa banal na patotoo.

Kabalintunaan, habang ang mga Adventist ay sumunod sa isang literal na interpretasyon ng Bibliya, binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng katuwiran at ‘siyentipikong pagsisiyasat’ para sa pagkakaunawa sa mundo. Ang mga pagtuturo ni Gleason ay itinuring bilang problematiko para sa kanila dahil sila’y nagkakasalungatan sa maraming siglo ng palsipikadong siyentipikong ‘ebidensya.’

Si Ellen White ay empatiko sa paghadlang sa Simbahan mula sa pagtanggap ng pagtuturo ng patag na Daigdig. Nagbabala siya na “Ang mga teorya tungkol sa hugis ng mundo, gayon din ang ibang katanungan, ay hindi dapat gawing prominente o bigyan ng hindi nararapat na pansin. Ang mga paksang ito ay hindi tayo gagawing mas marunong o mas mabuti. Hindi nagtatanong sa atin ang Diyos na ipaliwanag kung paano Niya nilikha ang kalangitan at kalupaan. Nag-uutos Siya na tumingin sa mga kagandahan ng kalikasan at kilalanin ang Kanyang kapangyarihan.”

(Ellen G. White, Counsels to Parents, Teachers, and Students)

Pagwawakas: Si Ellen G. White at ang Seventh-day Adventist Church ay sumalungat sa mga pagtuturo ng patag na Daigdig ni Alexander Gleason dahil ang mga ito’y abala mula sa mga pangunahing paniniwala ng simbahan. Ang simbahan ay binigyang-diin ang kahalagahan ng ‘matuwid na siyentipikong ebidensya,’ na pinagtalunan na wala sa mga pagtuturo at mga eksperimento ni Gleason. Dahil dito, ang mga ideya ni Gleason ay itinuring bilang nakakahati, hindi makaagham, at impertinente, nabibigong humanay sa misyon ng simbahan na sumama sa pangunahing agham at Kristyanismo.

Sulit ba para sa Simbahang SDA na tanggihan ang banal na liwanag kaya ang mga Trinitaryang simbahan ng Kristyanismo ay hindi sila ituturing bilang maka-kulto?