While WLC no longer believes that the annual feast days are binding upon believers today, we humbly encourage all to set time aside to commemorate them with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah’s instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world. |
Napatawad! . . . Malaya! . . . Hindi makasalanan!
Ang nakakasiglang mensahe ni Pablo para sa mga Hentil ay ang pagkalinis ng talaan ng kanilang mga kasalanan! Ito ay napako na sa krus. Sila ay napatawad na! Hindi na nila kailangang trabahuhin ang pagpunta nila sa Paraiso.
Ang pagkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa ay isang doktrinang pinang hahawakan ng lahat ng paganong relihiyon. Ipinabatid ni Pablo ang nakalulugod na mensahe na ang lahat ng “gawa” ay natapos na ng Tagapagligtas na si Yahushua. Ngayon, ang kaligtasan ay makakamit sa pananampalataya sa Kanya lamang!
Sapagkat hindi ko ikinakahiya ang ebanghelyo [magandang balita ni Yahushua]: sapagkat siyang kapangyarihan ng [Elohim] sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya. . . Sapagkat dito ang katuwiran ng [Elohim] ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, “Ngunit ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” (Roma 1:16-17)
Ang lahat ng mananampalataya kay Yahushua ay tatanggapin ang Kanyang kamatayan kapalit ng kanilang kamatayan bilang kabayaran sa kanilang mga kasalanan. Saka lamang sila “muling mabubuhay” kasama Siya sa pagbabagong buhay. Hindi na sila bilanggo ng kanilang makasalanang nakaraang kalikasan. Sila ay malaya na kay Yahushua!
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si [Yahushua] na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng [Elohim] na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin. (Galacia 2:20)
Narito ang kapangyarihan ng magandang balita! Ang mga nagsisising makasalanan, sa pananampalataya sa kanilang Tagapagligtas, ay mapapako ang talaan ng kanilang mga kasalanan sa krus at muling mamumuhay kay Yahushua. Ang katotohanang ito ay nakakapagbago ng buhay!
Alam ni Satanas na ang kanyang mapang-aliping kontrol sa ating mga buhay ay pinutol na ng kapangyarihan ng magandang balita ni Yahushua. Upang maitago ang katotohanang ito mula sa mundo, si Satanas ay kinuha ang isa sa mga pinakamalinaw na pahayag na nagpapaliwanag ng prosesong ito at, sa pamamagitan ng maling pagsalin at pag-unawa, ay binalot ito sa kadiliman.
Ang pahayag na ito ay matatagpuan sa Colosas 2:13-17:
“Kayong dating patay dahil sa kasalanan . . . ay binuhay ng [Elohim] na kasama ni [Yahushua]. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay. Kaya’t huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito’y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si [Yahushua] ang katuparan ng lahat ng ito.” (Colosas 2:13-17)
Pinaniwala ni Satanas ang marami na ang “naisulat na alituntunin” na nabanggit sa pahayag na “pinawi” ni Yahushua nang Siya’y ipako sa krus ay ang dakilang batas. Ipinapalagay nila na ang dakilang batas ay hindi na umiiral at ang mga kautusan hinggil sa pagkain lamang ng malilinis na karne at pagsamba sa mga pista, sa mga Sabbath at bagong buwan ay “napawi” na. Kaya, si Satanas ay inakay ang marami na labagin ang dakilang batas dahil naniniwala sila na ang pahayag ay tinuturo na ang batas ay hindi na umiiral.
Gayunman, sa maingat na pag-aaral sa pahayag, ipinapakita nito ang mali sa paniniwala.
“Ano nga ba ang ‘naisulat na alituntunin’? Ang mga salitang ito ay salin mula sa Griyegong parirala na cheirographon tois dogmasin. Angcheirographon ay anumang bagay na sulat-kamay, ngunit mas maaaring tumukoy sa legal na dokumento, panagot o tala ng utang. Ang dogmasin ay tumutukoy sa mga batas o alituntunin na namamahala sa pag-uugali o pamumuhay ng isang tao.” (Earl L. Henn, "Was God's Law Nailed to the Cross?")
Ang mga “alituntunin” na “laban” sa atin ay hindi maaaring ang dakilang batas, dahil ang dakilang batas ay para sa atin! Sinabi mismo ni Pablo: “… banal ang Kautusan at ang bawat utos ay banal, matuwid, at mabuti.” (Roma 7:12)
Ang batas ni [Yahuwah], walang labis walang kulang, ito’y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. . . . Ang mga utos ni [Yahuwah] ay makatuwiran, ito’y nagpapasaya ng puso at kalooban. . . . Mas kanais-nais pa ito kaysa gintong lantay. . . Ang mga utos mo, [Yahuwah], ay babala sa iyong lingkod, may malaking gantimpala kapag aking sinusunod. (Awit 19:7-8, 10-11)
Ipinapahayag ni Pablo ang magandang balita ng kaligtasan sa Colosas 2! Sa kamatayan ng Tagapagligtas, ang pagkakautang dahil sa kasalanan ay nalinis na! Kasalanan ang “naisulat na alituntunin” at ito’y tunay ngang “laban sa atin.”
Kapag ang isang tao ay ipinako, ang talaan ng mga krimeng nagawa niya ay nakapako rin sa krus. Isinulat ni Pilato ang krimen ni Yahushua: Hari ng mga Hudyo. Bilang ating Hari at ating Tagapagligtas, si Yahushua ay tinanggap ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan.
“. . . sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila’y patawarin.” (Isaias 53:12)
“Hindi nagkasala si [Yahushua], ngunit sa atin, siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan Niya ay maging matuwid tayo sa harap [ni Yahuwah].” (2 Corinto 5:21)
Ang lahat ng tatanggap ng kamatayan ng Tagapagligtas para sa kanilang mga kasalanan, ay “mapapawi” ang talaan ng kanilang mga kasalanan at “mapapako sa krus”.HalleluYAH! |
Ang lahat ng tatanggap ng kamatayan ng Tagapagligtas para sa kanilang mga kasalanan, ay “mapapawi” ang talaan ng kanilang mga kasalanan at “mapapako sa krus”.
“. . . nang si [Yahushua] ay magtiis para sa inyo. . . Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan. . . Kayo’y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat,” (1 Pedro 2:21, 24)
Ang Colosas 2 ay nagpapakita ng napakaganda at malalim na katotohanan: ang doktrina ng pagkamakatwiran.
“Kayong dating patay dahil sa kasalanan . . . ay binuhay ng [Elohim] na kasama ni [Yahushua]. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus.” (Colosas 2:13, 14)
Ang “ito” na ipinako sa krus ay hindi ang “banal, matuwid, at mabuti” na dakilang batas. Ang ipinako sa krus at “napawi” ay ang talaan ng mga kasalanan! Nang malinis ang talaan ng mga kasalanan, wala nang kapangyarihan si Satanas sa ating mga buhay!
“. . . nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.” (Colosas 2:15)
Ito ang magandang balita ngayon, at ito rin ang magandang balita sa mga taga- Colosas.
Ang Colosas ay isang paganong siyudad. Ang relihiyon nila ay isa sa pagkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa. Itinuturo nila na ang kaganapan ay makakamit lamang sa matinding pagtanggi sa sarili at pag-iwas sa kasiyahan. Naniniwala sila na ang sinumang nagsasabing sila ay relihiyoso ay kailangang maghigpit tulad ng ginagawa nila. Inimpluwensyahan nito ang mga batang Kristyano sa Colosas na dati’y mga pagano. Imbis na manalig lamang sa ipinako at muling nabuhay na Tagapagligtas, ang mga taga-Colosas ay nanunumbalik pa rin sa kanilang paniniwalang pagtanggi sa sarili, ipinapalagay na ito’y kailangan upang maligtas.
Binalaan sila ni Pablo sa kanilang “pagtatrabaho upang makapunata sa Langit.”
“Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at madayang katuruan na hindi kay [Yahushua] nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga alituntunin ng mundong ito.” (Colosas 2:8)
Ang pagpaparusa sa sarili ay hindi kinailangan ni Yahuwah upang maligtas. Hinimok ni Pablo ang mga mananampalataya sa Colosas na maging malaya kay Yahushua at huwag maimpluwensyahan ng mga paganong nasa paligid nila.
“Kaya’t huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito’y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si [Yahushua] ang katuparan ng lahat ng ito. Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba. . . HIndi sila nagpapasakop kay [Yahushua] na siyang ulo. . .” (Colosas 2:16-19)
“Ngunit si [Yahushua] ang katuparan ng lahat ng ito” ay isang pahayag na mali ang pagkakasalin.
“Isang literal na salin ng huling mga salita ng Colosas 2:17, ‘ngunit ang katawan ni [Yahushua].’ Ano ang katawan ni . . . Yahushua? Ang 1 Corinto 12:27 ay nagbigay ng kasagutan: ‘Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni [Yahushua]!’ ” (Earl L. Henn, "Are the Sabbath and Holy Days Done Away?")
Tinuruan ni Pablo ang mga taga-Colosas na huwag nilang hayaan ang mga pamumuna ng mga paganong nasa paligid nila na diktahan ang kanilang mga dapat gawin. Ang ekklesia ang dapat na gumawa ng naturang hatol. Sila ay malaya na mula sa mga pilosopiyang pagano at maaari nang mamuhay ng payapa kay Yahushua.
“Kayo’y namatay nang kasama ni [Yahushua] at hindi na sakop ng mga alituntunin ng mundong ito. Bakit pa kayo sumusunod sa mga alituntuning tulad ng ‘Huwag hahawak nito,’ ‘Huwag titikim niyan,’ ‘Huwag gagalawin iyon’? Ang mga ito’y utos at katuruan lamang ng mga tao . . .” (Colosas 2:20-22)
Hindi na nila kailangang kumapit pa sa mga tradisyon ng tao upang makapunta sa Langit. Ang kamatayan ni Yahushua sa krus ay napatawad na ang pagkakautang ng mga makasalanan. Ang talaan ng iyong mga kasalanan ay napako na sa krus.
“Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; . . . Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas Niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. . . . Ngunit ipinataw ni [Yahuwah] sa Kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.” (Isaias 53:5, 6)
Ikaw ay napatawad na! Ikaw ay malaya na!