Ang World’s Last Chance ay isang pangkat ng hindi denominasyonal na mga boluntaryo na nakatuon ang kanilang sarili sa pagbabahagi ng mga mensahe ng tatlong anghel sa kabuuan nito. Kapag nagbigay ng ebidensya para sa Lunar Sabbath, ito’y pinag-aralan paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin hanggang sa wala na tayong pagpipilian na ipahayag ito sa mahahalagang Liwanag mula kay Yahuwah para sa Kanyang bayan sa huling araw. Kami’y pinagpala ng bagong Liwanag tungkol sa Banal na Pangalan ng Makalangit na Ama at Banal na Pangalan ng Kanyang anak, si Yahushua. Kaya noong ang panukala ay inilatag sa harapan namin na ang mga “tanyag” na pamamaraan, kabilang ang amin, ng pagbibilang sa Pista ng mga Sanlinggo (Pentecostes) ay hindi tama, ang pangkat ng WLC ay muling dumating sa isang mahalagang sangang-daan sa Biblikal na Doktrina! Bagama’t may pag-aalinlangan, kailangan natin itong pag-aralan at sumulong sa paglalakbay kasama ang bigat ng ebidensya, saanman ito maaaring manguna. Ang ating Mapagmahal at Maawaing Yahuwah Ama ay tunay na pinanumnumbalik ang lahat ng Kanyang mga banal na kautusan. Kami’y taos-pusong naniniwala na kami’y nasa kamalian kung paano magbilang sa Pista ng mga Sanlinggo! Sa halip na pagpapakita ng isang napakalaking pintas sa aming mga konklusyon, ibibigay namin sa iyo kung ano ang nararamdaman namin ay mas mainam na ebidensya upang iwaksi ang dati naming pagkakaunawa ng pagbibilang sa Pista ng mga Sanlinggo (pitong kumpletong Sabbath at dagdag na isang araw) pabor sa kalkulasyon ng 7 kumpletong Sabbath at pagkatapos ay magdadagdag ng 50 araw (Levitico 23:16), inilalagay ang Pista ng mga Sanlinggo sa ika-28 o ika-29 ng Ikaapat na Buwan sa Kalendaryong Luni-Solar ni Yahuwah. Pakiusap na maging taga-Berea at pag-aralan ang mga puntong ito para sa iyong sarili, sapagkat ang bawat isa ay dapat magpasya para sa kanilang sarili batay sa anong pinaniniwalaan nila na bigat ng maka-Kasulatang ebidensya.
“…tinanggap nila ang salita nang buong pananabik at sinisiyasat araw-araw ang mga Kasulatan kung tunay nga ang ipinapangaral sa kanila. Kaya marami sa kanila ang sumampalataya…” Mga Gawa 17:11-12
Nasa ibaba ay isang tsart na naglalarawan ng mga Araw ng Pista at kanilang mga petsa sa Biblikal na Kalendaryong Luni-Solar. I-click rito para makita ang mas malaking larawan.
Pansinin na ang bagong pagkakaunawa na ito ay lumilikha ng isang magandang modelo ng mga Pista sa Tagsibol, Tag-init, at Taglagas; bawat isa’y katuwang sa isang kapanahunan ng pag-aani. Ang Pista ng mga Sanlinggo ay ang tanging kapistahan na hindi isang nakapirming araw sa Kalendaryo ni Yahuwah; nagkataon, ito rin ang tanging Pista na sinabi sa atin na magbilang upang mahanap ang araw (Tingnan ang Levitico 23:16).
Narito ang mas detalyadong tsart na nagpapaliwanag ng mga kalkulasyon kung paano ang pagbibilang sa Pista ng mga Sanlinggo (Pentecostes). Ang kalkulasyon ay lubos na simple at may dalawa ka lamang na pagpipilian.
Mula sa Araw ng Unang Bunga (Abib 16), tayo’y tinuruan na magbilang ng pitong kumpletong Sabbath. Ito’y palaging magdadala sa atin sa ikawalo ng Ikatlong Buwan. Sinasabi sa atin ng Kasulatan nang malinaw na mula sa araw ng pagkumpleto ng pitong Sabbath, magbibilang tayo ng 50 araw (Muli, tingnan ang Levitico 23:16). Kaya sa araw matapos ang ikawalo ng Ikatlong Buwan, susundan ito ng pagbibilang ng 50 araw; unang araw sa ikasiyam ng Ikatlong Buwan. Kung ang Ikatlong Buwan ay mayroong 30 araw, ang ika-50 araw ay tatapat sa ika-28 ng Ikaapat na Buwan. Kung ang Ikatlong Buwan ay mayroong 29 na araw, ang ika-50 araw ay tatapat sa ika-29 ng Ikaapat na Araw. Ganoon lamang kasimple.
Ang mga pagbabagong doktrinal ay HINDI maliit na bagay, at ito ay isang pinakamalubhang isyu sa lahat sa WLC. Bilang mga matatapat na mag-aaral ng Bibliya, gayunman, palagi dapat tayong padaig sa bigat ng ebidensya, kahit na ito’y wala sa pagkakatugma sa ating mga itinatanging tradisyon at paunang pagpapalagay. Kung tayo ay tatanggap ng mas dakilang liwanag, dapat tayong sumunod sa liwanag na agaran sa harapan natin.
“Nguni’t ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.” Kawikaan 4:18, ADB
Dahil sinabi iyon, narito ang ilang solidong punto ng ebidensya na pumapabor sa pagbibilang ng Pista ng mga Sanlinggo sa pitong kumpletong Sabbath (o pitong kumpletong sanlinggo) at MAY DAGDAG na 50 Araw:
“At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga
ng pag-aani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon.” (Exodo 34:22)
“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan na lang at anihan na?’” (Juan 4:35, FSV)
Isang pag-aaral ng salaysay ni Juan ang nagpapahiwatig na si Yahushua ay marahil sinabi ito sa panahon ng Paskua (iyon ay ang Unang Buwan). Ibig sabihin nito ay naniwala si Yahushua na ang trigo ay hindi pa handa na anihin hanggang sa kalagitnaan ng Tag-Init. Walang nakipagtalo sa kanya!
Upang mapanatili ang ikasiyam na araw ng ikatlong lunasyon na tamang petsa para sa pagtalima sa Pentecostes, dapat tayong maniwala na ang eksena sa balon dito (sa Juan 4) ay naganap sa Taglamig. Ito’y tila hindi makatuwiran, sapagkat ang kronolohiya ng salaysay ni Juan kasama ang konteksto ng pakikipag-usap ni Yahushua sa babae sa tabi ng balon ay malakas na nagpapahiwatig na ang isang peregrinasyong kapistahan ay malapit na.
Mahalagang itala rin ang literal na pagsasalin ni Fenton ng Griyegong teksto. Nagpapahiwatig si Fenton na si Yahushua sa katunayan ay ipinahayag nang malinaw na ang pag-aani ng trigo ay nagaganap sa “ikaapat na buwan.”
“Hindi mo ba sinasabi, ‘Ang pag-aani ay darating sa ikaapat na buwan’? Tingnan mo! Sasabihin ko sa iyo, at siyasatin ang batawan; sapagkat sila’y namuti na para sa pag-aani.” (Juan 4:35, Fenton)
“At sinabi ng Panginoon kay Moises, ‘Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egipto, na lumagpak sa tao, at sa hayop, at sa bawa't halaman sa parang sa buong lupain ng Egipto.’ . . . At ang lino at ang cebada ay nasaktan; sapagka’t ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na. Datapuwa’t ang trigo at ang espelta ay hindi nasaktan: sapagka’t hindi pa tumutubo [Strong’s H648].” (Exodo 9:22-32)
Noong umulan ng yelo sa maagang bahagi ng Abib (Unang Buwan), ang trigo ay hindi nawasak dahil ito’y hindi pa hinog (hindi pa umuusbong). Ang Tyndale Bible ay itinataguyod ang pagkakaunawang ito:
“Bagama’t ang trigo at espelta ay hindi nasira, sapagkat sila’y huling itinanim.” (Exodo 9:32, Pagsasalin ng Tyndale Bible)
Upang ang trigo ay maihanda para sa pag-aani sa ikasiyam na araw ng ikatlong lunasyon (Sivan 9), kailangang tumungo ito mula sa binhi hanggang sa pag-aani sa loob ng dalawang buwan! Ito’y hindi posible. Ang trigo ay karaniwang tumatagal ng 100-120 para lumago (mga tatlo’t kalahati hanggang apat na buwan).
Mula sa mga detalye ng kalendaryo na naitala sa Exodo, maaari nating tapusin nang walang pagdududa na si Moises ay bumaba mula sa Bundok Sinai kasama ang Sampung Utos ni Yahuwah, eksakto 50 araw matapos ang pitong kumpletong Sabbath. Nagkataon, maraming iskolar ng Bibliya ang sumang-ayon na ang Pista ng Pentecostes ay isang pag-alala (anibersaryo) ng pagbibigay ng Kautusan.
Ito’y hindi gagawa ng anumang kahulugan kung ang Pentecostes ay ipagdiriwang sa Sivan 6 o 91 (ang ikaanim o ikasiyam ng Ikatlong Buwan). Ang Israel ay hindi pa dumating sa Bundok Sinai sa ikasiyam ng Ikatlong Buwan, at hindi pa natatanggap ang Kautusan! Narito ang mga detalye ng pagbibilang ng 50 araw:
Sa Exodo 19:1, mababasa natin: “Sa ikatlong buwan, pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto, ay dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai.” Mula rito’y natutunan natin na ang Israel ay dumating sa Bundok Sinai sa ika-15 araw ng Ikatlong Buwan. Maaari nating malaman ito dahil sinasabi sa atin ni Moises na sila’y dumating sa kaparehong araw ng buwan na nilisan nila ang Egipto, ang ika-15 (Mga Bilang 33:3). Ibig sabihin nito’y ang Israel ay dumating sa Bundok Sinai, eksaktong pitong araw matapos ang “pitong kumpletong Sabbath,” na palaging ang ikawalo ng Ikatlong Buwan (Tingnan ang tsart sa ibabaw).
Kung tayo’y magpapatuloy sa pagbabasa, makikita natin na ang mga Israelita ay inutusan ni Moises na pabanalin ang kanilang sarili at hugasan ang kanilang mga pananamit sapagkat makakasama nila si Yahuwah – tatlong araw mula sa panahong ito. “Sapagka’t sa ikatlong araw ay bababa si Yahuwah sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai” (Exodo 19:10-11). Sa pamamagitan nito’y maaari nating tapusin na si Yahuwah ay bumaba sa Bundok Sinai sa paningin ng lahat ng tao, eksaktong 10 araw matapos ang “ikapitong kumpletong Sabbath” (ikawalong araw ng Ikatlong Buwan + pitong araw + tatlong araw).
Sa Exodo 20:18-21, mababasa natin na ang mga Israelita ay natakot sa presensya ni Yahuwah, kaya sila’y nakiusap kay Moises na magsalita kay Yahuwah para sa kanila. Pagkatapos nito’y umakyat si Moises sa bundok, kung saan siya’y nanatili sa loob ng “apat na pung araw at apat na pung gabi” (Exodo 24:18). Matapos ang 40 araw, bumaba na si Moises sa Bundok Sinai kasama ang Sampung Utos ni Yahuwah (Deuteronomio 9:9-12). Mula rito, maaari nating tapusin nang may katiyakan na bumaba si Moises sa Bundok Sinai kasama ang Kautusan, EKSAKTONG 50 araw matapos ang “ikapitong kumpletong Sabbath” (ikawalong araw ng Ikatlong Buwan + pitong araw + tatlong araw + 40 araw). Kahanga-hanga! Kaya tayo’y sumasang-ayon na ang Pista ng mga Sanlinggo ay isang paggunita ng pagbibigay ng Kautusan! At ngayo’y maaari na natin itong panatilihin sa tamang araw! Purihin si Yahuwah!
ESPESYAL NA TALA sa tiyempo ng PAGBIBIGAY ng kautusan – para sa bayan [ang Ekklesia sa ilang (Mga Gawa 7:38)]: Sa buong Exodo 19 at 20, sinalaysay sa atin na ang lahat ng bagay na sinalita ni Yahuwah at ang sa bayan ay nakabatay sa pamamagitan ni Moises. Ang layunin nito ay para kumpirmahin ang posisyon ni Moises bilang iniluklok / itinalagang lider / tagapamagitan. [Gaya ni Yahushua na itinalaga ni Yahuwah bilang tagapamagitan] Exodo 19 3 At si Moises ay lumapit kay Yahuwah, at tinawag ni Yahuwah siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel. 8 At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ni Yahuwah ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan kay Yahuwah. 9 At sinabi ni Yahuwah kay Moises, Narito ako’y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako’y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan kay Yahuwah. 25 Sa gayo’y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila. Exodo 20 Narito si Yahuwah ay NAGSALITA / NAGPAHAYAG ng 10 utos [kay Moises na malapit at naunawaan ang Kanyang mga salita] ngunit ang lahat ng mga tao ay napagtanto na si Yahuwah ay nagsasalita kay Moises. 18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. 19 At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay. 20 At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot: sapagka’t si Yahuwah ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala. 21 At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ni Yahuwah. 22 At sinabi ni Yahuwah kay Moises, Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel: Kayo ang nakakita na ako’y nakipagusap sa inyo mula sa langit. Mula sa ibabaw, maaari nating pagtibayin ang sumusunod: Sa Exodo 20, ang 10 utos ay SINALITA / IPINAHAYAG sa malinaw na pagkakaunawa ni Moises ngunit ang mga tao ay hindi naunawaan ang mga salita. Ang mga ito sa huli’y ISINULAT sa tableta at IBINIGAY kay Moises bilang pinuno / lider / kinatawan ng Israel at lahat ng iba pa kabilang ang mga magkahalong kawan na nagkampo sa Bundok Sinai. “At sinabi ni Yahuwah kay Moises, Sampahin mo ako sa bundok, at dumoon ka: at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato, at ng kautusan, at ng utos na aking isinulat, upang iyong maituro sa kanila.” (Exodo 24:12) Ang simbolismo rito ay natatangi kay Moises, ang tagapamagitan, hawak na ang kautusan bago ito IBINIGAY sa Israel [ang Ekklesia sa ilang – Mga Gawa 7:38] gaya ni Yahushua, ang ating tagapamagitan, taglay ang Banal na Espiritu bago ito ibinigay sa Ekklesia sa Pista ng mga Sanlinggo [Pentecostes]. “Siya ang kasama ng kapulungan [Ekklesia] sa ilang. Kasama siya ng anghel na nagsalita sa kanya sa Bundok ng Sinai, at kasama ng ating mga ninuno. Tumanggap siya ng mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin.” (Mga Gawa 7:38) PAGWAWAKAS: Ang mga utos ay IBINIGAY sa Israel [ang Ekklesia sa ilang] MATAPOS lamang si Moises ay umakyat at sa huli’y bumaba kasama ang SALITA ni Yahuwah mula sa bundok. Ang Banal na Espiritu ay IBINIGAY sa Ekklesia sa “Pentecostes” [Pista ng mga Sanlinggo], MATAPOS lamang si Yahushua ay umakyat sa langit at bumaba kasama ang ESPIRITU ni Yahuwah bilang Banal na Espiritu.
|
Mahalagang itala rin si Aaron (ang dakilang pari), isang araw nang maaga, kahit papaano’y nalaman na ipinahayag ang isang “pista kay Yahuwah” sa mismong araw na ito – EKSAKTONG 50 araw matapos ang “ikapitong kumpletong Sabbath.”.
“At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, ‘Bukas ay pista [Strong’s H2282] kay Yahuwah.’” (Exodo 32:5)
Tandaan: Hindi sinaway ni Yahuwah ang Kanyang dakilang pari [Aaron] para sa pagpapahayag ng isang pista sa maling araw; sa halip, binanggit ni Yahuwah ang idolatrya na dahilan ng Kanyang galit. (Exodo 32:7-9; Deuteronomio 9:16, 20)
Bumaba si Moises sa bundok kasama ang Sampung Utos ni Yahuwah sa kaparehong araw na si Aaron (ang dakilang pari) kahit paano ay nalaman na ipahayag ang isang “pista [khag] kay Yahuwah.” Ito’y naganap, EKSAKTONG 50 ARAW MATAPOS ANG “IKAPITONG KUMPLETONG SABBATH”! HINDI makatuwiran na balewalain sa lahat ng mga bagay na ito na nagkataon lamang.
Tandaan: Tila ang mga anak ng Israel ay inaabangan ang isang pista sa mismong araw na ito, para sa naunang araw, nakikita natin na noong nakita nila si Moises na “naantala,” sila’y tumungo kay Aaron, at nagsimulang gumawa ng kanilang [masamang] pansariling paghahanda para sa isang pista sa sumunod na araw. “At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok, ay nagpipisan ang bayan kay Aaron, at nagsabi sa kaniya, Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin; sapagka’t tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto, ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya.” (Exodo 32:1, ADB)
Nagkataon, ito ay isa sa mga pinaka kapansin-pansing patotoo para sa Lunar Sabbath! Sa pamamagitan lamang sa pagbibilang ng “pitong kumpletong Sabbath” sa kalendaryong luni-solar, at pagkatapos ay magbibilang ng 50 araw, maaari mong matagpuan ang Biblikal na Pista ng mga Sanlinggo! Ibig sabihin nito na tangi lamang ang mga gumagamit ng kalendaryong luni-solar upang tantyahin ang mga Ikapitong Araw ng Sabbath (kasama ng ibang araw ng kapistahan) ay maaaring matagpuan ang Pista ng mga Sanlinggo na itinalaga ni Yahuwah – ang pista na pinakamalapit na iniugnay sa pagbubuhos ng Banal na Espiritu at ang huling ulan!
“Si Yahuwah, ginawa niya kaming karapat-dapat na maging mga lingkod ng bagong tipan, isang tipan na hindi batay sa titik, kundi sa Espiritu, sapagkat ang titik ay pumapatay, subalit ang Espiritu ay nagbibigay buhay. Ngayon, kung ang paglilingkod na may dalang kamatayan na nakasulat at nakaukit sa mga bato ay dumating na may kaluwalhatian . . . di ba’t magtataglay ng higit na kaluwalhatian ang paglilingkod na dala ng Espiritu?” 2 Corinto 3:6-8
Sinabi ni Yahuwah na ang unang bunga ng pag-aani ng trigo ay ang itinanim ng Israel sa bukid.
“At ang Pista ng Pag-aani [Pista ng mga Sanlinggo] ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: Ang mga pinakauna ng mga unang bunga ng iyong lupa ay iyong ipapasok sa bahay ni Yahuwah mong Elohim.” (Exodo 23:16, 19)
Ayon kay Josue, sila’y hindi dumating sa “lupain ng pangako” hanggang Abib (Tingnan ang Josue, Kabanata 3-5). Para sa mga anak ng Israel na makakayang mag-alay ng isang bagong [trigo] sa Pista ng mga Sanlinggo na itinanim nila mismo sa bukid, sila’y magtatanim ng trigo sa tagsibol [na mahihinog sa tag-init] matapos silang dumating sa lupain sa Unang Buwan. Isang pisikal na imposibilidad para sa trigo na mahinog sa loob ng 50 araw. Ang PINAKAMAAGA para sa mga Israelita na magkaroon ng aanihing trigo na sila mismo ang nagtanim ay sa huling bahagi ng Ikaapat na Buwan.
Patuloy na iniuugnay ng Kasulatan ang pag-aani ng trigo sa pag-aani ng ubas, parehong nagaganap sa tag-init. Ang “bagong alak” na sinasabi sa Mga Gawa 2 ay hindi pa makukuha sa Ikatlong Buwan (tagsibol).
“May nagpakita sa kanila na nagkakabaha-bahaging mga dila tulad ng apoy at ito ay lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita sa ibang mga wika ayon sa ibinigay ng Espiritu sa kanila na kanilang sasabihin. Ang iba ay nangungutyang nagsabi: ‘Sila ay mga lango sa bagong alak. [Strong’s G1098]’” (Mga Gawa 2:3-4, 13)
Nagsasalita si Pedro sa Araw ng Pentecostes: “Subalit ito ang sinabi ng propetang si Joel: Mangyayari sa mga huling araw, sabi ni Yahuwah: Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng mga tao. Ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay maghahayag ng salita ni Yahuwah. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain. Ang inyong mga matandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip. Sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga aliping lalaki at mga aliping babae. At sila ay maghahayag ng salita ni Yahuwah.” (Mga Gawa 2:16-18, ASND)
Nagsisipi si Pedro mula sa sumusunod na sipi: “At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis. At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang Aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang Aking Espiritu.” (Joel 2:24, 28-30, ADB)
Ang Kasulatan ay patuloy sa pag-uugnay ng pag-aani ng trigo sa pag-aani ng ubas, parehong naganap sa tag-init. (Tingnan: Nehemias 13:15; 2 Paralipomeno 31:5; Jeremias 8:20; Jeremias 40:10; Daniel 2:35; Mikas 7:1; Mga Hukom 15:1-5; Hagai 1:11; Joel 2:24-28) Tandaan: Ang mga butil na pananim (gaya ng trigo) ay madalas isalin bilang “mais.”
Ang bagong pagkakaunawa na ito ay nagpapaliwanag kung bakit tayo tinuruan ni Yahuwah na “magbilang” (Tingnan ang Levitico 23:16) – at kung bakit tayo hindi lamang tinuruan na tumalima sa isang nakapirming petsa (iyon ay Sivan 6 o 91).
Kapag siniyasat natin ang aktwal na Hebreo ng Levitico 23:16, nahanap natin ang isang problema. Kapag kinumpara ang Tagalog na pagsasalin sa Hebreo, mapapansin mo na ang mga tagapagsalin ay pinabayaan na isalin ang isa sa mga karakter o mga salita!
Mula sa mga leksikong tsart sa ibabaw, maaari nating makita nang malinaw na ang ‘ad – min – mochorath ay pinakatumpak na isinalin bilang “MAGMULA sa kinabukasan”.
Pansinin sa pulang kahon sa ibabaw na kapag ang ‘ad ay sinamahan ng min, ibig sabihin nito ay “Magmula”.
“Sa makatuwid baga’y MAGMULA sa kinabukasan ng ikapitong Sabbath, bibilang kayo ng limang pung araw; at maghahandog kayo ng bagong handog na harina kay Yahuwah.” Levitico 23:16
Ito ay kung bakit kami naniniwala na ang Ferrar Fenton Translation ay nag-aalok ng isang mas tumpak na pagsasalin ng bersong ito:
Ang WLC sa anumang paraan ay hindi itinataguyod ang pagsasalin ni Fenton sa kabuuan nito.
Si Ginoong Fenton, gayunman, ay malinaw na matapat sa tekstong Hebreo kapag isinasalin ang Levitico 23:15-17, habang ang ibang tagapagsalin ay hindi.
Matapos ang maingat at madasaling pag-aaral ng Biblikal at makasaysayang ebidensya, ang WLC ay walang ibang pagpipilian kundi ipahayag na ang pagbibilang sa Pista ng mga Sanlinggo ay ang Pitong Kumpletong Sabbath + 50 araw. Kami’y nagbigay ng ebidensya para sa aming paniniwala. Ngayon, kami’y mapagkumbabang nakikiusap sa iyo, sa paningin ni Yahuwah, na pag-aralan ang mga puntong ito para sa iyong sarili.
“Ang mahigpit na integridad ay dapat na itangi ng bawat mag-aaral. Ang bawat kaisipan ay dapat lumiko nang may mapitagang atensyon sa ipinakitang salita ni Yahuwah. Ang liwanag at kagandahang-loob ay ibibigay sa mga sumusunod kay Yahuwah. Tataglayin nila ang mga kahanga-hangang bagay mula sa Kanyang kautusan. Ang mga dakilang patotoo na hindi napapansin at hindi nakikita mula sa araw ng Pentecostes, ay sisinag mula sa salita ni Yahuwah sa kanilang likas na kalinisan. Para sa mga tunay na umiibig kay Yahuwah, ang Banal na Espiritu ay ipapakita ang mga patotoo na kumupas mula sa kaisipan, at ipapakita rin ang mga patotoo na ganap na bago.” –Fundamentals of Christian Education, p.473*
Kapag nakaharap ang hindi pamilyar na doktrina, likas lamang na magkaroon ng mga reserbasyon, katanungan at pag-aalala. Bilang taimtim na mag-aaral ng Bibliya at umiibig sa Katotohanan, dapat nating lapitan ang lahat ng iminungkahing liwanag nang may sukdulang pag-iingat, pangangalaga, at panalangin. Narito ang ilang alalahanin na tutugunan sa ating sarili upang ganap at matapang na yakapin ang Bagong Liwanag na ito!
TANONG: “Sa muling pagsasalaysay ng Kautusan sa Deuteronomio 16:9-10, walang sanggunian sa karagdagang pagbibilang ng 50 araw. Kung tayo’y dapat magbibilang ng 50 araw bilang karagdagan sa pitong kumpletong Sabbath, hindi ba ito dapat banggitin sa mga siping ito?”
SAGOT: Mapapansin mo na maraming detalye ang nawawala mula sa Deuteronomio 16. Halimbawa, walang petsa ang ibinigay para sa Paskua, Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, o Pista ng mga Tolda. Isa pa, tungkol sa Pista ng mga Sanlinggo, walang banggit ng ika-50 araw (o ang araw matapos ang ikapitong kumpletong sanlinggo / Sabbath). Kung titingin lamang tayo sa kabanatang ito, hindi natin malalaman nang may katiyakan kung kailan tatalima sa anuman sa mga Kapistahan. Ang kawalan ng mga detalye sa kabanatang ito ay tiyak na lubos na nakakapagtaka, ngunit hindi depinitibong magpapatunay ng anumang bagay. Ang pagkukulang ng mga detalye ay hindi katumbas na gumawa ng isang salungatang pahayag. Ang bawat piraso ng ebidensya ay dapat na isaalang-alang. Gaya ng lahat ng pag-aaral ng Bibliya, paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin (Isaias 28:10).
TANONG: “Hindi ba ipinahayag ng Kasulatan na ang trigo ay aanihin sa panahon ng Tagsibol?”
SAGOT: Saan sa Kasulatan ipinahayag na ang pag-aani ng trigo na napatapat sa Pista ng mga Sanlinggo na naganap sa Tagsibol?
Patuloy ang Kasulatan sa paggawa ng koneksyon sa pagitan ng pag-aani ng ubas at pag-aani ng trigo, parehong nagaganap sa TAG-INIT. (Pagbibilang mula sa Unang Bunga, Pitong Kumpletong Sanlinggo + 50 araw = katapusan ng Hulyo / simula ng Agosto – Sa KALAGITNAAN NG TAG-INIT)
Pansinin ang mga sumusunod na berso:
“Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang NAGPIPISA SA MGA UBASAN sa sabbath, at NAGDADALA NG MGA UHAY, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng ALAK, MGA UBAS, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain.” (Nehemias 13:15)
“At paglabas ng utos, ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga UNANG BUNGA ng [H1715 dagan, “trigo”] BUTIL, ALAK, at langis, at pulot, at sa lahat na bunga sa bukid; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana.” (2 Paralipomeno 31:5)
“Ang PAG-AANI ay nakaraan, ang TAG-INIT ay lipas na, at tayo’y hindi ligtas.” (Jeremias 8:20)
“…Nguni’t kayo, mangagpisan kayo ng ALAK at ng mga BUNGA SA TAG-INIT at ng langis, at inyong ilagay sa inyong mga sisidlan, at kayo’y magsitahan sa inyong mga bayan na inyong sinakop.” (Jeremias 40:10)
“Nang magkagayo’y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang DAYAMI sa mga GIIKAN SA TAG-ARAW; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon….” (Daniel 2:35)
“Sa aba ko! Sapagka’t ako’y gaya ng kanilang pisanin ang mga BUNGA SA TAG-INIT, gaya ng mga PAMUMULOT NG UBAS sa ubasan: walang kumpol na makain; ako’y nananabik sa UNANG BUNGA NG IGOS.” (Mikas 7:1)
“Nguni’t nangyari pagkatapos ng sangdaling panahon, sa panahon ng PAG-AANI NG TRIGO, na dumalaw si Samson na may dalang isang anak ng kambing sa kaniyang asawa . . . At nang kaniyang masulsulan ang mga sigsig, ay kaniyang binitiwan sa NAKATAYONG TRIGO ng mga Filisteo at sinunog kapuwa ang mga mangdala at ang NAKATAYONG TRIGO, at gayon din ang mga olibohan.” (Mga Hukom 15:1, 5)
“At ako’y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa TRIGO, at sa ALAK, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay.” (Hagai 1:11)
“At ang mga lapag ay MANGAPUPUNO NG TRIGO, at ang mga kamalig ay AAPAWAN ng ALAK at langis. . . . At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain.” (sinipi ni Pedro sa Mga Gawa 2 – Joel 2:24-28)
TANONG: “Narinig ko na ang pagbibilang tungo sa Jubileo ay isang sakdal na salamin ng pagbibilang sa Pentecostes, kasama ang pagbibilang ng 49 taon + 1 taon = 50 taon.”
SAGOT: Wala saanman sa Kasulatan ang nagpapahayag na ang pagbibilang sa Jubileo ay “isang sakdal na salamin ng pagbibilang sa Pentecostes, kasama ang pagbibilang ng 49 + 1.” Ang bigat ng ebidensya pabor sa pagtataya ng Pentecostes, 50 araw matapos ang ikapitong kumpletong Sabbath ay malayo ang higit na mas matimbang sa anumang ipinalagay na koneksyon sa pagitan ng Jubileo at ang pagbibilang sa Pentecostes.
TANONG: “Kung ang Pista ng mga Sanlinggo ay aktwal na 99 o 100 araw mula sa Abib 16, paano ito maaaring tukuyin bilang ‘Pentecostes’, na salitang Griyego para sa ika-50?”
SAGOT: Oo, ang Pentecostes ay nangangahulugang “ika-50” sa Griyego, ngunit ito’y nagpapatotoo ng walang anumang paraan. Ang katunayan, na sa bagong pagkakaunawa na ito, “magbibilang” ka ng 50 araw kasunod ng ikapitong kumpletong Sabbath nang higit na makatuwiran sa Pista na isinangguni bilang “Pentecostes.”
1 Sivan 6: Ang tanyag na teolohiya ay itinuturo na ang Pentecostes ay nasa Sivan 6. Ito ay dahil pinaniwalaan na ang Sivan 6 ay palaging eksaktong 50 araw matapos ang Araw ng Unang Bunga (Abib 16). Ang pamamaraang ito ay ipinalagay nang mali sa modernong sanlinggo ng kalendaryong Gregorian at ang Biblikal na sanlinggo ay magkasingkahulugan. Mahalagang itala na ito rin ay isang pagpapatiwakal na pamamaraan ng pagbibilang dahil kinikilala nito ang Abib 16 (ang simulaing punto para sa pagbibilang) ay palaging “mula sa kinabukasan ng Sabbath” (Levitico 23:15). Ito ay posible lamang sa kalendaryong luni-solar. Imposible para sa Abib 16 na tuluy-tuloy na mapasabay “mula sa kinabukasan ng Sabbath” kapag ang pagbibilang ng oras ay sa pamamagitan ng patuloy na pag-ikot ng sanlinggo. (Ang Abib 16, kinilala ng mga tagapagtaguyod ng pamamaraang ito, ay palaging ang araw matapos ang Sabbath. Ibig sabihin nito na ang ika-15 ay palaging ang Sabbath, at dahil dito, ang ika-8, ika-22, at ika-29 ay ang mga ikapitong araw ng Sabbath. Ito ay isa pang kapansin-pansing patotoo para sa kalendaryong luni-solar. Nakalulungkot, gayunman, marami ang bulag na kumakapit sa tradisyon sa halip na maingat at matapat na siyasatin ang mga doktrinang ipinapahayag nila.)
Sivan 9: Ang ilan, gaya ng minsang nagawa ng WLC, ay naniniwala na ang Pentecostes ay nasa Sivan 9. Ang petsang ito ay dumating sa pagbibilang ng pitong kumpletong Sabbath, at pagkatapos ay pagdagdag ng isang araw. Ang mga Araw ng Bagong Buwan at mga araw ng pagsasalin ay hindi kasama sa bilang (dahil sila’y hindi bahagi ng sanlinggo) at ang simulaing punto ay palagi ang Abib 16 (ang Araw ng Unang Bunga), ang araw matapos ang Sabbath. Naniniwala ang WLC na ang pamamaraang ito para sa “pitong Sabbath” (Levitico 23:15) ay tama. Ang tanging pagkakaiba ay kasalukuyang naniniwala ang WLC na ang araw matapos ang ikapitong araw ay ang aktwal na simulaing punto para sa pagbibilang nang 50 araw (iyon ay: Pentecostes = pitong Sabbath + 50 araw).
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC