Print

Babala! Isang Pangkatapusang Mensahe

Ang komunikasyon ay palaging mahalaga kapag ang kaharian ay nasa digmaan. Kritikal na panatilihin ang komunikasyon sa pansariling lihim ng isang sundalo. Isa pang mahalaga ay ang kakayahan na basahin ang mga lihim na palahudyatan ng kaaway at matutunan ang kanilang mga lihim. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dalawang lihim na palahudyatan ang lubos na ginawa nang mabuti kaya hindi nabasag. Ang Alemanyang Enigma machine ay isang mekanikong aparato na napakakumplikado kaya hindi nabasa ng Mga Kaalyado (Allies) ang mga mensahe nito.(1) Matapos lamang ang mga serye ng mga pangyayari na nagbigay sa Mga Kaalyado ng parehong makina at ang kasalukuyang kodigo mismo, ang Mga Kaalyado ay tuluyang nabasa ang lihim na mga komunikasyong pangmilitar ng Alemanya.(2)

Ang isa pang hindi masirang palahudyatan ay binalangkas ng mga tagapagsalita ng Navajo. Ang mga binatang Amerikanong Indyanong Marino na ito ay nagtatrabaho sa pares, nakikipag-usap sa pamamagitan ng isang kumplikadong palahudyatan sa loob ng isang palahudyatan. Sapagkat ang mga modernong pangmilitar na termino ay walang pagkakatugmang mga salita sa Navajo, ang mga kalalakihang ito ay nagtatrabaho sa isang malihim na palahudyatan na tumutukoy sa iba’t ibang mga ranggo ng opisyal, iba’t ibang uri ng mga sasakyang panghimpapawid, mga lokasyon, atbp. Ang ikalawang palahudyatan ay ang Navajo mismo, na isang pang-tinig na wika na naglalaman ng mga tunog na wala sa Aleman, Italyano at Hapon.

Ang mga Hapon, na mga dalubhasa sa pagbasag ng mga palahudyatan, ay nanatili sa pagkalito ng mga wikang Navajo . . . Ang mga tagapagsalita ng Navajo pa nga ay pinigilan ang isang sundalong Navajo na nahuli sa Bataan . . . Ang sundalong Navajo, napilitang makinig sa mga naghalu-halong salita ng paghahatid ng tagapagsalita, sinabi ng isang tagapagsalita matapos ang digmaan, “Hindi ko nalaman kung ano ang nais ninyong ipabatid sa akin tungo sa lahat ng panganib na iyon.”(3)

Ang Langit ay mayroong isang palahudyatan rin. Maraming mga mag-aaral ng Bibliya, sa lahat ng panahon, ay tuliro sa mga banal na mga lihim na palahudyatan na mayroon sa Daniel at Pahayag. Gaya ng mga lihim na palahudyatan na ginamit ng mga pamahalaan para protektahan ang sensitibong impormasyon mula sa mga kaaway, naging imposible para ganap na maunawaan ang malihim na palahudyatan ng Langit. Isang mahalagang piraso ng impormasyon ang nawawala: ang Kalendaryo ng Manlilikha. Ang propesiya ay ang paraan ng Langit na makipag-usap ng mahalagang impormasyon para sa mga matatapat na sundalo ni Kristo. Gayunman, ngayon lang sapagkat ang kaalaman ng tunay na kalendaryo ay naunawaan, posible na ganap na maunawaan ang mga mensahe na maingat na pinanatili para sa huling henerasyon.

Ang mga propesiya ni Daniel ay nagbigay ng mga pahapyaw na tanaw ng pagpupunyagi ng kalendaryo sa kasaysayan. Ang iba’t ibang mga elemento ng kalendasyon na bumubuo sa kalendaryo ng kasalukuyan ay nagbabala rin kapag ang kalendaryo ng Manlilikha ay magtatagumpay sa huli. Nahulaan rin ni Daniel na ang naaayon sa batas na pagbabago ng kalendaryo na magreresulta sa matapat na bayan ni Yahuwah.(4) Gaya ng Enigma Machine, ang aklat ni Daniel ay imposible na maunawaan nang ganap kung wala ang lihim na kodigong palahudyatan ng kalendaryo.

Ang Pahayag ay nagpaunlad sa Daniel. Ang mga propesiya ng Pahayag ay ang palahudyatan sa loob ng palahudyatan ng mga tagapagsalita ng Navajo. Gamit ang mga simbulong ipinakilala sa Daniel, ang Pahayag ay kinuha ang mga ito sa mas mataas na antas pa, nagbibigay ng detalyadong impormasyon ng huling sagupaan: isang labanan na nakakikilabot kaya nagbabala si Kristo ukol dun, kung ito ay posible, maging ang mga mismong pinili ay malilinlang.(5)

Ang mga kondisyon para sa walang hanggan ay kapareho ngayon sapagkat palaging ganon: sumunod at mabuhay; sumuway at mamatay. Ang kagandahang-loob ni Yahuwah sa pamamagitan ng pananampalataya sa mga merito ng Kanyang Anak ay nagpapagana sa lahat ng nais na sumunod, para gawin ang mga ito. Gayunman, upang sumunod, ang katarungan ay nangangailangan na ang lahat ay mayroong pagkakataon na malinaw na maunawaan ang mga kinakailangan. Ang Manlilikha, Siya na nagsabi, “Ako si Yahuwah, ay hindi nagbabago,”(6) ay hindi kailanman binago ang Kanyang araw ng pagsamba at hindi rin Siya nagbigay ng pahintulot para sa sinuman na nag-aangkin na maging kinatawan Niya. Sa pagpapanatili sa Kanyang kabutihan at mapagpalang katangian, ang tanging nabubuhay na Eloah ay gumawa sa Pahayag, sa maingat na detalye, ng isang maawaing babala. Posible na ngayon na ganap na maunawaan ang mensahe, gamit ang kalendaryo na magbibigay ng susi para mabasa ang palahudyatan. Ang babalang ito ay nagpaliwanag ng anumang kailangan ng sinuman para malaman na maging handa para sa huling labanan sa pagsamba.(7)

Ang babala ay nakapaloob sa tatlong bahagi.

Mensahe ng Unang Anghel

“Pagkatapos, nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala niya ang walang hanggang ebanghelyo upang ipahayag sa mga naninirahan sa lupa, sa bawat bansa, lipi, wika, at bayan. Malakas na sinabi niya, ‘Matakot kayo kay Yahuwah at luwalhatiin ninyo Siya, sapagkat ang oras ng Kanyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin ninyo Siya—siyang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig.’”(8)

Ito ay isang imbitasyon para sa lahat ng nasa lupa na parangalan ang kanilang Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa araw kung saan ang Kanyang kalendaryo, itinatag noong Paglikha, ay dinidikta. Ang mismong pagsasalita ng mensahe ng anghel ay lubos na may pagkakapareho sa ikaapat na utos: “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay Sabbath ni Yahuwah mong Eloah: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa . . . Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ni Yahuwah ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon . . . .”(9) Sa lahat ng Sampung Utos, ito lamang ang natatangi na naglalaman ng pangalan, titulo at paghahari ng Tagabigay ng Utos: Siya si Yahuwah Eloah, ang Manlilikha na gumawa at namumuno sa lahat. Ito’y nagtatatag ng Kanyang kapangyarihan, Kanyang karapatan na magdikta ng kinakailangan.

Kapag ang sinuman ay tumalima sa utos na parangalan ang Sabbath, siya ay nanunumpa ng katapatan sa banal na Pamahalaan ng Langit. Ang Sabbath, dahil dito, ay ang tatak o palatandaan ng katapatan sa Manlilikha. Ang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay hindi nakaangkla sa anumang bagay sa Paglikha. Ito ay hindi maaari na isang pag-alala ng Paglikha. Tangi lamang kapag ang Sabbath ay nakadugtong sa Paglikha sa pamamagitan ng buwan ay maaari itong isang pag-alala ng Paglikha.

Ang mga salita ng mensahe ng anghel na ito ay puno ng importasyon.

Matakot kayo kay Yahuwah – Ang salitang “takot” ay nagmula sa Griyego na phobeo na nangangahulugan na paggalang sa Makalangit na Ama at hinahawakan Siya sa pitagan. Ang ideya ay isa ng ganap na katapatan at pagsuko sa Kanyang kalooban. Sapagkat nabanggit kanina, kapag ang pagsamba ay naibigay sa mga araw na kalkulado ng isang paganong kalendaryo, ang pagsamba ay inaalay sa mga paganong diyos, sa huli, si Satanas. Ang ganap na pagsuko ng kalooban ay kinakailangan bago ang sinuman ay kusang lalabas at maging kakaiba mula sa mga natitira ng sanlibutan, sumasamba sa lehitimong kalendaryo para sa layuning iyon.

Luwalhatiin ninyo si Yahuwah – Tangi lamang ang mga ganap na isinuko ang kalooban ay may kakayahan na tunay na magbigay ng kaluwalhatian: karangalan, papuri at pitagan, sa kanilang Manlilikha dahil Siya ay tunay na pinaparangalan lamang kapag ang Kanyang bayan ay nabubuhay sa pagtalima sa Kanyang kalooban. Kapag ang tao sa katapatan ng puso, inaalay ang pag-ibig at pagsamba sa Manlilikha sa araw ng Linggo o Sabado sa kawalan ng kaalaman na paniniwala na ito ang tamang araw ng pagsamba, ang mapagmahal na puso ng Walang Hanggang Eloah ay tinatanggap ito bilang kanilang pinakamahusay na mga pagsisikap. Gayunman, sa lumalaking liwanag ay dumarating rin ang mga dakilang pribilehiyo at responsibilidad. Kapag ang tao ay nalalaman na ang kalendaryong luni-solar ay ang tanging lehitimong pagsukat ng panahon, ang lahat ng iba ay mga huwad na dinisenyo para ilipat ang pagsamba sa nakatagong diyos, ang tao na iyon ay responsable para sa pagganap sa kaalaman na iyon. Ang kanyang pagtalima (o kakulangan nito) dahil dito (o pinipigilan) ang kaluwalhatian sa kanyang Manlilikha.

Ang Oras ng Kanyang paghuhukom ay Dumating na – Isa sa mga paratang ni Lucifer laban sa pamahalaan ni Yahuwah ay ang kautusan, na sakdal at banal, ay hindi maaaring panatilihin. Bago ang dakilang tunggalian sa pagitan nina Kristo at Satanas ay magwakas, ang paratang na ito ay dapat na sagutin. Kaya, ang walang hanggang si Yahuwah mismo ay humatol sa mga buhay ng Kanyang mga hinirang. Kung ang tao ay sinubukan na umiwas sa mga obligasyon ng banal na kautusan, itinataguyod niya ang mga akusasyon ni Satanas. Ang huling henerasyon ay kikilalanin ang paghahari ng banal na kautusan ni Yahuwah at, sa pamamagitan ng pananampalataya sa mga merito ng kanilang Tagapagligtas, ay mapapagana na panatilihin ang kautusan na iyon, maging buhay man ang kapalit mismo. Ang Ama dahil dito ay pinanindigan kapag ang mga itinuturing na Kanyang bayan ay isinantabi ang lahat ng mga panlupang interes, isinuko ang kanilang kalooban, at sundin ang Kanyang kautusan.

Sambahin ang Manlilikha – Sapagkat naipakita, ang araw kung kailan ang tao ay sumasamba ay pinamamahalaan ang pagsambang iyon sa Diyos/diyos na inaangkin ang araw na iyon. Sa paglikha ng araw ng Sabado laban sa araw ng Linggo na sagupaan, si Saturn/Sheitan/Satanas ay nanatiling nakatago, natatanggap ang pagsamba ng parehong araw. Upang tunay na sambahin ang Manlilikha, lahat ng mga huwad, paganong kalendaryo ay dapat na isantabi. Ang ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng orihinal na kalendaryong luni-solar ng Paglikha, ay ang tunay na araw ng pagsamba na inangkin ng Manlilikha. Lahat ng iba ay mga huwad na ibinibigay ang pagsamba, kaluwalhatian at parangal kay Lucifer na ang ipinahayag na layunin ay umupo sa Bundok ng Kongregasyon at tanggapin ang pagsamba na nararapat lamang na ibigay sa Manlilikha.

Kaya, ang mensahe ng unang anghel ay isang kumpletong panawagan na isantabi ang lahat ng huwad na kalendasyon at magbigay ng parangal sa Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa araw na tiniyak, dinikta ng Kanyang kalendaryo. Ito ay ibinigay sa isang malakas na tinig, nagpapahiwatig na ito ay isang mahalagang mensahe kaya maririnig ng lahat.

Mensahe ng Ikalawang Anghel

At ang pangalawang anghel ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonya! Pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad.”(10)

Dapat na tandaan na ang mensaheng ito ay hindi ibinigay nang may malakas na tinig. Ang dahilan ay simple: tanging ang mga tinanggap lamang ang mensahe ng unang anghel ay tatanggapin ang mensahe ng ikalawang anghel at makikinabang rito.

Bumagsak, bumagsak ang Babilonya – Ang Babilonya ay babagsak kapag ang pundasyon nito ay nasira. Ang pagpapalagay na si Kristo ay muling nabuhay sa araw ng Linggo ay bumuo ng batayan para sa pagsamba sa araw na iyon. Kapag napatunayan na ang Unang Araw kung kailan si Kristo ay muling nabuhay ay ang unang araw ng Biblikal na sanlinggo, at hindi ang araw ng Linggo, babagsak ang Babilonya. Mula sa una pa lang, ipinagmataas na ni Lucifer na babaguhin niya ang panahon at kautusan. Babagsak ang Babilonya sa ikalawang pagkakataon, at isa pa, kapag ang kanyang pagkakakilanlan ay inilabas na isang nakatagong diyos, inaagaw ni Saturn/Satanas ang lahat ng pagsamba na ibinigay sa mga paganong araw ng pagsamba ng anumang huwad na kalendaryo.

Ang Dakilang Siyudad – Mula pa kay Irenaeus (130-202 A.D.), ang mga mag-aaral ng Bibliya ay iniugnay ang Imperyong Romano sa mga propetikong simbulo na ginamit sa Daniel at Pahayag.(11) Sina Michael ng Cesena at Johannes De Rupescissa,(12) parehong prayle noong ika-14 na siglo, ay kabilang sa mga unang tahasang iniugnay ang paganismo na umaagos sa Simbahan ng Rona sa “patutot ng Babilonya, nalasing sa dugo ng mga hinirang.”(13) Si John Milicz (1374), isang maimpluwensyang pari, inilagay sa mataas na posisyon sa parehong pulitika at Simbahan, ipinaskil sa mga pintuan ng orihinal na San Pedro sa Roma, isang kartelon ang nagpahayag: “Ang Antikristo ay dumating na; siya ay nakaupo sa simbahan.”(14) Kamakailan lang na ilang taon, naging mali pamulitika na iugnay ang paganismo ng Simbahang Katoliko sa Apokaliptong simbolismo sa Pahayag. Ang simbulong ito ay hindi dapat limitado sa kapapahan, gayunman. Lahat ng yayakap ng Babilonyang Kristyanismo o sumasamba sa mga kalendaryong Babilonya ay babagsak sa ilalim ng payong ng paganismo.

Pinainom Niya ang Lahat ng Bansa ng Alak ng Poot ng Kanyang Imoralidad – Ang imoralidad ay ang pagsasama sa alinman na ipinagbabawal. Sa paggamit ng sibil na lehislasyon para ipataw ang isang paganong kalendaryo para sa mga pagtalimang pangrelihiyon, ang nakatagong diyos ay pinamamahalaan ang lahat ng pagsamba sa kanyang sarili, ninanakaw mula sa Manlilikha. Ang mga Kristyanong misyonaryo sa kawalan ng kaalaman ay kinuha noong una ang kalendaryong Julian at sa huli ang kalendaryong Gregorian sa lahat ng bahagi ng mundo. Itinuro nila na ang huwad na sistema ng pagsukat ng panahon na ito sa mga tao ay, madalas, mas malapit sa tunay na kalendasyon kaysa sa mga misyonaryo, ngunit nalubog sa paganismo sa ibang mga lugar.

Ang alak ay nakalalasing. Pinapaulap nito ang kaisipan, ginagawang mahirap na mangatuwiran. Ang alak ng Babilonya ay ang paganong sistema ng kalendasyon na ginagawang mahirap para sa mga tao na makuha ang isang kalendaryo na walang patuloy na sanlingguhang pag-ikot. Mula pa noong 1949, noong ang buong mundo ay nagkaisa sa paggamit ng kalendaryong Gregorian,(16) ang buong mundo ay nalasing sa alak ng nakalalasing na panlilinlang. Ang Seventh-day Adventist Church ay matagal nang naturuan na “ang alak ng Babilonya ay itinataas ang mali at bogus na sabbath sa ibabaw ng Sabbath na pinagpala at pinabanal ng [Kataas-taasang Yahuwah] . . . .”(17)

Tinuglisa [ni Yahuwah] ang Babilonya dahil “pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad.” Ibig sabihin nito’y pinabayaan niya ang natatanging utos na ipinunto ang tunay na [Eloah], at pinabagsak ang Sabbath, ang monumento ng paglikha [ni Yahuwah].(18)

Ang mga Katoliko at mga Protestante na sumasamba sa araw ng Linggo ay ginamit sa pagdinig na ang mga Hudyo at mga Protestante na sumasamba sa araw ng Sabado ay sinasabi na sila’y sumasamba sa maling araw. Ang katotohanan ay, ang lahat ay sumasamba sa paganong kalendasyon, sumasamba ng mga paganong diyos (mga diyablo) sa mga paganong banal na araw. Ito ang alak na naglasing sa buong mundo. Ang mensahe ng ikalawang anghel ay hindi ibinigay sa malakas na tinig dahil tanging mga tumanggap at sumunod sa mensahe ng unang anghel ang makakikilala ng patotoo ng mensahe ng ikalawang anghel.

Mensahe ng Ikatlong Anghel

At pagkatapos, sumunod sa kanila ang ikatlong anghel na nagsasabi nang malakas, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo at sa kanyang mga kamay, ay iinom din ng alak ng poot ni Yahuwah, na ibubuhos na walang halo sa kopa ng kanyang galit. Ang taong iyon ay pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumapailanlang magpakailanpaman. Wala silang kapahingahan araw at gabi, silang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at sinumang tumatanggap ng tanda ng pangalan nito.”(19)

Ang pinaka kagimbal-gimbal na pagbabanta ay nakapaloob sa mensaheng ito. Para sa ganitong paghuhukom na ipinahayag, ilan sa mga kasuklam-suklam na pagkakamali ay nagawa. Upang maunawaan ang mensaheng ito, mahalaga na unang mabasa ang mga simbulong ginamit. Sa propesiya, ang mga halimaw ay mga simbulo ng mga pandaigdigang pulitikal na kapangyarihan na nakipagdigma laban sa bayan ni Yahuwah.(20) Ang halimaw at kanyang larawan na tinukoy sa mensahe ng ikatlong anghel ay unang inilarawan sa Pahayag 13.

Ang halimaw mula sa dagat

At nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Mayroon itong sampung sungay at pitong ulo; at sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa mga ulo nito ay may mga pangalang mapaglapastangan. Tulad ng isang leopardo ang halimaw na nakita ko, ang mga paa nito ay tulad ng sa oso, at ang bibig ay parang sa leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan, ang trono, at ang kanyang malawak na pamamahala. Ang isa sa mga ulo nito ay may malubhang sugat na maaari nitong ikamatay, subalit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig at sumunod sa halimaw. Sinamba nila ang dragon dahil ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi nila, “Sino ang katulad ng halimaw, at sino ang may kakayahang lumaban sa kanya?” Binigyan ng halimaw ang isang bibig na nagsasalita ng mga kapalaluan at mga kalapastanganan . . . Sinimulan niyang lapastanganin si Yahuwah, ang pangalan Niya . . . .(21)

Ang inulit na ginamit na salitang kalapastanganan ay ipinapakita na ito, gaya ng ibang isyu ng labanan, ay sa pagsamba. Gaya ng larawan sa Daniel 2, ang iba’t ibang mga nilalang na bumuo sa pinag-isang halimaw na ito ay kumakatawan sa iba’t ibang alituntunin ng kalendasyon na bumuo sa kalendaryo ng kasalukuyan. Ang pitong ulo ay kumatawan sa pitong planetaryong diyos, tatlo sa mga ito ay may dalawang sungay. Ang mga sungay ay mga sinaunang simbulo ng kapangyarihan, nagmula kay Nimrod.(22) Ang mga ulo na may dalawang sungay ay kumatawan sa mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo. Ang mga ito ay mga araw ng tatlong pangunahing relihiyon ng mundo: Islam, Hudaismo at Kristyanismo. Bawat ulo na mayroong sungay ay binabakas ang huwad na sistema na ito pabalik sa pinagmulan nito: si Nimrod.

Ang Babilonyang Kristyanismo ay may dalawang araw ng pagsamba: araw ng Linggo para sa mga hindi pa ipinamulat na masa, at araw ng Sabado, para sa mga walang kaalaman at mga ipinamulat. Ito ay pagsamba sa araw ng Linggo, batay sa pagpapalagay na si Kristo ay muling nabuhay sa araw na ito, na itinaguyod ng Babilonya. Ang araw ng Linggo ay nagbigay ng isang “unahan” para pahintulutan si Saturn, ang nakatagong diyos, na manatiling lihim. Dahil dito, makatuwiran na ang ulo/araw na nakatanggap ng sugat na halos ikinamatay ay ang araw ng Linggo. Naganap ito sa isang serye ng mga pangyayari, humantong noong 1798 na may mga batas na nagpatupad ng isang kalendaryo na mayroong 10 araw na sanlinggo.(23) Ang pagtaguyod ng Babilonya para sa pagsamba sa araw ng Linggo ay bumagsak noong ang sanlingguhang pagsasaayos ay binago sa pagtanggal ng araw ng Linggo mula sa sanlinggo.

Ang halimaw mula sa lupa

Ang halimaw mula sa dagat ay sinundan ng isa pa mula sa lupa.

At pagkatapos isa pang halimaw ang nakita kong umaahon mula sa lupa. Mayroon itong dalawang sungay tulad ng sa kordero ngunit nagsasalita itong parang dragon. Ginagamit nito ang lahat ng kapangyarihan ng halimaw na nauna sa kanya, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga nakatira dito sa unang halimaw, siya na may malubhang sugat na gumaling. Gumagawa ito ng mga kamangha-manghang tanda, ginagawa nitong magpababa ng apoy sa lupa mula sa langit sa paningin ng mga tao. Sa pamamagitan ng mga tandang pinahintulot na gawin niya sa harapan ng unang halimaw, nililinlang niya ang mga nakatira sa lupa, sinasabihan silang gumawa ng isang larawan ng halimaw na nasugatan ng tabak subalit nabuhay. Pinayagan itong magbigay ng hininga sa larawan ng halimaw upang ang larawan ay makapagsalita at maipapatay ang mga ayaw sumamba sa larawan nito. Pinatatakan nito ang kanang kamay o noo ng lahat—ang mga hamak at ang mga dakila, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at mga alipin, upang walang sinuman ang makabili o makapagtinda kung walang tatak ng pangalan ng halimaw o bilang ng pangalan nito. Nangangailangan ito ng karunungan: sinumang may pang-unawa ay unawain ang bilang ng halimaw, sapagkat ito ay bilang ng isang tao. Ang bilang niya ay 666.(24)

Napakaraming pera ang ginawa sa Hollywood at kasama ang mga aklat na nagbabakasakali tungkol sa “tanda ng halimaw.” Ang mga matapat na tao ay nagpahiwatig na ang tanda ng halimaw ay anumang bagay mula sa pambansang ID cards, hanggang sa mga numero ng Panlipunang Seguridad sa Estados Unidos,(25) hanggan sa nano-teknolohiya na maaaring ipunla ang mga komputer na pitsa sa ilalim ng balat. Lahat ng mga espekulasyong ito ay mali dahil nagkukulang ang mga ito ng batayang pagkakaunawa na ang panghuling digmaan ay, palagi, nasa pagsamba.

Ang larawan para sa halimaw (Pahayag 13:14) ay ang larawan ng halimaw rin (berso 15). Dahil dito, para maunawaan kung ano ang larawan, dapat na maunawaan kung ano ang orihinal na halimaw na nagmula sa dagat. Ang halimaw na ito, sapagkat nailarawan sa artikulong ito, ay ang pandaigdigang kapangyarihan na unang nagpataw ng paganong kalendasyon para sa mga layuning pangrelihiyon sa buong mundo. Ang unang kapangyarihang halimaw, (ang pinag-isang pagano/kapapahang Roma) ay ginawa ito sa Konseho ng Nicæa sa ilalim ni Constantine, kung kailan ang Biblikal na kalendasyon ay ipinagbawal.

Makatuwiran na pagtibayin na ang aksyon ng unang halimaw, nagpapataw ng isang huwad na kalendaryo, ay uulitin ng larawan ng halimaw. Sa kasalukuyan, mayroong isang pagbuhay na samahan na ireporma ang kalendaryong Gregorian.(26) Ang unang pagkabalisa na may malawak na suporta ay mula noong 1930s-1940s,(27) bago naglaho noong 1950s.(28) Noong Disyembre 31, 2009, ang Wall Street Journal ay naglathala ng isang sinaliksik nang mabuti na artikulo sa reporma sa kalendaryo, nagpapakita ng ilang posibleng pagpipilian na kalendaryo.(29) Ang World Calendar Organization(30) at ang Benedictive Perpetual Calendar(31) ay dalawa lamang sa ilang inimungkahing reporma sa kalendaryo, bawat isa ay sinimulan ang taon sa araw ng Linggo. Ang layunin ay para ipatupad ang bagong kalendaryo sa taong 2012, sapagkat ang taon na iyon ay nagsisimula sa araw ng Linggo. Ang reporma sa kalendaryo ay “aayusin” din ang Pasko ng Pagkabuhay – isang matagal na ninanais ng kapapahan.(32)

Ang mensahe ng ikatlong anghel ay isang kagimbal-gimbal na babala laban sa pagsamba sa halimaw sa pamamagitan ng kanyang kalendaryo. “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo at sa kanyang mga kamay, ay iinom din sa alak ng poot ni Yahuwah.”(33) Ang katunayan na mayroong pagkakaibang ginawa sa pagitan ng “halimaw” at kanyang “larawan” ay nagpapahiwatig na mayroong dalawang naiibang entidad na nagdadala ng panlabas na pagkakapareho. Ang selyo ng tunay na Eloah, ang tanda ng katapatan sa Kanya, ay ang pagpapanatili ng Kanyang banal na Sabbath, kalkulado ng Kanyang kalendaryo. Ang tanda ng halimaw ay kaparehong bagay: isang tanda ng katapatan sa nakatagong diyos sa pagpapanatili ng kanyang (mga) araw ng pagsamba, kalkulado ng kanyang kalendaryo. Ang isang larawan, dahil dito, ay nagpapahiwatig ng isa pang kalendaryo.

Ang ikatlong anghel ay nagbabala sa lahat laban sa alinmang kalendaryo: ang Gregorian o ang kapalit nito. Ang katunayan na ang tanda ng halimaw ay maaaring matanggap sa noo man o sa kamay ay nagpapakita ng isa pang pagkakaiba. Iyong mga nakatanggap ng tanda ng halimaw sa noo, gaya ng mga nakatanggap ng selyo ni Yahuwah sa noo, ay tunay na kumbinsido ng pagkalehitimo ng kalendaryo. Iyon mga nakatanggap ng tanda sa kamay ay mga tao na gumamit ng kalendaryo para sa pansumandaling seguridad. Isang halimbawa ng huling klase ay isang Seventh-day Adventist na pastor na nagsabi, “Tama ka. Kapag ang Sabbath ay kalkulado ng kalendaryong Biblikal, ito’y tatapat nang naiiba. Gayunman, ang tanging kailangan lamang ng Diyos ay sasamba tayo sa ikapitong araw ng anumang kalendaryo na ginagamit ng lipunan.”(34)

Ito ay isang kagimbal-gimbal na panlilinlang na paniwalaan. Ang ikatlong anghel ay tahasang ipinahayag kung ano ang kaparusahan ng pagtanggap ng tanda ng halimaw sa pagsamba rito:

“Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo at sa kanyang mga kamay, ay iinom din ng alak ng poot ni Yahuwah, na ibubuhos na walang halo sa kopa ng kanyang galit. Ang taong iyon ay pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumapailanlang magpakailanpaman.(35) Wala silang kapahingahan araw at gabi, silang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at sinumang tumatanggap ng tanda ng pangalan nito.”(36)

Ang mismong susunod na kabanata, Pahayag 15, ay sinalaysay nang eksakto kung ano ang “poot ni Yahuwah”, at ito ang pinaka kakila-kilabot na pagbabanta na ipinakita sa tao. Kabaligtaran, iyong mga sumasamba sa Manlilikha sa Kanyang kalendaryo ay inilarawan: “Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ni Yahuwah at patuloy na sumasampalataya kay Yahushua.”(37) Lahat ng magnanais na parangalan ang kanilang Manlilikha, maiiwasan ang kaparusahan ng masasama, ay pipiliing sambahin Siya sa araw na hindi Niya kailanman binago: ang ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng Kanyang kalendaryo, itinatag mula sa simula pa lang.

Ang propesiya ay palaging naunawaan sa panahon ng katuparan nito. Ang orihinal na kalendaryo ng Paglikha ay nagbibigay ng susi para buksan ang mga propesiya ni Daniel at Pahayag. Bawat mag-aaral ng Kasulatan ay dapat muling siyasatin ang mga propetikong aklat dahil mayroon nang dakilang liwanag. Ang katunayan na ang mga propesiya ay tuluyan nang nabasa at nabuksan para sa pagkakaunawa ng lahat ay ipinapakita na ang panahon para sa kanilang ganap na katuparan ay dumating na.

 


Nauugnay na mga Artikulo at Video:

 


(1) David Kahn, Seizing the Enigma, (Barnes & Noble, 2009).

(2) Tingnan ang Charles Cooper, “The Enigma Machine,” U.S. Naval Academy, Abril 16, 2002, para sa isang maiksing buod.

(3) “Navajo Code Talkers,” United States Navy, www.history.navy.mil.

(4) Tingnan ang “The Prophet Warns of the Counterfeit Calendar.”

(5) Mateo 24:24

(6) Malakias 3:6

(7) Ang mga hadlang ay naghahabol ng isang limitadong pagbasa ng mga malalalim na paksang ito. Ang pangkat ng WLC ay hinihimok ang bawat mambabasa na gumawa ng masinsinang pag-aaral ng mga propesiyang ito para sa kanyang sarili.

(8) Pahayag 14:6-7

(9) Exodo 20:8-11

(10) Pahayag 14:8

(11) L. E. Froom, Prophetic Faith of Our Fathers, (Washington, D.C.: Review & Herald Publ. Assoc., 1950), Vol. I, pp. 243-245.

(12) Siya ay tinatawag minsan na Jean Roquetaillardes.

(13) John Foxe, Acts and Monuments, (1684 ed.), Vol. 1, p. 445.

(14) Ezra H. Gillett, The Life and Times of John Huss, (Boston: Gould and Lincoln, 1863), Vol. 1, p. 23.

(15) Hindi na kagulat-gulat, si Milicz ay naaresto. “Bago ang malaking pagpupulong ng mga prelado at mga matutong tao, sa simbahan ni San Pedro, naghatid siya ng isang diskurso sa Latin, na lumikha ng isang dakilang impresyon.” (Augustus Neander, General History of the Christian Religion and Church, trans. Joseph Torrey, [Boston: Crocker & Brewster, 1856] Vol. 5, p. 181.) Siya ay tuluyang pinalaya mula sa pagkabilanggo ni Kardinal Albano, ngunit ang kanyang mga gawa ay nagpatuloy matapos siya, naimpluwensya si Matthias ng Janow (1394) at sa pamamagitan niya, sina John Huss, John Wycliff at sa huli’y si Martin Luther.

(16) Ang Gresya ay ang huling bansang Europeo na nag-ampon sa kalendaryong Gregorian noong 1923. Bagama’t ang Tsina ay inampon ito noong 1912, ang mga digmaan na sumunod ay lubos na sumira sa bansa na hindi ito hanggang ang mga komunista ay pinagkaisa ang Tsina na ang paggamit ng kalendasyon ng Gregorian ay ipinataw, isinasama ang Tsina sa mga nalalabi ng mundo sa kaparehong paraan ng pagpapanatili ng oras.

(17) E. G. White, Selected Messages, (Washington D.C.: Review and Herald Publ. Assoc.), Vol. 2, p. 68.

(18) E. G. White, Letter 98, 1900; Seventh-day Adventist Bible Commentary, Vol. 7, p. 979.

(19) Pahayag 14: 9-11

(20) Tingnan ang Daniel 7:17, 19, 23; 8:20-22.

(21) Pahayag 13:1-6

(22) “Si Kronos ay ipinakahulugan sa ‘Ang May Sungay.’ Sapagkat ang sungay ay kilalang Pansilangan na sagisag para sa kapangyarihan at lakas, si Kronos, ‘Ang May Sungay,’ ay, ayon sa mistikong sistema, isang kasingkahulugan para kay Nimrod . . . Ang pangalang Kronos, gayong nalalamang ng pangunahing mambabasa, ay naaangkop kay Saturn bilang ‘Ama ng mga diyos.’ . . . Ang kahulugan ng pangalang Kronos, ‘Ang May Sungay,’ sapagkat naaangkop kay Nimrod, ay ganap na ipinaliwanag ang pinagmulan ng kapansin-pansing simbulo.” Alexander Hislop, The Two Babylons, (New Jersey: Loizeaux Brothers, Inc., 1959), pp. 32-33.

(23) Tingnan ang “French Republican Calendar.

(24) Pahayag 13:11-18

(25) Ito ay naging haka-haka na simula noong ang mga Panlipunang Seguridad na cards ay unang ipinakilala noong 1936.

(26) Tingnan ang “One World, One Calendar.

(27) Sa pagitan ng Agosto 26, 1929 at Hunyo 26, 1940, ang Unyon Sobyet sa katunayan ay nireporma ang kalendaryong Gregorian, binago ang haba ng mga sanlinggo sa isang maliwanag na atake sa mga relihiyong Muslim/Hudeo-Kristyano.

(28) Tingnan ang “The World Calendar.

(29) Charles Forelle, “Time and Again, the Calendar Comes Up Short,” Wall Street Journal, Disyembre 31, 2009.

(30) Habang hindi lahat ng inimungkahing pagbabago sa kalendaryo ay nag-aantala ng patuloy na sanlingguhang pag-ikot, ang Pandaigdigang Kalendaryo ay ginawa ito. Tingnan ang www.theworldcalendar.org.

(31) Tingnan ang www.ipswich.qld.gov.au/about_council/mayor_and_councillors/division_2/perpetual_calendar/.

(32) Noong 1937, si Dr. Jean Nussbaum ay nagsagawa ng isang serye ng mga panayam kasama ang mga nangungunang Katolikong prelado at iskolar sa Paris at Roma. Matapos ang panayam sa Rektor ng Biblikal Institute sa Roma, sinariwa ni Nussbaum na “wala siyang nakikitang kahirapan sa pagtanggap sa reporma sa kalendaryo . . . Nararamdaman niya na ang Simbahan[g Katoliko] ay may kinakailangang kapangyarihan na gawin ang pagbabagong ito.” Para basahin ang mga talaan ng panayam ni Nussbaum, bisitahin ang www.4angelspublications.com/mcrm.php.

(33) Pahayag 14:9-10

(34) Personal na panayam, Agosto 16, 2007, Spokane, Washington.

(35) Ito ay hindi pagtuturo na ang pagiging imortal ng mga naligaw na kaluluwa, ay susunugin sa impyerno magpakailanman. Ginawang malinaw ng Kasulatan na ang kabayaran ng kasalanan ay hindi walang hanggang buhay sa pagdurusa. Sa halip, “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ni Yahuwah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na ating Panginoon.” (Roma 6:23). Ang mensahe ng ikatlong anghel ay ginawa itong malinaw na ang haba ng sentensya ng kamatayan ay magpakailanman, hindi ang anuman na sinusunog nang buhay magpakailanman. Tingnan rin ang Mangangaral 9:5: “Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.”

(36) Pahayag 14: 9-11.

(37) Pahayag 14:12