Print

Mga Bayani ng Langit: Michael at Margaretha Sattler

Sina Michael at Margaretha Sattler ay mga ordinaryong tao. Mga tao na may mga simpleng galak at pighati, pag-asa at takot gaya ng iba. Subalit, sa panahon ng pagsubok, sila'y nanatiling matapat kay Yahuwah. Ang kanilang katatagan sa harap ng oposisyon ay dakilang gagantimpalain sa Langit. Basahin ang kanilang kwento at mapukaw na kung ano ang nagawa ni Yah para sa iba, gagawin Niya rin para sa iyo.

“Tingnan, tingnan ninyo ito. Ang Bagyong Grace ay kumikilos pa-hilaga sa baybayin ng Atlantiko. Napakalaki . . . lalo pang lumalaki. Dalawa, sa bandang timog ng isla ng Sable, handa nang sumabog. Tingnan ito. Tatlo, isang sariwang malamig na bunsod ang sumalimbay sa Canada. Ngunit ito’y nahuli sa daloy ng sagitsit . . . at pilit na tumatakbo patungong Atlantiko. Paano kung ang Bagyong Grace ay humampas sa mga ito? Dagdagan sa kalagayang ito malapit sa isla ng Sable, nag-iipon ng enerhiya. Nagsisimula na siyang lamunin ang parehong malamig na bunsod ng Canada . . . at ang Bagyong Grace. Maaari kang maging meteorolohista sa buong buhay mo . . . at hindi pa nakikita ang ganitong bagay. Ito ay magiging isang kalamidad ng malawak na sukat. Ito ay magiging . . . ang ganap na unos.”

~ Todd Gross, TV Meteorologist

Oktubre 28, 1991: Nalalapit na pagwawakas ng panahon ng mga bagyo, isang unos ang nagsimulang mamuo sa Karagatang Atlantiko, silangan ng Canada. Ang bagyo, isang malakas na “nor’easter,” ay nilamon ang Bagyong Grace at naging mas malaki. Isang galugod ng mataas na atmosperikong pwersa ang nagdulot sa malaking bagyo na ito na kumilos patimog kung saan ito ay naging mas malaki at mas malakas na bagyo. Ito ay isang bagyo ng mahaba, makasaysayang sukat na nilikha sa isang kumbinasyon ng mga kadahilanan na nagresulta sa isang kalamidad na direktang umangkin sa buhay ng 13 tao at $200 milyong halaga ng pinsala sa mga ari-arian. Ito ay: “ang ganap na unos.”

larawan na nagpapakita ng Ganap na Unos ng 1991, timog ng Nova Scotia, noong Oktubre 30, 1991

Larawan na nagpapakita ng Ganap na Unos ng 1991, timog ng Nova Scotia, noong Oktubre 30, 1991.

Nahuli sa mismong kalagitnaan ng pagsasama ng mga napakalakas na bagyo ay isang 22-metrong komersyong bangka ng pangingisda, ang Andrea Gail. Si Kapitan Frank “Billy” Type, Junior, kasama ang kanyang limang tauhan, ay pumalaot mula sa Grand Banks ng Flemish Cap. Sa kabila ng mga babala ng ulat ng masamang panahon, ang mga taong ito ay nagpasyang umuwi dahil ang kanilang makina ng yelo ay hindi gumagana at ang kanilang mga dala ay hindi na magtatagal. Patungo sa tahanan, sila’y patungo sa ganap na unos.

Ang huling naitalang salita ni Kapitan Tyne ay: “Malapit na siya, at malapit na siya, napakalakas.” Ang mga dram ng krudo, isang tangke ng krudo, isang balsa at kakaunting lulan ang mga natagpuan sa Andrea Gail. Si Kapitan Tyne at ang limang kasama niya ay naitala sa halos kalahating bilang ng mga nasawi sa anong tinatawag na Ganap na Unos ng 1991.

Kung ito lamang ay isang pagkulog at pagkidlat, ang mga taong ito ay maaari pa rin lumulan. Kung ito ay isang karaniwang bagyo lamang, liligid sila. Kung ang kanilang makina ng yelo ay gumagana pa, maaari silang manatili sa dagat nang mas matagal, hindi makikipagsapalaran sa mabagyong karagatan. Ngunit ito ay kumbinasyon ng mga kadahilanan na lumikha ng isang mapaminsalang kalagayan kung saan lumubog ang bangka kasama ang kawalan ng buhay ng mga sakay nito.

Isang Ganap na Unos

Ito ay sa pinakamabuti ng mga panahon, ito ay sa pinakamasama ng mga panahon, ito ay sa panahon ng karunungan, ito ay sa panahon ng kamangmangan, ito ay sa panahon ng pag-aalinlangan, ito ay sa panahon ng Liwanag, ito ay sa panahon ng Kadiliman, ito ay sa tagsibol ng pag-asa, ito ay sa taglamig ng kalungkutan, taglay natin ang anumang bagay sa harapan natin, walang bagay sa harapan natin, tayo ay tutungong lahat sa Langit, tayong lahat ay tutungo sa ibang landas—sa madaling salita, ang panahon hanggang ngayon ay gaya ng kasalukuyang panahon, na ang ilan sa mga pinaka maiingay na kapangyarihan nito ay iginiit sa pagtanggap nito, para sa kabutihan o para sa kasamaan, sa sukdulang antas ng paghahambing lamang.

~ Charles Dickens, A Tale of Two Cities

Ang “ganap na unos” ay: “Ang pagsasama ng mga kaganapan na hindi pang indibidwal na mapanganib, ngunit kung sabay-sabay na magaganap ay lumilikha ng mapaminsalang resulta.”1 Hindi gaya ng mga karaniwang bagyo, ang ganap na unos ay dulot ng isang “makapangyarihang pagsasama ng mga epekto ng isang natatanging pulutong ng mga kalagayan.”2 Ang mga ganap na unos ay hindi madalas nagaganap, ngunit palaging mapaminsala ang mga ito kapag nangyari.

Pananalig ay ang Tagumpay!

Pananalig ay ang Tagumpay!

Ang Ika-16 na siglong Europa ay isang ganap na unos ng iba’t iba—at madalas ay makakasalungat—na mga ideya. Sa Pransya, ang Muling Pagsilang ay nasa tugatog nito. Sa Alemanya, si Martin Luther ay isinasalin ang Bibliya sa karaniwang wika, hinahamon ang kapangyarihan ng papa, at itinataguyod ang radikal na konsepto ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig lamang. Sa Italya ay ipinapahiwatig na ang mga bituin ay mga malalayong araw lamang, posibleng napaliligiran ng mga planeta nito habang si Pietro Pomponazzi ay nakikipagtalo sa doktrina ng pagiging imortal ng kaluluwa. Sa Bagong Mundo, ang Espanya ay sinasakop ang Imperyong Aztec. Sa kabilang panig ng Europa, ang mga hukbong Muslim ay sinasakop, pinapatay at inaalipin ang mga Kristyano kung saan nila nais.

Ang Europa mismo ay nahahati sa pagitan ng mga Katoliko at mga Protestante. Ang ideya ng karaniwang kautusan—na ang mga tiyak na karapatan ay namamana at karaniwan sa lahat ng sangkatauhan—ay nakakakuha ng batayan. Ang mga bagong ideya ay pumukaw ng mga bagong saloobin, bagong hangad sa mga puso ng masa ng mga aping pesante na nagsimulang mag-aklas laban sa mabigat na buwis na ipinataw ng kanilang mga panginoon. Ito’y lumikha ng isang “ganap na unos,” na dahil naman dito, ay lumatag sa saligan para sa Panahon ng Pagkamulat, 200 taon ang nakalipas. Sa talyasi ng magulong pagbabagong ito, isang mag-asawa ang determinadong sundin ang katotohanan, ano pa man ang kapalit. Ang kanilang panahon ng aktibong paglilingkod kay Yahuwah sa katunayan ay maiksi lamang—wala pang dalawang taon—ngunit ang kanilang impluwensya, ganon din ang kanilang halimbawa ng katapatan sa harap ng pag-uusig, ay nagpapatuloy hanggang ngayon.

Sa panahong si Christopher Columbus ay sinusubukang makakuha ng pinansyal na tulong para sa kanyang tangka na mahanap ang bagong ruta patungong India sa paglalakbay pa-kanluran, isang batang lalaki ang isinilang sa Stauffen, Alemanya. Kakaunti lamang ang nalalaman tungkol sa maagang buhay at edukasyon ni Michael Sattler, ngunit nalalaman na pumasok siya sa Monasteryo ng San Pedro malapit sa Freiberg. Pinaniwalaan na siya ay naging priyor sa Benediktong monasteryong ito, ipinahiwatig na siya ay may mabuting etika sa trabaho, isang mahusay na tagapangasiwa, at mayroong mapagkakatiwalaang katangian. Siya ay naging ikalawang namumuno sa buong monasteryo. Ito ay isang posisyon ng kapangyarihan at respeto. Ginawa nito si Michael na isang kasapi ng mataas na uri ng kanyang panahon.

Dahil si Michael ay intelektuwal na matapat, siya ay taimtim sa kanyang mga paniniwala. Siya ay kabilang sa kapwa Benedictine Bursfeld na repormasyon, isang espiritwal na pagpapanibago sa San Pedro. Bilang priyor, maaari siyang namuno nito. Ngunit ang pagbabago ay paparating, sapagkat palagi sa mga intelektuwal na matatapat. Ilang siglo ang lumipas, siniyasat ni Abraham Lincoln: “Kapag ang tao na matapat na nagkamali ay naririnig ang patotoo, malamang siya ay tumigil sa pagkakamali o tumigil sa pagiging matapat.” At si Michael ay matapat.

Monasteryo ng San Pedro sa Freiberg, Alemanya, kung saan si Michael Sattler ay lumitaw tungo sa ranggo ng priyor

Monasteryo ng San Pedro sa Freiberg, Alemanya, kung
saan si Michael Sattler ay lumitaw tungo sa ranggo ng priyor.

Sa kalagitnaan ng 1520s, ang mga Protestanteng pesante ay napasakamay ang Monasteryo ni San Pedro. Hinihingi nila ang kalayaan mula sa labis na pagbabayad ng buwis at pang-aapi ng mga maharlika. Sa pamamagitan ng mga bagong ideya ng kalayaan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga mananampalataya, nais nila ang katarungan at kalayaan batay sa mga tuntuning nakapaloob sa Banal na Kasulatan.

Ilan sa mga pesanteng ito ay Anabaptists. Ang “Anabaptist” ay nangangahulugang bininyagang muli, dahil tinanggihan nila ang pagbibinyag sa sanggol na hindi batay sa Kasulatan. “Paano ang bagong silang na bata ay makagagawa ng nalalamang pasya na paglingkuran si Yahuwah?” Hinihingi nila. Sa huli, ang Tagapagligtas mismo ay hindi bininyagan hanggang siya ay tumanda na: “Nang mabautismuhan na ang lahat ng tao, binautismuhan din si Yahushua. Habang siya ay nananalangin, nabuksan ang langit at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. . . Si Yahushua ay magtatatlumpung taong gulang nang magsimula sa kanyang gawain.” (Lucas 3:21-23, FSV)

Posible, na ang mga pesante ay ipinakita ang kanilang mga apela kay Michael, bilang priyor. Habang walang talaan ng kanyang kaisipan ang napanatili, tatlong katunayan ang nalaman:

  1. Si Michael Sattler ay matapat na intelektuwal at isang taimtim na Kristyano. Dahil dito, kapag ang patotoo ay ipinunto, wala siyang alinlangan na tanggapin ito.
  2. Nilisan ni Michael Sattler ang monasteryo sa kalagitnaan ng 1525.3
  3. Matapos lisanin ang monasteryo, naglakbay si Michael sa Waldshut kung saan ang karamihan sa mga rebolusyonaryo ay nagmula.

Sa mga nalalamang katunayang ito, ligtas na pagtibayin na, bilang isang matapat na intelektuwal, si Michael ay naging madamayin sa layunin ng mga pesante at interesado, kung hindi pa nahatulan, ng kanilang mga paniniwala. Tiyak nga, matapos ang pagdating sa Waldshut, nagkaroon siya ng pagkakataon na pag-aralan nang higit pa ang mga paniniwalang pinanghahawakan ng mga Anabaptists.

Ilang buwan ang lumipas, Nobyembre 6 hanggang 8 ng kaparehong taon, dumalo si Michael sa tanyag na pagtatalo ukol sa pagbibinyag ng bata sa Zurich, Switzerland. Nais niyang dumalo dahil gustong marinig ang mga argumento, ang panig at laban sa paksa. “Taong 1525 ang repormasyon ay itinatag sa lungsod ng Zurich.”4 Gayunman, ang mga Protestante sa Zurich ay hindi pa nakukuha ang konsepto ng tunay na kalayaang pangrelihiyon: ang karapatan ng indibidwal na malayang sumamba sapagkat itinakda ng kanyang sariling budhi. Ang mga Protestanteng awtoridad na masikap na inusig ang mga Anabaptists, ay dinakip si Michael at ikinulong. Tuluyan siyang pinakawalan noong Nobyembre 18, 1525, matapos mangako na lilisanin ang rehiyon.

Ang maagang oposisyon na ito ay unang tikim pa lang ng ano ang susunod na magaganap.

Ang gawa para sa gabi ay dumarating . . .

Ang tunay na katangian ay ipinakita sa mga pagpapasya ng tao na ginagawa sa ilalim ng kagipitan – mas dakilang kagipitan, mas malalim ang rebelasyon, mas totoo ang pasya sa mahalagang kalikasan ng katangian. ~ Robert McKee, Story

Obra ng kabatiran ng lider ng Anabaptist na si Michael Sattler na nagtuturo sa kakahuyan.

Obra ng kabatiran ng lider ng Anabaptist na si Michael Sattler na nagtuturo sa kakahuyan.

Sa isang panahon sa pagitan ng mga taong 1525-1526, napangasawa ni Michael ang babaeng nagngangalang Margaretha na naging isang monghang Beguine. Gaya ni Michael, si Margaretha ay matapat na intelektuwal at nilisan ang order batay sa kanyang personal na mga pananalig sa patotoo. Noong Hunyo ng 1526, muling bininyagan si Michael bilang isang matanda. Ito’y tumanggap ng dakilang katapangan sa parte nilang pareho, sapagkat posible na si Margaretha ay muling bininyagan din.

Ang mga pinakamaagang repormista ay ipinagtanggol ang kalayaan ng budhi bilang karapatang ipinagkaloob ni Yah. Gayunman, habang ang Protestantismo ay naging relihiyon ng estado, ito rin ay naging isang kapangyarihang nag-uusig.

Ito ay isang katunayan na kinilala ng maraming bagong mananalaysay, na ang pag-uusig sa mga Anabaptists ay nilampasan ang tindi ng persekusyon sa mga maagang Kristyano ng paganong Roma! Ang pag-uusig ay nagsimula sa Zurich matapos ang Kapatiran ay nag-organisa ng isang kongregasyon. Ang pagkakakulong sa iba’t ibang kalubhaan, minsan sa mga madidilim na piitan, ay sinundan ng mga pagbitay. Sa loob ng maikling panahon, ang mga lider ng Kapatiran ay pinatay sa pag-uusig.

Ang Anabaptismo ay ginawang pangunahing krimen. Itinakda ang mga patong sa ulo sa mga Anabaptists. Maging ang pagbibigay sa kanila ng pagkain at tirahan ay ginawa ring krimen. Ang duke ng Bavaria, noong 1527, ay nagbigay ng mga kautusan na ang mga bilanggong Anabaptists ay dapat na sunugin sa istaka – maliban kung sila’y tumalikod, sa kasong iyon ay dapat naman silang pugutan.5

Ang mga panganib ng pagtalikod sa kamalian at sumunod sa patotoo ay lubos na totoo. Gayunman, iniibig nila Michael at Margaretha ang patotoo. Ang katotohanan ay mas mahalaga sa kanila kaysa sa anumang bagay. Isinulat ni James Lane Allen: “Ang kasawiang-palad ay hindi itinatayo ang iyong katangian, kundi ipinapakita ito.” At ito ay totoo sa mga Sattlers. Ang kasawiang-palad ay ipinakita ang mga katangian na pinanday sa paaralan ng Langit, kumikinang sa inilarawang liwanag ng Tagapagligtas.

Ang kalidad ng katangian na taglay nila Michael at Margaretha ay ipinakita sa kanilang patuloy na pagkakaibigan sa mga hindi sumang-ayon sa kanilang mga paniniwala. Noong huling 1526, nagtungo si Michael sa Strasbourg kung saan siya ay nanatili kasama si Wolfgang Capito, isang Aleman na humanista at nangungunang Protestanteng repormista. Habang nasa Strasbourg, nakasama ni Michael ang isa pang Protestanteng repormista, si Martin Bucer. Sina Capito at Bucer ay kapwa hindi sumang-ayon kay Michael sa isang bilang ng mga punto, kabilang ang tindig ng Anabaptist laban sa pagbibinyag sa sanggol. “Ang mga Protestante sa panahong ito ay hinamak ang mga Anabaptists dahil sa kanilang mga pananaw, at dahil karamihan sa kanila ay hindi nakapag-aral at hindi sopistikado. Si Michael, gayunman, ay nasa kanilang pang-lipunang antas at nirespeto siya. Nanawagan siya na palayain ang mga Anabaptists na ipinakulong nila.”6 Sa kabila ng pagkakaiba sa paniniwala, ang mabuti at mapagpalang diwa ni Michael ay maaaring makita sa katunayan na tinukoy niya sila Capito at Bucer bilang kanyang mga “minamahal na kapatid sa Diyos.”

Maging sa mga mananampalataya ng kasalukuyan, marami sa mga sumusunod sa patotoo ay kinukuha ang isang marahas, nakakatuligsang diwa laban sa mga hindi sumunod sa bagong liwanag. Madali na tuligsain bilang naligaw ang mga kumakapit sa kamalian. Ang mapagmahal, mala-Kristong diwa ni Michael sa mga hindi ibinabahagi ang kanyang mga pananaw ay isang saksi sa lahat na sumusunod sa patotoo ngayon. Isang mabait, mahinhin na paggalang sa iba, nagpapakita ng respeto para sa dignidad ng ibang tao, gumigising sa puso ng ibang tao. Matapos ang pagbitay kay Michael, sila Capito at Bucer mismo ay itinuring siya na kanilang “minamahal na kaibigan sa Diyos.” Sinasabi nito ang napakadakilang halaga ukol sa katangian ni Michael Sattler sa panahon kung kailan ang ibang Protestante ay nalalamang pahihirapan at susunugin ang mga hindi papanig sa kanila.

Ang paglilingkod ni Michael para sa Langit ay napakaiksi, ngunit ang mga alon mula sa nagawa niya sa panahong iyon ay patuloy pa ring nararamdaman ngayon. Noong Enero at Pebrero ng 1527, naglakbay si Michael sa Lahr, isang bayan sa hilaga ng Freiberg, upang ibahagi ang patotoo sa iba. Sa huling bahagi ng Pebrero, tumungo siya sa nayon ng Schleitheim para sa isang mahalagang pagpupulong sa mga mananampalatayang Anabaptist. Ito ay isang malihim na pagpupulong. Ang mga panahong iyon ay mapanganib. Ang mga sumulong sa labanan bilang mga lider ay mayroon lamang 2 taon na inaasahang tagal ng buhay. Mas maiksi pa ang kay Michael.

Pinamunuan ni Michael ang pagpupulong noong Pebrero 24, kung saan ang mga Anabaptists ay dumating sa kasunduan tungkol sa kanilang mga paniniwala. Ito ay lubos na rebolusyonaryo para sa panahon. Dagdag sa pagtanggi sa pagbibinyag sa sanggol, tinuligsa rin nila ang panunumpa sa huramento bilang salungat sa mga salita ni Yahushua; ipinahayag nila na ang pagbibinyag ay isa lamang panlabas na pagpapakita ng may kamalayang pagtatapat ng pananalig; at, ang pinaka nakagugulat sa lahat, ang panawagan para sa ganap na paghihiwalay ng Simbahan at Estado!

Sumang-ayon sa pahayag ng pitong artikulo, isinulat ni Michael ang kanilang Pagtatapat ng Pananalig sa isang dokumento na tinawag na Schleitheim Confession. Ang dokumentong ito ay nagpapatuloy na may dakilang kapangyarihan sa mga simbahang Amish, Mennonite, at Baptist hanggang sa panahong ito.

Ang nayon ng Schleitheim, hilaga ng Zurich malapit sa hangganan ng Alemanya

Ang nayon ng Schleitheim, hilaga ng Zurich malapit sa hangganan ng Alemanya.

“Ito ang mga panahon na sinusubok ang mga kaluluwa ng tao . . .”

Natutunan ko na ang katapangan ay hindi ang kawalan ng takot, kundi ang tagumpay laban dito. Ang matapang na tao ay hindi ang tao na hindi natatakot, kundi siya ang tao na nagwawagi sa takot na iyon. ~ Nelson Mandela

Mayroong isang espiritwal na kataasan na dumarating sa paggawa ng nalalaman mo na tama. Walang duda, naramdaman nila Michael at Margaretha Sattler ang kasiyahan at pag-asa para sa hinaharap ng patotoo kasunod ng matagumpay na pagpupulong sa Scheitheim. Ito ay hindi tumagal, gayunman. Nagbabala si Pedro: “Maging handa kayong lagi at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leong umaaligid at umaatungal at naghahanap ng kanyang lalamunin.” (1 Pedro 5:8, FSV)

Kung kailan ang katotohanan ay nakakakuha ng tagumpay, ang mga sumasalungat sa patotoo ay gagawin ang lahat para labanan ito. Sandali matapos ang pagpupulong sa Schleitheim, sina Michael at Margaretha Sattler, kasama ang ilan sa mga mananampalatayang Anabaptist, ay dinakip sa Horb sa utos ni Konde Joachim von Zollern, ang rehente para kay Arkduke Ferdinand ng Austria. Matapos ang pagkakaaresto sa kanila noong Marso 1527, dinala sila sa bilibid sa Binsdorf.

Ang mga ito ay mga karaniwang tao lamang. Ang pagdakip, na napakabilis kasunod ng matagumpay na pagpupulong sa Schleitheim, ay nag-iwan sa ilang mananampalataya na nabigla at natatakot. Walang sinuman ang nais na haharap sa pag-uusig, pagpapahirap, at kamatayan. Mula sa piitan, nagsulat si Michael ng liham para sa kanila, nanghihikayat sa kanila na maging matatag at mapuspos ng pananalig.

Sasabihin ko sa iyo sa pamamagitan ng kagandahang-loob [ni Yah], na ikaw ay maging matapang, at lumakad bilang hinirang [ni Yah]. . . . Huwag hayaan ang sinuman na ilihis ka mula sa iyong layunin, gaya ng naging kaso ng ilan maging hanggang ngayon; ngunit maging matuwid sa lahat ng pagtitiis, nang walang paglilihis, na hindi itataas ang krus na ipinatong [ni Yah] sa iyo, tangi lamang na ibaba ito na kabaligtaran sa parangal at papuri [kay Yah], at sa pagsalangsang at paglabag sa Kanyang walang hanggan, totoo, matuwid, nagbibigay-buhay na mga kautusan.

Huwag mapagod, kung ikaw ay sinaway [ni Yahuwah] . . . sapagkat iniibig [ni Yah] ang mga sinasaway Niya, gaya ng isang ama na kinalulugdan ang kanyang anak. Saan ka hihingi ng tulong, kung ikaw ay lumayo [kay Yah]? Ano ang makatutulong sa iyo kapag tinalikuran mo [si Yah]? Hindi ba [si Yah] ang nagpuspos ng langit at lupa?

. . . . At huwag hayaan ang sinuman na magtatanggal sa iyo mula sa pundasyon na inilatag sa pamamagitan ng mga salita ng Banal na Kasulatan, at tinatakan ng dugo ni Kristo at ng maraming saksi [ni Yahushua]. . . . Hatulan kung ano ang isinulat ko sa inyo; kunin ang mga bagay na ito sa inyong puso, . . . . upang ikaw ay maging mapagpakumbaba, matagumpay at masunuring anak [ni Yah]. Mga minamahal na kapatid, huwag mamangha na itinuring ko ang bagay na ito sa ganitong kasigasigan; dahil ginagawa ko nang may dahilan. Ang mga kapatid natin ay walang duda na ipinabatid sa inyo na ang ilan sa atin ay nasa mga bilangguan; at matapos nito kung kailan ang mga kapatid natin sa Horb ay dinakip rin, sila’y ihahatid sa Binzdorf. Sa panahong ito, makikita natin ang iba’t ibang tangka ng ating mga kaaway. Kapag sila’y nagbanta sa atin ng pagkakagapos; pagkatapos ay sa apoy, at matapos nito ay sa tabak. Sa kapanganibang ito, ganap kong isinusuko ang aking sarili sa kalooban [ni Yahuwah], at kasama ang lahat ng aking kapatid at asawa ko, ihanda ang aking sarili maging sa kamatayan para sa Kanyang patotoo at pagkatapos ay naisip ko ang dakilang bilang ng mga huwad na kapatid, at kayo, na kakaunti, nagngangalan na, maliit na kawan; at ang kakaunting matatapat na manggagawa sa ubasan [ni Yahuwah] . . . mula ngayon ay itinuturing ko na kailangan na pukawin kayo sa payo na ito, na sumunod sa amin sa banal na pakikidigmang ito, upang kayo ay maging maginhawa rito, para kayo’y hindi mapagod sa mga pagdidisiplina [ni Yah].7

Ang Dakila at Napakahalagang mga Pangako

Ang Dakila at Napakahalagang mga Pangako

Ang mga salita ni Michael ay kumikinang gaya ng dalisay na ginto, hindi natitinag sa mga nakalipas na siglo. Ang kanyang pananalig kay Yahuwah, ang kanyang pag-ibig sa katotohanan, ay matibay.

Ang paglilitis ay naganap noong Mayo 17-18, 1527, sa Rottenburg. Nagsalita si Michael sa pagtanggol sa lahat ng mga bilanggo, umaapela na ang Kasulatan ay ang sukdulang kapangyarihan sa mga bagay na tama at mali.

Naunawaan ni Michael na ang tunay na espirituwalidad ay higit pa sa pagtuturo sa mga paniniwala ng isang tao: ito ay paglilingkod mula sa puso. Halimbawa, sa kanyang pagtanggol na nagpapaliwanag kung bakit ang mga Anabaptists ay salungat sa pagtaas ng mga kamay, sinabi niya:

Kung ang Turko ay dapat dumating, hindi dapat natin sila labanan; Sapagkat nasusulat: Huwag kang papatay. Hindi dapat natin ipagtanggol ang ating sarili laban sa mga Turko at iba pang taga-usig, kundi hangarin [si Yahuwah] sa maalab na panalangin para itakwil at labanan sila. Ngunit sa sinabi kong ito, na ang pakikidigma ay tama, sa halip ay kukunin ko ang kaparangan laban sa mga tinatawag na Kristyano, na nag-uusig, dumadakip at pumapatay ng mga hinirang na Kristyano, kaysa sa laban sa mga Turko, ay para sa kadahilanang ito: Ang Turko ay isang tunay na Turko, walang nalalamang bagay ukol sa Kristyanong pananampalataya; at isang Turko sa likod ng laman; ngunit kayo, na mga itinuturing na mga Kristyano, at mga gumagawa ng pagmamataas kay Kristo, inuusig ang mga hinirang na saksi ni Kristo, at mga Turko sa likod ng espiritu.8

Isang dakilang katapangan na gumawa ng ganitong pahayag. Ibinuod niya ang kanyang pagtanggol sa isa pang matapang na pahayag:

Kayo na mga tagapaglingkod [ni Yah], pinapayuhan ko kayo na isaalang-alang ang layunin kung saan [si Yahuwah] ay itinalaga kayo, upang parusahan ang kasamaan, at para ipagtanggol ang mga hinirang.

“Sapagkat, pagkatapos, tayo ay hindi gagawa ng salungat [kay Yah] at sa Mabuting Balita, makikita ninyo na hindi ako, o sinuman sa aking mga kapanalig ay inapi sa salita o gawa ang anumang kapangyarihan. Dahil dito, kayo na mga tagapaglingkod [ni Yah], kung hindi pa naririnig o nababasa ang Salita [ni Yahuwah], ipadala para sa pinakamarunong, at para sa mga banal na aklat ng Bibliya, ng anumang wika na mauunawaan nila, at hayaan silang gumawad sa atin sa Salita [ni Yah]; at kapag napatunayan nila sa atin sa Banal na Kasulatan, na tayo’y nagkamali at nasa kamalian, tayo ay magalak na itigil at bawiin at kusang-loob na pagdusahan ang sentensya at kaparusahan sa inakusahan sa atin, ngunit kung walang kamalian ang napatunayan sa atin, umaasa ako [kay Yah], na kayo ay magiging bago, at tatanggapin ang pagtuturo.”

Sa pananalitang ito, ang mga hukom ay tumawa at isinilid ang kanilang mga ulo, at ang sambayanang kawani ng Ensisheim ay sinabi, “Oh ikaw na napakasama, desperadong kaaway at monghe, makikipagtalo ba kami sa iyo? Ang berdugo ay makikipagtalo sa iyo, sinisigurado ko.”

Sinabi ni Michael, “Ang [kay Yah] ay matutupad.”9

Matapos ang pag-uusap sa loob ng isang oras at kalahati, ang mga hukom ay bumalik at ipinahayag ang sentensya:

Sa kaso ng Gubernador ng kanyang Imperyal na Kamahalan laban kay Michael Sattler, naipasa na ang hatol, na si Michael Sattler ay ipapadala sa berdugo, na mangunguna sa kanya sa lugar ng pagbitay, at puputulin ang kanyang dila; pagkatapos ay ihahagis sa kanya ang isang bagon, at dito’y pipilasin ang kanyang katawan ng pulang mainit na sipit nang dalawang beses; at matapos na ihatid nang walang pultahan, siya ay kukurutin nang limang beses sa kaparehong bagay.10

Ito ay isang kakila-kilabot, napakahirap na sentensya: pinutol ang kanyang dila at ang laman mula sa kanyang katawan ay nilukob ng mainit na pangkurot, sa huli ay sinunog nang buhay. Ilan sa mga bilanggo ay nagsisi. Si Michael, gayunman, ay nanatiling malakas. Noong Mayo 20, 1527, dinala si Michael sa liwasan sa Rottenburg at pinahirapan. Sa mga katitikang ito, ang kanyang pananalig ay hindi natinag. Sa kabila ng bahagi ng kanyang dila ay tinanggal, patuloy siyang nanalangin, nagsasabi:

“Makapangyarihan, walang hanggang [Yah], ikaw ang landas at ang katotohanan; dahil hindi nakitaan ng dungis, ako sa iyong tulong sa araw na ito ay magpapatotoo sa katotohanan at tatatakan ito ng aking dugo.” Siya ay itinulak sa mas malaking apoy. Habang ang mga tali sa paligid ng kanyang mga kamay ay nasunog, nagbigay si Sattler ng hudyat sa kanyang pangkat na ipakita sa kanila na siya ay tiwala tungkol sa kanyang kapalaran at nanalangin, “Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu tungo sa Iyong mga kamay.”11

itinali si Michael Sattler sa isang hagdan at hinagis sa apoy

Noong Mayo 20, 1527, si Michael Sattler ay itinali sa isang hagdan matapos pahirapan, pagkatapos ay hinagis sa apoy, tinatakan ang kanyang patotoo ng kanyang dugo. Siya ay naging isang Anabaptist sa loob lamang ng wala pang dalawang taon.

Matapat Hanggang Kamatayan

“Ang tunay na katapangan ay kung kailan nalalaman mo na ikaw ay tinalo bago ka nagsimula, ngunit nagsimula ka na at nakikita ito ano pa man.”

~ Harper Lee, To Kill A Mockingbird

Lubos na kakaunti ang nalalaman kay Margaretha Sattler subalit siya rin ay malapit nang sumunod sa kanyang asawa sa kamatayan. Si Margaretha “ay halatang isang babae ng malakas na pananalig at isa sa mga kakaunting kababaihan na aktibong nauugnay sa Repormasyon. Marami sa ibang kababaihan na binilanggo kasama niya ay mga asawa ng mga Radikal, ngunit marami sa kanila ay pinakawalan dahil sa kakulangan sa aktwal na pagkakasangkot sa samahan at dahil marami sa kanila ay nagsisi matapos silang mahuli.”12

Ang kanyang katapangan at lakas ay nagpahanga sa Kondesa ng Hechingen, ang asawa ni Konde Joachim von Zollern sa ilalim niya ang mga Sattlers ay dinakip at ang pangunahing hukom sa kanilang paglilitis. Ang kondesa ay binisita si Margaretha sa piitan, hinihimok siya na tumalikod at nangako sa kanya ng isang lugar para mamuhay sa kanyang husgado.

Ang tugon ni Margaretha sa kondesa ay nagpapakita ng kalakasan ng kanyang sariling pananalig. Noong ipinahiwatig ng kondesa na si Margaretha ay nasa piitan dahil lamang sa siya ay isang masunuring asawa, matapang na tumugon si Margaretha: “Hindi ako sumusunod sa aking mga paniniwala dahil sa aking asawa. Sumusunod ako sa asawa ko dahil sa aking mga paniniwala.”13

Dalawang araw matapos ang kanyang asawa ay sinunog hanggang mamatay, dinala si Margaretha sa Ilog Neckar at nilunod, noong Miyerkules, Mayo 22, 1527. Sila’y naging mag-asawa, para sa karamihan, sa loob ng dalawang taon; mga lider sa loob ng wala pang isang taon.

 Isang bantayog para kay Michael at Margaretha Sattler

Isang bantayog para kay Michael at Margaretha Sattler na nagpapahayag: “Sila’y namatay para sa kanilang pananampalataya.”

“Napaliligiran ng napakadakilang ulap ng mga saksi . . .”

Ang katapangan ay ang paglaban sa takot, pagwawagi sa takot – hindi kawalan ng takot. ~ Mark Twain

Ang buhay nila Michael at Margaretha Sattler ay pinutol nang maiksi, ngunit para sa mga buhay na makikita ang pagbabalik ni Yahushua, iyong mga dapat mabuhay sa mga nagwawakas na araw ng kasaysayan ng daigdig, pinaparangalan si Yah, sila ang mga kumikinang na liwanag: isang pangako na kung ano ang nagawa ni Yah sa kanila, maaari Niya ring gawin para sa iyo.

Si Stuart Hamblen ay isang naghihirap sa buhay, masigasig na mag-aawit, aktor, at punong-abala sa radyo. Matapos isuko ang kanyang buhay kay Yahushua, tumungo siya sa isang kahanga-hangang pagbabago sa buhay at katangian. Ang Hollywood ay walang kabuluhan—at hindi nakakaaliw—na ang minsang langong butangero ay isa nang Kristyano. Isang hapon, nakatagpo ni Hamblen ang kanyang kaibigan, kapwa aktor, si John Wayne.

“Ano itong naririnig ko sa iyo, Stuart?” tanong ni Wayne.

“Bueno, nalalaman mo kung ano sinasabi nila, John,” tugon ni Hamblen. “Hindi na lihim kung ano ang maaaring gawin ng Diyos.”

“Parang tunog ng pangalan ng isang awitin,” naisip ni Wayne

Tumungo sa tahanan si Stuart Hamblen at ginawa nga itong isang awitin. Ang patotoo nila Michael at Margaretha Sattler, ang aral na itinuturo nila ngayon, ay mabuting ibinuod sa mga salita ng himno.

Hindi na lihim kung ano ang maaaring gawin [ni Yah].
Anong nagawa Niya sa iba, gagawin Niya rin sa’yo!
Sa mga bukas na kamay, papatawarin ka Niya.
Hindi na lihim kung ano ang maaaring gawin [ni Yah].

Ang mga mananampalataya ng kasalukuyang panahon ay mayroong lubos na natatanging pagkakataon. Tayo ngayon ay nabubuhay na sa mga nagwawakas na araw ng kasaysayan ng daigdig. Ang panahon ng kabagabagan ay nasa harapan na natin. Kapag ang mga trumpeta ay nagsimula nang tumunog, wala nang palugit hanggang sa katapusan. Ang mga kaguluhang hindi pa nangyayari noon ay malapit nang sumiklab sa buong mundo. Kapag ang mga demonyo, nagbabalatkayo bilang mga nilalang sa ibang mundo, sasakupin ang daigdig, kung kailan ang papa ay itataas para maging kinatawan ng sangkatauhan, kung kailan ang huwad na pagsamba ay ipapatupad hanggang sa kirot ng kamatayan, mayroon ka bang pananalig na manatiling masunurin sa kautusan ni Yah? Kapag dumating si Satanas, ginagaya mismo si Yahushua, at inaangkin na binago ang sinaunang Sabbath sa araw ng Linggo sa kalendaryong Gregorian, ikaw ba ay kakapit sa Salita ni Yah lamang?

Ang kaisipan ng pagharap sa persekusyon at kamatayan ay maaaring kagimbal-gimbal sa iyo. Marahil ay naiisip mo na wala kang katapangan ng mga martir. Hulaan kung ano? Sila’y wala rin! Ang katapangang iyon ay isang kaloob, ibinigay ni Yah sa Kanyang matatapat na anak, kung kailan ito kinakailangan.

Hindi mo kailangang matakot sa mga paparating na araw. Hindi mo kailangang mag-alala kung ikaw ay madurog sa pagpapahirap. Maaari mong iwan ang mga iyon sa mga kamay ng isang mapagmahal na Ama.

Isang ganap na unos ang paparating! Ang mga pwersa ng kasamaan, demonyo at tao, ay magsasama upang burahin sa balat ng lupa ang lahat ng mga nagbibigay ng parangal kay Yahuwah.

Ang iyong parte, ngayon, ngayon din, ay para makilala si Yahuwah nang mabuti, upang ikaw ay kakapit sa Kanya, sa Kanyang mga pangako, at sa Kanyang pag-ibig, at wala nang iba.

Gawin na ang pasya. Ngayon din! “Sa mga bukas na kamay, papatawarin ka Niya.” Kaya tumungo sa Kanya.

Ngayon.

bagyo ng kidlat

Isang ganap na unos ang paparating. Maghanda ngayon kaya kung kailan ito tumama, upang ikaw ay hindi matitinag.

“Si Yahuwah ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat; Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. Selah.” (Awit 46:1-3, ADB)


1 http://www.thefreedictionary.com/perfect+storm

2 http://www.dictionary.com/browse/perfect-storm

3 Ilang pinagkukunan ay nagpapahiwatig na nilisan ni Michael ang monasteryo noong maaga nang 1523.

4 http://history-switzerland.geschichte-schweiz.ch/reformation-switzerland-calvin.html

5 http://www.gracegems.org/C/persecution_of_the_anabaptists.htm, orihinal na diin.

6 https://williamshiggins.net/2014/12/30/a-story-of-faithfulness-michael-margaretha-sattler/

7 Thieleman Van Bragt and Jan Luyken, Martyrs Mirror, pp. 419-420.

8 Ibid., p. 418.

9 Ibid.

10 Ibid., p. 419.

11 http://www.reformationhappens.com/people/sattler/

12 http://www.theradicalsmovie.com/margarethasattler.htm

13 Nasipi sa The Radicals.