Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sino si Yahushua? Isang pag-aaral ng Barna ang isinagawa noong 2014 ay ipinakita na 93 porsyento ng mga Amerikano1 ay naniniwala na si Kristo Yahushua “ay isang tunay na tao na aktwal na nabuhay.”2 Animnapu’t tatlong porsyento ang nagsabi na sila’y gumawa ng isang pangako kay Yahushua na nananatiling mahalaga sa kanilang mga buhay ngayon. Gayunman, wala pa sa kalahati (43 porsyento) ang naniniwala na si “Yahushua ay Diyos na nabubuhay na kabilang sa mga tao.” Ngunit bago ang isa ay sumigaw na Erehe!, ating siyasatin ang Kasulatan at isaalang-alang kung bakit maaari nilang maisip ito.
Ang isang masigasig na mambabasa ay masisiyasat na ang Kasulatan ay patuloy na inilalagay si Yahushua sa isang kategorya sa labas ng Diyos [Yahuwah].
|
Ang isang masigasig na mambabasa ay masisiyasat na ang Kasulatan ay patuloy na inilalagay si Yahushua sa isang kategorya sa labas ng Diyos [Yahuwah]. Halimbawa:
Mga Gawa 2:22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Yahushua na taga-Nazaret ay pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo.”
Efeso 1:2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula kay Yahuwah na ating Ama at sa Panginoong Kristo Yahushua.
Pahayag 12:10 At pagkatapos ay isang malakas na tinig sa langit ang aking narinig: “Dumating na ang pagliligtas, ang kapangyarihan, ang kaharian ng ating Diyos, at ang pamumuno ng Kanyang Kristo, sapagkat naitapon na ang nang-uusig sa ating mga kapatid, siya na nagpaparatang sa kanila sa harap ng ating Diyos araw at gabi.
Pahayag 20:6 Pinagpala at banal ang mga nakasama sa unang muling pagkabuhay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan, kundi sila’y magiging mga pari ni Yahuwah at ni Kristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon.
Si Yahuwah ay ang Ama, habang si Yahushua, isang tao, ay ang Kristo. Pansinin na si Yahushua ay hindi lamang ang Kristo, kundi siya rin ang Kristo ni Yahuwah, kaya dagdag na nagbibigay ng diin sa kanilang pagkakaiba. Dagdag pa, sinabi sa atin ng hindi bababa sa 20 beses sa Kasulatan na si Yahushua ay may isang Diyos.3 Halimbawa:
1 Pedro 1:3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua! Dahil sa laki ng kanyang dakilang kahabagan ay muli tayong ipinanganak sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo Yahushua mula sa kamatayan,
Roma 15:6 Sa gayon, kayong nabuklod sa isang diwa, ay magpuring iisang tinig sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua.
Efeso 1:17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ang Ama ng kaluwalhatian, na bigyan kayo ng Espiritu ng karunungan at ng pahayag upang lubos ninyo siyang makilala.
Pahayag 1:6 at [siya, Yahushua] ginawa tayong isang kaharian, mga pari para sa kanyang Diyos at Ama, sa kanya ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman. Amen.
Pahayag 3:2 ‘Gumising ka, palakasin mo ang natitira sa iyo na malapit nang mamatay, sapagkat [ako, Yahushua ay] natagpuan kong kulang ang iyong mga gawa sa paningin ng aking Diyos.
Kung si Yahushua ay Diyos, paano siya maaari na may isang Diyos at nananatiling Diyos?
|
Syempre, ang mga siping ito at iba pa katulad ng mga ito ay nagsusumamo ng katanungan, Kung si Yahushua ay Diyos, paano siya maaari na may isang Diyos at nananatiling Diyos? Nakakalito at sumasalungat. Sa kabilang dako, ang Kasulatan ay nag-aalok ng kalinawan sa bagay na ito. Kailanman ang isang pagpapasya ay ginawa, ang Ama ay ang tanging tinukoy nang tiyakan bilang Diyos, habang si Yahushua ay paulit-ulit na sinabi na ang Kristo. Ang kapasyahan na ito ay nagpapatunay ng sariling pahayag ni Yahushua na ang Ama ay ang “tanging tunay na Diyos” habang siya ang Kristo na isinugo ni Yahuwah (Juan 17:1, 3).
Salungat sa anong pinaniniwalaan ng maraming Kristyano, ang terminong Kristo at ang katumbas nito sa Hebreo, Mesias, ay hindi mga pagtatalaga sa diyos. Ang mga kasing-kahulugan na termino ay nangangahulugang pinahiran, at sila’y tinutukoy para sa isang tao na itinalaga para sa paglilingkod kay Yahuwah. Ang propesor ng relihiyon at pilosopiya, si Douglas McCready, ay nagsusulat:
Sa Biblikal na Hudaismo, ang terminong “mesias” ay hindi kinakailangang nagdadala ng anumang konotasyon ng banal na estado, ang mga Hudyo ng panahon ni [Yahushua] ay hindi inaasahan ang kanilang mesias na iba maliban sa tao.4
Ang salitang Kristo ay ginamit nang mahigit 500 beses5 sa Bagong Tipan upang tumukoy kay Yahushua, at ito’y nagpapahiwatig ng kanyang papel bilang pinahirang hari ni Yahuwah. Ang maharlikang posisyon na ito, gayunman, ay hindi likas na kanya. Nangaral si Pedro sa Araw ng Pentecostes na si Yahuwah ang gumawa at nagtalaga kay Yahushua bilang parehong Panginoon at Kristo:
Mga Gawa 2:36 “Kaya’t dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Yahushua na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ni Yahuwah na Panginoon at Kristo.”
Iisipin ng isa na kung ang Kasulatan ay naglalagay ng lubos na diin sa pagtukoy kay Yahushua bilang Kristo—nang maraming daang beses—ito’y magbibigay ng diin na siya ay isang diyos higit sa lahat. Gayunman, hindi kailanman tahasang sinabi sa atin ng Kasulatan na si Yahushua ay Diyos, Diyos Anak, nagkatawang-taong Diyos, o ang ikalawang kasapi ng Trinidad. Iyong mga hinahawakan ang pangingibabaw ng Kasulatan ay dapat na mahanap na ito’y nakakabahala na ang mga sagradong teksto ay malinaw at paulit-ulit na tinukoy si Yahushua bilang Kristo ngunit hindi bilang Diyos. Nagkakasundo ang mga iskolar na anumang pagkakakilanlan ni Yahushua bilang Diyos ay wala sa Kasulatan. Ang propesor ng Bibliya at malikhaing may-akda na si William Barclay ay nagpapahayag:
Hindi kailanman tahasang sinabi sa atin ng Kasulatan na si Yahushua ay Diyos, Diyos Anak, nagkatawang-taong Diyos, o ang ikalawang kasapi ng Trinidad.
|
Paulit-ulit, ang Ikaapat na Ebanghelyo ay nagsasalita ng pagsusugo ng Diyos kay [Yahushua] tungo sa sanlibutan. Paulit-ulit, nakikita natin si [Yahushua] na nananalangin sa Diyos. Paulit-ulit, nakikita natin si [Yahushua] na walang alinlangan, walang reklamo, at walang kondisyon na tinatanggap ang kalooban ng Diyos para sa kanyang sarili. Wala saanman ang Bagong Tipan ay tumutukoy nang Diyos kay [Yahushua].6 Sinabi niya: Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama [Diyos].” May mga katangian ng Diyos na hindi ko nakikita kay [Yahushua]. Hindi ko nakikita ang kaalaman sa lahat ng Diyos kay [Yahushua], sapagkat may mga bagay na hindi nalalaman si Yahushua.”7
At ayon sa Biblikal na iskolar at tanyag na may-akda na si N.T. Wright:
Ang “Mesias” o “Kristo,’ ay hindi nangangahulugan na ang ‘banal/isang dibino.” Ito’y lubos na nakaliligaw upang gamitin ang mga salita bilang takigrapya para sa banal na pangalan o katauhan ni [Yahushua]. Medyo madaling pagtalunan na si [Yahushua]…pinaniwalaan na siya ang Mesias. Napakahirap, at isang lubos na kakaibang bagay, na pagtalunan na naisip niya na siya sa ilang diwa ay tinukoy sa Diyos ng Israel.8
Mahalaga rin na ang ibinunyi na Biblikal na iskolar at may-akda na si James Dunn, ay nagsusulat sa kanyang ganap na gawa, Christology in the Making, “Hindi natin maaaring angkinin na si Yahushua ay naniwala sa sarili niya na nagkatawang-taong Anak ng Diyos…9
Upang tawagin si Yahushua na parehong Yahuwah at Kristo ay lumilikha ng lubos na isang palaisipan. Sapagkat nabanggit, kung si Yahushua ay Diyos, paano siya maaaring may isang Diyos? Dagdag pa, kung si Yahushua ay isang diyos, walang saysay para sa kanya na pahiran at bigyan ng kapangyarihan ni Yahuwah. Salungat rito, si Yahuwah ang nagbibigay ng kapangyarihan sa kanyang mga lingkod. Gayong ipinapaliwanag ng may-akda at propesor na si Bill Schlegel:
Ang “Kristo” (Hebreo, “Mesias”) ay nangangahulugang “pinahiran”. Gramatikal, ang salita ay isang pang-uri sa isang pasibong diwa. Ang isa na pinahiran ay kumilos sa pamamagitan ng isa pa. Ang isa na gumagawa ng pagpapahid ay hindi ang pinahiran. Sa Bibliya, ang Diyos ay ang Tagapahid, at ang isa na pinahiran ng Diyos ay ang Kristo (ang Mesias). Ang Tagapahid ay hindi ang Pinahiran… Upang maniwala na si [Yahushua] ay ang Kristo ay nangangahulugan na sumampalataya na si [Yahushua] ay ang isa na pinahiran ng Diyos. Ang Kristo o Mesias sa Bibliya ay hindi maaaring Diyos, dahil ang Diyos ay pumili at pinahiran ang Kristo.10
Dagdag pa, paano si Yahushua maaaring itaas sa posisyon ng Kristo-Hari at binigyan ng awtoridad kung Diyos na siya? Si Yahuwah ba ay nasa mas mataas na posisyon maging sa pinakamataas na hari? At saka, paano si Yahuwah maaaring itaas sa kanang kamay ni Yahuwah, isang luklukan ng itinalagang awtoridad? Kung si Yahushua ay si Yahuwah, okupado na niya ang pinakamataas na lugar at tinanggap ang pinakadakilang karangalan bilang isang diyos. Upang gawin na Panginoon at Kristo ay magiging isang pagbababa.
Paano si Yahushua maaaring itaas sa posisyon ng Kristo-Hari at binigyan ng awtoridad kung Diyos na siya? Si Yahuwah ba ay nasa mas mataas na posisyon maging sa pinakamataas na hari?
|
Sa kabilang dako, may saysay na si Yahushua na taga-Nazaret ay kailangan ng pagpapahid ni Yahuwah upang gawin ang gawa na tinawag sa kanya ni Yahuwah na gawin. Dagdag pa, para kay Yahushua na itataas sa kanang kamay ni Yahuwah bilang isang gantimpala para sa kanyang pagsunod ay isang tunay na pagtataas at dakilang karangalan (Filipos 2).
Ilan ay maaaring nakipagtalo na tanging ang pantaong kalikasan lamang ni Yahushua ang may isang Diyos, naranasan ang pagtataas, at pinagkalooban ng kapangyarihan na mamuno. Gayunman, ang teoryang ito ay hindi matatagpuan saanman sa Kasulatan. Sa halip, ito’y pinaunlad sa kabila ng marahas, pinahabang pagtatalo ng mga Helenistikong Ama ng Simbahan. Ang propesor ng teolohiya na si A.T. Hanson, ay nagpapahayag:
Walang responsableng iskolar ng Bagong Tipan ang mag-aangkin na ang doktrina ng Trinidad ay itinuro ni [Yahushua], o itinuro ng mga pinakamaagang Kristyano, o may kamalayang pinanghawakan ng anumang manunulat ng Bagong Tipan. Sa katunayan, ito’y mabagal na isinagawa sa kurso ng unang ilang siglo sa isang tangka na magbigay ng isang mauunawaang doktrina ng Diyos.11
Mismo, ang teorya ng dalawahang kalikasan ni Yahushua ay hindi naging opisyal na dogma ng Simbahan hanggang sa Konseho ng Chalcedon noong ikalimang siglo.
Hindi tulad ng mga matapos ang Biblikal na konseho, ang debate sa panahon ng paglilingkod ni Yahushua ay hindi kung siya o hindi si Yahuwah kundi siya o hindi ang Kristo:
Juan 7:40-44 Nang marinig ng ilang tao ang mga salitang ito, sinabi nila, “Tunay na ito nga ang propeta.” 41 Ang iba’y nagsabi, “Ito ang Kristo.” Subalit sinabi ng ilan, “Sa Galilea ba manggagaling ang Kristo? 42 Hindi ba sinabi ng Kasulatan na ang Kristo ay magmumula sa lahi ni David at sa Bethlehem na pinanggalingan ni David?” 43 Kaya nagkaroon ng pagkakahati sa mga tao dahil sa kanya. 44 May ilang nais dumakip sa kanya, subalit walang nangahas na gawin iyon.
Marami ang naniwala na si Yahushua ay ang ipinangakong Mesias na isinugo ni Yahuwah, at sila’y malayang inamin ito. Halimbawa, si Marta, kapatid nina Maria at Lazaro, ay kinilala si Yahushua na ang Kristo:
Juan 11:27 Sinabi niya kay Yahushua, “Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos, na siyang dumarating sa sanlibutan.”
Habang ang ilan ay ginamit ang titulong Anak ng Diyos upang mangahulugan sa pagkadiyos ni Yahushua, wala sa Hudaismo o Paganismo ng panahon ni Yahushua ang nakaunawa ng titulo sa paraang ito. Ganon din ang maagang simbahan.
|
Ilan ay nalitong ipaliwanag ang titulo, Anak ng Diyos [Yahuwah], na isang sanggunian sa ilang umiral bago isilang na banal na kalikasan. Gayunman, isang pagsusuri ng Bibliya ay ipinapakita na, habang maraming mga anak ni Yahuwah, ito’y sukdulan na isang pagtatalaga para sa Mesias. Muli, nililinaw ni McCready ang termino para sa atin:
Habang ang ilan ay ginamit ang titulong Anak ng Diyos upang mangahulugan sa pagkadiyos ni [Yahushua], wala sa Hudaismo o Paganismo ng panahon ni [Yahushua] ang nakaunawa ng titulo sa paraang ito. Ganon din ang maagang simbahan.12
Sumasang-ayon si Wright sa pagtatasa ni McCready:
…ang pariralang ‘anak ng Diyos’ ay sistematikong nakaliligaw dahil sa bago at hindi Kristyanong Hudaismo, ang pangunahing sanggunian nito ay alinman sa Israel o ang Mesias, at pinananatili nito ang mga kahulugan sa maagang Kristyanismo…13
Ang patotoo ni Yahushua ay siya ang Kristo:
Juan 4:25-26 25 Sinabi ng babae sa kanya, “Alam kong darating ang Mesias, siya na tinatawag na Kristo; sa pagdating niya, ipaliliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.” 26 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Ako mismong nagsasalita sa iyo ang tinutukoy mo.”
Juan 10:24-25 24 Pinaligiran siya ng mga Hudyo at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang malinaw.” 25 Sumagot si Yahushua sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo naniniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin.
Sa kabila ng mga tiyak na tinawag na patunay na teksto, hindi kailanman inangkin ni Yahushua na maging Yahuwah. Si Millard Erickson, propesor ng seminaryong Baptist at may-akda, ay pumapayag sa punto:
Tunay nga, si Yahushua ay hindi gumagawa ng isang tahasan at lantad na angkin na isang diyos. Hindi niya sinasabi sa napakaraming salita, “Ako ay Diyos.”14
Balintuna, sinabi sa atin na ang mabuting balita ni Juan ay hindi katulad ng mga Sinoptikong Ebanghelyo dahil ipinapakita niya ang pagkadiyos ni Kristo rito. Gayunman, malinaw na ipinapahayag ni Juan na ang layunin kung saan isinulat niya ang kanyang talaan ay upang maaari tayong sumampalataya na si Yahushua ay ang Kristo, hindi maaari tayong sumampalataya na siya si Yahuwah:
Juan 20:30-31 Marami pang ibang himala na ginawa si Yahushua sa harap ng kanyang mga alagad na hindi naisulat sa aklat na ito. 31 Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Yahushua ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.
Tunay nga, ang rebelasyon ng pagkadiyos ni Yahushua ay nagsilbi bilang dakilang udyok para sa pagsusulat ng kanyang mabuting balita kaysa kay Yahushua na ang Kristo. Subalit, ang ipinahayag na layunin ni Juan para sa pagsusulat ay maaari tayong sumampalataya na si Yahushua ang hinirang at pinahirang hari.
Habang ang ilan ay hindi tinanggap na si Yahushua ay ang Kristo, ang mga demonyo ay nalaman nang tumpakan kung sino siya:
Lucas 4:41 Sa marami ay lumayas din ang mga demonyo na pasigaw na nagsasabing, “Ikaw ang Anak ng Diyos.” Ngunit sinaway niya ang mga ito at pinagbawalang magsalita sapagkat kilala nila na siya ang Kristo.
“…Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Yahushua ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.” (Juan 20:30-31)
|
Walang katanungan, ang mga demonikong espiritu ay malalaman kung si Yahushua ay ang Makapangyarihan. Ngunit sa bawat tagpuan ni Yahushua sa mga demonyo, hindi nila kailanman ipinahayag siya na si Yahuwah. Salungat rito, naunawaan nila na siya ay taga-Nazaret at ang “banal ni Yahuwah,” hindi si Yahuwah, ang banal.15
Isa sa pinakamalakas at hindi malilimutang mga deklarasyon na ginawa tungkol sa pagkakakilanlan ni Yahushua ay dumating mula kay Pedro sa pamamagitan ng isang pahayag na ibinigay sa kanya ni Yahuwah ang Ama:
Mateo 16:15-17 at 20 Sinabi niya [Yahushua] sa kanila, “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” 16 Sumagot si Simon Pedro, “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” 17 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang nagpahayag nito sa iyo ay hindi laman at dugo kundi ang aking Amang nasa langit… 20 Pagkatapos ay mahigpit niyang pinagbilinan ang mga alagad na huwag sasabihin kaninuman na siya ang Kristo.
Sinabi ni Yahuwah na si Yahushua ay ang Kristo. Hindi kailanman tinukoy ni Yahuwah si Yahushua bilang isang kapwa Diyos. Sa katunayan, sa pagsasalin ni Lucas ng kaparehong kaganapan, sinasabi ni Pedro na si Yahushua ay ang “Kristo ni Yahuwah,” hindi Yahuwah ang Kristo.16 Ang banal na ibinigay na rebelasyon na ito ay upang panatilihing pribado pansamantala. Ang “lihim,” gayunman, ay hindi si Yahushua ay si Yahuwah kundi siya ang ipinangakong hari.
Ngunit ano naman ang tungkol sa noong dinakip si Yahushua at hinarap kay Pilato? Hindi ba ang paratang laban sa kanya ay inangkin niya na siya si Yahuwah? Hindi ayon sa Bibliya:
Mateo 26:63 Subalit hindi nagsalita si Yahushua. Sinabi ng Kataas-taasang Pari sa kanya, “Manumpa ka sa harapan ng Diyos na buháy, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah.”
Lucas 23:1-3 Tumindig ang buong kapulungan at dinala si Yahushua kay Pilato. 2 Nagsimula sila na paratangan si Yahushua. Sinabi nila, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang aming bansa at ipinagbabawal ang pagbubuwis sa Emperador. Sinasabi rin niyang siya ang Kristo, ang hari.” 3 Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot siya, “Ikaw ang may sabi n’yan.”
Juan 19:21 Kaya sinabi ng mga punong pari kay Pilato, “Huwag mong isulat, ‘Ang Hari ng mga Hudyo,’ kundi, ‘Sinabi ng taong ito, “Ako ang Hari ng mga Hudyo.’”
Habang nakabitin sa krus, nilait at tinuya siya para sa pag-aangkin na siya ang Kristo, ang hari ng Israel, hindi sa pag-aangkin na isang diyos.
|
Ano pang marami, habang nakabitin sa krus, nilait at tinuya siya para sa pag-aangkin na siya ang Kristo, ang hari ng Israel, hindi sa pag-aangkin na isang diyos.
Marcos 15:29-32 Hinamak siya ng mga nagdaraan, at umiiling na sinasabi, “Ah! Ikaw na gigiba sa templo at magtatayo nito sa loob ng tatlong araw, 30 bumaba ka mula sa krus, at iligtas mo ang iyong sarili!” 31 Kinutya rin siya ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila sa isa’t isa, “Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili. 32 Hayaan nating bumaba ngayon mula sa krus ang Kristong Hari ng Israel para makita natin at maniwala tayo sa kanya.” Nilait din siya ng mga kasama niyang nakapako sa krus.
Lucas 23:39 Isa sa mga salaring nakapako ang nagpatuloy sa paglait sa kanya. Sinabi nito, “Hindi ba’t ikaw ang Kristo? Iligtas mo ang iyong sarili; iligtas mo rin kami.”
Walang duda, ang pag-aangkin na siya si Yahuwah ay magiging mas malalang pagkakasala, subalit ang paratang na hinatid laban kay Yahushua ay siya at kanyang mga tagasunod ay sinabi na siya ang Mesias.
Maging matapos itaas ni Yahuwah si Yahushua sa Kanyang kanang kamay, ang mensahe ay nagpatuloy na siya ang Kristo, hindi ang nagkatawang-tao na Diyos. Ang bawat sermon na ipinangaral o mensahe ng ebanghelyo na ibinahagi, ito man ay para sa mga Hudyo o mga Griyego, ay hindi tungkol kay Yahushua bilang Diyos na namatay para sa kasalanan ng sanlibutan. Sa halip, ito’y palaging tungkol kay Yahushua bilang Kristo:
Mga Gawa 5:42 Araw-araw, sa templo at sa mga bahay-bahay, wala silang tigil sa pagtuturo at pangangaral na si Yahushua ang Kristo.
Hindi kailanman itinuro ni Pablo o tinangka na patunayan na si Yahushua ay si Yahuwah o nagkatawang-tao na Yahuwah. Sa halip, ang kanyang paglilingkod ay patuloy na nakatuon sa pagpapahayag na si Yahushua ang Kristo:
Mga Gawa 9:22 Ngunit lalo pang naging makapangyarihan sa pangangaral si Saulo [Pablo], at kanyang nilito ang mga Hudyo na naninirahan sa Damasco sa pagpapatunay na si Yahushua ang Kristo.
Mga Gawa 17:2-3 Ayon sa kanyang nakaugalian, pumasok si Pablo doon, at sa loob ng tatlong Sabbath ay nakipagtalakayan sa kanila gamit ang mga Kasulatan. 3 Ipinaliliwanag at pinatutunayan niya na kailangang magdusa ang Kristo at muling mabuhay mula sa kamatayan. Sinabi niya, “Ang Yahushua na ito na aking ipinangangaral sa inyo—siya ang Kristo!”
Mga Gawa 18:5 Nang dumating na sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, iniukol na ni Pablo ang sarili sa pangangaral at pagpapatotoo sa mga Hudyo na si Yahushua ang Kristo.
Ang dahilan kung bakit itinaas ni Yahuwah si Yahushua sa Kanyang kanang kamay ay dahil sa kanyang pagtalima, maging sa harap ng isang kakila-kilabot na kamatayan.
|
Ang dahilan kung bakit itinaas ni Yahuwah si Yahushua sa Kanyang kanang kamay ay dahil sa kanyang pagtalima, maging sa harap ng isang kakila-kilabot na kamatayan. Ano ang magiging gantimpala ni Yahushua para sa kanyang mahalagang pagtalima? Sa pagwawakas ng panahon, ang bawat tuhod ay luluhod at ipapahayag sa wakasan na si Yahushua ay si Yahuwah? Hindi! Sa halip, siya ang Kristo:
Filipos 2:9-11 Kaya naman siya’y lubusang itinaas ni Yahuwah, at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan; 10 upang sa pangalan ni Yahushua ANG BAWAT TUHOD AY LUMUHOD, ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa, 11 at ipahayag ng bawat bibig na si Kristo Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah ang Ama.
Hindi nakakagulat, si Apolos, isang makapangyarihan ngunit hindi gaanong kilalang mangangaral sa Bibliya, ay ipinakita ang kaparehong mensahe ng ebanghelyo gaya kay Pablo:
Mga Gawa 18:28 Sapagkat makapangyarihan niyang [Apolos] dinaig sa harap ng madla ang mga Hudyo, at mula sa mga Kasulatan ay pinatunayang si Yahushua ang Kristo.
Ano ang naririto na pinatunayan ng Kasulatan? Na si Yahushua ay si Yahuwah? Hindi, sa halip, siya ay ang Kristo.
Ang mga alagad na nagsagawa ng mga himala at nagpalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan ni Yahushua ang Kristo at hindi sa pamamagitan ni Yahushua na si Yahuwah:
Mga Gawa 3:6 Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak at ginto, ngunit kung anong mayroon ako ay siyang ibibigay ko sa iyo. Sa pangalan ni Kristo Yahushua na taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.”
Mga Gawa 16:18 Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit nang mainis na si Pablo ay lumingon siya at sinabi sa espiritu, “Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Kristo Yahushua, lumabas ka sa kanya.” At lumabas ang espiritu nang oras ding iyon.
Sino ang taong ito mula sa Nazaret? Nagkatawang-tao na Yahuwah? Ang ikalawang kasapi ng isang tatluhang diyos? O ang Kristo, isinugo ni Yahuwah? Ito’y batay sa iyong kasagutan ayon sa ikaapat na siglo na orthodoxy o Kasulatan. Ang matapos ang Biblikal na tradisyon ay sinasabi na dapat tayong sumampalataya na si Yahushua ay si Yahuwah upang maligtas. Ngunit ayon sa Kasulatan, tayo’y ipinanganak muli kung sumasampalataya tayo na si Yahushua ay ang Kristo:
1 Juan 5:1 Ang sinumang sumasampalatayang si Yahushua ang Kristo ay anak na ni Yahuwah, at ang sinumang nagmamahal sa nagsilang ay nagmamahal din sa isinilang.
Sino ang sinasabi mong siya?
1 Ginamit ng Barna ang isang kinatawang patikim ng mga matatanda na lagpas sa edad na 18 sa bawat estado ng Estados Unidos.
2 “What Do Americans Think of Jesus: Man, Myth, or God?” The Christian Post, Abril 15, 2017, nakuha noong 10-02-19.
3 Ang Mesias ay may isang Diyos: Mikas 5:4; Awit 45:6-7; Awit 22;1; Awit 89:26. Si Yahushua ay may isang Diyos: Mateo 27:46 (2x); Marcos 15:34 (2x); Juan 20:16-17; Roma 15:5-6; 2 Corinto 1:2-3; 11:30-31; Efeso 1:15-17; Hebreo 1:8-9; 1 Pedro 1:3; Pahayag 1:4-6; 3:2; 3:12 (4x). --- Marcos 15:34
4 Douglass McCready, He Came Down from Heaven: The Preexistence of Christ and the Christian Faith, (IVP Academinc, 2005), p. 55.
5 Kristo (Kristo Yahushua, Kristo ang Panginoon, atbp) ay ginamit kay Yahushua nang 503 beses sa Bagong Tipan. Ang Mesias ay ginamit nang dalawang beses (messias sa Griyego). Herbert Lockyer, All the Divine Names and Titles in the Bible, (Grand Rapids, MI: Zondervan Publishing House), 1975, p. 101-102; 104-105, and 206.
6 Professor Barclay: “Ngunit matatagpuan natin sa halos bawat pagkakataon sa Bagong Tipan kung saan si [Yahushua] ay tila tinawag na Diyos, mayroon isang problema alinman sa tekstwal na kritisismo o ng pagsasalin.” William, Barclay, Jesus As They Saw Him: New Testament Interpretations of Jesus. (Grand Rapids: Wm. B. Eerdman’s Publishing, 1983), p. 21
7 William Barclay, The Mind of Jesus, (Harper & Rowe, 1961), p. 56.
8 N.T. Wright, “Jesus’s Self-Understanding” NTWrightPage – blog post na nakuha noong 4-15-19 http://ntwrightpage.com/2016/04/05/Jesus-self-understanding/
9 James Dunn, Christology in the Making, (Wm. B. Eerdmans Publishing, 1996 ), p. 254.
10 Bill Schlegel, “Do You Love God’s Child, The Person Who Believes Jesus is the Christ? Comments on 1 John 5:1,” Land and Bible, 9-27-91; nakuha noong 9-27-91.
11 Anthony Tyrrell Hanson, The Image of the Invisible God, (London: SCM Press, 1982), p.87.
12 McCready, p. 56
13 N.T. Wright, “Jesus’s Self-Understanding” NTWrightPage – blog post nakuha noong 4-15-19 http://ntwrightpage.com/2016/04/05/Jesus-self-understanding/
14 Millard J. Erickson, Introducing Christian Doctrine, (Grand Rapids, MI: Baker Academic, 1992, 2001)
15 Lucas 4:34.
16 Lucas 9:20.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/who-is-Jesus-God-christ-or-both/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC