Print

Ang Matematika ng Pag-aasawa

Ang pag-aasawa ay ang kaloob ng pagpaparangal na ibinigay sa sangkatauhan sa panahon ng sanlinggo ng Paglikha. Matapos nilikha ang sakdal na daigdig, pinagkalooban ng lahat ng bagay upang matugunan ang kalusugan, pinagagalak ang mga pandama at binibighani ang mga kaisipan ng sangkatauhan, sinabi ni Yahuwah, “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya.” (Genesis 2:18, ADB)

Ang kaloob ng matalik na pagsasama ng isa na “buto ng aking mga buto at laman ng aking laman”1 ay isang kaloob na natatangi sa sangkatauhan. Ito’y hindi ibinigay sa mga anghel o sa anumang ibang bumagsak na mga lahi. Ito’y ibinigay para sa dalawang dahilan: 1) upang pagpalain ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghuhubog ng tao tungo sa larawan ng banal; 2) upang ipakita sa lahat ng mga nilikha ang mapagmahal na katangian ni Yahuwah.

Sa mga kadahilanang ito kaya nilikha ni Yahuwah ang sangkatauhan bilang dalawang bahagi ng isang kabuuan. Ang parehong lalaki at babae ay nilikha sa larawan ng Elohim: “At nilalang ng Elohim ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Elohim siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.” (Genesis 1:27, ADB)

magkahawak ng kamayAng pagsasama ng isang lalaki at isang babae ay ipinapakita ang mga mukha ng katangian ni Yahuwah na hindi maunawaan sa ibang paraan. “Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.” (Efeso 5:31, ADB)

Ang pag-aasawa ng dalawang tao na nakatuon upang parangalan ang kanilang Manlilikha ay isang makapangyarihang saksi sa sanlibutan. Ang mga pag-aasawang nakasentro si Yahuwah ay parehong pinararangalan ang Elohim at isang pagpapala sa iba. Nalalaman ito ni Satanas at nakatuon nang masinsinan sa pagsisira ng mga indibidwal na pag-aasawa at ang mismong pag-aasawa bilang isang institusyon.

Maraming dahilan na ibinibigay ang mga tao para sa pag-iisang dibdib. Ang mga ito’y naiiba na kasinglawak ng mga mismong indibidwal. Ilan sa mga dahilan ay romantiko: Siya ang aking kabiyak na kaluluwa. Ako’y umiibig sa kanya. Ang iba pang dahilan ay praktikal: Ang pag-aasawa ay magdadala sa akin ng seguridad. Siya ang aking magiging tagapagtustos. Paminsan-minsan, ang mga panlipunang lundo ay nag-iimpluwensya ng pasya upang mag-asawa: Buntis ako. Tumatanda na ako; kung hindi pa ako makakapag-asawa ngayon, ay baka hindi na ako makapag-asawa.

Ang iyong pag-aasawa ay magiging kasing lakas lamang ng katuwiran kung bakit ka nag-asawa sa una pa lang.

Bilang isang resulta, “ang layunin mo para sa pag-aasawa ay tumutukoy sa takbo ng iyong pag-aasawa.”2

Kung mas matatag ang iyong dahilan para sa pag-aasawa, mas malakas ang iyong pag-aasawa at mas maraming kasiyahan ang makukuha mo mula rito. Gayundin, kung mas mahirap ang iyong dahilan para sa pag-aasawa, mas malaki ang iyong mga pagkakataon ng kalungkutan at, sa huli, hiwalayan. Upang magkaroon ng isang nagtatagal na pag-aasawa na isang pagpapala sa magkabilang partido, dapat ay mayroon kang isang mabuting katuwiran para magkaroon ng kabiyak. Itinuturo ng Kasulatan na tanging si Yahuwah ang “mabuti.” Dahil dito, anumang bagay na mabuti ay dapat na naaayon kay Yahuwah.

Ang tanging “mabuti” na dahilan para sa pag-aasawa, dahil dito, ay ang parehong indibidwal ay nananalig na ito ay kalooban ni Yahuwah para sa kanilang mga buhay. Hindi ibig sabihin nito na maaari mong asawahin ang sinumang nais mo at pagkatapos ay makiusap kay Yahuwah na pagpalain ang iyong pasya. Ito’y nangangahulugang isinusuko mo ang iyong kalooban sa iyong Manlilikha at pinapahintulutan Siya na gabayan ka sa iyong pagpili ng isang kapares sa habambuhay.

Tumiwala ka kay Yahuwah ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka kay Yahuwah, at humiwalay ka sa kasamaan: Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto. (Kawikaan 3:5-8.)

matandang mag-asawa sa isang hardin ng mga bulaklakAng sukdulang layunin ng pagsasama sa matrimonyo ay para sa inyong dalawa na magiging “isang laman.” Kahit na ang iyong orihinal na layunin para mag-asawa ay hindi isang napakabuti, posible ito na lumago’t umunlad at, sa pagpapala ni Yahuwah, ibatay ang iyong pag-aasawa sa isang matatag na tuntungan. Sapagkat kayong dalawa ay nakatuon na ihandog ang inyong pag-iisang-dibdib kay Yahuwah, pagpapalain Niya ang inyong mga pagsisikap at ang inyong pagsasama ay maaari Siyang parangalan.

Ang tuntunin kung saan nakabatay ang pag-aasawa ay ibinuod sa mga salitang ito: “Kaya’t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila’y magiging isang laman.” (Genesis 2:24, ADB) Ang mag-asawa ay nararanasan ang kagalakan sa pag-aasawa sa sukatan kung paano sila nagsasama sa “isang laman” sa ilalim ng pagpapala ni Yahuwah. Gayundin, ang kahirapan at kalungkutang naranasan ay nasa sukatan sa pagkakawatak-watak na naranasan sa pag-aasawa.

Nauunawaan ni Satanas ang tuntuning ito at hinangad na wasakin ang kagalakan ng maraming tao sa pamamagitan ng pangunguna sa mga mag-asawa na maging “isa” sa mga pamamaraan na hindi kalusugan o mga bagay na nakadapa sa abuso. Gumawa ng masaklaw na pagsasaliksik si Gregory L. Jackson tungo sa anong bumubuo sa tunay na mga tuntuning Biblikal ng pag-aasawa. Ang kanyang pagsasaliksik ay ipinapakita ang tatlong batayang pamamaraan na malawakang ginamit kung saan ang mga mag-asawa ay nagtatangka na maging “isa.” Ang iba’t ibang pamamaraan ay mayroong mga mas dakila o mababang kalakasan at kahinaan, ngunit walang uliran. Tanging isang pamamaraan lamang, ang ikaapat, ay nasa pagkakatugma sa ibang banal na tuntunin ay hahantong sa totoo at tumatagal na kasiyahan.

Napakahalaga na malaman at maunawaan ang mga pamamaraang ito, dahil ang pamamaraan na tinatangka mo upang maging “isa” ay marahil lilikha o sisira sa iyong pag-aasawa. Kung tamang pamamaraan ang ginamit, ang iyong pag-aasawa ay lalagong mas malakas at kayong dalawa ay uunlad sa pagiging mas matalik. Kung maling pamamaraan ang ginamit, ikaw at ang iyong kapares ay lalago nang malayo at malayo ang pagitan dahil ang iyong pag-aasawa ay humihina at patuloy sa paghina.

Inilalarawan ni Jackson ang tatlong maling pamamaraan na ginamit ng mga mag-asawa upang maging “isa” sa pamamagitan ng paggamit ng tatlong naiibang matematikong pamamaraan para dumating sa bilang na isa. Ang mga pamamaraang ito ay: karagdagan, palabawasan at pagbabahagi.

Ang Pamamaraang Karagdagan

Sapagkat ang isang tao ay hindi maaaring kumatawan sa bokya, ang pamamaraang karagdagan ay gumagamit ng mga hating bilang upang dumagdag sa isa: ½ + ½ = 1. Ang modelong ito ng pag-aasawa ay ginamit ng mga tao na naniniwala na sila’y hindi kumpleto maliban na lamang kung mayroong isa pang tao sa kanilang buhay. Sila’y naniniwala na upang maging ganap na mahalin at malugod sa buhay, sila’y dapat mayroong isang kapares sa habambuhay. (Habang ito’y maaari nilang paniwalaan, ito ay batang mag-asawa mula sa silangananbatay sa isang may depektong saligan dahil tanging si Yahuwah lamang ang maaaring makapagbigay ng katuparan para sa isang bagay na hinahangad nila.)

Iyong mga gumagamit ng pamamaraang karagdagan ay mga romantiko na nagsasabi ng mga bagay gaya ng: Paano ako mabubuhay kung wala ka? Ikaw ang kukumpleto sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala ka. Ikaw ang lahat sa akin. Habang ito’y maaaring tunog gaya ng “tunay na pag-ibig,” hindi nito maaaring makamit ang tunay na Biblikal na “pag-iisa” na ang ninanais ng mga puso ng tao – at ang ninanais ni Yahuwah para sa Kanyang mga anak.

Ipinapakita ni Jackson ang tatlong dahilan kung bakit ang pamamaraang karagdagan ay hindi maaaring magdala ng ganap na pag-iisa sa mag-asawa:

Una, ang pamamaraang karagdagan ay nagdudulot sa isa na bumatay sa maling pinagkukunan upang maramdamang kumpleto. Ang salita ni Yah ay nagsasabi:

Mag-ingat kayo upang huwag kayong maging bihag ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, batay sa tradisyon ng mga tao, batay sa mga mapamahiing aral ng sanlibutan, at hindi batay kay Kristo Yahushua.

Sapagkat sa kanya ay naninirahan ang kabuuan ng kalikasan ng pagka-Diyos sa anyong katawan.

At kayo’y ginawang buung-buo dahil sa pakikipag-isa ninyo na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at pamamahala. (Colosas 2:8-10)

Ang pamamaraang karagdagan ay sinisira tayo dahil tinuturuan tayo sa isang bagay maliban kay Yahushua upang maramdamang kumpleto.

Ikalawa, ang pamamaraang karagdagan ay nagdudulot sa isa na magkaroon ng maling layunin para sa pag-aasawa. Ang layunin ni Yahuwah para sa pag-aasawa ay upang paunlarin ang Kanyang larawan at pagkakahawig sa atin. Para sa sinusundan ang pamamaraang karagdagan ang layunin para sa pag-aasawa ay upang maramdamang kumpleto.

Ikatlo, ang pamamaraang karagdagan ay nagdudulot sa isa na gamitin ang maling uri ng pag-ibig upang maugnay sa kanyang asawa. Iyong mga gumagamit ng pamamaraang ito na nauugnay sa isa’t isa sa isang makaako, makasariling pag-ibig dahil ang kanilang layunin ay upang kunin ang iba para maglingkod sa kanilang mga pangangailangan. Ang pag-ibig ni Yahuwah ay isang mapagmalasakit, walang pag-iimbot na pag-ibig dahil ang layunin nito ay upang maglingkod para sa mga pangangailangan ng iba.3

Ang mga mag-asawa na hinugis ang kanilang pag-aasawa sa pamamaraang karagdagan ay ginagawa mula sa isang kapwa pangangailangan upang maramdamang kumpleto. Ito’y walang katiyakan dahil tanging sa pamamagitan lamang ni Yahuwah maaari ang isang tao ay maramdamang kumpleto at ganap na iniibig. Upang tumingin sa iyong kapares para doon ay isang maling batayan para sa pag-aasawa dahil itinutuon nito ang iyong atensyon sa isang tao sa halip na sa iyong Manlilikha. Ang ganitong pag-ibig ay nakatuon sa sarili, sa halip na nakatuon sa iba, na batayan para sa pag-ibig ni Yahuwah at para sa tunay na pag-iisa.

Ang Pamamaraang Palabawasan

nagtatalong mag-asawaAng pamamaraang palabawasan ng pagiging isa ay nakakamit ang pag-iisa sa pag-aalis ng isang maliit na bilang mula sa malaking bilang: 2 – 1 = 1. Sa tatlong pamamaraan na laganap na ginagamit, ito ang pamamaraan na pinakaplastado sa pang-aabuso at pananamantala ng isang kapares. Ang mga mag-asawa na gumagamit ng pamamaraang palabawasan ay naniniwala na ang isa ay dapat na mangibabaw sa iba. Minsan, ang mga lalaking asawa ay gumagamit ng pamamaraang ito upang magbuhos ng kontrol sa kanilang mga babaeng kabiyak. Sinasabi nila ang mga bagay gaya ng “Ako ang nagsusuot ng pantalon sa pamilyang ito! Ako ang haligi ng tahanang ito at dapat mo akong sundin!”

Ang pamamaraang ito ay ginamit rin ng mga asawang babae bilang isang palusot na hindi isipin (at pag-aralan) para sa kanilang sarili. Kapag ang bagong liwanag at mga sumulong na patotoo ay ipinakita sa isang babae sa ganitong uri ng pag-aasawa, ang kanyang tugon ay madalas na, “Ang aking asawa ay mas mabuti sa pag-uunawa ng klase ng bagay na iyon. Makikita ko kung ano ang sasabihin niya.”4

Ang mga tao na gumagamit ng pamamaraang palabawasan ay mayroong isang nananaig na pagnanais na maramdamang makapangyarihan. Maging ang mga nangingibabaw na mga kapares sa ganoong pag-aasawa ay mayroong kaparehong pagnanais, na dahilan kung bakit nais maging kapares ang mga pinaniniwalaan nila na makapangyarihan; iyong mga tutugon sa pangangailangang iyon para sa kanila.

Gaya ng mga mag-asawa na gumagamit ng pamamaraang karagdagan upang tuparin ang isang kapwa pangangailangan, ang mga mag-asawa na gumagamit ng pamamaraang palabawasan upang makamit ang pag-iisa ay ginagawa rin mula sa isang kapwa pangangailangan upang maramdamang makapangyarihan at nasa kontrol. Ang pamamaraang palabawasan ay nabibigo para sa mga kaparehong kadahilanan sa pamamaraang karagdagan: ito’y nakabatay sa maling pinagkukunan (asawa ng isa) para matugunan ang pangangailangan upang maramdamang malakas at makapangyarihan. Sapagkat ito ang maling dahilan para mag-asawa, ang maling klase ng pag-ibig ay ipinakita sa pagsubok na makamit ang pag-iisa.

Ang Pamamaraang Pagbabahagi

Ang pamamaraang pagbabahagi ay marahil ang pinakatanyag na pamamaraan na ginamit ng mga kabataan ngayon. Sa tatlong pamamaraan, ito ang pinakamabuti, gayunman, sapagkat makikita natin, hindi rin ito uliran.

Ang pamamaraang karagdagan ay dumarating sa bilang na isa sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang hindi kumpleto, ang pamamaraang palabawasan ay dumarating sa bilang na isa sa pamamagitan ng pagpapasakop ng isang mababa sa dakila, ngunit ang pamamaraang pagbabahagi ay dumarating sa bilang na isa sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa nang magkatumbas. Itinuturo ng pagbabahagi, ang isang bilang na batang mag-asawa sa kusinaibinahagi sa isang magkatumbas na bilang na magreresulta sa bilang na isa. Halimbawa, 4 ÷ 4 = 1. Ang mga mag-asawa na gumagamit ng pamamaraang pagbabahagi ay naniniwala na ang pag-aasawa ay dapat na isang pagkakaisa ng magkatumbas. Hindi nila kailangan ang pag-aasawa na maramdamang kumpleto o makapangyarihan at nasa kontrol. Sila’y mga tao na umaasa sa sarili sa isang malusog na konsepto sa sarili. Sila’y hindi sumalungat sa ideya ng pag-aasawa, ngunit nararamdaman nilang makakaya nilang manatili at matagpuan ang kasiyahan kung wala ito. Ang ideya ng pag-aasawa ay sumasamo sa kanila kapag ito’y nag-aalok ng isang landas para maging isang katumbas na kapares sa buhay sa isa na mayroong kaparehong pangkabuhayan at edukasyonal na mga layunin (Ang ilan ay nagdadagdag ng mga espiritwal na layunin sa listahan.). Sila’y naniniwala na ang pinakamahusay na paraan upang dumating sa bilang na isa ay sa pamamagitan ng pagdadala ng dalawa nang magkatumbas.5

Bagama’t ang pamamaraang pagbabahagi ay marahil ang pinakamahusay sa tatlong uri ng mga modelo ng pag-aasawa, ito’y nananatiling bigo para sa kaparehong tatlong dahilan sa naunang dalawa: ito’y tumitingin sa maling pinagkukunan para sa pakiramdam na maging magkatumbas, kaya ito’y mayroong maling katuwiran para sa pag-aasawa at bilang isang resulta, ang maling uri ng pag-ibig ay ipinahayag sa pag-aasawang ito.

Ang Pinakamahusay na Pamamaraan

Ang mismong pinakamahusay na pamamaraan para makamit ang ninanais na pag-iisa sa pag-aasawa ay sa pamamagitan ng modelo ng pagpaparami na dumating sa isa. Sa pagpaparami na pag-aasawa, gaya sa matematikong pagpaparami, ang dalawang bilang ay magkasama sa ganoong paraan na ang pangkalahatang halaga ng dalawa ay pinarami at pinalakas.

Karagdagan: ½ + ½ = 1

Palabawasan: 2 – 1 = 1

Pagbabahagi: 2 ÷ 2 = 1

masayang mag-asawang naglalakadSa matematikong pagpaparami, ang isa ay pinalaki sa pwersa ng dalawa. Sa bawat ibang matematikang pamamaraan, ang bilang na isa ay alinman na pinaikli o ginawang dalawa ng bilang kung saan ito nauugnay, ngunit sa matematikong pagpaparami; ito’y pinalakas sa numerikong halaga; ito’y pinalakas sa pwersa nito. Kapag tumingin ka rito, makikita mo ang bilang na isa, ngunit kapag nararamdaman mo ang salpok nito ay nararamdaman mo ang bilang na dalawa. Ito ay isa na mayroong pwersa ng dalawa. Ang pamamaraan ni Yahuwah ng pagiging isa ay dalawang ganap na tao na nagsasama upang bumuo ng isang mas dakilang isa. Sila’y kumikilos sa buhay bilang isa, ngunit ang kanilang salpok sa buhay ay mayroong pwersa ng dalawa. Kapag ang dalawa ay naging isa sapagkat ito’y nilayon ni Yahuwah, ang buhay ay hindi nagiging mas malala, hindi rin ito nananatiling pareho sa kasalukuyan; ito’y nagiging mas mabuti.

Para sa modelo ng pagpaparami ng pag-iisa na kumilos, ang mag-asawa ay dapat na kumpleto o ganap na bago pa sila nagiging isa. Sila’y hindi maaaring dumating sa relasyon upang tumanggap; sila’y dapat dumating upang maghandog. Ang bawat isa ay dapat na dalhin ang kanyang mga partikular na talento at kalakasan sa pag-aasawa. Ang bawat isa ay dapat na kilalanin, ikalugod, at sumuko sa mga talento at kalakasan ng kapares niya. Dagdag pa, ang bawat isa ay dapat na kusang-loob na ilalaan ang kanilang mga talento’t kalakasan para sa kabutihan ng pag-aasawa ano pa man ang personal na sakripisyo.

Iyong mga gumagamit ng modelo ng karagdagan ay kinakapos ng pag-iisa ni Yahuwah dahil sila’y nakatuon nang higit sa pagtanggap sa halip na pagbibigay. Kahit na kapag sila’y nagbibigay, ito ay dahil nais nilang tumanggap. Iyong mga sumusunod sa modelo ng palabawasan ay kinakapos ng pag-iisa ni Yahuwah dahil hindi nila kinikilala, ikinalulugod, at sumusuko sa mga talento at kalakasan ng kapares niya. Iyong mga sumusunod sa modelo ng pagbabahagi ay kinakapos sa pag-iisa ni Yahuwah dahil sila’y hindi kusang-loob na ilalaan ang kanilang mga kalakasan at talento sa isang mapagmalasakit at walang pag-iimbot na pamamaraan. Ang modelo ng pagpaparami ay ang tanging nagdadala ng mga kinakailangang sangkap upang maging isa na nilayon ni Yahuwah. Nakakamit sa pamamaraang ito dahil ito lamang ang umaangkop sa layunin ni Yahuwah para sa pag-aasawa.6

Isang teksto ng Bibliya na madalas kinukuha nang wala sa konteksto upang itaguyod ang maling pamamaraan para sa pagiging isa ay: “Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong mga asawa.” (Efeso 5:22, FSV) Mayroong iilan na naniniwala na kung ang asawang lalaki ay nangangailangan sa asawang babae na gumawa ng isang bagay na moral o legal na mali, dapat siyang sumunod at ang kanyang asawang lalaki ay ang kukuning responsable para sa kasalanan.

malungkot na babaeAng paggamit ng tekstong ito ay pinakalaganap na ginamit sa mga mag-asawa na gumagamit ng palabawasan at karagdagang pamamaraan para sa pag-iisa. Iyong mga gumagamit ng pamamaraang pagbabahagi ay karaniwang tinatanggihan ang tekstong ito na walang iba kundi isang personal na opinyon ni Pablo sa mga panlipunang ideya ng mga panahong isinulat niya ito. Gayunman, ang karaniwang paraan na ang tekstong ito’y ipinaliwanag ay hindi itinataguyod sa konteksto ng sipi at ito’y tiyak na hindi dapat tanggihan batay sa isang maling interpretasyon ng berso.

Isang karaniwang pagpapalagay ang inuutos ng Kasulatan sa mga asawang babae na “magpasakop” sa kanilang mga lalaking kabiyak, habang inuutos lamang ang mga lalaking asawa na “ibigin” ang kanilang mga babaeng kabiyak. Ang katampalasanang ito ay binuksan ang pintuan sa isang dakilang panukala ng abuso pati na rin ang sama ng loob. Nais ng mga asawang babae na ang kanilang mga asawang lalaki ay iniibig sila, kaya sila’y nagtatrabaho sa ilalim ng isang mabigat na pasanin ng pag-iisip na sila’y nagkakasala kapag sila’y sumasama ang loob sa “pagpapasakop,” habang ang gagawin lamang ng kanilang mga asawang lalaki ay “ibigin” lamang sila.

Ang tamang pagkakaunawa ng tekstong ito ay maaari lamang matagpuan kapag ginagamit ang modelo ng pagpaparami tungo sa pagiging isa. Ang dalawang teksto na lumilikha ng pinaka pagkalito ay:

Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong mga asawa, tulad ng pagpapasakop ninyo kay Yahuwah.

Mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong mga asawa, kung paanong inibig ni Kristo Yahushua ang ekklesia at inialay ang kanyang sarili para dito. (Tingnan ang Efeso 5:22 at 25.)

masayang mag-asawang indyanoAng mga asawang babae ay magpapasakop sa kanilang mga asawa gaya kay Yahuwah. Hindi kailanman nakiusap si Yahuwah sa sinuman na gumawa ng isang bagay na moral o legal na mali. Sa katunayan, hindi kailanman pinipilit ni Yahuwah ang sinuman na gumawa ng anumang bagay laban sa kanyang kalooban. At ito ang anong ipinakita sa pagtuturo para sa mga asawang lalaki: ibigin ninyo ang inyu-inyong mga asawa, kung paanong inibig ni Kristo Yahushua ang ekklesia at namatay para rito! Karamihan sa mga kababaihan ay mabilis na sabihin, “Iniibig ako ng aking asawa kaya handa niyang ialay ang buhay niya para sa akin!” Ang bawat kababaihan ay nais na paniwalaan ito ng kanyang asawa. Ngunit hindi iyon ang ibig sabihin ng teksto.

Tinitiyak ni Yahuwah ang kalayaan ng pagpapasya ng lahat. Noong nagkasala sina Adan at Eba, ang kanilang mga kalikasan, na nilikha gaya kay Yahuwah, ay pinilipit at sumailalim kay Satanas. Sina Adan, Eba at lahat ng kanilang inapo matapos sila ay nanatiling kaawa-awang kaluluwang alipin ni Satanas – KUNG si Yahuwah ay hindi ipinangako ang Kanyang anak na mamatay para sa mga makasalanan upang bigyan sila ng ikalawang pagkakataon na magpasya.

Tandaan: Ang kamatayan ni Yahushua sa krus ay hindi pinipilit ang sinuman na maligtas laban sa kanilang kalooban. Ang kamatayan ni Yahushua ay pinalaya ang budhi ng lahat kaya maaari silang pumili sa kanilang sarili kung sino ang paglilingkuran: si Yahuwah o si Satanas. Sa ibang salita, ang paraan kung saan si Yahushua ay inibig ang ekklesia ay upang tiyakin ang kanyang kalayaan sa pagpapasya – bagama’t ang kalayaang iyon ay nagpahintulot sa mga tao na tanggihan Siya nang paulit-ulit.

Ang kalalakihan na iniibig ang kanyang asawang babae gaya ng pag-ibig ni Yahushua sa ekklesia ay hindi pipilitin ang kanyang asawang babae na gumawa ng isang bagay na hindi niya nais na gawin. Kung tunay niyang iniibig ang kanyang asawang babae gaya ng pag-ibig ni Yahushua sa ekklesia, siya ay kusang-loob at handang mamatay upang ipagtanggol ang kalayaan ng pagpapasya ng kanyang asawang babae – kahit na siya’y hindi sumang-ayon sa pasya ng kanyang asawang babae! Iyon ay isang tunay na pag-ibig sa asawang babae “kung paanong inibig ni Kristo Yahushua ang ekklesia at inialay ang kanyang sarili para dito.”

babaeng nakaupo sa isang bangkuanSa ilalim ng pamamaraang pagpaparami ng pagiging isa, ligtas para sa mga kababaihan na “magpasakop” sa kanilang mga asawang lalaki, ibinubuhos sa kanya ang mapagmalasakit, walang pag-iimbot na pag-ibig na nasusumpungan ang tahanan nito sa puso ng Manlilikha. Gayundin, ang ganoong pag-ibig gaya kay Yahuwah na agape ay ibinalik sa asawang babae kapag ang asawang lalaki ay iniibig siya sa kaparehong walang pag-iimbot na debosyon na ipinakita ni Yahushua noong inalay niya ang kanyang buhay upang matiyak ang kalayaan ng pagpapasya para sa mga makasalanan.

Ang mga mag-asawa na gumagamit ng pamamaraang pagpaparami ng pagiging isa ay nagpapanday ng isang napalakas na bigkis dahil sa pag-ibig ni Yahuwah. Sila’y hindi nakagapos sa isang pangangailangan na maramdamang kumpleto, o makapangyarihan, o nasa kontrol o maging ang pangangailangan na maramdamang magkatumbas. Ang kanilang pag-aasawa ay malakas dahil ito’y batay sa kanilang dalawa, walang pag-iimbot na nagbibigay para sa kabutihan ng kapares. Kung mas madalas ang bawat isa ay walang pag-iimbot na nagbibigay para sa kabutihan ng iba, mas mabuti “silang dalawa na nagiging isa” at mas masaya ang pagiging magkasama nila.

Ang ganoong pag-ibig ay ang pinakamalakas sa lahat dahil ito ay pag-ibig na nakasentro kay Yahuwah. Ang pinakamataas na kagalakan nito ay nasa pagbibigay, bukas-palad at pagmamalasakit, para sa kapares. Ito’y walang ginagawang angkin ng iba, kundi kusang-loob na iaalay ang lahat para sa mas dakilang kabutihan ng kapares at ng pag-aasawa. Kaya dahil dito, maging ang pagpapasakop ay nakita na isang pakinabang dahil ito’y nakita sa liwanag ng pagpapahintulot ng asawang babae o lalaki na gamitin ang kanyang mga talentong mula kay Yahuwah para sa mas dakilang kabutihan ng pag-aasawa, kaya matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa. Ang pagpapasakop ay hindi ginagawa ang isa na maramdamang hindi gaanong pantay, dahil ito’y batay sa pasya. Ang bawat indibidwal ay pinapalakas ang pag-aasawa sa paggamit ng kanyang mga indibidwal na kaloob at talento. Ang mag-asawa bilang “isa” ay maaaring malugod sa papel ng isa’t isa sa pag-aasawa at ang relasyon sa kabuuan ay napapakinabangan.

binatang mag-isang nakaupo sa isang bangkuanDapat na maunawaan, gayunman, na maging ang pinakamahusay na modelo ng pag-aasawa ay gagana lamang kung ang parehong magpares ay indibidwal na nakatuon kay Yahuwah. Tanging ang parehong personal na pangangailangan ng mag-asawang lalaki at babae ay natugunan ng kanilang Manlilikha, kapag ang pareho, dahil dito, inibig ang isa’t isa sa mapagmalasakit, walang pag-iimbot na pag-ibig ni Yahuwah, ang pag-aasawa ay magiging matagumpay. Ito’y maaaring makamit lamang sa pamamagitan ng araw-araw na pagsuko kay Yahuwah; sa paghahatid ng kalooban, kaisipan at damdamin, ang mga pag-asa at mga pangarap tungo sa pagkakatugma sa Kanya.

Ang isang tao na naghahangad na ibatay ang kanyang pag-aasawa sa modelo ng pagpaparami kapag ang asawa ay gumagamit ng isa sa ibang tatlo ay matatagpuan na siya’y sinasamantala at hahantong sa damdaming ginagamit siya. Ito’y nagdadala sa atin na bumalik sa ganap na kapisanan sa anong ipinahayag sa simula ng artikulong ito: Ang tanging “mabuti” na dahilan para sa pag-aasawa, dahil dito, ay ang parehong indibidwal ay nananalig na ito ay kalooban ni Yahuwah. “Kapag ang iyong layunin para sa pag-aasawa ay hindi batay sa gaano ang iyong nararamdaman o anong naiisip mo, sa halip ay sa pagnanais na gawin ang anong pinaniniwalaan mo na kalooban ni Yahuwah para sa iyong buhay, pagkatapos, ang iyong pasya para sa paghihiwalay mas malamang ay batay sa kaparehong bagay.”7

Ang tanging ligtas na landas para sa sinuman, may asawa man o wala, ay upang indibidwal na hangarin na sundin ang kalooban ni Yahuwah sa sarili niyang buhay. Kahit na ikaw man ay nakatakda nang ikasal o iniisip lamang ang pag-aasawa, ikaw man ay nasa isang mabuting pag-aasawa o isang hindi maganda, kung isusuko mo ang iyong kalooban sa iyong Manlilikha, Siya ang gagabay sa iyo sa mga ligtas na landas.

Tumiwala ka kay Yahuwah ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas. (Tingnan ang Kawikaan 3:5, 6.)

Ang pangako ni Yahuwah para sa iyo at iyong pag-aasawa ay:

Sapagka’t nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ni Yahuwah, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas. (Tingnan ang Jeremias 29:11.)

masayang batang mag-asawa


Nauugnay na mga Artikulo:


1 Genesis 2:23

2 Gregory L. Jackson, How Surrender Makes Marriage Happier, Divorce a Blessing, the Single Life Fulfilling, p. 18. Ang mga may-akda ay mapagpasalamat na kinikilala ang pagsasaliksik ni Ginoong Jackson. Ang mga konsepto sa artikulong ito ay kinuha nang higit sa lahat mula sa kanyang aklat.

3 Jackson, pp. 39-40.

4 Ang kaisipang ito ay dinadala tungo sa kanyang relasyon sa kanilang mga paglilingkod rin. Sa halip na pag-aralan ang Kasulatan para sa kanilang sarili, marami ang nakuntento na tumungo sa anumang inaangkin ng kanilang pastor na patotoo, ano pa man ang pagtitipon ng ebidensya sa kasalungat.

5 Jackson, pp. 41-42.

6 Ibid., pp. 43-44.

7 Ibid., p. 18, orihinal na pagdidiin.