Print

Mayroong Walang Hanggang Apoy!


Nakagugulantang na Patotoo ng Bibliya

 

walang hanggang apoy


Ang mga patotoo ng Banal na Kasulatan ay malawak, malalim at magkakatugma. Sa napakaraming pagkakataon, may mga tiyak na teksto na maaaring lumitaw na salungat sa ibang teksto dahil sa maling pagkakaunawa o kakulangan ng kaalaman. Isang lugar ng malawakang pagkalito ay pagkabalisa sa kabayaran ng mga masasama. Itinuturo ng Kasulatan, “Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay.” (Tingnan ang Mangangaral 9:5, 6.) Gayunman, itinuturo rin na ang walang hanggang apoy ay hindi nawawala. Ang katunayan na tumugma sa dalawang ito, tila magkasalungat na punto ay maganda at nagpapatibay sa pananampalataya.

Hawak ni Isaias ang susi upang sagutin ang bugtong na ito. Ito’y nagtanong: “Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?” (Isaias 33:14, ADB) Ito ay, sa isang diwa, isang panayusay na katanungan kung sino ang mananahan sa apoy? Ang mismong susunod na mga berso, gayunman, ay naglalaman ng kasagutan:

“Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;

“Siya’y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.

“Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan: sila’y tatanaw sa isang lupaing malawak.” (Isaias 33:15-17, ADB)

ANG MGA MATUWID ANG MABUBUHAY AT MAGAGALAK SA WALANG HANGGANG APOY. ANG MGA BANAL LAMANG ANG MABUBUHAY KASAMA ANG BANAL NA ELOAH, “SAPAGKAT ANG ELOAH NATIN AY ISANG APOY NA TUMUTUPOK.” (MGA HEBREO 12:29, ANG BAGONG TIPAN: FILIPINO STANDARD VERSION)

Ang mga matuwid ang mabubuhay at magagalak sa walang hanggang apoy. Ang mga banal lamang ang mabubuhay kasama ang banal na Eloah, “sapagkat ang Eloah natin ay isang apoy na tumutupok.” (Mga Hebreo 12:29, FSV)

Si Yahuwah ang pinagkukunan ng lahat ng buhay. Sapagkat “sa kanya tayo’y nabubuhay, at kumikilos, at nasa kanya ang ating pagkatao.” (Mga Gawa 17:28, FSV) Purong lakas ang umaagos mula sa Kanya sa walang patid na dagsa. Mayroon lamang kakaunting beses sa Kasulatan kung saan ang presensya mismo ni Yahuwah ay inilarawan. Sa bawat pagkakataon, ang paglitaw ng banal na pinagkukunan ng liwanag na ito, at buhay at lakas ay inilarawan bilang “apoy.”

Bago ang kanyang pagbagsak, si Lucifer ay isang pinahirang kerubin. Ang walang tigil na sinag ng liwanag at enerhiyang umaagos mula sa Manlilikha ay bumubuhos sa kanya sa patuloy na liwanag ng walang araw na araw. Bilang isang pinahirang kerubin, nananahan si Lucifer sa walang hanggang apoy ng mabilis na presensya ng Makapangyarihan. Naglalakad siya nang hindi nasasaktan sa apoy.

“Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa’t ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Elohim; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.

“Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.” (Ezekiel 28:14, 15, ADB)

Sa pangitain, ang propetang si Daniel ay pinarangalan ng isang sulyap sa Makalangit na kwarto ng trono kung saan ang kaluwalhatian ay umaagos mula kay Yahuwah tulad ng ilog ng apoy:

“Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay, at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo: ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy.

“Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.” (Daniel 7:9, 10, ADB)

“Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan, na saserdote sa Madian: at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang, at napasa bundok ng Elohim, sa Horeb. At ang anghel ni Yahuwah ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya’y nagmasid, at, narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok.” (Exodo 3:1, 2, ADB)

Kinamamayaan, noong si Yahuwah mismo ay bumaba mula sa Bundok Sinai para sa proklamasyon ng Kanyang kautusan, dumating sa ganoong makinang na apoy na lumitaw sa mga tumitingin na maraming tao sapagkat ang buong bundok ay naglalagablab: “At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka’t si Yahuwah ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy: at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, at ang buong bundok ay umuugang mainam.” (Exodo 19:18, ADB)

Dahil si Yahuwah mismo ang isang apoy na tumutupok, ang sinuman na mas malapit sa Kanya, siya ay mas malapit sa walang hanggang apoy. Matapos ang 40 araw sa banal na presensya sa Bundok Sinai, ang mukha ni Moises ay nagsalamin sa banal na kaluwalahatian nang ganon katindi, ang mga tao’y natakot rito.

“At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, . . . ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya kay Yahuwah. At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila’y natakot na lumapit sa kaniya.

“At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha.

“Datapuwa’t pagka si Moises ay pumapasok sa harap ni Yahuwah upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya’y makalabas; at siya’y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya; At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya’y makapasok na nakipagsalitaan kay Yahuwah.” (Exodo 34:29-31, 33-35, ADB)

Ang mismong presensya ni Yahuwah ay walang hanggang apoy kung saan ang mga matuwid at mga banal lamang ang mananatili. Kung saan man lumitaw ang kasalanan sa presensya ni Yahuwah, ang walang hanggang apoy ng banal na Eloah ay tutupukin ito. Ang mga tao na mayroong mga pusong lapastangan ay natatakot sa presensya ng walang hanggang apoy. Nung nagsalita si Yahuwah mula Bundok Sinai, ang mga tao’y takot na takot.

“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, ‘Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa’t huwag magsalita ang Elohim sa amin, baka kami ay mamatay.’” (Exodo 20:18, 19, ADB)

Ang tanging bagay lamang na tinutupok ng apoy ni Yahuwah ay ang kasalanan – at ang mga makasalanan, kung pipiliin nilang manatili sa kasalanan. Ito ay maliwanag na nailarawan sa karanasan nila Nadab at Abiu. “At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa’t isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila’y naghandog sa harap ni Yahuwah ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila. At sa harap ni Yahuwah ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ni Yahuwah.” (Levitico 10:1, 2, ADB)

Sina Nadab at Abiu ay pinarangalan sa buong Israel. Sila ay napili, kasama ang kanilang ama at ang kanilang tahanan, na maglingkod kay Yahuwah nang direkta bilang mga saserdote. Subalit ang mataas na parangal na ipinagkaloob sa kanila ay hindi pumuno sa kanila ng paggalang, pag-ibig at paghanga. Sapagkat sa paglabag nila sa banal na kautusan ni Yahuwah, sila’y namatay sa apoy na lumabas mula kay Yahuwah. Ngunit ang Kasulatan ay naglalaman ng isang kawili-wiling detalye na nagpapakita ng dakilang detalye tungkol sa apoy ng walang hanggang lagablab. “At tinawag ni Moises si Misael at si Elzaphan, na mga anak ni Uziel na amain ni Aaron, at sa kanila’y sinabi, Magsilapit kayo, ilabas ninyo ang inyong mga kapatid sa kampamento mula sa harap ng santuario. Sa gayo’y lumapit sila, at kanilang binuhat sa kanilang mga kasuutan na inilabas sa kampamento, gaya ng sinabi ni Moises. (Levitico 10:4, 5, ADB)

Ganito ang lubos na kawili-wili! Ang dalawang taong ito na “nilamon” ng “apoy” na lumabas mula kay Yahuwah ay mayroon pa rin mga kasuotang hindi nababago! Kung sinuman ang tututukan ka ng flame-thrower nang matagal hanggang patayin ka, gaano magtatagal ang iyong kasuotan? Mas mabilis masusunog ang kasuotan kaysa sa iyong katawan, na karamihan ay mayroong tubig!

Itong maliit, madalas nakakaligtaang detalye, ay nagbigay ng isang nakahahalinang kaalaman tungo sa walang hanggang apoy ng presensya ni Yahuwah. Ang apoy ni Yah ay hindi apoy ng pagkasunog. Noong sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego, ang tatlong matalik na mga kaibigan ni Daniel, ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagsunog sa naglalagablab na pugon sa pagtangging yumuko at sumamba sa rebultong ginto na ipinatayo ni Haring Nebuchadnezzar sa kapatagan ng Dura, sila’y ganap na nararamtan at itinapon: “Nang magkagayo’y ang mga lalaking ito’y tinalian na may mga suot, may tunika, at may balabal, at may kanilang ibang mga kasuutan, at sila’y inihagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.” (Daniel 3:21, ADB)

May isang bagay na natupok: ang mga lubid na nakagapos sa kanila. Ang tatlo mismo ay hindi nasaktan. Maging ang kanilang mga kasuotan ay hindi napinsala!

“Nang magkagayo’y lumapit si Nabucodonosor sa bunganga ng mabangis na hurnong nagniningas: siya’y nagsalita, at nagsabi, Sadrach, Mesach, at Abed-nego, kayong mga lingkod ng Kataastaasang Dios, kayo’y magsilabas at magsiparito. Nang magkagayo’y si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsilabas mula sa gitna ng apoy. At ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito, na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan, ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog, ni ang kanila mang mga suot ay nabago, ni nagamoy apoy man sila.” (Daniel 3:26, 27, ADB)

Ang lihim kung paano ang mga magigiting na kalalakihang ito, mga bayani ng Langit, na hinatid ay simple lamang: sila’y ‘lumalakad nang matuwid--- atbp’. – tingnan ang maagang sanggunian – (Isaias 33:15-17, ADB)

“At ang tatlong lalaking ito, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsibagsak na nagagapos sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.

“Nang magkagayo’y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka, at tumindig na madali: siya’y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni, Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy?

“Sila’y nagsisagot, at nangagsabi sa hari, ‘Totoo, Oh hari.’

“Siya’y sumagot, at nagsabi, ‘Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila’y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng El.’” (Daniel 3:23-25, ADB)

Lahat ng isinuko ang kanilang kalooban sa banal na kalooban at namumuhay sa pagkakasundo sa banal na utos ay maaaring mabuhay, hindi masaktan, sa tumutupok na apoy ng presensya ng Makapangyarihan. Sa pagiging masunurin sa Kautusan ni Yah, ang tatlong karapat-dapat ay mabubuhay sa presensya ng banal at walang hanggang apoy at ang apoy ng pagkasunog ay walang kapangyarihan sa kanila.

ANG WALANG HANGGANG APOY NG PRESENSYA NI YAH AY TUMUTUPOK SA LAHAT NG KASALANAN AT KASAKIMAN.

Ang walang hanggang apoy ng presensya ni Yah ay tumutupok sa lahat ng kasalanan at kasakiman. Ang pagkakasala ay binubuo ng 1) Kasinungalingan at madalas 2) Dahas (tuntunin ni Satanas). Si Satanas ang ama ng kasinungalingan, ngunit ang katotohanan, ang walang hanggang katotohanan na nagmumula mula sa Nag-Iisa na nananahan sa tumutupok na apoy, tinutupok ang Kasinungalingan. Ang dahas naman ay sinakop ng banal na pag-ibig. Ang Banal na Espiritu ay ang Katotohanan at ang Pag-Ibig. Sa Pentecostes, ang Banal na Espiritu ay pinuspos ang mga tinipun-tipong mananampalataya. “May nakita silang tila mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nagsalita sa iba’t ibang wika, ayon sa kakayahang magpahayag na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.” (Mga Gawa 2:3, 4, FSV) Ang mga naunang mananampalatayang na ito ay hindi natupok ng banal na apoy. Mula noon, sila’y nagkakaisa sa pag-ibig at pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit sa buong sanlibutan.

Ang doktrina ng walang hanggang impyerno ay batay sa maling saligan: sina Adan at Eba ay binigyan ng walang hanggang buhay sa Paglikha. Kaya, ang ganoong pangangatuwiran ay nagpatuloy, at nung sila’y nagkasala at dapat parusahan, walang pagpipilian si Yahuwah kundi ipadala sila sa walang hanggang apoy ng impyerno. Ang ganitong paniniwala ay hindi batay sa Kasulatan. Sa pagtukoy kay Yahuwah, ipinahayag ng 1 Timoteo 6:16 nang katangi-tangi: “Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa liwanag na di-malapitan! Walang taong nakakita o makakakita sa kanya. Sumakanya nawa ang karangalan at paghaharing walang hanggan. Amen.”

“Sapagkat si Yahuwah ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Siya rin ay nagagalak sa katuwiran.

“Ganito ang sabi ni Yahuwah, ‘Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan;

“Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala ako, na ako si Yahuwah na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran; sapagka’t sa mga bagay na ito ay nalulugod ako, sabi ni Yahuwah.” (Jeremias 9:23, 24, ADB)

Bilang Eloah ng pag-ibig at katuwiran, hindi ninanais ni Yahuwah na ibigay ang buhay na walang hanggan sa sinuman habang nasa ilalim pa ng probasyon, nagpapahintulot sa kanila na pumili kung paglilingkuran Siya o sumama kay Satanas sa paghihimagsik. Hindi rin nais ni Yahuwah kahit pa ang pinakamasahol na makasalanan na magdusa nang walang hanggan. Ito ay hindi pag-ibig at hindi rin makatuwiran!

Gavel & Scales of Justice

Ang walang hanggang buhay isang kaloob. Ito lamang ay ibibigay sa sinumang nagtagumpay sa pamamagitan ng pananalig sa mga merito ni Yahushua. Ang kaparusahan ng sinumang nananatili sa kasalanan ay hindi walang hanggang buhay sa pagdurusa. Ito ay kamatayan.

Ang walang hanggang buhay isang kaloob. Ito lamang ay ibibigay sa sinumang nagtagumpay sa pamamagitan ng pananalig sa mga merito ni Yahushua. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ni Yahuwah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na ating Tagapagligtas.” (Roma 6:23, FSV) Ang kaparusahan ng sinumang nananatili sa kasalanan ay hindi walang hanggang buhay sa pagdurusa. Ito ay kamatayan. Makukuha lamang ang buhay na walang hanggan ng lahat ng piniling sumuko sa banal, mapagmahal na Batas ng Pag-ibig.

Ipinapakita ng Kasulatan kung paano ito ginagawa:

“Kaya’t pasakop kayo kay Yahuwah. Labanan ninyo ang diyablo, at siya ay tatakbo palayo sa inyo. Lumapit kayo kay Yahuwah, at lalapit Siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Gawin ninyong dalisay ang inyong puso, kayong mga nagdadalawang-isip. Magpakumbaba kayo sa harap ni Yahuwah, at itataas Niya kayo.” (Santiago 4:7, 8, 10, FSV)

Lahat ng nagpahintulot sa walang hanggang apoy upang tupukin ang kanilang mga pagkakasala at dungis ay bibigyan ng buhay na katumbas ng buhay ni Yahuwah. Ang apoy ng presensya ni Yahuwah ay magliliyab nang walang hanggan. Ito ay isang pangako! “Hindi na kailangan pa ng lungsod ang araw o buwan upang tumanglaw doon, sapagkat ang kaluwalhatian ni Yahuwah ang liwanag nito, at ang Kordero ang ilaw nito.” (Pahayag 21:23, FSV) Ang mga natubos ay maglalakad sa walang araw na liwanag ng walang hanggang araw, nagagalak sa presensya ni Yahuwah. Maaari silang mamuhay sa gitna ng walang hanggang apoy sapagkat isinuko nila ang kanilang kalooban, nagpahintulot sa kanilang pagkakasala na tupukin sa dalisay na apoy.

Isang pang-babaeng pangkat ng pag-aaral ng Bibliya ang nagbabasa ng aklat ni Malakias. Noong ang pangkat ay napag-aralan ang ikatlong kabanata, ang mga kababaihan ay naintriga sa isang pangako na nagtatalakay sa mismong isyu na ito:

“Nguni’t sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya’y pakikita? sapagka't siya’y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi: At siya’y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin . . . at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila’y mangaghahandog kay Yahuwah ng mga handog sa katuwiran. (Malakias 3:2, 3, ADB)

LAHAT NG NAGPAHINTULOT SA WALANG HANGGANG APOY UPANG TUPUKIN ANG KANILANG MGA PAGKAKASALA AT DUNGIS AY BIBIGYAN NG BUHAY NA KATUMBAS NG BUHAY NI YAHUWAH.

Hindi nauunawaan ang proseso kung saan ang pilak ay dinalisay, ang mga kababaihan ay nais na may matutunan para maunawaan nang ganap ang prosesong inilarawan sa Kasulatan. Isang babae, na may nalalaman sa isang panday-pilak, inalok na tumungo, siniyasat at inulat sa pangkat ang anumang natutunan niya. Matapos magsagawa ng mga kaayusan sa panday-pilak na panoorin ang kanyang ginagawa niya, dumating siya sa napag-usapang oras.

Hawak ang isang piraso ng pilak sa bukas na apoy, ang panday-pilak ay ipinaliwanag na, kapag nagdadalisay ng pilak, napakahalagang ilagay ito sa kalagitnaan ng apoy kung saan iyon ang pinakamainit upang alisin ang lahat ng dumi. Nagtanong ang babae sa panday-pilak na kapag inilagay niya nang tama ito, sa apoy, sa buong oras ang pilak ay nadalisay sa apoy.

Sagot ng panday-pilak, “Oo. Hindi lamang ilalagay rito habang nananatili ang pilak, sa buong oras dapat tingnan ko rin ito. Masisira ang pilak kapag iniwan nang matagal.”

Tiningnan ng babae sa katahimikan ang pilak nang ilang saglit, ang tinanong na: “Paano mo malalaman na ganap na dalisay na ang pilak?”

“Simple lang,” habang nakangiti, habang maingat na binaliktad ang piraso. “Alam kong ganap na itong nadalisay kapag nakikita ko na ang aking mukha rito.”

Naghihintay si Yahuwah nang may maalab na pananabik para sa araw na ang Kanyang imahe ay ganap na sumalamin sa Kanyang mga anak at sila’y maaaring nang umuwi sa tahanan kasama Siya. Ang Kanyang mapagbigay-loob na imbitasyon ay patuloy na pinapahaba sa lahat ng nakakaunawa:

“Inyong hanapin si Yahuwah samantalang Siya’y masusumpungan, magsitawag kayo sa Kaniya samantalang Siya’y malapit: Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya kay Yahuwah, at kaaawaan Niya siya; at sa aming Elohim, sapagka’t Siya’y magpapatawad ng sagana. (Isaias 55:6, 7, ADB)

Lahat ng sumuko sa Dalisay na Apoy ay magsasaya nang walang hanggan sa apoy ng presensya ni Yahuwah. “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay, . . . At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.” (Daniel 12:2, 3, ADB)


Tandaang mabuti na ang pangunahing punto ng pagpapahalaga ay: habang ang mga imortal na matuwid ay nananahan at yumabong magpakailanman sa walang hanggang apoy ng presensya ni Yahuwah, ang kaparehong apoy na ito ay ang lumalamong apoy ng “impyerno” para sa mga mortal na makasalanan na maaari lang makatagal sa presensya nito sa loob ng napakaikling oras.

Magiliw na isaalang-alang din ang mga sumusunod na berso, na malinaw na indikasyon na ang mismong presensya ni Yahuwah ay isang walang hanggan at apoy na tumutupok:

“Ngayo’y babangon ako, sabi ni Yahuwah; ngayo’y magpapakataas ako; ngayo’y magpapakadakila ako. Kayo’y mangaglilihi ng ipa, kayo’y manganganak ng dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo. At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy. Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan. Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas? Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan; Siya’y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.” (Isaias 33:10-16, ADB)


Hiniling ni Moises na makita si Yahuwah:

“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.” (Exodo 33:18, ADB)

Malinaw na tumugon si Yahuwah, at sinabi kay Moises na walang sinuman ang maaaring makakita sa Kanya at mamuhay.

“At Kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.” (Exodo 33:20, ADB)


“Sapagka’t ako, si Yahuwah, ay hindi nababago, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.” (Malakias 3:6, ADB)


Ibinabahagi ni Yahushua ang kaparehong maluwalhating maalab na presensya ng kanyang Ama, na wawasak sa mga masasama kapag siya ang bumalik upang itayo ang kaharian ni Yahuwah sa lupa.

“Habang sinasabi ng mga taong ‘Tiwasay at mapayapa ang lahat,’ biglang darating sa kanila ang kapahamakan. Walang makaiiwas sapagkat ang pagdating nito'y gaya ng pagsakit ng tiyan ng isang babaing manganganak.” (1 Tesalonica 5:3, FSV)

“At kung maalis na ang hadlang, lilitaw na ang suwail. Ngunit lubusan siyang pupuksain ng Panginoong Yahushua sa pamamagitan ng hininga ng kanyang bibig sa panahon ng kanyang maluwalhating pagdating.” (2 Tesalonica 2:8, FSV)

Ito ang liwanag na nagpabulag kay Saulo: “Nang katanghalian, habang kami ay nasa daan, nakita ko, Haring Agripa, ang isang liwanag mula sa langit na mas maliwanag pa kaysa araw. Nagningning ang liwanag sa palibot ko at ng aking mga kasamahan.” (Mga Gawa 26:13, FSV)

Ang mga matuwid ay may kakayahan nang manatili sa kanyang pagbabalik dahil lamang sila’y ipinagkaloob na ng buhay na walang hanggan: “Sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at ang mga patay ay bubuhaying muli na walang pagkasira at tayo’y babaguhin.” (1 Corinto 15:52, FSV)

Tingnan rin –

“Pinagpala at banal ang mga nakasama sa unang muling pagkabuhay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan, kundi sila'y magiging mga pari ni Yahuwah at ni Kristo Yahushua, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon.” (Pahayag 20:6, FSV)

“Sapagka’t si Yahuwah Eloah ay araw at kalasag: si Yahuwah ay magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.” (Awit 84:11, ADB)

Ang pagkawasak ng mga masasama sa pagbabalik ni Yahushua ay walang iba kundi magiging isang patikim ng walang hanggang presensya ni Yahuwah na sukdulang lilinis sa buong daigdig ng mga hindi napagbagong loob, hindi nagsisising mga makasalanan at lahat ng anyo ng pagkakasala magpakailanman.

Si Satanas ang pasimuno ng sagupaan sa Langit at ang kanyang oposisyon ay direkta kay Yahuwah na ang naglalagablab na presensya ay gagawa ng pinakahuling pagkawasak na naitala sa aklat ng Pahayag.

“Sapagkat ang Eloah natin ay isang apoy na tumutupok.” (Mga Hebreo 12:29, FSV)

“Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.” (Mga Awit 11:6, ADB)

“Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila. Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy, gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.” (Mga Awit 68:2, ADB)

“Sila’y umahon sa malawak na lupa at pinaligiran ang kampo ng mga banal at ang minamahal na lungsod. Ngunit may apoy na bumaba mula sa langit at nilamon sila.” (Pahayag 20:9, FSV)

Parehong ibabahagi nina Yahuwah at Yahushua ang maliwanag at naglalagablab na presensya at pareho Silang darating upang manahan sa Bagong Jerusalem kung saan ang Kanilang nakakasilaw na liwanag ay mas maliwanag pa sa araw at buwan:

“Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi si Yahuwah ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag, at ang iyong Eloah ay iyong kaluwalhatian.” (Isaias 60:19, ADB)

“Hindi na kailangan pa ng lungsod ang araw o buwan upang tumanglaw doon, sapagkat ang kaluwalhatian ni Yahuwah ang liwanag nito, at ang Kordero ang ilaw nito.” (Pahayag 21:23, FSV)