Si George Müller (1805-1898), isang tunay na Mandirigmang Mananampalataya, naniwala na ang pagkakaroon ng pangako ni Yahuwah ay totoo gaya ng isang bagay na hawak, ito man ay pagkain sa platera o salapi sa kanyang pitaka. |
Ipinagkatiwala ni Müller ang lahat ng bagay sa kanyang banal na Elohim. Ginawa niya ito na isang kasanayan nang maaga upang huwag sabihin sa iba ang kanyang mga pangangailangan – at siya ay mayroong dakilang dami. Nagsasabi lamang siya sa Makalangit na Ama. Sa pamamagitan ng mapagpakumbabang taong ito ng pananalig, nagpatayo si Yahuwah ng limang malalaki, granateng gusali, kayang magpatira ng 2,000 ulila.
Isang araw, wala nang pera si Müller at wala nang pagkain para sa susunod na kakainin ng mga bata. Habang siyang lumuluhod sa panalangin, inilatag ang kanyang pangangailangan sa harap ng kanyang Makalangit na Ama, inaangkin ang mga pangako sa pananalig, may isang taong kumatok sa pintuan na may kaloob na salapi. Muling nagpatunay si Yahuwah na palagi Niyang pinapanatili ang Kanyang mga pangako. Sa tamang oras, kumain ang mga bata sa sumunod na hapag-kainan.
Sa mga nakalipas na taon, ang katumbas na milyun-milyong dolyar ay ibinigay sa kanya bilang suporta sa kanyang dakilang paglilingkod – nang hindi sinasabi sa sinumang nabubuhay na kaluluwa ang kanyang mga pangangailangan, karamihan ay lubos na madalian. Itinuon ni Müller ang kanyang buhay para maipakita ang kabutihan at kapangyarihan ni Yahuwah na sinanay sa ngalan ng lahat ng aangkin ng Kanyang salita at nagtitiwala sa mga pangako ng isang Elohim na nagpapanatili ng tipan. Kinilala Niya na ang mga pagsubok ay kailangan sa sinuman na nagnanais na magkaroon ng malakas na pananampalataya.
“Para matutunan ang malakas na pananampalataya ay para magtiis sa mga dakilang pagsubok.” Siniyasat ni Müller. “Natutunan kong manalig sa pagiging matatag sa kabila ng mga mahihirap na pagsubok.”
Nasabi na ang pananalig ay isang halaman na lalaki at lalago kapag inalagaan at ang pananampalataya ni Müller ay pinatotohanan ang pahayag na ito. Sa kabila ng kagipitan na hinaharap niya sa anumang panahong ibinigay, pinili ni Müller na magtiwala kay Yahuwah. Sinabi niya, “Maging sigurado, kapag naglakad ka kasama Niya at tumanaw sa Kanya, at inasahan ang tulong mula sa Kanya, hindi ka Niya bibiguin.” Ang pananalig ni Müller ay ang resulta ng kanyang karanasan ng pagpasya na magtiwala sa kabila ng mga kalagayan. “Kapag binigo ako ng Panginoon, ito ay kauna-unahan,” sinabi niya.
Hindi pinigilan ni Yahuwah ang isang munting babaeng Israelita na dakpin at ibenta sa pagkaalipin, ngunit ginamit Niya ang kanyang testimonya sa buong bansa sa pamamagitan ni Kapitan Naaman. (Pinahintulutang ni Darrel Tank na gamitin, darreltank.com.) |
Ang Kasulatan ay puno ng mga kwento, sinasalaysay ang pakikipag-ugnay ni Yahuwah sa Kanyang mga anak sa lupa. Ang pangunahing dahilan para sa bawat kwentong naitala sa Bibliya ay para pumukaw ng pananalig sa puso ng mga mananampalataya. Mula sa talulikas na pagpapalaya sa Dagat na Pula hanggang sa kwento ng balo na ang langis ay pinarami kaya maaari na siyang makapagbayad ng utang, ang mga talaang ito ng pakikipag-ugnay ni Yahuwah noon ay nilayon para pumukaw ng pananalig at pagtitiwala na Siya ay gumagawa nang dakila para sa Kanyang bayan sa mga panahong nakalipas, malugod itong gagawin ngayon kung ang Kanyang bayan ay magtitiwala sa Kanya.
Ang bawat anak ni Yah ay palaging nakararanas ng mga kahirapan. Dinakip si Daniel at ginawang kapon sa korte ng mga kaaway ng Judah. Hindi makatarungang ikinulong si Jose. Nawalan ng mga anak, kayamanan at reputasyon si Job. Kinuha si Ester mula sa kanyang pamilya at ginawang asawa ng isang paganong hari na maraming taon na mas matanda sa kanya!
Hindi pinipigilan ni Yahuwah ang mga masasamang bagay na mangyari. Ang Hebreo 11, ang tanyag na “Bulwagan ng Kabantuganan ng Pananampalataya” na kabanata, ay nagbigay ng halimbawa at halimbawa ng mga tao na, hinarap ang mga hindi malutas-lutas na kahirapan at pagsubok, at nagtagumpay – hindi sa kanilang sariling lakas, kundi sa pananahan ng lahat sa mga pangako ni Yahuwah. Ang mga ito’y Mandirigmang Mananampalataya.
Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga ito ay lumupig ng mga kaharian, naglapat ng katarungan, nagtamo ng mga pangako, nagpatikom ng bibig ng mga leon, pumatay ng naglalagablab na apoy, nakaligtas mula sa mga talim ng tabak, lumakas mula sa kahinaan, naging makapangyarihan sa digmaan, at nagpaurong ng mga hukbong dayuhan. Sa pamamagitan ng pananampalataya, tinanggap ng mga kababaihan ang mga namatay nilang mahal sa buhay nang ang mga ito'y muling buhayin. Ang iba nama'y pinahirapan at tumangging mapalaya upang makamit ang higit na mabuting pagkabuhay na muli. Ang iba'y nagtiis ng paghamak at paghagupit, at maging ng pagkagapos at pagkabilanggo. Ang iba ay pinagbabato hanggang mamatay, ang iba ay nilagari at ang iba ay pinatay sa tabak. Lumakad silang suot ang balat ng mga tupa at kambing, na mga nagdarahop, pinag-uusig, at pinagmamalupitan. Hindi karapat-dapat sa kanila ang daigdig! Nagpalabuy-laboy sila sa mga ilang, sa mga kabundukan, sa mga yungib, at sa mga lungga sa lupa. . . . Kaya nga, dahil napapalibutan tayo ng ganoon karaming mga saksi, iwaksi natin ang bawat bagay na nagpapabigat sa atin at ang kasalanang mahigpit na pumipigil sa atin, at takbuhin nating may pagtitiyaga ang takbuhing inilagay sa ating harapan. Ituon natin kay Yahushua ang ating paningin, sa kanya na nagtatag at nagpasakdal ng ating pananampalataya. (Hebreo 11:33-12:2, FSV1)
Ang mga kwento ng Bibliya ay itinuturo na ang pinakadakilang kailangan ng bawat indibidwal ay pananalig sa mga banal na pangako. Ang mga pagsubok at kahirapan na lumilitaw ay mga pagtuturo ng Langit na nagtuturo ng pananampalataya at tiwala. Ang kapangyarihan ni Yahuwah ay sapat para matugunan ang bawat kailangan sa mga ito. Ito lamang ay sapat na para lutasin ang bawat kagipitan. Ang tanging limitasyon ay kung gagawin ng indibidwal o hindi ang pagsasanay ng pananalig dahil “mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.” (Marcos 9:23, FSV) “At kung walang pananampalataya, hindi maaaring malugod ang [Elohim] sapagkat ang sinumang lumalapit sa Kanya ay dapat sumampalatayang may [Elohim] at Siya ang nagbibigay-gantimpala sa mga nagnanais maglingkod sa Kanya.” (Hebreo 11:6, FSV)
Sa mga huling araw ng kasaysayan ng daigdig, ang mga kwento ng Bibliya ay ibinigay para palakasin ang pananampalataya ng mga nananalig. Ang bayan ni Yah ay dapat na maging matatag sa harap ng buong mundo sa hindi tanyag na patotoo ng isang ikapitong araw ng Sabbath na kalkulado ng isang sinaunang kalendaryo. Lahat ng haharap sa obligasyon ng ikaapat na utos ay agad matatanto na kung mahalaga na sumamba sa isang tiyak na araw, pagkatapos ang kalendaryo na gagamitin para kalkulahin ang araw na iyon ay dapat din na tamang paraan ng pagtataya ng oras.
Sapagkat ang buong mundo ay nagkaisa sa paggamit ng kalendaryong solar na mayroong patuloy na sanlingguhang pag-ikot, ang pasya na sumamba gamit ang isa pang kalendaryo ay agad na nagpapakita sa sinuman ng isang buong hukbo ng mga hindi pa nakikitang suliranin. Ang pangunahing takot para sa karamihan sa mga tao na nais na sumamba sa tunay na Sabbath ng Bibliya ay ang posibleng kawalan ng trabaho. Dahil dito, may magpapakita pang ibang pangamba sa may pagkakautang: Paano ko mababayaran ang aking sasakyan? Mawawalan ba ako ng matitirahan? Ano naman ang aking student loans? Hay naku ang dami!
Lahat ng ito’y lubos na mga tunay na pagkabahala. Marami sa bayan ni Yah ay hinaharap ang mismong mga isyung ito. Ang pinakadakilang kailangan para sa sinuman sa kalagayang ito ay ang pananalig – pananalig na hindi matitinag, kahit na ang langit ay bumagsak. Ang isang bagay kung saan paulit-ulit na ipinayo ni Yahushua sa kanyang mga tagasunod ay ang kanilang kakulangan sa pananalig: “Ano'ng ikinatatakot ninyo? Kayong mahihina ang pananampalataya!” (Mateo 8:26) “Ikaw na maliit ang pananampalataya! Bakit ka nag-alinlangan?” (Mateo 14:31) “Nasaan ang inyong pananampalataya?” (Lucas 8:25)
Kabaligtaran, saanman niya nakikita ang pananalig, agad siyang naghabilin. “Patatagin mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pagsampalataya.” (Mateo 9:22) “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari para sa iyo ang hinihiling mo.” (Mateo 15:28) “Humayo ka, pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” (Marcos 10:52) Nais ni Yahushua na ituro ang kahalagahan na si Yahuwah ay libre na gumawa para sa isang tao ay direktang proporsyonal sa kahalagahan ng pananampalataya na sinanay ng taong iyon.
Ang “pananampalataya” o “pananalig” ay mga salita na madalas tinatapon sa mga pangrelihiyong sirkulo, subalit madalang na maunawaan kung ano ito. Ang pananalig ay hindi damdamin. Madalas ang mga tao ay nagdududa na ang kanilang mga panalangin ay maririnig lamang kung mararamdaman nilang binabaha sila ng mga mabubuting emosyon, pero ito ay hindi pananalig. Ito ay kung kailan mo nararamdaman ang takot, hindi kapayapaan; ito ay kung kailan mo nararamdaman ang kalungkutan, hindi kasiyahan; ito ay kung kailan mo nararamdaman ang kahinaan, hindi ang kalakasan; kaya tungkulin mo na sinayin ang pananampalataya.
Ang tunay na pananampalataya ay “paniniwala; ang pagsang-ayon [pagkakasundo] ng kaisipan sa patotoo ng ano ang ipinahayag ng iba, nananahan sa kanyang awtoridad at katapatan, nang walang ibang ebidensya; ang paghatol na ipinahayag o pinatotohanan ng iba ay ang totoo.”2 Ang pananampalataya ay pagkuha kay Yahuwah sa Kanyang salita, pinipiling maniwala na kung ano ang sinabi Niya, gagawin Niya dahil Siya ay mapagmahal at makapangyarihan, nang hindi na nangangailangan pa ng karagdagang ebidensya.
Isang araw, isang Romanong senturyon ang nakiusap kay Yahushua na pagalingin ang kanyang lingkod.
Sinabi ni [Yahushua] sa kanya, “Pupunta ako roon at pagagalingin ko siya.”
Ngunit sumagot ang senturyon, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na papuntahin kayo sa ilalim ng aking bubungan. Sapat na pong bumigkas kayo ng salita at gagaling na ang aking lingkod. Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya.”
Nang marinig ito ni [Yahushua], namangha siya at sinabi niya sa mga sumunod sa kanya, “Totoong sinasabi ko sa inyo, kaninuman sa Israel ay hindi ko nakita ang ganito kalaking pananampalataya . . .
Sinabi ni [Yahushua] sa senturyon, “Umuwi ka na. Mangyayari para sa iyo ang iyong sinasampalatayanan.” Nang oras ding iyon ay gumaling ang naturang lingkod. (Mateo 8:7-10, 13, FSV)
Noong ang senturyon ay nakiusap para tulungan ni Yahushua, ang Tagapagligtas ay agad na tumugon: “Pupunta ako.” Ang senturyon ay nagulat. Hindi niya inasahan na ang isang Israelita ay kusang papasok sa kanya, isang Hentil, na tahanan. Mabilis siyang sumagot, “Hindi na. Iyon ay hindi na kailangan. Sabihin mo lang ang sasabihin mo at ang aking lingkod ay gagaling din.”
“Ganito,” sinabi ni Yahushua, “kalaking pananampalataya.”
Ang Banal na Kasulatan ay ang Salita ni Yahuwah na tiyak gaya noong sinabi Niya sa sanlibutan na tumungo sa pag-iral. Kapag ikaw ay naniniwala na ang Salita ni Yahuwah ay naglalaman ng kapangyarihan na gawin kung ano ang sinasabi nito, at pinili mo na magtiwala na kung anong sinabi Niya, gagawin Niya, ikaw ay nagsasanay ng pananampalataya. Ito ang kailangan ng bayan ni Yahuwah nang higit pa kaysa sa anuman habang humaharap sa mga kaguluhan na sasalakay sa lahat ng pararangalan ang kanilang Manlilikha sa pagsamba sa Kanyang Sabbath.
Ang napakagandang bagay ay, ang pananampalataya ay isang kaloob mula kay Yahuwah! Ibinigay Niya sa lahat ang isang sapat na sukatan ng pananampalataya upang maniwala na kung sila’y makikiusap para sa marami pa, sila’y makakatanggap ng marami pa. Ngunit, para ito’y lumago, ang pananampalataya ay dapat na subukin at subukan bago ito maging totoo sa iyong buhay. “Alam nating [si Yahuwah] ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya . . .” (Roma 8:28) kaya anuman ang mangyari, ang nakapagbabagong kapangyarihan ng kalinga [ni Yahuwah] ay binabago ang anyo ng ganap na pananampalataya tungo sa katunayan. Ang pananampalataya ay palaging gumagawa sa isang personal na paraan, sapagkat ang layunin [ni Yahuwah] ay para makita na ang ganap na pananampalataya ay ginawang totoo sa Kanyang mga anak.3
Nalalaman ni Yahuwah na kailangan mo ng pananalig. Ang tanging paraan para sa iyo na mapaunlad ang pananampalatayang kasing tibay ng bato sa kakayahan ni Yah na mangalaga sa iyo nang pang-indibidwal, ay magkaroon ng mga problema na hindi nalulutas ng anumang pagsisikap ng mga tao. Hindi na mahalaga kung ang trabaho ay maglalaho kapag sinunod mo ang Sabbath, o ang isang mangungutang ay magdudulot sa iyo na mawalan ng tirahan o sasakyan kapag nawalan ka ng trabaho: kung ang problema ay isang bagay na kaya mo, o may ibang tao na kilala mo na maaaring mangasiwa para sa iyo, hindi ito magtatayo ng iyong pananampalataya.
Ano pa mang problema ang hinaharap mo bilang resulta ng pagsunod, nalalaman ni Yahuwah ang lahat ng tungkol dito. Bawat pagsubok ay “angkop na nilikha” para paunlarin sa iyo ang pananalig at pagiging depende mo sa iyong Makalangit na Ama na kailangan mo sa mga paparating na araw. Mas mabuti pa ngang mawalan ng mainam na tirahan at mamuhay sa isang simpleng apartamento o munting treyler na bahay sa isang bansa, pagkatapos ay panatilihin ang pagtalima sa ipinahayag na kalooban ni Yahuwah. Iyong mga nabubuhay lamang sa istriktong pagsunod ang maaaring umangkin ng mga pangako.
Nagbigay si Yahuwah ng mga pangako upang matugunan ang bawat kagipitan at tustusan ang bawat pangangailangan. Kapag nagawa mo na ang lahat sa pagsunod sa Kanyang ipinakitang kalooban, ang iyong parte ay piliing maniwala dahil Siya si Yahuwah na iyong Eloah ay hindi kailanman nagsisinungaling. Kung wala ang hindi malutas-lutas na mga problema ng tao, ang iyong pananalig sa Kanyang mapalad na pangunguna ay hindi lalago. Ang mga pagsubok na hinaharap mo ay para sa hayagang layunin ng pagbibigay sa iyo ng isang pagkakataon na sanayin ang iyong pananalig kaya ito lalago! Kung walang pagsubok, ang pananalig ay hindi lalago gaya ng mga kalamnan na hindi lalakas kung walang ehersisyo.
Dahil natatangi ang kalagayan ng bawat tao, walang payo na maaaring iangkop sa bawat katayuan ng indibidwal. Mayroong dahilan kung bakit ang iyong mga pagkabagabag ay lagpas sa iyong kakayahan o mahawakan ng makukuhang pinagkukunan. Hindi layon ni Yahuwah para sa mga tao na tustusan ang tulong na nais Niyang ibigay. Hindi pinapagana ni Yahuwah ang anumang tao o institusyon, gaya ng WLC, para makapagbigay ng mga kasagutan o salapi para sa bawat problema na hinaharap ng Kanyang mga anak. Ang iyong mga problema ay nilikha para tulungan kang paunlarin ang iyong pananalig kay Yah, hindi sa pagiging depende sa karunungan ng iyong mga kaibigan, o ang mga pinagkukunan ng iba.
Ang mga pagsubok na hinaharap mo ay maaaring mas nakakabahala kaysa sa anuman na hinarap; ang mga panganib, ay lubos na totoo. Sa kabila ng lahat ng ito, ang iyong pinakaligtas na landas ay pagsunod at tiwala. Ang mga motibo ng awa ni Yahuwah sa bawat pagsubok ay para lumapit ka sa Kanya.
Sapagka't [si Yahuwah] ay hindi magtatakuwil magpakailan man. Sapagka't bagaman Siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita Siya ng habag ayon sa kasaganaan ng Kaniyang mga kaawaan. Sapagka't Siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. (Mga Panaghoy 3:31-33, ADB)
Maaaring lipulin ni Yah ang iyong mga pagkakautang. Maaari Siyang lumikha ng mga salapi sa iyong pitaka. Subalit hindi ito magtatayo ng iyong pananampalataya at ang pananalig ay ang iyong pinakadakilang pangangailangan. Tanging sa isang problemang hindi malulutas ng tao ang malulutas ng banal na patnubay at pamamagitan, ang pananalig ay lumalago.
Ang pinakamahirap na problema ay ang mga nararamdaman na dinala natin sa ating sarili sa pamamagitan ng isang hindi mahusay na landas ng aksyon:
- Dapat na nating hindi ipatayo ang malaki, magastos na bahay.
- Hindi ko dapat kinuha ang pautang na iyon.
- Dapat nating ipaayos ang lumang kotse, sa halip na bumili ng bago.
- Bakit ang dami kong utang sa paaralan?
Kapag ang tao ay naglagda ng mga papeles at NANGAKO na magbabayad, mayroong diwa ng obligasyon na kapag hindi mo tinupad ang iyong salita, binibigyan mo ng kahihiyan ang Manlilikha. Wala dapat mawalan ng pananalig sa mapagmahal na pangunguna ni Yahuwah kapag tuluyang nawalan ng trabaho at hindi na makapagbayad ng mga dapat bayaran. “Narito, ang kamay [ni Yahuwah] ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.” (Isaias 59:1) Tayo ay patuloy pa rin na sumunod at tumalima, kahit hindi natin maunawaan ang mga dahilan para sa Kanyang pangunguna.
Ang mga mismong karanasan na pinakamadalas nating hinahanap ay ang mahalaga at kailangan natin upang dalisayin ang ating mga katangian. Lubos na posible na nangangailangan si Yahuwah ng isang saksi, gaya ni Job, na nanatiling matapat at nagtiwala sa kabila ng mga matinding kalagayan. Ito’y maaari para sa pagkakaligtas ng mga kaluluwa ng iba na ikaw ay pinangunahan sa libis ng lilim.
Kahit na nahuli tayo sa mga kahirapan at kagusutan na hindi kalooban ni Yah para sa atin na masangkot tayo, maaari pa rin tayong lumapit sa Ama at manalangin sa ngalan ni Yahushua na bibigyan Niya tayo ng karunungan para makita ang landas na ligtas na tahakin.
Nangako si Yahuwah ng karunungan sa lahat ng nakikiusap sa Kanya.
At kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa [Elohim] at siya'y bibigyan, sapagkat ang [Elohim] ay nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat. Ngunit ang humihingi ay dapat magtiwala at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na hinihipan ng hangin at itinataboy kahit saan. Huwag isipin ng taong iyon na tatanggap siya ng anuman galing [kay Yahuwah]. Ang taong iyon ay nagdadalawang-isip, di-tiyak sa lahat ng kanyang dinaraanan. (Santiago 1:5-8, FSV)
Napakatalino ni Yahuwah para sumagot sa ating mga panalangin sapagkat ibig nating gawin. Posible na ang pagsubok ay darating sa kawalan ng pondo, kawalan ng trabaho, ang isang tahanan o maging ang reputasyon ng isa ay ang tanging bagay na nalalaman ng walang hanggang Karunungan ang magdadala sa isang tao ng ganap na pagiging depende kay Yahuwah. Kung ganito ang iyong karanasan, magpatuloy sa pagtitiwala at pagsunod, nalalaman na si Yahuwah ay isang mahabagin, mapagmahal na Ama.
Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor,
Kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay,
At dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan,
At papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.
(Isaias 40:11, ADB)
Ligtas na pagkatiwalaan si Yahuwah sa anumang kalagayan, nalalaman na Siya ay palaging mangunguna sapagkat pinili natin kung maaari natin makita ang hinaharap, at ang maluwalhating plano na ginagawa Niya para sa ating buhay.
Ang kapangyarihan ng Makapangyarihan ay pinagtitibay ang bawat pangako na ginawa Niya. Kaya, walang dahilan para sa pagtangging sumunod – kahit na ang pagsunod sa patotoo ay magdulot sa iyo na mawalan ng trabaho, tahanan, sasakyan, reputasyon, asawa o maging ang iyong buhay.
Natutukso ka ba? Siya ang magpapalaya. Nanghihina ka ba? Siya ang magpapalakas. Wala ka bang nalalaman? Siya ang magbibigay ng kaalaman. Nasugatan ka ba? Siya ang magpapagaling. [Si Yahuwah] ay “sinasaysay ang bilang ng mga bituin;” subalit, “Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian Niya ang kanilang mga sugat.” Awit 147:4, 3. “Lumapit sa Akin,” ang Kanyang imbitasyon. Ano pa man ang iyong mga pagkabalisa at mga pagsubok, ipalaganap ang iyong kaso sa harapan [Niya]. Ang iyong diwa ay itataguyod sa pagtitiis. Ang landas ay bubuksan sa iyo para kalagin ang iyong sarili mula sa pagkabigo at kahirapan. Kung mas mahina at mas walang magawa ang nalalaman mo sa iyong sarili, magiging mas malakas ka sa Kanyang kalakasan. Kung mas mabigat ang iyong pasanin, mas mapalad ang iyong pananahan kapag Siya ang nagbuhat nito. Ang pamamahinga na inaalok sa iyo [ng Tagapagligtas] ay batay sa mga kondisyon, ngunit ang mga kondisyong ito ay malinaw na tiniyak. Ang mga ito ay para sa lahat ng sumunod. Sinabi Niya sa atin kung paano ang Kanyang kapahingahan ay matatagpuan.4
Iyong mga sumunod kay Yahuwah sa lahat ng mga bagay ay mayroong karapatan na angkinin ang bawat pangako na ibinigay ng Walang Hanggang Pag-Ibig. Hayaan ang mga tanging katanungan ay, Ano ang kautusan ni Yahuwah? at Ano ang Kanyang pangako? Nalalaman ang mga ito, susunod ka sa isa at pagkakatiwalaan ang iba.
- Huwag matakot na makiusap para sa isang muling negosasyon ukol sa utang. Maaaring gumawa si Yah sa paraang iyon.
- Huwag maging masyadong mapagmataas sa paghahanap para sa isang part-time na trabaho.
- Huwag mag-atubili na paliitin, ibenta ang iyong bahay at masiyahan sa isang maliit na maaaring bayaran o rentahan. Kapag ang real estate ay nasa merkado kung saan walang bumibili, maaaring magpadala ng bibili si Yah para sa iyo.
- Kapag ang kawalan ng trabaho ay mataas at wala pang makukuhang trabaho, maaaring ayusin ni Yah ang mga bagay para bigyan ka ng trabaho.
Pinapahintulutan ni Yahuwah ang mga problemang pang-indibidwal para bumuo ng pananampalatayang pang-indibidwal. Ito dapat ay isang problema na napakalaki para sa iyo na pasanin dahil iyon ang kikilos sa iyo tungo sa Kanya para magbigay ng kasagutan. Ang kasagutan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pananalig at panalangin, ang iyong pananalig ay lalago. Sa bawat pagsubok at pagdurusa, maranasan ang isang imbitasyon sa panalangin.
Ang Kasulatan ay nagbigay ng susi para sa bawat suliranin na haharapin mo sa pagsunod sa landas ng pagtalima: “Magalak kayong lagi. Lagi kayong manalangin. Ipagpasalamat ninyo [kay Yah] ang lahat ng pangyayari.” (1 Tesalonica 5:16-18, FSV) Ang pinakamapait na pagsubok, kapag tinanggap nang mapagpakumbaba at sa pananampalataya, ay magdadala ng isang payapa, tahimik na katiyakan na si Yah ay nakikita, naririnig at gumagawa sa lahat ng bagay para sa iyong walang hanggang kabutihan.
Si Charles Spurgeon (1834-1892) ay nagsermon sa mahigit 10,000,000 tao sa buong buhay niya, naghihimok sa kanila na magtiwala sa Salita ng Makapangyarihan. |
SI Charles Spurgeon, isang maimpluwensyang tagapaglingkod na matapang na lumaban sa mga pagsalakay ng teolohiyang liberal, ay isinulat:
Ang mga tao ay nagtanong ng isang bagay [kay Yahuwah], at nagkaroon nito; na nasa trono, at pinakitaan ng isang pangako, at sinabing sila ay hindi aalis nang wala ang katuparan nito, at bumalik mula sa trono [ni Yahuwah] ang mga mananakop ng Makapangyarihan; sapagkat ang panalangin ay nagpapakilos ng kamay na nagpapakilos ng sanlibutan. “Ang panalangin ay ang litid ni [Yah],” sinabi ng isa, “napakilos nito ang Kanyang kamay;” at iyon na nga. Totoo, sa panalangin, sa kalakasan ng matapat na puso, mayroong napakagandang katuparan sa teksto, “Bibigyan Niya ako ng kalakasan.” . . . Sige lang, munting Kristyano, sapagkat ito ang iyong pangako, “Bibigyan Niya ako ng kalakasan.”
“Mahina man ako, gayunman,
Sa Kanyang lakas, lahat ng bagay ay kaya kong gawin.”5
Walang tao ang may kasagutan para sa lahat ng iyong katanungan. Ang WLC ay nagkukulang sa solusyon sa lahat ng iyong pagkabagabag. Ito ay iyong pribilehiyo na lumakad sa pananalig at pagmasdan kung paano hawakan ni Yahuwah ang iyong mga problema. Ang panalangin ay iyong sandata ng depensa laban sa lahat ng salakay ng kaaway.
Sinabi [ni Yahuwah], “At tumawag ka sa Akin sa kaarawan ng kabagabagan.” Awit 50:15. Iniimbitahan Niya tayo na ipakita ang ating mga kabalisahan at pangangailangan, at ating kailangan na banal na tulong. Inutos Niya tayo na maging masikap sa panalangin. Kapag ang kahirapan ay tumitindi, tayo ay inaalok sa Kanya ang ating matapat, masugid na mga petisyon. Sa ating tuluy-tuloy na panalangin, tayo’y nagbibigay ng patunay ng ating malakas na tiwala sa [Elohim]. Ang diwa ng ating pangangailangan ay mangunguna sa atin na manalangin nang masikap, at ang ating Makalangit na Ama ay kumikilos para sa ating mga hinaing.
Madalas ang mga nagdurusa ng kahihiyan at pag-uusig para sa kanilang pananalig ay tinukso sa kaisipan na sila’y pinabayaan [ni Yahuwah]. Sa mata ng mga tao, sila ang minorya. Sa lahat ng anyo ang kanilang mga kaaway ay nagtagumpay sa kanila. Ngunit huwag hayaang labagin ang kanilang budhi. Siya na nagdusa sa kanilang ngalan, at nagdala ng kanilang kalumbayan at pagdurusa, ay hindi sila pinababayaan.
Ang mga anak [ni Yah] ay hindi iiwang mag-isa at walang tagapagtanggol. Ang panalangin ay nagpapagalaw sa kamay ng Makapangyarihan. . . .
Kapag isinuko natin ang ating mga buhay sa Kanyang paglilingkod, hindi tayo maaaring malagay sa isang posisyon kung saan hindi ginawan ng panustos [ni Yahuwah]. Ano pa man sa ating kalagayan, mayroon tayong Patnubay sa mangunguna sa ating landas; ano pa man ang ating mga pagkabalisa, mayroon tayong tiyak na Tagapayo; ano pa man ang ating kalumbayan, pangungulila, o kalungkutan, mayroon tayong isang nakikiramay na Kaibigan. Kung sa ating kawalan ng kaalaman tayo’y nakagawa ng mga maling hakbang, hindi tayo iiwan [ni Yahushua]. Ang kanyang tinig, malinaw at natatangi, ay narinig, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” Juan 14:6 “Sapagka't Kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong.” Awit 72:12
Ipinahayag [ni Yahuwah] na Siya ay pararangalan ng mga lumapit sa Kanya, mga matatapat na ginagawa ang Kanyang paglilingkod. “Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa Iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa Iyo.” Isaias 26:3. Ang kamay ng Makapangyarihan ay lumalagpas upang pangunahan tayo at patuloy pa. Sumulong, ang sabi [ng Tagapagligtas]; ako’y magpapadala ng tulong sa iyo. Ito ay sa karangalan ng aking ngalan kaya ika’y nakiusap, at matatanggap mo. Ako’y pararangalan sa harap ng mga nakatitig para sa iyong kabiguan. Makikita nila ang aking salita sa maluwalhating tagumpay. “At anumang hingin ninyo sa panalangin, kung may kalakip na pananampalataya, ay inyong tatanggapin.” Mateo 21:22
Hayaan ang lahat ng nagpakahirap o hindi makatarungang ginamit, ay sumigaw [kay Yahuwah]. Lumayo mula sa mga taong may pusong kasing tigas ng bakal, at gumawa ng pakiusap na nalalaman sa iyong Manlilikha. Walang sinuman ang itinaboy habang lumalapit sa Kanya nang may nagsisising puso. Walang anumang matapat na panalangin ang naglaho. Sa gitna ng mga awit ng makalangit na koro, naririnig [ni Yahuwah] ang mga hiyaw ng pinakamahinang tao. Binibigkas natin ang nais ng puso sa ating maliit na silid, humihinga tayo ng panalangin habang tayo’y lumalakad sa landas, at ang ating salita ay umaabot sa trono ng Monarka ng sanlibutan. Ang mga ito’y hindi maririnig sa anumang pandinig ng tao, subalit hindi mamamatay sa katahimikan, at hindi maaaring maglaho sa mga patuloy na trabahong ginagawa. Walang maaaring magpalunod sa ninanais ng kaluluwa. Ito’y lumilitaw sa ibabaw ng ingay ng kalsada, sa ibabaw ng kaguluhan ng karamihan, patungo sa mga makalangit na kwarto. Sapagkat [si Yahuwah] ang ating kausap, at ang ating panalangin ay naririnig.
Ikaw na nararamdaman na pinaka hindi karapat-dapat, huwag matakot na ilaan ang iyong kaso [kay Yahuwah.] Noong ipinagkaloob Niya ang [Kanyang anak] para sa kasalanan ng sanlibutan. Isinabalikat Niya ang kaso ng bawat kaluluwa. “Kung hindi Niya ipinagkait ang sariling anak kundi ibinigay siya para sa ating lahat, hindi kaya kasama rin Niyang ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? Roma 8:32 Hindi Niya ba tutuparin ang mapagpalang salitang ibinigay para sa ating lakas at pag-asa?6
Ang tao na nagpapakita ng tunay na Sabbath sa iyo ay pinakamalamang hindi ang tao na magkakalag sa iyo na gawin ang pagsunod nang madali. Ang pagsunod, sa mismong kalikasan nito, ay dapat na may isang bagay na kabayaran. Kinilala ni Yahushua ang katunayang ito noong ipinaliwanag niya: “Kung nais ninuman na sumunod sa akin, tanggihan niya ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus at sumunod sa akin.” (Lucas 9:23, FSV) Ang krus na dapat dalhin ng lahat ay ang krus ng pagsunod – at ito ay isang krus. Ang krus ay naiiba mula sa bawat indibidwal – ito’y nilikha na tiyakan sa anong kailangan ng bawat tao para sa kanyang espiritwal na pag-unlad.
Malinaw na nagbabala si Yahushua na ang pagkakamit ng kaharian ng Langit ay nangangailangan ng pagsuko ng lahat ng bagay. Hindi lamang kusang loob na isuko ito, kundi ang aktwal na paggawa nito.
Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May kayamanang nakabaon sa isang bukid. Natuklasan ito ng isang tao at muli niya itong tinabunan. Sa kanyang tuwa ay humayo siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.
Muli, ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas. Nang matagpuan niya ang isang mamahaling perlas ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas. (Mateo 13:44-46, FSV)
Ang kaligtasan ay isang libreng kaloob, ngunit wala ang magpapatuloy sa nalalamang pagsuway ay makakamit ito. Dahil ang sapat na panustos ay ginawa para sa lahat ng nagtagumpay, lahat ay natira nang walang patawad kung sila’y naligaw. Ang pangunahing dahilan sa tao na hindi nais na dalhin ang krus ng pagsunod ay pagmamataas. Gusto nila ang kanilang komportableng bahay, higit sa mapagpakumbabang panuluyan. Nais nila ang katanyagan na pumasok sa isang trabahong may magandang kita. Ayaw nila ng kahihiyan ng kawalan ng trabaho o ang posibleng epekto ng kawalan ng bahay at sasakyan kung binalewala nila ang kanilang mga bayarin.
Madali para kay Yahuwah na lutasin ang mga problemang kinakaharap mo. Ang Kanyang pinagkukunan ay walang hanggan! Gayunman, napakahirap para sa mga makasalanan na paunlarin ang pananalig sa Kanya. Hindi ipipilit ni Yahuwah sa iyo na sanayin ang pananalig sa Kanyang mga pangako. Dahil umiibig sa kalayaan, iniiwan Niya ang pasyang iyon sa iyo. “Sa pananalig, mayroong sapat na liwanag para sa mga nais na maniwala at sapat na lilim para bumulag para sa mga hindi naniniwala.”7
Gumawa ng kusang loob na pasya para magtiwala sa iyong Manlilikha at Tagapagligtas. Ang walang hanggang buhay ay sulit, kahit na ang kabayaran nito sa iyo ay ang lahat ng bagay. Palaging magalak, sa lahat ng bagay ay magpasalamat, nakikita sa lahat ng bagay ay isang imbitasyon sa panalangin. Walang bundok na napakalaki para sa Kanya na pagalawin; walang distansya na napakalayo para tawirin. Naririnig Niya ang iyong mga panalangin at Siya ay mag-uutos ng mga pangyayari na, sa huli, ay magiging iyong pinakadakilang pagpapala.
Pananalig ay ang Tagumpay!
“Sapagkat ang sinumang anak na ni Yahuwah ay nagtatagumpay sa sanlibutan. At ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.”
(1 Juan 5:4, Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version)
1 Lahat ng ibinigay na sanggunian ng Kasulatan ay Filipino Standard Version maliban kung itinala.
2 “Faith,” American Dictionary of the English Language, Noah Webster, ed., 1828.
3 Oswald Chambers, My Utmost for His Highest.
4 E. G. White, Desire of Ages, p. 329.
5 C. H. Spurgeon, “Faith versus Fear.”
6 E. G. White, Christ’s Object Lessons, pp. 172-174.
7 Blaise Pascal