Print

Si Yahushua Ba Ay “Bumalik” Sa Ama?

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

si-yahushua-ba-ay-bumalik-sa-ama

May mga tiyak na berso sa ebanghelyo ni Juan, Juan 1:1-3 at Juan 17:5, halimbawa, na itinuring na patunay na si Yahushua ay umiral na bago isinilang sa langit. May isa pang sipi, batay sa pagsasalin na mababasa mo, na lumilitaw na itinataguyod rin ang paniwala:

Juan 13:3 Alam ni Yahushua na ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong kapangyarihan; at alam niyang siya’y mula kay Yahuwah at babalik kay Yahuwah.

Si Yahushua Ay Bumalik Sa Ama?

Ang parirala na “bumabalik kay Yahuwah” o “babalik kay Yahuwah,” ay nagpapahiwatig na si Yahushua ay umiral bago isinilang sa langit kasama ang Ama bago ang kanyang makalupang paglilingkod. Sa ibang salita, naroroon na siya, at siya’y babalik. Ngunit ito ba ang sinasabi ng Griyegong teksto? Ating siyasatin ang parehong teksto at konteksto upang malaman.

Ang konteksto ng Juan 13 ay tungkol sa agarang hinaharap, hindi tungkol sa isang inakalang walang hanggang nakaraan.

Sa ika-13 kabanata ng ebanghelyo ni Juan ay matatagpuan natin si Yahushua at kanyang mga alagad sa anong magiging kanyang panghuling hapag-kainan ng Paskua:

Juan 13:1 Bago sumapit ang pista ng Paskua, alam ni Yahushua na dumating na ang kanyang oras upang iwan na ang mundong ito at magpunta sa Ama. Dahil mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, minahal niya sila hanggang sa katapusan.

Ang konteksto ng Juan 13 ay tungkol sa agarang hinaharap, hindi tungkol sa isang inakalang walang hanggang nakaraan. Sinasabi ni Yahushua sa kanyang mga alagad na ang kanilang Guro at Panginoon ay pagtataksilan at lilisanin niya ang mga alagad. Syempre, nauunawaan natin siya na tinutukoy ang kanyang nalalapit na kamatayan, muling pagkabuhay, at pag-akyat sa Ama. Ang mga bagay na ito na habang nasa kaisipan, sinasabi ni Juan sa atin na si Yahushua ay naglalaan ng kanyang mga huling oras sa paglilingkod sa kanyang mga alagad:

Juan 13:3-4 Alam ni Yahushua na ibinigay na sa Kanya ng Ama ang lahat ng bagay at siya ay nagmula kay Yahuwah at papunta kay Yahuwah. 4 Tumayo siya pagkahapunan at naghubad ng kanyang panlabas na damit, at nagbigkis ng tuwalya.

May iba pang pagsasalin na nagdadagdag ng mga salita sa teksto. Halimbawa:

Ang Griyegong teksto ay mababasa, “…kay Yahuwah siya paroroon,” siya ay hindi babalik.

Para sa mambabasang Trinitaryan, na nagdadala ng isang anakronistik na pananaw ng umiral bago isilang sa teksto, sinamahan pa ng pagdadagdag ng mga tagapagsalin, ang siping ito ay isang “malinaw” na indikasyon ng makalangit na pag-iral bago aktwal na isilang ni Yahushua. Nalalaman niyang galing siya kay Yahuwah at babalik din kay Yahuwah. Mayroong isang problema, gayunman. Hindi ito ang sinasabi ng orihinal na teksto. Ang Griyegong teksto ay mababasa, “…kay Yahuwah siya paroroon,” siya ay hindi babalik.1 Ang Dating Biblia 1905 ay itinataguyod ang orihinal na teksto sa pagsasalin nito:

Juan 13:3 (ADB) Si Yahushua, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya’y nanggaling kay Yahuwah, at kay Yahuwah din paroroon.

Ang salitang “paroroon” sa Griyego sa Juan 13:3 ay hypagei, at ito’y nangangahulugan: upang manguna o dalhin sa ilalim ng kontrol, para manguna sa pagpunta, pumunta, umalis. Ang paggamit nito ay isinasama: upang umalis, lumayo, mawala, mamatay.2

Ang hypagei ay lumitaw nang 11 beses sa Bagong Tipan, at hindi kailanman isinalin bilang bumalik o bumabalik, maliban sa Juan 13:3 sa ilang pagsasalin.3 Dagdag pa, ang salitang-ugat ng hypagei ay hupagó.4 Sa Filipino Standard Version, ang hupagó ay nagaganap nang 80 beses sa iba’t ibang anyo nito (kabilang ang hypagei), at ito’y hindi kailanman isinalin bilang bumalik o bumabalik, maliban sa nabanggit na, sa Juan 13:3.5 Na nagsusumamo ng katanungan, Bakit ang ilang tagapagsalin ay nagdadagdag ng mga salita sa hypagei upang gawin ang pagpunta kay Yahuwah na isang paglalakbay ng pagbabalik? Maaari ba na ang pagdagdag ay sumasalamin sa pagkiling ng mga tagapagsalin? Posible ba na sa isang pagsisikap na palakasin ang kaso para sa doktrina ng umiral bago isilang na Yahushua, sila’y nagdagdag ng mga salita? Maaari silang magdahilan, “Hindi ito ang anong sinasabi ng teksto, kundi tiyakan na anong ibig sabihin nito.” Ang problema sa pagdagdag ng mga salita sa teksto ay ang kanilang pagkiling ay nakakaapekto na sa mga walang hinala na mambabasa na nagtitiwala sa mga tagapagsalin na walang kinikilingan. Sa halip na pagsasalin ng teksto mula Griyego tungo sa Tagalog, ang mga tagapagsalin ay naging mga tagapagpaliwanag na ikinubli ang sagradong teksto sa pagdagdag nila ng mga salita. Isang maselan na alalahanin, tunay nga.

Nagmula Si Yahushua Kay Yahuwah

Maaaring sabihin ng ilan, ngunit naman ang tungkol sa katunayan na ang Juan 13:3 ay sinasabi na si Yahushua ay nagmula kay Yahuwah? Hindi ba patunay iyon ng umiral bago isinilang na Yahushua? Hindi kung babasahin natin ang teksto nang may isang nakasanayang Hebraikong pagkakaunawa. Ang mga tradisyonal na Hudyo ay hindi naniniwala sa isang literal na pag-iral bago aktwal na umiral. Para sa kanila, lahat ng bagay na naitalang umiral bago aktwal na umiral, ay nasa plano o paunang kaalaman lamang ni Yahuwah. Upang magmula kay Yahuwah o upang sabihin na ang isang bagay ay bumaba mula sa langit ay nangahulugan na may isa o isang bagay na kay Yahuwah, iyon ay, ito’y isinugo o pinahintulutan ni Yahuwah. Halimbawa, tungkol sa propeta na si Juan Bautista:

Juan 1:6 Isinugo ni Yahuwah ang isang taong nagngangalang Juan.

Ang mga tradisyonal na Hudyo ay hindi naniniwala sa isang literal na pag-iral bago aktwal na umiral. Para sa kanila, lahat ng bagay na naitalang umiral bago aktwal na umiral, ay nasa plano o paunang kaalaman lamang ni Yahuwah.

Walang sinuman ang mangangahas na sabihin na ang siping ito ay nangangahulugan na si Juan ay umiral bago isilang kasama si Yahuwah sa langit. Sa halip, nauunawaan natin ito na ang ibig sabihin na si Yahuwah ay itinalaga ang paglilingkod ni Juan. Narito ang isa pang halimbawa:

Juan 3:1-2 May isang taong nagngangalang Nicodemo, isang Pariseo at pinuno ng mga Hudyo. 2 Kinagabiha’y pumunta kay Yahushua ang taong ito at sinabi sa kanya, “Rabi, alam po naming ikaw ay isang gurong mula kay Yahuwah, sapagkat walang sinumang makagagawa ng mga himalang ginagawa mo malibang sumasakanya si Yahuwah.”

Hindi naniniwala si Nicodemo na si Yahushua ay umiral na bago isilang; sa halip, kinilala niya na ang mga tandang isinagawa ni Yahushua ay pahiwatig na siya ay nagmula kay Yahuwah, iyon ay, kasama niya si Yahuwah. Dagdag pa, isang tao na pinagaling ang pagkabulag ay sinabi ito tungkol kay Kristo Yahushua:

Juan 9:32-33 “Simula pa noon, wala pang nabalitaang sinuman na nagpagaling ng mga mata ng isang ipinanganak na bulag. 33 Kung ang taong ito ay hindi galing kay Yahuwah, wala siyang magagawa.”

Ang ngayo’y nakakakita nang tao ay hindi naisip na si Yahushua ay si Yahuwah. Kabaligtaran, ang konteksto ay nagsasabi sa atin na ang tao na naunawaan na si Yahushua ay isang propeta na isinugo ni Yahuwah at pinalakas na maging Anak ng Tao, Kristo o Mesias. Sa kadahilanang ito, ang nagpapasalamat na tao ay yumuko bilang paggalang sa kanya.6

Ang Mga Mananampalataya Ay Mula Kay Yahuwah

Hindi lamang sinabi ni Yahushua na naparito siya mula kay Yahuwah, kundi ang kanyang mga tagasunod ay sinabi na mula rin kay Yahuwah:

1 Juan 4:4 Mga anak, kayo’y kay Yahuwah, at napagtagumpayan na ninyo sila, sapagkat higit na makapangyarihan siya na nasa inyo kaysa kanya na nasa sanlibutan.

Sapagkat maaari nating makita, para maging kay Yahuwah o mula kay Yahuwah ay hindi katumbas na umiral bago isilang sa langit.

Babalik Sa Ama

Sa kasamaang-palad, hindi lamang Juan 13:3 ang binago ng mga tagapagsalin ang teksto:

Juan 16:28 Ako nga’y nanggaling sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayo’y aalis na ako sa sanlibutan at babalik na sa Ama.

Narito, ang salitang babalik sa Griyego ay poreuomai, at ito’y nangangahulugan lamang na pupunta.7 Ang Dating Biblia 1905 ay isinasalin nang tama ito:

Juan 16:28 (ADB) Nagbuhat ako sa Ama, at naparito ako sa sanglibutan: muling iniiwan ko ang sanglibutan, at ako’y paroroon sa Ama.

Upang “naparito sa sanlibutan” ay isang talinghaga na nangangahulugan na isinilang, hindi lamang sa kulturang Hudyo ng unang siglo kundi sa ating kultura din.

Ang ilan ay maaaring ipunto na ang berso ay sinasabi na si Yahushua ay pumarito sa sanlibutan at inaangkin ito na patunay na si Yahushua ay umiral bago isilang. Gayunman, sa pagsisiyasat ng parirala ay ipinapakita na ito ay isang talinghaga na nangangahulugan na isinilang, hindi lamang sa kulturang Hudyo ng unang siglo kundi sa ating kultura din.8 Halimbawa, siyasatin kung paano ang parirala ay ginamit sa kaparehong konteksto:

Juan 16:21 “Kapag manganganak ang babae, siya’y naghihirap, sapagkat dumating na ang takdang oras. Ngunit pagkatapos niyang manganak, nalilimutan na niya ang hirap dahil sa kagalakan, na isinilang ang isang sanggol sa sanlibutan.

Isa pang halimbawa ng talinghagang ito ay matatagpuan sa sulat ni Pablo kay Timoteo:

1 Timoteo 6:7 Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at pag-alis dito’y wala rin tayong madadalang anuman.

Malinaw, upang pumarito sa sanlibutan ay isang sanggunian sa kapanganakan ng isa at hindi patunay na ang isa ay umiral na bago isilang sa langit.

Pagwawakas

Ang Kasulatan ay hindi nagsasalita na si Yahushua ay bumabalik o bumalik kay Yahuwah, ito lamang ay ng pagpunta sa kanyang Ama, at ng kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat.

Dapat tayong may kamalayan na maging ang mga tagapagsalin ng Bibliya ay may mga kinikilingan. Sa kasamaang-palad, ang ilan ay nagdagdag ng mga salita sa sagradong teksto, kaya ikinukubli ang orihinal na kahulugan. Dahil dito, kailangan na kumilos tayo gaya ng mga taga-Berea at siyasatin ang Kasulatan upang makita kung ano ang itinuro na totoo.

dalawang-babae-na-naguusap-na-may-bukas-na-bibliya


1 https://biblehub.com/interlinear/john/13-3.htm

2 Strong’s Greek Dictionary, https://biblehub.com/greek/5217.htm

3 https://biblehub.com/greek/hypagei_5217.htm

4 Strong’s Concordance, https://biblehub.com/greek/5217.htm

5 Sa Juan 11:8, ang mga alagad ay nagtanong kay Yahushua kung tutungo siyang muli sa Hudea. “[Yahushua]…muli kang paroroon doon?” Ang salitang paroroon ay hypagie, at ito’y tama ang pagkakasalin. Ang salitang “muli” sa Griyego ay palin. Ang palin, hindi ang salitang hypagie, ay hinahayaan ang mambabasa na malaman na si Yahushua ay babalik sa Hudea. Kung ang muli ay hindi sinalita, ang teksto ay sinasabi lamang na si Yahushua ay paroroon o pupunta sa Hudea. Wala sa Juan 13:3 ang nagpapahiwatig na ang pagpunta ni Yahushua ay isang “paglalakbay ng pagbabalik.”

6 Sa Juan 9:17, noong tinanong ng mga Pariseo na naisip niya kung sino si Yahushua, ang dating bulag na tao ay sinabi na si Yahushua ay isang propeta. Ipinapakita ng berso 22 ang dagdag sa konteksto tungkol kay Yahushua bilang Kristo. Sa berso 35-38, sinasabi ni Yahushua sa tao na siya ang Anak ng Tao, isang Biblikal na pagtatalaga para sa Kristo o Mesias. Bilang tugon sa rebelasyon na ito, sa berso 38, ang tao ay proskuneô sa harap ni Yahushua, na nangangahulugan na magbigay ng paggalang. Ito ang kaparehong salita na isinalin sa Pahayag 3:9 bilang pasasambahin sa paanan.

7 poreuomai, Strongs #4198, https://biblehub.com/greek/4198.htm

8 “pumarito sa sanlibutan,” Merriam Webster’s Dictionary, nakuha online noong 3-18-20, https://www.merriam-webster.com/dictionary/come%20into%20the%20world


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/did-Yahushua-return-to-the-father/

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC