Ang Kalendaryo ng Manlilikha ay batay sa Buwan at Araw, sapagkat tiniyak sa Kasulatan. Habang ang suporta para sa tunay na Kalendaryo ay dumarami, ganon din ang mga hangal na argumento laban rito. Kailan aktwal na nilikha ang Buwan at paano nakaaapekto ang kakayahan nito na maging isang tumpak na Makalangit na orasan? Maaari bang matapat na pagkatiwalaan ang karunungan at modelo na itinakda sa Genesis? Alamin natin.
Sa pangangailangan ng isang masayang aktibidad ng maulan na araw upang hikayatin ang mga malilikot na bata na lumabas ng tahanan, sina Alex at Sophia ay nagsiksikan sa kanilang dati nang nakahintong bagon at tumungo kasama ang kanilang mga magulang sa isang malaking pabrika ng mga kotse upang panoorin ang linya ng pag-asembleyo at makita kung paano ang mga kotse ay ginagawa. Nadaanan ng pamilya ang mga malalaking bodega kung saan ang mga gawa nang parte at mga gulong ay nakaimbak. Pinapasok ang higante at medyo teknikal na pagawaan ng kotse, sila’y nanood sa pitagan habang ang mga malalaking robot at mga metikulosong manggagawa ay nagsimula sa isang kakaunting may butal na mga hinugis na parte at mabagal ngunit sistematikong tinipon ang bawat piraso upang buuin ang isang kotse. Habang ang bagong parte ay inilagay sa kinalalagyan, mas lalong nasasabik si Alex. Ang kanyang paboritong bahagi ng lahat ng kanyang mga laruang kotse at trak ay ang mga gomang gulong na nagpapabilis sa mga ito sa sahig ng kanilang kusina. Tinanong ni Alex ang kanyang ama, “Ngunit nasaan ang mga gulong? Paano ang mga kotseng ito ay tumatakbo saanman?” “Maghintay ka lang,” tugon ng kanyang ama. “Ang mga taga-disenyo ay mayroong isang plano at tiyak na tiyempo para sa lahat ng mga parte. Sigurado ako na idadagdag ang mga ito sa tamang sandali.” Hindi pa rin tiyak si Alex. Ang mga gulong ay ang pinakamahahalagang bahagi sa kanyang mga mata. Sabik niyang hinihimok ang kanyang pamilya sa dulo ng linya ng pag-asembleyo. Sina Sophia at Alex ay parehong nakiusap na buhatin upang makakuha ng mas mabuting tanaw sa solidong harang ng baranda sa dulo. Ayun sila! Ang gaganda, makikintab na mga bagong kotse na literal na gumugulong sa linya ng asembleyo…kasama ang mga gulong! “Mga Gulong!” bulalas ni Alex. Siya ay medyo nahalinhan nang makita ang mga ito nang tuluyan. “At hulaan ninyo?” pangiting tugon ng kanilang mga magulang. “Iyon ay sa atin!” Humiyaw sa saya sina Alex at Sophia! Ganito kapana-panabik na makita ang kanilang bagong sasakyan ay aktwal na ginawa! Matatandaan nila ang araw na ito magpakailanman.
Sa kwentong ito, makikita natin kung gaano si Alex nangangamba tungkol sa pagtitiwala sa mga taga-disenyo. Para sa kanya, ang mga gulong ay kailangan na unang dumating. Kung ang mga makalupang inhinyero ay maaaring mahusay na idisenyo at bumuo ng isang kotse, gaano pa maaari nating pagkatiwalaan ang plano at modelo ng ating Makalangit na Ama na inilatag sa sanlinggo ng Paglikha?
Mayroong isang tanyag na argumento laban sa Kalendaryong Luni-Solar ng Manlilikha na nagpapahiwatig na buhat nang ang Buwan ay hindi nilikha, o kahit papaano’y itinalaga1, hanggang sa ikaapat na araw ng Paglikha, hindi ito maaaring gumanap ng pangunahing papel sa Kalendaryo ng Manlilikha, lalo nang hindi tungkol sa pag-ikot ng sanlinggo. Habang ang mga nagdududa ay mabilis na ibinigay ang pagpapalagay na ito bilang “ebidensya” laban sa Kalendaryong Luni-Solar, isang malapit na pagsusuri ay ipinapakita ang kamalian ng pangangaturiwang ito.
Ang ating Makalangit na Ama ay ang Manlilikha ng kapayapaan, katuwiran, at mga namamahalang kautusan ng ating kahanga-hangang sanlibutan. Makikita natin ang karunungan sa Kanyang modelong itinalaga sa sanlinggo ng Paglikha ng Genesis. Nagsimula Siya sa wala at nilikha ang lahat ng bagay sa tamang panahon at sa tamang pagkakasunod. Hindi niya nilikha sina Adan at Eba sa unang araw dahil sila’y para, “Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa’t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.” Walang bagay silang pamumunuan sa unang araw; ang Daigdig ay walang anyo at walang laman. Kaya sa pangkalikasan, sila’y nilikha matapos ang kanilang lugar ng paninirahan ay nilikha na, gaya ng mga halaman at mga hayop na sila rin ay lumago at dumami. Siyasatin natin ang pagkakasunod ng nilikha ni Yahuwah sa mga Araw 1, 2, at 3 at kung paano ang mga ito’y nauugnay sa mga Araw 4, 5, at 6.
Malinaw na ipinakita na nilikha at dinalisay ni Yahuwah ang Makalupang tirahan at pagkatapos ay pinatirahan Niya ito. Si Yahuwah ay…
Araw 1: Nilikha ang Liwanag – inihiwalay sa kadiliman. Unang Araw at Gabi.
Araw 2: Inihiwalay ang katubigan na bumabalot sa Daigdig (nilikha ang kalawakan).
Araw 3: Tinipon ang katubigan sa Daigdig sa isang lugar, nililikha ang tuyong lupain; pinatira ang lupain kasama ang damuhan at mga halaman at mga punong namumunga.
Sa puntong ito ng Paglikha, tila ang Daigdig ay handa na upang alalayan ang buhay ng mga hayop. Sa Kanyang walang hanggang karunungan, nagpatuloy si Yahuwah sa pinong apinasyon ng ating kahanga-hangang sanlibutan.
Araw 4: Ang dalawang dakilang Liwanag, ang Araw at ang Buwan, ay itinalaga at ang mga Bituin ay inilagay sa kanilang mga sakdal na lokasyon. Ang kanilang layunin ng pagsubaybay ng oras at pagtatatag ng mga panahon ng pagsamba ay ipinaliwanag:
“. . . at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon [H4150], ng mga araw at ng mga taon.” (Genesis 1:14)
H4150: “Ang Mo’ed ay ginamit sa isang malawak na diwa para sa lahat ng mga pagtitipong pangrelihiyon. Ito ay malapit na nauugnay sa mismong tolda. . . . Nakilala [ni Yahuwah] rito ang Israel sa mga tiyak na panahon para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kalooban. Ito ay isang karaniwang termino para sa pagtitipon ng pagsamba ng bayan [ni Yahuwah].” (“Lexical Aids to the Old Testament,” Hebrew-Greek Key Word Study Bible, p. 1626.)
Narito ang pinong apinasyon ng Manlilikha para sa mga itinalagang tagapanatili ng oras sa kalangitan. Bilang karagdagan sa mga panahon ng pagsamba, pansinin kung ano itinala ni Moises sa gagawin ng mga makalangit na katawan,
“At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman.” (Genesis 1:18)
Ito ay isang malinaw na muling pagsasalaysay at muling pagdadalisay ng ano ang orihinal na nagawa sa Araw 1 – isang pagkakahati ng Liwanag at Kadiliman. Ito ay isang napakalaking punto. Ito ay kung saan inilagay Niya ang “mga gulong sa kotse” ng Kanyang kalendaryo, kung gugustuhin mo. Maliwanag na ang Araw at ang Buwan ay, sa katunayan, nilikha na at naglilingkod sa kalooban ng Panginoon, inihihiwalay ang liwanag mula sa kadiliman, ang araw mula sa gabi (sa anong naging tatlong literal na 24 oras na mga araw bago ang Araw 4); ang kanilang mga banal na itinalagang papel, gayunman, ay tinukoy at dinalisay pa kasama ang mga Bituin sa Araw 4. Ito ay nagiging mas maliwanag kapag isinaalang-alang mo ang mga salita at mga pariralang Hebreo na ginamit ni Moises kapag itinatala ang mga siping ito (H6213). (Marami pa sa napakahalagang puntong ito sa isang sandali.)
Araw 5: Pinuno Niya ang dagat ng kasaganaan ng buhay, at binalot ang kalangitan ng bawat hayop na lumilipad. Pansinin kung paano sa Araw 5 ay pinatirahan Niya ang anong inihiwalay Niya sa Araw 2 ng Paglikha.
Araw 6: Sa huling Araw ng Paglikha, pinuno ni Yahuwah ang tuyong lupain ng mga nabubuhay na nilalang at pagkatapos ay nilikha ang Lalaki at Babae. Sila’y sinabihan na magpalaanakin, at magpakarami at ingatan ang Kanyang Paglikha. Pansinin kung paano sa Araw 6 ay pinatirahan Niya ang pundasyon na inilatag Niya sa Araw 3.
Sa pagsusuri…
Araw 1 |
Araw 4 |
Araw 2 |
Araw 5 |
Araw 3 |
Araw 6 |
Hindi ba kawili-wili na ang tanging bagay na nilikha sa Araw 4 ay oras? Sa Araw 4, ayon sa Genesis 1:14, ang mga makalangit na katawan ay itinalaga para sa layunin ng oras at kalendasyon. Dagdag pa, pansinin na wala pang nabubuhay (matuwid na naunawaan) ang nilikha hanggang matapos ang pagkakatatag ng mga tuntunin ng kalendasyon. Hindi naitala ni Moises ang sanlinggo ng buwan sa Genesis 1 ngunit nais namin ipahiwatig ang kagaya nito:
Upang lalo pang alisan ng laman ang padron na itinakda sa Sanlinggo ng Paglikha, una nang nabanggit, ang araw, buwan, at mga bituin (anumang bagay sa kalangitan) sa katunayan ay nilikha sa Genesis 1:1. Ang paniniwalang ito ay lalo pang pinalakas kamakailan lamang habang nag-aaral ng talaan ng Paglikha. Narito ang anong pinaniniwalaan ng WLC sa pakikipag-usap ng Kasulatan:
“Nang pasimula ay nilikha ng Elohim ang langit at ang lupa.” (Genesis 1:1) (kabilang ang araw, buwan, at mga bituin, na nananahan sa kalangitan).
Ang salitang “nilikha” rito ay bara (H1254). Ang paggamit nito sa Genesis 1 ay tila nangangahulugang may nililikha na bagay sa isang tiyak na diwa, gaya ng mula sa wala. Ang salitang ito ay ginamit lamang nang limang beses sa Genesis 1: (1) “…nilikha ng Elohim ang langit at ang lupa.” (2) “…nilikha ng Elohim ang malalaking hayop sa dagat.” (3) “…nilalang ng Elohim ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan.” (4) “…ayon sa larawan ng Elohim siya nilalang; (5) nilalang niya sila na lalake at babae.”
Ang ibang salita na isinalin bilang “nilikha” sa buong Genesis ay asah (H6213). Ang salitang ito ay nangangahulugang “para gawin o likhain, sa pinakamalawak na diwa at pinakamalapad na aplikasyon: – maitakda, maisulong, maitalaga, …”2 Ang salitang ito, sa unang kabanata ng Genesis, ay tila nagpapahiwatig ng pagsusulong sa isang bagay na nilikha na, o may itinatalagang bagay. Halimbawa: “Nilikha” (H6213) ni Yahuwah ang kalawakan sa pamamagitan ng paghihiwalay ng katubigan na narito na; “Nilikha” (H6213) Niya ang dalawang dakilang liwanag.” Ang Awit 104, kapag muling ipinapahayag kung ano ang lumilitaw na isang kronolohikal na talaan ng sanlinggo ng Paglikha, ay eksaktong ginagamit ang kaparehong salitang ginamit ni Moises sa Genesis 1:16; lamang, isinalin dito bilang “itinakda.”
“Kaniyang itinakda (H6213) ang buwan sa mga panahon [mo’ed].” Awit 104:19
Ang pagkakaunawang ito ay nag-iilaw sa Genesis 1:1 at ang unang araw ng Paglikha (nilayon ang pasaring). “Magkaroon ng liwanag” sa “Araw 1” ay ang pagliliwanag ng araw, na nililinaw kung paano maaaring magkaroon ng literal na mga araw (pag-ikot ng liwanag at dilim) bago ang “Araw 4.” Ang araw na naiilawan sa “Araw 1” ay ipinapaliwanag kung paano nagkaroon ng araw (H3117-yom: “para maging mainit; isang araw”) at sa gabi bago ang “Araw 4.” Ang araw, buwan, at mga bituin ay “itinalaga” lamang ang kanilang banal na kalendrikong papel sa “Araw 4.” Gayunman, sila’y “nilikha” (bara – H1254) sa pasimula kung saan ipinahayag na “nilikha ng Elohim ang langit at ang lupa…” (Genesis 1:1).
Upang isipin dahil si Yahuwah ay hindi pa itinatalaga ang Araw at ang Buwan sa unang araw na sila’y hindi maaaring gamitin para sa Kanyang Kalendaryo ay ganap na hindi makatuwiran. Malinaw Niyang ipinahayag na ang Araw at ang Buwan ay, “maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon,” (Genesis 1:14) at mas malakas na ebidensya para sa Buwan sa Awit 104:19, “Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon [mo’ed]: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.” Ang Araw ng Bagong Buwan ay malinaw na isang araw ng pagsamba sa buong Kasulatan. Tingnan ang Mga Bilang 29:6, 2 Mga Hari 4:23, Awit 81: 3, Isaias 66:23, Ezekiel 46:1-6, at Amos 8:5.3
Kabalintunaan, ang mga tao ay walang problema sa paggamit ng isang kalendaryong solar kahit na ang araw ay hindi itinalaga hanggang sa ikaapat na araw. Bakit ang buwan ay magiging mababa ang tungkulin sa isang kalendaryo, lalo na sa liwanag ng Awit 104:19?
Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
Ang argumentong ito ay walang iba kundi pagpapaimbabaw. Ang buong alitan ay nawawalan ng mas maraming kredibilidad sapagkat naitatag mula sa Kasulatan na ang parehong Araw at Buwan ay nilikha sa Genesis 1:1.
Sa unang sulyap, ang ilan ay maaaring makita ang merito sa argumento na ang Buwan ay hindi itinalaga sa unang araw kaya ito’y hindi maaaring gamitin para sa Kanyang Kalendaryo. Gayunman, ang Kasulatan ay naglalarawan ng isang bagay na medyo kakaiba. Ang Buwan ay itinatag at malinaw na patuloy na itinatag para sa paggamit sa Kanyang mga Banal na Pagtitipon, mga panahon ng pagsamba, at dahil dito’y pangunahin sa Kanyang Kalendaryo. Ang Buwan ay naninindigan bilang isang hindi mayayanig na kalendaryo sa kalangitan. Purihin si Yahuwah, ngayon at magpakailanman, para sa Kanyang sakdal na plano, Kanyang karunungan Kanyang Kalooban, at para sa Kanyang napakagandang walang hanggang Kalendaryo sa kalangitan!
1 Idinadagdag namin ang babalang “o itinalaga” dahil mayroong puwang sa tekstong Hebreo sa parehong kontekstuwal at gramatikong paraan upang kailanganin na ang Araw at Buwan ay kabilang sa panawagan para sa Liwanag sa unang araw ng Paglikha at sila sa halip ay itinalaga sa kanilang tiyak na kinalalagyan at takda sa ikaapat na araw ng Paglikha.
2 Strong’s Dictionary
3 Mga Bilang 29:6 Bukod pa sa handog na susunugin sa Bagong Buwan, at sa handog na harina niyaon, at sa palaging handog na susunugin at sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, ayon sa kanilang palatuntunan, na pinakamasarap na amoy, na handog kay Yahuwah na pinaraan sa apoy.
2 Mga Hari 4:23 At kaniyang sinabi, “Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon? hindi Bagong Buwan o Sabbath man.” At kaniyang sinabi, “Magiging mabuti.”
Awit 81:3 Magsihihip kayo ng pakakak sa Bagong Buwan, sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Isaias 66:23 At mangyayari, na mula sa Bagong Buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ni Yahuwah.
Ezekiel 46:1 Ganito ang sabi ng Yahuwah Elohim, “Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni’t sa Sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng Bagong Buwan ay bubuksan.”
Ezekiel 46:6 At sa kaarawan ng Bagong Buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan.
Hosea 5:7 Sila’y nagsigawa ng paglililo laban kay Yahuwah; sapagka’t sila’y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng Bagong Buwan sangpu ng kanilang mga parang.
Amos 8:5 Na sinasabi, “Kailan daraan ang Bagong Buwan, upang tayo’y makapagbili ng gugulayin at ang Sabbath, upang ating mailabas ang trigo? na gawing munti ang efa, at malaki ang siklo, at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan.”