Walang iba pang panahon ng tagsibol na kaugalian ang naghahayag ng pagdiriwang ng bagong buhay ang nalalapit na kahalintulad ng Pasko ng Pagkabuhay. Mula sa mga bagong anak na hayop, sa mga itlog na ginagamit sa Pasko ng Pagkabuhay at hanggang sa paghahanap nito, hanggang sa pagsikat ng araw sa Linggo ng misa at marami pa, ang Pasko ng Pagkabuhay ay tradisyong sinisinta ng karamihan.
Ang Linggo ng Pagkabuhay ay ang pinakamahalagang bahagi ng liturhiya sa isang taon ng Romano Katoliko kung saan ang muling pagkabuhay ni Jesu-Kristo ay ipinagdiriwang.
Ayon sa kanilang Katesismo:
“Ang Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang kapistahan mula sa maraming iba pang pagdiriwang, kundi ang ‘Kapistahan ng mga kapistahan,’ ang ‘Kadakilaan ng mga kadakilaan,’ gaya ng Eukaristiya ay ang ‘Sakramento ng mga sakramento’ (Ang Dakilang Sakramento). Ang santong Athanasius ay tinawag na ‘ang Dakilang araw ng Linggo’ ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga simbahan sa Silangan ay tinawag na ‘ang Dakilang Sanlinggo’ ang Mahal na Araw. Ang hiwaga ng Pagkabuhay, kung saan dinurog na ni Kristo ang kamatayan. . . .” (Catechism of the Catholic Church, Part 2, Sec. 1, Chapter 2, Article 1, #1169.)
Artemis ng Efeso (Si Semeramis sa isa sa kanyang mga pagbabalatkayo). Unang Siglo CE Romanong kopya ng kultong istatwa ng Templo ng Efeso. Istatwa sa Museo ng Efes (Turkiya). Tandaan: Siya ay nakadamit ng mga itlog. |
Ang pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay, gayunman, ay ipinapakita na ito ay direktang nagbuhat mula sa sinaunang paganismo. Kaya’t pagkatapos ng baha, itinatag mula ni Nimrod ang pagsamba sa diyus-diyosan sa lupa. Matapos ang kanyang kamatayan, itinaguyod si Nimrod bilang orihinal na diyos na araw. Ang kanyang balo, Semeramis, ay tinawag na “reyna ng langit.” Iba’t-ibang kultura ang nagpatuloy ng pagsamba sa mga orihinal na paganong diyus-diyosan na nasa ilalim ng iba’t-ibang mga pangalan. Sa Ehipto, si Semeramis ay si Isis. Sa Babilonya, siya ay si Beltis, asawa ng diyos na si Bel. Sa Canaan, siya si Astarte. Sa Asirya tinawag siyang Ishtar.
Ang pagsamba sa mga ganitong diyus-diyosan ay nauugnay sa kultong gawain ng pagkamayabong. Ang mga nakakahiyang seremonyang ito ay naging gawain rin ng mga Israelita sa kanilang paghihimagsik. Maliwanag na tinuligsa ni Yahuwah ang sinumang Israelita na sangkot sa ganitong uri ng mga paganong pagdiriwang.
“Tingnan mo ang kanilang ginagawa sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem. Nangunguha ng panggatong ang kanilang mga anak, nagpaparikit ng apoy ang kalalakihan, at nagluluto ng tinapay ang kababaihan upang ihandog sa diyus-diyosang tinatawag nilang reyna ng kalangitan. Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang diyos, upang saktan ang Aking kalooban.” (Jeremias 7:17, 18, MBB)
“Sinabi rin niya sa akin, ‘Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklam-suklam na kanilang ginagawa.’ Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay [ni Yahuwah] na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.” (Ezekiel 8:13, 14, ADB)
Ang makabagong Pasko ng Pagkabuhay ay walang basehan sa dalisay na relihiyon ng Langit. Lahat ng mga tradisyon nito ay pagano.
- Ang mga kuneho at mga kinulayang itlog ay sumisimbulo sa pagkamayabong.
- Ang mga mainit at bagong-lutong bunete ay mga “bibingka” na inialay sa reyna ng kalangitan.
- Ang 40 araw na pagdadalamhati para kay Tammuz ay ngayo’y ang 40 araw na Kwaresma hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay.
- Ang mga misa sa pagsikat ng araw sa umaga ay isinasagawa ng mga paganong kaparian upang dakilain ang diyos na araw.
Mga Itlog ng Pasko ng Pagkabuhay (Mga Itlog ni Ishtar) http://commons.wikimedia.org |
Ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay hindi dumadakila sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Tagapagligtas. Ang paglahok sa mga paganong gawain gaya nito ay pagbibigay-galang kay Satanas. Walang halaga ang pagbabagong-pangalan nito sa Kristyanong pangalan ang maaaring magdalisay sa Pasko ng Pagkabuhay mula sa pagano nitong pinagmulan.
Ang Pasko ng Pagkabuhay ay mas higit pa sa paganong pagpapanggap na nagkukunwaring isang Kristyano. Ang pagkukubli sa likuran ng kaakit-akit na harapan, ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang pagtakpan para sa isang pinakamalaking panlilinlang sa lahat ng kapanahunan: isang pagbabago ng kalendaryo kung saan itinatago ang totoong araw ng muling pagkabuhay at ang ikapitong araw ng Sabbath.
Sa pagdaan ng napakahabang panahon at ang sinaunang Kristyano ay pumanaw na, ang paganismo ay nagsimulang baluktutin o dumihan ang minsang busilak na pananampalataya. Ang Simbahan ng Roma, sakim sa mas malakas na kapangyarihan, ay naghanap pa ng ibang paraan upang mapalawak ang kanyang impluwensya.
“Upang mapagkasundo ang mga Pagano sa naturingang Kristyanismo, ang Roma, ay nagpapatuloy sa karaniwang pamamalakad nito, gumawa ng mga panukala na pag-isahin ang mga kapistahan ng mga Kristyano at pagano, at sa pamamagitan ng magulo ngunit mahusay na pagsasaayos ng kalendaryo, natagpuan nang walang mahirap na bagay, sa pangkalahatan, upang makuha ang Paganismo at Kristyanismo – ngayo’y mas lubog na sa idolatrya - sa ganitong paraan at sa marami pang iba - ay nagkamay. . . . Itong pagbabago ng kalendaryo hinggil sa Pasko ng Pagkabuhay ay dinatnan ng napakahalagang mga bunga. Nagdala ito sa Simbahan ng pinakamalaking kabulukan at pinakamayabong na pamahiin . . . .” (Alexander Hislop, The Two Babylons, pp. 105-106.)
Itong pagbabago ng kalendaryo ay pagbabago rin ng araw ng pagsamba. Ito ay inamin ng mga Romano Katoliko na nagturo na ito ay tanda ng kanilang kapangyarihan.
“Ang araw ng Linggo . . . ay malinaw na nilikha lamang ng Simbahang Katoliko.” (American Catholic Quarterly Review, January 1883)
“Sila [ang mga Protestante] ay naniniwala sa kanilang tungkulin na panatilihing banal ang araw ng Linggo. Bakit? Sapagkat sinabi sa kanila ng Simbahang Katoliko na gawin ito. Wala silang iba pang dahilan . . . Ang may-akda ng batas ng Linggo . . . ay ang Simbahang Katoliko.” (Ecclesiastical Review, February 1914)
Isang Katolikong obispo ang patuloy na naghayag ng ganito:
“Ang Simbahang Katoliko ang nagtatag ng batas kung saan nagtatakda sa amin na panatilihin ang araw ng Linggo na banal. Ginawa ng simbahan ang batas na ito pagkalipas ng mahabang panahon na ang Bibliya ay naisulat. Kaya, ang nasabing batas ay wala sa Bibliya. Ang Simbahang Katoliko ay hindi lamang nagtanggal ng Sabbath, kundi ang lahat ng iba pang mga kapistahan ng mga Hudyo.” (T. Enright, Bishop of St. Alphonsus Church, St. Louis, Missouri, June, 1905, binigyang-diin.)
Ang kapistahan ng mga Israelita kung saan isinantabi ng batas na panig sa Pasko ng Pagkabuhay ay ang Paskua. Lahat ng sinaunang Kristyano ay pinanatili ang mga kapistahan ni Yahuwah na nakabalangkas sa Levitico 23. Ang mga paganong Kristyano ay patuloy na nagnanais na maipagdiwang ang Pasko ng Pagkabuhay subalit ang mga apostolikong Kristyano, na nananatiling humahawak ng malinis na pananampalataya, ay nagdiriwang ng Paskua.
“Simula nang ikalawang siglo A.D. ay nagkaroon ng pagkakaiba ng paniniwala tungkol sa petsa ng pagdiriwang ng anibersaryo ng paskua (Pasko ng Pagkabuhay) ng pagdurusa ng Panginoon (kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay.) Ang pinakamatandang pagsasagawa ay lumalabas na sinusunod ang ika-14 (ang petsa ng Paskua), ika-15, at ika-16 na mga araw ng buwang lunar sa kabila ng kahit na anong araw ng [Julian na] sanlinggo itong mga petsa na maaaring tumapat taun-taon. Ang mga obispo ng Roma, na naghahangad na mapaganda ang pagmamasid sa araw ng Linggo bilang kapistahan ng Simbahan, isinabatas na ang taunang pagdiriwang ay dapat itapat sa mga araw ng Biyernes, Sabado, at Linggo na sumusunod sa ika-14 na araw ng buwang lunar. . . . Ang kontrobersyang ito ito ay tumagal ng halos dalawang siglo, hanggang [ang Emperador] Constantine ay namagitan sa panig ng mga obispong Romano at ipinawalang-bisa ang kabilang grupo.” (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p. 188, binigyang-diin.)
“Ang punto ng pagtatalo ay lumitaw na mapaglalang na simple lang: Paskua vs. Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga isyung nakataya, gayunman, ay napakalaki. Ang tanging paraan upang malaman kung nagaganap ang Paskua ay ang paggamit ng Biblikal na kalendaryong luni-solar . . . ” (eLaine Vornholt & L. L. Vornholt-Jones, Calendar Fraud, p. 49)
“Itong mga pagtatalo ay nagpabalisa sa mga simbahan sa Asya simula pa nang panahon ng obispo Victor ng Roma, kung saan ay matinding nagmalupit sa mga simbahan sa Asya na sumusunod sa ‘ika-14 na araw ng erehiya’ sa tawag nila, tumutukoy sa Paskua. . . . Ang mga sumusunod na pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay nararapat munang ipagsulit na nakahiwalay mula sa tiyak na pagkalkula ng mga Hudyo.” (Grace Amadon, Report of Committee, Part V, Sec. B., p. 17.)
Narito ang tunay na kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay. Ang araw ng Linggo ay napanatili bilang araw ng pagsamba dahil sa Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ito ay inangkin na ang Tagapagligtas ay muling nabuhay noong araw na iyon. Dahil dyan, ito’y ipinalagay na ang araw bago mag-Linggo ng Muling Pagkabuhay, ang Sabado, ay ang ikapitong araw ng Sabbath.
Sa ngayon, ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado, sa halip na sa ikapitong araw ng Sabbath ng Bibliya. Gayunman, ang mga iskolar na Hudyo ay umamin na ang kalendaryo na ginagamit sa pagsamba ngayon ay hindi kagaya ng ginagamit noong ng panahon sa Bibliya:“Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot . . . .” (“Holidays,” Universal Jewish Encyclopedia, p. 410.)
Ang mga Hudyo ay umabot sa matinding pag-uusig kasunod ng desisyon ng Konseho ng Nicea na isantabi ang paraan ng mga Hudyo sa pagtiyak ng tamang araw na naging dahilan kung bakit hindi na nila ginagamit ang kalendaryong itinuro ng Bibliya.
“Ang deklarasyon ng susunod na buwan sa pagmamasid sa bagong buwan, at bagong taon sa pagdating ng tagsibol, ay maaari lamang na magawa ng Sanhedrin. Sa panahon ni Hillel II [ika-4 na siglo A.D.], . . . ang mga Romano ay ipinagbawal ito.” (“The Jewish Calendar; Changing the Calendar,” http://www.torah.org.)
Ang mga iskolar na Hudyo ay nauunawaan na ang Kristyanismo ay malayang humakbang sa kanilang pina-ugatang Bibliya noong ang paganong Pasko ng Pagkabuhay ay ipinalit sa totoong Paskua.
“Sa Konseho ng Nicea [Nicæa], ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong araw ng Paskua ng mga Hudyo, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at naayon Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap nito ang pagtalima ay dapat na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa kalendaryo ng mga Hudyo.
“[Si Emperador Constantine ay nagpahayag], Parang alangan na higit pa sa panukala na sa pinakabanal ng kapistahan dapat naming sundin ang mga kaugalian ng mga Hudyo. Simula ngayon hanggang sa susunod pa na huwag tayo magkaroon ng pagkakawig sa mga kasuklam-suklam na mga taong ito; ang ating Tagapagligtas ay nagpakita sa atin ng iba pang landas. Ito ay katunayan na walang katotohanan kung ang mga Hudyo ay may kakayahang magmalaki na wala kami sa posisyon upang ipagdiwang ang Paskua nang walang tulong ng kanilang mga panuntunan ([oras] kalkulasyon).” (Heinrich Graetz, History of the Jews, The Jewish Publication Society of America, Vol. II, pp. 563-564, binigyang-diin.)
Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang pagtakpan para sa isang pinakamalaking panlilinlang sa lahat ng kapanahunan: isang pagbabago ng kalendaryo kung saan itinatago ang totoong araw ng muling pagkabuhay at ang ikapitong araw ng Sabbath. |
Ang katunayan ay, ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang pandaraya. Ito ay hindi ang araw kung saan ang Tagapagligtas ay bumangon mula sa libingan. Gayon ang araw ng Sabado ay hindi rin ang ikapitong araw ng Sabbath ng Bibliya. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay lagi at palaging isang paganong kapistahan ng pagkamayabong. Ito ay ipinalit para sa Paskua ni Yahuwah sa Konseho ng Nicæa noong ika-apat na siglo kung kailan ang Simbahan ng Roma ay nagpasya na isantabi ang paraan ng pagkalkula ng oras ng mga Hebreo.
Ngayon, sa huling henerasyon na ito, ang katotohanan ay naibalik na. Para sa lahat ng nagnanais na ipahayag ang kanilang pagpapahalaga para sa kamatayan ng Tagapagligtas ay gugunitain ito sa araw kung kailan Siya namatay: ang Paskua. Ito ay maaari lamang na makalkula sa pamamagitan ng orihinal na kalendaryo ng Paglikha. Anumang iba pang pagtalima ay nagbibigay karangalan kay Satanas, na nagtakda sa kanyang sarili sa pagsalungat sa Langit.
Ngayon ay maaari kang pumili kung anong araw ang kumakatawan sa iyong mga paniniwala – Paskua o Pasko ng Pagkabuhay.
Maaari kang pumili kung aling kapangyarihan ang nais mong bigyan ng karangalan at pagsamba: ang Tagapagligtas o ang Kanyang kalaban, si Satanas.
Maaari kang pumili kung aling araw, kinakalkula sa pamamagitan ng kung anong kalendaryo, ini-aalay ang iyong pagsamba.
Ang pagpili ay nasa sa iyo.