Print

Ang Huling Hapunan: Paskua? o Hindi?

Ang Huling Hapunan ay nagtaas ng mga katanungan sa kaisipan ng maraming tao. Ito ba ay Paskua na hapag-kainan? O ito lamang ay isang karaniwang hapag-kainan kung saan ang Tagapagligtas ay itinatag ang komunyon bilang pag-alala ng kanyang kamatayan?

Ang Mabuting Balita ni Juan ay lumilitaw na inilagay ang Huling Hapunan sa araw bago ang Paskua:

Bago dumating ang kapistahan ng Paskua, alam ni Yahushua na ang kanyang oras ay sumapit na upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito at pumunta sa Ama. Inibig niya ang mga sa kaniya na nasa sanlibutang ito, inibig niya sila hanggang sa wakas. At nang matapos ang hapunan ay . . . sinimulan niyang hugasan ang mga paa ng mga alagad. . . . (Juan 13:1, 2, 5, SND)

Sa ibang dako, ang mga tiyak na teksto sa Mateo, Marcos at Lucas ay lumilitaw na inilagay ang Huling Hapunan sa mismong Paskua:

Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, pumunta kay Yahushua ang mga alagad. Sinabi nila sa kanya: “Saan mo ibig na kami ay maghanda para sa iyo upang makakain ng hapunan ng Paglagpas?” (Mateo 26:17)

Pagkaraan ng dalawang araw ay ang Pista ng Paskua at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. (Marcos 14:1)

Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kinakailangan na sa araw na iyon ay kakatay ng batang tupa ng Paskua. Sinugo ni Yahushua sina Pedro at Juan at kanyang sinabi: “Umalis kayo at maghanda kayo ng hapunan ng Paskua upang tayo ay makakain.” (Lucas 22:7, 8)1

Isang dahilan na ipinalagay na ang Huling Hapunan ay ang hapag-kainan ng Paskua, ay ang matagal na pinanghahawakang paniniwala na ang Hebreong araw ay nagsisimula sa paglubog ng araw, sa halip na bukang-liwayway. Sapagkat ang Kasulatan ay ipinapakita na si Yahushua ay ipinako sa krus sa Paskua, ang araw bago ang Sabbath (tingnan ang Juan 19:31 at Marcos 15:42), kung ang “araw” ay nagsisimula sa paglubog ng araw, ang Huling Hapunan ay kakainin sa Paskua at ito ay ang tradisyonal na hapag-kainang Paskua o Seder.

Gayunman, kung ang Huling Hapunan ay ang mismong hapag-kainan ng Paskua, ilang problema ang lilitaw.

Una sa lahat, ang inulit na paggamit ng salitang “Paghahanda” sa Kasulatan upang umangkop sa araw ng pagpako sa krus ay nagpapahiwatig na ang hapunan ng Paskua (kung saan ang paghahanda ay dapat gawin) ay hindi pa kakainin. (Tingnan ang Mateo 27:62, Marcos 15:42, Lucas 23:54, Juan 19:31.) Maraming tao ngayon ay tinutukoy ang ikaanim na araw ng Biblikal na sanlinggo bilang “Araw ng Paghahanda” – ang araw ng paghahanda ng sinuman para sa Sabbath. Sa Kasulatan, gayunman, ang paggamit ay naitala lamang para sa ika-14 ng Abib o ang Paskua. Ang hapag-kainan ng Paskua ay nagaganap sa gabi, kaya ang araw bago ang hapag-kainan ay tinukoy bilang “Paghahanda.”

korderoAng buong dahilan para sa pagkuha ng mga bangkay sa krus nang mabilis ay dahil ang araw na iyon ay ang “Paghahanda” para sa hapunan sa Paskua at sa susunod na araw ay ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, isang Dakilang Sabbath. Ang Huling Hapunan ay kinain na sa araw bago si Yahushua ay ipinako sa krus. Kung ang Huling Hapunan ay ang mismong hapag-kainan ng Paskua, ang susunod na araw ay hindi uuliting tukuyin bilang “Paghahanda.”

Ikalawa, kung ang Huling Hapunan ay ang aktwal, opisyal na hapag-kainan ng Paskua, ang maharmonyang simbolismo ni Yahushua bilang “Kordero ni Yah na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan” (Juan 1:29) ay mawawasak. Ang napakagandang simbolismo ng dugo ni Yahushua na dugo ng Kordero ng Paskua na ang dugo ay nagpapalagpas sa atin ay mawawasak kung hindi siya namatay sa panahon ng hapunang pag-aalay sa araw ng Paskua.

Isang maingat at metikulosong pagsasaliksik ng Kasulatan ay nagpapakita na ang Huling Hapunan ay hindi, sa katunayan, naganap sa Paskua. Ito ay hindi ang hapag-kainan ng Paskua. Ito ay wala sa loob ng saklaw ng artikulong ito para ipaliwanag ang mga tila sumasalungat na talaan ng tiyempo ng Huling Hapunan na ibinigay sa mga Ebanghelyo. Ang ganitong talaan ay ibinigay sa Ang Palaisipan ng Paskua. Ang artikulong ito ay pinag-aralan ang karagdagang ebidensya na ang Huling Hapunan ay hindi ang tradisyonal na hapag-kainan ng Paskua.

Ang Juan 13 ay malinaw na nagpapahiwatig na sa oras ng Huling Hapunan, ang “pista” (karaniwang tinukoy ang hapag-kainan ng Paskua) ay hindi pa kinakain. Sa mesa ng hapunan, ipinahayag ni Yahushua na isa sa labing-dalawang alagad ay ipagkakanulo siya. Ito’y naghagis sa mga alagad ng dakilang panghihilakbot. Noong tahimik na tinanong ni Juan, “Panginoon, sino siya?” Ang tugon ni Yahushua:

“Siya ang bibigyan ko ng kapirasong tinapay pagkatapos ko itong maisawsaw.” Nang maisawsaw na niya ang kapirasong tinapay ibinigay niya iyon kay Judas na taga-Keriot na anak ni Simon. (Juan 13:26, SND)

Sa oras na ito, si Judas ay ganap nang determinadong pagtaksilan ang Tagapagligtas. Sinasabi ng Kasulatan sa atin na si Satanas ay ganap nang nakontrol si Judas, sa puntong ito ay may sinabi si Yahushua na isang bagay kay Judas na hindi naunawaan ng ibang alagad. Ito ay ang hindi pagkakaunawaan sa panig ng mga alagad na nagpapakita na ang Huling Hapunan ay hindi, sa katunayan, ang hapag-kainan ng Paskua.

Pagkatapos ng isang subo ay pumasok kay Judas si Satanas. Sinabi nga ni Yahushua sa kanya: “Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo agad.” Walang sinuman sa nakaupong kasalo niya ang nakaunawa kung bakit niya iyon sinabi sa kanya. Si Judas ang may hawak ng supot ng salapi. Ito ang dahilan kaya inakala ng ilan na ang sinabi sa kanya ni Yahushua ay bumili siya ng mga kakailanganin para sa kapistahan. O kaya ay may ipinabibigay sa kanya sa mga dukha. (Juan 13:27-29, SND, binigyang-diin.)

Ang King James Version ay ibinigay ang berso 29 bilang: “Sapagka’t iniisip ng ilan, na sapagka’t si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Yahushua sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan sa pista. . . .”

Isinalin ng New American Standard Bible ang bersong ito: “Dahil siya ang nag-iingat ng supot ng salapi, inakala ng ilan na pinabibili siya ni Yahushua ng kailangan nila sa pista. . . .”

Ipinahayag ng Complete Jewish Bible: “Iniisip ng ilan na sapagkat si Y’hudah ang may hawak ng supot, ay sinabi ni Yahushua sa kanya, ‘Bumili ka ng kailangan natin sa pista. . . .’”

Malinaw, kung si Yahushua at kanyang mga alagad ay natapos na ang pagkain sa Paskua, ang mga alagad ay hindi mali ang pagkakaunawa sa komento ni Yahushua kay Judas na ibig sabihin ay si Judas ay bibili ng bagay na kailangan para sa Paskua.

Ang mas makabagbag-damdamin na ebidensya ay matatagpuan sa mga aktwal na salita na ginamit upang tukuyin ang tinapay na pinira-piraso ni Yahushua bilang simbulo ng kanyang katawan.

tinapay na walang pampaalsaSa pangkabuhayang Hebreo, ang pampaalsa (o lebadura) ay isang simbolo para sa kasalanan. Kailangan lamang ng munting dami ng lebadura upang ganap na magbago ang isang malaking mangkok ng masa. Kaya ito ay isang angkop na simbulo kung paano, maging ang munting kasalanan, itinangi sa puso, maaaring magpabago at wasakin ang kaluluwa. Ang simbolismong ito ay ginamit ni Yahushua noong nagbigay siya ng babala sa mga alagad: “Mag-ingat kayo sa mga pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduseo.” (Mateo 16:6, SND)

Ang paglalarawan na ito ay agad naunawaan ng mga alagad, ngunit hindi ito sa una:

Nangatwiran sila sa kanilang sarili patungkol dito na sinasabi: “Ito ay sapagkat hindi tayo nakapagdala ng tinapay.” Ngunit nalaman ito ni Yahushua at sinabi niya sa kanila: “O, kayong maliit ang pananampalataya. Bakit kayo nangatwiranan sa inyong mga sarili na hindi kayo nakapagdala ng tinapay? – mag-ingat sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduseo at hindi ang patungkol sa tinapay.”

tinapay na walang pampaalsa at katas ng ubasSa ganoon, naunawaan na nila na hindi sila pinag-iingat sa pampaalsa ng tinapay kundi sa aral ng mga Pariseo at mga Saduseo. (Mateo 16:7, 8, 11, 12, SND, binigyang-diin.)

Si Yahushua ay ginagamit ang pampaalsa bilang isang simbulo ng makasalanang “doktrina ng mga tao” na mapagmataas na pinili ng mga Pariseo at Saduseo nang higit sa kautusan ni Yahuwah. Ang maling mga “doktrina ng mga tao” ay patuloy na nag-iimpluwensya ng maraming sistema ng pananampalataya ngayon. Ang mga kredo, dogma at tradisyon ng organisadong relihiyon ay kailangan na maingat na pag-aralan na ang kamalian ay hindi tinanggap nang walang alam bilang totoo. Dahil ang isang paniniwala na niyakap sa loob ng daan-daang taon ay hindi magpapatunay ng pagkatumpak nito o maka-Kasulatang batayan. Lahat ng nagnanais na malaman ang totoo, ang buong katotohanan at walang iba kundi ang katotohanan ay maingat na pag-aaralan ang bawat isa sa mga paniniwalang ito sa liwanag ng Kasulatan.

Sa kautusan ni Yahuwah, hindi lamang kakain nang may lebadura, kundi ang lahat ng mga lebadura at anumang ibang pampaalsa ay tatanggalin mula sa tahanan sa panahon ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Sapagkat ang unang araw ng pista ay nagsimula sa ikapitong araw ng Sabbath, ang gawa ng pagtatanggal ng pampaalsa ay bahagi ng gawa ng “paghahanda” sa Paghahanda o Paskua (ang ika-14 ng Abib).

Ang hapag-kainan ng Paskua ay palaging kasama ang tinapay na walang pampaalsa. Ito ay isang magandang simbulo ni Yahushua, ang Tinapay ng Buhay, na walang nalalamang kasalanan. Dahil dito, kung ang Huling Hapunan ay ang opisyal na hapag-kainan ng Paskua, ito’y pagkain ng tinapay na walang pampaalsa.

Sa Hebreo, mayroon lamang isang salita na naglalarawan sa Tagalog na pariralang “tinapay na may pampaalsa.” Ang Tagalog na pariralang “tinapay na walang pampaalsa” ay nagmula rin mula sa isang salitang Hebreo. Upang ihatid ang ideya ng may lebadura o walang lebadurang tinapay, isang karagdagang salita ang idadagdag sa Tagalog. Sa Hebreo, gayunman, ang konsepto ay binalot sa iisang salita. Ganito rin sa Aramaiko at Griyego.2

HEBREO

Tinapay na walang pampaalsa = matzah (o matzot para sa higit pa sa isa.)

Tinapay na may pampaalsa = lekhem (o lekhemim para sa higit pa sa isa.)

ARAMAIKO

Tinapay na walang pampaalsa = patireh

Tinapay na may pampaalsa = lakhma

GRIYEGO

Tinapay na walang pampaalsa = azumos (o azumon o azuma para sa higit pa sa isa.)

Tinapay na may pampaalsa = artos (o arton para sa higit pa sa isa.)

Tungkol sa Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, palagi at walang pagbubukod, ginagamit ng Kasulatan ang salita para sa tinapay na walang pampaalsa – tinapay na walang lebadura.

Tinutukoy ng Exodo 12:18 ang pagkain ng tinapay na walang pampaalsa sa ika-14 na araw ng unang buwan.

Muling tinutukoy ng Exodo 23:15 sa Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa ang paggamit ng salita para sa tinapay na malaya sa lebadura.

Nag-uutos ang Levitico 23:6 sa pagkain ng tinapay na malaya sa lebadura sa panahon ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.

basket ng walang pampaalsang tinapayIpinapahayag ng Mga Bilang 28:17 na ang walang pampaalsang tinapay ay kakainin sa panahon ng pitong araw na kapistahan.

Walang pagbubukod, ang bawat sanggunian sa Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ay gumagamit ng salitang matzot para tukuyin ang tinapay na malaya sa lebadura na kakainin sa panahon ng pista, nagsisimula sa hapag-kainan ng Paskua sa gabi ng ika-14.

Kabaligtaran, ang Levitico 23:17 ay tinutukoy ang dalawang piraso ng tinapay na ipinakita kay Yahuwah sa Pentecostes. Ang berso ay tahasang ipinahayag: “Ang inyong ihahandog ay dalawang tinapay na bawat isa ay gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina na may pampaalsa.” Sa pagkakataong ito, ang salitang Hebreo na ginamit ay lekhem dahil ito ay maalsa, pinaumbok ng lebadura.

Sa Bagong Tipan, ang talaan ng Kasulatan ay naaalinsunod, ginamit man ito sa Aramaiko o sa Griyego.

Mateo 26:17 – “Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, pumunta kay Yahushua ang mga alagad. Sinabi nila sa kanya: ‘Saan mo ibig na kami ay maghanda para sa iyo upang makakain ng hapunan ng Paskua?’”

Ang tekstong ito ay isang bahagyang nakaliligaw, gaya ng naipaliwanag sa Ang Palaisipan ng Paskua, ang na-italicized na mga salita (sa ibabaw) ay idinagdag ng mga tagapagsalin at hindi nabibilang sa orihinal. Isa pa, ang salitang “una” sa katunayan ay nangangahulugang “bago.”3 Kaya ang teksto na mas tumpak ay ipinahayag: “Bago ang Tinapay na Walang Pampaalsa, pumunta kay Yahushua ang mga alagad.” Ang mga salitang ginamit rito, sa Aramaiko man o sa Griyego, tinutukoy ang malaya sa lebadurang tinapay na ginamit para sa Paskua at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.

Marcos 14:1 at 12 – “Pagkaraan ng dalawang araw ay ang Pista ng Paskua at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. . . . Sa unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, kaugalian nilang magkatay ng batang tupa (kordero) ng Paskua. Sinabi ng mga alagad kay Yahushua: ‘Saan mo nais na kami ay pumunta upang maihanda namin ang hapunang Paglagpas upang ikaw ay makakain?’”4

Muli, ang parehong Griyego at Aramaiko ay nagkakasundo na ang mga salitang ginamit ay tinukoy ang tinapay na inihurno nang walang lebadura, sa WALANG pampaalsang tinapay.

Lucas 22:1 at 7 – “Nalalapit na ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskua . . . Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kinakailangan na sa araw na iyon ay kakatay ng batang tupa ng Paskua.”

Ang mga salitang Griyego at Aramaiko ay muling nagkakasundo: ang mga tekstong ito ay tinutukoy ang walang lebadura, walang pampaalsang tinapay.

Kung ang Huling Hapunan ay sa Paskua, ang mga salitang Hebreo at Aramaiko na tumutukoy sa “tinapay” na pinira-piraso ni Yahushua at ibinigay sa mga alagad ay mga magkakaparehong salita gaya ng ginamit sa ibabaw para sa tinapay na walang pampaalsa.

hinating tinapayIsang maingat na pagsusuri ng mga sanggunian ng Ebanghelyo tungkol sa Huling Hapunan ay ipinapakita ang isang kagulat-gulat na piniling salita: ang tinapay na ginamit ay maalsang tinapay! Tinapay na mayroong lebadura!

Mateo 26:26 – “Habang sila ay kumakain, kinuha ni Yahushua ang tinapay. Pinagpala niya ito, pinagputul-putol at ibinigay sa kanyang mga alagad. Sinabi niya: ‘Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ang aking katawan.’”

Ang salitang ginamit rito para sa “tinapay” ay nagpapahiwatig na ang tinapay na mayroong pampaalsa ang ginamit. Ang parehong Aramaiko at Griyego ay ginamit ang salita para sa karaniwang tinapay na may lebadura.

Marcos 14:22 – “Habang kumakain sila, dumampot ng tinapay si Yahushua. Pinagpala niya ito, pinagputul-putol at ibinigay sa kanila. Sinabi niya: ‘Kunin ninyo ito at kainin, ito ay aking katawan.’”

Ang mga Aramaiko at Griyego na salita ay nagkakasundo na ang tinapay ay ang karaniwang tinapay, inihurno nang may pampaalsa.

Lucas 22:19 – “Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinag­putul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: ‘Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin.’”

Muli, ang Aramaiko at Griyego ay nasa pagkakasundo sa kanilang piniling salita na ang tinapay na ginamit ay ang karaniwang tinapay, hindi ang tinapay na walang pampaalsa.

Ang Mabuting Balita ni Juan ay hindi tinutukoy ang tinapay, sa halip ay isinalaysay ang paghuhugas ng mga paa. Ang mga sulat ni Pablo, gayunman, ay marami pang sinabi tungkol sa Huling Hapunan.

katas ng ubas at bibliya1 Corinto 11:23 at 24 – “Ito ay sapagkat tinanggap ko mula kay Yahuwah ang siya ko namang ibinibigay sa inyo. Ang Panginoong Yahushua, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay. Pagkatapos niyang magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi: ‘Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.’”

Ang talaan ni Pablo ay sumasang-ayon sa piniling salita ng mga Ebanghelyo: ang tinapay na ginamit ay ang may lebadurang tinapay!

1 Corinto 11:26 – “Ito ay sapagkat sa tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ni Yahushua hanggang sa siya ay dumating.”

Naulit, sa parehong Aramaiko at Griyego ay nagkakasundo na ang tinapay na tinukoy ay tinapay na mayroong pampaalsa.

1 Corinto 11:27 – “Ang sinumang kumain ng tinapay at uminom sa saro ng hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ni Yahushua.”

Ang Aramaiko at Griyego ay sumasang-ayon: ang salitang ginamit ay para sa karaniwan, maalsang tinapay.

1 Corinto 11:28 – “Ngunit suriin muna ng tao ang kaniyang sarili. Pagkatapos hayaan siyang kumain ng tinapay at uminom sa saro.”

Muling nagkakasundo ang Aramaiko at Griyego: ang salitang ginamit ay para sa karaniwan, may lebadurang tinapay.

Walang paraan para sa Huling Hapunan na maaaring ang pambansang pagdiriwang ng Paskua o maliban kung ang tinapay na ginamit ay tinapay na walang pampaalsa. Malinaw, ang Huling Hapunan ay naganap sa araw bago ang Paskua.

Nalalaman ni Yahushua na patay na siya kapag ang hapag-kainan ng Paskua ay dumating. Ang Huling Hapunan ay ang kanyang panghuling hapunan bago siya ipinako sa krus bilang Kordero ni Yahuwah. Ang kanyang kamatayan sa Paskua sa mismong panahon ng gabi ng pag-aalay ay isang ganap na katuparan, ang dakilang katapat na uri, ng lahat ng mga kordero na pinaslang mula nang sila Adan at Eba ay lumingon sa kanilang pagal na hakbang palayo sa Eden.

Ang kagandahan ng simbolismong ito ay ipinaliwanag ni Pablo noong nagbabala siya sa mga taga-Corinto:

Ang inyong pagyayabang ay hindi mabuti. Hindi ba ninyo nalalaman na ang kaunting pampaalsa ay nagpapaalsa sa buong masa ng harina? [Ang munting kasalanan ay sumisira sa buong katauhan.]

Alisin nga ninyo ang lumang pampaalsa upang kayo ay maging bagong masa ng harina. Kayo nga ay tunay na walang pampaalsa dahil si Kristo Yahushua, na siyang ating Paskua, ay inihain para sa atin.

Kaya nga, ipagdiriwang natin ang kapistahan hindi sa pamamagitan ng lumang pampaalsa. Hindi sa pampaalsa ng masamang hangarin o kasamaan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang pampaalsa, na ito ay sa katapatan at sa katotohanan. (1 Corinto 5:6-8, SND)

Ang komunyon na paglilingkod, itinatag ni Yahushua sa Huling Hapunan, ay isang pag-alala ng kanyang kamatayan. Hindi kailangan na gumamit ng may pampaalsang tinapay kapag nakikilahok sa komunyon dahil lamang si Yahushua ay gumamit ng may pampaalsang tinapay. Ang paggamit ng tinapay na walang pampaalsa at purong katas ng ubas5 ng Paskua ay ang mismong diwa ng parehong seremonya.

Si Yahushua ay sakdal, walang kasalanan na Anak ni Yahuwah. Bilang Tinapay ng Buhay, ang tinapay na walang pampaalsa ang sakdal na simbulo para sa kanya. Maaari siyang makiusap na ang walang pampaalsang tinapay ay ibibigay para sa huling hapag-kainan kasama ang kanyang mga alagad. Ang katunayan na pinili niya ang karaniwang tinapay na inihurno nang may lebadura bilang isang simbulo ng kanyang katawan, nasira para sa atin, ay maaaring maunawaan sa katunayan na siya ang ating panghalili.

Ito ay sapagkat si Yahushua na hindi nagkasala ay ginawang kasalanan para sa atin upang tayo ay maging katuwiran ni Yahuwah sa kanya. (2 Corinto 5:21, SND)

Nagbigay si Yahushua ng tinapay na may pampaalsa sa kanyang mga alagad at sinabi: “Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo.” (Lucas 22:19) Si Yahushua ay banal at walang kasalanan. Ngunit siya ang ipinalit sa atin, kinuha niya ang ating mga kasalanan. Ang resulta ay ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay maaaring maligtas. Ang kanyang walang dungis na pagkamatuwid ay malayang ibinigay sa lahat ng tatanggap sa pananalig ang kanyang sakripisyo sa ating ngalan. Ito ay sumasagisag sa paggamit ng tinapay na walang pampaalsa sa komunyon. Tayo’y ligtas na nilagpasan at ang mga pangangailangan ng nasirang kautusan ay makikilala ng kanyang dugong dinanak sa ating ngalan.

Kapag tayo’y kumakain ng tinapay na walang pampaalsa bilang pag-alala kay Yahushua, tayo’y nagpapahayag ng kanyang kamatayan hanggang sa siya ay dumating. Inaalala natin ang pinakadakilang kaloob na ibinigay sa tao: ang Kordero ni Yahuwah na nag-aalis ng mga kasalanan sa sanlibutan.


1 Tingnan rin ang Lucas 22:11, 13 at 15.

2 Ang mga karagdagang salita ay mga magkakaibang panahunan ng kaparehong salita, iyon ay isahan laban sa maramihang anyo ng kaparehong salita.

3 Ang salitang “una” ay nagmula sa salitang πρώτος (prōtŏs) na ang ibig sabihin ay “pangunahin (sa oras, lugar, ayos o kahalagahan).”2 Maaari itong mangahulugang “simula” at “pinakamahusay” ngunit ito’y maaari ding isalin nang tama bilang “bago.” Kapag ang πρώτος (prōtŏs) ay isinalin bilang “bago”, ipinapahayag ng Mateo 26:17: “Nang una bago ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad . . . .” Ito’y sumasang-ayon sa Juan 13:1: “Bago sumapit ang pista ng Paskua . . .” (#G4413, The New Strong's Expanded Dictionary of Bible Words.)

4 Ang mga salitang naka-italicized ay idinagdag ng mga tagapagsalin. Ginamit ang New King James Version.

5 Ang “alak” na ininom sa Paskua ay dalisay, walang pampaalsang katas ng ubas. Mayroong mahigpit na pagbabawal laban sa pag-inom ng alkohol kapag sumasamba sa harap ni Yahuwah. Ang mga tiyak na tao, gaya ng mga nakatali sa panatang Nazarite, ay pinagbawalan sa pag-inom ng alkohol. Si Yahushua, na tumanggi sa isang pamatay-sakit kapag pinaghalo ang alak sa pagpako sa krus (tingnan ang Mateo 27:34) ay hindi parurumihin ang sarili ng alak na may pampaalsa para matupad ang kanyang misyon bilang alay na Kordero. - Tingnan ito: http://www.worldslastchance.com/ecourses/lessons/the-book-of-daniel-ecourse/15/daniel-chapter-1-lesson.html. (Sipi: Ang pagbabawal ng alak ay tinutukoy ang panatang nazarite, ngunit sa kapariang paglilingkod rin, sapagkat ipinahayag sa Levitico 10:9: “Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo’y papasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang kayo’y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi.” Habang ang isang tiyak na dami ng alak ay pinaparaya sa mga tao ng sinaunang panahon, ang paglalasing ay may kaparusahan na kamatayan. Sa ilalim ng bagong tipan, ang lahat ng mga pari at mga hari, at dahil ang mga pari ay naglilingkod sa templo ng Banal na Espiritu, kung nasaan ang katawan ng tao, ang ganap na pag-iwas mula sa alak ay mahalaga. Subalit ang Levitico 10:9 ay nagpapahiwatig rin na iyong mga sumusunod kay Kristo tungo sa paglilingkod sa Pinakabanal na Lugar, ay magtatakda ng pagbabawal at pagsasantabi ng anumang nakalalasing na sangkap dahil hindi angkop para sa paglilingkod sa santuwaryo kung saan nakikilahok tayo sa pamamagitan ng ating mga panalangin.)