Print

Araw Ng Mga Puso: Saan Ito Nanggaling?

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Araw Ng Mga Puso: Saan Ito Nanggaling?

Saan nagmula ang kaugalian ng pagpapalit ng mga puso? Paano ang mga Kristyano dumating upang manahin ang sinaunang Romanong tradisyon na ito? Bakit natagpuan namin na walang ganoong kasanayan ang inutos saanman sa Bibliya?

Isang Kristyanong Kaugalian?

kambing at asoOras na para ating itanong kung bakit ang mga magulang ay hinihikayat ang mga bata na ipagdiwang ang Araw ng mga Puso – na hindi kailanman nabanggit sa Bibliya.

Nalalaman mo ba na ilang siglo bago isilang si Kristo, ang mga paganong Romano ay ipinalit ang araw ng mga puso sa kaparehong panahon na ito? Noong Pebrero 14, nagdiwang sila ng isang ma-idolatrya na selebrasyon bilang pagpaparangal sa kanilang “valentino” na si Lupercus, ang “mangangaso”? Ang mga Romano ay tinawag ang pagdiriwang na “Lupercalia.”

Ang mga ritwal ng Lupercalia ay naganap sa iilang lugar: yungib ng Lupercal, sa burol ng Palatine at sa loob ng bukas sa labas, pampublikong pagtitipong lugar na tinawag na Comitium. Ang pagdiriwang ay nagsimula sa yungib ng Lupercal sa pag-aalay ng isa o maraming kambing—isang representasyon ng sekswalidad—at isang aso.

Ang mga sakripisyo ay isinagawa ng Luperci, isang pangkat ng mga Romanong kaparian. Matapos nito, ang mga noo ng dalawang hubad na Luperci ay pinahiran ng dugo ng hayop gamit ang madugo, pang-sakripisyo na kutsilyo. Ang dugo ay sunod na aalisin ng isang piraso ng lana na ibinabad sa gatas habang ang Luperci ay tumatawa.

Pista ng Lupercal

Sa sinaunang Roma, ang pista ay nagsimula matapos ang ritwal na pag-aalay. Kapag ang pista ng Lupercal ay natapos, ang Luperci ay hihiwa ng piraso na talupan, tinawag rin na latigo o februa, ng kambing na nakatago mula sa inalay na kambing.

BaalSila’y tumatakbo nang nakahubad—o halos nakahubad—sa paligid ng Palatine, hinahampas ang sinumang kababaihan na malapit gamit ang leteng.1

Ang kaugalian ng pagpapalit sa araw ng mga puso at lahat ng ibang tradisyon bilang parangal kay Lupercus—ang ginawang diyos at bayani na mangangaso ng Roma – “ay nagmula sa Romanong pagdiriwang ng Lupercalia, ipinagdiriwang sa buwan ng Pebrero kapag ang mga pangalan ng mga dalaga ay inilagay sa isang kahon at bubunutin ng mga kalalakihan para ituro ang pagkakataon,” inaamin ng Encyclopedia Americana, art. “St. Valentine’s Day.”

Noong ginawa ni Constantine na opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano ang Kristyanismo, mayroong ilang pag-uusap sa mga sirkulo ng simbahan tungkol sa pagwawaksi ng paganong kaguluhan na ito, ngunit ang mga Romanong mamamayan ay hindi naririnig ito! Kaya sila sumang-ayon na ang okasyong ito ay magpapatuloy.

Ngunit paano ang paganong pagdiriwang na ito ay nakuha ang pangalang “Araw ng mga Puso?” At bakit ang munting nakahubad na si Kupido ng mga paganong Romano ay madalas na nauugnay ngayon sa Pebrero 14? At bakit ang mga kabataan ngayon ay patuloy na naggugupit ng hugis puso sa pulang papel sa araw na nagbibigay ng parangal kay Lupercus, ang mangangaso? Bakit aakalain natin ang mga paganong kasanayang ito bilang pagpaparangal sa isang huwad na diyos ay Kristyano?

Sino ang Orihinal na “San Valentino”?

Ang Valentino ay isang karaniwang Romanong pangalan. Ang mga magulang ay madalas ibinigay ang pangalan ng kanilang mga anak bilang parangal sa tanyag na tao na unang tinawag na Valentino noong unang panahon. Ang tanyag na taong iyon ay si Lupercus, ang mangangaso. Subalit sino si Lupercus? Bakit dapat niya rin dalhin ang pangalang Valentino sa mga paganong Romano?

Ngunit bakit tinawag si Nimrod na “Valentino” ng mga Romano?

Ang Valentino ay nagmula sa salitang Latin na Valentinus, isang pantanging pangalan na mula sa Valens, na ibig sabihin ay “upang maging malakas,” binigyang kahulugan ng Webster’s Unabridged Dictionary. Ibig sabihin pa ay “malakas, matapang, makapangyarihan.”

Mababasa natin sa Bibliya na si Nimrod ay “ang MAKAPANGYARIHANG mangangaso” (Genesis 10:9). Ito ay isang karaniwang salawikain ng sinaunang panahon na si Nimrod ay ang Makapangyarihang mangangaso sa harapan ng Panginoon. Si Nimrod ang kanilang bayani – ang kanilang makapangyarihang tao – ang kanilang VALENTINO! Ang mga Romano ay sasabihin, – isang Valentinus, isang Valentino – nangangahulugan na makapangyarihang tao!

Ang orihinal na Valentino ay si Nimrod, ang makapangyarihang mangangaso ng mga lobo. Isa pang pangalan ni Nimrod ay “Santa,” na nangangahulugang “Santo.” Hindi na kataka-taka na ang Romanong Lupercalia ay tinawag na “Araw ng mga Puso” (San Valentino)! Ngunit bakit natin inuugnay ang MGA PUSO sa isang araw bilang parangal kay Nimrod – ang Baal ng mga Poeniko at mga Semita?

Baal – diyos ng araw

Ang nakagugulantang na kasagutan ay ang mga paganong Romano ay nakuha ang simbulo ng puso mula sa mga Babilonyan. Sa wikang Babilonya, ang salita para sa puso ay “Baal.” (tingnan ang Young’s o Strong’s concordance)

Ang isa ay maaaring itanong, ano ang pinagmulan ng hugis puso na simbulo na karaniwang nakikita ngayon? Sa Egipto, “ang batang kabanalang ito ay madalas kumakatawan sa isang puso, o prutas na hugis puso ng Persea [Abokado; Persea gratissima], nasa isa niyang mga kamay” (The two Babylons, Alexander Hislop, p. 189). Nagpapatuloy si Hislop: “kaya ang batang diyos ay dumating at itinuring bilang diyos ng puso, sa ibang salita, bilang Kupido, ang batang pangalan para kay Nimrod na nangangahulugang ‘pagnanasa’ (Encyclopedia Britannica,” artikulong “Cupid”). Habang lumalaki si Nimrod, siya ay naging batang bayani ng maraming kababaihan na ninanais siya. Siya ang kanilang Kupido! Napakarami niyang napukaw na kababaihan sa paninibugho na ang isang anito niya ay madalas tawaging “larawan ng paninibugho” (Ezekiel 8:5). Si Nimrod, ang mangangaso, ay ang kanila rin na Valentino – ang kanilang malakas o makapangyarihang bayani!

hugis puso na barya

Si Nimrod Ay Isang Santo?

Huli, sa panahon ni Constantine, ang mahiwagang paganong Babilonyang relihiyon, nagbabalatkayo bilang Simbahan ni Kristo, ay ginawa si Nimrod – ang San Valentino ng mga pagano – na isang santo! Ngunit bakit ang mga Romano ay pinili ang Pebrero 15 at ang gabi ng Pebrero 14 upang parangalan si Lupercus – ang Nimrod ng Bibliya? (Tandaan na ang mga araw sa sinaunang panahon ay nagsimula sa paglubog ng araw bago mag-gabi.)

Si Nimrod – ang Baal o diyos ng araw ng sinaunang pagano – ay sinabi na isinilang sa soltisyo ng taglamig. Sa sinaunang panahon, ang soltisyo ay nagaganap tuwing Enero 6. Sa huli, habang nagbago ang soltisyo, ito’y ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25 at ngayo’y tinatawag na Kapaskuhan o Araw ng Pasko.

SemeramisIto ay ang kaugalian noong unang panahon para sa ina ng isang batang lalaki na ipakita ang kanyang sarili para sa pagdadalisay sa ika-40 na araw matapos ang araw ng panganganak. Ang ika-40 araw matapos ang Enero 6 – orihinal na petsa ng kaarawan ni Nimrod – ay magdadala sa atin sa Pebrero 15, ang selebrasyon na nagsimula sa gabi ng Pebrero 14, ang Lupercalia o Araw ng mga Puso! Sa araw na ito sa Pebrero, si Semeramis [larawan sa kaliwa], ang ina ni Nimrod, ay sinabi na nalinis at lumitaw nang una sa publiko kasama ang kanyang anak bilang orihinal na “ina at bata.”

Ang Romanong buwan ng Pebrero, sa katunayan, ay nagmula ang pangalan nito mula sa februa na ginamit ng Romanong kaparian sa mga ipinagdiwang na ritwal sa Araw ng mga Puso.

Habang lumalaki si Nimrod, siya ay naging batang bayani ng maraming kababaihan na nagnanais sa kanya. Siya ang kanilang Kupido! Hindi na kataka-taka na ang mga pagano ay inalala ang kanilang bayaning mangangaso na si Nimrod, o Baal, sa pagpapadala ng hugis puso na simbulo ng pag-ibig sa ibang tao sa gabi ng Pebrero 14 bilang isang simbulo niya.

Si Alexander Hislop ay ipinahayag sa kanyang aklat na “The Two Babylons”: “Ngayon, ang Ninus na ito, o ‘Anak,’ dinadala sa kamay ng Babilonyang Madona, ay lubos na inilarawan nang napakalinaw upang tukuyin siya bilang si Nimrod. ‘Si Ninus, ang hari ng mga Asirya, …una sa lahat ay binago ang nasiyahang katamtaman ng mga sinaunang kaugalian, pinukaw ng isang bagong pagsinta, ang pagnanasa ng pananakop. Siya ang unang nagdala ng digmaan laban sa kanyang mga karatig-bayan, at sinakop niya ang lahat ng mga bansa mula sa Asirya hanggang Libya, sapagkat sila ay hindi pa sanay sa mga sining ng digmaan.’” Ang talaan na ito ay direktang ipinupunto si Nimrod at hindi maaaring iangkop sa iba.

“Si Ninus, ang pinaka sinauna sa mga Asiryang hari na nabanggit sa kasaysayan, ay nagsagawa ng mga dakilang aksyon. Likas na may isang kaugalian sa pakikidigma at mapaghangad sa karangalan na nareresulta mula sa katapangan, inarmasan niya ang maraming bilang ng mga kabataan na matatapang at malalakas gaya niya, sinanay sila sa mahabang panahon ng matrabahong kasanayan at paghihirap, at sa pamamagitan ng mga ito ay nasanay sila upang tiisin ang mga pagkapagal ng digmaan, at para harapin ang mga panganib nang may tapang.”

Habang si Diodorus ay itinuturing si Ninus na “pinaka sinauna sa mga Asiryang hari” at kumakatawan sa kanya bilang pagsisimula ng mga digmaang iyon na nagtaas ng kanyang kapangyarihan sa isang ekstra-ordinaryong tayog sa pagpapadala sa bayan ng Babilonya sa ilalim ng pamumuno niya, habang hindi pa umiiral ang siyudad ng Babilonya, ito’y nagpapakita na inokupa niya ang mismong posisyon ni Nimrod, nabanggit ng Kasulatan, na siya ang unang “nagsimula na maging makapangyarihan sa lupa,” at ang “simula ng kanyang kaharian ay ang Babilonya.”

Bilang mga tagapagtayo ng Babel, noong ang kanilang pananalita ay nagdulot ng kalituhan, na kumalat sa balat ng lupa at dahil dito’y nilisan ang parehong siyudad at ang tore na sinimulan nilang itayo, ang Babilonya bilang isang siyudad ay hindi maaaring itama na sinabi na umiiral hanggang kay Nimrod, sa pagtatatag ng kanyang kapangyarihan rito, ginawa ito na pundasyon at simulain ng kanyang kadakilaan. Sa respetong ito, ang kwento nina Ninus at Nimrod ay tumutugma. Ang landas na nakamit ni Ninus ang kanyang kapangyarihan ay ang mismong landas na itinatag ni Nimrod ang sarili niya. Maaaring walang duda na ito ay sa pamamagitan ng kanyang mga tagasunod tungo sa mga pagpapagal at mga panganib ng pagtugis na dahan-dahan niyang binuo sa kanila sa paggamit ng armas at lubos na pinaghandaan sila sa pagtulong sa kanya sa pagtatatag ng kanyang pamamahala; gaya ni Ninus, sa pagsasanay ng kanyang mga kasama para sa mahabang panahon “sa matrabahong pagsasanay at paghihirap,” nag-angkop sa kanila para sa pagtuturing sa kanya na una sa mga Asiryang hari.”

Ang babae ay nakadamit ng kulay-ube at pula, at nababalutan ng ginto at mamahaling bato at perlas, hawak niya ang isang gintong kopa na puno ng mga karumihan at mga kahalayan ng kanyang pakikiapid.

Sa kanyang noo ay nakasulat ang isang mahiwagang pangalan: TANYAG NA BABILONYA, INA NG MAHAHALAY NA BABAE AT NG MGA KALASWAAN NG DAIGDIG.

Pahayag 17:4-5

tore ng babel

Panahon na para siyasatin ang mga kasanayang ito ng mga pagano – ngayo’y huwad na tinawag na Kristyano. Oras na para itigil ang Romano at Babilonyang kasanayang ito – ang idolatryang ito – at bumalik sa pananalig ni Kristo Yahushua na isinugo nang tuluyan. Itigil natin ang pagtuturo sa mga bata ng mga paganong kasanayang ito sa pag-alala kay Baal, ang diyos ng araw – ang orihinal na Valentino – at ituro sa kanila sa halip kung ano ang tunay na sinasabi ng Bibliya!


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo.

Pinagkunan: http://www.cognm.org/cognm/Publications/St.%20Valentines%20Day%20-%20Where%20Did%20It%20Come%20From.htm

1 https://www.history.com/topics/ancient-rome/lupercalia

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC