While WLC no longer believes that the annual feast days are binding upon believers today, we humbly encourage all to set time aside to commemorate them with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah’s instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world. |
“Ginamit ang Mo’ed sa isang malawak na kahulugan para sa lahat ng pagtitipong pangrelihiyon. Ito ay malapit na nauugnay sa mismong tolda. . . . Kasama ni [Yahuwah] ang Israel sa tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kaloob. Ito ay karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan ni Yahuwah.” ("Lexical Aids to the Old Testament," Hebrew-Greek Key Word Study Bible, p. 1626.)
Sa iba’t-ibang mga kahulugan ng mo’ed, “ang itinalagang ‘oras’ ay pinakabatayan.” Mo'ed, #4150, The New Strong's Expanded Dictionary of Bible Words.)
Ang Manlilikha ay lubos na tiniyak ang ukol sa mga oras na itinalaga para sa pagsamba. Sa simula pa lang, nilikha Niya ang isang sistemang pagpapanatili ng oras, isang kalendaryo, kung saan ang Kanyang mga itinalagang oras, ang Kanyang mo’edim, ay kinalkula.
“At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.” (Tingnan ang Genesis 1:14.)
Ang mga tanglaw sa kalangitan ay nilikha para sukatin ang oras sa kanilang paggalaw. Kung walang paggalaw, walang pagsukat ng oras. Ang araw ay ibinigay upang sukatin ang mga araw . . . at mga taon. Ang buwan ay sinukat ang mga buwan, o mga lunasyon, bilang bahagi ng isang taon. Anim na araw na susundan ng ikapitong araw ay ang modelo para sa sanlinggo. Ang maliit na bahagi ng oras na ito sa loob ng buwan ay itinatag sa Paglikha.
Ang makabagong pagano/pang-papa na kalendaryo ay may patuloy na pag-ikot ng mga sanlinggo. Ang kalendaryo ng Paglikha ay muling sinisimulan ang pag-ikot matapos ang bawat araw ng Bagong Buwan. Kaya, bawat pagkakataon na isang petsa ay ibibigay para sa ikapitong araw ng Sabbath sa Kasulatan, lagi itong tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 o ika-29 ng buwang lunar.
Nilikha ng Manlilikha ang buwan nang tiyak para sa pagsukat ng Kanyang mga oras na itinalaga para sa pagsamba, ang Kanyang mo’edim.
“Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon [#4150].” Mga Awit 104:19
Sa ibang salita,
“Nilikha Niya ang buwan para sa mo’edim, ang Kanyang mga itinakda para sa pagsamba.”
Naglista ang Kasulatan ng siyam na itinakdang araw para sa pagsamba:
Ang mga ito’y banal na itinakdang panahon na maaari lamang makita sa kalendaryo na ginagamit ang buwan para sa pagsukat ng oras. Sinipi ng Levitico 23 si Yahuwah na nagsasabi na ang ikapitong araw ng Sabbath at ang mga taunang kapistahan ay Kanyang mga mo’edim, Kanyang itinakdang oras para sa pagsamba.
“At sinalita ni Yahuwah kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, ang mga takdang kapistahan ni Yahuwah, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, ay mga ito nga ang aking mga takdang kapistahan.
Sa bawat pagkakataon na isang petsa ay ibibigay para sa ikapitong araw ng Sabbath sa Kasulatan, lagi itong tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 o ika-29 ng buwang lunar. |
“Anim na araw na gagawa: datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang sabbath kay Yahuwah sa lahat ng inyong tahanan.
“Ito ang mga takdang kapistahan ni Yahuwah ng mga banal na pagpupulong na inyong itatanyag sa takdang panahon [mo’edim].
“Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay paskua ni Yahuwah. At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura . . . At aalugin [ng pari] . . . ang bigkis sa harap ng Panginoon upang tanggapin sa ganang inyo: sa kinabukasan pagkatapos ng sabbath . . . .
“At kayo'y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog: magiging pitong sabbath na ganap. Sa makatuwid baga'y hanggang sa kinabukasan ng ikapitong sabbath, bibilang kayo ng limang pung araw; at maghahandog kayo ng bagong handog na harina kay Yahuwah.
“Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak [trumpeta], banal na pagpupulong nga. . . Gayon ma'y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo'y banal na pagpupulong . . .
“Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag [tolda] na pitong araw kay Yahuwah.
“Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, . . . [bilang karagdagan sa] mga Sabbath ni Yahuwah.” (Tingnan ang Levitico 23.)
Itinatag ng Levitico 23 na ang ikapitong araw ng Sabbath at ang mga taunang kapistahan ay mo’edim lahat: mga oras na itinakda para sa pagsamba. Ang mga ito’y katangi-tanging kaloob, kalkulado ng nilikha ng Manlilikha na luminaryo, ang buwan.
“At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon [mga itinakdang oras].” (Genesis 1:14)
Karagdagan sa panukat ng oras, ang Manlilikha ay inatasan ang mga tanglaw sa kalangitan na manungkulan na tanda ng katapatan na naghihiwalay sa masunurin mula sa mga mapanghimagsik. Ang sistema ng kalendaryo ni Yahuwah ay tanda na naghihiwalay sa Anak ng Liwanag mula sa Anak ng Kadiliman.
Magpasawalang-hanggan, ang mga matapat kay Yahuwah ay magkakaisa sa panunumpa sa kanilang katapatan sa Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa Kanyang itinlagang oras, ang Kanyang mo’edim.
“Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa,
na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ni Yahuwah,
gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.
At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago,
at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago,
paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ni Yahuwah.”
Tingnan ang Isaias 66:22-23).
Nais mo bang manumpa ng katapatan sa iyong Manlilikha? Sumama sa mga matapat at nananatili sa langit at sa lupa. Sambahin ang Manlilikha sa Kanyang itinakdang oras, kalkulado ng Kanyang orasan: ang buwan.