Mga Seremonya ng Pag-aasawa para sa mga Tinawagang Lumabas
Ang mga tradisyon ay nagdadala ng kagandahan at kahulugan sa maraming lugar ng buhay. Habang ang mga paniniwalang pangrelihiyon ay dapat na itatag sa Kasulatan sa halip na tradisyon, maraming ibang lugar kung saan ang tradisyon ay maaaring lubos na magpayaman ng mga buhay na kabilang. Ang pagpapakasal ay isang ritwal na may maraming tradisyon.
Para sa mga mag-pares na hinihiling na itatag ang kanilang pag-iisang-dibdib sa Kasulatan at Kasulatan lamang, isinasantabi ang lahat ng bagay na may pahiwatig ng “Babilonya,” maraming katanungan ang lumitaw. Ano ang isang Biblikal na seremonya ng kasal? Dapat bang ganapin ang kasal sa simbahan? Maaari bang sa isang korte ng batas? Mali ba na kumuha ng isang “legal” na lisensya ng pag-aasawa, o dapat isa lamang ang kunin na panata sa harap ng mga kaibigan at kapamilya? Itinatag ba ng Bibliya kung anong oras ng araw ang isang kasal na gaganapin? Ano naman ang “tradisyonal” na kasuotan ng kasal? Ang bayan ba ni Yahuwah ay nagsusuot ng mga singsing ng kasal?
Ang lahat ng ito’y lehitimong katanungan. Ang Kasulatan ay hindi nagbibigay ng mga tiyak na pagtuturo sa kung paano ang isang kasal ay isasagawa. Gayunman, ang mga tuntunin ng Bibliya ay nagbibigay ng isang batayan para sa pagsagot ng bawat katanungan.
Ang iba’t ibang kultura ay may iba’t ibang pakahulugan ng ano ang bumubuo sa isang kasal. Sapagkat ang Kasulatan ay tahimik sa kung paano isagawa ang isang seremonya ng kasal, ganap na katanggap-tanggap na isama ang iba’t ibang tradisyon kaya ang iyong indibidwal na kultura ay makakakita ng kahulugan at kagandahan sa isang kasal.
Anuman ang nagsasama sa dalawang indibidwal patungo sa isang mag-asawang yunit ay hindi ang lokasyon; ito ay hindi ang mga bulaklak, o ang mga kasuotan, ang keyk o mga singsing ng kasal. Ito ay panata na gagawin nila sa harap ni Yahuwah at ang mga bisita na nagsisilbing mga saksi ng seremonya.
Ang pagsasama ng lalaki at babae sa kasal ay madalas na tukuyin bilang “banal na matrimonyo.” Ito ay isang sagradong relasyon na naiiba mula sa bawat ibang pagkakaibigan o samahan na meron ang sinuman. Sa paglikha, nilikha ni Yahuwah ang parehong kasarian. Ito ay sa pag-iisa ng parehong lalaki at babae kaya ang katangian ni Yahuwah ay ipapakita sa lahat ng mga nilikhang nilalang:
At sinabi ng [Elohim], Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan . . . sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. At nilalang ng [Elohim] ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng [Elohim] siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. (Genesis 1:26, 27, ADB, binigyang-diin.)
Dahil dito, ang pag-aasawa ay higit pa sa isang legal na kasunduan sa pagitan ng dalawang partido. Ito ay isang tipan na nasaksihan at pinagpala ng Manlilikha.
Sa legal na sistema ng tao, ang pag-aasawa ay itinuring na isang legal na kontrata. Sapagkat ganito, walang sinuman ang pinahintulutan na magsagawa ng mga seremonya ng kasal. Tangi lamang ang mga binigyan ng tamang awtoridad ng estado ay ang pinahintulutan na magsagawa ng seremonya ng kasal.
Para sa mga mananampalataya, ang pag-aasawa ay higit pa sa isang legal na kontrata. Ito ay isang tipan – isang kasunduan na nagbubuklod sa ilalim ng mga kautusan ng Kaharian ng Langit, at nasaksihan at pinagtibay ng Tagabigay ng Utos. Ang isang kontrata ay umiiral sa mga korte ng batas ng tao, ngunit ang isang tipan, isinagawa ng taimtim na panunumpa at nasaksihan ng Makapangyarihan ng sanlibutan mismo, ay mas umiiral pa. Dahil dito, ang mga batas ng mga korte ng tao ay maaaring masira ang “legal na kontrata” ng pag-aasawa, ngunit ang tipan ay mananatiling umiiral sa ilalim ng mga kautusan ng Makalangit na korte.
Ang katunayan na ang mga panata na isinagawa sa harap ni Yah na nagbibigay ng taimtim sa anumang kasal ay humantong sa marami na tanungin kung kinakailangan ba o magiging marapat ba na maging “legal” na mag-asawa na may lisensya ng pag-aasawa sa isang seremonya na isinagawa ng isang opisyal na may pangangasiwang-estadong kapangyarihan na magsasagawa ng mga kasalan. Kapag ang pamahalaan ay nag-isyu ng isang “lisensya,” ipinahiwatig sa gawa ay ang pagkilala ng ano ang maaaring pahintulutan na gawin ng pamahalaan, ito’y maaari din na bawiin o tanggalan ka ng karapatan na mag-asawa. Tipikal, ang pamahalaan ay naglalagay ng mga tiyak na pagtatakda sa pag-aasawa. Karamihan sa mga pamahalaan ay ipinagbabawal na pahintulutan ang pag-aasawa ay mga sumusunod:
- Sa pagitan ng mga indibidwal na sobrang konektado, ito man ay sa mga magkakapatid, mga relasyon ng magulang/bata o, minsan, sa mga pinsan
- Sa pagitan ng mga tao na may kaparehong kasarian
- Sa pagitan ng isang tao at isang hayop o ibang hindi taong entidad
- Kung ang isa o parehong partido ay wala pa sa tiyak na edad, upang maprotektahan ang mga menor de edad mula sa panggagahasa ayos sa batas
- Kung ang isa o parehong partido ay may asawa na
Totoo na ang isang lisensya ng pag-aasawa ay hindi ka ituturing na may asawa sa mata ng Langit. Gayunman, hindi nito ibig sabihin na isang magpares na magkasamang nabubuhay sa pag-aasawa ay dapat na tanggihan na sundin ang mga kailangang legal para sa pag-aasawa na namamahala sa bansa kung saan sila nakatira.
Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga nasa kapangyarihan, sapagkat walang kapangyarihang hindi mula [kay Yahuwah]; at ang mga kapangyarihang umiiral ay itinatag [ni Yahuwah]. Kaya’t ang lumalaban sa maykapangyarihan ay sumasalungat sa itinatag [ni Yahuwah]. At ang mga sumasalungat ay tatanggap ng hatol sa kanilang sarili. (Roma 13:1, 2, FSV)
Ilang siglo ang lumipas sa Inglatera, ang mga pag-aasawa na isinagawa sa tradisyonal na paraan, sa pagpapalitan ng mga pulseras at wala ang presensya ng isang pari, tinatawag na “kaugaliang kautusan” na mga pag-aasawa. Ang mga ito’y itinuring na legal na umiiral na pag-aasawa at ito’y lumikha ng isang laganap na iskandalo noong ang isang maagang haring Saxon ay tinalikuran ang kanyang kaugaliang kautusan na asawa pabor sa bagong kaisang-dibdib na naiibang babae, binasbasan ng isang pari. Lahat ng mga bansa ay may ilang anyo ng ganitong ayos ng pag-aasawa.
Sa paglaganap ng Simbahang Katoliko sa buong Europa, ang mga kaugaliang kautusang pag-aasawa ay bumagsak sa pag-ayaw. Tangi lamang ang mga pag-aasawa na “binasbasan” ng isang pari ang itinuturing na moral na umiiral. Sa huli, noong 1753, ang Inglatera ay ipinagbawal ang kaugaliang kautusang pag-aasawa sa ilalim ng Marriage Act. Dahil dito, ang mga pag-iisang-dibdib ay dapat isagawa ng isang pari ng Simbahan ng Inglatera, maliban sa mga Hudyo o mga manghuhula.
Maging sa kasalukuyan, maraming bansa ang pinapahintulutan para sa “kaugaliang kautusang” pag-aasawa dahil kinikilala nila na ang karapatang mag-asawa ay umiral bago ang mga itinatag na pamahalaan, kaya ang mga institusyon ng pag-aasawa ay nauuna sa mga itinatag na kautusan. Kaya ganon, kahit ang mga pamahalaan na kinikilala ang bisa ng kaugaliang kautusan na pag-aasawa bilang isang karapatan, hindi palaging kinikilala bilang isang mag-asawang entidad ang mga hindi taglay ang isang lisensya ng pag-aasawang pinangasiwaan ng estado. Ito ay isang pagkabahala dahil sa kung paano ito nakakaapekto sa ibang legal na isyu.
Ang isang matrimonyong relasyon ay lumilikha ng pag-aari ng mga ari-arian, mga karapatan ng pagkaligtas, mga benepisyo at marami pang ibang matrimonyong nais, kabilang sa ibang bagay, mga bahagdan sa buwis. Ang pagpaparehistro ng pag-aasawa nang may tamang legal na awtoridad ay mahalaga para sa proteksyon ng mga indibidwal na sangkot. Dagdag pa, kung ang magpares ay may mga anak, ito ay isang legal na proteksyon para sa mga bata rin na hindi dapat kaligtaan dahil lamang ang pamahalaan ng tao ang naglathala ng legal na papales.
Ang lisensya ng pag-aasawa ay maibibigay ang isang tiyak na antas ng proteksyon sa pangyayari ng kamatayan ng asawa o isang diborsyo. Ang mga pamahalaan na kinikilala ang mga kaugaliang kautusan na pag-aasawa ay madalas nangangailangan ng ilang uri ng patunay nito kapag ito ay hinamon sa korte o kapag ang patunay ng pag-aasawa ay kailangan upang isaayos ang estado ng namatay na kapares.
Ang kaugaliang kautusan ay hindi naman masyadong “kontrolado” ang kilos ng pag-aasawa, o “itinatatag” ang isang pag-aasawa, sapagkat itinatakda nito ang mga palatandaan na maaaring gamitin kung ang babae o lalaki man ay sa katunayan, mag-asawa, o kung ginagamit man lamang nila ang salitang “mag-asawa” nang walang pag-iral ng anumang mga batayang elemento na naroroon kaya ang lipunan ay mauunawaan na makasama ang isang tunay na mag-asawa. Sa maikling salita, ang kaugaliang kautusan ay tumatakbo sa isang pag-aasawa maliban o hanggang ang bisa ng isang pag-aasawa ay hinamon sa korte. Sa panahong iyon, ang korte ay gagamitin ang mga batayan ng kaugaliang kautusan na nagbago upang magpasya kung ang sinasabing mag-asawa ay tunay nga na itinatag nang ganon.1
Bagama’t ang mga “kaugaliang kautusang” pag-aasawa ay legal sa ilang bansa, mayroong isang mas malawak na tuntunin na sangkot na dapat na isaalang-alang. Iyon ang kahalagahan ng pag-iwas sa paglitaw ng kasamaan. Sa pagpapababa ng moralidad sa lahat ng modernong lipunan, mas maraming tao ang nagli-“live-in” – magkasamang naninirahan nang walang pakinabang ng pag-aasawa. Kapag ang magpares ay magkasamang naninirahan nang walang ginagawang kailangang papeles ng kanilang indibidwal na pamahalaan upang magkaroon ng isang kinikilalang legal na pag-aasawa, ito’y may paglitaw na palagay sa iba na “pamumuhay sa kasalanan.” Habang ang mga kamag-anak at pamilya ng isa ay maaaring nasaksihan ang panata sa harap ni Yahuwah, ang anyo sa iba ay maaaring ang magpares ay hindi matapat kundi “magkaibigan lamang sa kama” para sa halatang dahilan.
Kinilala ni Yahushua ang kahalagahan ng pag-iwas sa paglitaw ng kasamaan. Sa mga isyung iyon na nilalabas ang kautusan ni Yahuwah ngunit nagbibigay ng galit kung ang kombensyon ay hindi pinansin, ang halimbawa ni Yahushua ay nagturo na ang kombensyon ng tao ay ang dapat na sundin.
Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa templo at nagtanong sila, “Nagbabayad ba ng buwis sa templo ang inyong guro?” (Mateo 17:24, FSV)
Naramdaman ni Pedro ang isang ipinahiwatig na kritisismo sa kanyang minamahal na Panginoon at agad na lumukso sa pagtanggol sa Kanya. Si Yahushua ay hindi isang tagalabag ng batas! Kaya sinabi niya, “Opo!”
Hindi natanto ni Pedro ito, ngunit sa dakilang kasiyahan ng mga kaaway ng Tagapagligtas, siya ay gaya ng marami na inamin na si Yahushua ay hindi ang Mesias [Kristo]! Sa kabuhayang Hebreo, walang “kristo” na kanilang hari, prinsipe, pari o guro, ang kailangan na magbayad ng buwis. Bilang Mesias at isang respetadong guro, maalituntunin na hindi na kailangan ni Yahushua na magbayad ng buwis.
Hindi naman pinagalitan ni Yahushua si Pedro. Nalalaman niya na si Pedro ay nagkamali lamang upang subukan siyang ipagtanggol. Matiyaga, ipinaliwanag ni Yahushua kay Pedro kung bakit ang mga kolektor ng buwis ay tinanong siya at kung bakit ang Tagapagligtas ay legal na hindi na kailangang magbayad ng buwis. Ang kanya mismong susunod na mga salita ay naglalaman ng pagtuturo para sa lahat ng nagtatanong ng legal na karapatan ng mga pamahalaan na kailangan na hindi naman kinakailangan ng banal na pamahalaan:
“Ngunit upang hindi sila magkasala dahil sa atin, pumunta ka sa lawa at maghulog ka ng bingwit. Kunin mo ang unang isdang lilitaw, at pagkabuka mo sa bibig niyon ay makakakita ka roon ng salaping pilak. Kunin mo iyon at ibigay mo sa kanila, pambuwis nating dalawa.” (Mateo 17:27, FSV)
“Upang hindi sila magkasala dahil sa atin.” Si Yahushua, bilang Mesias, ay hindi na kailangang magbayad ng buwis. Gayunman, upang maiwasang magbigay ng pagkakasala, inutos ni Yahushua kay Pedro na bayaran ang buwis ano pa man – at siya’y gumawa ng himala sa pagbibigay ng salapi para sa buwis na muling nagpapatibay ng kanyang posisyong malaya sa buwis!
Ito ang tindig na dapat kunin ng lahat ng naghahangad na parangalan si Yahuwah. Ang pamahalaan ng Langit ay maaaring hindi na kailangan ang isang lisensya ng pag-aasawa ng estado; gayunman, “upang hindi sila magkasala dahil sa atin,” ang bawat pag-iingat ay dapat na gawin upang iwasan ang paglitaw ng kasamaan. Kung ang isang simpleng lisensya ng pag-aasawa ay umiiwas sa pagbibigay ng pagkakasala, walang dapat na tumanggi na kumuha ng isa nito.
Ang susunod na katanungan na lumilitaw ay kung saan gaganapin ang kasal at sino ang dapat mamuno sa seremonya? Kinakailangan ba na humawak ng kasal sa simbahan upang makamit ang pagpapala ni Yahuwah? Ito ay tiyak na nakakapag-alinlangan lalo na sa mga naging malaya mula sa mga organisadong denominasyon.
Narito, iba’t ibang kaugalian at batas ang tila umaayos sa kasagutan. Sa Hilagang Amerika, ang mga pastor ay binihisan nang may tamang awtoridad ng estado upang magsagawa ng mga seremonya ng kasal. Kung ang magpares ay may kamag-anak na isang pastor at ito ay magiging makahulugan sa kanila na magkaroon ng kamag-anak na magsasagawa ng kasal, walang mali sa ganoong paraan na ikakasal. Kapag naunawaan na ng tao ang bumagsak na estado ng mga simbahan, gayunman, hindi na naaangkop na ikasal sa isang simbahan. Walang Israelita ang ikakasal sa Templo ni Venus, diyosa ng pag-ibig, dahil lamang ito ay isang napakagandang lokasyon kung saan ikakasal. Kapareho din, ang bayan ni Yahuwah na tinawagang lumabas ng Babilonya ay hindi pipiliin na ikasal sa simbahan.
Ilan sa mga pinakamagagandang kasalan ay nagaganap sa labas. Ang kasal nila Adan at Eba ay naganap sa isang hardin. Ang iba pang angkop na mga lugar para sa kasalan ay mismong tahanang pampamilya, o para sa kasal na napakalaki para sa isang pribadong tahanan, isang nirentang bulwagan o kombensyon ng hotel ay maaaring magsagawa ng kasal.
Mayroong ibang dahilan na dapat hindi kaligtaan dahil lamang ang mga ito’y hindi Biblikal na “kautusan”. Bawat kultura ay mayroong sariling tradisyon na nagdadala ng kagandahan at kahulugan sa seremonya ng kasal. Ang isang Israelitang lalaki na ikakasal ay magsusulat ng isang kontrata ng pag-aasawa na ipapakita niya sa kanyang hinahangad na babaeng ikakasal. Ang kontratang ito, tinatawag na ketubah, ay ipapakita sa babaeng ikakasal sa isang espesyal na kainan na inihanda ng kanyang pamilya.
Narito, ang lalaki ay ipapahayag ang kanyang pag-ibig para sa babae at ipapakita ang kanyang mga pangako sa babae at sa kanyang pamilya. Ibabalangkas niya kung paano niya plano na protektahan at ibigay sa kanya at sa mga magiging bata nila, kung paano niya patatakbuhin ang sambahayan at palalakihin ang mga bata.
Matapos ipakita ang kontrata ng pag-aasawa sa babaeng ikakasal, siya ang maglalagay ng katas ng ubas sa isang baso, ang pinakamahusay na katangian na maaari niyang makaya, at titikman ito. Pagkatapos ang dalaga ay pag-aaralan ang ketubah. Nais niya na maingat na isaalang-alang ang bawat punto at kung ito man ang kontrata na ibig niyang tanggapin at mamuhay ayon rito o hindi. Ito’y maaaring magtagal ng ilang oras para sa kanya na obserbahan. Walang pagmamadali. Kapag, matapos ang maingat na pagsasaalang-alang, siya’y magpapasya na tanggapin ang ketubah, siya ay titikim din ng katas ng ubas at mula sa puntong iyon, sila’y ituturing na ipinagkasundong ikakasal.
Ang iba’t ibang tradisyon ng kasalan ng iba’t ibang kultura ay tumulong na mag-ambag sa kataimtiman ng kasunduang ito na parehong legal na kontrata at banal na nasaksihang tipan. Sa panahon ng matinding pag-uusig ng Simbahang Katoliko, ang mga Huguenots at mga Waldenses ay ipinagbawal na humawak ng anumang pangrelihiyong paglilingkod. Sila’y maaari lamang humawak ng mga kasalan at paglilibing. Sa ilalim ng mga kalagayang iyon, ang mga kasalan ay naging mas relihiyoso, mga sagradong seremonya, sapagkat ito’y isang pagkakataon kung kailan ang mga matatapat ay maaaring magkakasama nang ligtas. Ang ganitong sagradong kataimtiman na hinatid sa seremonya ng kasal ay lubos na naaangkop at tiyak na may pagpapala ng Langit nang higit pa kaysa sa kaswal, madalas mga seremonyang puno ng katatawanan ng kasalukuyan.
Iba’t ibang kultura ay humahawak ng mga kasalan sa iba’t ibang oras ng araw. Ang mga kasalang Hebreo ay isinasagawa sa gabi. Ang mabituing kalangitan na sumasaklaw sa itaas ay isang paalala sa lahat ng pangako ni Yahuwah kay Abraham na ang kanyang mga inapo ay magiging kasing-dami ng mga buhangin sa dalampasigan at ang hindi mabilang na mga bituin sa langit. Muli, sa kabila nito, ito ay hindi isang Biblikal na mandato. Ito lamang ay isang tradisyon na nagdagdag ng kagandahan at kahulugan sa mga kasalang Hebreo.
Sa Inglatera, isang karaniwang kasanayan ay humawak ng mga kasalan sa umaga. Sa katunayan, sa isang panahon, hindi pa nga naging legal na magsagawa ng kasalan matapos ang tanghali. Sa Hilagang Amerika, sa kabilang dako, ang mga kasalan ay tipikal na nagaganap sa hapon, ang mga pinakapormal na kasalan ay nagaganap sa gabi. Walang kasanayan ang tama, wala ring mali sa lahat. Ang magpares ay dapat na ikasal sa isang panahon na pinakamadali at makahulugan sa kanila.
Wala dapat na makaramdam na kailangan na maglaan ng mas maraming salapi sa kasalan kaysa sa mga indibidwal na sangkot ay maaaring makaya. Gayunman, ang pag-iingat ay dapat na patuloy na alalahanin kaya ang bawat isang papasok sa pag-aasawa ay pinararangalan ang iba. Sa maraming kultura, ang pula ay ang tradisyonal na kulay na isinusuot upang ipagdiwang ang isang kasalan habang ang puti ay para sa pagluluksa. Sa mga lipunan sa Kanluran kung saan itim ang sinusuot para sa pagluluksa, puti naman ang sinusuot bilang simbulo ng kalinisan. Habang hindi na kailangan na gumastos ng napakaraming salapi sa kasuotang pangkasal, ang pagsusuot ng mga espesyal na damit ay isang paraan ng lalaking ikakasal na nagpaparangal sa kanyang mapapangasawa, at ang babaeng ikakasal rin ay pinaparangalan ang kanyang makakaisang-dibdib.
Ang mga pulseras na pangkasal ay nagmula sa paganismo at mga hindi na kailangan upang ikasal. Ang gintong bilog ay isang simbulo ng araw. Ito’y inilalagay sa “palasingsingan” ng kaliwang kamay dahil pinaniwalaan na ang isang ugat ay tumatakbo mula sa daliri direkta hanggang sa puso, ang trono ng mga pag-ibig.
Ang ganitong simbulo, pinagbabatayan sa paganismo, ay hindi nararapat para sa mga Tinawagang Lumabas na umalis na ng Babilonya. Sa maraming kultura, gayunman, ang kawalan ng isang singsing ay maaaring humantong sa pagpapalagay na ang magpares ay magkasamang nabubuhay nang walang pakinabang ng pag-aasawa. Kung ang isang bagong kasal na magpares ay natagpuan ang ganitong sitwasyon, isang simple pulseras, suot ng isang babae sa loob ng ilang linggo hanggang ang kanyang reputasyon bilang isang ikinasal na babae ay maitatag, ay sapat nang makisalamuha sa kanyang estado at iwasan ang paglitaw ng kasamaan. Kapag ito ay nakamit, ang pulseras na pangkasal ay maaari nang isantabi bilang hindi na kailangang palamuti.
Ang bawat pagsisikap ay dapat na magawa upang magdala ng kahalagahan at kahulugan sa espesyal na okasyong ito. Ang mga batang babae na lumalaking nangangarap ng araw na sila naman ang magiging babaeng ikakasal at ang isang mapagmahal na lalaking ikakasal ay gagawin ang lahat sa kanyang kapangyarihan na itaguyod at alagaan ang kanyang pinili habang siya’y nagbabago bilang asawang babae ng kanyang mga pangarap.
Habang karamihan sa mga batang magpares ay naghahangad sa seremonya ng kasal bilang simula ng kanilang buhay bilang mag-asawa, ang mga matatandang magpares na matagal nang mag-asawa ay natatanto, sa paggunita, na ang tunay na buhay ng mag-asawa ay nagsisimula sa unang ilang araw ng buhay ng mag-asawa. Ang pulutgata (honeymoon) ay tunay na pagsisimula ng kanilang mga buhay bilang mag-asawa. Ang mga mahahaba, magagastos na pulutgata ay walang kabuluhan na isang kailangan at wala dapat tumungo sa pagkakautang upang magkaroon lang ng isang pulutgata. Gayunman, ang bawat pagsisikap ay dapat na gawin, sa pinakamahusay ng kakayahan ng sinuman, para magkaroon ng ilang pribadong oras nang magkasama mula mismo sa pagsisimula ng pag-aasawa.
Ang panghabangbuhay na mga gawi ay maaaring itatag sa panahon ng pulutgata na magiging isang pagpapala sa bawat isa sa nalalabi ng kanilang mga buhay. Ang pagkakaroon ng pang-umaga at pang-gabing “pampamilyang pagsamba” mula sa simula, naglalaan ng oras na magkakasamang manalangin, para bumisita at makinig sa isa’t isa, ay magpapalakas ng matrimonyong bigkis at mag-aani ng mayayamang gantimpala sa mga paparating na taon.
Kinilala ni Yahuwah ang kahalagahan ng pagpapalakas ng bagong relasyon sa mga maagang araw. Inutos Niya na walang lalaking ipapadala para lumaban sa digmaan sa panahon ng unang taon ng pag-aasawa. Sa halip, siya ay mananatili sa tahanan upang pasayahin ang kanyang asawa. Syempre, ito’y hindi ibig sabihin na siya ay tamad at hindi na magtatrabaho. Gayunman, ang unang taon na iyon ay isang espesyal na panahon kung kailan, sapagkat ipinahayag sa Kasulatan, ang dalawa ay nagiging “isang laman.” Ito lamang ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karanasan sa buhay na ang ganoong bigkis ay pinagtibay at ang bawat bagong kasal ay dapat magsikap na palakasin ang kanilang relasyon nang may takot kay Yahuwah.
Ang matrimonyong relasyon ay itinatag ni Yahuwah. Kasama ang Manlilikha bilang ulo ng tahanan, ang pag-aasawa ay tunay na isang pagpapala. Habang kinukuha nito ang parehong lalaki at babae na ipakita ang “larawan ni Yah,” kaya ang pag-iisa ng isang lalaki at isang babae ay maaaring maglabas ng mga mahahalagang patotoo tungkol sa makalangit na Ama. Ang isang magpares na nakatuon kay Yahuwah ay maaaring isang kumikinang na liwanag sa mundong itong pinadilim ng kasalanan. Isang kahanga-hangang impluwensya ang maaaring magbuhos ng halimbawa ng isang maka-Elohim na pag-aasawa at tahanang sentro si Yahushua.
Ang mga pinakamayayamang pagpapala ay maaaring manahan sa mga, magkasama, itinuon ang kanilang mga buhay sa paglilingkod sa Manlilikha.
1 http://www.originalintent.org/edu/marriage.php, binigyang-diin.
Nauugnay na Artikulo: