Ang lihim sa pagbabago ay ikubli ang sarili sa Mesias kay Yahuwah. Ito ang panustos na mapagpalang binigay ni Yahuwah kaya ang mga mananampalataya ay maitatalang ganap na pinanatili ang banal na kautusan.
|
Kung kailan ang karamihan sa mga Kristyano ay naiisip ang kagandahan ng mabuting balita, naiisip nila ang walang kabayarang kaloob ng kapatawaran, kung saan ang mga kasalanan ng mananampalataya ay binura ng dugo ni Kristo at siya ay nakatayo sa harap ni Yahuwah na parang hindi siya nagkasala. Ngunit ang kaloob ng kaligtasan ni Yahuwah ay lubos na higit pa sa isang banal na palayok ng tinta na nagwiwisik ng dugo ni Kristo sa indibidwal na talaan sa Aklat ng Buhay.
Malinaw ang Aklat ng Pahayag sa pagtatakda ng mga kondisyon para sa walang hanggang buhay: “Pinagpala ang mga naghuhugas ng kanilang mga damit, upang magkaroon sila ng karapatan sa puno ng buhay at makapasok sa mga pintuan ng lungsod.” (Pahayag 22:14, FSV)
Nalalaman ni Satanas na ang mga kondisyon para sa walang hanggang buhay o walang hanggang kamatayan ay hindi kailanman nagbabago: sumunod at mabuhay; sumuway at mamatay. Gumawa siya ng pagkalito sa isyu ng banal na kautusan. Sa isang kamay, nanguna siya sa maraming tapat na Kristyano na maniwala na, sa buhay na ito, sila ay dapat na walang sala upang maligtas. Sapagkat sila’y tapat na ninanais na parangalan si Yah at gawin kung ano ang tama, napakadali para sa klase ng Kristyano na ito na maging bagsak sa isang putikan ng mga gawa. Dahil si Yahuwah ay banal at nalalaman nilang sila ay hindi, sila’y gumagawa pa ng mga pagsisikap na tumatanggi sa sarili para maging banal, sapagkat ang pagtanggi sa sarili ay ang susi sa pamumuhay ng maka-Yah na pamumuhay.
Ang iba pang klase ng mga Kristyano, pawang matatapat din, ay tumutungo sa ibang sukdulan. Nakikita nila ang imposibilidad ng anumang bumagsak na tao na walang sala. Dahil dito, sapagkat ito ay imposible, iginigiit nila na hindi na kailangan ni Yahuwah ng pagsunod. Para sa klase ng Kristyanong ito, naghanda si Satanas ng kasinungalingan na ang kautusan ay “napako sa krus” at hindi na umiiral pa.
Walang Sala para Maligtas -------------------------------------------------------------- Hindi na Umiiral ang Kautusan
Ang parehong pangkat ay nasa kamalian. Ipinakita ni Juan ang mga nagtagumpay at malinaw niyang ipinahayag na sila ang mga nagpapanatili ng banal na kautusan: “Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ni Yahuwah at patuloy na sumasampalataya kay Yahushua.” (Tingnan ang Pahayag 14:12.)
Ang kasagutan sa tila imposibleng dilemang ito ay si Yahushua. Kapag pinili mo na tanggapin ang kaloob ng kaligtasan, ikaw ay hinahandugan nang higit pa sa kapatawaran para sa mga nakalipas na pagkakasala. Ang walang salang buhay ni Yahushua ng ganap na pagsunod sa kautusan ni Yah ay idinadagdag rin sa iyong talaan. Isinulat ni Pablo:
Kaya't yamang kayo'y muling binuhay na kasama ni Kristo, pakanasain ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Kristo, na nakaupo sa kanan ni Yahuwah. Pag-ukulan ninyo ng pansin ang mga bagay na makalangit at hindi ang mga bagay na makalupa, sapagkat kayo'y namatay na, at ang buhay ninyo kay Kristo ay itinatago ni Yah. Kapag si Kristo na inyong buhay ay nahayag na, kayo ay mahahayag ding kasama niya sa kaluwalhatian. (Tingnan ang Colosas 3:1-4.)
Magkubli kay Kristo na kay Yah. Ito lamang ang paraan sa sinuman na maaaring itala bilang tagapanatili ng kautusan. At, gaya ng dugo na bumabalot sa kasalanan, ito rin ay isang kaloob ng kagandahang-loob, libreng makukuha ng lahat ng tatanggapin ito sa pananalig. Para magkubli kay Kristo na kay Yah ay nangangahulugan na ganap na lulubog sa pananalig sa nagbabayad-salang sakripisyo. Ito rin ay para sa mga pagkakasala, pagkukulang, at mga kabiguan na karaniwang resulta ng pagkakaroon ng bumagsak na kalikasan.
Lahat ng itinatago ang kanilang sarili kay Kristo na kay Yah, sa pagbabalik ni Yahushua, ay pagkakalooban ng isang mas mataas na kalikasan. Ito at pagkatapos lamang nito, sila’y mamumuhay nang ganap na buhay ng walang sala.
Sinabi ni Pablo sa taga-Corinto:
Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ni Yah; ni ang may pagkabulok ay magmamana ng walang pagkabulok.
Pakinggan ninyo ang sasabihin kong isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mahihimlay, ngunit tayong lahat ay babaguhin—sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at ang mga patay ay bubuhaying muli na walang pagkasira at tayo'y babaguhin.
Sapagkat ang may pagkabulok ay kailangang magbihis ng walang pagkabulok, at itong may kamatayan ay magbihis ng kawalang kamatayan. (Tingnan ang 1 Corinto 15:50-53.)
Si David ay isang makasalanan. Siya ay isang poligamista, isang sinungaling, isang adultero, at isang mamamatay-tao. Subalit, sa kabila ng napakaraming pagkakasala niya, sinasabi ng Kasulatan na siya ang tao na malapit sa puso ni Yah. Siya ang tao na malapit sa puso ni Yah dahil iniibig niya ang kautusan ni Yah.
Ang kautusan ni Yahuwah ay hindi isang dakilang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin. Ito ay isang sipi ng Kanya mismong katangian ng pag-ibig! Natanto ito ni David at inawit, “Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.” (Awit 119:97, ADB) Kung nais mo na maging isang tao na malapit sa puso ni Yah, magalak sa Kanyang kautusan (Kanyang katangian), kailangan mong maglaan ng oras sa Kanyang salita. Ganon lang kasimple at ito ay isang pasya. “Ang kautusan ni Yahuwah ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ni Yahuwah ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.” (Awit 19:7, ADB)
Kapag pinili mo na maglaan ng oras sa salita ni Yah, ang Kanyang Espiritu ang magpapabago sa iyo. Ang iyong Manlilikha ay magiging iyong muling Manlilikha.
At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo. Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa. (Ezekiel 36:25-27, ADB)
Mas maraming oras na ilalaan mo sa salita ni Yah at sa pagmumuni-muni ng Kanyang katangian, mas makikita mo na humanga at umibig. At, kapag naabot mo ang punto ng pagnanais ng walang iba kundi pag-iisa kay Yahuwah, tinatanggap Niya ito bilang iyong pinakamataas na pagsisikap. Ang mga kasalanan at mga kabiguan na hindi mapipigilan sa isang bumagsak na kalikasan ay hindi na ibibilang sa iyo. Isang kahanga-hangang transaksyon ang magaganap kung saan ang ganap at sakdal na buhay ni Yahushua ay idadagdag sa iyong talaan. Ito ang inilalarawan ni Pablo noong isinulat niya:
Sa kanya namang walang kalakip na gawa ngunit sumasampalataya kay Yah at nagtuturing na matuwid sa masama, ang kanyang pananampalataya ang batayan ng kanyang pagiging matuwid. Ganoon din ang sinasabi ni David, na pinagpala ni Yah ang taong itinuturing na matuwid hindi batay sa anumang gawa: “Pinagpala ang mga taong pinatawad ang mga pagsuway, at silang pinawi na ang mga kasalanan. Pinagpala ang taong hindi na kailanman sisingilin ni Yahuwah sa kanyang kasalanan.” (Roma 4:5-8)
Ang dugo ni Yahushua ay binabalot ang ating mga pagkakasala. Ngunit anong mas higit pa, ang kanyang kasakdalan ay binabalot ang ating mga kamalian. Ang kanyang ganap na pagsunod sa kautusan at kalooban ni Yahuwah ay bumabalot sa ating mga pagkakamali kaya si Yahuwah ay nakikita tayo na ganap na pinapanatili ang Kanyang mga kautusan sa kabila ng katunayan na sa panig ng pagkaluwalhati na ito, tayo ay palaging bigo sa ilang punto o sa iba pa dahil sa pagkakaroon natin ng bumagsak na kalikasan.
Ito ay hindi mailarawang kaloob na nagpapahintulot sa ating mga pangalan na manatili sa aklat ng buhay ng Kordero. Sa ganap na pagsunod ni Yahushua na idinagdag sa ating talaan, binibigyan tayo ng karapatan na pumasok sa siyudad at kumain mula sa puno ng buhay, habang “hindi makapapasok doon ang anumang maruming bagay, ang sinumang may gawaing karumal-dumal o sinungaling, kundi yaon lamang may mga pangalang nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.” (Pahayag 21:27, FSV)