Print

Ang Lunar Sabbath

Araw ng Sabado na Sabbath? O Lunar Sabbath?

Ang mga tao na nasa pagmamahal ay gagawin ang lahat sa kanilang kapangyarihan upang pasiyahin ang kanilang minamahal. Ito ang karaniwang reaksyon ng puso na nagmamahal. Hindi ito itinuturing na tungkulin, kundi isang kasiyahan at pribilehiyo! Ito ay kung anuman ang ibig sabihin ng tunay na Sabbath sa lahat ng nagmamahal sa kanilang Manlilikha at nagnanais na parangalan Siya. Sa mismong simula ng sanlibutan, ang ikapitong araw ay inilaan bilang araw ng pamamahinga at pagsamba sa Manlilikha. Iyong mga nagpapahalaga ng kalinga na bumubuhos sa kanila ng mapagmahal na Ama sa kalangitan, ay mga gustong sumunod at sumamba sa Kanya sa tunay na araw ng Sabbath. 

Ang tanong ay lumilitaw: “Anong araw ang Sabbath ng Bibliya? Anong araw ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath ng Kasulatan?” Mayroong napakaraming pagkakaiba, pinalaganap na mga paniniwala tungkol kung kailan sasamba. Tatlo sa mga pananaw na ito ay sumusunod:

  1. Maraming tao ang naniniwala na hindi na kailangan ng tiyak na araw ng pamamahinga sapagkat si Yahuwah ay dapat sambahin araw-araw.
  2. Ang mga sumasamba sa araw ng Sabado ay naniniwala na dahil ang araw ng Sabado ay ang huling araw ng makabagong pitong araw na sanlinggo, ito dapat ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath. Sapagkat ang makabagong sanlinggo ay patuloy na umiikot, naniniwala sila na ang araw ng Sabado ay tumungo nang walang tigil mula nung Paglikha bilang tunay na ikapitong araw ng Sabbath.
  3. Ang iba ay patuloy na naniniwala na ang akumulasyon ng Biblikal at makasaysayang ebidensya ay ipinapakita na ang tunay na Sabbath ay mahahanap lamang gamit ang kalendaryong luni-solar na ginamit na noong Biblikal na panahon.

Habang totoo na ang sinuman ay dapat sumamba araw-araw, ang Makapangyarihan ng sanlibutan mismo ay malinaw na inutos na sa ikapitong araw, anumang paggawa ay isasantabi muna at espesyal na oras ang ilalaan sa Kanya. Ang Sabbath ay hindi lamang araw ng pagsamba. Ito rin ay tiyak na araw na walang anumang trabahong gagawin. Ipinahayag din ni Yahuwah na ang Sabbath ay isang tanda sa pagitan Niya at Kanyang mga anak magpakailanman. Ang artikulong ito ay isasaalang-alang ang ebidensya kung ang tunay na Sabbath ay isa bang “araw ng Sabado na Sabbath” o ang tinatawag na “lunar Sabbath.”

“Walang dahilan para sa sinuman na kunin ang posisyon na wala nang katotohanang malalantad pa, at ang lahat ng ating paglalahad ng Kasulatan ay walang mali. Ang patunay na ang mga doktrinang taglay bilang patotoo sa loob ng mahabang panahon ng ating mga ninuno, ay hindi katunayan na ang ating palagay ay perpekto. Hindi gagawa ng pagkakamali ang panahon sa katotohanan, at ang katotohanan ay walang kinikilingan. Walang mawawala sa tunay na doktrina kung sisiyasatin nang maigi.” Counsels to Writers and Editors, p. 35

Para sa lahat ng nagnanais na malaman ang katotohanan, mayroong panahon ang landas ay mahahati. Ang personal na negatibong palagay, tradisyon, at mga inakalang ideya ay hindi dapat manatili sa kaisipan ng sinumang nagnanais na malaman “ang Katotohanan, ang buong Katotohanan at walang iba kundi ang Katotohanan.” Kapag ang naghahanap ng katotohanan ay mag-aaral nang bukas ang kaisipan, kusang-loob na susundin anuman ang pinakita kapag siya ay nahatulan na ito ay totoo, ang katotohanan ay mas ipapakita sa kanya at hindi na niya kailangang manatili sa pagkakamali. Ito ay kinakailangan sa lahat ng mag-aaral sa paksa ng tunay na Sabbath ng Bibliya.

Ipinapakita ng Kasulatan na ang buong sagupaan sa pagitan ng Manlilikha at ni Satanas ay nakapaloob sa labanan sa pagsamba. Ito ay isang digmaan para sa kaisipan ng bawat tao; lalaki, babae o bata na nabubuhay ngayon. Dahil dito, ito’y katalinuhan para sa lahat ng nasa lupa na siyasatin ang paksang ito sa kanilang sarili. Lahat ay dapat pag-aralan at malaman para masiguro kung ang tunay na araw ng pagsamba ay araw ng Sabado o Lunar Sabbath.

Solar? Lunar? O Lunar-Solar?

Importanteng sumamba sa tiyak na araw (ang Sabbath) subalit mas mahalaga na tamang paraan ng pagbibilang ang gagamitin para hanapin ang araw. Sa ibang salita, ang tamang kalendaryo ang dapat gamitin. Ang panahon ay masusukat lamang ng paggalaw. Mayroong tatlong uri ng kalendaryo:

Ang kasaysayan at arkeolohiya ay ipinakita na ang lahat ng mga sinaunang sibilisasyon ay gumamit ng kalendaryong luni-solar. Habang ang mga taga-Ehipto ay isa sa mga unang nagpatibay ng mahigpit na kalendaryong solar, ang kanilang orihinal na kalendaryo ay kalendaryong lunar-solar din. Itong sinauna at lubos na tiyakang paraan ng pagkalkula ng panahon ay iniuugnay ang mga buwang lunar sa taong solar ng ilang mapapansing punto sa kalikasan. 

Ang paggalaw ng araw, buwan, at mga bituin ay mga tamang pagsukat ng oras lamang. Kahit sa makabagong atomikong orasan, lahat ng oras ay sinukat ng mga pag-ikot ng mga makalangit na katawan. Ang mga araw at mga taon ay parehong sinukat ng pag-ikot ng liwanag na nakikita mula sa lupa.

Ang taong solar ay may habang 365 araw. Ang taong lunar ay 11 araw na mas maiksi sa taong solar. Kaya, ang mga petsa ng mahigpit na kalendaryong lunar ay lumulutang sa kapanahunan ng taong solar. Iba’t-ibang kultura na gumamit ng kalendaryong lunar-solar, iniduong ang mga buwang lunar sa iba’t-ibang mga punto sa taong solar. Ang ilan, gaya ng sinaunang Ehipto, ginamit ang paglitaw ng bituin, Sirius, sa panahon ng summer solstice. Ang iba, gaya ng mga Aztecs at Maya, ay ginamit ang winter solstice para sa kanilang bagong taon. Mas kailan lang, nung ang Pransya ay nagpatibay ng ibang kalendaryo sa panahon ng Rebolusyong Pranses, ang kanilang taon ay saglit na nagsimula sa autumn equinox. (Para sa karagdagang impormasyon sa reporma ng kalendaryong Pranses at Soviet, tingnan ang Pagbabago ng Sanlinggo: Itinagong Sabbath.)

Ang makasaysayang ebidensya ay ipinapakita na ang mas karamihan ng mga sinaunang kalendaryo ay sinisimulan ang kanilang taon sa tagsibol, o malapit sa panahon ng spring (vernal) equinox. Ang mga Israelita ay gumamit rin ng kalendaryong luni-solar at sinimulan ang kanilang taon sa tagsibol. Ang kanilang mga taunang kapistahan at ikapitong araw ng Sabbath ay kalkulado ng kalendaryong luni-solar na itinatag ng Manlilikha sa mismong simula ng sanlibutan.

Ang Lunar Sabbath sa Kasulatan

Ang kalendaryo ng Manlilikha ay isang napakahalagang kasangkapan para sa paghahanap ng tunay na ikapitong araw ng Sabbath na naglalaman ng “tatak ni Yahuwah”: sinumang pangako ng katapatan sa Manlilikha. Ipinapakita ng Kasulatan na sa Paglikha, ang araw at buwan ay nilikha para magbigay ng liwanag gayon din ang paraan para sa pagmamarka ng sipi ng panahon. Ang modernong kalendaryong solar ay hindi ginagamit ang buwan sa pagpapanatili ng oras. Alinman sa mga Hindu o Muslim na kalendaryong lunar ay hindi naman ginamit ang araw. Ang sinaunang kalendaryong lunar-solar lamang ang kinilala ang mga saligan ng paggamit ng parehong araw at buwan sa sistema nito ng pagpapanatili ng oras.

Maraming tao na nagpapanatili ng mga kapistahang araw na nakalista sa Levitico 23 ay patuloy sa pagtalima sa araw ng Sabado na sabbath. Naniniwala sila na ang kalendaryong lunar-solar ay ginamit lamang para sa mga taunang kapistahan, subalit ang araw ng Sabado ng modernong kalendaryong solar ay tumungo sa patuloy na sanlingguhang pag-ikot simula pa nung paglikha. At ang mga ito’y dalawang magkaibang paraan ng pagpapanatili ng oras! Wala sa Kasulatan ang nabanggit na mayroong dalawang magkahiwalay at magkaibang sistema ng pagpapanatili ng oras. Sa paglikha, isang kalendaryo ang itinatag na nangangailangan ng parehong araw at buwan.

At sinabi [ni Yahuwah], Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon. At nilikha [ni Yahuwah] ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin. At mga inilagay [Niya] sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa, At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita [ni Yahuwah] na mabuti. (Genesis 1:14-18, ADB)

mga anyo ng buwan
Ang itinalagang sistema ng pagpapanatili ng oras ng Manlilikha
ay gumamit ng parehong araw at buwan para subaybayan ang oras.

Mismo sa siping ito, sa unang kabanata ng unang aklat ng Bibliya, ang alituntunin ay itinatag na ang dalawang malaking tanglaw ay ginamit para sa pagmamarka ng oras ng pagsamba at bilang isang tanda, o tatak ng katapatan sa Manlilikha. Ang salitang isinalin na “pinakatanda” ay nagmula sa salitang Hebreo na ôwth, na ibig sabihin ay tanda o tatak. “Ang salitang ito ay kumakatawan sa isang bagay kung saan ang tao o grupo ay pinakilalang may marka. . . . Ang salitang nangangahulugang ‘tanda’ ay isang paalala ng tungkulin ng sinuman.” (Tingnan ang #226, The New Strong's Expanded Dictionary of Bible Words.)

Ang Sabbath ay tanda ng bayan ng Manlilikha na nakamarka at ibinukod na kakaiba mula sa lahat ng iba sa lupa. Ang salitang Hebreo na isinalin na “panahon” ay mas nagsisiwalat. Ito ay salitang mo’ed. Ang paggamit ng salitang ito na nagpapakita ng tunay na Sabbath ng Paglikha ay kinalkula ng buwan. Ang Mo’ed ay tiyak na salitang ginamit na tumukoy sa mga taunang kapistahan.

Sapagkat ang mga kapistahan ng mga Hudyo ay nagaganap sa regular na mga agwat, ang salitang ito ay naging mas malapit na kinilala sa kanila . . . Ginamit ang Mo’ed sa isang malawak na kahulugan para sa lahat ng pagtitipong pangrelihiyon. Ito ay malapit na nauugnay sa mismong tolda. Kasama ni [Yahuwah] ang Israel sa tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kaloob. Ito ay karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan [ni Yahuwah].” (Tingnan ang #4150, "Lexical Aids to the Old Testament," Hebrew-Greek Key Word Study Bible, KJV.)

Malayo mula sa pagpapakita ng dalawang magkaibang sistema ng pagpapanatili ng oras, ang Kasulatan ay nagpakita lamang ng isa: ang kalendaryong lunar-solar kung saan ang mga taunang kapistahan gayon din ang ikapitong araw ng Sabbath ay kinakalkula. Ang Levitico 23 ay isang listahan ng mga banal na kapistahan ni Yahuwah. Mula sa mga Anibersaryo ng Tagsibol hanggang sa mga Kapistahan ng Taglagas, sinalaysay lahat ito ng Levitico 23. Ngunit ang mismong unang “kapistahang” nakalista ay sanlingguhang kapistahan: ang ikapitong araw ng Sabbath.

“At sinalita [ni Yahuwah] kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, ang mga takdang kapistahan [kay Yahuwah], na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, ay mga ito nga ang aking mga takdang kapistahan. Anim na araw na gagawa: datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang Sabbath [kay Yahuwah] sa lahat ng inyong tahanan.” (Levitico 23:1-3, ADB)

Mula dyan, tumungo si Yahuwah sa listahan ng taunang kapistahan (o mo’edim) ngunit ang unang kapistahan ibinigay Niya ay ang ikapitong araw ng Sabbath.

Lunar Sabbath: Isang banal na araw ng pamamahinga, ito ay ikapito at huling araw ng bawat sanlinggo sa isang lunasyon. Ang sanlingguhang pag-ikot ay muling magsisimula sa bawat Bagong Buwan. Apat na kumpletong sanlinggo ay susundan ng Araw ng Bagong Buwan.

Isa pang testigo mula sa Kasulatan ang Awit 104:19 na ang ikapitong araw ng Sabbath ay dapat kalkulado ng buwan:

“Kaniyang itinakda [nilikha] ang buwan sa mga panahon.” (Awit 104:19, ADB)

Ang salitang isinalin rito na “panahon” ay, muli, mo’edim. Ang Biblikal na talaan ay naaalinsunod: mayroon lamang isang paraan ng pagpapanatili ng oras na ipinakita sa Kasulatan. Iyon ay kalendaryong luni-solar na itinatag ni Yahuwah mismo sa Paglikha. Ang kalendaryong ito ay itinatag ang lahat ng mga araw na itinalaga para sa pagsamba, ang mo’edim.

Ang Kalendaryong Lunar-Solar ng Kasulatan

Ang unang araw ng buwan sa kalendaryong luni-solar ay Araw ng Bagong Buwan. (Para sa paggamit ng terminong “Bagong Buwan” sa Kasulatan, tingnan ang: 1 Samuel 20:5, 18 at 24; 2 Mga Hari 4:23; Awit 81:3; Isaias 66:23; Ezekiel 46:1; at Amos 8:5.)

kalendaryong luni-solar – nagkakalkula sa lunar sabbath

Sa sinaunang kalendaryo, ang ikapitong araw ng Sabbath
ay laging tatapat sa kaparehong petsa ng bawat buwan.

Sa Biblikal na kalendaryong luni-solar, bawat lunasyon (o buwang lunar) ay laging nagsisimula sa Araw ng Bagong Buwan, na isang uri ng araw ng pagsamba sa lahat para mismo rito. Anim na araw ng paggawa ang susundan mula sa ikalawa hanggang sa ikapito ng buwan. Ang ikapitong araw ng Sabbath ay laging tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22, at ika-29 ng bawat buwang lunar.

Ang Kasulatan mismo ay itinataguyod ang ayos ng kalendaryong ito. Sa bawat panahon ang ikapitong araw ng Sabbath ay binigyan ng petsang bilang sa Bibliya, lagi itong tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 o ika-29 ng buwan. Ang aktwal na petsa mismo o petsang ayon sa konteksto at iba pang detalye ay naaalinsunod na pumayag para sa extrapolasyong iyon. Halimbawa, ang kwento ng Exodo mula sa Ehipto na naglalaman ng mga tiyak na petsa at mga detalye para sa tatlong buwan sa isang hilera, lahat ay mayroong ikapitong araw ng Sabbath na tumatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 para sa bawat buwan! Ang mga detalyeng ito mula sa kalendaryo ay kinumpirma muli, 40 taon ang nakalipas sa panahon ni Josue at muli sa pagpako sa krus ng Tagapagligtas sa Paskua.

Habang naunang nabanggit na, ang taong lunar ay mas maiksi sa taong solar at walang ilang pagpakahulugan ng pag-angkora ng mga buwang lunar sa taong solar, ang mga kapanahunan ay lulutang sa buong kalendaryo. Ang tunay na Bagong Taon ay iniduong sa vernal equinox. Kaya, bawat dalawa o tatlong taon, isang karagdagang ikalabing-tatlong buwan ang isinasama sa taon. Ito ay tinatawag na embolismikong taon, sapagkat ang buong karagdagang buwan ay idinagdag upang dalhin ang mga lunasyon pabalik sa pagkakahanay sa mga kapanahunan. Ibinigay ng Aklat ni Ezekiel ang maka-Kasulatang patunay para sa ikalabing-tatlong buwan na ginamit sa mga taong embolismiko. (Tingnan ang Ika-13 Buwan ni Ezekiel.)

Ang kalendaryong lunar-solar ng Paglikha ay ang pinakatamang paraan ng pagpapanatili ng oras. Ito ay matikas, tumpak. Ito ay banal na pagpapanatili ng oras. Tinukoy ng Jeremias 31:35 si Yahuwah na ibinigay ang mga “kautusan” (o batas) ng buwan. Ang kautusan ng banal na pagpapanatili ng oras ay napakasimple lamang kaya ang pastol sa dalisdis ay maaaring kasing-tiyak sa pagtalima ng mga astronomo sa kanyang obserbatoryo sa pagkalkula. Maging ang pagbilang sa Pentecostes, na matagal na nilito ang mga tao dahil sa dalawang tiyak na pagbibilang na tila pasalungat, ay maaaring tantyahin nang tama sa paggamit ng kalendaryong lunar-solar lamang.

rabi
Inamin ng mga iskolar na Hudyo na ang kalendaryong ginagamit nila ngayon ay hindi ang kalendaryo ng Kasulatan.

Mga Hudyo at ang Sabbath

Habang totoo na ang mga Hudyo ngayon ay sumasamba sa araw ng Sabado na sabbath, ito’y hindi magpapatunay na tunay na Sabbath. Hindi sila laging sumasamba sa araw ng Sabado na sabbath. Ang mga iskolar na Hudyo ay napakalinaw na ang orihinal na paraan ng kalendasyon ay magkaiba mula sa modernong kalendaryo at sa panahon ng matinding persekusyon noong ikaapat na siglo A.D., ang mga Hudyo ay tinalikuran ang orihinal na kalendaryong lunar-solar.

Ang deklarasyon ng susunod na buwan sa pagmamasid sa bagong buwan, at bagong taon sa pagdating ng tagsibol, ay maaari lamang na magawa ng Sanhedrin. Sa panahon ni Hillel II [ika-4 na siglo A.D.], ang huling Pangulo ng Sanhedrin, ang mga Romano ay pinagbawalan ito. Dahil dito, si Hillel II ay napilitang magtatag ng kanyang nakapirming kalendaryo, kaya ang epekto’y binigyan ng paunang pag-aproba ang Sanhedrin sa mga kalendaryo ng lahat ng mga taon sa hinaharap. ("The Jewish Calendar and Holidays (kabilang ang Sabbath)": The Jewish Calendar; Changing the Calendar, www.torah.org, binigyang-diin.)

Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot. (Universal Jewish Encyclopedia, p. 410)

Kapag ang sinaunang kalendaryong lunar-solar ay isinantabi, ang kaalaman ng tunay na Sabbath ay naglaho sa pagtanggap sa paganong kalendaryong Julian.

sinaunang kalendaryong Julian
Ang mga piraso ng bato na ito ng unang kalendaryong Julian ay malinaw na ipinakita ang walong araw na sanlinggo. Ang mga Israelita ay hindi ginamit ang kalendaryong Julian upang hanapin ang ikapitong araw ng Sabbath. Ginamit nila ang orihinal na kalendaryong lunar-solar ng Paglikha.

Nawala ang Lunar Sabbath

Ang kalendaryo ng Republikang Romano, gaya ng kalendaryong Hebreo, ay kalendaryong luni-solar din. Noong 45-46 B.C., binago ni Julius Cæsar ang orihinal na kalendaryong Roma at, sa tulong ng astronomong Alexandrian, Sosigenes, ay  gumawa ng bagong kalendaryong solar na may patuloy na pag-ikot ng mga sanlinggo: ang kalendaryong Julian. Nung ang kalendaryong Julian ay ginamit sa panahon ng Mesias, ang mga Israelita ay hindi ginamit ito sapagkat ang sinaunang sanlinggong Julian ay walong araw ang haba! Ang mga Israelita ay patuloy na ginamit ang kanilang orihinal na kalendaryong lunar-solar at sumamba sa ikapitong araw ng sanlinggo nito.

Mula sa panahong iyon, hanggang sa ikaapat na siglo, ang mga Israelita at mga apostolikong Kristyano ay patuloy na ginamit ang kalendaryong Biblikal para sa kanilang pagtalima sa mga relihiyosong pagdiriwang. Sa lumalakas na kapangyarihan ng mga paganong Kristyano sa Roma, ito’y humantong sa ilang siglong pagtatalo kung kailan ipagdiriwang ang kamatayan at muling pagkabuhay ng Tagapagligtas. Ang mga Kristyano sa Roma ay nais na ipagdiwang ang muling pagkabuhay ng Mesias sa paganong Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga apostolikong Kristyano, sa ibang dako, ay nais na ipagdiwang ang kamatayan ni Yahushua sa orihinal na Paskua.

Ang punto ng pagtatalo ay lumitaw na mapanlinlang na simple: Paskua laban sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga isyu na nakataya, gayunman, ay napakalaki. Ang tanging paraan upang tukuyin kung kailan magaganap ang Paskua ay ang paggamit ng Biblikal na kalendaryong luni-solar . . .

Ang mga kalendaryo ay kinakalkula ang oras at sa Konseho ng Nicæa, napagkasunduan nito na isantabi ang kalkulasyon ng mga Hudyo at pagtibayin ang paganong kalendaryong Julian. Ito’y epektibong sinira ang kaalaman ng tunay na Sabbath at pinalitan ng paganong araw ng Sabado na Sabbath sa kinalalagyan ito. Ang mga iskolar ng Hudyo ay inamin ang katunayang ito, din.

Sa isang makulay na paglalarawan ng Konseho ng Nicæa, ang Hudyong iskolar na si Heinrich Graetz ay isinulat na:

Sa Konseho ng Nicea [Nicæa], ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong araw ng Paskua ng mga Judio, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at naayon sa Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap nito ang pagtalima ay dapat na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa kalendaryo ng mga Judio. . . . (History of the Jews, inilathala ng Jewish Publication Society of America, 1893, Vol. II, tingnan sa pp. 563-564.)

Ang Konseho ng Nicæa ay naging pinakamatindi, malayong naabot na bunga sa tunay na Sabbath. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga Katolikong iskolar ay ibinatay ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa pagbabago ng Sabbath mula sa tunay na Sabbath ng kalendaryong lunar-solar tungo sa araw ng Linggo ng patuloy na umiikot na sanlinggong Julian. Ang paganong kalendaryong Julian, isinabatas sa kinalalagyan nito, ay isang ganap na huwad na sistema ng relihiyon. Kaya ang tunay na Sabbath ay ibinaon sa ilalim ng mga siglo ng tradisyon at pagpapalagay na ang makabagong sanlinggo ay umiikot nang patuloy simula pa nung Paglikha.

Tagapaghusay ng Sira: Pagpapanumbalik sa Lunar Sabbath

Naglalaman ang Isaias 58 ng isang napakagandang propesiya na isasagawa ng huling henerasyon. “At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali’t saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.” (Isaias 58:12, ADB)

Ang mga mensahe ng tatlong anghel sa Pahayag 14 ay naglalaman ng panawagan na sumamba sa tunay na Sabbath ng Kasulatan.

Ito ay gawa ng mga nanumpa ng kanilang katapatan sa Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa Kanyang tunay na banal na araw, ang tunay na Sabbath ng Bibliya. Upang kumpunihin ang butas na ginawa sa kautusan ni Yahuwah, upang linisin o alisin ang dumi ng pagkakamali at tradisyon, akumulado mula sa mga siglo ng pagpapalagay, ay isang dakilang gawa ng bayan ng huling henerasyon. Naglalaman ang Pahayag ng isang tatluhang babala, nananawagan sa lahat na “Matakot kayo kay Yahuwah, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya . . . at sumamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” (Tingnan ang Pahayag 14:6-10.)

Ang paksang ito ay sukdulan ang kahalagahan sa lahat ng nabubuhay ngayon. Ang tunay na Sabbath ay tanda ng katapatan na ibinukod ang mga nagnanais na sumunod, mula sa mga nagpapatuloy sa tradisyon at pagpapalagay. Lahat ay dapat pag-aralan ang paksa ng lunar Sabbath, ang mga katunayan na may kinalaman sa kasaysayan ng kalendaryo, at ang mga nauugnay na sipi mula sa Bibliya. Ang Labanan ng Armagedon, gaya ng anuman sa matagal na digmaan sa pagitan nina Yahuwah at Lucifer, ay labanan sa lugar ng pagsamba.

Lahat ng nagnanais na parangalan ang kanilang Manlilikha ay pipiliing sambahin Siya sa araw na Kanyang pinabanal at pinanatili: ang ikapitong araw ng sanlinggo sa kalendaryong lunar-solar, ang tunay na lunar Sabbath.


Iclick rito para sa mas marami pa ukol sa Biblikal na Sabbath.

Iclick rito upang tingnan ang Lunar Sabbath – Ang Pagtanggol Serye.

 

“Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.”

-- Kawikaan 18:13, Ang Dating Biblia