Ang pormula ng Langit para sa paghahanap ng mga patotoo
Ang mga nalalabi, mga mananatili para sa patotoo sa panahon ng mga magsasarang kaganapan ng kasaysayan ng daigdig, ay binigyan ng isang espesyal na pagpapala na hindi natanggap ng mga naunang henerasyon. Ang huling henerasyon ay tinataglay ang pinagsama-samang liwanag ng lahat ng mga panahon. Ang mga patotoo na ninais at hinangad na maunawaan ng mga patnyarka at mga propeta ay binuksan sa pagkakaunawa ng lahat na, ngayon, ay hahangarin ang patotoo.
Ang mga nalalabi, mga mananatili para sa patotoo sa mga huling araw, ay binigyan ng isang espesyal na pagpapala na hindi natanggap ng mga naunang henerasyon. Ang huling henerasyon ay tinataglay ang pinagsama-samang liwanag ng lahat ng mga panahon. |
Si Satanas ay isang palaging mapagbantay na kaaway. Sa bawat sinag ng ipinakitang liwanag, hangad niya na magdala ng pagkalito, kamalian, pagmamataas sa paniniwala at maging pagkalimot. Maraming mahahalagang patotoo ang nawala at itinago sa loob ng ilang libong taon ng tinanggap na mga kamalian, mga pagpapalagay at mga tradisyon. Ang katotohanan mismo, gayunman, ay hindi maaaring mawasak. Napakarami, maraming perlas ng patotoo na banal sa mga basura ng kamalian. Ang naghahangad ng patotoo ay dapat na maging mapagpakumbaba at masigasig sa kanyang paghahanap para sa mga nakakalat na kayamanang ito.
Kapag ang isang tao ay pinalaki sa paniniwala sa kamalian, ang paghahanap sa katotohanan ay maaaring lubos na nakalilito. Ang katotohanan, gaano man kadalisay, ay maaaring maramdamang mali, kapag ito’y sumasalungat sa pinakabatayang paniniwala ng tao. Walang iniwan si Yahuwah na mag-isang nagpupunyagi. Siya ay nagbigay sa Kanyang salita ng isang batayan kung saan ang sinuman ay maaaring makilala kung ano ang totoo at ano ang mali. Ang tuntuning ito ay para gamitin ang pinagsama-samang bigat ng ebidensya.
Ang pagkakamali na hindi nalalamang ginagawa ng maraming tao ay tinatawag na “isang tekstong patunay.” Nangyayari ito kapag ang buong paniniwala ay binuo sa iisang teksto, pinababayaan ang ibang teksto na magbabago ng kahulugan o interpretasyon ng isang patunay na teksto. Totoo na “Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ni Yahuwah at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran, upang ang lingkod ni Yahuwah ay maging karapat-dapat at lubusang maihanda sa lahat ng mabubuting gawa.” (2 Timoteo 3:16 at 17) Hindi ibig sabihin nito, gayunman, na ang iisang berso ay maaaring gamitin bilang batayan para sa isang doktrina habang ang ibang berso sa paksa ay hinayaan na lang. Ang mga seryosong kamalian sa teolohiya ay ginawa kapag ang pamamaraang ito ng pagtatatag ng doktrina ay ginamit.
Isang halimbawa ng isang huwad na doktrina batay sa isang patunay na teksto ay ang paniniwala ng imortalidad ng kaluluwa at isang imperyong nasusunog nang walang hanggan. Ang doktrinang ito ay kinuha mula sa talinhaga ng mayaman at ni Lazarus (Tingnan ang Lucas 16:19-31) at sa isang teksto sa Pahayag na sinasabing: “Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumapailanlang magpakailanpaman. Wala silang kapahingahan araw at gabi, silang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at sinumang tumatanggap ng tanda ng pangalan nito.” (Pahayag 14:11) Upang magamit ang mga siping ito para patunayan ang isang imortal na kaluluwa at impyernong nasusunog magpakailanman, ang bigat ng ebidensya na magpapatunay sa ibang dako ay marapat na pabayaan.
Mga Halimbawa ng Maling Doktrina na Nilikha ng Isang Patunay na Teksto:
Isang maling paggamit o hindi pagsasaalang-alang para sa Kasulatan ay humantong sa maraming matatapat na Kristyano na magpatuloy at tumalima sa mga paganong pagdiriwang: |
Isa pang karaniwang pagkakamali ang ginawa ng isang patunay na teksto ay ang paniniwala na ang Sabbath ay sisimulan sa paglubog ng araw hanggang sa isa pa. Ang buong kasanayang ito ay ginawa sa iisang berso sa Kasulatan: “Magiging Sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong Sabbath.” (Levitico 23:32) Gayunman, kapag kinuha sa konteksto, nagiging malinaw na ang sagradong pagtalimang tinukoy ay sa ikasiyam na araw ng ikapitong buwan: ang Araw ng Pagbabayad-sisi lamang. Ang pinagsamang bigat ng mga maka-Kasulutang ebidensya ay ipinapakita na ang mga araw sa kalendaryong Biblikal sa katunayan ay nagsisimula sa bukang-liwayway!
Maraming minahal na mga tradisyon ang batay sa walang iba kundi isang patunay na teksto. Para maging tiyak na dumating sa patotoo, ang naghahanap para sa patotoo ay dapat na tipunin ang lahat ng mga berso sa paksa na pinag-aralan. Kapag ang bawat teksto ay maingat na pinag-aralan sa konteksto, ang paliwanag na hindi sumasalungat ay ang totoo at tamang pagpapaliwanag ng Kasulatan. Naglalaman ang Isaias 28 ng isang mahabang babala laban sa mga huwad na doktrina na pilit kinakapitan ng mga hindi gumagamit ng bigat ng ebidensya bilang kanilang tuntunin sa pagpapaliwanag ng Kasulatan.
Ang kabanata ay nagsisimula sa pagpapahayag ng isang aba o lagim: “Sa aba ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim, at ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak!” (Isaias 28:1) Ang espiritwal na pagmamataas ay isa sa pinakamapanira sa mga kasalanan. Ito’y sukdulang mahirap na kunin ang sinuman na espiritwal na mapagmataas na mag-aral nang may bukas na isipan. Sa Bibliya, ang nakalalasing na alak ay paulit-ulit na ginamit bilang isang simbulo ng huwad na doktrina. Kaya ang siping ito ay isang babala sa lahat ng kakapit sa kamalian, nagmataas sa kanilang mga maling paniniwala.
Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.
Sapagka't lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ng karumihan, na anopa't walang dakong malinis.
Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso? (Isaias 28:7-9)
Ang pagkuha ng mga berso sa labas ng konteksto at bumuo ng isang ganap na sistema ng paniniwala sa kanila ay palaging hahantong sa mga pagpapalagay, mga huwad na doktrina at kamalian – ang alak ng Babilonya. Maging ang mga pastor at mga lider ng simbahan ay hindi ligtas mula sa panganib ng kasanayang ito. |
Ang pagkuha ng mga berso sa labas ng konteksto at bumuo ng isang ganap na sistema ng paniniwala sa kanila ay palaging hahantong sa mga pagpapalagay, mga huwad na doktrina at kamalian – ang alak ng Babilonya. Maging ang mga pastor at mga lider ng simbahan ay hindi ligtas mula sa panganib ng kasanayang ito.
Ngunit mayroong pag-asa para sa lahat ng nagsisi at dumating kay Yahuwah bilang isang musmos na bata, naghahangad na maturuan Niya. Ang pamamaraan kung saan upang tiyakin ang patotoo ay malinaw na binigkas:
Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti. (Isaias 28:10)
Sa siping ito, hinihimok ni Yahuwah na kapag ang pamamaraang ito ay ginamit, ang nagugutom na puso ay mahahanap ang patotoo at kapahingahan para sa kaluluwa. Nakalulungkot, ipinapakita din nito na napakaraming tao ang tinanggihan ang itinakdang pamamaraan ni Yahuwah ng pagkakaunawa sa patotoo:
Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan. Kaya't ang salita ni Yahuwah ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli. (Tingnan ang Isaias 28:12 at 13.)
Isa pang Biblikal na batayan para sa pagtitiyak ng patotoo ay ipinahayag sa 2 Corinto 13:1: “Ang bawat paratang ay dapat pagtibayin batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi.” Ito ang batayang itinatag mismo ni Yahuwah sa mga bagay ng mga pangsibil na alitan:
Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap. (Deuteronomio 19:15)
Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin. (Deuteronomio 17:6)
Sinomang pumatay sa kaninoman, ay papatayin ang pumatay sa patotoo ng mga saksi: nguni't ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin. (Mga Bilang 35:30)
Ang batayang ito bilang isang tuntunin ng kilos ay inulit ng Tagapagligtas noong ipinahayag niya:
Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at pagsabihan mo tungkol sa kanyang pagkakamali. Gawin mo ito na kayong dalawa lamang. Kung siya'y makinig sa iyo, napanumbalik mo na ang iyong kapatid. Subalit kung hindi siya makinig ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang BATAY SA PATOTOO NG DALAWA O TATLONG SAKSI AY MAPAGTIBAY ANG BAWAT USAPIN. (Mateo 18:15 at 16)
Ang paggamit ni Yahushua ng tuntuning ito para sa mas maraming pangunahing krimen ay ipinapakita na ito ay isang batayan ng buhay na maaaring gamitin sa ibang lugar.
Ang tuntunin ng pag-uulit ay napakahalaga sa pag-aaral ng patotoo. Noong si Jose ay nanindigan sa harap ng Faraon upang ipaliwanag ang kanyang mga panaginip, ipinaliwanag niya: “Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon: ang gagawin ng [Elohim], ipinaalam kay Faraon. At kaya't pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa, ay sapagka't bagay na itinatag ng [Elohim], at papangyayarihing madali ng [Elohim].” (Genesis 41:28 at 32.) Walang doktrina ang dapat naitatag sa iisang berso lamang. Sa halip, palaging magbibigay si Yahuwah ng isang bigat ng ebidensya kung saan ng naghahanap ng patotoo ay maaaring magtatag ang mabuting teolohiya.
Ang bigat ng ebidensya na tuntunin ng pagsisiyasat at pag-aaral ay hinihikayat ang kalayaan ng kaisipan. Ito’y nagbibigay ng proteksyon mula sa mga tanyag na kamalian at mga panlilinlang. |
Nalalaman ni Yahuwah na matapos ang 6,000 taon ng kasaysayan ng daigdig, isang kabundukan ng mga kasinungalingan at mga delusyon ni Satanas ang maiipon upang itago o baluktutin ang patotoo. Gayunman, gaya sa bawat ibang kagipitan, mapagmahal Siyang nagbigay ng isang tiyak na pamamaraan kung saan ang bawat indibidwal na kaluluwa ay maaaring pag-aralan at matuklasan ang patotoo para sa kanyang sarili. Ang bigat ng ebidensya na tuntunin ng pagsisiyasat at pag-aaral ay hinihikayat ang kalayaan ng kaisipan. Ito’y nagbibigay ng proteksyon mula sa mga tanyag na kamalian at mga panlilinlang.
Walang sinuman na may kaalaman ang pipiliing kumapit sa kamalian, subalit ito’y nagagawa sa pamamagitan ng kamangmangan at pag-ibig sa tradisyon. Walang sinuman ang dapat tumanaw sa ibang tao, ito man ay isang pastor, opisyal ng simbahan, magulang, asawa o guro, upang tukuyin at ilarawan kung ano ang patotoo. Ang panahon ay hindi gumagawa ng kamalian tungo sa katotohanan. Ikaw ay may tungkulin kay Yahuwah para sa iyong sarili at dahil dito ay dapat na mag-aral para sa iyong sarili. Walang sinuman ang maaaring makapagligtas para sa iyo. Kung ibig mo na maligtas at tumakas mula sa pagkawasak ng mga masasama, dapat mong hanapin, tanggapin at sundin ang patotoo para sa iyong sarili.
Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Yahuwah.
Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ni Panginoong Yahuwah, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas. (Tingnan ang Ezekiel 14:14 at 18.)
Maraming tao ang nararamdamang lubos na hindi matatag, may natatakot pa nga na mag-aral para sa kanilang sarili. Sila’y nais na sabihan kung ano ang paniniwalaan ng isang maawtoridad na tao. Ito ay hindi plano ni Yahuwah na ang bawat duda ay sasagutin sa panig na ito ng walang hanggan. Kung ang bawat pagdududa ay nalutas at ang bawat katanungan ay nasagot, wala nang lugar para sa pananalig at ito sa salungatan sa pagdududa kaya ang pananalig ay pinalakas.
Dahil sa mga ito, dapat kayong magalak bagaman sa loob ng maikling panahon ay dumaranas kayo ng iba't ibang pagsubok. Nararanasan ninyo ito upang dalisayin ang inyong pananampalataya. Kaya kung paanong pinararaan sa apoy ang ginto, ang inyong pananampalatayang mas mahalaga kaysa gintong nasisira ay pinararaan din sa apoy ng pagsubok upang mapatunayan kung talagang tapat. Kung magkagayon, tatanggap kayo ng papuri, kaluwalhatian at karangalan sa araw ng pagpapahayag kay Kristo Yahushua. Hindi ninyo siya nakita kailanman ngunit inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, subalit sumasampalataya kayo sa kanya. Umaapaw na ang inyong puso sa kagalakang di kayang ilarawan ng salita, sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa. (Tingnan ang 1 Pedro 1:6-9.)
Huwag matakot na mag-aral para sa iyong sarili. Huwag matakot kung ikaw na lamang ang may hawak ng isang partikular na paniniwala. Kapag ang iyong paniniwala ay pinag-aralan mula sa Kasulatan, gamit ang bigat ng ebidensya, maaari kang manindigan nang mag-isa... ngunit ang lahat ng Langit ay nasa panig mo. |
Huwag matakot na mag-aral para sa iyong sarili. Huwag matakot kung ikaw na lamang ang may hawak ng isang partikular na paniniwala. Kapag ang iyong paniniwala ay pinag-aralan mula sa Kasulatan, gamit ang bigat ng ebidensya, maaari kang manindigan nang mag-isa, ngunit ang lahat ng Langit ay nasa panig mo. Bago ang kamatayan ni Yahushua, nagbigay siya ng maaliw na katiyakan: “Hindi ko kayo iiwang parang mga ulila. Darating ako sa inyo. Subalit ang Kaagapay, ang Banal na Espiritu na isusugo ng Ama sa pangalan ko ay magtuturo sa inyo ng lahat, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng sinabi ko sa inyo.” (Juan 14:18 at 26)
Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, para sa inyong kapakanan na ako’y aalis. Sapagkat kung hindi ako aalis, hindi darating sa inyo ang Kaagapay. At kung ako’y aalis, isusugo ko siya sa inyo. Sa kanyang pagdating, ilalantad niya ang kamalian ng sanlibutan tungkol sa kasalanan at sa katarungan at sa paghatol: . . . Marami pa akong sasabihin sa inyo, subalit hindi pa ninyo kayang tanggapin ngayon. Kapag dumating siya, ang Espiritu ng katotohanan, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan; sapagkat hindi mula sa sarili ang kanyang sasabihin, kundi kung ano ang naririnig niya at ipapahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating. (Juan 16:7, 8, 12 at 13)
Maraming panahon ang nakalipas, nahulaan ni Yahuwah na ang pagkalito ay maghahari sa katapusan ng panahon. Naitala Niya sa Kasulatan ang mga tuntunin kung saan maaari mong malaman kung paano ilalantad ang patotoo para sa iyong sarili, kilalanin ang kamalian, pagpapalagay at tradisyon. Si Yahuwah ay ligtas na pagkatiwalaan. Kumapit sa Kanyang mga pangako upang pangunahan ka sa lahat ng patotoo. Siya na nangako na pangungunahan ka tungo sa lahat ng patotoo ay pananatilihin ang iyong kaisipan nang ligtas mula sa kamalian. Ipapakita Niya sa iyo nang pang-indibidwal kung ano ang ipinapakita ng pinagsama-samang bigat ng ebidensya.