Kaloob ng Langit para sa Ebanghelismo
Ipinagkaloob ni Yahuwah ang mga saganang kaloob sa Kanyang bayan sa mundo. Isa sa mga pinakamaintriga, subalit hindi gaanong nauunawaang kaloob ng Langit ay ang pagsasalita sa mga wika. Maraming Kristyano ngayon ang naniniwala na maliban na lang kung ang tao ay nakatanggap ng “kaloob ng Banal na Espiritu” at maaaring “makapagsalita sa iba’t ibang wika”, siya ay hindi pa “bininyagan sa pamamagitan ng Espiritu.” Ang pagsasalita sa mga wika ay ginamit bilang pagsubok para patunayan kung ligtas o hindi ang isang tao. Ang “pagsasalita sa mga wika” na ginagawa ng maraming Kristyano ngayon, kapag sinabi nilang sila’y nananalangin o sumasamba, ay salungat sa dalisay, Biblikal na pagsasalita sa mga wika.
Bago bumalik si Yahushua sa Kalangitan, sinabihan Niya ang mga alagad Niya:
“Habang kayo'y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo salahat ng tao ang Magandang Balita. Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika.” (Marcos 16:15, 17)
Binigyan ng tungkulin ang mga alagad ng paglaganap ng mga patotoo ng kaligtasan sa buong mundo! Upang paganahin ang tungkuling ito, nangako si Yahushua na sila ay mapagkakalooban ng kakayahang makapagsalita sa “bagong wika” o sa ibang wika. Ang kakaibang kaloob na ito ay unang ibinigay sa Araw ng Pentecostes at nagresulta sa kaligtasan ng libu-libong mga mahahalagang kaluluwa.
“Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar, nang sumapit ang araw ng Pentecostes. Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.”
“May mga debotong Hudyo noon sa Jerusalem, na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila, sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig.”
“Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba taga-Galilea silang lahat? Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika? Tayo'y mga taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia, Ponto at Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Pamfilia, Egipto at sa mga lupain ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa Roma, mga Judio at mga Hentil na naakit sa pananampalatayang Judio. May mga taga-Creta at Arabia rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa [ni Yah]?”
“Hindi nila lubusang maunawaan ang nangyari, kaya't nagtatanungan sila, ‘Ano ang kahulugan nito?’ ” (Mga Gawa 2:1-12, AMB)
Tumayo si Pedro at ipinaliwanag sa karamihan ang nangyayari:
“Mga taga-Judea, at kayong lahat na mga panauhin sa Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko . . . ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel: ‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ni [Yahuwah], ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.’ ” (Mga Gawa 2:14, 16, 17)
Ang sermon ni Pedro ay naunawaan ng lahat ng taong nandun, anu pa man ang kanilang sariling wika. Naging maganda ang resulta.
“Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon. Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin.” (Mga Gawa 2:41, 42, AMB)
Ang tunay “kaloob ng mga wika” ay laging pinupuri si Yahuwah at ito ay ibinigay lamang para sa layunin ng pakikipag-usap ukol sa mga banal na katotohanan para naman sa ibang hindi nakakaunawa ng mga salitang binibigkas. Kabaliktaran nito, ang tunog na binibigkas ng karamihan ngayon na itinuturing na “kaloob ng mga wika” ay walang iba kundi walang kabuluhang ngawa. Ang mga tunog na ginawa nila ay hindi naiibang pananalita at hindi nila tinuturuan ang sinuman sa katotohanan at katuwiran. Sa totoo lang, ang glossolalia, o “pagsasalita sa mga wika”, na ginagawa ng maraming tao ngayon ay direktang pasinungalingan sa mga patnubay na ibinigay ng Kasulatan na nagpapakita kung ito ba ay dalisay o mali.
Malinaw na nagpaalala mismo si Yahushua:
“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila . . . dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan.” (Mateo 6:7, 8, AMB)
Higit si Pablo sa sinumang manunulat ng Bagong Tipan, siya rin ang may-akda ng kaloob ng mga wika. Nagbigay siya ng babala laban sa makabagong ngunit walang kabuluhang usapan na tinatawag ngayon ng marami na “kaloob ng mga wika”.
“Datapuwa't ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan.” (2 Timoteo 2:16, AMB)
Naunawaan ni Pablo na ang lahat ng wika ay banal na kaloob, ibinigay para lamang sa layunin ng pakikipag-usap. Subalit kapag ang isang tao ay hindi naiintindihan ang sinasabi ng ibang tao, ang komunikasyon ay hindi nangyayari! Anumang wika ay nagiging kaguluhan lamang ng walang kabuluhang tunog: bulakbol na ngawa. Sa isang panahon, ang mga nananampalataya sa Corinto ay nasa panganib ng pag-imbot ng kaloob ng mga wika para sa kaparehong dahilan na nais ng karamihan ngayon - sila ay naniniwala na ginagawa sila nitong mas banal at mahalaga. Agad itinakda ni Pablo nang matuwid na ang pagsasalita nang walang sinumang nakakaunawa ay hindi komunikasyon ukol sa katotohanan at kaya hindi matupad ang orihinal na layunin para sa dahilang ibinigay ang kaloob ng mga wika sa una pa lang!
“Ngayon nga, mga kapatid, kung ako'y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika, anong inyong pakikinabangan sa akin, maliban na kung kayo'y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag, o ng kaalaman, o ng panghuhula, o ng aral?
“Kahit ang mga bagay na walang buhay, na nagsisitunog, maging plauta, o alpa, kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog, paanong malalaman kung ano ang tinutugtog?
“Gayundin naman, paanong malalaman ninuman ang nais ninyong sabihin kung magsasalita kayo sa pamamagitan ng wikang hindi naman nila nauunawaan? Para kayong nakikipag-usap sa hangin.
“Kung hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig [na sinasabi], magiging banyaga ako sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging banyaga sa akin.” (1 Corinto 14:6, 7, 9, 11)
Tumungo si Pablo na mas malayo upang ipahayag na kapag ang wikang sinasalita ay hindi nauunawaan o hindi maipaliwanag ng sinumang magsasalita ng wikang iyon, ang sinumang “nagsasalita ng mga wika” ay dapat manatiling tahimik.
“Kung nagsasalita ang sinoman ng wika, . . . ang isa'y magpaliwanag. Datapuwa't kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia.” (1 Corinto 14:27-28, AMB)
Naniniwala si Pablo sa kaloob ng mga wika. Ginamit na niya ito nang maraming beses! Ngunit siya na nakakaunawa na ang tunay na “kaloob ng mga wika” ay laging lehitimong pagsasalita na maiintindihan.
“Nagpapasalamat ako sa . . . [Elohim], na ako'y nagsasalita ng mga wika na higit kaysa sa inyong lahat: Nguni't sa iglesia ibig ko pang magsalita nglimang salita ng aking pag-iisip, upang makapagturo ako naman sa iba, kay sa magsalita ng sangpung libong salita sa [lingid na] wika.” (1 Corinto 14:18-19, AMB)
Ipinaliwanag ni Pablo ang pagkakaiba sa pagitan ng walang saysay na ingay laban sa sinumang biniyayaan ng kakayahang turuan ang iba ng katotohanan sa banyagang pananalita:
“Ang nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili; nguni't ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia. Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay.” (1 Corinto 14:4-5)
Ang “kaloob ng mga wika” ay iyon lamang: isang BIYAYA, ipinagkaloob ng Langit, para sa layunin ng pakikipag-usap sa iba ukol sa katotohanan. Hinimok ni Pablo ang mga taga-Corinto na “Sundin ang pagibig; at pakanasain ang mga espiritwal na kaloob.” (1 Corinto 14:1) Subalit, ang mga kaloob ng Langit ay hindi dumarating kapag kailangan lang. Ang mga ito ay ibibigay lamang sa sinuman, sa kababaan ng puso, puno ng Espiritu ni Yahushua at ginagawa ang Kanyang nagawa. Hindi lahat ay ipinagkaloob ng kaparehong biyaya at walang sinumang binigyan ng mga kaloob ng Espiritu na ginagamit lamang para luwalhatiin ang kanyang sarili.
“Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.” (1 Corinto 12:4, AMB)
Ang mga kaloob ng Espiritu ay ibinigay sa sinumang nagpapakita ng mga bunga ng Espiritu sa una pa lang.
“Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.” (Galacia 5:22-23, AMB)
Nagagalak si Yahuwah na ibigay ang mga kaloob ng Espiritu sa Kanyang mga anak. Sinigurado ni Yahushua ang lahat na:
“Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa Langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa Kanya!” (Lucas 11:13, AMB)
Mas nais pa nga ng Langit na ipagkaloob ang mga kaloob ng Espiritu kaysa sa tanggapin ito ng mga bumagsak na tao.
“Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Kaitaasan, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. (Santiago 1:17, AMB)
Lahat
ng magpapakumbaba, at maghangad ng ganap na pagsunod sa nais ni
Yahuwah, ay mabibiyayaan ng mga bunga ng Espiritu. At, kapag
kailangan nila si Yahuwah, ibibigay
Niya sa Kanyang mga anak ang mga kaloob na kailangan nila upang
tapusin ang Kanyang nais sa lupa. Ang pagngumawa, sa pagsamba man o
sa pananalangin, pinagsisilbihan lamang ang isang umaangkin na
mayroong “kaloob ng mga wika”. Hindi ito nagpapatibay o nagtuturo
sa katuwiran, kung walang sinuman ang nakakaunawa sa anong sinabi.
Ang walang kabuluhan pangumawa ay nagpapakita lamang ng kakulangan
ng mga bunga ng Espiritu na dapat samahan ng mga kaloob
ng Espiritu. Ang pag-ibig, tiyaga, at kagandahang-loob ay naglaho
kapag ang sinuma’y dumadakila sa kanyang sariling nararamdaman
dahil sa pagsasalita ng walang kabuluhang tunog. Ang panalangin at
pagsamba na katanggap-tanggap kay Yahuwah ay mula sa pusong puno ng
pag-ibig, pusong puno ng Diwa ni Yahuwah.
“Siyang
nagdarasal nang mabuti, umiibig nang mabuti
Tao
man, ibon o ibang hayop.
Siyang
nagdarasal nang mahusay, umiibig nang mahusay
Lahat
ng bagay malaki man o maliit;
Para
sa minamahal nating . . . [Yah] na iniibig tayong lahat
Ginawa
Niya at minahal Niyang lahat. ”
(Samuel Taylor Coleridge)
Hayaan ang lahat na maghangad na purihin ang Ama na nasa Kalangitan, at ang ating Ama na nakikita at nalalaman ang lahat ay gagamitin ang kababaan ng puso na luwalhatiin ang Kanyang banal na Pangalan at ipalaganap ang katotohanan at katuwiran sa buong sanlibutan.