Print

Armageddon: Ang Labanan Sa Pagsamba

Ang Labanan ng Armageddon, gaya ng tanda ng halimaw, ay pinagmuni-munihan nang walang humpay. Ang salita mismo ay lumikha ng mga larawan ng pagkawasak, sindak at ganap na pagkasira. Mula sa mabentang nobelang Left Behind, hanggang sa walang katapusang hanay ng mga pelikulang Hollywood, ang mga tao ay ipinalagay at hinulaan ang tungkol sa kosmikong sagupaan ng lahat ng panahon na ito. Gaya sa “tanda ng halimaw,” lahat ng mga ganoong teorya ay mali, hindi nauunawaan na ang tunay na kosmikong sagupaan na bumabalot sa ilang libong taon ay nasa pagsamba. Ang Labanan ng Armageddon ay ang panghuling kilusan sa matagal nang digmaan na nagsimula noong si Lucifer ay nagmataas na siya ay uupo sa Bundok ng Kapisanan, Bundok Mo’edim.

Ang mismong salitang Armageddon ay ipinapakita ang kalikasan ng labanang ito. Ito ay isang hindi pangkaraniwang salita, minsan lang ginamit sa Kasulatan. Sapagkat ang aklat ng Pahayag ay hindi isinulat sa Hebreo,(1) ang salita sa katunayan ay isang pagsasama ng dalawang salitang Hebreo. Ang una ay har (#2022) na nangangahulugan lamang na “bundok”. Ang mga iskolar ay hati sa ikalawang salita sa pagsasama. Ang ilan ay pinaniwalaan na ito ay #4023: Megiddo, na isang lugar sa Palestino. Ang problema sa interpretasyong ito ay kapag ang sinumanng tumungo sa Megiddo ay walang makikitang bundok doon! Sa katunayan, mayroon lamang na lambak: “ang Lambak ng Megiddo.”(2)

Ang ibang iskolar ay naniniwala na ang pangalawang salita ay #4150: mo’ed. Ito ay mas naaayon na pinagpilian. Ang Armageddon, har mo’edim, ay ang kaparehong Bundok Mo’edim na inangkin ni Lucifer na tataglayin, nakaupo sa Bundok ng Kapisanan, tumatanggap ng lahat ng pagsamba.(3) Ito ang sukdulan ng buong sagupaan at ito ay nilalabanan, palagi, sa larangan ng digmaan ng pagsamba.

Agaran matapos ang babae na nakasakay sa halimaw ay tinukoy bilang “Hiwaga, Dakilang Babilonya,” lumitaw ang ikaapat na anghel, inulit ang babala ng ikalawang anghel. Sa pagkakataong ito, ang babala ay ibinigay nang makapangyarihan sa isang malakas na sigaw:

Pagkatapos ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. Taglay niya ang dakilang kapangyarihan; at naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian ang daigdig. Sumigaw siya nang napakalakas, “Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na Babilonya! Tirahan na ito ng mga demonyo, kulungan ng bawat maruming espiritu, kulungan ng bawat maruming ibon, at kulungan ng bawat marumi't nakapandidiring hayop. Sapagkat lahat ng bansa ay uminom ng alak ng kanyang kahalayan, at sa kanya'y nakiapid ang mga hari ng daigdig, at mula sa kapangyarihan ng kanyang kaluhuan, ang mga mangangalakal ng daigdig ay nagpayaman.” Pagkatapos, mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi, “Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko, upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan, at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay; sapagkat abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan, at binalingan ni Yahuwah ang kanyang mga kasamaan.(4)

Sa pamamagitan ng paggamit ng huwad na kalendaryo ng nakatagong diyos, “lahat ng bansa ay uminom ng alak” ng Babilonya. Walang natira sa malubhang pagsasakdal na ito. Gayunman, ang alok ng awa ay patuloy na umaaligid at ang imbitasyon ay ibinigay sa mga tinawagan ni Yahuwah nang magiliw na “Bayan ko.” Ang puso ng walang hanggang pag-ibig ay ninanais na ang Kanyang bayan ay mayroong malinaw na pagkakaunawa ng mga isyu kaya ang lahat ay maaaring piliing sumunod sa Kanya. Ang reporma sa kalendaryo na kailangan ngayon ay isang pagbabalik sa tunay, Biblikal na pagpapanatili ng oras. Ang reporma sa Sabbath ay nangangailangan ng reporma sa kalendaryo.(5)

Napakadali para sa mga pinagpala ng dakilang espiritwal na liwanag na maging palalo, iniisip na nasa kanila na ang lahat ng mga patotoo na kailangan para sa kaligtasan. Gayunman, ang Isaias 58 ay maliwanag: ang bayan ni Yahuwah ay nasa kamalian: “Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.”(6)

Ang Pinakadakila ng Sanlibutan ay sumasamo para sa sinuman na ipakita sa Kanyang bayan ang kanilang mga kasalanan! Ito ay malinaw na iyong mga minamahal na tinawag na “Bayan ko” ay hindi naiisip na sila’y gumagawa ng kamalian, sapagkat ipinaliwanag ng sumunod ng berso: “Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Eloah, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Elohim.”(7) Gayunman, sa kabila ng isang panlabas na pagpapakita ng pagtalimang pangrelihiyon, isang bagay ang lubos na mali: pinabayaan nila ang alituntunin ng kanilang Manlilikha.

Ang alituntuning pinabayaan nila ay ang pagsamba sa tunay na Sabbath. Ito ay tanda ng katapatan na inabandona. Maraming Kristyanong sumasamba sa araw ng Linggo ay matapat na naniwala na ang Sabbath ay ibinigay lamang sa mga Israelita. Bukod sa katunayan na ang Sabbath ay ibinigay sa Paglikha bago pa ang Israel ay naging isang bayan, si Pablo, ang apostol para sa mga Hentil,(8) ay tutok na ipinahayag na ang lahat ng tatanggap kay Kristo ay mga tagapagmana ng pangako na parang sila ay nagmula kay Abraham.(9) Kaya ang mga kailangan para magmana, pagsunod sa mga banal na kautusan, ay angkop sa mga Hentil gaya sa mga Israelita sa dugo.

Sapagkat naipakita, ang mga paulit-ulit na pagtalikod ng Israel ay nakasentro sa pagsamba ni Saturn, ang nakatagong diyos. Ang modernong Israel, parehong literal at espiritwal, ay nagpatuloy sa pagtalikod na iyon; “sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan.”(10) Ang Sabbath ay itinatag ng Manlilikha bilang tanda ng katapatan sa Kanyang kaharian:

Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga Sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako si Yahuwah na nagpapabanal sa inyo. Inyong ipangingilin ang Sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.(11) Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't ang ikapitong araw ay Sabbath na takdang kapahingahan, pangilin kay Yahuwah: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng Sabbath, ay walang pagsalang papatayin. Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng Sabbath, na tutuparin ang Sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ni Yahuwah ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.(12)

Kapag ang banal na alituntunin ay pinabayaan, ang mga pangrelihiyong ritwal ay nagiging mga anyo na lamang na nagkukulang ng lahat ng mga espiritwal na pagpapala. Sa Isaias 58, ang bayan ay nanghihingi, “Ano't kami ay nangagayuno . . . at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin?”(13) Kapag ang kanilang karanasang pangrelihiyon ay patay na, sinisisi nila si Yahuwah, ang tanong ay, “Ano na, Yahuwah? Paano nangyari na hindi mo pinapansin ang aming pagsamba? Nabatid mo ba ang lahat ng ginagawa namin para sambahin ka? Ngayo’y nasaan na ang mga pagpapala na ipinangako mo?”

Ang Ama ay tumutugon sa anong hinahanap Niya na isang relihiyon ng puso na magdadala ng gantimpala sa hinahangad ng bayan.(14) Sa puso ng lahat ng ito, gayunman, ay ang pagbabalik sa tunay na pagsamba sa pagpapanumbalik ng alituntunin na pinabayaan: pagbabalik sa pagsamba sa tunay na ikapitong araw ng Sabbath gamit ang orihinal na kalendaryong Biblikal. Ang huling henerasyon ang binigyan ng panawagan ng pagpapanumbalik ng Sabbath sa tamang kinalalagyan nito, nakatayo sa harap ng buong mundo, ibinabahagi ang kahanga-hangang patotoo na ito. “At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.”(15)

Ito ay ang pribilehiyo na ibinigay sa huling henerasyon: ang pagkakataon na parangalan ang kanilang Manlilikha sa pagpapanumbalik sa buong mundo ng kaalaman ng tanging kalendaryo kung saan ang tunay na pagsamba ay maaaring makita. Anong agarang sumusunod ay isa sa pinakamagandang pangako sa lahat ng Kasulatan, batay sa kondisyon ng pagsunod:

Kung iyong iurong ang iyong paa sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang Sabbath na kaluguran, at ang banal ni Yahuwah na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: Kung magkagayo'y malulugod ka nga kay Yahuwah; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ni Yahuwah.(16)

Kapag ang tao ay isinuko ang kanyang kalooban, pinapanatili ang tunay na araw ng Sabbath nang banal at kaya pinaparangalan ang kanyang Manlilikha, siya ay papakainin ng mana ni Jacob, kanyang espiritwal na ama. Wala nang mas nakakapukaw ng pag-asa, tamang pangako para sa mga inilaan ang kanilang buhay nang walang kamalay-malay na pinamamahalaan ang kanilang pagsamba sa nakatagong diyos. Ang pangalang Jacob ay nangangahulugang “mang-aagaw,” isang angkop na pangalan para sa tao na nakatanggap ng karapatan ng pagkapanganay sa pagpasa ng sarili bilang kanyang kapatid sa nakakatanda, bulag na ama.(17) Ang salitang “pumalit” ay nangangahulugang: “kunin ang lugar ng [isang bagay]; humalili, lalo sa pamamagitan ng dahas, maitim na balak, o pagtataksil; upang may tanggalin o bunutin para palitan ng isang tao o bagay.”(18)

Ito ay ang “tahanan ni Jacob” na nakatanggap ng panawagan upang makilala ang kanilang pagsalangsang. Ang tunay na Sabbath ay isang tanda na ang dakilang Manlilikha, si Yahuwah, ay pinapabanal ang Kanyang bayan. Hindi posible na magpabanal sa huwad na banal na araw. Kaya ang nakatagong diyos ay may kataksilang inilagay ang kanyang mga araw ng pagsamba, inaagaw ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath. Lahat ng sumamba sa huwad na kalendaryo ay, nalalaman man o hindi, nakikipagtulungan sa nakatagong diyos at nagiging mga mang-aagaw rin. Ang propesiyang ito ni Isaias ay ibinigay, ilang siglo matapos matanggap ni Jacob ang kanyang banal na mana: isang bagong pangalan, simboliko ng isang mapagpatawad, malinis na katangian. Kaya ang kanyang dating pangalan na ginamit sa kontekstong ito ay mahalaga, dahil ito’y naglalaman ng isang pangako para sa mga modernong mang-aagaw.

Noong si Jacob ay bumalik sa Canaan, matapos ang paglaan ng dalawang dekada kasama ang kanyang tiyuhin, nalaman niya na si Esau ay paparating sa kanya nang may kasamang maliit na hukbo, walang duda na paghihiganti dahil sa pag-agaw ni Jacob ng karapatan ng pagkapanganay na pagpapala, ilang taon ang lumipas. Ito ang kasukdulan ng buhay ni Jacob. Matapos ipadala ang kanyang pamilya at mga hayop sa kabilang ibayo ng batis, ang Jabbok, “At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway.”(19) Wala sa mga ito ang nagwagi, at habang ang araw ay nagsimulang magbukang-liwayway, natanto ni Jacob na siya ay nakipagbuno sa Anghel ng Tipan.(20)

Noong natanto niya kung sino ang nakipagbuno sa kanya, nagmakaawa siya ng isang pagpapala. “At sinabi niya sa kaniya [ang Anghel], Ano ang pangalan mo? At kaniyang sinabi, Jacob. At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Elohim at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.”(21) Ang pangalan ng mang-aagaw ay binago mula sa isa na paalala ng kanyang kasalanan, patungo sa isang bagong pangalan, pahiwatig ng kanyang bago, pinalitang katangian. Ang “Israel” ay nangangahulugan “isang prinsipe ng Eloah.”

Ito ang parangal na inaalok sa lahat ng titigilan ang pagsamba sa nakatagong diyos na umagaw sa pagsamba ng Manlilikha. Ang salitang “anghel” ay nangangahulugang “tagapagbalita.”(22) Lahat ng makakarinig ng mensahe ng babala tungkol sa kalendaryong Biblikal, makikipagbuno kay Yahuwah: “Ito ba ay totoo? Paano ito naging totoo? Ayokong mapahamak! Ano kung . . .? Anong kung . . .?” Sa huli, sa pagsuko ng kalooban, “hindi ang akin, kundi ang Iyo ang matupad,” sila’y nagwagi kagaya ni Jacob. At gaya ni Jacob, sila’y pinatawad, naging matuwid na mga prinsipe, prinsesa, mga anak ng Hari ng mga hari.

Ang panawagan na lumabas ng Babilonya ay ibinigay sa buong mundo ngayon. Bawat lugar ng buhay ay apektado: trabaho, pag-aaral, simbahan, mga relasyong pampamilya, atbp. Dahil ang buong mundo ay nakalubog sa Babilonyang pagpapanatili ng oras at pagsamba, ang lahat ay dapat na manindigan. Walang organisasyon kung saan ang mga tinawagang lumabas ay dapat manatili. Gaya ni Elias sa Bundok Carmel, sila’y dapat na manatili sa kahanga-hangang patotoong ito, kusang-loob na haharapin ang oposisyon sa kalakasan ng Nag-Iisa na makapangyarihan para magligtas.

Sinabi ni Kristo, “Nakikinig sa tinig ko ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sa akin.”(23) Habang ang patotoo ng ikapitong araw ng Sabbath at ang orihinal na kalendaryong Biblikal ay lumalaki, lahat ng tunay na nagnanais na parangalan ang kanilang Manlilikha ay makikinig sa panawagan. “Ngunit mayroon pa akong ibang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kailangang dalhin ko rin sila rito at makikinig sila sa tinig ko. Sa gayon, magkakaroon ng iisang kawan at iisang pastol.”(24) Ang mga Katoliko, Muslim, Hudyo, mga Protestanteng sumasamba sa araw ng Sabado at Linggo, mga Hindu, Budista at marami pa; ang mabuting pastol at kanyang mga tupa ay nakakalat sa buong mundo. Lahat ng tunay na nasa kanya ay makikinig at tutugon sa panawagan na lumabas ng Babilonya.(25)

Ang imbitasyon ay kasalukuyan nang dumating sa iyo. Paano ka tutugon? Makikinig ka ba sa panawagan ng awa, pinili na “ang lahat ng bagay ay itinuring kong kalugihan dahil sa hindi matatawarang halaga ng pagkakilala kay Kristo Yahushua” na ating Panginoon at Tagapagligtas? Mayroong panahon para mag-aral at bumatay sa katotohanan, ngunit wala nang oras para sa pag-aatubili at magulong pag-aalinlangan. Agad-agad matapos ang panawagan ay ibinigay para sa panghuling pagkakataon ng ikaapat na anghel sa Pahayag 18, ang mga paghuhukom sa lahat ng mananatili sa Babilonya ay ibubuhos. Ito ay isang “panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon.” Gayunman, “sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.”(27)

Matapos ipakita ang tagumpay ng Kaharian ng Langit sa kaharian ng nakatagong diyos, si Lucifer, nag-iiwan si Yahushua ng isang pangwakas na mensahe para sa kanyang bayan. Ang muling pagtitiyak ngunit mahahalagang salita ay para sa iyo:

“Tingnan mo, ako'y malapit nang dumating! Pinagpala ang nag-iingat ng mga salita ng propesiya ng aklat na ito . . . Ako'y malapit nang dumating; dala ko ang aking gantimpala, upang gantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa. Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.” Pinagpala ang mga naghuhugas ng kanilang mga damit, upang magkaroon sila ng karapatan sa puno ng buhay at makapasok sa mga pintuan ng lungsod . . . Oo, malapit na akong dumating.(28)

“Amen. Dumating ka nawa, Panginoong Yahushua!”(29)


Para sa mas marami pa sa kosmikong sagupaan na ito:


(1) Tahasang ipinahayag ng Pahayag 16:16: “At tinipon ng mga espiritu ang mga hari sa lugar na tinatawag sa wikang Hebreo na Armageddon.” Kung ang Pahayag ay isinulat sa Hebreo, ang ganitong pahayag ay magiging kalabisan.

(2) Tingnan ang 2 Paralipomeno 35:22.

(3) “Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng El; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan [mo’edim], sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.” (Isaias 14:13, 14.)

(4) Pahayag 18:1-5

(5) Tingnan ang Apendiks H.

(6) Isaias 58:1

(7) Isaias 58:2

(8) Roma 11:13

(9) “At kung kayo'y nakipag-isa kay Kristo, kayo'y kabilang na sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako ni Yahuwah.” (Galacia 3:29)

(10) Isaias 24:5

(11) Ito ay hindi isang banal na direktiba para sa mga modernong tagapanatili ng Sabbath na tumungo na batuhin ang mga sumisira ng Sabbath. Sa halip, ito’y pinatutunayan na ang pagtalima sa Sabbath ay patuloy na kailangan. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” at walang nagpapatuloy sa pagsira ng Sabbath ang makakatanggap ng kaloob ni Yahuwah na “buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Yahushua na ating Panginoon.” (Roma 6:23)

(12) Exodo 31:13-17

(13) Isaias 58:3

(14) Isaias 58:4-11

(15) Isaias 58:12

(16) Isaias 58:13-14

(17) Tingnan ang Genesis 27.

(18) Webster’s New Universal Unabridged Dictionary, Second ed., (New York: New World Dictionaries/Simon and Schuster, 1983).

(19) Genesis 32:24

(20) Genesis 32:26, 29-30

(21) Genesis 32:27 at 28

(22) The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, (Nashville: Thomas Nelson Publ., 2001) #4397 and #4398.

(23) Juan 10:27

(24) Juan 10:16

(25) Mayroong lumalaking samahan sa loob ng Islam upang isantabi ang mga tradisyon ng mga kleriko at bumalik sa Koran lamang, gamit ang kalendaryong luni-solar. Ang Ramadan ay nangangahulugang “ang mainit na buwan; tigang; pagkatuyo.” Bagama’t ang modernong kalendaryong Muslim ay istriktong lunar na may Ramadan na 11 araw na mas maaga bawat taon, orihinal, ito ay luni-solar sa Ramadan ang idinugtong sa mainit na panahon.

(26) Filipos 3:8

(27) Daniel 12:1, 2

(28) Pahayag 22:7, 12-14, 20a

(29) Pahayag 22:20b-21