Print

Bakit Hindi Kami Nagdiriwang Ng Pasko?

Tanong: Anu-ano ang mga pangunahing dahilan ng World’s Last Chance sa hindi pagdiriwang ng Pasko?

Sagot: Narito ang aming apat na pangunahing dahilan para sa hindi pagdiriwang ng Pasko:

1. Si Kristo Yahushua ay hindi isinilang sa petsang Disyembre 25 o malapit rito.

Karamihan sa mga eksperto ay sumasang-ayon na ang Disyembre 25 ay walang kinalaman sa kanyang kapanganakan. Ang unang dahilan kung bakit si Yahushua ay hindi maaaring isilang noong Disyembre ay natagpuang nabanggit ni Lucas; “Kinagabihan, sa lupain ding iyon ay may mga pastol sa parang na nagbabantay ng kanilang mga kawan” (Lucas 2:8). Walang anumang paraan para sa pastol na matagpuan na nagpapanatili ng kanyang kawan sa labas ng gabi sa uri ng panahon (napakalamig at maulan) na nalalaman na umiiral sa loob at paligid ng Bethlehem sa buwan ng Disyembre. Ang ganoong panahon ay malakas na tumututol laban sa kapanganakan ng ating Panginoong Yahushua sa Disyembre 25, dahil ang panahon ay pinipigilan ang mga pastol mula sa paglabas tungo sa mga batawan kasama ang kanilang kawan.

Dagdag pa, walang katuwiran para sa administratibong dalubhasa na mga Romano na magsagawa ng isang sensus sa panahon ng pinakamalamig na buwan ng taon. Ipinababatid sa atin ni Lucas na ang ating Panginoong Yahushua ay isinilang sa Bethlehem dahil ang kanyang mga magulang ay kailangang magrehistro para sa Romanong sensus. Mas mayroong saysay na magsagawa ng mga ganoong sensus kapag pinakamadali para sa mga tao na maglakbay saanman at hindi nahadlangan ng mga kondisyong hindi maganda ang panahon. Kaya dahil dito, pinipigilan nito ang anumang kapanganakan ni Yahushua sa buwan ng Disyembre.

2. Ang Pasko ay hindi nabanggit sa buong Bagong Tipan.

Wala saanman sa buong Bagong Tipan na anumang naitalang pagkakataon ng mga Kristyano na nagdiriwang ng kapanganakan ni Yahushua sa Disyembre 25 o anumang ibang petsa. Subalit ang Bagong Tipan ay nagbanggit ang ilang detalye tungkol sa kanyang kapanganakan. Ang mas mahalaga, walang kautusan mula sa ating Panginoong Yahushua o sa ating Makalangit na Ama na ipagdiwang ang kanyang kapanganakan. Habang totoo na ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Yahushua ay hindi hinahatulan sa Bibliya, ang kawalan ng anumang naitalang pagkakataon ng ganoong pagdiriwang sa Bagong Tipan ay hindi dapat makaligtaan o pabayaan. Dagdag pa, isang napatunayang patotoo na ang maagang Kristyanong ekklesia ay hindi ipinagdiwang ang kapanganakan ni Yahushua sa Disyembre 25 o anumang ibang petsa.

“Ang Pasko ay hindi kabilang sa mga maagang kapistahan ng ekklesia . . . ang unang ebidensya ng kapistahan ay mula sa Egipto.” (Catholic Encyclopedia 1911 edition)

3. Ang Pasko ay isang PAGANONG pagdiriwang at walang kinalaman sa Kristyanismo.

Ang ika-25 ng Disyembre ay sinaunang ipinagdiwang bilang kaarawan ng hindi masusupil na diyos ng ARAW (nalalaman sa iba’t ibang pangalan bilang Tammuz, Mithra, Saturn, Adonis o BAAL) matagal bago ang ating Panginoong Yahushua ay isinilang sa Bethlehem. Kawili-wili na tandaan kung paano ang Disyembre 25 ay naging kaarawan ni Yahushua. Ang mga mananalaysay na sina Gerard at Patricia Del Re ay ipinahayag ang mga sumusunod:

“Ang tradisyon ng pagdiriwang ng Disyembre 25 bilang kaarawan ni Kristo ay nagmula sa mga Romano mula sa Persya. Si Mithra, ang Persyanong diyos ng liwanag at mga sagradong tipan, ay isinilang sa labas ng isang bato sa Disyembre 25. Tanyag ang Roma mula sa mga pakikipagkirihan nito sa mga hindi kilalang diyos at kulto. Noong ikatlong siglo, ang hindi Kristyanong emperador na si Aurelian ay itinatag ang kapistahan ng Dies Invicti Solis, ang Araw ng Hindi Masusupil na Araw, sa Disyembre 25.”

“Si Mithra ay isang paglalangkap ng araw, kaya ang panahong ito ng muling pagsilang ay isang pangunahing araw sa Mithraismo, na naging pinakabagong opisyal na relihiyon ng Roma . . . Pinaniwalaan na ang emperador na si Constantine ay sumunod sa Mithraismo hanggang sa panahon ng kanyang paglipat sa Kristyanismo. Marahil siya ay naging instrumento sa nakikita na ang pangunahing kapistahan ng kanyang lumang relihiyon ay dinala sa kanyang bagong pananampalataya” (The Christmas Almanac, 1979, p. 17).

Ang paganong pinagmulan ng Pasko ay maaari pang makita sa maraming kaugalian na nauugnay rito—Christmas lights at mga kandila, Santa Claus, mga duwende ni Santa, ang puno ng Pasko, Holly, Ivy at Misteltu, at ang troso ng Pasko. Ang mga tradisyong ito ay walang kinalaman sa kapanganakan ng ating Panginoong Yahushua kundi mayroong pinagmulan sa mga sinaunang paganong pagdiriwang.

Hindi natin maaaring iwasang tapusin na ang Kapaskuhan ay nagmula sa mga sinaunang kaugaliang pangrelihiyon na itinatag ng Simbahang Katoliko upang luwagan ang paglilipat ng mga pagano tungo sa Kristyanismo. Ang kasalukuyang araw ng Pasko ay pinatakbo ng komersyalismo, at ang orihinal na pagdiriwang ng kaarawan ni Yahushua ay ngayon na mas nanghihinayang na pinalitan ng tradisyon ni Santa Claus.

4. Ang Pasko ay isang Romano Katolikong institusyon: sapat na dahilan para tanggihan ito.

Gaya ng pinagmulan ng pagsamba sa araw ng Linggo, ang Pasko ay ang anak ng Simbahang Katoliko.

“Ang mga kapistahan ng Roma ay hindi mabilang; ngunit lima ang pinakamahalaga na maaaring iisa-isa para sa pagpapaliwanag; Araw ng Pasko, Araw ng Ginang, Pasko ng Pagkabuhay, ang Kapanganakan ni San Juan, at ang Pista ng Assumption. Bawat isa at lahat ng mga ito ay maaaring patunayan na Babilonyan.” (The Two Babylons, ni Alexander Hyslop, pahina 91)

“ . . . sa loob ng Kristyanong ekklesia, walang pagdiriwang gaya ng Pasko ang narinig hanggang ikatlong siglo, at hindi hanggang ikaapat na siglo ay malayo ang pag-unlad na nakamit nito sa maraming pagsisiyasat. Paano, dahil dito, isinaayos ng Romanong Simbahan ang Disyembre 25 bilang Araw ng Pasko? Bakit kaya: Matagal bago ang ikaapat na siglo, at matagal bago ang mismong panahon ng Kristyano, isang pista ang ipinagdiwang ng mga pagano, sa tiyak na panahon ng taon, bilang pagpaparangal sa kapanganakan ng anak ng Babilonyang reyna ng langit; at ito’y maaaring ipalagay na para makipagkasundo sa mga pagano, at upang paramihin ang bilang ng mga naturingang tagasunod ng Kristyanismo, ang kaparehong pagdiriwang ay inampon ng Romanong Simbahan, ibinibigay lamang nito ang pangalan ni Kristo. Ang kaugaliang ito sa bahagi ng mga Kristyano para matugunan ang Paganismo nang kalahati ay lubos na maagang umunlad . . . Ang mga tumindig na tao ay nagpunyagi na sumagasa sa agos. Patuloy, sa kabila ng lahat ng kanilang pagsisikap, ang dakilang pagtalikod ay patuloy hanggang ang Ekklesia, maliban sa munting nalalabi, ay lumubog sa ilalim ng paganong pamahiin. Ang Pasko ay orihinal na isang paganong pagdiriwang nang napakalinaw. Ang panahon ng taon, at ang mga seremonya na patuloy na ipinagdiwang ay pinatotohanan ang pinagmulan nito. Sa Egipto, ang anak ni Isis, ang Egiptong titulo para sa reyna ng langit, ay isinilang sa mismong panahon, ‘sa panahon ng soltisyo ng taglamig.’” (Ibid. pahina 93)

Ang pakikipaglahok, dahil dito, sa araw ng Pasko ay magiging isa pang paraan ng pagbabayad ng parangal sa halimaw ng Pahayag, isang bagay na pinaka hindi nakalulugod sa ating makalangit na Ama. Ang Kanyang bayan ay dapat na hindi matagpuan na nagtataguyod ng anumang institusyon na itinulak at itinaguyod ng anti-Kristo.