Ang mga pagpapalagay ay mapanganib – lalo na't higit kapag ang mga ito ay ginawa sa larangan ng relihiyon. Kung ang teolohiko na paniniwala ay batay sa maling pagpapalagay, ang kasanayan na pangrelihiyon ay magiging mali. Ang pinaka-karaniwang mga pagpapalagay sa KaKristiyanuhan ay Sabado ang Banal na Kasulatan na Shabbath, at ang Linggo ay ang araw na kung kailan si Yahushua ay nabuhay. Ang mga ganitong paniniwala ay isinagawa mula sa isa pang pagpapalagay: na ang pangkasalukuyang isang linggo ay umikot nang tuluy-tuloy at walang pagka-antala mula sa Paglikha. Ang mga katotohanan sa kalendaryong Julian, gayunman, ay nagpapatunay na ang mga pagpapalagay na tulad nito ay mali.
Ang kalendaryong Julian ay naitatag nuong 45 B.C. Kagaya ng kalendaryo ng Republika ng Romano bago ito, ang naunang kalendaryong Julian ay mayroong walong (8) araw sa isang linggo! Ang mga araw sa isang linggo sa mga kalendaryong Republikano at naunang Julian ay itinalagang mga letra: Mga letrang A hanggang H. Ang lahat ng mga naunang kalendaryong Julian (fasti) ay nanatili simula pa nuong 63 B.C. hanggang A.D. 37.
Ang walong-araw na isang linggo ay malinaw na makikita sa mga pira-pirasong mga batong ito.
Ang Muling Pagbubuo ng Fasti Antiates, ang natatanging kalendaryo ng Republikang Romano na nananatili pa.¹
Ito ay hindi dapat pagdudahan na ang paglaganap ng mga misteryo o nakatagong kaalaman ng taga-Iran [taga-Persia] ay mayroong malaking bahagi sa pangkalahatang pagtanggap, ng mga pagano, sa buong isang linggo na ang araw ng Linggo ay ang banal na araw. Ang mga pangalan na ating ginamit, na hindi namamalayan, para sa iba pang mga anim na araw, ay kasabay na ginamit sa panahon na dumami ang tagasunod sa Mithraismo sa mga lalawigan ng Kanluran, at ang isa ay hindi dapat maging madahas o pabigla-bigla sa pagtataguyod ng isang kaugnayang pagkakataon sa pagitan ng tagumpay at ng kaakibat na kababalaghan.” (Franz Cumont, Textes et Monumnets Figures Relatifs aux Mysteres de Mithra, Vol. I, p.112.)
At habang ang Emperyo ng Roma ay lumalago, nagkaroon ito ng pakikipag-ugnayan sa Mithraismo, na kung saan madaling naging sikat na kultong pangrelihiyon sa Roma. Dinala ng Mithraismo ang (7) pitong-araw sa isang linggo na pinangalanan ang bawat araw ayon sa pangalan ng diyos ng bawat planeta.
Ang araw ng Linggo ay hindi kailanman magiging araw na kung kailan si Yahushua ay nabuhay mula sa patay, sapagkat ang araw ng Linggo ay hindi pa umiiral sa Julian na may walong-araw sa isang linggo sa Kanyang kapanahunan. Higit pa dito, ang araw ng Sabado ay hindi maaari na maging totoong Banal na Kasulatang Shabbath sa kadahilanan na ang pitong-araw sa linggo ng mga planeta ay orihinal na nagsimula nuong araw na kung saan ito ay tinatawag pa na Araw ni Saturn!
Ang mga Paliguan ni Titus, sa Roma, ay ginawa nuong A.D. 79-81. Isang kalendaryong istik ang natagpuan duon na malinaw na nagpapakita kay Saturn, ang diyos ng agrikultura, bilang diyos ng unang-araw ng linggo.
“Dies Solis”, o araw ng Araw, ay makikita bilang ikalawang araw sa isang linggo. Si Luna, ang diyosang buwan na may suot na gasuklay na buwan bilang isang korona, ay ang ikatlong araw sa isang linggo. Ang buong isang linggo ay nagtatapos sa araw ng Venus, “dies Veneris”, na tumutugma sa makabagong araw ng Biyernes, ay ang ikapitong-araw ng isang linggo.
Ang paganong planetaryong isang linggo, tulad ng kalendaryong Julian na umangkin nito, ay hindi mababago o maikakailang pagano. Ibinibunyag ng makasaysayang mga katotohanan na hindi pwedeng makita ang Banal na Kasulatang Shabbath ni maging ang Banal na Kasulatang Unang Araw kung gagamitin ang modernong kalendaryo. Kung mahalaga ang pagsamba sa isang partikular na araw, kung ganoon mahalaga rin na gamitin ang tama, ang pang-Banal na Kasulatang kalendaryo upang magbilang papunta sa araw na iyon.
Ang luni-solar na kalendaryo ng Paglikha, gamit ang parehong araw at ang buwan, ay ang tanging pamamaraan upang itatag ang tunay na ikapitong-araw na Shabbath at ang tamang araw ng pagkabuhay ni Yahushua.
“Kanyang itinakda ang buwan sa mga panahon: . . .” Mga Awit 104:19a
Mga Panahon²: [mo'edim]. Ang panambahang mga pagtitipon ng mga tao ni Yahuwah.
Mayroong dalawang kalendaryo na ginagamit ang mga Israelita sa kapanahunan ni Yahushua:
Aling kalendaryo sa tingin mo ang ginagamit ng mga Israelita at ni Yahushua?
Ang araw kung kailan ka
sumasamba, dikta ng kalendaryo na iyong ginagamit, ay ipinapakita kung sino ang
iyong sinasamba.
I-klik dito upang makita ang
video!
¹Palazzo Massimo Alle Terme, ed. Adriano La Regina, 1998.
²”Dahil sa ang mga kapistahan ng Hudyo ay nagaganap sa mga regular na pana-panahon, ang salitang ito ay naging ganap na pagkakakilanlan sa kanila . . . Ang salitang Hebreo na mo'ed ay ginagamit ng malawakan sa mga bagay na may kinalaman sa pangrelihiyong mga pagtitipon. Ito ay ganap na iniugnay sa tabernakulo mismo . . . [si Yahuwah] ay nakipagkita sa Israel duon sa mga tiyak na oras para sa layuning maipahayag ang Kanyang kalooban. Ito ay pangkaraniwang pangngalan o tawag para sa panambahang pagtitipon ng mga tao . . . [ni Yahuwah].” (Tingnan ang #4150, “Lexical Aids to the Old Testament,” Hebrew-Greek Key Word Study Bible, K.J.V.)