Imposible na masabi sa una kung ano ang natagpuan niya. Ang mga nabasag na tipak, nakapaloob sa milenyo ng naipong dumi at dungis, ay nag-aatubili na ipakita ang kanilang lihim nang mabilis. Ang arkeologo, gayunman, ay matiisin. Nagsasala sa lupa, maingat niyang inipon ang bawat piraso na maaari niyang makita, masipag na inilista maging ang pinakamaliit na tipak. Kapag ang pagbungkal ay nailabas ang bawat huling piraso na nananatiling umiiral, ang tunay na gawa ay nagsimula na.
Nang may dakilang pagngangalaga at kasanayan, ang arkeologo ay maingat na nilinis at naibalik ang bawat piraso. Sa wakas, handa na siya na simulang tipunin ang palaisipan sa harap niya. Inaangkop ang isang piraso rito at isa pa doon, sinusubukang hanapin ang sakdal na angkop, isang napakagandang hugis ang dahan-dahang nagsimulang kunin ang anyo. Ang kasakdalan ng tumpak na simetriya ay lumitaw bilang buo, bilugang gilid na tumitimbang sa ibabaw ng isang pundasyon na tila masyadong payat para suportahan ito.
Sa huli, ang kanyang mga maiingat na pagsisikap ay biniyayaan. Ang kasipagan at pagtitiyaga ay kinuha ang isang kaguluhan ng mga basag na piraso at ginawa itong isang maringal na plorera, isa sa mga pinakamagaling sa uri na natagpuan.
Lahat ng maghahangad ng patotoo ay dapat na mga arkeologo rin. Ang dumi at dungis ng tradisyon, ang kalaswaan ng paganismo, ay ibinaon ang maraming magagandang makalangit na patotoo. Upang maingat na isantabi ang kamalian at isiwalat ang totoo, ibabalik ito sa ganap na kaluwalhatian, ay nangangailangan ng kasipagan, maingat na pagsisikap. Ang isang tuntunin na dapat isaisip ng lahat ng mga naghahangad ng katotohanan ay ang totoo ay hindi kailanman sasalungat sa sarili nito. Kung ang isang sipi ng Kasulatan ay lumilitaw na sumasalungat sa isa pang sipi, ito ay isang malinaw na imbitasyon: Maghukay rito! Mayroong mas maraming patotoo na matutuklasan na magkakasundo sa hindi nagtutugma.
Isang lugar ng Kasulatan na matagal nang palaisipan sa mga mag-aaral ng Bibliya ay ang mga pahayag sa Mateo, Marcos at Lucas na lumilitaw na hindi sumasang-ayon sa mga malilinaw na pahayag sa ebanghelyo ni Juan. Ang mga iskolar ay tinukoy pa nga ang Mateo, Marcos at Lucas bilang mga ebanghelyong “Sinoptiko” dahil sa mga dakilang pagkakatulad sa mga detalye ng bawat isa ganon din ang mga pagkakasunod ng mga ibinigay na pangyayari. Ang ikaapat na ebanghelyo, ang mabuting balita ni Juan, ay naiiba sa ilang partikular.
Wala saanman ang tila pagkakaiba na ito nang mas malinaw sa talaang naiwan sa pagpako sa krus ng Paskua. Ang tatlong ebanghelyong Sinoptiko ay tila lahat sumasang-ayon sa isang petsa para sa Paskua na naiiba sa ibinigay sa ebanghelyo ni Juan.
Sa katunayan, walang salungatan. Ang katotohanan ay hindi sumasalungat sa sarili nito! Totoo na sa buhay na ito, hindi lahat ng katanungan ay masasagot. Hindi tinatanggal ni Yahuwah ang lahat ng dahilan para sa pagdududa dahil pinahahalagahan Niya ang personal na kalayaan. Hindi Niya pipilitin ang mga tao na maniwala kung hindi nila nais na maniwala. Kaya, mayroong palaging mga kawit kung saan isasabit ang mga pagdududa ng mga hindi nagnanais na maniwala. Sa mga ganitong lugar, pribilehiyo ng mananampalataya na sanayin ang pananalig sa Isa na hindi kailanman nagsisinungaling. Sinabi nga, ang maingat na pagsisiyasat ng mga ebidensya ay inilalabas ang pagkakatugma ng lahat ng apat na mabuting balita. Ang bawat ebanghelyo ay nagbibigay ng mga piraso ng palaisipan na, kapag naunawaan nang tama, ay nagpapatotoo na walang sagupaan.
Ang mga teksto na nagpalito sa mga tao ay:
Mateo 26:17 – “Nang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad kay Yahushua, at nagtanong, ‘Saan po ninyo nais na kami’y maghanda upang makakain kayo ng kordero ng Paskua?’”1
Marcos 14:1 – “Dalawang araw na lamang bago ang Paskua at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Patuloy na naghanap ng paraan ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kung paano palihim na maipadadakip si Yahushua at maipapatay.”
Lucas 22:7 – “Sumapit ang Araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa kung kailan kailangang magpatay ng isang kordero bilang alay para sa Paskua.”
Ang pagkalito ay lumilitaw kapag ang mga teksto sa ibabaw ay kinumpara sa talaan ni Juan ng huling hapunan na ibinigay sa Juan 13: “Bago sumapit ang pista ng Paskua, alam ni Yahushua na dumating na ang kanyang oras upang iwan na ang mundong ito at magpunta sa Ama. Dahil mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, minahal niya sila hanggang sa katapusan.” (Juan 13:1)
Narito, gaya sa lahat ng ibang palaisipan ng Bibliya, ang Kasulatan ay nagbibigay ng kasagutan. Ang kautusan ni Moises, na ipinagkaloob ng Tagabigay ng Utos, at pinanatiling sakdal ni Yahushua, ay malinaw na nagbibigay ng mga parametro ng oras sa parehong Paskua at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.
Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay Paskua kay Yahuwah. At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura [Pampaalsa] kay Yahuwah: pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura. Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong: anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin. (Levitico 23:5-7)
Ang siping ito ay malinaw na nagtatalaga ng dalawang magkaibang petsa para sa dalawang magkaibang banal na pagdiriwang:
- Paskua sa Abib 14
- Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa Abib 15
Ipinahayag lamang ng Juan 13: “Bago sumapit ang pista ng Paskua . . . .” Ang mga Sinoptiko ay tila tinabla ang salungat ng mga petsang ibinigay sa Levitico!
- Mateo: Nang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad kay Yahushua.
- Marcos: Dalawang araw na lamang bago ang Paskua at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.
- Lucas: Sumapit ang Araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa kung kailan kailangang magpatay ng isang kordero bilang alay para sa Paskua.
Kapag tinipun-tipon ang iba’t ibang piraso ng patotoo ng palaisipan ng Kasulatan na ito, ang mga petsang ibinigay para sa Paskua at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa na binalangkas sa Levitico 23 ay dapat na panatilihin. Ang mga ito ay nagbibigay ng “hangganan” ng palaisipan. Ang mga ito’y hindi maaaring isantabi. Kaya, iba pang pagpapaliwanag ang dapat na ibigay kung bakit ang mga Sinoptiko ay lumilitaw na inilalagay ang Paskua at unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa kaparehong araw.
Ang unang punto na isaalang-alang ay ang parehong Mateo 26:17 at Marcos 14:1 ay mayroong mga salitang idinagdag sa Ingles na pagsasalin na hindi lumilitaw sa orihinal. Ang mga salitang in-italized sa ibaba ay ang mga salita na idinagdag ng mga tagapagsalin sa mga teksto. Ang mga ito’y hindi lumilitaw sa orihinal:
- “Nang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad . . . .” (Mateo 26:17)
- “Dalawang araw na lamang bago ang Paskua at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa . . . .” (Marcos 14:1)
Kung walang ang mga ibinigay na salita, ipinahayag lamang ni Mateo: “Nang una ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad . . . .” Kapag tinanggal ang mga salitang ibinigay, ipinahayag ni Marcos: “Dalawang araw na lamang bago ang Paskua at Tinapay na Walang Pampaalsa . . . .”
Sa teksto mula sa Mateo, ang salitang “una” ay nagmula sa salitang πρώτος (prōtŏs) na ang ibig sabihin ay “pangunahin (sa oras, lugar, ayos o kahalagahan).”2 Maaari itong mangahulugang “simula” at “pinakamahusay” ngunit ito’y maaari ding isalin nang tama bilang “bago.” Kapag ang πρώτος (prōtŏs) ay isinalin bilang “bago”, ipinapahayag ng Mateo 26:17: “Nang una bago ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad . . . .” Ito’y sumasang-ayon sa Juan 13:1: “Bago sumapit ang pista ng Paskua . . .”
Si Marcos ay dapat na isaalang-alang sa konteksto ng ano ang agarang sumusunod ay ang talaan ng pagpapahid ni Yahushua sa Betania sa panahon ng kapistahan sa bahay ni Simon. Una, gayunman, kinakailangan na maunawaan nang tiyakan kung paano ang mga Israelita ay gumamit ng mga tiyak na parirala, partikular ang “Paskua” at ang pariralang “Tinapay na Walang Pampaalsa.” Ito’y nagbibigay ng susunod na piraso ng palaisipan ng Kasulatan.
Isang pag-aaral ng balangkas ng sanlinggo ng Pasyon ay ipinapakita ang katunayan na ang parirala ng Bagong Tipan na τά ἄζυμα (“tinapay na walang pampaalsa”), ay nagaganap sa ilang mga sanggunian ng mabuting balita sa panahon ng Kuwaresma. Ang pagpapahayag na ito’y isang tipikal na terminong Sinoptiko; at subalit, ang parehong Marcos at Lucas ay parang magkakaroon na ito’y naunawaan na sa panahon ng kanilang pagsusulat, ang mga pangalan ng pagdiriwang na τò πάνοχα at τά ἄζυμα ay ginamit nang salitan sa isang pangkalahatang diwa.3 Gayunman, ang ikalawa ng mga ito [mga termino] ay tila naging paborito ni Lucas sa pangangatawan ng panahon ng Paskua,4 at marahil si Mateo rin.5 Kinikilala rin ni Josephus ang alternatibong paggamit ng dalawang termino ng pagdiriwang na ito sa kanyang sariling araw.6 Tinatawag niya pa nga ang “ikalabing-apat” na “araw ng tinapay na walang pampaalsa.”7, 8
Ang wika ay lusaw at ang mga termino ay madalas ginamit sa higit pa sa isang paraan. Gaya ng salitang “Pasko” na naaangkop sa Disyembre 25, madalas rin itong ginamit para sa kapanahunan, ang panahon ng taglamig o ang buwan ng Disyembre. Sa panahon ng Mesias, ang mga terminong “Tinapay na Walang Pampaalsa” at “Paskua” ay naging termino ng kapistahan na ginamit sa buong sanlinggo, nagsisimula sa Paskua (Abib 14) at tuluy-tuloy sa buong pitong araw na kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa na nagsisimula sa Abib 15.
Dalawang kilalang manunulat ng unang siglo A.D ay ginagamit ang “Paskua” at “Tinapay na Walang Pampaalsa” nang salitan, minsang ginagamit ang “Tinapay na Walang Pampaalsa” na angkop sa Paskua; ang iba’y ginagamit ang “Paskua” sa buong kapistahan. Ang mga manunulat na ito’y sina Philo ng Alexandria (20 BC – 50 AD) at Josephus (37 AD – mga 100 AD).
Upang ang mga pahayag tungkol sa Paskua ng mga manunulat ng unang siglo ay maaaring maunawaan, mahalaga na ang kanilang mga termino ng kapistahan ay itala at ipaliwanag. Sa pangkalahatan, ang mga salita at mga pariralang ritwal ay isang hindi kilalang wika, at maaaring medyo kakaiba ang kahulugan mula sa kanilang Ingles na pagsasalin. Halimbawa, ang salitang Griyego na πάσχα, o ϕάσκα na minsang nagaganap, ay matatagpuan mga labing-dalawang beses kay Josephus. Isinasalin namin ito bilang Paskua, karaniwang nangangahulugan na Hapunan ng Kuwaresma. Ngunit karaniwan, kay Josephus, ang salita ay salitan sa walong araw na kapistahan ng tinapay na walang pampaalsa, at tatlong beses lamang ito tinukoy nang direkta sa ika-14 na araw ng Nisan [Abib], habang tiyakan na tatlong beses lamang ito nagpahiwatig sa kordero ng Paskua. At malinaw na wala pang lugar ang dumating sa liwang kung saan ang πάσχα ay nagtatalaga lamang sa hapunan, bagama’t maaari nitong tukuyin ang Paskua na alay at hapunan nang magkasama. Para kay Josephus, mayroong mga 25 sanggunian sa seremonya ng pag-aalay na ito.9
Isang halimbawa ng paggamit ni Josephus ng mga terminong “Paskua” at “Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa” nang salitan ay maaaring matagpuan sa Wars II.I.1-3 kung saan ipinahayag niya:
At ngayon ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay dumating na, tinawag na pascha [Paskua] ng mga Hudyo, isa na naglalaan ng dakilang bilang mga alay, hindi mabilang na mga tao, sa isang kamay, dumadaloy mula sa bayan para sa seremonya, habang sa kabilang dako, iyong mga nagluluksa para sa mga manggagamot ay nakatindig sa templo at kinuha ang mga bagong kaanib para sa kanilang pangkat.10
Sa siping ito, si Josephus ay nagbibigay ng konteksto para sa isang pag-aalsa ng mga Israelita na naganap sa Abib 14, Paskua, matapos ang kamatayan ni Herod ang Dakila. Ang kanyang paunang salita rito ay sa pagpapahayag na “ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay dumating na” ay nagpapatuloy pa sa pagpapaliwanag na ang pista mismo ay tinawag na “pascha/Paskua” ng mga Israelita. Ito ay tiyakan kung paano ang mga ebanghelyong Sinoptiko ay ginamit ang parirala.
Naging malinaw para kay Josephus ang mga terminong ginamit upang italaga ang dalawang panahon ng kapistahan ay naging hindi tumpak hanggang sa punto na salitan na ang mga ito. Si Josephus ay maaaring tinutukoy ang walong araw na panahong ito sa isang lugar bilang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa at sa ibang lugar ay ginagamit ang Paskua bilang kasing-kahulugan sa Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa o tinutukoy lamang ang buong panahon sapagkat kinukumpirma ang Paskua . . . na, sa karaniwang paggamit, ay isang pagkakaiba na hindi na ginawa sa pagitan ng Paskua at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa at ang Nisan 14 ay naging bahagi sa panahon ng kapistahan.11
Ang dahilan kung bakit ang mga termino ay madalas na ginamit nang salitan ay dahil lamang sa katunayan na ang tinapay na walang lebadura ay kinakain na sa Paskua at hindi lamang sa sumusunod na pitong araw. “Ang pariralang τά ἄζυμα [tinapay na walang lebadura] nang walang pagdududa ay mayroong pinagmulan sa kasanayang Lumang Tipan, na ang mga sinaunang kautusan na itinakda na ang tinapay na walang pampaalsa ay dapat na kainin kasama ang inihaw na kordero sa ika-14 na araw ng unang Hudyong buwan.”12 Ang pampaalsa ay tinanggal mula sa mga kabahayan sa ika-14, at ang pista ng Paskua sa gabing iyon ay ang pagkain ng tinapay na walang pampaalsa.
Ang kahirapan na lumilitaw sa mga tekstong ito ay malawak na nagmumula sa pagpapalagay na para kay Philo at Josephus, ang salitang πάσχα [pascha/Paskua] ay palaging tinutukoy ang kuwaresmang seremonya sa ika-14 ng Nisan [Abib]. Kabaligtaran nito, na naipunto na, ang salitang ito ay karaniwang tinutukoy ang buong pista ng tinapay na walang lebadura. At walang pagkakaiba ng kahulugan ang dapat na idahilan rito maliban kung kinatawan sa teksto.13
Narito, malinaw na naunawaan na ang “Paskua” at ang “Tinapay na Walang Pampaalsa” ay ginamit nang salitan sa isang diwa ng pagdiriwang upang gamitin sa buong kapanahunan, ganon din sa mga indibidwal na araw sa loob ng paggunita, oras na para muling siyasatin ang Marcos 14:1 at ang mga tekstong agad sumusunod:
Dalawang araw na lamang bago ang Paskua at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Patuloy na naghanap ng paraan ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kung paano palihim na maipadadakip si Yahushua at maipapatay. Sinabi nila, “Huwag sa panahon ng pista at baka magkagulo ang mga tao.” Samantalang nasa Betania si Yahushua, sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakaupo siya sa may hapag-kainan ay dumating ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng pabango. Mamahalin ang pabangong ito na mula sa katas ng purong nardo. Binasag ng babae ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Yahushua. (Marcos 14:1-3)
Ang dahilan kung bakit ang talaang ito ay nagdulot ng pagkalito ay lumilitaw ito na sumasalungat sa talaan ni Juan:
Anim na araw bago ang Paskua nang magpunta si Yahushua sa Betania, sa bahay ni Lazaro na binuhay niya mula sa mga patay. Naghanda sila ng pagkain para kay Yahushua. Nagsisilbi si Marta sa hapag kainan habang si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Yahushua. Kumuha si Maria ng halos kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa purong nardo. Ibinuhos niya ito sa mga paa ni Yahushua at pinunasan ng kanyang buhok. Napuno ng halimuyak ng pabango ang buong bahay. (Juan 12:1-3)
Walang oras ang dapat sayangin sa mga naiibang talaan ng tiyakan kung saan inilagay ni Maria ang ungguwento: sinasabi ni Marcos na sa ulo ni Yahushua; sinasabi naman ni Juan sa kanyang mga paa. Ang bawat pulis detektibo ay nalalaman na maging ang mga talaan ng saksi ay tila maaaring mag-iba sapagkat ang isang tao ay napapansin ang isang bagay o anggulo, habang ang isa pang tao ay nakatuon sa ibang bagay, bagama’t ang parehong talaan ay maaaring totoo. Ang simpleng kasagutan ay inilagay ni Maria ang ungguwento sa parehong mga paa at ulo ng Tagapagligtas.
Ang tunay na maliwanag na sagupaan ay lumilitaw sa malinaw na pahayag ni Marcos na ang Paskua ay nasa DALAWANG araw habang ang talaan ni Juan ay nagpapahayag na dumating si Yahushua sa Betania, ANIM na araw bago ang Paskua. Sa paglulutas sa malinaw na kontradiksyong ito, mahalaga na kunin ang mga Kasulatan gaya ng pagbabasa ng mga ito at hindi nagbibigay ng karagdagang kahulugan na wala naman sa mga ito.
Madali na tumalon sa mga konklusyon kapag ang teksto ay hindi umiiral . . . isang “hindi makakatakas na konklusyon.” Ang mga tekstong Betania ay isang kaso sa punto. Sinabi ba ni Juan na ang pagpapahid ay anim na araw bago ang Paskua? Hindi! Ang sinasabi ng teksto ay, “Anim na araw nga bago mag Paskua ay NAPAROON SI Yahushua sa Betania” (Juan 12:1, aking pagbibigay-diin). Pagkatapos ang pahayag na ito, ang talaan ng pagpapahid ay ipinakilala sa salitang Griyego na oun na ang ibig sabihin ay “pagkatapos, samakatuwid, alinsunod, dahil dito, sa gayon” (Thayer). Tinutukoy lamang ng oun sa susunod na bagay na nangyari na piniling talakayin ni Juan. Hindi ito mangangahulugan na ang hapag-kainan ay naganap sa kaparehong araw na si Yahushua ay dumating sa Betania.14 Kabaligtaran nito, inilarawan ni Marcos ang isang pagkakasunod ng mga kaganapan. Sa isang panahon kung kailan, “Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng Paskua” (Marcos 14:1a), ang mga lider na Hudyo ay nagsabwatan upang patayin si Yahushua (Marcos 14:1b). Ito’y naganap noong si Yahushua ay, “nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin” (Marcos 14:3). Sinasabi nito sa atin na ang pagpapahid sa Betania ay naganap dalawang araw bago ang Paskua, at si Yahushua ay dumating sa Betania anim na araw bago ang Paskua (o apat na araw bago ito).
Dahil dito, ang talaan ni Juan ay hindi sumasalungat sa talaan ni Marcos. Ngunit upang ganap na pahalagahan ang kumpletong pagkakasundo sa pagitan nina Juan at Marcos sa isyung ito, kinakailangan na kunin ang atensyon sa mismong unang Paskua na naitala sa Kasulatan. Sapagkat naisagawa, ang mga terminong “Paskua” at “Tinapay na Walang Pampaalsa” ay ginamit nang salitan upang gamitin sa buong kapanahunang pista. Anong madalas nakakaligtaan, gayunman, ay ang “kapanahunan” ay hindi nagsisimula sa ika-14 ng unang buwan, ngunit sa halip ay sa ikasampu kapag ang napakahalagang gawa ng paghahanda ay isinigawa.
“At si Yahuwah ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi, ‘Ang buwang ito’y magiging sa inyo’y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo. Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa’t lalake, ng isang kordero, ayon sa mga sangbahayan ng kani-kanilang mga magulang, isang kordero sa bawa’t sangbahayan: Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing: At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw.’” (Tingnan ang Exodo 12:1-3, 5,6.)
Ang ika-10 araw ng unang buwan ay ang araw kung kailan ang bawat sambahayan ay pipili ng isang sakdal na kordero o batang kambing para sa kanilang sakripisyong paghahandog. Bilang isang simbulo ng Tagapagligtas, ang bawat hayop ay dapat sakdal at wala kahit isang dungis. Ang mga batang hayop na ito ay ihahatid sa tahanan, huhugasan, hahaplusin, at papakainin. Habang ang mga ito’y isinasagawa, ang mga damdamin ng pamilya ay magsisimulang magbigkis sa batang nilalang. Kaya, kapag ang hayop ay pinaslang, ito’y magkakaroon ng mas malalim na epekto sa pamilya bilang isang simbulo ng Kordero ni Yah na papaslangin para sa mga kasalanan ng sanlibutan.
Ang pagkakaunawa sa salitang “Paskua” ay mayroong mas malawak na paggamit kaysa sa pagtukoy lamang sa tiyak na petsa ng Abib 14, ilan sa mga iskolar ay nagpahiwatig na ang araw kung kailan si Yahushua, sa katunayan ay, ang ika-10 araw ng buwan – ang mismong araw na ang mga hayop na iaalay ay palaging pinipili. Tandaan na ang mga Hebreo ay binibilang ang kanilang mga araw nang inklusibo, sa halip na eksklusibo na ginagawa sa kasalukuyan, ang tiyempo ng kapistahan sa bahay ni Simon ay ganap na umaangkop sa takdang panahon para sa kaganapan sa ika-10 araw ng buwan.
Ang mismong mga salita ng Tagapagligtas ay tila nagpapahiwatig na naunawaan niya ang kahalagahan ng pagpapahid ni Maria sa kanya sa liwanag na ito. Noong ang mga alagad ay nagsimulang punahin ang kagandahang-loob, sinabi ni Yahushua: “Bakit ninyo siya ginugulo? Hayaan ninyo siya. Isang mabuting bagay ang ginawa niya sa akin.” (Marcos 14:6, FSV) Pagkatapos, hinulaan niya ang kanyang kamatayan bago ang apat na araw na nalalabi, dagdag niya:
“Lagi ninyong kasama ang mga dukha, at kapag nais ninyo, maaari ninyo silang gawan ng mabuti. Ngunit ako’y hindi ninyo laging makakasama. Ginawa niya ang kanyang makakaya. Binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa aking libing.” (Marcos 14:7, 8, FSV)
Ang piging ay, tumutuloy, isang hapunan ng “pasasalamat” ang ibinigay para sa Tagapagligtas ng isang mayaman na Pariseo na nagngangalang Simon. Pinagaling ni Yahushua si Simon na ketongin (tingnan ang Marcos 14:3) at sa kanyang pagtanaw ng utang na loob na magaling na siya, inaliw ni Simon ang Tagapagligtas, ang kanyang mga alagad at si Lazaro sa isang marangyang kainan. Ang mismong anak ni Simon ay isa sa labing-dalawang alagad ni Yahushua. Ang alagad na ito na, nasa kaluwagan ng kanyang tahanan, ay unang nagpalagay para punahin ang mapagbigay na kaloob ni Maria at, sa pagpapahiwatig, ang pagtanggap ng Tagapagligtas nito.
Samantalang nasa Betania si Yahushua, sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakaupo siya sa may hapag-kainan ay dumating ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng pabango. Mamahalin ang pabangong ito na mula sa katas ng purong nardo. Binasag ng babae ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Yahushua. (Marcos 14:3)
Subalit isa sa kanyang mga alagad, si Judas Iscariote [anak ni Simon],15 na siyang magkakanulo sa kanya ay nagsabi, “Bakit hindi na lang ibinenta ang pabangong ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibinigay sa mahihirap?” Sinabi niya ito hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha, kundi dahil siya ay magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng supot ng salapi at kinukupitan niya ito. Sinabi ni Yahushua, “Hayaan mo siya. Pinaghahandaan lamang niya ang araw ng aking libing. Lagi ninyong kasama ang mga dukha, ngunit ako’y hindi ninyo laging makakasama.” (Juan 12:4-8)
Ang iba pang alagad, na humanga kay Judas sa kanyang kayamanan, kalinangan at kakintaban, ay agad sinundan ang kanyang halimbawa. Ang pagalit na reaksyon ni Judas laban sa mahinhin na pagsaway sa hapunan ng kanyang ama na direktang humantong sa pagtataksil kay Yahushua sa kamay ng kaparian. Matapos maitala ang pagsaway ni Yahushua sa kanyang mga alagad, ang mismong susunod na mga salita sa Marcos ay: “Pagkatapos, si Judas Iscariote, isa sa labindalawa, ay nagpunta sa mga punong pari upang ipagkanulo si Yahushua sa kanila. Natuwa ang mga punong pari nang marinig ito at nangakong bibigyan siya ng salapi. Mula noo’y naghanap na siya ng pagkakataong maipagkanulo si Yahushua.” (Marcos 14:10, 11)
Ang karagdagang madetalyeng ebidensya pa na sa hapunan sa bahay ni Simon na naganap sa ika-10 ng buwan ay maaaring matagpuan sa katunayan na ang mga sumusunod na kaganapan ay nangyari matapos ang kapistahan sa bahay ni Simon:
- Nakasama ni Judas ang mga punong kaparian at mga lider upang pagtaksilan si Yahushua. (Tingnan ang Lucas 22:1-6.)
- Ang araw matapos ang pista ni Simon ay ang matagumpay na pagpasok sa Jerusalem. (Tingnan ang Mateo 21:1-11 at Juan 12:12-15.)
- Sa pagdating sa Jerusalem, nilinis ni Yahushua ang templo mula sa mga nagtitinda at nagpapalit ng salapi. (Tingnan ang Lucas 19:45-48.)
- Iba’t ibang diskurso at palitan ang naitala sa iba’t ibang mabuting balita sapagkat nagaganap sa mga araw kasunod ng matagumpay na pagpasok sa Jerusalem, gaya ng mga Griyego na nakikiusap na makita si Yahushua. (Tingnan ang Juan 12:20-33.)
Kung ang piging sa bahay ni Simon ay naganap sa ika-12, dalawang araw lamang bago ang ika-14, hindi sasapat ang panahon para sa lahat ng nangyari na naitala sa Kasulatan sa pagitan ng hapunan at Huling Hapunan. Kinukumpirma nito ang pagkakasundo sa pagitan ng talaan ni Juan at Marcos.
Isa pang dagdag na piraso ng palaisipan ang lumagutok sa pwesto kasama ang katunayan na ang lahat ng apat na mabuting balita ay malinaw na ipinahayag na ang pagpako sa krus, na naganap sa Paskua, ay ang “araw ng paghahanda.”
Mateo 27:59, 60 at 62 – “Kinuha ni Jose ang bangkay [ni Yahushua] at binalot sa isang malinis na telang lino, at inilagay ito sa sarili niyang bagong libingan, na kanyang ipinaukit sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan, at siya’y umalis. Nang sumunod na araw, pagkatapos ng araw ng Paghahanda, nagpulong sa harapan ni Pilato ang mga punong pari at ang mga Pariseo.”
Marcos 15:42, 43 – “Dumidilim na noon, araw noon ng Paghahanda, ang araw bago ang Sabbath, naglakas-loob si Jose na taga-Arimatea na pumunta kay Pilato upang hingin ang bangkay ni Yahushua.”
Lucas 23:53, 54 – “Ibinaba niya [Jose na taga-Arimatea] ang bangkay, binalot sa telang lino at inilagay sa isang libingang inuka sa bato. Doon ay wala pang naililibing. Noon ay araw ng Paghahanda at malapit na ang Sabbath.”
Ito ay lubos na kapani-paniwalang ebidensya na ang apat na ebanghelyo o mabuting balita ay sumasang-ayon sa mga petsa ng Paskua at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Sa Biblikal na kalendaryong luni-solar, ang Paskua sa ika-14 ay palaging nagaganap sa ikaanim na araw ng sanlinggo.
Dahil dito, ang susunod na araw, ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay palaging tatapat sa ikapitong araw ng Sabbath na kinukumpirma ng Levitico 23:6 na ika-15 araw ng buwan. Tinatawag ng Kasulatan ang ika-14 o Paskua bilang “araw ng Paghahanda.” Maraming Sabbataryan ang gumamit ng termino upang iangkop sa bawat ikaanim na araw, dahil ito’y nagtatalaga sa ikaanim na araw bilang isang araw ng paggawa, naghahanda para sa Sabbath sa susunod na araw at tiyak ang posibilidad na ang mga Israelita ay ginamit ang termino sa paraang ito. Ang mismong Kasulatan, gayunman, inaangkop lamang ang tatak na iyon sa ika-14 o Paskua – ang araw bago ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.
Dahil ang unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay palaging tumatapat sa isang sanlingguhang Sabbath, ang araw ay tinawag na isang “dakilang Sabbath.”
“Pagkatapos, yumuko siya at isinuko ang kanyang espiritu. Dahil araw noon ng Paghahanda, ayaw ng mga Hudyo na manatili ang mga bangkay sa krus sa araw ng Sabbath, lalo na’t ang Sabbath na iyon ay dakila. Kaya hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nakapako sa krus at alisin ang mga bangkay.” Juan 19:30, 31, FSV
Ang Araw ng Paghahanda ay isang araw ng paggawa. Ito ay ang araw kung saan ang pampaalsa o lebadura ay tinanggal mula sa mga kabahayan (isang simbulo ng kasalanan na tinanggal mula sa templo ng kaluluwa). Ito ay kung kailan ang mga kordero ng Paskua ay pinaslang, pasulong na ipinupunto kung kailan ang Mesias ay papaslangin para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Ang katunayang ito, at ang tiyempo ng Araw ng Paghahanda, ay kinumpirma ng isang insidenteng naitala sa mga Sinoptikong ebanghelyo, na hindi naitala sa Juan. Ang insidenteng ito ay nagbibigay ng isa pang piraso ng palaisipan, nililinaw ang Biblikal na talaan ng tiyempo ng pagpako sa krus sa Paskua.
Nakaugalian na para sa mga hinatulang kriminal na dalhin ang kanilang mga krus sa kanilang landas tungo sa lugar ng pagbitay. Gayunman, naitala ng Mateo, Marcos at Lucas na may isang tao na nagdala ng krus ng Tagapagligtas para sa kanya. Ito ay hindi isang huling kilos ng awa na ipinakita ng isang inosenteng tao. Sa lahat ng pagkakataon, ang Tagapagligtas ay wala nang pisikal na kalakasan upang dalhin ang kanyang sariling krus dahil sa walang tulog na gabi na nakalipas at ang dami ng dugo na nawala mula sa pagpaparusang natanggap niya. Ang mga Romanong kawal ay nalutas ang problema sa pagpipilit sa isang tao na magdala ng kanyang krus para sa kanya:
- “Habang lumalabas sila sa lungsod, nakasalubong nila ang isang lalaking taga-Cirene, na nagngangalang Simon. Pinilit nila itong magpasan ng kanyang krus.” (Mateo 27:32)
- “Naglalakad noon galing sa bukid si Simon na taga-Cirene, ama ni Alejandro at ni Rufo. Pinilit nila itong pasanin ang krus ni Yahushua.” (Marcos 15:21)
- “Habang dinadala nila si Yahushua, hinuli nila si Simon na taga-Cirene na galing noon sa bukid at ipinapasan sa kanya ang krus upang dalhin kasunod ni Yahushua.” (Lucas 23:26)
Ilan sa mga manunulat ay naniniwala na ang pagpapaliwanag kay Simon na “lumalabas sa bayan” ay isang sanggunian kay Simon na nagtatrabaho at galing sa bukid. Dahil ito’y maaga ng umaga, mas malamang na dahilan na si Simon ay naglalakbay patungong Jerusalem ay para sa Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang pariralang “lumalabas sa bayan” ay nagpapahiwatig sa isang paglalakbay na mas dakila sa maiksing “paglalakbay sa araw ng Sabbath” na pinahintulutan sa mga banal na araw. Kung si Simon ay nagtatrabaho sa bukid o naglalakbay, ang tanging paraan na maaari niyang magawa alinman sa dalawang ito ay kung ang Paskua ay isang araw ng paggawa. Ang katunayan na ang tatlong Sinoptikong ebanghelyo na isinama ang kwentong ito ay kumpirmasyon na ang maagang paggamit ng pariralang “pista ng tinapay na walang pampaalsa” ay karaniwang naunawaan na sanggunian sa mismong Paskua.
Ang talaan ni Lucas ay bahagyang naiiba. Ipinahayag nito: “Sumapit ang Araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa kung kailan kailangang magpatay ng isang kordero bilang alay para sa Paskua.” (Lucas 22:7) Sapagkat naipakita, ang mga terminong “Paskua” at “Tinapay na Walang Pampaalsa” ay malawak na ginamit, sumasaklaw sa araw ng pagpili sa iaalay na kordero sa ika-10 hanggang sa huling araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa (sa ika-21) na agad susundan ng isang ikapitong araw ng Sabbath sa ika-22. Anong sumusunod sa Lucas 22 ay isang detalyadong paglalarawan ng Huling Hapunan na patuloy na ginugunita ngayon sa komunyong paglilingkod. Ang pinagdudugtong na piraso ng palaisipan sa pagitan ng tatlong sinoptikong mabuting balita at ang mabuting balita ni Juan ay matatagpuan sa katunayan na ang Huling Hapunan ay naganap ilang oras bago ang pagtataksil sa Tagapagligtas, sa katunayan, hindi ang aktwal na hapag-kainan sa Paskua.
Sa Hebreo, Aramaiko at Griyego, gaya sa Ingles, mayroong naiibang salita para sa pagpapahayag kung ang tinapay ay ginawa nang may lebadura (tinapay na may pampaalsa) o walang lebadura (tinapay na walang pampaalsa).
HEBREO
Tinapay na walang pampaalsa = matzah (o matzot para sa higit pa sa isa.)
Tinapay na may pampaalsa = lekhem (o lekhemim para sa higit pa sa isa.)
ARAMAIKO
Tinapay na walang pampaalsa = patireh
Tinapay na may pampaalsa = lakhma
GRIYEGO
Tinapay na walang pampaalsa = azumos (o azumon o azuma para sa higit pa sa isa.)
Tinapay na may pampaalsa = artos (o arton para sa higit pa sa isa.)
Nang walang iisang pagbubukod, sa bawat pagkakataon ang Kasulatan ay tinutukoy ang “Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa” ang salita para sa tinapay nang walang lebadura ay ginamit: matzah, patireh, azumos. Gayunman, saanman sa Kasulatan ang tinapay ng huling hapunan ay nabanggit, ang salita para sa tinapay na may lebadura ay ginamit: lakhma, artos. Kaya dahil dito, ang “Huling Hapunan” ay naganap sa araw bago ang aktwal na hapag-kainan ng Paskua.
Gayong naipakita, ang parehong Mateo at Juan ay ipinahayag na ang Huling Hapunan ay naganap bago ang Paskua at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Sa 1 Corinto 11:23 at 26-28, tuluy-tuloy na ginagamit ni Pablo ang salita para sa tinapay na may pampaalsa habang tinatalakay ang Huling Hapunan at ang espiritwal na kahalagahan nito. Habang si Juan ay hindi nagbigay ng isang talaan ng Huling Hapunan, nakatuon sa halip sa paghuhugas ng mga paa bago nito, sina Mateo, Marcos at Lucas ay nagkakaisa na ang tinapay na ginamit sa Huling Hapunan ay mayroong lebadura at kaya hindi maaaring ito ang hapag-kainan ng Paskua. Ito ay kinumpirma ng talaan ng Juan na paulit-ulit na tinutukoy ang araw ng pagpako sa krus bilang ang aktwal na araw ng Paskua, susundan ng unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. (Tingnan ang Juan 18:28; 18:39; 19:14; 19:31 at 19:42.) Para sa isang detalyadong pagpapaliwanag, tingnan Ang Huling Hapunan: Paskua? O Hindi?
Ang panghuling piraso ng patotoo na nagpapatunay sa lahat ng apat na mabuting balita na aktwal na tinutukoy ang mga kaparehong kaganapan sa mga kaparehong petsa ay maaaring matagpuan sa katunayan na ang buong bansa ay nagkaisa sa pagdiriwang ng Pentecostes. Ang tatlong Sinoptikong ebanghelyo na tunay na tinutukoy sa Paskua na nagaganap sa isang petsa na naiiba mula sa ibinigay sa mabuting balita ni Juan, pagkatapos ito ay tiyak na makakaapekto sa pagbibilang sa Pentecostes.
Bago ang Tagapagligtas ay umakyat sa Langit matapos ang kanyang muling pagkabuhay, nagbigay siya ng malinaw na direksyon sa kanyang mga alagad na manatili sa Jerusalem: “Habang kasama pa nila, nagbilin siya ng ganito sa mga alagad, ‘Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem; sa halip, hintayin ninyo ang ipinangako ng Ama na narinig ninyo sa akin. Nagbautismo sa tubig si Juan; subalit ilang araw na lamang, babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’” (Mga Gawa 1:4, 5)
Ang mga alagad ay tumalima sa kanilang bumangon na panginoon. Ang mga sumunod na araw ay isang panahon ng paghahangad ng puso at pagsisisi.
Pagsapit ng Araw ng Pentecostes, nagtitipon silang lahat sa isang lugar. Biglang nagkaroon ng isang ugong mula sa langit, gaya ng isang napakalakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kanilang kinaroroonan. May nakita silang tila mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nagsalita sa iba't ibang wika, ayon sa kakayahang magpahayag na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. (Mga Gawa 2:1-4)
Ang Pentecostes ay isa sa mga taunang kapistahan kung kailan ang lahat ng mga matatapat na Israelita ay bumalik sa Jerusalem para sa pagdiriwang nito. Ang katunayan na ang Jerusalem ay puno ng mga peregrinong ito mula sa mga malalayong lupain ay tinukoy sa mismong susunod na mga berso.
Naninirahan noon sa Jerusalem ang mga Judiong masigasig sa kanilang pananampalataya. Galing pa sila sa iba’t ibang mga bansa. Nang dumating ang ugong na ito, nagtipon sila at namangha sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa mga wika nilang mga nakikinig. Labis silang nagulat at namangha, kaya't sila'y nagtanong, “Pakinggan ninyo! Hindi ba mga taga-Galilea ang lahat ng mga nagsasalitang ito? Paanong nangyaring naririnig ng bawat isa sa atin ang ating mga sariling wika sa kanila? Tayong mga Parto, mga Medo, mga Elamita, mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia. Mayroon din sa ating taga-Frigia at Pamfilia, sa Ehipto at sa mga lupain ng Libya na sakop ng Cirene, at mga panauhing taga-Roma, mga Hudyo at mga nahikayat maging Hudyo. May mga taga-Creta at taga-Arabia rin dito. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga sariling wika tungkol sa mga kamangha-manghang gawa ng Elohim?” (Mga Gawa 2:5-11)
Ang kahanga-hangang listahan ng mga tao na may dugong Israelita, namumuhay sa maraming naiibang bansa at ang mga lokalidad ay kinukumpirma na sila rin, ay nasa Jerusalem para hayagang layunin ng pagpapanatili ng taunang kapistahan ng Pentecostes.
Kung si Juan at ibang manunulat ng mabuting balita ay naging salu-salungat sa kanilang kronolohiya sa petsa ng Paskua, paano dumating na hindi lamang ang lahat ng mga alagad, kundi ang mga Hudyo mula sa bawat bahagi ng Malapit sa Silangan, ay nasa ganap na pagkakasundo sa petsa ng Pentecostes, na sinisiyasat nila sa kaparehong araw. Kung mayroong pagkakaiba ng kuro-kuro sa petsa ng Paskua, tiyak na pupunta sa pagkakaiba sa petsa ng Pentecostes.16
Malayo mula sa pagbibigay ng mga magkakasalungat na talaan ng pagpako sa krus sa Paskua, ang apat na mabuting balita ay nasa pagkakasundo! Ang mga pagkakaiba sa kanilang mga talaan sa katunayan ay nagbigay ng kumpirmasyon na ang mga ito’y nasa pagkakasundo nang walang kontradiksyon ano pa man.
Ang katotohanan ay hindi sumasalungat sa sarili nito. Kung mayroong malinaw na pagkakaiba, ipinunto lamang nila ang isang lugar kung saan ang karagdagang pag-aaral ay kinakailangan. Sa mga lugar kung saan ang karunungan ni Yahuwah ay tiniyak na hindi lahat ng dulot ng pagdududa ay tinanggal, pinapahintulutan ang lahat na sanayin ang kanilang kalayaan ng pagpili na maniwala o magduda gayong hangad nila, hayaan ang mga mananampalataya na pumili na sanayin ang pananalig, “At kung walang pananampalataya, hindi maaaring malugod si Yahuwah sapagkat ang sinumang lumalapit sa Kanya ay dapat sumampalatayang may Elohim at Siya ang nagbibigay-gantimpala sa mga nagnanais maglingkod sa Kanya.” (Hebreo 11:6, FSV)
Habang ang mga kritiko ng pananalig ay mabilis na gumawa ng mga pagpapalagay at gamitin ang mga pagpapalagay na iyon upang pabulaanan ang Kasulatan, ang sumasampalatayang mag-aaral ay dapat na sanayin ang sarili na maingat na suriin ang mga salita (at kapayapaan) ng Kasulatan. Karamihan (kung hindi lahat ng mga kaso) ang mga palaisipan na haharapin natin ay nananahan sa ating sariling maling pagkakaunawa ng teksto, hindi ang mga salita ng Kasulatan mismo.17
Sa panahong ito kung kailan ang kaalaman ay dumarami ang bilang at maraming makalangit na patotoo ang muling ibinalik, ang lahat ay dapat maramdamang hinikayat na mag-aral para sa kanilang sarili ang bawat palagay ng kanilang mga paniniwala. Kung ang isang paniniwala ay nasa kamalian, ang Banal na Espiritu ay nanumpa na pangungunahan ang lahat ng naghahangad ng patotoo tungo sa isang kaalaman ng patotoong iyon. “Sa kanyang pagdating [ang Espiritu ng Katotohanan], ilalantad niya ang kamalian ng sanlibutan tungkol sa kasalanan at sa katarungan at sa paghatol.” (Juan 16:8, FSV)
1 Lahat ng mga sanggunian ng Kasulatan ay mula sa Filipino Stardard Version maliban kung tinukoy.
2 #4413, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.
3 Marcos 14:1; Lucas 22:1.
4 Mga Gawa 12:3; 20:6.
5 Mateo 26:17.
6 Ant[iquities], XVII.IX.3; B.II.I.3, etc.
7 B.V.III.1. Thackeray: “When the day of unleavened bread came round on the fourteenth,” etc.
8 Grace E. Amadon, “The Johannine-Synoptic Argument,” (orihinal na manuskrito ng inilathalang artikulo), Andrews University, James White Library, Collection 154, Box 2, Folder 1, p. 1, binigyang-diin.
9 Grace E. Amadon, “Important Passover Texts in Josephus and Philo,” (orihinal na manuskrito ng inilathalang artikulo), Andrews University, James White Library, Collection 154, Box 2, Folder 1, p. 1, orihinal na pagsalungguhit; ibinigay nang italiko.
10 Direktang pagsasalin ni G. E. Amadon, ibid.,p. 2.
11 Barry D. Smith, “The Chronology of the Last Supper,” Westminster Theological Journal 53:1 (1991), pp. 35 & 36.
12 Amadon, “The Johannine-Synoptic Argument,” op cit., p. 3.
13 Amadon, “Important Passover Texts in Josephus and Philo,” op cit., p. 9.
14 Ang Oun ay “hindi palaging pinagkalooban ang isang mahigpit na pananahilang koneksyon, ngunit maaaring ginamit nang mas maluwag bilang isang pansamantalang nag-uugnay sa pagpapatuloy ng isang salaysay” (A Greek Grammar of the New Testament and Other Early Christian Literature. F. Blass, A. Debrunner and Robert Funk. Chicago: University of Chicago Press, 1961, 234-5).
15 Para sa karagdagang kumpirmasyon ni Judas Iscariote bilang anak ni Simon, tingnan ang Juan 13:2-3 at 13:26.
16 Amadon, “The Johannine-Synoptic Argument,” op cit., p. 9.
17 Kyle Pope, “Dating Passover and the Last Supper,” Ancient Road Publications.