Impyerno: Isang Baluktot na Patotoo ang Inilabas
Kasagutan ng Bibliya: HINDI. Sila ay mawawasak. Ang masasama ay “lalagutin” magpakailanman. Sila ay ganap na “mamamatay.” Sila ay “uubusin,” “lalamunin,” at “mawawasak” sa apoy at “mawawala na.”
|
7Gayon may matutunaw siya [masama] magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya? . . . 26Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay tutupok sa kaniya: tutupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda. |
Job 31:2-3 |
2Sapagka't ano ang bahagi sa ganang akin kay Yahuwah mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan? 3Hindi ba kasakunaan sa liko, at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan? |
Awit 5:6 |
6Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ni Yahuwah ang taong mabangis at magdaraya. |
Awit 9:5-6 |
5Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. 6Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi. |
Awit 9:17 |
17Ang masama ay mauuwi sa Sheol [H7585: sheol (ang libingan)]... |
Awit 11:6 |
6Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at asupre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro. |
Awit 21:9 |
9Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ni Yahuwah sa kaniyang poot, at tutupukin sila ng apoy. |
Awit 28:5 |
5Sapagka't ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ni Yahuwah, ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo. |
Awit 37:9-11 |
9Sapagka'tang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay kay Yahuwah, ay mangagmamana sila ng lupain. 10Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na. 11Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan. Ang kasalanan at mga makasalanan ay lilipulin sa nag-aapoy na impyerno dito sa lupa: “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.” (2 Peter 3:7) Ang mapagpakumbaba ay mamanahin ang Bagong Lupa na lilikhain ni Yahuwah: “Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ni Yahuwah, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.” (Isaias 66:22) |
Awit 37:20 |
20Nguni't ang masama ay mamamatay, at ang mga kaaway ni Yahuwah ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila. |
Awit 37:34-38 |
34Hintayin mo si Yahuwah, at ingatan mo ang kaniyang daan, at ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain: pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita. 35Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan. 36Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya: Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan. 37Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan. 38Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay. |
Awit 52:1, 5 |
1Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? ... 5Ilulugmok ka ring gayon ng El magpakailan man, itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda, at bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay. (Selah) |
Awit 55:23 |
23Nguni't ikaw, Oh Elohim, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan... |
Awit 59:13 |
13Lamunin mo sila sa poot, lamunin mo sila, upang sila'y mawala: at ipakilala mo sa kanila na ang Elohim ay nagpupuno sa Jacob, hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah) |
Awit 73:18 |
18Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. |
Awit 73:27 |
27Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. |
Awit 83:14, 17 |
14Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok... 17Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol. |
Awit 92:7 |
7Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man. |
Awit 92:9 |
9Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Yahuwah, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol... |
Awit 140:10 |
10Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli. |
Awit 145:20 |
20Iniingatan ni Yahuwah ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya. |
Kawikaan 2:22 |
22Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot. |
Kawikaan 5:11-12 |
11At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw, 12At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway: |
Kawikaan 10:25 |
25Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan. |
Kawikaan 10:28-30 |
28Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala. 29Ang daan ni Yahuwah ay katibayan sa matuwid; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan. 30Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain. Tala: Ang masama at hindi nakapagsisi ay lilipulin; sila’y mapupuksa [patay] nang walang hanggan. Sila ay hindi magmamana ng Bagong Lupa na lilikhain ni Yahuwah. Sinabi ni Yahuwah sa mga matuwid, “Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko . . . gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.” (Isaias 66:22) |
Kawikaan 12:7 |
7Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. |
Kawikaan 13:13 |
13Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. |
*Isaias 1:28, 31 |
28Nguni't ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan, at silang nagtatakuwil kay Yahuwah ay mangalilipol.31At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato; at kapuwa sila magliliyab, at walang papatay sa apoy. Tala: Ang masama ay wawasakin/lalamunin ng apoy. “Walang sinuman ang makapapawi” sa apoy na ito dahil ito ay “hindi mapapatay.” (Mateo 3:12; Lucas 3:17) Ang ibig sabihin ng “pawiin” ay “patayin.” Sa ibang salita, walang makakapuksa sa apoy na ito. Hindi ito mapapawi hanggang ang lahat ay nasunog na (natupok). Ang masama ay literal at mismong magiging pinaggapasan at abo. “Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo, na anopa't hindi mag-iiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man. Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan. At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo.” (Malakias 4:1-3) |
Isaias 5:24 |
24Kaya't kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng trigo, at kung paanong ang tuyong damo ay natutupok sa alab, gayon magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat, at ang kanilang bulaklak ay iilanglang na gaya ng alabok: sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ni Yahuwah ng mga hukbo, at hinamak ang salita ng Banal ng Israel. |
*Isaias 10:16-18 |
16Kaya't pangangayayatin ng Panginoon, ni Yahuwah ng mga hukbo, ang kaniyang mga mataba; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy. 17At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy, at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab: at magniningas at tutupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw. 18At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat, at ng kaniyang pinakikinabangang bukid, ang kaluluwa at gayon din ang katawan: at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat. Tala: Nahulaan ang lubos na pagkawasak ng hukbong Asiryan: Narito, nahanap natin ang isang propetikong nagbabala sa sukdulang kapalaran ng masama kapag ang paghatol ni Yahuwah ay isinagawa. |
Isaias 10:25 |
25Sapagka't sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay. |
Isaias 13:9 |
9Narito, ang kaarawan ni Yahuwah ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon. |
Isaias 26:11 |
11Yahuwah, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway. |
Isaias 26:14 |
14Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila. |
Isaias 29:6 |
6Siya'y dadalawin ni Yahuwah ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy. |
Isaias 30:27, 30 |
27Narito, ang pangalan ni Yahuwah ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy . . . 30At iparirinig ni Yahuwah ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo, |
Isaias 34:1-4 |
1Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito. 2Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan. 3Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo. 4*At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos. *Ang Galit ng Kordero: Tingnan ang Pahayag 6:14-17. |
Isaias 47:14 |
14Narito, sila'y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap. |
Ezekiel 18:4 |
4Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. |
*Obadias 1:15-16 |
15Sapagka't ang kaarawan ni Yahuwah ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo. 16Sapagka't kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay. |
Nahum 1:9-10 |
9Ano ang inyong kinakatha laban kay Yahuwah? Siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa. 10Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik, at maging napakalasing na parang manglalasing, sila'y lubos na matutupok na parang tuyong dayami. Tala: Bilang karagdagang kumpirmasyon muli na ang masama ay lalamunin, isang pinakamagandang pahayag ang ginawa sa siping ito ukol sa walang hanggang hinaharap: “Ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa.” Sa ibang salita, ang pagkakasala, rebelyon, at lahat ng kahirapang hatid ng mga ito ay mabubura na magpakailanman, hindi na muling lalabas pa! Purihin si Yahuwah! |
Zacarias 14:3, 4, 9, 11-12 |
3Kung magkagayo'y lalabas si Yahuwah, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka. 4At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, . . . 9At si Yahuwah ang magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y si Yahuwah ay Isa, at ang Kaniyang pangalan ay isa. 11At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay. 12At ito ang salot na ipananalot ni Yahuwah sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig. |
*Malakias 4:1-3 |
1Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo, na anopa't hindi mag-iiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man. 2Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan. 3At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo. |
Juan 3:16 |
16Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ni Yahuwah sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak [G622], kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Tala: Ang teksto ay nagsasabing “mapahamak,” hindi “maghirap nang walang hanggan sa pagdurusa.” “Mapahamak” [G622]: Mula sa G575 at batay sa G3639; upang wasakin nang ganap (maglaho, o mawala), literal o pasimbulo: - wasakin, patayin, tanggalan, sirain, lipulin. (Strong’s Concordance) |
Roma 6:23 |
23Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ni Yahuwah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na Panginoon natin. Tala: Sinasabi ng teksto na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Hindi nagsabi na “ang kabayaran ng kasalanan ay walang hanggang pagdurusa.” |
Filipos 3:18-19 |
18 . . . ang mga kaaway ng krus ni Kristo:19Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang elohim ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa. |
2 Tesalonica 1:8-9 |
8Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala kay Yahuwah, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Yahushua: 9Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. Tala: Ang teksto ay nagsabi ng “walang hanggang kapahamakan,” hindi “walang hanggang pagdurusa.” |
2 Pedro 2:9-12 |
9Si Yahuwah ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom; 10Datapuwa't lalong-lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo: 11Samantalang ang mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ni Yahuwah.12Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol. |
2 Pedro 3:7 |
7Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. Tala: Ang “impyerno” ay hindi nasusunog ngayon. Ang lupa na kinatatayuan natin ngayon ay magiging isang naglalagablab na impyerno. Ang apoy na ito ay ganap na lilipulin si Satanas, ang kanyang mga anghel, kasalanan, mga makasalanan, at kamatayan magpakailanman. Ito ang ikalawang kamatayan. (Pahayag 2:11; 20:6; 20:14; 21:8) Ang pagkakasala ay mabubura magpakailanman at hindi na lilitaw pa: “Ano ang inyong kinakatha laban kay Yahuwah? Siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa.” (Nahum 1:9) Pagkatapos nito’y lilikhain ni Yahuwah ang isang Bagong Lupa: “Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ni Yahuwah, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.” (Isaias 66:22) |
Pahayag 11:18 |
18At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa. |
Pahayag 20:7-9 |
7At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, 8At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. 9At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y natupok. |
Saan nanggaling ang ideya ng walang hanggang
pagdurusa?
Ang doktrina ng isang walang hanggang naglalagablab na impyerno kung saan ang mga napahamak ay walang hanggang magdurusa matapos ang kamatayan ay ginawang tanyag ng Simbahang Katoliko (ang Babaing Nangangalunya ng Pahayag 17), na nagpatibay nito mula sa mga Griyego at mga pagano. Ang Simbahang Romano ay nahanap ang doktrinang ito na lubos na kapaki-pakinabang noong gitnang panahon, sapagkat ito’y nagpapairal sa kanya na yumaman sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga “indulhensiya.” Wala saanman sa Banal na Kasulatan na nagsasabi na ang mga mapapahamak ay pahihirapan nang walang hanggan. (Para sa mas marami pa ukol sa Kapangyarihang Halimaw ng Romano Katoliko, tingnan ang “Sino ang Halimaw sa Aklat ng Pahayag?”)
Maling Pagkakaunawa #1
Isaias 66:24 – 24At sila'y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin: sapagka't ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao.
Marcos 9:43-44 – 43At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impyerno [G1067: Gehenna], sa apoy na hindi mapapatay. 44Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
Kasagutan/Pagpapaliwanag: Ang mga sipi na ito ay naglalaman ng dalawang lubos na nakakaintrigang parirala na madalas ay mali ang pagkakaunawa: (1) “ang kanilang uod ay hindi mamamatay.” (2) “hindi namamatay ang apoy.”
“Ang kanilang uod ay hindi mamamatay.”
Ang salitang isinalin bilang “impyerno” sa Marcos 9:43 ay “gehenna” (G1067). Ang Gehenna, tinatawag na “Libis ng Hinnom” sa Lumang Tipan, ay isang malalim, makitid na lambak sa timog ng Jerusalem kung saan, matapos ang pagpapakilala ng mga diyos ng apoy ni Ahaz, ang mga ma-idolatryang Hudyo ay inalay ang kanilang mga anak kay Moloch. Narito, ang mga katawan ng mga patay na hayop at ang yagit ng siyudad ay itinapon. Patuloy na sumilab ang apoy, at ang mga uod ay namugad sa mga bangkay ng mga nabubulok na hayop. Kung ano ang hindi nawasak ng apoy, ay siyang kinakain ng mga uod. Ito ay isang uri ng ganap na pagkawasak. Ang paglalarawan na ito ay ginamit ni Yahushua sa sukdulang kapalaran ng masama.
Pansinin rito na hindi ang nahiwalay na kaluluwa ang kinakain ng mga uod, kundi “mga bangkay,” (Isaias 66:24) o mga patay na katawan ng tao. Iyong mga itinapon sa lawa ng apoy ay nasa katawang-anyo (Marcos 9:43-45; Mateo 5:30). Ipinahayag ng Isaias 51:8 na “kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa,” ibig sabihin sila ay lalamunin nang ganap, at titigil sa pag-iral.
Ang mga uod na namugad at kumain sa patay na katawan ay hindi namamatay; sila lamang ay nagbabago at nagiging matanda at magtataya ng maraming itlog. Kaya, ang pag-ikot ay patuloy hanggang ang laman ay ganap na maubos.
“Hindi namamatay ang apoy”
Ang ibig sabihin ng “patayin” ay “pawiin.” Sa ibang salita, walang makakapawi ng apoy na ito. Ito’y hindi mapapawi hanggang ang lahat ay nasunog na (nalamon). Ang masama ay literal at lubos na magiging pinaggapasan at abo.
“Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo, na anopa't hindi mag-iiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man. Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan. At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo.” (Malakias 4:1-3)
Isang Halimbawa ng “Hindi Namamatay” na Apoy:
“Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.” (Jeremias 17:27)
Ang propesiyang ito ay natupad sa kabanata 52:
“Nang ikalimang buwan nga sa ikasangpung araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonya, dumating sa loob ng Jerusalem si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, na tumayo sa harap ng hari sa Babilonya. At kaniyang sinunog ang bahay ni Yahuwah, at ang bahay ng hari; at lahat ng mga bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, sinunog niya ng apoy. At ang buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng kapitan ng bantay, nagbagsak ng lahat ng kuta sa Jerusalem sa palibot.” (Jeremias 52:12-14)
Ang katuparan ng propesiyang ito tungkol sa hindi namamatay na apoy ng Jerusalem ay muling sumangguni sa 2 Cronica:
“At sinunog nila ang bahay ng Elohim, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem, at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya, at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon. At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonya; at mga naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia: Upang ganapin ang salita ni Yahuwah sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa ang lupain ay nagalak sa kaniyang mga sabbath: sapagka't habang giba ay kaniyang ipinagdidiwang ang sabbath, upang ganapin ang pitong pung taon.” (2 Cronica 36:19-21)
Tala: Malinaw, ang
apoy na nagningas sa Jerusalem (na hindi
mapapatay) ay hindi nasusunog ngayon. Ito’y mawawala lamang kapag ang lahat
ay natupok na. Ganito ang kalikasan ng apoy.
Maling Pagkakaunawa #2
Mateo 25:46 – 46At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.
Kasagutan/Pagpapaliwanag: “Walang hanggang kaparusahan” ang kapalaran ng mga masasama, hindi “walang hanggang parurusahan.” Ang paghahatol ni Yahuwah, ang kaparusahan ng masama (iyon ay pagkawasak), ay mananatili magpakailanman; ang kahihinatnan ay walang katapusan. Ang masama ay hindi na muling mabubuhay pa. “Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.” (Awit 140:10) “Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.” (Awit 37:10) “Nguni't ang masama ay mamamatay, at ang mga kaaway ni Yahuwah ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila.” (Awit 37:20) “Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.” (Awit 37:38)
Ikumpara sa 2 Tesalonica 1:8-9:
“Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala kay Yahuwah, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Yahushua: Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.” (2 Tesalonica 1:8-9)
Tala: Muli, ito ay
“pagkawasak” (ang kaparusahan) na walang hanggan, hindi ang pagdurusa. Wala sa Kasulatan na nagsabi na ang mga
mapapahamak ay pahihirapan nang walang hanggan.
Maling Pagkakaunawa #3
Pahayag 14:11 – 11At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.
Pahayag 19:2-3 – 2Sapagka't tunay at matuwid ang kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay. 3At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.
Pahayag 20:10 – 10At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
Kasagutan/Pagpapaliwanag: Ang terminong “magpakailanman” sa Bibliya ay nangangahulugan lamang na isang kapanahunan, limitado man o walang hanggan. Ginamit ang “magpakailanman” nang 56 na beses sa Bibliya sa koneksyon sa mga bagay na natapos na. Sa Jonas 2:6, ang “magpakailanman” ay nangangahulugang “tatlong araw at tatlong gabi” (Jonas 1:17). Sa Deuteronomio 23:3, ang “magpakailanman” ay nangangahulugang “10 henerasyon.” Sa kaso naman ng tao, ang ibig sabihin ng “magpakailanman” ay “habang siya’y nabubuhay” o “hanggang mamatay.” (Tingnan ang 1 Samuel 1:22, 28 at Exodo 21:6.) Ang masama naman ay susunugin sa apoy habang nabubuhay, o hanggang mamatay. Ang naglalagalab na kaparusahan sa pagkakasala ay magkaiba batay sa antas ng mga pagkakasala ng bawat indibidwal, ngunit pagkatapos ng kaparusahan, ang apoy ay mawawala. “Sapagkat tunay nga na ang ating Eloah ay apoy na tumutupok. Sa lahat ng sumuko sa Kanyang kapangyarihan, ang Espiritu ni [Yahuwah] ay lalamunin ang kasalanan. Ngunit kapag ang tao ay kumapit sa kasalanan, sila’y may pagkakakilanlan rito. Kaya ang kaluwalhatian [ni Yahuwah], na nagwawasak ng kasalanan, ay dapat lipulin sila.” (Ellen White, Desire of Ages, p.107)
“Narito, sila'y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap.” (Isaias 47:14)
“. . . At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo.” (Malakias 4:3)
Ang pagtuturo ng walang hanggang pagdurusa ay mas nagdulot sa maraming tao tungo sa ateismo at pagkabaliw kaysa sa anumang ibang imbensyon ng diyablo. Sinisira nito ang mapagmahal na katangian ng ating mapagbigay-loob na Ama sa Kalangitan at nagdulot ng pagkalaki-laking pinsala sa kapakanan ng Kristyano.
Bilang
matapat na mag-aaral ng Bibliya, mahalagang pag-aralan natin ang lahat ng mga nauugnay na sipi ng
Kasulatan sa isang paksa bago tayo kumuha ng anumang tiyak na mga pagpapalagay
o konklusyon. Dapat lagi tayong matapat sa bigat ng ebidensya.
Maling Pagkakaunawa #4
Ang Talinhaga ni Lazaro at ang Mayaman (Lucas 16:19-31)
Kasagutan/Pagpapaliwanag: Ang Mayaman at si Lazaro (Lucas 16:19-31)
Maling Pagkakaunawa #5
Ano ang ibig sabihin ng “magdusa sa sukdulan ng walang hanggang apoy”?
Kasagutan/Pagpapaliwanag: Upang “magdusa sa sukdulan ng walang hanggang apoy” ay hindi “magdusa nang walang hanggan sa apoy na hindi napapawi.” Sa halip, ito ay para pagdusahan ang walang hanggang kahihinatnan ng pagkawasak na dulot ng apoy, ito ay paglipol.
“Alalahanin din ninyo na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lungsod ay nalulong sa kahalayan at di-likas na pagnanasa ng laman, kaya't sila'y pinarusahan sa apoy na hindi namamatay bilang babala sa lahat.” (Judas 1:7)
Malinaw na ipinahayag ng Kasulatan na ang Sodoma at Gomorra ay nagdusa sa “sukdulan ng walang hanggang apoy.” Gayunman, ang mga siyudad na ito at ang kanilang mga naninirahan ay hindi na nasusunog ngayon. Ang apoy ay nawala na matapos ang lahat ay matupok. Ang kahihinatnan, gayunman, ay walang hanggan. Ang asupre at abo na nalalabi sa loob at paligid ng Dagat na Patay ay nagpatotoo sa hindi maaaring ipawalang-bisang kahihinatnan ng paghahatol ng apoy ni Yahuwah sa mga siyudad na ito.
Ang apostol na si Pedro ay ginawang malinaw rin na ang mga siyudad na ito ay sinunog hanggang maging abo:
“At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama.” (2 Pedro 2:6)
Ang mga nananahan sa mga masasamang siyudad na ito ay gagawing abo gayong sinabi ng mga propeta sa ilalim ng banal na pagpukaw na ang masama ay nasa huling paghuhukom.
“Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man. . . . At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ni Yahuwah ng mga hukbo.” (Malakias 4:1-3)
Tala: Mayroong walang hanggang apoy, ngunit hindi ito ang iyong naiisip!